Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

CINEMATOGRAPO a. Mahusay ba ang mga anggulong kinunan?

Ang mga anggulong kinunan sa pelikula ay masasabing mahusay dahilan sa ito ay nakapagbibigay ng impact sa mga manunuod. May mga anggulong kinunan ay nakadaragdag sa kilig ng mga manunuod tulad nalamang ang pagpopokus ng kamera sa bida. b. Naipakita ba ng kamera shots ang mga bagay o kaisipang gusting palutangin? Masasabing naipakita ng mga kamera shots ang mga bagay o kaisipang nais palutangin sa pelikula tulad na nga lamang ng pagbibigay kilig at saya sa mga manunuod. Sa bawat pag-fokus ng kamera sa mga bida ay nakakapagbigay ng mas matinding impak sa manunuod. c. Kumunekta ba ang kamera shots sa daloy ng istorya? Lahat ng kamera shots na kinunan sa pelikula ay masasabing kumukonekta sa daloy ng istorya, simula sa kamera shots dito sa Pilipinas (Ilocos) hanggang sa Thailand na naging dahilan upang mas mapukaw ang atensyon ng mga manunuod sa kanilang makikitang mga eksena. d. Ang lente bay na-adjust para sumunod sa galaw ng aktor? Ang lente ng kamera ay masasabing na-a-adjust ng tama o naaayon sa galaw ng mga aktor lalo na kapag pino-fokus ang mukha ng lalaking bida (Mario Maurer) na nakakapagdagdag sa kilig sa mga manunuod. ASPEKTONG TEKNIKAL a. Nakapag-kreayt ba ng emosyonal impak ang musika (sound)? Ang theme song ng musika ay pinamagatan ding Suddenly its magic na inawit ni Angeline Quinto na mas nakapagbigay kilig sa mga manunuod dahil sa mensaheng nais ipahatid ng musikang ito. b. Akma ba ito sa pagpapalit-palit ng eksena? Masasabing ang ginamit na musika ay akmang-akma sa pagpapalit ng eksena dahil ang tema ng musikang ginamit ay kapareha ng tema ng pelikula, ito ay mas nagbigay ng ganda at kulay sa pelikula. c. Ang ilaw ba at tunog ay koordineyted upang umakma sa mood ng eksesna? Ang ilaw at tunog ay masasabing koordineyted at akma sa mood ng eksena, halimbawa na nga lamang sa huling bahagi ng pelikula kung saan

nagtagpo muli ang bidang lalaki (Mario Maurer) at bidang babae (Erich Gonzales). Ang ilaw at tunog na ginamit ay mas lalong nakapagbigay ng kilig at tuwa sa mga manunuod dahil sa magandang katapusan ng istorya. d. Mahusay ba ang ginawang editing? Ang mga pinagdugtung-dugtong na kinunang eksena o shots ba ay nakabuo ng isang matinong pelikula? Baka naman may mga lapses o pagkukulang ito? Masasbing ang ginawang editing at pagdudugtung-dugtong ng mga eksena sa pelikula ay napakahusay dahilan ng pagkabuo ng isang matino at napakagandang pelikula na naghatid sa mga manunuod ng kilig at tuwa. TEORYANG PAMPANITIKAN a. Anu-anong mga uri ng teorya ang nauugnay sa pelikulang sinuri? Romantisismo Ang pelikula ay tumatalakay sa pag-ibig. Ang bidang babae na sa una ay sinasabing broken hearted ngunit ng makilala niya ang bidang lalake ay nagkaroon siya ng pagkakataon na muling umibig at ito ay nakapag-bigay sakanya ng pagkakataon na maging matatag. Realismo Ang mga pangyayari sa pelikula ay masasabing maaring maiugnay sa mga pangyayari sa totoong buhay o sa pangkaraniwang buhay ng tao sa lipunan. Ang bawat tao sa lipunan ay nagkakaroon ng pagkakataon na magmahal, magparaya at masaktan.

You might also like