Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Angelique Hazel B. Collantes BS Biology 2-2 a) Pangalan: Denice R. Villegas b) Biography: Isang mag-aaral sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Maynila.

Kasalukuyang nasa pang-apat na taon niya sa institusyong nabanggit at konting buwan na lamang ay magtatapos na rito. Mula sa isang masaya at kumpletong pamilya kung kayat nangangarap din na balang araw ay makamtan ito. Mabait at tapat sa kaniyang mga kaibigan. Mahiyain ngunit napaka-kulit. Parang tomboy kung kumilos, malapit sa mga lalake ngunit mapili pagdating sa mga ito. Isang babae na may katamtamang talino at kasipagan lamang. Nakasasabay sa lahat ng asignatura maliban sa isa: Biology. Mayroong mga manliligaw ngunit balewala sa kanya ang mga lalakeng ito sapagkat isa lamang ang napapansin at minamahal niya---ang kaniyang guro sa Advanced Biology and Research na si Sir Divina. Dahil sa kagustuhang mapansin siya ng hinahangaang guro gagawin niya ang lahat ng panliligaw at pagpapapansin lalo na at kalaban niya ang oras. Dahil ilang buwan na lamang ay lilisanin niya na ang hayskul at mag ko-kolehiyo na. c) Edad: 16 na taong gulang d) Facial expression: Masayahin at laging naka-ngiti kahit nalulungkot. e) Ayos ng buhok: Laging naka-ponytail f) Pananamit: Simpleng pananamit. Naka uniporme ng Mataas na Paaralang PangAgham ng Maynila at walang kung anu-anong arte sa katawan. g) Paraan ng pagsalita: May medyo kalaliman na boses ngunit nagiging babae ang tono pag kinikilig. h) Trabaho: Hayskul student sa Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila i) Gusto: Isang lalake na makisig at malinis ang dating. Matalino, mabait at matangkad. j) Di gusto: Maarteng babae.

Script: (Habang naglalakad sa hallway ng Main Building at papasok sa klase nilang Advanced Biology and Research) Denice: Yes! ABR na naman kasama si Sir. Buti na lang major subject to araw-araw ko sya nakikita kahit one hour lang. Grabe girl! Quota day na naman ako!!! Danni: Sus, lalandi ka na naman. Kaya walang pumapasok sa kokote mo at ang hina hina mo sa Biology kasi titig ka lang ng titig kay Sir. Denice: Anong lalandi? Grabe landi agad? Di ba pwedeng titig lang. Masama na ba ang tumitig ngayon. At saka anong mahina sa Bio? Maayos na nga ako ngayon eh, nag-aaral na ako para mapansin ako ni Sir. Di tulad ng dati, ewan ko ba bakit sa lahat ng pwedeng ituro ni Sir Biology pa. Crush ko na lahat ng tungkol sa kanya eh yun lang talaga. Biology pa ang tinuturo eh sukang suka ako pag inaaral yun. Hayyyyyy saklap ng life. Danni: Tse! Ewan ko sayo tara na nga sa Sir Chief mo Maya. Denice: Ayy bet ko yan! Kung si Maya may sir chief ako may Sir Divina! (kinikilig)Wag ka nga! Kinikilig ako eh. (Sa loob ng klase) Sir Carlo: Ok class well start with Krebs Cycle today. Denice: (Todo titig kay Sir) Ang gwapo niya pag naka-itim siyang polo ano ba yan nakakainis! Bakit parang araw-araw ata siyang pumo-pogi sa paningin ko? Ang kinis ng muka niya, ang tangos ng ilong tska nakakatunaw yung mata niya. At yung labi niya may lipstick na pula pero magandang lalake pa rin ang tingin ko sa kanya. Bakit ka naging bakla Sir? Sayang ka. Kung naging lalake ka lang hind mo pagsisihan. Di bale gagawin kitang lalake tignan mo lang. Sir Divina: Denice gusto mo mag recite? Denice: Ano po sir? A-eh-ano-po-kasi. Ano po ba yung tanong nyo sir? Sir Divina: Denice makinig ka next time malapit na ang 4th grading at graduation. Im sure gusto mong makakuha ng mataas na grade. Credits din yan. Denice: Sorry sir tititig na lang ng tahimik sa susunod. Ay mali, makikinig ng tahimik sa susunod.

(Pagkatapos ng Klase) Denice: (Nakasimangot) Hala paano na yan wala na galit na sakin si Sir. Kinamumuhian niya na ako. Di niya nako gusto makita sa klase niya. Hindi niya na ako mapupuri. Wala na, wala na talaga. Sinira ko na yung pagkakataon ko. Aalis ako ng MaSci na madaldal ang tingin niya sakin. Hindi pwede! Bibigyan ko si Sir ng sorry gift para bumalik sa dati yung tingin nya sakin. Yun nga lang anong ibibigay ko? Danni: Hoy Denice bilis tingnan mo ito! Pinaabot ng manliligaw mo oh chocolates at rosas. Ang taray mo namang babae ka! Ayos to ah. Denice: At kanino galing yang mga yan? Balik mo na nga yan. Sirang-sira na nga araw ko sisirain pa lalo. Ayy teka! Iyan na lang ang ibibigay ko kay Sir na sorry gift dahil sa kadaldalan ko kanina. Tama! Ang wais ko talaga! Para may pakinabang yan! (Pumunta siya sa Faculty room ng mga Guro upang iabot ang regalo ngunit) Denice: Parang hindi ko kaya iabot. Nahihiya ako. Baka magmuka akong hinog na kamatis pag inabot ko ito kay Sir, mamula pa ako ng grabe ma-bisto na ang nararamdaman ko para sa kaniya. Wag na lang. (aalis na) Pero hindi eh! Kaya ko to. Diba ayaw mo mag mukang madaldal kay sir? Denice, kaya mo to. Ehhhh hindi ko talaga kaya. Alam ko na! Mag-iiwan na lang ako ng letra. (Nagsulat sa isang kapirasong papel) (Kina-gabihan habang nasa kwarto) Denice: Ahhhh!! Mababaliw na ako. Graded Recitation sa Bio. Krebs cycle? Mitochondria? Glucose? DNA Dogma? Protein synthesis? RNA, mrna, trna? Anak ng mahal kita sir! Pinuri na nga kita eto pa ang kapalit. Ang sarap tulogan. (Makalipas ang ilang minuto) Denice: Ayoko na. Kape, mountain dew, sting nalaklak ko na lahat ng pampa-gising ganito pa rin kakapal ang kailangan aralin. Sira ulo to si Campbell nasa impyerno to ngayon nabuhay lang para magpahirap ng mga estudyante. Hayyy kailangan ko ma-inspire. (Ilalabas ang larawan ni Sir Divina) Maganda ka pa saking beki ka. Hmp! Kung di lang kita mahal hindi ko naman to aaralin eh. Sana bukas mapansin mo naman akong bakla ka

(Kinabukasan) Sir Divina: Denice, ready ka na for recitation? Denice: Sir ready nako mag recite. (Huminga ng malalim) Sir Carlo: Okay. Discuss Denice: Sir Divina: Taray Denice! You did great. And by the way apology accepted. Denice: (Kinikilig) I did great? Talaga!? Salamat Sir ^_^ Denice: (Nagsasalita ng mag isa lamang) Ang sarap sa pakiramdam na natuwa sa akin si Sir. Isang buwan na nga lang pala at graduation na magpapaalam na ako sa kaniya. Ano kayang espesyal ang pwede kong gawin? Aha! Gagawa ako ng scrapbook na naglalaman ng mga memorya naming dalawa. Para kahit wala na ako maalala niya pa rin. (Malulungkot) Kailangan ko na rin pala sabihin ang nararamdaman ko. Kahit anong mangyari dapat kong ipaaalam sa kaniya. (Sa araw ng pagtatapos nila ng Hayskul, pinuntahan ni Denice si Sir Divina) Denice: (Nakangiti) Sir! Sir! Sir Divina: Denice, Happy graduation. Goodluck sa College ha pagbutihan mo pa at mami-miss kita. Anong kurso ang plano mo na kunin? Denice: Ahmmm Sir, Salamat po. May gusto po sana ako sabihin at ibigay. (Iaabot ang regalo) Scrapbook po yan Sir. Guhit at disenyo ko po iyan lahat. Laman po niyan lahat ng pinagsamahan nating dalawa. Yung una pong araw na nakilala kita. Naalala ko pa po yun parang tinamaan ako ni kupido nung mga oras na yun. At saka naalala niyo po Sir nung pinag recite nyo ako dahil sa kadaldalan ko. Ang totoo po niyan humahanga ako sa inyo noon kaya di ko mapigilan ang pagpuri sa inyo pero tuwang tuwa po ako nung sinabihan niyo akong Great! pagkatapos ko mag recite. Napansin niyo po kasi ako. Sir huwag na po kayo magsalita, alam ko pong medyo weirdo itong aking gagawin pero Sir mahal ko po kayo! Wala akong pakialam kahit bakla ka o kahit di tayo talo o kahit sabihing ang layo ng edad natin sa isat-isa. Pero kayo po ang unang lalake kong napansin. At alam ko pong sasabihin niyong gaga ako at kadiri at hindi pwede at noon pa man alam ko na yun pero gusto ko lang ipaalam sa inyo. (Ngingiti na naluluha) Kukuha po ako ng BS Biology sa Kolehiyo Sir dahil kayo po ang nag udyok sakin na araling matutunan ang asignaturang pinaka-ayaw ko. Isa po kayo sa pagaalayan ko ng diploma ko pag nagtapos na po ako ng Bio. (Makikipag-kamay) Habang wala pa po akong nakikita, hayaan niyo po munang mahalin ko kayo Sir kahit di nyo po ibalik ang nararamdaman ko, sapat na po sakin na nalaman niyo. Malay niyo po sa Kolehiyo makakilala ako ng gaya niyo at magsisi kang bakla ka na hindi ka nagpaka-lalake para sakin. Biro lang Sir

^_^ salamat po sa pakikinig hanggang sa muli nating pagkikita. God bless sir at ingat po kayo palagi.

You might also like