123

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Polytechnic University of the Philippines College of Arts DEPARTMENT OF HISTORY Sta.

Mesa, Manila MGA TANONG SA HULING PAGSUSULIT (ORAL) SA BUHAY, MGA GAWA, AT KAISIPAN NI RIZAL (Hist1023) G O O D L U C K !

1. Magbigay ng mga kongkretong halimbawa kung paanong ang mga sumusunod ay nakatulong sa paghubog sa pagkatao ni Rizal: a. ang kanyang pamilya at bayan ng Calamba b. ang kanyang mga karanasan bilang mag-aaral sa Binan, Ateneo at U.S.T. 2. Paghambingin ang prinsipalya at masa ng lipunang Pilipino noong panahon ni Rizal. Sa kasaysayan ng Pilipinas, ano ang naging pangkalahatang papel ng bawat panig? 3. Ano ang kahulugan ng liberalismo? Paano isinulong ng GOMBURZA at nang iba pang makabayang Pilipino ang naturang kaisipan? 4. Talakayin ang pagpatay sa tatlong paring martir. Totoo bang may kinalaman sila sa pag-aalsa sa Cavite? Gaano katibay ang ebidensiya at katotoo ang paglilitis laban sa kanila? 5. Ipaliwanag kung paanong ang mga Kastilang prayle ang itinuturing na una at huling mga Espanyol sa Pilipinas? 6. Suriin ang pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Paanong naging madali ang kanilang pagsakop sa mga Pilipino? Anu-anong mga dahilan ang nagbigay-daan sa mabilis na pagsakop ng mga ito? 7. Talakayin ang isyu ng Sekularisasyon. Ano ang matibay na argumento ng mga sekular na paring Pilipino tungkol dito? 8. Ano ang Kilusang Propaganda? Gaano katibay ang samahan ng mga Pilipino sa kilusang ito? Magbigay ng mga kongkretong halimbawa upang patunayan ang sagot. 9. Ibigay ang pagkakatulad o pagkakaiba ng La Liga Filipina at Katipunan ayon sa mga sumusunod na pamantayan: a. istrukturang pulitikal

b. uri ng kilusan at mga hangarin c. mga hakbang tungo sa pagkamit ng kalayaan. 10. Ugatin at ipaliwanag ang pagbabago sa pananaw ni Rizal mula bilang isang repormista tungo sa pagiging isang radikal. Anu-ano ang mga dahilan ng kanyang pagbabago? 11. Ayon sa mga historyador na tumutuligsa kay Rizal, ang La Liga Filipina ay eksklusibo lamang sa mga ilustrado at ang Katipunan ay sa mga masang Pilipino. May katuwiran ba ang ganitong pananaw? 12. Talakayin ang kahulugan ng nasyonalismo ayon sa karanasan ng Pilipinas. Ano ang naging papel na ginampanan ng mga ilustrado at ng masa sa pagsulong ng nasyonalismong Pilipino? Magkatuwang ba ang dalawang puwersang ito ng lipunan? 13. Talakayin ang sigalot na nabuo sa pagitan nina Rizal at del Pilar. Ano ang naidulot nito sa Kilusang Propaganda? Alin sa magkaibang kagalingang pambayan na isinulong ng mga ito ang higit na makabuluhan para sa kalagayan ng Pilipinas ng mga panahong iyon? Ibatay ang sagot sa mga partikular na pangyayaring nagpakita sa tunay na kalagayan ng bansa. 14. Ayon kay Agoncillo at Constantino, gayundin ang kanilang mga kaanib, si Rizal ay itinatuwa ang rebolusyon ng ito ay sumiklab noong 1896 na nangangahulugang Pagtalikod sa masang Pilipino at bansa. May katotohanan ba ang paratang na ito? Anu-ano ang nagging basehan ng mga manunulat na ito sa pagsasabi ng gayon? 15. Ibigay ang mga matibay na dahilan kung bakit si Rizal ay sumasang-ayon sa rebolusyon bilang epektibong instrumento sa pagkamit ng kalayaan? 16. Anu- anong mga katibayan ang nagpapatunay na si Rizal ay hindi itinatuwa ang rebolusyon nang ito ay sumiklab. Ang kanya bang hangaring magpunta sa Cuba ay nangangahulugang pagtakas sa mga paratang laban sa kanya? Pangatuwiranan. 17. Ano ang kahulugan ng bayan ayon sa pananaw ni Rizal? Salungat sa konsepto ng estado ng Kaliwanagan (Enlightenment), paanong ang bayan ayon sa pananaw ni Rizal ay mas epektibong istruktura ng lipunan? 18. Paano ipinakita ni Rizal ang kanyang konsepto ng bayan sa pamamagitan ng kanyang Borneo Colonization Project, pamamalagi sa Dapitan, at sa Kabanata VII ng El Filibusterismo? May katuturan ba ito sa kanyang panahon?

19. Ipaliwanag kung bakit si Rizal ang pangunahing tagapagtaguyod ng nasyonalismong Pilipino? Anu-ano ang kanyang mga kontribusyon na pumukaw sa damdamin ng maraming Pilipino nang kanyang panahon? 20. Suriin kung makatotohanan ang mga sumusunod na isyu kay Rizal. Ibatay ang pagsusuri sa mga matibay na testimonya o lohikal na pagsusuri ng mga eksperto tungkol dito. a. retraksiyon ni Rizal b. pagbabalik-loob sa relihiyong Katoliko c. pagpapakasal kay Josephine Bracken 21. Bagamat si Rizal ay malakas na tagapagtaguyod ng policy of separaton ano ang dahilan kung bakit hindi niya tuluyang tinalikuran ang paghingi ng reporma (maliban sa policy of assimilation ni del pilar). Anu-ano ang maitutulong ng mga ito sa pagsulong ng kalayaan laban sa Espanya? 22. Talakayin ang kamatayan ni Rizal. Ihambing ito sa kamatayan ng mga GOMBURZA. Paanong ang kanyang kamatayan ang nagpabagsak sa rehimeng Kastila sa Pilipinas? 23. Ilarawan ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga Kastila. Paano ito inilarawan ni Rizal sa kanyang dalawang nobela? 24. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga nobelang Ninay at La Loba Negra sa Noli Me Tangere? Paanong ang Noli ay higit na makapagbibigay ng kaliwanagan kaysa sa unang dalawang akda? 25. Anu-anong uri ng rebolusyon ang HINDI sinasang-ayunan ni Rizal? Bakit? Paano niya ito ipinakita sa kanyang dalawang nobela? Ano sa makatuwid ang kanyang sinasang-ayunan? 26. Paanong ang masang Pilipino, pagkatapos ng kamatayan (pagiging martir) ni Rizal, ay inihalintulad ang bayani kay Kristo kung kayat siya ay tinawag na Kristo ng Tagalog? Kung pagbabatayan ang kahalagahan ni Rizal sa masa, may katuwiran ba ang ganitong pananaw? Bakit? 27. Ipaliwanag ang pagkabigo ng pagbuo ng isang malayang bayan (bayan ayon sa pananaw ni Rizal) sa pagdating ng mga Amerikano. Anu-anong mga hakbang ang isinagawa ng mga huli upang tuluyan tayong mapasailalim sa kanila? 28. Magbigay ng ilang dahilan kung bakit ang pagtatangkang pagbuo ng bayan ay nabigo sa pagdating ng mga Amerikano. Ibatay ang paliwanag ng mga dahilan sa mga aktuwal na pangyayari noong 1898 hanggang sa mga unang taon ng kanilang pamamahala.

29. Sa tulang Mi Ultimo Adios, paano masasalamin ang pagkiling ni Rizal sa Rebolusyon? Paanong ang tula ay tinangkilik at nagsilbing gabay ng mga rebolusyonaryo sa kanilang pakikipaglaban? 30. Ang Noli Me Tangere ay nagpapakita ng mga sakit ng lipunan na dapat alayan ng solusyon. Anu-ano ang mga sakit ng lipunan ayon sa mga sumusunod na tauhan at institusyon: a.) Crisostomo Ibarra b.) basilio c.) Donya Victorina d.) Maria Clara e.) Padre Damaso at Padre Salvi f.) kaparian g.) pamahalaan h.) mga Pilipino. 31. Ang El Filibusterismo ay tumutukoy sa posibleng solusyon sa mga sakit ng lipunan. Paano ipinakilala ni Rizal ang mga ito ayon sa mga sumusunod na tauhan: a.) Simoun b.) Basilio c.) Kabesang Tales d.) Padre Florentino 32. Paghambingin sina Ibarra at Elias. Alin sa kanila ang may mas makatutuhanang balakin? Ano ang sinabi ni Rizal ukol sa kanyang dalawang tauhang ito? 33. Ang dalawang nobela ni Rizal ay kakikitaan ng mga simbolismo. Magbigay ng ilang mahahalagang institusyon sa kasaysayan ng Pilipinas na isinabuhay ng mga sumusunod: a.) Sisa b.) San Diego c.) Bapor Tabo d.) Sementeryo ng San Diego. 34. Ugatin ang mga dahilan ng pagkutya ni Rizal sa pag-uugali, lalo na ng mga babaeng Pilipino nang kanyang panahon ayon sa kanyang mga sumusunod na tauhan: a.) Maria Clara b.) Donya Victorina at Donya Consolacion c.) Sisa. Ihambing ang mga ito sa mga dalagang taga-Malolos. 35. Maliban sa Mi Ultimo Adios, pumili ng dalawang tula at ipaliwanag ang saloobin ni Rizal na nakatala dito. Sa iyong pananaw, may katuturan ba ang mga saloobing nabanggit sa kanyang panahon at ating panahon? Pangatwiranan? 36. Ano ang pananaw ni Rizal sa edukasyon? Suriin ito sa pamamagitan ng kanyang pagpapakilala sa mga sumusunod: a.) guro ng San Diego sa Noli b.) Padre Millon sa El Fili c.) Pagpapatayo ng Academya ng Wikang Kastila sa El Fili. Ihambing ang mga ito sa kanyang ideya na nakapaloob sa kanyang tulang Por La Educaccion Recibe Lustre La Patria; sa pagpaplano ng paaralan ng mga Pilipino sa Hongkong; at nang kanyang paraan ng kanyang pagtuturo sa Dapitan. 37. Sa sanaysay na Filipinas Dendro de Cien Anos, anu-ano ang mga sinabi ni Rizal tungkol sa mga naganap na at magaganap pa lamang sa bansa? Bakit ayon sa kanya, ang mga Pilipino ay mapipilitang kumilos kung ang mga pagbabago ay tikis na ipagkaloob? Talaga bang ang mga Pilipino ay likas na mga tamad ayon sanaysay na La Indolencia de los Filipinos?

38. Ang tulang A La Juventud Filipina ay isang panawagan sa mga kabataan. Ano ang panawagan ng may-akda sa mga kabataan? Totoo bang ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan? Bakit at paano? Ihambing ito sa diwang ipinahayag ni Rizal sa pamamagitan ni Padre Florentino sa Nobelang El Filibusterismo. 39. Ipaliwanag ang kaugnayan sa kasaysayan ng Pilipinas ang sinabi ng naghihingalong si Elias [sa huling kabanata ng Noli]: Mamamatay akong hindi masisilayan ang pagbubukang-liwayway sa aking inang-bayan. Kayong makakakita nito, batiin ninyo siya at huwag ninyong kalimutan kaming mga nalugmok sa dilim ng gabi. Sipiin ang kahalagahan nito sa kasalukuyang panahon. 40. Talakayin ang mga sumusunod na tagpo at suriin kung sino sa mga tauhang nabanggit ang may makatotohang katuwiran: a. pag-uusap nina Ibarra at Elias sa Kabanata Pamamaril sa Lawa ng Noli b. pag-uusap nina Simoun at Basilio sa gubat sa El Fili c. pag-uusap nina Simoun at Padre Florentino sa El Fili 41. Sa mga pagsusulatan nina Rizal at Fr. Pastells, ano ang paksang kanilang pinaguusapan? Anu-ano ang mga argumento ni Rizal tungkol dito? Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga ito? 42. Sa iyong pag-aaral ng kursong Buhay, mga Gawa, at Kaisipan Ni Rizal, paano mo bibigyan ng katuturan ang mga sumusunod: a. pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan b. tungkulin ng pamahalaan sa mga mamamayan c. bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa pagbuo ng matiwasay at maunlad na bayan o bansa. K A T A P U S A N Inihanda ni:

Prop. Mc Donald Domingo M. Pascual Guro, PUP Departamento ng Kasaysayan

Revised: February 7, 2003 Copyright by Prof. Mc Donald Domingo M. Pascual

You might also like