Will You Be My

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Will you be my raice03 Sabi nila falling in love with your bestfriend is a big no-no. Kaya eto.

Pinipilit kong itago yung nararamdaman ko para sa kanya. Mahirap sa simula pero mas mahirap pala pag nagtagal. Palalim ng palalim yung feelings tapos patindi ng patindi yung love. Kaso alam ko naman sa sarili ko na one sided lang yun. Hoy, ako na naman iniisip mo noh? Nandito na ako. Wag mo na akong isipin. Baka mapagod na ako e. Sabi ni Enzo sabay tapik sa balikat ko. Tinignan ko lang siya tapos nagsalita ako ng hindi kumukurap. At bakit ka naman mapapagod ha? E kasi kanina pa kasi ako tumatakbo sa utak mo. Bigla niyang hirit. Hindi agad ako naka-react dahil don. Nakakainis e. Gasgas na nga yung linya pero sapul pa rin. Ewan ko sayo. Hahaha. Di ka talaga mabiro Trish. Anong oras ka pa ba dito ha? Tanong ni Enzo tapos tinignan ko yung orasan ko bago ako sumagot. 9:00. Sabi ko kasi 9 sharp di ba? Anong petsa na Enzo? 10:30 na o! Pasalamat ka ... Then my voice trailed off. Gusto ko na sanang sabihin mahal ko siya e kaso baka magkagulo lang bigla kaya di ko na lang tinuloy. Pasalamat ako dahil? Dahil mabait akong kaibigan! Sigaw ko tapos tumalikod ako kay Enzo. Alam ko kasing namumula na yung mukha ko e. Takte. Muntik na talaga yuuuuun. Alam ko naman yun e! Kaya nga ikaw lang yung naging kaibigan ko ng ganito katagal e. Sabi niya tapos iniharap niya ako sa kanya. Oo na. Magddrama ka pa e. Pero teka lang Enzo. May tanong ako. Ano yun? Sabi niya tapos nakatinging na siyang maigi sa akin. Huminga ako ng malalim tapos tinignan ko rin siya sa mata. This is it. Wala ng urungan pa. Enzo, will you be my

brother? Wala kasi akong kuya e. Mas matanda ka naman sa akin di ba? Oo naman! Para mas lalo tayong magsama forever! Love you lil sis. Sabi niya sa akin sabay yakap ng mahigpit. Love you too Enzo, pero not as big brother. </3 Chapter 1 Pagkatapos nung araw na yun, lalo kaming naging close ni Enzo. Sa totoo lang, di naman ako nagrereklamo e. Gusto ko rin naman na maging close kaming dalawa. Pero nakakainis lang kasi kahit na alam kong wala namang malisya yung ginagawa niya para sa akin, umaasa ako na sana e meron na lang. Kasi naman, napapabilis niya pa rin yung pagtibok ng puso ko. Minsan, naiisip kong magpakalayo layo muna sa kanya. Lagi na rin kasi kaming magkasama. Feeling ko mahihirapan lang ako kung magpapatuloy kami sa ganung routine. Baka kasi pag nasanay ako, hindi ko kayanin pag bigla kaming maghiwalay. Kaya lang, lalayo pa lang sana ako ng onti, gumagawa naman siya bigla ng way para lalo kaming magkalapit. Nakakainis tuloy. Parang lalo lang tumitindi yung nararamdaman ko para sa kanya e. Enzo, di muna ako makakasabay sayo ah? Paalam ko sa kanya habang nag-aayos ako ng gamit ko. Ha? Bakit? Tanong niya sa akin. May pupuntahan pa kami ni Carlo e. Kailangan namin para sa project namin. Sama na lang ako. Alok niya bigla. Nakakaewan lang kasi kadalasan, pinapabayaan niya lang naman ako pag may projects kami at di ko siya kagrupo. Ano kayang naisip nitong lalaking to? Ha? Di na. Kaya na namin to ni Carlo. Hindi. Kailangan kasama ako. Pagmamatigas niya tapos kinuha niya yung gamit ko. Bakit ba gusto mong sumama ha? Tanong ko sa kanya na sana pala, di ko na lang ginawa. Nakakadurog pala ng puso yung sagot niya e. Di naman ako handa para marinig yun. </3 Kasi kuya mo ako. Baka mamaya kung ano pang mangyari sayo sa daan e. Pssh. Oo na nga! Sigaw ko sa kanya tapos dumiretso na ako palabas ng room. Paglingon ko sa may right side nung pinto, nandun na pala si Carlo. Tumigil ako sa gilid niya tapos kinalabit ko siya. Napalingon siya sa akin tapos ngumiti siya kaya napangiti na rin ako. Ganun lang kami for ilang seconds hanggang sa biglang umepal si Enzo. Ehem. Tara na? Tanong ni Carlo sa akin. Yup! Pero sasama raw si Enzo ah? Okay lang sige. Sabi ni Carlo tapos nagsimula na kaming maglakad. Nauna kaming dalawa ni Carlo tapos nasa likod lang namin si Enzo. Di ko muna siya pinansin habang magkasama kami ni Carlo. Nakakainis kasi e. Daig pa tatay ko kung makabantay.

Nung nakabili na kami ng materials ni Carlo, nagyaya siyang kumain. Sagot na raw niya kaya pumayag na ako. Sayang din kasi yung libre e. Pag si Enzo kasi kasama ko wala. Laging kkb. Kuripot lang talaga. Pero nakakapagtaka lang kasi bigla siyang nakipagtalo kay Carlo sa pagbayad nung kakainin namin. Kahit kailan talaga, malabo tong mokong na to. After a few minutes, nanalo rin si Carlo. Siya yung nagbayad ng kinain namin pero di na umorder si Enzo. Bumili siya ng sarili niyang pagkain. E di siya na mataas ang pride. -____Pagkatapos naming kumain, nagprisinta si Carlo na ihatid na kami pauwi kaso sasagot pa lang sana ako, sumabat na si Enzo. Pre, di na. May dadaanan pa kasi kami ni Trish e. Salamat na lang sa offer. Di naman ikaw yung tinatanong ko e. Si Trish. Biglang sagot ni Carlo. Nagulat ako kasi di naman ganun sumagot si Carlo. Pero sabagay, kung lagi ba namang nakabuntot si Enzo sa amin, sinong di mapipikon di ba? E sira ulo ka pala e! Ano bang gusto mong mangyari ha? Tantanan mo kami ni Trish! Bestfriend ka lang naman e! Kung maka-asta ka akala mo kung sino ka. Matuto ka namang lumugar. Kaya ng magdesisyon ni Trish para sa sarili niya. Di na niya kailangan ng alalay. E bakit? Sino ka bas a buhay ni Trish ha? Wala naman di ba? Group mate ka lang. Kaya mas wag kang maka-asta na parang ang laki ng parte mo sa buhay niya. Sigaw ni Enzo kaya dun ko naisipan na sumabat na sa usapan nila. Wala kayong karapatan na magdesisyon para sa akin! Pwede ba tumigil na kayo? Kung ayaw niyong tumigi l, sige, magbubugan kayo. Pero buhay ko to kaya wag kayong makikialam. Bahala na nga kayo diyan! Sigaw ko tapos naglakad na ako palayo sa kanilang dalawa. Nakakainis lang talaga. Mga akala mo kung sino. Habang naglalakad ako palayo, di ko namalayan na sumunod pala si Enzo sa akin. Napansin ko na lang nung tumigil ako sa may bus stop. Hindi kami nagsasalita pareho pero nung may dumaang bus, dun ko napagdesisyunan na magsalita na. Ano bang problema mo Enzo? Di ka naman ganyan dati ah! Sa totoo lang, di ko rin alam e. Pero simula nung sinabi mo na gusto mong maging kuya ako, nagkaganito na ako. Di mo namang kailangang maging overprotective para masabi na kuya kita e. Mas okay pa yung bestfriends lang talaga tayo. Kung ipagpapatuloy mo yung ganyang u gali mo, kalimutan mo na lang na bestfriends tayo. Sabi ko sabay sakay sa bus. Tapos ayun si Enzo. Naiwang nakatayo na parang bato. Siguro nga tama to. Gawin ko na lang ding bato yung puso ko sa kanya para di na lang ako masaktan at umasa. Chapter 2 Pag-uwi ko ng bahay, dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Nakakaewan kasi e. Alam kong mali yung ginawa ko kanina pero kailangan ko namang gawin yun di ba? Ayaw ko naman kasing masira ng basta basta yung friendship namin dahil lang sa gusto ko siya at binibigyan ko ng malisya yung mga ginagawa niya para sa akin. Parang ang mali lang tignan saka di maganda sa pakiramdam. Akala ko dun na matatapos yun kaso bigla namang bumukas yung pinto ng kwarto ko at nandun si Enzo. Nakatingin sa akin ng diretso. Para bang tutunawin niya ako dahil sa tingin niyang yun. Shet naman kasi e. Bakit sa kanya pa ako nagkagusto? Ang dami dami namang iba sa tabi e. -____-

Anong tinitingin tingin mo diyan ha? Tanong ko sa kanya. E bakit ka nang-iwan kanina? Pinag-alala mo naman ako e. Akala ko kung saan ka na napunta. Malaki naman na ako Enzo e. Di mo na ako kailangang bantayan. Hindi kailangan pero gusto kong gawin. Bakit? Kasi kuya na kita? Bigla kong tanong sa kanya tapos di na siya nakapagsalita. Siguro kung ibang tao yung nakarinig sa simula ng usapan namin, kinilig na sila. Kaso hindi e. Kuya ko na siya at di na ako pwedeng kiligin sa mga ganung linya niya. Ewan ko sayo. Sige, uwi na ako. Chineck ko lang kung nandito ka na. Sabi niya sabay labas ng pinto. Aaminin ko. Nalungkot ako nung ginawa niya yun. Di man lang niya ako niyakap bago siya umuwi ngayon. Dati rati lagi akong may hug mula sa kanya e. Umayos na ako ng higa tapos naisip kong matulog na lang sana muna. Kaso bigla akong may narinig na yabag ng paa na papasok ng kwarto ko. Pagtingin ko kung sino, si Enzo pala. Bakit ka bumalik? Akala ko ba uuwi ka na? Tanong ko sa kanya sabay upo. May nakalimutan kasi ako e. Ano yun? Hindi niya sinagot yung tanong ko pero dumiretso na lang siya papalapit sa akin tapos hinug niya ako. Ako naman si tanga, napatulala na lang at parang biglang tumigil yung pagtibok ng puso ko. Wag mo na ulit gagawin yung ginawa mo kanina ah? Pinakaba mo ako. Di ko kayang mawala ka sa buhay ko Trish. Sabi niya tapos mas hinigpitan niya yung pagkakayakap niya sa akin. Feeling ko tuloy maiipit na ako ng todo sa mga braso niya. Oo na. Promise? Promise. Sige na. Uwi ka na. Baka hinahanap ka na nila tita. Sabi ko tapos humiwalay na siya sa pagkakayakap niya sa akin. Pagtingin ko sa kanya, nakangiti na lang siya sa akin. Agahan mong gumising bukas ah? May sasabihin ako sayo. Ha? Bakit kailangan bukas pa ng umaga? Di ba pwedeng ngayon na lang? Hindi pwede. Bukas na lang tutal birthday ko naman bukas e. Sabi niya sabay ngiti ng todo. Ako naman, nanlaki yung mga mata. Wala pa kasi akong nabibiling regalo para sa kanya e. Sa dami naman ng pwedeng kalimutan o. Waa. Lagot ako kay Enzo nito. T____T Uhhh. Sige na nga. Chupi na! Hahaha. Sige, see you tomorrow Trish! Sabi niya tapos lumabas na siya ng kwarto ko. Pagkalabas na pagkalabas niya, naghanap ako ng kung anong pwedeng ibigay sa kanya. Kaso wala akong makita sa kwarto ko. Dati rati, may stock ako ng mga pwedeng iregalo kay Enzo. Ngayon lang ako naubusan. Takte naman e. Wrong timing yung pagkaubos. Lagot na talaga ako nito. Huhuhu. Chapter 3

Dahil gabi na nga at di na ako papayagang umalis ng bahay nina papa, nag-isip na lang ako ng pwedeng alibi pag naghanap ng regalo si Enzo sa akin. Kung pwede nga lang na iregalo ko na lang yung puso ko ginawa ko na e. Kaso hindi naman uubra yun. Baka madagukan lang ako ni Enzo e. Natulog na lang ako tapos pagkagising ko, nag-ayos na agad ako. Pagbaba ko ng bahay, walang ka-tao tao. Ang weird nga kasi never namang nawalan ng tao dun. Naisip kong hanapin yung mga tao sa bahay kaso tinatamad ako saka nagugutom na rin ako kaya nagluto na lang ako ng almusal ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto ko ng biglang dumating si Enzo. Trish! Happy birthday Enzo! Wait lang ah? Tatapusin ko lang pagluluto ko. Nagugutom na talaga ako e. Okay. Basta pahingi niyan ah? Oo na lang. Sabi ko tapos pinagpatuloy ko yung pagluluto ko. After that, kumain na kaming dalawa. Pagkatapos naming kumain, tinambak ko na lang sa lababo yung pinagkainan namin. Sabi kasi ni Enzo e. Sumunod lang ako. Tapos umakyat kami sa kwarto ko kasi mag-uusap na raw kaming dalawa. Trish, bago ako magsimula sa sasabihin ko, asan na yung regalo ko? Aaaah. Eeee. Yung almusal kanina? Sabi ko sabay yuko. Takte naman kasi e. Sabi na nga ba maghahanap to ng regalo e. -___Sobrang kuripot mo na talaga Trish. Ano ba naman yan? Pero sige na nga. Ikaw naman nagluto e. Teka. Ano na ba yung sasabihin mo? Aah. May nagustuhan kasi akong babae e. Sabi niya tapos tumigil siya sa pagsasalita. Yun pa lang yung sinasabi niya nasaktan na agad ako. Langya naman kasi e. Sa dinami rami ng pwede niyang sabihin, yun pa. Nasasaktan na nga ako dahil di ko masabi yung nararamdaman ko para sa kanya tapos ganito pa. H-ha? E di okay. Akala ko nung una hindi ko siya magugustuhan. Kasi naman kaka iba yung ugali niya. Hindi siya palakaibigan e. Pero kahit na ganun gusto ko pa rin siya. Mahirap mag-take ng risk pero shes the risk Im willing to take. Sabi niya sabay tingin sa akin. Tapos nakangiti lang siya. Anak ng pating lang. Kung pwede lang magtatatalon dito dahil sa kilig ginawa ko na kaso baka mamaya hindi naman ako yung tinutukoy niya e. -__E bakit mo siya nagustuhan? Tanong ko sa kanya. Kasi maganda siya ngumiti. Ngiti pa lang niya alam mo ng masaya siyang kasama. Yung tipong kahit ti gnan mo na lang yung ngiti niya buong araw okay na. Ang babaw pero yun yung totoo. Kilala ko ba siya? Tanong ko pero kinakabahan akong malaman yung sagot. Kasi baka sakalin ko yung babaeng yun pag kakilala ko pa. Ang dami namang babae sa tabi tabi e. Pwede namang dun na lang siya pumili. Pag ito talaga kakilala ko pa nako. Oo. Kilalang kilala mo.

Pwede bang manghingi ng clue kung sino? Tanong ko tapos natawa lang si Enzo. Kainis naman e! Seryoso ako dito tapos pinagtatawanan lang ako. -___Hindi pwede e. Eeee. Madaya! Bestfriend mo naman ako di ba? Hmm. Sige na nga. Pero sa isang kondisyon. Ano yun? Will you be my

girlfriend? Tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot kasi ang ewan lang nung tanong niya e. Pinag-uusapan lang namin yung gusto niyang babae tapos tatanungin niya ako kung gusto niya akong maging girlfriend. Ano yun? Joke time? Huy. Di ka na sumagot diyan. Practice ba yan para dun sa gusto mo? Tanong ko tapos tumawa lang ulit si Enzo. Hindi. Trish, ikaw yung gusto ko. Sa totoo lang, matagal na kitang gusto. Gusto kong magwala nung tinanong mo ako kung pwede mo akong maging kuya. Alam ko kasing mababawasan yung chance ko sayo dahil dun. Pero hindi ko na kayang itago yung nararamdaman ko para sayo e. Hindi ako natutuwa pag may kasama o kausap kang ibang lalaki. OA na kung OA pero tangna. Mahal na mahal kita. So, will you be my girlfriend? Bwisit ka! Sana noon mo pa tinanong yan! Sigaw ko sa kanya tapos parang naconfuse na si Enzo. Ha? Bakit? May magbabago ba kung dati ko pa tinanong?

Oo! E di sana noon pa tayo na! Langya naman kasi e. Alam mo bang mahal na mahal din kita? Sabi ko tapos niyakap ako bigla ni Enzo. Niyakap ko na rin siya saka ako nagsalita. So, abswelto na ba ako sa kawalan ko ng regalo? Tumawa na lang si Enzo tapos tapos hinalikan niya ako sa lips. Alam na. Hihihi. <3

You might also like