Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Kabanata I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1.1 Panimula Kailanman, hindi matatawaran ang gampanin ng edukasyon bilang

pangunahing salik sa pag-unlad ng sarili at ng pangkalahatang aspeto ng buhay ng isang tao. Ito ang susing tagapagbukas ng kanyang kinabukasan isang maunlad na kabuhayan at masayang pamumuhay. Ngunit, ang pagtamo ng mataas na antas ng edukasyon ay hindi nagaganap sa medaling paraan at maikling panahon. Bawat mag-aaral ay responsable sa pagpapamalas ng puspusang pagsisikap sa pagkatuto ng ibat-ibang kasanayan Kaugnay ng pagkatuto, ang pagbasa ay isa sa mga lubhang mahalagang kasanayan. Ito ay isang paraan ng pagkilala, pagpapahalaga at pagtataya sa mga simbulong nakalimba (Austero et al. 199). Ayon pa kay William Gray (sa Bernales et al. 2000 ), ang pagbasa ay isang prosesong pangkaisipan. Sa

tuwing nagbabasa ang isang indibidwal , hinahamon niya ang kanyang sarili na lohikal na mag-isip .Samakatwid, ang ganap na kakayahan sa pagbasa ay katumbas ng pag-unlad na rin ng antas ng edukasyon. Mapapansin na ang mga mag-aaral na may malawak na kaalaman at pananaw sa ibat -ibang displina, partikular na sa komunikasyon ng pagsasalita at pagsulat, ay nagtataglay ng matatas na kakayahan sa pagbasa. Gayunpaman, sa kabila ng kaunlaran na maaaring maidulot ng pagbasa, marami pa ring mag-aaral na salat ang kasanayan dito. Nakababahala ang patuloy na paglobo ng bilang nila na mabagal at mahina umunawa ng binabasa.Bahagi ng suliraning kaugnay ng mahinang komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-aaral ay nakasalalay sa kanilang mga istratehiya o pamamaraan. Ang mga teknik na ito, na naglalayong matamo ang maayos at epektibong pagbasa, ay produkto ng naituro ng mga tagaplano ng kurikulum at mga guro. Subalit, nakakalungkot sabihin na marami pa ring mag-aaral ang salat sa mga istratehiya na maaari sanang makatulong sa paglutas sa anumang suliranin sa pagbasa. Ngunit, higit na nakababahala na ang mga mag-aaral ng tersarya ay nangunguna sa pagbuo ng malaking bahagi ng problemang ito. Kapuna-puna na ang mga estudyante ng unang taon sa kolehiyo ay may mahinang kasanayan sa

pagbasa na dulot na rin ng mahinang punda syon na naitayo noong silay nasa sekondarya at elementarya. Buhat ng suliraning ito, sila ay karaniwang hindi handa sa mga gawaing nangangailangan ng malawak na kasanayan. Mula rito, nabuo ng mga kasalukuyang mananaliksik ang konsepto ng paggawa ng isang pag-aaral na tutukoy sa mga istratehiya sa pagbasa ng mga mag-aaral ng unang taon ng Pamantasang Normal ng Pilipinas. Ang pagtukoy sa mga pamamaraan nila sa pagbasa ay makakatulong sa pagtiyak ng antas ng kanilang komprehensyon. Sa pangkalahatan, ang pag-aaral na ito ay magkapagdudulot ng malaking tulong sa mga mag-aaral , sa mga guro, sa mga tagapamahala ng pamantasan, at maging sa mga mga tagapagbalangkas ng kurikulum at iba pang pananaliksik sa hinaharap.

1.2 Mga Layunin ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtukoy ng mga istratehiya ng mga mag-aaral ng unang taon ng Pamantasang Normal ng Pilipinas sa paglinang ng pag-unawa sa pagbasa. Isinaalang-alang din ang mga sumusunod na mga tiyak na layunin: 1. Matukoy ang mga istratehiya ng mga mag-aaral ng unang taon ng Pamantasang Normal ng Pilipinas bago bumasa, habang bumabasa, at pagkatapos magbasa. 2. Makapili ng uri ng babasahing makakahikayat sa matatas na antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral ng unang taon ng Pamantasang Normal ng Pilipinas. 3. Matiyak ang ugnayan ng mga istratehiya sa pagbasa ng mga magaaral ng unang taon ng Pamantasang Normal ng Pilipinas at ang kanilang antas ng komprehensyon. 1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral Isang mahalagang bahagi ang kasanayan sa pagbasa sa buhay ng isang mag-aaral sapagkat itoy gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan. At ang sapat na kakayahan sa pagbasa ay magiging kaagapay niya sa pakikipagsapalaran sa buhay. Ang paglinang ng kasanayang ito ay nakasalig sa kanyang mga pamamaraan sa pagsasagawa nito. Ngunit, karamihan sa mga mag-aaral, na karaniwan ay nasa kolehiyo, ay tila mahina pa rin ang pag-unawa sa pagbasa.

Sa pag-aaral na ito, ang pangunahing layunin ay tukuyin ang mga istratehiya ng mga mag-aaral ng unang taon sa Pamantasang Normal ng Pilipinas na nakakatulong sa pagpapaunlad ng kanilang pag-unawa sa pagbasa. Sa pangkalahatan, ito ay magsisilbi bilang suplementong kaalaman patungkol sa mabisang pagbasa para sa mga bumubuo ng sektor ng edukasyon. Sa mga mag-aaral, ang pananaliksik na ito ay magbibigay pagkakataon sa kanila na masukat ang lawak ng kakayahan ng mga istratehiyang ginagamit tungo sa paglinang ng pag-unawa sa pagbasa. Sa mga guro, ang resulta ng pag-aaral ay magsisilbing hulwaran sa pagbuo ng mga pagsasanay na magpupunan sa mga di-epektibong

pamamaraan ng mga mag-aaral sa pagbasa. Sa mga administrador ng pamantasan, ito ay maghihikayat sa kanila na ganyakin ang kanilang mga guro na gumawa ng mga angkop na gawain na makakatulong sa pagpapalawak ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa. At huli, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay sa mga mananaliksik sa hinaharap ng karagdagang kaalaman upang makabuo ng mga panibagong istratehiya tungo sa mabisang pagbasa. 1.4 Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pagtukoy ng mga istratehiya ng mga mag-aaral sa unang taon ng Pamantasang Normal ng Pilipinas, sa taong panuruang 2012-2013, sa paglinang ng antas ng pag-unawa sa pagbasa. Ang pamamaraang ginamit sa pagsasagawa ng pag-aaral ay

experimental na disenyo ng pananaliksik. Itoy

paraan upang tugunan ang

pangunahing layunin ng pag-aaral na tiyakin ang ugnayan ng mga pamamaraan ng mga mag-aaral sa kanilang antas ng kasanayan sa pagbasa. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay binubuo ng 100 random na magaaral sa unang taon ng nabanggit na pamantasan. Ang mga mag-aaral ay binigyan ng pagsusulit na naglalaman ng piksyon at di-piksyon na babasahin upang masukat ang kanilang kasanayan sa pagbasa. Kaakibat nito, saklaw rin ng pag-aaral na matukoy ang uri ng babasahin na nakakahikayat ng mataas na antas ng kasanayang komprehensyon. Huli, isang tseklist ng mga istratehiya bago bumasa, habang nagbabasa, at matapos magbasa.maaaring ginamit ng mga mag-aaral sa pagsagot ng pagsusulit.

1.5 Kahulugan ng mga Termino Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga salita o terminolohiya sa pagpapaliwanag ng ibat-ibang nilalaman at kaisipan na nakapaloob sa pag-aaral na ito. Di-piksyon- ay isang paglalahad, pagsasalaysay, o kinatawan ng isang paksa na inihaharap ng isang may-akda bilang katotohanan.

Istratehiya- ay ang maingat o masusing pagplaplano ng mga maaksyong bagay para makamit ang nais na mangyari

Komprehensyon- ito ang pagkakaunawa sa mga kaisipang inihahatid ng mga nakalimbag na simbolo

Kaalaman - kakayahang nakukuha ng isang tao sa pamamagitan ng karanasan o pag-aaral.

Kakayahan- ito ang estado ng pagpapakita ng mga bagay na kayang gawin ng isang tao.

Kasanayan- isang kakayahan at kapasidad na nagmula sa sinadya, maparaan, at patuloy na pagsusumikap.

Pagbasa - isang proseso o paraan ng pagkuha ng ideya, informasyon o kahulugan sa mga simbulong nakalimbag.

Paglinang- ito ay ang pagpapaunlad ng kasanayan .

Pag-unawa- ito ay tumutukoy sa antas ng pagkakaintindi sa isang bagay.

Piksyon- ay isang literatura na kathang-isip lamang ng may-akda

Kabanata II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Sa kabanatang ito, inilahad ang mga babasahin o literature at pag-aaral na kaugnay ng paksa ng kasalukuyang pananaliksik. 2.1 Kaugnay na Literatura

You might also like