DEBUT DEsisyong maBUTi?

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

DEBUT = DEsisyong maBUTi?

Isang sulating pananaliksikl nina


Tahmina R. Abrena, Erika Angeline Z. De Leon, Irene Lucille E. Enrile,
Anna Gabriela A. Guingon, Bena Trica A. Palaganas
Mula sa patnubay ni Gng. Zendel M. Taruc, M.Ed.
Klase ng 1-2, UST Kolehiyo ng Narsing
T.A. 2008-2009

Panimula
Ang debut noong unang panahon at hanggang ngayon ay isang inaabangang okasyon ng mga
dalagang Pilipina. Ito ay isang sinyales na ang isang dalagang Pilipina ay magiging isang ganap na
babae sa pagtungtong niya ng tamang edad. Sila ay naghahanda ng magarbong selebrasyon para sa
kanilang mga kapamilya at mga kaibigan sa lipunan para mapakilala sa lahat ang kanilang anak.

Maraming ibang katawagan sa debut sa iba’t ibang bansa. Ang iba rito ay hindi
rin mismong idinadaos ang debut sa ika-18 kaarawan. Ang iba ay sa pagtungtong
nila ng ika-15 taong gulang katulad ng sa mga espanyol na ang tawag nila ay
quinsenetta. Sa America naman ay ika-16 taong gulang at ang tawag ay sweet
sixteen. Masasabi natin na malayo ang pinanggalingan ng mga okasyong ito. Ito ay
nababatay sa mga kulturang nakasanayan ng mga tao sa bawat bansa.

Sa lipunan ay may iba’t ibang estado ng pamumuhay ang mga tao. Ang iba’y mahirap, iba’y
may kaya, at ang iba naman ay mayaman. Alinsunod sa mga kauganay na babasahin, panayam, at
sarbey, naglalayon kami, sa pamamagitan ng pamanahong papel na ito, na matukoy kung saang
estado ng pamumuhay kadalasang nabibilang ang mga dalagang nagdidiwang ng debut o nais
magdiwang nito. Nais din nilang malaman ang iba’t ibang paraan ng pagdiwang nito ng mga dalaga na
nasa karaniwang estado. Panghuli, nais nilang matukoy ang mga positibo at negatibong epekto ng
pagdiwang ng debut sa kasalukuyan at kung ano sa dalawa ang mas mabigat.

I. Mga Kaugnay na Babasahin o Literatura


A. Ang Debut
Ang debut ay isang pinakahihintay na okasyon ng mga
kababaihang Pilipino. Ito ay isang selebrasyon ng pagiging isang
ganap na dalaga ng isang debutante.(Hibionda, 2000) Ito rin ay
isang masayang selebrasyon kung saan mayroong kainan,
programa, sayawan, at katuwaan. Kahit na ang ipinagdiriwang ay
ang kaarawan ng isang tao lamang, ito’y nagiging kasiyahan na
rin ng mga dumadalo. Ang mga malalaking selebrasyon na tulad
nito ay nakapagdudulot ng bagong pakikipagkaibigan sa kanila.
Sa panahon noong ang pagdiriwang ng debut ay grande at para lamang sa mga
mayayaman.(Hibionda, 2000) Ngunit sa ngayon, kahit sino ay nagdidiwang na nito, may kaya man o
wala.(Tan, 2008) Ang mga dalagang nagdidiwang nito ay handang maglaan ng pera’t oras para lamang
makahanap ng mamahaling damit, magandang lugar, masasarap na pagkain, at kung anu-ano pa
upang masabi lamang ng mga tao na kanya ang pinakamagandang selebrasyon ng debut.(Reyes,
2005)

1
Pagdiwang ng Debut
Sa panahon ngayon, hindi na kailangan ng maraming pera ng
debutante upang siya’y makapagdiwang ng kanyang debut. Halos lahat
ng kababaihan ngayon ay pwedeng magdebut nang kahit simple lamang
ang handa at kaunti ang bisita. (Tan, 2008) Ngunit ang paraan ng
pagdiwang ng debut ngayon ay na-iimpluwensya ng iba-ibang factors,
katulad na lamang ng peer pressure at media, mga bagay na mahirap
iwasan dahil ito’y pumapaligid sa kanila. Kaya’t kahit hindi na kailangang
bongga ang isang debut, marami pa rin sa kanila ang nagpupumilit
magdiwang ng isang malaking handaan, kahit hindi nila makakaya o kaya’y hindi maganda ang
kanilang financial status.(Tan, 2008) Ang kanilang iniisip ay isang beses lamang ito mangyayari sa
kanilang buhay kung kaya’t maaaring pagkagastusan ng malaking halaga. (Smith, 2008) Hindi lamang
ang mga desisyon ng mga debutate ang naapektuhan ng mga ito, kundi
paminsan ay pati na rin ang mga desisyon ng kanilang mga magulang. Dahil
masyadong pinagtutuunan ng pansin ang grandeng paghahanda sa lugar,
pagkain, dekorasyon, at iba pa na kailangan sa selebrasyon, hindi na
nakokonsidera ang budget at sila’y lumalampas at nakakagastos ng malaki.
Nakakalimutan nila na ang pera ay isang importanteng bagay at hindi napupulot
kung saan-saan lamang. Sa mga mas malalang sitwasyon ay pinangungutang
ang gagastusin sa debut at kung paminsan pa ay hindi mabayabayaran kung
kaya’t malulubog sa utang.(Tan, 2008)
Ang debutante at
ang kanyang keyk

Ang pagiging di praktikal ng pagdiwang ng isang debut ay makikita sa istorya ni Triza


Conception na nakuha sa ikalabinganimnapu’t walong issue ng Candy Magazine. Si Triza, isang mag-
aaral sa La Consolacion Manila na may katamtamang pamumuhay, at ang bunso sa tatlong
magkakapatid na lahat ng kanyang kapatid ay lalaki. Ang kanyang kaarawan ay noong Septembre 10,
2003. Ninais niyang magkaroon ng debut at ito’y kanyang sinabi sa kanyang mga magulang dalwang
buwan bago ang kanyang kaarawan. Nang pumayag ang mga ito ay agad na pinagplanuhan at
pinagkalat sa mga kaibigan. Ang kanyang gusto sana ay isang malaking selebrasyon na gaganapin sa
Manila Peninsula Hotel. Siya rin ay gumawa na ng mga paanyaya at ipinamigay. Isang araw ay
kinausap siya ng kanyang mga magulang at sinabi sa kanya na ang kanyang debut ay hindi maaaring
lumampas ng P100,000 at ito ay gagawin sa kanilang tahanan lamang. Mahirap na raw ang buhay at
tatlo pa silang pinag-aaral sa kolehiyo. Napaiyak si Triza at siya’y nagwala dahil nasabi na niya sa
kanyang mga kaibigan at siya’y mapapahiya. Dahil naawa sa kanya ang kanyang mga magulang ay
ginawan ito ng paraan ng kanyang ama. Ang kanyang ama ay kumuha ng loan na babayaran buwan-
buwan sa bangko at ang kanyang debut ay natuloy. Dahil ang kanyang debut ay mahigit P400,000,
nahirapan ang kanyang ama na katamtaman lang ang kinikita sa pagbayad at sila’y nagtipid ng
lubusan. Pinagtrabaho na agad ang kanyang panganay na kuya at ipinagtigil ng isang taon ang
pangalawang kuya para makatipid. Sila’y medyo humirap. Nang mangyari ang mga ito, walang ibang
nagawa si Triza kundi sabihin na sana’y hindi nalang siya nagdebut. (Lagarde, 2003, p. 116)

II. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral

A. Metodolohiya
Sa pagsulat ng pamanahong papel na ito, kami ay gumawa ng panayam sa dalawang tao na
galing sa karaniwang pamilya. Ang isa ay nagdiwang ng magarbong debut at ang ikalawa ay
nagkaroon ng isang simpleng selebrasyon lamang. Nagsagawa din kami ng sarbey bilang dagdag
impormasyon at upang matiyak ang mga impormasyong nakuha nila sa mga babasahin tulad ng
dyornal, artikulo, aklat, magasin at iba pang maaaring pagkunan ng impormasyon tungkol sa paksa. B.

2
Dalawang klase ng sarbey ang ginawa namin. Ang isang klase ay pinasagutan sa dalawampu’t limang
babae at ang isa pang klase ay pinasagutan naman sa dalawampu’t limang inang may anak na babae.
Ang mga babaeng sumagot ay mga nasa unang taon ng kursong Narsing sa Unibersidad ng Sto.
Tomas na may taong labinganim hanggang labingwalong taong gulang.

B. Presentasyon, Interpretasyon at Pagsusuri ng mga Datos

Panayam

Ang unang babae na ipinanayaman namin ay nanggaling sa isang ordinaryong pamilya. Ang
ama niya ay isang sales agent at ang kanyang ina naman ay isang elementaryang guro sa isang
pribadong paaralan. Siya ay nag-iisang anak na babae ng kanyang mga magulang. Siya ay si Rosette
na ngayon ay 19 na at nag-aaral sa De La Salle University. Ang kanyang debut ay naging magarbo
dahil ito ay isang importanteng okasyon sa kanilang pamilya at hindi siya binigyan ng saktong budget
ng kanyang mga magulang. Ang kanyang debut ay umabot ng mga P550,000 at dahil dito ay nagtipid
ang kanilang pamilya sa pangaraw-araw na gastusin. Pati na rin ang pera na nakalaan sa pag-ayos ng
kanilang bahay ay nagalaw. Ito ang naging saloobin ni Rosette pagkatapos ng lahat, natutunan ko na
parang walang silbi na gumastos nang sobra-sobra sa isang gabi lamang. Siguro dapat nagtipid ako.
Halibawa, isa nalang dapat ang aking gown o kinontian ko ‘yung bisita ko. Masyado akong na-excite eh
tapos naimpluwensiyahan din ako ng konti ng ‘peer pressure’. Bongga rin kasi yung mga debut nung
mga kaibigan ko kaya parang gusto ko rin ng ganun. Sa huli, natutunan ni Rosette na ang isang
desisyon ay dapat na pag-isipang mabuti

Ang pangalawang babae naman ay si Elisha Casas, siya ay isang estudyante sa


Unibersidad ng Pilipinas na kasalukuyang dalawampung taong gulang. Siya ay
ipinanganak noog Oktubre 18, 1988. Si Elisha, di tulad ng ibang mga dalaga, ay
hindi nagdiwang ng debut nang siya ay tumapak ng labingwalong taong gulang.
Ang sabi niya ay, kasi nakikita ko na nahihirapan na ‘yung mga magulang ko sa
Elisha Casas mga gastos sa bahay kahit sabihin pang dalawa na silang nagtratrabaho. Eh di
naman talaga kailangan ng debut eh...dagdag gastos lang. Ito naman ang
isinagot ni Elisha sa tanong namin tungkol sa pagkakaroon ng debut, syempre gusto ko ng debut
noong bata pa ko pero habang tumatanda nako, narealize ko na marami pang mas importantang
bagay at saka, mahirap na din kasi ang buahy ngayon. Iba na. Kung gugustuhin ko, siguro papayag
naman sila mama pero nanghihinayang rin ako. Sila’y nag-usap nalang ng kanyang mga magulang
tungkol rito at napagkasunduan na huwag nang magkaroon ng magarbong selebrasyon. Inilagay na
lamang nila sa bangko ang pera na pwedeng magamit sa kanyang debut sapagkat alam nila ang
kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya at ng kanilang pamilya. Kumuha na lamang si Elisha ng
kaunting pera mula rito upang ilibre ang kanyang mga kaibigan sa mall.

Malaki and pagkakaiba ng dalawang dalagang ipinapanayaman namin. Si Rosette ay isang


dalaga na marami pang kailangang matutunan sa buhay. Ang kanyang isipan ay di pa tuluyang bukas
sa katotohanan. Siya’y kailangan patnubayan sa kanyang mga desisyon lalo na ‘yung mga
makakaapektong malaki sa kanyang buhay. Dapat na maihayag sa kanya ang reyalidad o kaya’y siya’y
ma-expose sa hirap ng buhay sa kasalukuyan. Hindi niya ganon kaalam kung ano ang mga bagay na
dapat bigyang pansin o importansiya dahil lahat ng kanyang gusto ay marahil madalas at kayang ibigay
sa kanya ng kanyang mga magulang. Si Elisha naman ay naiiba sa mga nakararaming dalaga.
Makikita na talagang kahit gusto niyang magkaroon ng isang debut ay napagdesisyunan niya agad na
huwag na lamang sapagkat mayroong mga bagay na mas importante dito tulad ng edukasyon at
pagpapawalang bigat sa kanyang pamilya sa mga gastusin. Tiyak na alam ni Elisha kung ano ang mga
dapat pagtuunan ng pansin. Ang mga dalagang tulad niya ay nagdudulot ng malaking ginhawa sa
kanilang mga magulang, di lang dahil mababawasan ang kanilang mga gastusin ngunit dahil wala

3
silang aalahaning mabibigat o importanteng mga bagay. Si Elisha ay isang magandang halimbawa sa
mga kababaihan sa kasalukuyan ngunit sana ay maisip niya na paminsan-minsan ay maaari ring
gumastos kahit na kaunti upang makapagdiwang ng isang importanteng bagay o okasyon lalo na ‘yung
mga minsan lang mangyari sa buhay ng isang tao ngunit bukod dito ay nakatutuwa ring isipin na sa
panahon ngayon, ang ilan sa mga kabataan ay marunong magtipid at maging praktikal sa mga bagay-
bagay.

Sarbey
1. Sarbey na Pinasagutan sa mga Dalaga
"Ikaw ba ay nagdebut?"

12, 12%
32, 32% Oo
Hindi
Hindi pa(May balak)
Hindi pa(Walang balak)
48, 48% 8, 8%

Sa unang pie chart sa itaas, makikita na pinakamarami ang nagdiwang at may balak
magdiwang ng debut. Karamihan din sa mga ito ay nanggaling sa katamtamang pamumuhay. Ang
karamihan din sa kanila ay gumastos at handing gumastos ng P50,000 hanggang P100, 000. Ang
kanila ring mga kinokonsiderang bagay sa pagbuo ng kanilang budget ay magarang lugar, magandang
damit o gown at maraming handa.

2. Sarbey na Pinasagutan sa mga Ina


"Pinayagan o papayagan m o bang magdebut ang iyong anak?"

26%

Oo
Hindi

74%

Sa ikalawang pie chart, makikita na sa mga inang may anak na babae, mas marami ang
pumayag o papayag na ang kanilang mga anak ay magdiwang ng isang debut. Karamihan sa kanila ay
may dahilan na ang debut ay minsan lamang mangyari sa buhay kung kaya’t maaaring ipagdiwang.
Ang sabi rin ng iba ay maari namang magdiwang ng debut dahil pwedeng ipagdiwang ng simple
lamang o may mga limitasyon.

4
3. Sa Parehong Klase ng Sarbey
"Para sa iyo, praktikal pa bang m agdebut?" "Para sa iyo, praktikal pa bang m agdebut?"
Para sa m ga dalaga Para sa m ga ina

38%
43% Oo Oo
57% Hindi Hindi
62%

Sa ikatlo at ika-apat na mga pie chart, masasabing karamihan sa mga sinarbey ay nagsasabing
hindi na praktikal pang magdiwang ng debut sa ngayon. Ang kanilang dahilan ay dahil mas marami
pang importanteng bagay kaysa sa debut at aksaya lamang ng pera. Nasabi nila na kung magdidiwang
man nito ay dapat na simple lamang.

* Ang lahat nang ito ay binase sa sarbey ngunit ang mga bahagdan sa itaas ang tanging ipinakita
sapagkat iyonlamang ang mga kinokonsiderang importanteng mapakita.

III. Konklusyon at Rekomendasyon

A. Konklusyon
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, napag-alaman namin na mula sa mga kaugnay na
babasahin o literatura, ang iba’t-ibang salik na nakakaapekto sa desisyon ng debutante at ng kaniyang
mga magulang tungkol sa kung paano nila idaraos ang debut. Ilan sa mga salik na ito ay peer
pressure, media at estado sa lipunan. Habang nahinuha naman nila mula sa kanilang pangsariling pag-
aaral na totoong madalas na nagdedebut nang magara ang mga kababaihang may katatamtamang
pamumuhay at karamihan ng mga magulang at kabataan ngayon ay praktikal na kung mag-isip. Nasabi
nila ito sapagkat malaking bahagdan ng mga naging respondente nila ang nagsabi na marami pang
mas importanteng bagay na dapat bigyan ng pansin kaysa sa pagkakaroon ng magarbong selebrasyon
ng debut. Marami sa kanila ang nagsabi na kung magkakaroon man sila ng selebrasyon ng debut,
sisiguraduhin nila na hindi lalampas sa budget at hindi sila gagastos ng sobra-sobra para rito.
Napagkonkluda din namin na sa panahon ngayon ay hindi na pratikal para sa isang pangkaraniwang
pamilyang Pilipino na ipagdiwang ang debut sa magarbong paraan sapagkat mahirap na ang buhay at
dumarami na ang nararanasang krisis sa ating bansa. Marami rin ang pangangailangan ng isang
pamilya o ang tinatawag na physiological needs tulad ng pagkain, damit, at edukasyon. Sa panahon
ngayon ay mahirap nang makamtan ang mga ito dahil mahal na ang mga bilihin.

Ang kaso ng dalawang kinapanayam namin para sa sulatin na ito ay ilan lamang sa mga
maraming karanasan sa totoong buhay na konektado sa pagdiriwang ng debut. Si Elisha ay
sumasalamin sa pagiging praktikal dapat na paraan ng pag-iisip ng mga tao ngayon habang si Rosette
naman ay isang halimbawa ng taong nagnanais na makakamit ng kaniyang kagustuhan, partikular na
ang magkaroon ng magandang debut. Subalit, si Rose ay tila sumobra sa karapat-dapat na budget
kung kaya tila naging sanhi ang pagdiriwang niya ng magarbong debut ng hindi kagandahang epekto
sa buhay nila ng kanyang pamilya. Dapat sana ay naging mas praktikal siya.

5
Ang pagdiwang ng debut ay masasabing importante naman talaga. Ang pagiging praktikal nito
at hindi ay nagkakaiba-iba sa bawat tao kung kaya’t ito’y maaari pa ring ipagdiwang. Kung kakayanin
naman talaga o kaya’y may perang maaaring gastusin para dito ay bakit hindi ipagdiwang? Upang
maipahayag ang pagkatanda o mature ng isang dalaga ay tama lang naman na magkaroon ng debut.
Subalit, kung talagang walang wala at hindi kakayaning magkaroon ng magarbong handaan ay huwag
na sanang ipagpatuloy pa ang selebrasyon o kaya’y magkaroon na lamang ng maikling pagtitipon ang
magkakapamilya’t magkakaibigan. Kung iisipin, sa katotohanan, ang tunay na kahulugan ng pagiging
debutante o pagiging labingwalong taong gulang ay ang pagkilala sa bagong kabanata ng kanyang
buhay kung saan mas maraming responsibilidad ang kaniyang kakaharapin at kung saan siya’y
magkakaroon ng mga bagong magagandang karanasan.

B. Rekomendasyon
Totoong nangyayari na ang pagdiriwang ng debut ay nagdudulot ng mas malaking problema
tulad na lamang sa kaso ng isang ipinayaman namin. Nararamdaman lamang ang negatibong epekto
ng isang bagay pagkatapos gawin ito, tulad ni Rosette. Matapos niyang magdebut ay nagipit sila at
kinailangan na sila’y maghigpit. Kung magkakaroon ng ganitong mga okasyon, importante na isaalang-
alang ang budget. Dapat alamin kung hanggang magkano lang ang pwedeng gastusin - ang mga
limitasyon. Sa kaso ni Rosette, dapat sana ay may sinunod siyang budget na ibinigay sa kanya ng
kanyang magulang at binawasan na niya ang kanyang mga gown at mga bisita. Maaari rin sana na
hindi na lang niya ito idinaos sa hotel sapagkat di hamak na mas mahal dito kumpara sa ibang lugar.
Nabawasan rin sana ang gastusin nila sa debut niya kung nagtanung-tanong muna tungkol rito at hindi
siya nagpadala sa peer pressure at nagpadalos-dalos sa kaniyang mga desisyon hinggil sa kanyang
debut; kung naging pratikal siya. Ngunit dahil nangyari na ang kaso na ito, si Rosette ay dapat na
magsilbing aral sa mga nagnanais magdiwang ng kanilang debut. Hindi naman masamang magdiwang
nito dahil tunay na isang beses lamang mangyayari sa buhay. Dapat lang na alamin ang mga
limitasyon, at huwag sumobra sa kung ano lang ang dapat at kaya; maging praktikal.

Ang mga magsasagawa ng pag-aaral na kaugnay sa paksang ito ay nirerekomendahan namin


na dagdagan ang bilang ng mga respondente sa sarbey at gayon din sa panayam. Ito ay upang
maging mas tama at tiyak ang mga datos na makukuha at maging mas malawak ang sakop ng
diskusiyon. Nirerekomenda ring damihan ang mga pinagkukunan ng impormasyon o references upang
maraming mapagbasehan sa pag-aaral. Iminumungkahi rin na talakayin pa ang ibang aspeto na
kaugnay sa debut na hindi natalakay sa pag-aaral na ito tulad ng pagkakaiba-iba ng paraan ng
pagdiwang nito at ang socio-economic na aspeto ng debut. Panghuli ay nirerekomendang kung maaari
ay habaan ang panahon ng pagsasaliksik upang maging accurate o wastong wasto ang pag-aaral.

6
IV. Bibliyograpiya
• Bautista, D. (2009). Breaking Down The Debutante Ball. Nakuha noong Pebrero 9, 2009 sa
http://www.hotoccasions.com/article.php?tagname=none&artId=151
• Debut. (N.D.). Sa Debut Ideas. Nakuha noong Desyembre 10, 2008, sa
http://debutideas.com/?page_id=20
• Downes, C. (2005, Agosto 28). Filipinas come of age. The Honolulu Advertiser. Nakuha sa
http://the.honoluluadvertiser.com/article/2005/aug/28/il/FP508280319.html
• Dumlao, T. (2008, Septyembre 21). A Growing Business. Philippine Daily Inquirer. Nakuha sa
http://showbizandstyle.inquirer.net/sim.sim/view/20080921-161978/A-Growing-Business.
• Hibionda, F. (2000). Living the dream, keeping the tradition. Nakuha noong Pebrero 9, 2009 sa
http://www.thenewstoday.info/20051114/living.the.dream.keeping.the.tradition.html
• Kim, R. (2001, Pebrero 25). Princess for a Night. Chronicle. Nakuha sa
http://www.geocities.com/filipinoculture/comingofage.html
• Lagarde, S. (2003). Party to No Money. CandyMag. pp 116-117.
• Lao, L. (2008, Septyembre 21). The Debutante is a Muslim Princess. Philippine Daily Inquirer.
Nakuha sa http://showbizandstyle.inquirer.net/sim.sim/view/20080921-161971/ The-Debutante-
is-a-Muslim-Princess.
• Party. (2006, Marso). Total Girl, 62.
• Philippine Debut. (2008). Sa Wikipedia. Nakuha noong Desyembre 10, 2008, sa
http://en.wikipedia.org/wiki/Philippine_Debut
• Reyes, P. (2005, Enero). Oh So Sophisticated. Meg magazine. 54-61.
• Rhea, C. (2007, Hulyo 5). To Debut or not to Debut. Filipina Moms. Nakuha sa
http://www.filipinamoms.com/2007/07/to-debut-or-not-to-debut.html
• Smith, J. (2008, Agosto 10). When a Happy 18th would suffice, why do parents say. Sa Free
Articles Zone. Nakuha sa http://www.free-articles-
zone.com/article/184740/when%20a%20happy%2018th%20would%20suffice,%20why%20do%
20parents%20say.
• Tan, M. (2008, Septyembre 21). Dissecting the Debut. Philippine Daily Inquirer. Nakuha sa
http://showbizandstyle.inquirer.net/sim.sim/view/20080921-161980/Dissecting-the-Debut
• The Debut Tradition. (N.D.). Sa Pacific Sounds. Nakuha noong Desyembre 10, 2008, sa
http://www.pacificsoundsdj.com/tradition/

You might also like