Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Madugong Regalo ? dreyexistence 2012 This is not edited. Do not plagiarize.

Si Darwin ay isang 7 taong- gulang na batang bunga ng rape. Sya ay masayahin, pa lakaibigan at masipag na bata. Lagi syang honor sa school.

Puno ng galit ang ina nyang si Felisa sa tuwing nakikita sya. Sinasaktan sya nit o physically at emotionally. Matino namang babae si Felisa, sobra- sobra lang ta laga ang galit nya sa lalaking nag- rape sa kanya 7 na taon na ang nakakalipas. Lahat ng galit nya sa ama ni Darwin ay binubuhos nya sa kanyang anak.

Sa tuwing pinapal si Darwin ni Felisa, lagi nyang sinasabing, "Alam mo? Kung ika w peste ka ay mawawala na sa buhay ko at sa mundong ito, ako na ang pinakamasaya ng tao sa mundo."

Sa bawat oras na nadidinig ito ni Darwin, parang mau dumudurog sa puso nya, wala syang masabi kundi, "Sorry na po, Mama."

Hanggang sa isang araw, ang araw ng ika- 24 na kaarawan ni Felisa, na-realize ny a na wala naman talagang kasalanan ang bata.

At panahon na upang mahalin nya ito. Makabawi man lang sa pagpapahirap nya dito.

Pinuntahan nya si Darwin sa kanyang kwarto nanakangiti pa.

Pagkapasok nya, nawala ang ngiti sa mukha ni Felisa na napalitan ng mga luha.

Nakita nyang nakabigit si Darwin. Wala nang buhay pa at may luhang tumutulo sa m ga mata nya.

"Hindi----!" pagsigaw ni Felisa habang lubos ang pagyakap sa katawan ng anak.

Nakakita sya ng sulat sa kama ng anak niya, kinuha nya ito, binuklat at binasa,

"Mama, diba po sabi niyo ikaw ang magiging pinakamsayang tao sa mundo kapag nawa la na ako? Kaya eto po, magpapakamatya na ako. Sana po ay magustuhan nyo ang reg alo kong ito sa inyo ( ang pagpapakamatay ko ) para sa birthday mo ngayon. Happy Birthday Mama! Mahal a mahal po kita."

Wala nang nagawa pa si Felisa, tuloy ang pag- iyak nya hanggang sa makaulog syan g muli...

Ilang buwan na ang nakalilipas ng magpakamatay si Darwin para sa kanyang ina na si Felisa. Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin matanggap ni Felisa na patay na si Darwin... dahil sa kanya. Naguguilty sya.

Sa tuwing nakakakita sya ng batang pitong taong gulang ay napapaluha sya at bigl a na lamang nya itong yayakapin ng mahigpit. Iniisip nya kasi na si Darwin iyon, habang ang mga ina naman ng mga batang niyayakap nya ng bigla-biglaan ay inaawa y sya at ipinagkakalat na sya ay isang baliw. Naniniwala ka ba?

Sa tuwi namang pipikit si Felisa upang matulog ay naiimagine nya kung paano nagp akamatay si Darwin, sa murang edad.

Nagbagung-buhay na si Felisa. Meron na syang trabaho bilang isang Registered Nur se. Nakatira naman sya kasama ang kanyang live-in partner na si Eufulmo. Maganda na ang buhay ni Felisa kasama si Eufulmo at tanggap nito kung sino man Felisa, noon at ngayon. Dala-dala nya rin palagi ang sulat ni Darwin sa kanya nuung araw na mamatay sya... magpakamatay sya.

Ngayong araw ang ika-8 na kaarawan ni Darwin. Nagsagawa naman ng salo-salo ang m ag-live in partner para sa kaarawan ni Darwin. May cake, may spaghetti, pancit, hotdog on-stick, menudo at kung anu-ano pa na hindi naluto ni Felisa para sa kan yang yumaong anak. May mga dumalong dating kalaro at kaklase ni Darwin kasama an g kanilang mga ina.

"Nako, alam mo ba Mare. Kung buhay lang si Darwin ngayon? Sya ang Top 1 sa klase

nila." Sabi ng isang ina na dumalo rin sa salu-salo nila.

"Naku oo nga e. Sayang at wala na sya noh? Pero okay lang, si Letticia naman ang pumalit sa kanya. Isang napakabait na bata." Sagot naman ni Felisa at tumawa si lang dalawa.

Sumingit naman sa usapan nila si Eufulmo na nasa may lamesa at naglalagay ng mga kanin sa bawat plato, "Fel, pakikuha mo naman yung kulay blue na panyo sa taas o. Salamat."

"Oo, sige." Sagot nito, "Sandali lang ho a." Wika nya sa kausap nya.

Nakangiting umakyat si Felisa. Pagkapasok nya sa kwarto ay may nakita syang sula t na nakalagay sa kama nila ni Eufulmo. Kinuha nya ito at binasa. Pero walang na kasulat, bigla naman syang napuwing at kinamot nya naman ito. Pagkadilat nya ay nagulat sya dahil may nakasulat na sa papel na hawak nya!

Dear Mama, Nangpagkabasa nya palang dito ay tumulo na agad ang luha nya. Itinulo y nya ang pagbabasa dito. *Dear Mama,* Hi Mama! Miss na miss na po kita! Salamat po sa paggunita ng ikaw-walong kaarawa n ko ha? Napakasaya ko po kasi nagsagawa pa kayo ng salu-salo, masaya din po ako dahil dumalo ang mga dati kong kalaro at mga kaklase at si Letticia ang pumali t sa akin sa pagiging Number 1 sa klase. Wag po kayong mag-alala sakin, kasama k o po sina Lola at Lolo dito, pati si Papa God nandito rin, inaalagaan nila ako. Lagi nga po kaming naglalaro dito ng iba pang bata e. Saka po Grade 3 na po ako ngayon, dalaw nga po kaming Top 1 sa klase dito kaya mas masaya ako. Ma-iingat p o kayo ha? Wag po kayong magpapagod. Alam ko pong hindi kayo magkakasakit dahil binabantayan ko kayo at saka nandyan naman po si Tito Eufulmo e, alam ko pong sy a ang lalaking para sa inyo. Tandaan nyo po Mama, "The best proof of love is tru st." Wag po kayng mag-aaway ha? Ayaw po ni Papa God yun! Hehehehe. Ikaw lang po ang maaaring makabasa nito. Yun lang po! Nagmamadali ako dahil hiniram ko lang ' tong Magic Pen ni Papa God e, gagamitin nya na po to upang magsulat ng mga panga lan ng tao na ipapanganak bukas. Byebye mama! Mahal na mahal po kita! <3 Love, Darwin.

Napaluha ng lubusan ang kanyang si Felisa sa saya at galak. Napuno naman bigla n g saya ang kanyang mukha. Nanliwanag ang pagilid nya, sobrang saya nya nung araw na iyon

You might also like