Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

INDIEMAND

ISANG PAG-AARAL UKOL SA PAMUMUHAY


NG MGA PILIPINONG INDEPENDENT MUSICIANS
CUEVAS, Makairog Jr., LAY, Michael Edward, MUSONES, John Martin,
NOBLE, Ginyn, PARADO, Charmaine, TAN, Charles Jeffrey mula sa 1NUR1, College of Nursing
sa Patnubay ni Prop. Zendel Rosario Manaois-Taruc, M. Ed.

Mga Kaugnay na Babasahin

A. Kahulugan ng “Indie”

Ang katagang “Indie,” ayon kay Andrews (2006), ay tumutukoy sa nagsasariling sining – musika,
pelikula, literatura, o kahit anong aspekto ng kultura – na ginawang hindi ayon sa uso o pangkaraniwan, at
walang pinansyal na suporta mula sa korporasyon. Isang halimbawa ay ang
bandang walang kinalaman sa apat o limang malaking corporate labels tulad
ng Warner Music Group, EMI, Sony BMG, at Universal Music Group. Ayon
naman kay Stahl (2006), ang Indie Music ay kahit na anong bilang ng
kategorya (genre), eksena, subcultures, at kultural at maestilong katangian, na
sinasabing may kalayaan mula sa commercial pop music at kultura ng uso at
may makasariling do-it-yourself na lapit.
Ikalawa, ang Indie ay isang kategorya. Ito ay minsang inilalarawan sa
iba‟t ibang kategorya o mga tunog sa musika na tumatakbo ng magkabanghay
sa mas kumersyal na musika. Minsan nang naihahambing o naikukumpara
ang Indie sa underground na musika. Ang paggamit ng ganitong kahulugan ay
hindi tiyak dahil sa ilang dahilan tulad ng mga sumusunod: una, ang maestilong
kaledad ay madalas na di tumutugma sa komersyal na kalayaan o sa di pagbitiw
sa prinsipyo ng Indie. At ikalawa, hindi lahat ay nasasakop ng Indie music.
Ang ikatlong kahulugan ni Stahl ay ang pagiging kultural at pilosopikal ng
Indie hindi lamang sa istilo ng musika o sa komersyal na pagmamay-ari. Mas
pinapahalagahan ng Indie Artists ang pagpapahiwatig ng sarili (self expression)
kaysa sa komersyal na pagsasaalang-alang. Sila ay sumasabay sa panahon
ngunit hindi sa naturang uso.

B. Katangian ng “Indie Music”

Ayon kay Andrews (2006) ang katagang “Indie” ay nagpapatuloy sa


pamamagitan ng hindi pormal na kinikilalang mga pamagat para sa mga
idealistang musikero, sa mga tagahangang sumusuporta sa ideya ng paglikha ng
pansariling musika at sa mga kaibigan sa halip na sa pagkita o kasikatan. Ang
mga katangian ng Indie Music ay ang sumusunod: ginagawa nang walang
pinansyang korporal o mula sa malalaking kompanya, self-releasing, pinalabas at
tinustusan ng Indie bands at sariling likha. Ito ay nagbabahagi ng kulturang likas
na nagsasarili at may pagmamahal sa sining. Ito ay palaging nagbabago at ayon
nga kay “Inblaze” mula sa indieupdate.com, ang indie music ay tumutukoy sa
pioneers o mga orihinal na nagpasimula ng kanilang mga uri ng musika.
Pioneers ng Musika
Walang Pinansyang Palaging Nagbabago
Korporal

Pagpapakawala ng Para sa mga Ideal-


Sarili Indie Music istikong Musikero

Pagmamahal sa
Do-It-Yourself Sining
Nagbabahagi ng
Kultura

Mga Katangian ng Indie Music

C. Kasaysayan ng “Indie Music” sa Pilipinas

1960’s

Ayon kay Izra (http://www.music-philippines.com/history-of-philippine-


music/), ang rock bands o instrumental bands ay nagsimulang dumami nang
sumikat ang istilo ng musika ng mga Amerikano at Ingles tulad ng “The
Shadow” at “The Ventures” dahil nagustuhan nila ito. Naimpluwensyahan ng
Beatles ang mga bandang Pilipino kaya't naglaman ng mga linya o lirikong
socio-political ang Pilipinong musika. Ilan sa mga bandang lumitaw ay ang
Maria Cafra Band at Juan dela Cruz.

1970’s

Noong 1970 nagsimula sila bilang mga agresibong banda na


gumagawa ng musika para sa mga taong may kaparehas na ideolohiya sa
musika. At ayon pa rin kay Izra, nanatiling makabayan at socio-political ang
mga komposisyong Pinoy. Karaniwang tagalog naman ang wikang ginamit.

1980’s
Naging uri naman ng protesta sa panahaon ng EDSA revolution ang mga
musikang Pinoy rock. Narito ang pag-unlad ng panibagong uri ng “punk rock” gayundin
ang ibang uri ng Pinoy rock tulad ng reggae. Ang mga bandang Cocojam at Bagong
Lumad ay halimbawa ng mga bandang sumikat noong panahong iyon.

1990’s
Pagdating ng 1990, maraming banda na may iba't ibang tugtugin at
impluwensya ang sumulpot na parang kabute. Ilan sa mga ito ay ang Eraserheads at
Rivermaya. Samantala, ang Alternative Pinoy Rock naman ay pinasikat ng mga bandang Parokya ni Edgar at
Siakol. Sa panahong ito, marami nang banda ang tumutugtog sa buong Pilipinas. Maraming banda ang
nagsimula sa Maynila at sa iba't ibang panig ng bansa lalo na sa Cebu. Ang mga bandang ito ay may iba't ibang
impluwensya at sariling himig ng musika. Iba na ang tema at liriko ng tugtugin ng mga banda ngayon kaparis
noong 60's o 70's pero nagbibigay pa rin ito ng sarili nilang “identity.”
2000 hanggang sa kasalukuyan
Ngayon, marami nang mga pakontest ang nagaganap sa Pilipinas na ang mga kalahok ay mga Indie
bands. Isa sa mga nanalo ay ang bandang Jeepney Joyride sa Redhorse Muziklaban, sila ay lumahok rin sa
Yamaha Band Alert noong 2000 at Global Battle of the Bands noong 2005. Ang kanilang tema sa kanilang
musika ay pagkakaibigan, pagmamahalan at pagbabago. Ang kanilang mga tinutugtog ay ang mga karaniwang
pagsubok na idinaranas ng mga mamamayang Pilipino. Isa pang Indie band ay ang Hemp Republic.
Talagang lumalaganap na ang Indie music ngayon. Ayon sa tripod.com, ang mga taga-hanga at
kaibigan ng bandang MYOG sa Maynila ay ikinakalat ang musika ng banda. Sarili
nilang ipinopromote ang kanilang musika sa Luzon at Visayas. Kapag may mga
pagkakataong tumugtog kahit saan, nagtutulungan sila para magkaroon ng gigs.
Ang lahat ng ito ay posible dahil sa internet sapagkat mas mabilis na komunikasyon
at pwede nilang i-upload ang kanilang sariling gawa.

D. Mga Benepisyo o Adbentahe at mga Disadbentahe ng Pagiging Indie

Ayon kay Grand (2008), ang pagiging Indie ay may benepisyo sa musika. Ito ay ang paggamit ng mu-
rang home studio gear (kung mayroon silang sapat na kaalaman sa pag-aayos nito, paghahanap ng baguhang
producer o inhinyero), at murang limbagan (mga nailalagay sa internet na mga kanta sa pamilihang online nang
walang ginagawang paglilimbag, pagbabalot, at pagbibiyahe ng kalakal). Sabi naman ng bandang Drama, ang
pinakamagandang benepisyo ay walang pressure na maging sintulad ng musika ng pinakapopular na banda.
Ang pagkakaroon ng sariling tunog at ang pagwawalambahala sa mga sasabihin mo at kung sino ang masasak-
tan o matatamaan ng mensahe ng musika. Ang pagkakaroon ng isang major label ay nangangahulugan ng mas
kaunting kalayaan sa pagpili ng musika, dahil ang record label ay ang pumipili at hindi ang musikero.
Ayon naman sa tripod.com, maraming mga disadbentahe ang pagkuha ng mga record label. Isa sa
mga nagatibong epekto ay ang kawalan ng kasiguraduhan ng mga musikero kung makakakuha talaga sila ng
malaking record deal. Ito ay dahil na rin sa genre ng kanilang musika at pisikal na anyo. At kung sakaling maka-
kuha sila, hindi naman sila sigurado kung talagang tutulungan sila ng kanilang record label kung hindi sila
Pagiging Isang
Independent Artist

Adbentahe Disadbentahe

Mas Mura Hindi Hindi Tiyak Pagkawala ng


Ang Walang Kalayaang sa Makasisiguro ang Kinabu- Oras dahil sa
Produksyon Pressure Pagtutugtog sa Record kasan ng Pagtatrabaho
Deal Banda

gaanong sisikat. Hindi na rin sila makakapagtugtog sa iba‟t-ibang lugar dahil may namamahala na sa kanila at
pwede rin palitan ang pangalan ng kanilang banda at palitan rin ang genre ng kanilang musika. Isa pa sa mga
dahilan ay maaari na mayroon na silang mga sariling trabaho na hindi na kayang iwan para sundin ang mga
pangarap na maaaring hindi matupad lalo na sa panahon ng taghirap.
METODOLOHIYA
A. Paraan ng Pananaliksik
Ang pag-aaral ay ginawa sa pamamaraang deskriptiv-analitik na pananaliksik. Tinutukoy dito ang pumu-
muhay ng isang indie artist at ang kanyang pakikipagsapalaran dahil sa pagpili ng nasabing pangkabuhayan.
Tinangkang ilarawan at suriin ang kanilang damdamin, pananaw at kalagayan sa buhay. Nakipanayam kami sa
mga indie artists o kaya‟y dating mga indie artist. Kumuha rin kami ng mga datos sa mga sangguniang online.
Isang paraan na ginamit ng grupo sa paglalaganap ng mga datos ay ang pakikipag-panayam. Una ay
inalam ng grupo ang kanilang mga bakanteng oras upang kami ay makapaghanda sa gagawing panayam. Pinili
rin namin ang lugar na malapit sa kanila upang hindi sila gaano mahirapan at hindi mawalan ng gana sa pagpun-
ta sa aming panayam.

B. Mga Respondente

No Harm Done
Ang aming respondent ay ang bandang No Harm Done na halos 2 taon nang tumutugtog sa
mga gigs. Bago kami sumabak sa aming pakikipagpanayam sa banda, nakahanda na ang aming mga instrumen-
tong gagamitin. Ang mga instrumentong iyon ay ang video camera, questionnaire, papel at panulat. Lahat ng
mga tanong na aming binitawan ay sinigurado na dapat ay nakatuon sa topic ng grupo na malaman ang mga
dinaranas ng isang musikerong Indie sa Pilipinas. Mula sa mga nakuhang datos, pinili lang naming ang mga
magbibigay kalinawan sa aming pag-aaral. Warrence Po

Mr. Lawrence Po at Warrence Po


Ang mag-amang Po ay pawang mga musikero. Si Lawrence Po, na nasa kan-
yang 50‟s, ay hanggang hayskul lamang ang naabot na pag-aaral, ngunit ngayo‟y may-
roon ng sariling negosyo, bahay at kotse. Mas pinili niyang magtrabaho na lang kaysa
mamuhay bilang isang musikero, na sa kanyang palagay ay hindi kayang tustusan ang
pamilya. Kasalukuyan ay tumutugtog pa rin siya ngunit bilang isang hobby na lang. Si Warrence Po naman, 17,
ay kasalukuyang kumukuha ng Computer Science sa De La Salle University sa Taft. Kasama ang kanyang ban-
dang Streahearts, tumutugtog siya sa mga bar at gigs tuwing may panahon. Mas pinagtutuunan niya ng pansin
ang kanyang pag-aaral at tumutugtog sa mga nasabing lugar kapag may oras lamang.

PRESENTASYON, INTERPRETASYON AT PAGSUSURI NG DATOS


A. Katangian ng Pilipinong Indie Artists
Sinulat din ni Stahl (2006) na ang Indie Music ay kahit na anong bilang ng
kategorya (genre), eksena, subcultures, at kultural at maistilong katangian, na
sinasabing may kalayaan mula sa komersyal na popular na musika at kultura ng uso
at may sarilinang lapit. Napag-alaman ng aming pangkat na ang mga banda, kagaya
ng No Harm Done at ang Streahearts ni Ginoong Lawrence Po, ay may genre na
experimental at emo (para sa una) at rock (para sa huli). Ang unang banda ay
tumutugtog sa mga bar sa Metro Manila at Quezon City at ang huli naman ay
tumutugtog para sa mga kaarawan. Wala silang label, at sila-sila lang din ang nag-
aadbertisa ng kanilang sariling mga banda.
Karaniwan sa mga Pilipinong Indie Artists ay mga kabataan gaya ng “No
Harm Done”. Ayon kay Ash ng nasabing banda, sila raw ay nag-aaral pang lahat at
tumutugtog lang sa gabi. Inaabot na sila lagi ng umaga sa pag-uwi dahil mga alas-dos
o alas-tres na ng umaga natatapos ang mga gig. “Minsan ay dumidiretso na lang kami
sa pagpasok – pagdating sa room, tulog na lang kami. Naiintindihan naman ng prof
namin.”
Lahat ng mga Indie artist ay mayroong sariling inspirasyon ayon sa artikulo ni Tort. Para kay
Lawrence Po, mas nakakapagbigay-inspirasyon ang mga dating artist/banda gaya ng Beatles dahil mas
makahulugan ang kanilang mga sinulat na awitin. Datapwat, masasabing
maimpluwensiya rin ang mga makabagong tugtugin dahil sa pagsulong ng
pagpapakawala sa sarili (self expression) ngayon. Nauudyok ring tumuklas at
lumikha ng bago/sariling istilo ang mga musikero ngayon.

B. Kultura ng Indie Artists

Ayon sa www.media.newtimes.com, ang pagiging katangi-tangi ay isa sa mga


pagkakakilanlan ng isang modernong indie artist. Ang kanilang sinusuot ay
mga pambandang T-shirt, mga klasikong pananamit, striped tops, blazers, waist coats, mga kurbata,
cardigans, skinny jeans at sapatos na Converse. Ang mga kabataang indie ay karaniwang inaayawan ang
mga branded na mga damit ayon ito kay Glassvisage na taga Santa Clara. Siguro, bukod sa may kamahalan
na ang presyo ng mga ganitong kasuotan, masyado na ring popular ang mga ito at nakikitang suot ng
karamihan. Kung ang pananamit ng isang manananghal ay kakaiba, maaaring mas madali siyang makilala ng
mga tagatangkilik.

C. Kita at Lugar na Tinutugtugan


Dito sa Pilipinas, ang mga Indie Artists ay karaniwang tumutugtog sa mga gig, mga bar, kaarawan
ng kakilala at sa iba pang okasyon. Ayon sa bandang No Harm Done, tatlo hanggang apat na araw sa isang
linggo sila nakapagtatanghal sa iba‟t ibang bar sa Metro Manila at Quezon City sa ilalim ng iba‟t ibang
production. Ayon sa nasabing banda, “ang kinikita lang namin ay pang-gasolina lang at pangkain.” Ang
Streahearts naman ay kumikita ng 15,000 hanggang 20,000 sa isang maliit na gig. Ang kitang iyon ay
pinaghahatian ng mga miyembro ng kanilang banda.
Karaniwang kontento na ang mga kinikita nila dahil tumutugtog sila sapagkat iyon ay hilig nila. Ayon
nga kay Lawrence Po, “sapat na ang aming kinikita dahil tumutugtog
naman kami dahil gusto namin, hindi para kumita.”

D. Mga Positibo at Negatibong Epekto ng Pagiging Indie Artist


Ang mga benepisyo ng pagiging isang Independent Musician
ayon sa The Gate Media Group (2009) at mula sa mga panayam ng
pangkat ay ang mga sumusunod. Una, may sapat na oras upang mag-
produce at gawin pang mas maganda ang iyong pagka-artistiko at ang
gusto ng tagahanga. Dagdag dito, sabi ni Lawrence Po, hindi
nalilimitahan o narerestrikta ang mga nais mong tugtugin. Pangalawa ay
ang kalayaan na palawakin ang iyong istilo sa pagigigng musikero upang
makahatak ng mga taga-suporta na tumatangkilik ng iba't ibang genre.
“Nae-express naming „yung emotion namin…experience of music…‟Dun
naming nailalabas lahat,” sabi nga ni Drax ng bandang No Harm Done.
Maaaring makapagbigay-kasiyahan din sila sa mga audience
dito. Ikatlo, kung may epektibong marketing campaign (pagpapalaganap
ng mga awitin), hindi na kailangan ng tour o pag-ikot sa bansa upang
makabenta ng mga CD. Ikaapat, ang kita ng isang indie artist ay
maaaring mas malaki kaysa sa mga malalaki/sikat na artist dahil sila
mismo ang namamahala at naghahati-hati sa mga tubo nila. Ang isa
pang benepisyo ay palaging mahusay ang kalagayan ng industriya ng entertainment lalo na kung ang
ekonomiya ay naghihirap. Ikaanim, nalilimutan daw ang mga problema habang tumutugtog ayon sa No Harm
Done. “Di hamak na mas matinong gawain ang pagtugtog kaysa pagbibisyo,” gaya ng inimplika nila. Ayon
naman kay Lawrence Po, “marami kang maaaring makilala sa pagiging Indie artist, gaya ng naging
pagkakakilala ng aking ama na isang Indie artist noon at ng kanyang ina.”
Mayroon ding mga masasamang epekto at disadbentahe ang
pagiging Indie artist. Ayon sa mga panayam ng aming pangkat at sa mga
nakalap na impormasyon sa bahaging “Mga Kaugnay na Babasahin,”
narito ang ilan sa mga iyon. Una, mahirap humanap ng mga gig kung
nagsisimula pa lamang ang artist o banda. Ikalawa, para sa mga nag-
aaral pa, hindi nila naiibigay ang buong atensyon sa pag-aaral. Ikatlo,
maaring masangkot sa mga pagtatalo, away o gulo ang Indie artist o
banda sa pagpadpad nila/niya sa iba‟t ibang lugar. Ikaapat, ang iba ay napapalayo ang loob o nakakasamaan
ng loob ang pamilya maging ang kapwa mga banda o musikero. Huli, hindi nasisiguro na kikita o may
kinabukasan ang karera ng isang Indie.

E. Ilang mga Karanasan ng Indie Band


Nagsimulang mabuo ang bandang No Harm Done sa text lang. Sila‟y nagkita-kita sa isang tugtugan
noong nabibilang pa sila sa iba‟t ibang banda tsaka nagpasyasng bumuo ng sarili nilang banda. Nahango mula
sa isang argumento sa isang bar ang kanilang pangalan. Humingi ng dispensa ang isang ka-miyembro, si Ash,
sa manager ng bar. Naresolba naman ang pagtatalo at ang sabi ng manager, “No harm done.” Kung kaya ay
naisip nilang maaring gawing pangalan ng kanilang banda ang linyang iyon.Nang tanungin kung bakit nila
ipinagpapatuloy ang pagiging Indie artist, “Nae-express naming „yung emotion namin…experience of mu-
sic…‟Dun naming nailalabas lahat.” (Drax ng No Harm Done)
Hindi raw natanggap ang Streahearts sa isang gig dahil sa kanilang genre.
Ang bar ay naghahanap ng jazz band ngunit sila ay isang rock band. Dumating ang
punto na pinag-isipan nilang na palitan ang kanilang genre, ngunit sa kanilang
pagpupursige, nakahanap rin sila ng isang bar na nagpatugtog sa kanila. “Fulfilling
siya kasi matagal mong hinanap e.”
Ayon kay Warrence Po, may isang pagkakataon daw na kukunin sana ang
kanyang ama, na isang indie artist din, bilang bahista ng Pork Chop Duo na dating
kilala bilang Red Fox. Tinanggihan niya ang malaking pagkakataong iyon. “...ang
dad ko kasi, hindi niya hilig ang ganoong musika e. Loyalty sa band lang talaga.” s
“Kailangan noong panahon na „yon, marami kang alam na kanta para hindi paulit-ulit „yung tinutugtog,”
kwento kay Warrence ng kanyang ama. “‟Yung daddy ko, naaalala ko sabi niya tuwang-tuwa sila nung unang
beses na tumugtog sila dahil syempre, bagong experience diba?”
Isa pang Indie band sa Pilipinas ay ang Sleepy Heads na galing sa Trinity College na
nagsimula noong 2000. Dahil sa kanilang pagsisikap at pag-eensayo, sila ay naging regular na banda sa
Mayric na natatagpuan sa tapat ng Pamantasan ng Santo Tomas sa Espanya. Nasabi ng banda na noong sila
ay nag-uumpisang magbenta ng kanilang sariling musika, naibebenta lamang nila ito sa halagang 30php.

KONKLUSYON

Sa mga naitalang mga karanasan ng mga Indie na banda, mahihinuha nating makulay ang buhay-indie.
Maraming magaganda at marami ring mga pagsubok na pagdadaanan. Ngunit gaya ng sabi ng mga
nakapanayam namin, kung ang hilig mo talaga ay pagtugtog, gagawin mo ang lahat upang ipagpatuloy ang
paggawa nito. Kumikita ka man ng malaki o maliit, sumikat ka man o hindi, kahit ano pang ibato ng mundo sa
iyo, itutuloy mo pa rin ang pagsulong ng iyong pasyon sa musika.
REKOMENDASYON

Napag-alaman nating mahirap din ang buhay ng isang independent band/artist. Nangangailangan ng
suporta ang mga taong nasa ganitong propesyon. Ang pamahalaan natin ay higit na makakatulong upang
palawakin ang musika at sining sa ating bansa. Maaari silang maglaan ng mga proyekto na magsasanay at
magbibigay ng pagkakataon sa mga independent band/artist na makilala. Maaari rin silang higit pang kumita
sapagkat mas maraming tao ang bibili ng mga album nila.
Marami sa mga indie artist ang nakakapagsimula nang maganda ngunit sa bandang huli ay naw-
awala ang pagiging malikhain nila dahil kulang na sila sa oras. Ang mga recording company ay makakatu-
long sa mga indie artist kung pagbibigyan nila na gumawa ng sariling komposisyon ang mga banda ayon sa
kanilang kagustuhan at pamamaraan. Nararapat din na bigyan nila ng sapat na oras ang mga banda upang
hindi sila masyadong mahirapan sa paggawa ng panibagong kanta. Sa ganitong pamamaraan, hindi masa-
sakripisyo ang mga pinaghihirapan ng mga gumagawa ng kanta.
Para sa pangkalahatang bumabasa nito, marami sa mga Pilipino ang mahusay tumugtog. Karami-
han sa kanila ay mga independent. Nangangailangan lang sila ng suporta at kaunting tulong. Marami sa atin
ang mahilig makinig ng mga banda lalo na ang mga kabataan ngayon. Hindi masama ang tumangkilik ng
mga bandang banyaga pero sana ay ilagay natin sa ating kaisipan na huwag nating kalimutang bigyan din ng
atensyon ang mga Pilipinong nasa larangan ng musika.

MGA SANGGUNIAN

Aldo. (2007). Nakuha noong Enero 3, 2009 mula sa http://cult.multiply.com/journal/item/9/


The_True_Meaning_of_INDIE
All About Indie. Nakuha noong Enero 2, 2009 mula sa http://hubpages.com/hub/The_Indie_Scene
Andrews, C. CNN. If It‟s Cool, It‟s Creative, It‟s Indie. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa http://edition.cnn.com/2006/
SHOWBIZ/Music/09/19/indie.overview/index.html
Grand, J. (2008). The Indie Age of Music. Nakuha noong Enero 3, 2009 mula sa http://prorec.com/Articles/tabid/109/
EntryId/294/The-Indie-Age-of-Music.aspx
Henin, Marcia. All About Indie Artists. Nakuha noong Enero 3, 2009 mula sa http://www.articlewisdom.com/Article/All-
about-Indie-Artists/37082
InBlaze.(2007). A New Millennium, and There‟s NOTHING Good on the Radio. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa
http://www.indieupdate.com/category/indie-music-history/
Is it Possible?. Philippine Indie Network. Nakuha noong Enero 2, 2009 mula sa http://members.tripod.com/
phil_indie_net/
Izra. (2008). History of Philippine Music. Nakuha noong Enero 2, 2009 sa http://www.music-philippines.com/history-of-
philippine-music/
No More Drama. (2007, December 21). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa http://
showbizandstyle.inquirer.net/you/vidvibe/view_article.php?article_id=108242
Stahl, M. (2006). What is Indie?. Nakuha noong Enero 3, 2009 mula sa http://www.bandradio.com/articles/
music_biz_articles/what_is_indie?/
Tort, V. (2007). Up Close: Rising Philippine Indie Bands. Nakuha noong Enero 2, 2009 mula sa http://
www.tugtog.com/pinoy-artists/up-close-rising-philippine-indie-bands-2007-01-04.php
Urbandub - Bio, Albums, Songs and Lyrics - OPM Filipino Music. n.d. Nakuha noong Enero 2, 2009 mula sa http://
www.filipinomusica.com/urbandub.html
Welcome to The Dorques side. (2008, February 1). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Enero 4, 2009 sa http://
showbizandstyle.inquirer.net/you

You might also like