Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

BAGONG GUSALI, HANDA NA

ni: Rutheza Felarca

SMES, San Marcelino, Zambales - Handa nang gamitin ng mga mag-aaral ng San Marcelino Elementary School (SMES) ang bagong dalawang palapag na gusali na natapos noong Oktubre 24.
Ang nasabing gusali ay inumpisahang ipagawa ng dating Gobernador Amor Deloso noong Setyembre 2008. Dahil sa pagpapalit ng administrasyon ay nahinto ang paggawa. Sa masigasig na pamumuno ni Gng. Nieves I. Peralta, punongguro, ay nagpadala siya ng sulat sa Amang Panlalawigan na si Gobernador Hermogenes Ebdane na ipagpatuloy ito. Kaagad itong inaksyunan ng mabuting Gobernador. Ngayon, ang bagong gusali na may sampung silid-aralan, mga upuan, lamesa at sariling palikuran bawat silid ay maari nang gamitin. Ang mga mag-aaral sa ikaapat at ikalimang baitang ang nabigyan ng karapatang gumamit ng gusali. Sa ngayon ay inaantay na lamang ang turn-over at pagbabasbas ng bagong gusali.

Achievers, pinarangalan ng LGU


lalo pang paigtingin ang Tinanggap ng kanilang pag-aaral at mga piling magpaghusayan pa sa mga aaral at guro ng darating na patimpalak SMES ang Award upang mapatunayan of Excellence sa buong Lalawigan na iginawad ng ng Zambales na ang LGU (Local Marcelinians ay hindi Government Unit) magpapahuli at susuko ng San Marcelino sa ano mang hamon ng noong ika-26 mga sumusunod pang ng Nobyembre. patimpalak. Sa pamamagitan Ang mga gurong ng Municipal LGU AWARD OF EXCELLENCE. Masayang iginawad nina SBM Alex tagasanay ay sina Gng. Ordinance No. Mauricio at Vice-Mayor Irene Canlas ang mga sertipiko at medalya sa Ester Yap, Gng. Romiela 2012-105 na mga natatanging guro at mag-aaral ng SMES. Reg, Bb. Virginia Paula ipinasa ni SBM Aaliyah Ashvins Mauricio; Fulgueras, Gng. Michelle Anne Alex Mauricio sa Sangguniang Math Quiz-Randolf Joseph Beltran, at Bb. Dresden Klette A. Bayan ng San Marcelino ay Alvarez; Copy Reading/Headline Yauder sa pamamatnugot ni Gng. ginawaran ng parangal ang Writing-Darla Martina Labio; Nieves I. Peralta. mga nagkamit ng unang pwesto Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo Ang Award of Excellence sa panlalawigang patimpalak ng Balita - Whimberly Sales. ay nagpapatunay lamang na sa ibat ibang asignatura. Layunin ng parangal na ito de-kalidad na edukasyon ang ScienceQuiz-Kyhart Fababier; na hamunin ang mga mag-aaral natatamo ng mga mag-aaral ng Investigatory Project ng Bayan ng San Marcelino na SMES.
ni: Ann Jahazielle Suyod

Badyet sa Edukasyon, dinagdagan sa 2013


Ang guro ang siyang pinakamahalagang haligi ng edukasyon, ang sambit ni Senator Allan Peter Cayetano sa kanyang rebuttal speech sa kongreso sa pagpasa ng National Budget. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay binigyan ng karagdagang Php. 32.8 billion mula sa Php. 2 trillion na badyet na gagamitin ng kagawaran. Subalit walang nakasaad dito patungkol sa pagtaas sa suweldo ng mga guro na siyang labis na ikinalungkot ng senador. Maliban sa matagal nang hinaing na kakulangan sa suweldo, ay ang kakulangan din ng benepisyong natatamo ng mga guro, kagaya ng libreng medical examination at pagpapagamot na nakasaad sa Republic Act 4640 o Magna (sundan sa pahina 3)
ni: Karylle Rose Jardin

Garma, bagong SDS


My vision as an education leader is to see all sectors working hand in hand with the Department of Education and making public education as accessible as possible. Ito ang mga katagang binitiwan ng bagong Schools Division Superintendent ng Zambales sa panuruang taon 2012-2013 na si Sir Malcom S. Garma. Bago narating ni G. Garma ang puhunan sa pamumuno sa kanyang kinalalagyan ngayon ay nag- Kagawaran ng Edukasyon. umpisasiyabilangrespetadong Isa pa sa mga layunin ni Sir classroom instructorat Garma ay mapalakas ang pinuno sa Unibersidad ng School Based Management Pilipinas. Nagtapos niya ng System sa mga MastersDegreeinUrbanand pampublikong paaralan RegionalPlanningatBusiness upang matulungan angmga Administration sa Ateneo punongguro na mapalawak Graduate School of Business. ang kanilang managerial Ang kanyang skills na magreresulta malawak na kaalaman sa sa mataas na produksyon pangangasiwa ang kanyang naging sa Kagawaran ng Edukasyon.
ni: Hans Christer Arcilla

MGA SIYENTIPIKO NG BAGONG MILENYO. Buong kagalakang ipinagbunyi ng mga kalahok ang kanilang matamis na tagumpay.

SMES, bumandera sa Division SCI-Fair


ni: Gabriel Kenneth Andres

Bumandera ang koponan ng SMES sa nakaraang Division Science Fair na ginanap sa Mababang Paaralan ng Subic noong ika-2 ng Oktubre. Ang Division Science Fair ay dinaluhan ng ibat ibang distrito ng Zambales. Nagkaroon ng paligsahan sa ibat ibang kategorya na kung saan nagtunggali ang bawat mag-aaral at guro na may angking talino sa Agham. Hindi nagpahuli ang mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng San Marcelino na sina Kynier Fababier - Ikatlong Baitang na nanalo ng ikalawang puwesto; Gabriel Kenneth Andres - Ikaapat na

Baitang, ikaapat na puwesto; Rutheza Felarca - Ikalimang Baitang, unang pwesto; Kyhart Fababier - Ikaanim na Baitang, unang pwesto; Aaliyah Asvinhs Mauricio - Ikalimang Baitang, unang pwesto; Neil Patrick Polante at Chelsea Reyes - Ikaanim na Baitang, ikaapat na pwesto. Ang mga gurong tagasanay ay sina Rosalinda Cuison, Anolina Apostol, Virginia Paula Fulgueras, Romiela Reg, Ester Yap, at Marmila Fruto . Ang mga nanalo ng unang puwesto ay kumatawan sa Regional Science Fair na ginanap noong ika-26 ng Oktubre.

SMES, tumanggap ng BFP


Iba,Zambales - Ang SMES ay isa sa mga paaralan sa lalawigan ng Zambales na tumanggap ng Breakfast Feeding Program ng ipinagkaloob ng Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon III noong Nobyembre 29. Ang pondo ay Ang paghahanda ay pamamahalaan nagkakahalaga ng 44K na ng Nutrition at H.E. Teacher na si ibibigay sa Enero. Layunin ng Gng. Gina P. Jardin kasama ang mga Breakfast Feeding Program na piling mga magulang na gagabayan pakainin ang mga batang nasa ng punongguro na si Gng. Nieves I. kalagayang severely wasted sa Peralta. mga paaralan. Naniniwala ang ahensya ng Sa SMES ay may 23 batang edukasyon na sa pamamagitan ng mula sa Una hanggang Ikaanim Supplementary Feeding Program ay na Baitang na pakakainin ng ganap na malulutas ng pamahalaan almusal sa loob ng 120 na araw. ang problema sa malnutrisyon na Ang mga pagkaing ihahanda ay isa ng pangunahing dahilan ng hindi ayon sa resipe na ibinigay ng pagtamo ng mga mag-aaral ng Kagawaran ng Edukasyon. tamang edukasyon.
ni: Karl Roi Gongora

SPED G/T, dumalo sa National Conference


Teachers Camp Baguio City-Siyam na guro ng SPED G/T at punongguro ang dumalo sa SPED National Conference na ginanap noong Oktubre 26-28. Alinsunod sa DepEd class. Ang mga dumalo ay Memo 121 s. 2012, ang lahat ng SPED Teachers ay dadalo sina Criselda Corpuz, Alma Rosela Polante, sa pagpupulong upang mahasa Beltran, ang kaalaman ng mga SPED Anolina Apostol, Virginia Paula Teachers sa pagtuturo ng mga Fulgueras, Victoria Estrada, Joy batang espesyal. Ang paksa ay Dado, Aida Esmile, at Anabelle Inclusive Education at Early Alitin sa pamamatnubay ni Gng. Intervention for the Children Nieves Peralta, ang punongguro. Umuwing dala-dala ng with Special Needs (CSNs). Ibinahagi dito na ang mga CSNs mga guro ang pag-asa na ang nasa kategoryang G/T, ID at HI Inclusive Education Program ay maaring mailagay sa regular ay maisakatuparan sa SMES.
ni: Gabriel Kenneth Andres

EARLY INTERVENTION FOR CHILDREN WITH SPECIAL NEEDS. Mga gurong lumahok sa SPED National Conference sa Baguio City.

Cayundong sa CLRAA13
Iba, Zambales- Masayang iniuwi ni JozelleA. Cayundong ang medalya matapos pataubin ang kalaban na si Erica Maezel Erese, sa isang elimination game ng table tennis sa Provincial Palaro na ginanap sa Iba Sports Complex noong Ika- 26 ng Oktubre. Ginanap ang laro upang matukoy ginalingan ko na lamang, ani kung sino sa kanilang dalawa Cayundong matapos ang kanilang ang magiging isa sa kinatawan laro. ng table tennis singles sa Masaya naman ang kanilang darating na Central Luzon coach na si Bb. Gigi Fulgueras Regional Athletics Association sa ipinakitang determinasyon ng (CLRAA) Meet na gaganapin dalawang atleta. sa Tarlac City sa susunod na taon. Sasabak ngayong Disyembre Mas masaya sana kung sa matinding training sa Iba ang dalawa kaming nakapasok sa mga nanalong atleta mula sa CLRAA, kaya lang dapat ibat ibang panig ng sangay ng kaming sumunod sa mga hurado kaya Zambales.
ni: Kamyl D. Fruto

WTD: sagot sa mga larong limot ISPORTS Lathalain


Isang matalinong pagpapasya ang ginawa ng pamunuan ng ating paaralan na kasabay ng pagdiriwang ng World TeachersDay(WTD)aymulingsinariwaangmgalaronglahi na malapit nang maibaon sa limot ng mga kabataan ngayon. Malaki ang naging epekto ng modernisasyon at impluwensya ng ibang bansa sa pagbabago ng ating mga nakagisnang tradisyon. Unti-unti , sa pag-akap natin sa mga pagbabagong ito ay naka limutan na natin ang mga larong kinamulatan na ng ating mga ninuno gayundin ng ating mga magulang. Sa paglalaro ng ating mga guro, buong pagmamalaki nilang ipinakita sa atin ang pagsasagawa ng mga laro ng lahi. Sinong mag-aakala na si titser, bunton man ang gawa sa loob ng klase ay kaya pa ring isagawa ang mga larong tulad ng piko, patintero, sipa at sungka? Isantabi muna natin ang paglalaro ng PSP, celfon, Ipod o tablet.Lumabas muna tayo at magunat ng katawan at isagawa ang mga laro ng lahi. Dahil ditoy makatwiran lamang na sabihin na natapos man ang pagdiriwang ng World Teachers Day(WTD), ang laro ng lahi ay maisasapuso na ng
ating mga kabataan at di na muli pang malilimutan. Ready, set, go!. Ito ay hindi isang signal ng laban ng takbuhan. Isa lamang ito sa mga Science activities ni Titser Ester . Mabilis naman siyang kumaripas ng takbo na tila kasintulin ng idol kong si Lydia De Vega. Hiyawan naman ang kanyang mga kaklase. Di ko lubos maisip kung bakit di ito ang sinalihan ni kuya. Dahil kaya sa kanyang taas? O takot lang siyang maungusan ng iba? Mahilig maglaro ang aking kuya, player nga siya nang table tennis sa aming iskul pero talaga atang di siya kinakapitan ng suwertepagdatingsapaglalaro.Pero tuloy pa rin siya sa pagpupursige. Kung tulin ng pag-iisip ang pag-uusapan, maaasahan si kuya. Kung pagiging top

Maliit Man Sa Paningin


ni: Rosela Polante

sa klase, si kuya di rin pahuhuli. Small but terrible ika nga ng nakararami. Talagang ang isports di sa kanya maiaalis, hilig niya sa panonood sa kanyay nagdala ng karangalan. Number 1 nga siya sa nakaraang District Presscon sa pagsulat niya ng Isports at pasok pa rin sa pansangay na labanan. Si kuya maliit man sa paningin ng iba, mataas naman ang pagtingin ko sa kanya.Siya ang aking inspirasyon kayat yapak niyay nais kong matunton. Iyan si Kuya Neil Patrick, Bagamat maliit, punong-puno ng sigla, pagmamahal at talas ng isip. Roger Tapia - Sprinter na maituturing kahit kaliwang kamay ay putol din. Marites Burce - Javelin throw kanyang napili kahit sa wheelchair siya nakatali.

Isang Pagpupugay sa mga Atletang May Kapansanan


Ang mga Pilipino ay tunay na palaban. Kumpleto man sila o may kapansanan. Anumang mangyari, kulangin man sa bahagi tuloy pa rin sa paglaban. Sa kasabihang Kung kaya mo, kaya ko rin ang kanilang sandigan.
ni: Hans Christer Arcilla

ISPORTS

Narito ang mga atletang binigyang pugay ng ating bansa dahil sa dala nilang parangal sa mga nagdaang Paralympics: Adeline Dumapong - siya ay lumpo subalit bronze medalist sa powerlifting.

Andy Avellana - putol ang kaliwang paa ngunit player siya ng high jump. Isidro Vildosa - long distance runner kahit wala angkaliwang kamay.

SMES sa makabagong teknolohiy a...

EPEKTIBONG ESTRATEHIYA
ni: Nezer Mar Monzales

Lahat ng paaralaan ay may iisang layunin, ang makapagbigay ng isang de-kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral. Subalit saan nasusukat ang de-kalidad na edukasyon? Sa pisikal na anyo ba ng paaralan? Sa mga guro bang nagtuturo? Sa pamunuan ba? O sa makabagong teknolohiya at istratihiya sa proseso ng pagtuturo at pag-aaral? Ang Kagawaran ng Edukasyon ang siyang unang nakaisip ng paraan kung papaano makasasabay sa bagong hamon ng makabagong uri ng komunikasyon. Ang tinutukoy dito ay ang nagsusulputang mga high-tech na gadyet na kasalukuyang ginagamit. Ang nais ng mga mag-aaral ngayon ay puro pangmadalian. Nandiyan sa isang swype ng cellphone at ipad at nakakapaglog-in ka na sa mga ibat ibang social-media. Isang pindot sa laptop, nasagot na ang mga takdang-aralin sa mga asignaturng kinakailangan ng pagsasaliksik gamit ng google. Maari ka pang makipag-chat sa kaklase kung ikaw ay lumiban sa klase at hindi mo alam ang pinag-aralan at takdangaralin. Ang lahat ng ito ay mga halimbawa lamang sa pagbabagong nangyayari sa kapaligiran gamit ang makabagong uri ng komunikasyon. Kung pagbabago sa larangan ng komunikasyon, ang SMES ay hindi pahuhuli. Sa ngayon, ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Ikaanim na baitang kasama ang SPED ID/HI ay gumagamit na ng E-Learning Classroom na kung saan ang guro ay nagtuturo sa pamamagitan ng malaking inter-active board na nagiging mas makabuluhan at mas naiintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang aralin.Sa pagsagot naman ng katanungan ng guro ay may kanya-kanyang kompyuter ang mga mag-aaral na doon inilalagay ang kanilang mga kasagutan - presto! Hindi na gumagamit ng papel at lapis. Isa pang ipinagmamalaki ng SMES ay ang pagkakaroon ng K-channel na ibinigay ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng isang NGO. Sa tulong ng Knowledge Channel ay mas nagaganyakan ang mga mag-aaral na alalahanin ang kanilang aralin na hindi na ginagamit ang kanilang aklat. Nagiging makatutuhanan ang kanilang pag-aaral sapagkat napapanood nila mismo kung ano ang ibig sabihin ng kanilang pinag-aaralan lalo na sa asignaturang Matematika, Ingles, Hekasi , Agham at Wastong Pag-uugali. Satugondinngpamunuan ng SMES sa makabagong komunikasyon, hindi lamang ang mga mag-aaral ang tumugon sa panawagan ng Ama ng Edukasyon pati mga guro. Sa katunayan ang mga guro ay sumailalim din ng mga pagsasanay kung paano gamitin ang E-Classroom, at K-channel. Higit sa lahat ang mga guro ay gumawa ng sarili nilang e-mail address u p a n g madaling makipag-ugnayan sa Kagawaran, at mabasa at malaman kung ano ang mga pangyayari sa Ahensya ng Edukasyon. S a ngayon ang mga mag-aaral ng SMES ay may kanya-kanyang Learners Reference Number (LRN) upang ang bawat mag-aaral ay magkaroon ng sariling pagkakakilanlan na kanyang dala-dala saan mang paaralan siya maga r a l . Napakagandang malaman na mismong ang pamunuan ng SMES sa pangunguna ng punonggurong si Gng. Nieves I. Peralta ay kumikilos upang ang komunikasyon sa SMES ay mapabilis at makasabay sa mga high-tech na gadyet. Nagpalagay siya ng wi-fi sa kanyang opisina upang ang kanyang mga reports ay maipadala kaagad sa pamamagitan ng e-mail. Sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya sa paaralan, epektibo ngang estratehiya ito upang mas marami pang mag-aaral ang ganahang mag-aral at mas madadagdagan pa ang mga achievers ng paaralan. Mabuhay ang pamunuan at mag-aaral ng SMES!

Population Week, isinagawa sa SMES


Isang patimpalak ang isinagawa ng Municipal Population Development (MPD) sa SMES noong ika-5 ng Disyembre. Sa pangunguna ni G. Norman V. Montevirgen, ang Provincial Population Officer II (PPO II) ay naipagdiwang ang 2012 Municipal Population Development Week (MPD) sa SMES. Ang tema ng Pop Week ay Population Health Encouragement and Local Governance. Ayon kay Montevirgen, Ang mga kabataan ay masyadong mapagtuklas at kailangan hubugin sa pisikal, moralidad, at ispirituwal na aspeto ng buhay. Ang pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng MPD ay ang pagbibigay ng tamang karunungan sa mga kabataan na maging mapagmasid sa madaling paglobo ng populasyon.
ni: Whimberly Sales

POPCOM. Masusing ipinaliwanag ni G. Norman Montevirgen ang katungkulan ng mga kabataan ukol sa mabilis na paglobo ng populasyon.

2.57%, itinaas ng enrolment



Ang enrolment sa SMES sa PanuruTaon 2012-2013 ay tumaas ng 2.57 bahagdan. Noong Panuruang Taon bigay ng 915 na mag-aaral. 2011-2012 ay nagtala ng bilang Ang dahilan ng pagtaas ng mag-aaral ng 431 na babae at ng enrolmentay ang paglipat 461 na lalaki na may kabuuang ng mga mag-aaral galing bilang na 892 na magmula sa sa pribadong paaralan at Pre-Elementarya hanggang paglipat ng tirahan. Ikaanim na Baitang kasama ang Higit sa lahat SPED Intellectually Disabled at ang pagsusumikap ng Hearing Imparaied (SPED ID/ punongguro kasama ng mga HI). Samantalang sa Panuaruan guro na mapaghusay ang Taon 2012-2013 ay may 459 na edukasyong makakamtan ng babae at 456 na lalaki na nagmag-aaral . ang
ni : Neil Patrick Polante

Araw ng mga Guro, ipinagdiwang


Polante, naiangat sa pwesto
Dahil sa masipag at masigasig si Gng. Rosela C. Polante ay naiangat ang kanyang pwesto mula Guro III-MT1. Si Gng. Polante ay guro Naging masusi ang pagpili sa Ikatlong Baitang ng SPED ng mga Division Supervisor Gifted/Talented (G/T) at sumali na pinangunahan nina G. sa Division Ranking for Master Gregorio Yap at G. Patricio E. Teachers na ginanap noong Labasan. Ang mga kalahok Setyembre. ay nanggaling sa ibat ibang Sa tagal na rin niya sa purok ng Zambales. Hindi serbisyo, si Polante ay bihasa naman nagpahuli si Polante at na sa pagtuturo lalo na sa nasungkit niya ang ikalabingasignaturang Matematika. isang pwesto. Badyet... (mula sa pahina 1) for Teachers. Kapag natuklasan na kinakailangan ang pagpapagamot ng isang guro, dapat itong ibigay ng libre ng gobyerno at ang Kagawaran ng Edukasyon ang nararapat lamang na sumagot ng mga gastusin. (The Philippine Star)
ni : Rutheza Felarca

Tuwing ika-5 ng Oktubre ay ipinagdiriwang ng buong sambayanan ang isang pinakamahalagang okasyon sa kasaysayan ng bansa, ang Araw ng mga Guro. Alinsunod sa Deped Memo no. 378 s. 2012, ay dapat gunitain ang Araw ng mga Guro. Sa ganap na ika-7:30 ng umaga ay nagkaroon sa SMES ng isang parada na nilahukan ng mga guro, mag-aaral, at magulang. Lumibot ito sa kalapit barangay ng paaralan at pagkatapos ay nagkaroon ng maikling palatuntunan na inihandog sa mga guro ng Supreme Pupil Government (SPGO) at Parents Teachers Association (PTA) na pinamumunuan ni Kyhart Fababier at G. Ramil Paje. Naghandog din ng mga natatanging bilang ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Ikaanim na baitang kasama rin ang mga mag-aaral sa SPED-ID/HI na nagbigay ng Doxology. Naghanda rin ang PTA ng mga pagkaing pinagsaluhan ng mga kaguruan at mga magulang na opisyales ng paaralan. Bilang pagpupugay sa mga guro, nagbigay ng regalo ang PTA simbolo ng pasasalamat sa matiyagang pagpapatnubay at paghubog sa mga mag-aaral ng SMES.

ni: Karylle Rose Jardin

EDITORYAL DepEd Memo Blg. 180, makabuluhan

Tunay na makabuluhan at makatotohanan ang ipinatupad na memorandum bilang 180 s. 2012 ng Kagawaran ng Edukasyon, kung saan hinihikayat ang lahat ng pampublikong mga silidaralan at maging lahat ng tanggapan na magsabit ng paalala na naglalaman ng kawikaang Honesty is the best policy. Layunin ng naturang memorandum na sa pamamagitan ng pagsasabit ng paalalang ito sa isang bahagi ng silid-aralan o tanggapan ay maitatak at maimulat ang mga murang kaisipan ng mga mag-aaral, mga kabataan, gayundin ang mga kawani sa kahalagahan ng pagiging matapat at may integridad. Nararapat lamang na mismong mga paaralan ang magsilbing instrumento sa pagtataguyod ng misyong ito. Kaisa ang mga guro, sapagkat bilang pangalawang magulang, malaki ang papel na kanilang ginagampanan sa paghubog ng kagandahang asal at wastong pag-uugali ng mga mag-aaral. Ang kaugaliang ito ang marapat lamang taglayin ng mga kabataan hanggang sa kanilang pagtanda. Sinasabing ang ating bansa ay patuloy na nalulugmok sa kahirapan at dalawa sa nakikitang pangunahing dahilan ay ang mga tiwaling pinuno at malawakang korapsyon. Kaya naman nagsilbing hamon ito para sa Kagawaran ng Edukasyon. Hangad nito na makalikha ng produkto mula sa milyong kabataan na siyang magsasalba sa ating bansa sa tuluyang pagkakalugmok. Isang kabataang maituturing na hubog sa tunay na kahulugan ng kagandahang asal at mabuting gawi. Nagtataglay ng katangiang matapat, may integridad at may takot sa Diyos. Naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang pagunlad ay matatamo kung ang bawat isa, pinuno man o ang pinakamababang antas sa lipunan ay may tunay na pagpapahalaga sa KATAPATAN.

Laman ng mga balita sa telebisyon at pahayagan ang matitinding epekto ng bullying sa paaralan. Ilan dito ay ang pagkakasangkot ng ilang magulang sa gulo na humahantong sa pisikal na pananakit. Dahil sa pananakot, pagbabanta at pananakit ng mag-aaral sa kapwa mag-aaral, nangingibabaw ang takot sa biktima, nawawala ang kanyang determinasyon sa kanyang pag-aaral, nagiging purol at humahantong sa malimit na pagliban sa klase. Ang House Bill 5496 o AntiBullyingAct of2012 ay naglalayong mai-

Epekto ng Pananakot...HUWAG BALEWALAIN

paalam sa mga magulang gayundin sa mga pamunuan ng paaralan ang epekto ng bullying at kung paano ito mapipigilan. Higit na makabubuti kung maipagbibigayalam kaagad ng magulangsa guro kung ang kanyang anak ay nakararanas ng ganitong pananakot upang kaagad itong mapigilan. Ang paaralan ay may tungkuling makapagbigay ng pinakamahusay na pamantayan sa edukasyon para sa lahat ng mag-aaral. Kailangan ang ligtas at seguridad ng kapaligiran nito upang makamit ang mga itinakdang layunin.

SALAMIN SA ARAW-ARAW
Chelsea Reyes Punong Patnugot Neil Patrick Polante Whimberly Sales Tagapangasiwang Patnugot Charmaine Palinlin Nezer Mar Monzales Patnugot sa Lathalain Marinyl Gelacio Kartunista Ann Jahazielle Suyod, Rutheza Felarca Karl Roi Gongora, Gabriel Kenneth Andres Patnugot sa Balita Hans Christer Arcilla, Karylle Jardin Justine Jade Pingue Patnugot sa Isports Kamyl Fruto Potograper

Gng. Arginia B. Raguini Gng. Marmila M. Fruto Gng. Michelle A. Barantes Bb. Dresden Klette A. Yauder Tagapayo Gng. Nieves I. Peralta , SP II Gng. Virginia V. Fulgueras, PSDS Konsultants

At dumating si Pedro at sinabi , Panginoon, ilang beses kong patatawarin ang kapatid kong nagkasala sa akin at patatawarin ko ba siya? Hanggang pitong beses? At sumagot si Hesus, hindi ko sinabi sa inyo ng 7, subalit hanggang 70 x 7. Sa araw-araw nating pamumuhay hindi man natin sinasadya, tayo ay nasasaktan sa maling ginawa sa atin ng ating kapwa. Sa kadalasan kapag tayo ay nasaktan ay napakahirap nating magpatawad. Ang ating galit minsan ay tumatagal ng segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon. Pero kung ating aalalahanin ang salita ng Dios ay dapat tayong magpatawad kapag ang ating kapwa ay nagkasala sa atin. Dapat din nating isipin na tayo rin ay nakakasakit sa ating kapwa sa hindi natin inaasahang pagkakataon. Kayat mas mabuting magpatawad kaysa manatiling hindi nagpapatawad kagaya ng pagpapatawad ng Dios sa ating mga kasalanan. Muli nating sariwain ang sakripisyong ginawa ng Dios sa krus ng kalbaryo - ang simbolo ng dakilang pagmamahal si Cristo sa tao.

Isang makabuluhang proyekto ang inilunsad ng Explorers Club dito sa ating paaralan .Noong ika-23 ng Nobyembre naging abala ang mga tagapangasiwa ng nasabing proyekto sa paghahanda ng kaunaunahang mobile planetarium na ginanap dito sa ating paaralan. Sa pamamagitan ng inflatable dome na nagsilbing kalangitan, projector, isang dokumentadong palabas na may sound effects , 8 pulgadang refractor Telescope ay nasilayan at napanood ng mga mag-aaral ng SMES ang bituin, planetang Mars, konstelasyon at nagkaroon ng stargazing sa gabi. Ang planetang Mars ang pinakamalapit ng planeta sa ating mundo na ang kanyang atmosphere ay hawig sa mundo. Kilala itong pulang planeta na may pinakamalaking bulkan na Olympus Mons sa buong solar system.

ni: Arginia Raguini

Layunin ng National Museum na sa pamamagitan ng Mobile Planetarium ay malaman ng mga mag-aaral ang mga makabagong tuklas sa larangan ng astronumiya. Makita nang malapitan sa pamamagitan ng higanteng teleskipio ang mga maliliit na bituing kumukuti-kutitap at ang napagandang kabilugan ng buwan kapag gabi. Nadagdagan din ng kaalaman ang mga mag-aaral sa pinakamalapit na planeta sa mundo ang Mars ng posibleng mabuhay ang bawat likha ng Panginoon. Sa aktualnapagsilipsateleskopio ay kanilang napagtanto na ang malabughaw na mukha ng buwan ay parang naging butas na pancake. Samantalang sa kabilang teleskopio ay nagpakita na ang magandang ibabaw ng mundo na dapat ang nakikita ay luntiang kulay at malaniyebeng ulap ay unti unti nang nasisira dahil sa ibat ibang dahilan sa gawa ng tao Guro, mag-aaral at mga magulang ay luhang nasiyahan sa handog na palabas ng Mobile Planetarium

TATAK PINOY... Gawang PINOY


ni: Hans Christer Arcilla

Malaking problema ni Inay ang mabilis na pagtaas ng mga presyo ng bilihin. Isang masarap na solusyon ang aking nais ibahagi sa inyo upang kahit musmos pa lamang ay maari nang tumulong kay Inay na makagawa ng isang resipe na di lang masustansya at patok sa badyet ni Inay, bagkus makakatulong pa sa pagrerecycle ng mga patapong bagay tulad na lamang ng balat ng saging. SABANA Peel (Saba Banana Peelings) Longganisa Mga Sangkap: 1k balat ng saging na saba bawang 3 piraso ng itlog toyo asukal suka Paraan ng Paggawa: a. Linising mabuti ang balat ng saging at tadtarin ito ng pino. Pakuluan hanggang sa lumambot. Pigain upang matanggal ang tubig nito. b. Ihalo ito sa iba pang mga sangkap. c. Ilagay ang pinaghalong sangkap sa plastic ng yelo at sukatin ito tulad
ng sa komersyal na longganisa. d. Ilagay ito sa freezer at kinaumagahan ay maaari na itong iluto at pagsaluhan sa hapag-kainan ng buong pamilya.

Nag-imbento ng Karaoke Sing Along System.

Roberto Del Rosario

Dr. Abelardo Aguilar


Nag-imbento ng antibiotic na Erythromycin.

Nag-imbento ng incubator at Janndice Relieving Device.

Dr. Fe Del Mundo

Pinakaunang taong naglabas at gumawa ng yoyo sa USA.

Pedro Flores

Nag-imbento ng artificial coral reefs na ginagamit sa pangingisda sa SoutheastAsia.

Angel Alcala

PATNUGOT

SULOK NG PUNONGGURO
Nieves I. Peralta

Mahal na Patnugot, Ayon kay Asst. Sec. Reynaldo Laguda, ang Pilipinas ay binubuo ng may 200 sangay, 45,000 na paaralan at 7,000 na isla. Kaya napakahirap para sa isang guro ang magpadala ng kanyang sariling dokumento sa Kagawaran ng Edukasyon. Subalit kapag mayroong internet at nakapaglog-on ang isang guro sa website ng DepEd, ang lahat ay mapapadali. Iniutos ni Sec. Armin Luisitro na simula Oktubre hanggang kalagitnaan ng Pebrero, ang 500,000 kawani ng DepEd ay mabibigyan ng pagkakataon na kunin ang kani-kanilang e-mail ad sa pamamagitan ng higanteng google apps. Ipinagdiinan din ni Luistro na mapapadali ang komunikasyon, trabaho at higit sa lahat maiiwasan ang pagkakamali at magiging ligtas ang pagpapadala ng mga dokumentong kaugnay sa mga datos ng paaralan. Ang DepEd e-mail account ay lubhang nakakatulong upang ang isang guro ay madaling malaman at mabasa ang ibat ibang DepEd Orders at Memorandum na nagsisilbing gabay ng isang guro kung ano ang kailangan niyang gawin upang maisakatuparan ng mabuti ang kanyang trabaho. Isang patunay ng kahalagan ng website ay ang mga mag-aaral ay kinakailangan na ring magkaroon ng sariling Learners Reference Number o LRN upang saan man siya mag-aral ay madali siyang matatagpuan. Sa ganitong paraan ay maiiwasan na magkadobledoble ang pangalan ng bata sa bawat paaralan at maitama ang tamang datos ng mag-aaral. Higit sa lahat maiiwasan ang pagkakaroon ng ghost pupil. Sa pamamagitan ng Google Apps ay malaya na ring makipagugnayan ang simpleng guro sa malayong lugar sa mismong Ama ng Kagawaran ng Edukasyon. Epektibo pa bang paraan ang paglalagay ng mga signages o paalala sa pagpapabatid ng isang layunin? Oo. Bumaba ang bilang ng mga aksidente sa aming lugar mula nang magkaroon ng mga paalala ukol sa kaligtasan sa kalye tulad ng slow down, accident prone, slow down, school zone. Ma. Luisa Vergara Grade VI-Molave Magiging mabisa lamang at magkakaroon ng kabuluhan ang isang paalala kung makikiisa ang mga tao sa pagsasabuhay at pagsasakilos nito. Valerie Cachero Grade V-Aries Oo dahil nagsilbing inspirasyon at gabay ko ang mga paalalang nakasulat sa dingding ng aming paaralan. Mga paalalang naglalaman ng mga kawikaan tungkol sa kagandahang asal ang tunay na tumatatak sa aming murang isipan. Randolp Joseph Alvarez Grade IV-Diamond Bilang Presidente ng GPTA SY 2012-2013 kasama ng iba pang mga opisyales ng ating paaralan, kami ay nananawagan sa mga kinauukulan at kapwa mga magulang. Hiling at pakiusap ko na tayoy magkaisa at ibigay ang kooperasyon ng bawat isa upang maisakatuparan ang mga layunin at mga proyekto na ninanais nating maipatupad para matulungan natin ang ating paaralan para na rin sa ikabubuti ng ating mga anak na mag-aaral ng SMES. Hindi ko po kakayaning mag-isa ang lahat kung wala ang inyong mga tulong at obligasyon. Sumasainyo, G. Ramil C. Paje

Madalas hindi na pinapansin ng mga bata ang mga paalalang nakadikit o nakapinta sa mga pader. Kulang na sa disiplina ang iba. Le Austin Alvarado Grade VI-Mahogany Simula nang maglagay ang pamunuan ng SMES ng mga paalala tungkol sa pagbabawal ng mga sasakyang naghahatid at sumusundo sa mga mag-aaral sa loob ng paaralan, naiwasan na ang sobrang ingay, usok at alikabok na lubhang nakakaperwisyo sa mga mag-aaral at guro lalo na kung oras ng klase. Ivan Cayabyab Grade VI-Narra Kalimitang mababasa ang paalalang tulad ng No Smoking sa mga pampublikong sasakyan. Pero bakit mismong drayber o konduktor nito ay humihitit ng sigarilyo? Walang saysay ang paalala kung mismong namumuno ay pasaway. Mico Gelacio Grade V-Capricorn

Sandata ng Kabataan
ni: Charmaine Palinlin

Nirolyong Papel
ni: Nezer Mar Monzales

Ano nga ba ang sandata ng kabataan? Ito bay espada? Baril? At pananggalang? O, ang edukasyong isang kayamanan na hinding-hindi maaangkin ninuman? Edukasyon...sandata ng kabataan, gabay sa kanilang kinabukasan. Magsisilbing espada at pananggalang, sa mga pagsubok na sa kanilay hahadlang. Kaya kabataan ating pagbutihin pag-aaral na ibinibigay sa atin. Panahon at oras wag sayangin, sa mga di kapaki-pakinabang na gawain. Kabataan...edukasyon ay pahalagahan armas mo sa magulong lipunan. Isaisip, isapuso mga napag-aaralan, isabuhay magandang kaugalian. Pormal man o inpormal na edukasyon, bastat layunin ay pagkatuto. Magiging sandata mot, di ka maliligaw saan man magtungo.

Akoy nagtataka mula ng akoy bata pa, isang nirolyong papel pag akoy nakatoga. Para san ba ang papel na ito? Ito bay mahalaga? O pwedeng pangsiga? Tikom ang bibig, mulat na ang aking isip, aking napagtanto, kahalagahan nito. Iniisip ng iba, itoy pirasong papel lamang, itoy kayamanang kailanmay di mawawala. Simbolo ng edukasyon, humuhubog sa pagkataot nasyon. Simbolo ng pagsisikap, pag-asat mga pangarap. Kaakibat ng pagkamit ng nirolyong papel, Sipag, determinasyon, at tiyaga. Taong matigas ang kataway wag umasa, na itoy kanyang makakamtan twina. Walang patumanggang pagmamalakit kagalakan; Masarap pa sa pakiramdam; Kapag nirolyong papel ay nakamtan, simbolo ng pag-asa sa magandang kinabukasan.

TAMPOKuwento

Dalawang

Lapis

Isang hapon, dalawang lapis ang kapwa nalaglag sa playground ng paaralan mula sa dalawang bata ang nagkatagpo at sila ay nag-uusap. Lapwan: Uy Laptu, kumusta ka? Laptu: Mabuti. Ikaw Lapwan, kumusta ka rin? Lapwan: Hindi mabuti, kaibigan. Laptu: Bakit naman? Lapwan: Dahil hindi mabuti ang aking amo. Mahina sa klase. Salbaheng bata. Kung anu-anong kalokohan ang ginagawa at ipinapagawa sa akin. Laptu: Anu-anong kalokohan naman kaibigan? Lapwan: Akoy madalas niyang ipinansusulat at ipinandodrowing sa baro ng mga kaklase niyang nakatalikod sa kanya pag hindi nakatingin si titser. Pati sa dingding ng classroom, desk, at kung saan-saan pa. At isang araw, nang may nakagalit siyay ipinansaksak niya ako sa kaklase niya. Mabuti na lamang at nakaiwas ang kamag-aral niya at saka kumaripas ng takbo. Laptu: Hindi pala talaga mabuti ang iyong amo. Lapwan: Ikaw? Bakit mabuti ang buhay mo? Laptu: Dahil ang amo ko ay isang mabuting amo. Marunong siya at mabait. Hindi gumagawa ng anumang kalokohan, hindi nakikipag-away. Akoy ginagamit niya lamang sa pagsulat sa kanyang notebook at pad paper. Sa mga test at examination ay ginagamit din niya ako at madalas ay

100! At sinulatan ng Very Good ng mga titser niya ang mga ipinagawa niya sa akin, sulat o drowing man. Ikaw?Ano ang mga grades na natatamo ng iyong amo kapag ginagamit ka niya? Lapwan: Ay naku, nakakahiya ang mga grades ng amo ko. Madalas ay itlog o zero. Kung minsan ay hindi ako ginagamit ng amo ko kung may test sila. Nagkukunwari lamang siyang nagsusulat. Minsan ngay nahuli siya ng titser niya at siya ay pinagalitan. Walang pag-asang pumasa ang amo ko. Mabuti pay magtanim na lamang siya ng kamote. Laptu: Kawawa ka naman, Teka, bakit nga pala ganyan ang ayos mo? Parang nginatngat ng daga ang pagkakatasa sa iyo. Lapwan: Alam mo, kaya ganito ang tasa ko, nakalimutan ng amo ko na patasahan ako sa tatay niya. Kaya kanina ay dali-dali niya akong tinasahan sa pamamagitan ng kanyang ngipin. Laptu: Ay naku. Talaga nga namang nakakaawa ka. Kung matutulungan lamang kita...pero wag kang mawalan ng pag-asa. Baka mapulot ka ng isang mabait at marunong na bata. At ikay tiyak na papahalagahan at gagamitin ng tama. www.pinoyedition.com/miguel_arguelles/

ni: Whimberly F. Sales

TV Patrol Bayan Mo Ipatrol Mo, Ako ang Simula, ASAP Rocks, Brigada, T3 Reload...Dito sa mga programa ng ibat ibang istasyon ko napanood ang tinatawag na Bangkarunungan. Ano nga ba ang Bangkarunungan? Bakit ba ito tinawag na Bangkarunungan? Ilan lamang ito sa mga tanong sa isip ko sa tuwing napapanood ko ang Bangkarunungan na nasagot ng minsang sumama ako sa paglalayag nito kasama ng aking kabarangay na si Sir Adrian Karl Cobardo na bumuo ng proyekto. Ang Bangkarunungan ay nabuo noong ika-25 ng Nobyembre, 2011. Ito ay isang mini-reading Center kung saan ang mga libro ay inilalagay sa isang kariton na hugis bangka. Isang bangka na may layag, pisara, globo, tsarts, at iba pang gamit sa pagtutuo. May gulong ito na tinutulak ng mga volunteers mula sa Pambansang Paaralan ng Barretto patungo sa dalampasigan ng Driftwood Beach tuwing araw ng Sabado at silay nagtuturo ng pa-nimulang kasanayan sa pagbabasa, pagsusulat, at pagkukuwento. Nakatutuwa na kapag itoy nakita na ng mga batang kanilang nadadaanan ay sumusunod na sila. Dalawang salita ang pinagsama ni Sir Adrian upang mabuo ang pa-ngalan nito, Bangka at Karunungan. Bangka, dahil ito ang tanging masasakyan upang magtungo sa malalayong lugar at isla. Katulad ng dala-dala nilang mga kuwento sa mga bata, nakakarating sila sa malalayong kaharian, bansa, paraiso, kabundukan, at kailaliman ng karagatan. Karunungan, na mahalagang matamo ng lahat ng bata. Adhikain ng Proyektong Bangkarunungan na mabawasan kung di man, maalis ang non-readers sa mga mag-aaral sa elementarya at mga batang di nag-aaral. Layunin din nitong maipamulat sa mga bata ang sarap at saya ng pagbabasa. Bukod dito, ito ay hudyat upang magkaroon ng mas maigting na pagtutulungan ang paaralan, pamayanan, at pamahalaan sa pagpapalaganap ng edukasyon. Nang mabigyan ang grupo ng bangkang de-motor ng Yellow Boat Foundation, nagkaroon sila ng pagkakataong maturuan at mabigyan ng gamit pangeskwela ang mga batang nakatira sa mga isla ng Olongapo, at Subic, Zambales. Sa mga napanood kong episodes tungkol sa Bangkarunungan, tunay ngang ang proyektong ito ay nagsisilbing pag-asa ng mga bata maging ng mga matatanda upang makamtan ang karunungang magiging susi sa pagkakaroon nila ng magandang kinabukasan. Naway yumabong pa at lumawak ang proyektong ito upang dumami pa ang mabigyan ng pag-asa. Kudos Bangkarunungan!

Guys, manood kayo ng TV Patrol sa November 30. Ipapalabas ang Bangkarunungan sa segment nilang Bayan Mo Ipatrol Mo. GM - Sir Adrian Isa lamang ito sa mga group text ng aking kaibigan na isa na sa mga taong nagiging inspirasyon ng kabataan ngayon ukol sa pagtamo ng edukasyong susi sa pagkamit ng kanilang magandang kinabukasan. Sa tuwing lalabas sa telebisyon ang Proyektong Bangkarunungan, asahan na may group text na matatanggap mula sa kanya. Si G. Adrian Karl L. Cobardo, 27 taong gulang, limang taon ng guro sa Pambansang Paaralan ng Barretto, Lungsod ng Olongapo, ay ang bangkero ng Bangkarunungan. Ang hindi alam ng nakararami, siya ay isang maipagmamalaking Marcelinian. Nakatira siya sa Barangay Consuelo Norte, sa Bayan ng San Marcelino, Lalawigan ng Zambales. Bukod dito, siya ay nagtapos ng kanyang elementarya sa Mababang Paaralan ng San Marcelino. Alam ba ninyong ika-siyam siya sa magagaling na batang nagtapos sa paaralang ito at naging kampeon sa Pansangay na Jose Rizal Drama Contest. Nagtapos naman siya ng sekondarya sa Pambansang Paaralan ng San Guillermo, Bayan ng San Marcelino. Ating atin, di ba? Batid na ng kanyang mga naging kamag-aral at guro ang kagalingang taglay. Kaya naman hindi na nakapagtataka ang mga karangalang kanyang natatanggap at mga proyektong inilulunsad. Bata pa lamang ay nakitaan na siya ng angking kakayahan ng kanyang mga naging guro sa paaralang ito. Taglay niya ang damdaming makabayan, hangad na makapagbigay ng pag-asa sa kanyang mga kababayan saan mang sulok, kalupaan man o karagatan, hanggat may mga batang nangangailangan, asahang siyay nariyan. Bakit niya naisipang ilunsad ang Bangkarunungan? Sa totoo lang, bata pa lamang siya ay pangarap na niyang makapaglayag sa malalayong lugar, sa malalayong islat dalampasigan. Bukod ditoy naranasan niyang tumira sa isang isla sa Bayan ng Masinloc, Zambales nang pumutok ang Bulkang Pinatubo. Dito niya naranasan ang pagkasalat ng edukasyon ng mga batang nakatira sa mga islang malayo sa kabihasnan. Isa rin ito sa mga paraan niya upang makatulong sa Kagawaran ng Edukasyon sa pagsusulong nila ng Education for All. Marami nang pagsubok ang kanyang pinagdaanan sa patuloy na paglalayag ng kanyang proyekto ngunit hindi siya nagpadaig bagkus ay lalo pa niyang pinagbuti. Hangad niyang dumami pa ang ma-inspire niya at maging kasagwan ng kanyang adhikain tungo sa edukasyon at kaunlaran ng bansa. Kaya naman mula sa Mababang Paaralan ng San Marcelino, saludo kami sayo bangkero ng Bangkarunungan., tunay ka ngang Marcelinian! Dininig ko ang sigaw ng aking puso na maglingkod sa simpleng paraan. Ikaw? Kailan mo sisimulan? - Sir Adrian, Dugong Marcelinian, Bangkero ng Bangkarunungan

ni: Dresden Klette A. Yauder

P acquiao- Donaire Back2Back bakbakan


SPED Class Mass Demonstration. Nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral mula Grades I-III sa pagbubukas ng Pandistritong Palaro 2012 na nilahukan ng 17 paaralan ng distrito ng San Marcelino. Ngayong Disyembre ay pakaaabangan ng buong sambayanan ang magkasunod na pakikipaglaban ng boxing icon ng ating bansa. Sa Disyembre 8 ay tatapusin na ang unfinished business sa pagitan nina Manny Pacquiao vs Juan Marquez ang sasabak sa Nevada, USA para sa WBO Champion of the Decade. At sa ika-16 naman ay aabangan ang labang Nonito Donaire vs Jorge Arce para sa WBO Ban tamweight Division na gaganapin sa Houston, Texas. Inaasahan na magdodomina pa rin ang ating mga mandirigma at mananatiling kampeon ng bansa.
ni: Justine Jade Pingue

Mighty 1 naghari sa District Meet 12


ni: Neil Patrick C. Polante

Itinanghal na over-all champion ang Unit Mighty 1 matapos itong magdomina sa ginanap na District Meet (DM) 2012 noong Setyembre 28-29 sa Paaralan ng San Marcelino. Unit Mighty 1. Ito ay nilahukan ng mga table tennis, sa kapwa larong ng Nakuha naman ng Unit pampubliko at pampribadong pambabae at panlalaki. paaralanngDistritongSanMarcelino. Nasukbit din nito ang pagiging IV Blue Eagle ang ikalawang Pinataob ng mga manlalaro kampeon sa balibol at soccer. puwesto, ikatlo ang Unit III ng Unit 1 ang mga kalaban Magkakasama ang Mababang Red Dragon at nasa ikaapat matapos nitong hakutin ang Paaralan ng San Marcelino, na posisyon ang Unit II Yellow Thunders. gintong medalya sa athletics at Lawin, at Pili na bumuo

Spikers, isinukbit ang kampeonato


Matinding kasiyahan ang tinamo ng Unit 1 Green Spikers makaraang maisukbit nito ang kampeonato ng Volleyball Boys tournament sa 2012 District Meet. Naisukbit ng Green Spikers ang championship game matapos pataubin ang Unit IV Blue Strikers sa bisa ng panalo sa unang set 25-18, at ikalawang set 25-23 noong Setyembre 29 na ginanap sa Burgos Municipal Covered Court. Mabigat ang tensyon ng laban na nagpasabik sa mga
ni: Jaylan M. Fruto

supporters ng magkabilang kampo. PinagbidahanninaLeAustinAlvarado, Jake Hipolito at Kylzter Cababaro ang unang set ng laro.Nagpaulan ang mga ito ng kumbinasyong kills at placings upang itumba ang Strikers. Tinangkang rumesbak ng mga Strikers sa ikalawang kanto subalit hindi ito umarya sa koponan ng Spikers bagkus naging desidido pa sila na maikandado ang kwarter na ito. Bago naibuslo ng Spikers ang kampeonato aminado silang lumusot sila sa butas ng karayom .

Blazing Blue Team, nagdomina sa Sportsfest


Matapos ang isang kapanapanabik na hatakan, mabilis na pinatumba ng Blazing Blue Team ang Fiery Red Team sa nakaraang Teachers Sportsfest bilang pagalala sa World Teachers Day na ginanap sa SMES Covered Court noong Oktubre 5. Bagamat mas malalaki ang aking mga kagrupo, matindi ang ibinuhos na depensa ng kalabang team, ani Bb. Fulgueras, team captain ng
ni: Justine Vince A. Barantes

Blazing Blue. Hindi inalintana ng Fiery Red Team ang laki ng kanilang kalaban dahil sa unang match pa lamang ng tug-of-war ay pinataob na nila ang mga ito kahit naging malaking isyu ang di patas na distribusyon ng manlalaro. Sa pangalawa at sa huling match ng laban ay di na pinayagan na maagaw pa angkoronasaBlazingBlueTeamkayat nilubus-lubos na nito ang kanilang lakas upang maitanghal na kampeon.

You might also like