Ang Mga Kabataan Ay Nagtatanong

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Maaalis ang Paninibugho?

Si Carol ay nanananghali noon sa isang coffee shop nang sabihin niya ang mabuting balita na siya ay itinaas sa isang bagong trabaho na may mataas na sahod. Halos mabulunan ang kalapit niyang kaibigan na kumakain ng cheesecake nang marinig niya ang balita. Ngunit kinampante niya ang kaniyang sarili at nagkunwang siyay naliligayahan para kay Carol. Gayunman, sa loob niya ay hindi niya halos masikmura ang balita. Alam mo, nagprisinta rin siya sa puwestong iyon at siyay tinanggihan. Si Carol, sa palagay niya, ay walang-wala kung ihahambing sa mga katangiang taglay niyagayunman si Carol ang itinaas! Tila hindi makatuwiran iyon. Sa gayon minalas ng kaniyang kaibigan si Carol na isang karibal. Pinangibabawan siya ng paninibugho. Ano ang gagawin niya? Paano niya madadaig ang kaniyang paninibugho? MGA eksenang gaya nito, na inilarawan ng autor na si Mary Long sa Family Weekly, ay pangkaraniwan. Iilan sa atin ang nakakasupil sa panakanakang lihim na pagkainggit sa mabuting kapalaran ng isang kaibigan. Subalit ka pag ang isa ay patuloy na naninibugho, itoy higit pa sa pansamantalang paghihirap. Sa grabeng mga kaso nagagawang higpitan, pilipitin at pulaan ng paninibugho ang lahat ng ginagawa o nadarama ng isang tao. Gaya ng pagkakasabi ng isang manunulat: Ang paninibugho ay nakapipinsala: Tila man din naghahari sa atin, katawan at kaluluwa. Kakaunting damdamin lamang ang nakakagapi na gaya nito maliban, marahil, sa pag-ibig. Kaya ang paninibugho ay itinuring na isang nakamamatay na kasalanan. Ang aklat ng Bibliya na Kawikaan ay nagtatanong: Sinong makatatayo sa harap ng paninibugho? Kawikaan 27:4. Yamang tayong lahat ay di-sakdal, maaaring may mga bakas ng gayong paninibugho sa bawat isa sa atin. Lumilitaw ito sa di-tuwirang mga aspekto o sa ilalim ng pantanging mga kalagayan. Pananagutan natin na huwag ipagwalang-bahala ang nakapipinsalang paninibugho kundi pag-aralang supilin ito at kontrolin ito sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos. (Galacia 5:25, 26) Ang paggawa ng gayon ay isang tanda na, bagaman bata sa edad, ikaw ay isang maygulang na Kristiyano. PaninibughoMabuti at Masama Sa kabilang panig naman, ang paninibugho ay maaaring mangahulugan ng wastong sigasig sa kung ano ang tama o matuwid. Maging si Jehova ay tinutukoy na isang Diyos na mapanibughuin, na nangangahulugang siya ay masigasig sa kaniyang mabuting pangalan, sa katotohanan at sa katuwiran. Ang kaniyang tapat na mga lingkod man kung minsan ay inilalarawan na mapanibughuin. Exodo 34:14; 2 Corinto 11:2. Sa kabilang dako, kadalasang ang paninibugho ay maling nauudyukan o lisya. Maaaring pagsuspetsahan ng mapanibughuing tao ang iba ng walang dahilan o ipaghinanakit ang pansin na tinatanggap ng iba, inaakala na siya lamang ang nararapat dito. Halimbawa, nasumpungan ni Elizabeth ang kaniyang sarili na nananaghili sa

pansin o atensiyon na tinatanggap ng kaniyang kapatid na babae. Sabi niya: Ang bagay na [ang kapatid kong babae] ay maraming kakayahan sa kaniyang edad at nakagagawa ng maraming bagay na marahil ay hindi ko kayang gawin ay nagpapanibugho sa akin . . . Naiinis ako sa sarili ko sa pagiging mapanibughuin sapagkat batid ko na hindi ako dapat maging gayon. Anuman ang sanhi nito, ang di-wastong paninibugho ay may mapanirang kapangyarihan o lakas. Maaari nitong alisan ang isang tao ng tulog, maging balisa, magkaroon ng mga diperensiya sa sikmura at sa isip. Maaari rin itong magbunga ng galit at pagkapoot at umakay pa nga sa isang maselang krimen. Hinayaan ni Cain na akayin siya ng kaniyang paninibugho na patayin ang kaniyang kapatid na si Abel! Maaaring sirain ng paninibugho ang pinakamabuting mga kaugnayan. Karaniwang hindi natin naiibigan ang mga taong lubhang mapanibughuin. Binabanggit ng Bibliya kung papaanong nanibugho si Raquel sa kaniyang kapatid na si Lea. Ginulo nito ang kanilang kaugnayang magkapatid. (Genesis 30:1) Ang mga kapatid na lalaki rin ni Jose ay nanibugho sa kaugnayan ni Jose sa kaniyang ama. Pagkalipas lamang ng maraming taon at maraming pagsisiyasat ng puso na nalutas ang kanilang mga sigalutan. (Genesis 37:4; Gawa 7:9) Hinayaan ni Haring Saul na mag-alab ang kaniyang paninibugho nang ibunyi ng mga kababaihan sa Israel si David bilang kanilang tagapagtanggol. Pinatay ni Saul ang kaniyang libu -libo, at ni David ang kaniyang sampu-sampong libo, awit nila. (1 Samuel 18:7) Ang paninibugho ni Saul ay pumun sa kaniya ng galit, paghihinala at pagkapoot. Sa wakas ay naiwala niya ang lahat ng katuwiran sa pagtugis kay David. Ang malungkot na bagay ay na walang dahilan ang gayong paggawi. Si David ay hindi banta sa pagkahari ni Saul. Pagdaig sa Paninibugho Paano, kung gayon, masusupil mo ang paninibugho? Bueno, nang si Cain ay naninibugho sa tagumpay ng kaniyang kapatid na si Abel, sabi ng Diyos kay Cain: Bumaling ka sa paggawa ng mabuti . . . Kung hindi ka gumawa ng mabuti, ay may naghihintay na kasalanan sa pintuan, at sa iyoy pahihinuhod ang kaniyang nasa; at ikaw ba, sa ganang iyo, ay padadaig dito? (Genesis 4:7) Ang paninibugho ay hindi madadaig kung hindi ka gagawa ng mabuti. Tumanggi si Cain sa paggawa ng mabuti. Hindi siya nakinig sa payo ng Diyos. Pinaslang niya ang kaniyang kapatid. Kapag ikaw ay nakadama ng paninibugho, makikinig ka ba sa mahusay na payo ng Diyos: Bumaling ka sa paggawa ng mabuti? Ipinakikita pa ng Bibliya na mahalaga ang marubdob na pag-ibig upang madaig ang paninibugho. Ating mababasa: Ang pag-ibig ay hindi naninibugho. (1 Corinto 13:4) Sa paninibugho ay makikita natin ang higit na pag-ibig sa sarili kaysa pag-ibig sa iba. Ngunit ang pag-iisip natin ng mabutiat ipanalangin pa ngayaong mga pumupukaw ng paninibugho sa atin ay nakapagpapahupa ng paninibugho. Tila man din itoy nasusupil. Ang katiyakan mula sa iba ay isa pang paraan upang masawata ang paninibugho. Kapag nakikita ng mga magulang ang paninibugho sa kanilang anak, kadalasay tinitiyak nila sa bata ang kanilang pag-ibig. Ipinaaalala nila sa bata na siya ay may mga kaloob na hindi taglay ng iba, at na sa wakas ang lahat ng bagay ay may kaniyang

paraan ng pagtitimbang. At kung ang bata ay magkukulong sa silid niya sapagkat ang kaniyang kapatid na babae ang waring siyang pinakasentro ng pansin, matutulungan ng ina ang bata na magkaroon ng timbang at wastong pangmalas sa kaniyang sarili. Maaari niya itong yakapin at magsalita ng ilang nakapagpapatibay-loob na mga salita, gaya ng: Ang iyong kapatid na babae ay popular, ngunit ikaw ay binigyan din ng Diyos ng mga kaloob. Pinagkalooban ka niya ng isang kahanga-hangang personalidad, na isang natatanging kagandahan sa ganang kaniya. Ito ang kagandahan na iniibig ng mga asawang lalaki. Kung ikaw ay nakadarama ng paninibugho, inaakala mo bang napakatanda mo na upang makinabang mula sa katiyakan ng iyong mga magulang? Walang alinlangan na marami silang masasabi na makatutulong sa iyo na masiyahan sa tagumpay ng iba. Matutulungan ka nila na magpakita ng pag-ibig at pagmamahal sa mga tao na pumupukaw ng pagkainggit sa iyo. Kung minsan ang mga taong mas sensitibo ay nagmumukmok kapag silay dinapuan ng paninibugho. Kailangang ipakipag-usap ng mga gayon ang kanilang mga damdamin. Ihinga nila ang kanilang paninibugho. Ihayag ito. Tingnan kung ano ang nakakasakit o nakakainis sa iyo. Mas makapipinsala sa espiritu kung kikimkimin mo ang paninibugho kaysa kung hayaan mong malaman ng iba ang nadarama mo. Pagtulong sa Iba Ang iyong mga kaibigan, din, ay kadalasang nangangailangan ng katiyakan. Kung, halimbawa, mayroon kang bagong kaibigan, maaari mong tiyakin sa pinakamalapit mong kaibigan, Huwag kang mag-alaala tungkol sa kaugnayan ko kay Ann, sapagkat walang makakahalili sa ating pagkakaibigan. Ang mga salitang gaya niyaon ang maaaring siyang kailanganin upang maiwasang magkaugat ang paninibugho. Nang sina Eldad at Medad ay tumanggap ng espiritu ng Diyos na lingid sa kaalaman ni Moises, si Josue ay nanibugho para sa kaniyang panginoong si Moises. Itinuwid ni Moises si Josue ng tumitiyak na mga salitang: Ibigin nawa na ang buong bayan ni Jehova ay maging propeta, sapagkat ilalagay ni Jehova sa kanila ang kaniyang espiritu! (Bilang 11:10-29) Nasiyahan na si Josue roon. Kaya maging matulungin. Iwasan ang pukawin ang paninibugho sa iba. Karaniwan nang ipinagpaparangalan ng mga babae ang kanilang mga damit, ang mga kadalagahan naman ay ang kanilang mga singsing ng pagkakatipan. Ipinagmamalaki ng mga tao ang tungkol sa mga pag-asenso. Pinapurihan ng mga kababaihan ang mga katapangang-gawa ni David sa isang awit na nagbibigay ng higit na parangal kay David kaysa kay Haring Saul. Isaalang-alang ang maaaring maging epekto ng iyong mga salita at mga kilos sa iba. Malaki ang magagawa nito upang matulungan ka na masupil ang paninibugho at mapanatili ang mabuting mga kaugnayan.

You might also like