Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Indication: Maybe done in any situation regardless of the length of hospitalization nature of illness and the age.

Objectives: 1. To develop the patient ability to communicate. 2. To stimulate patient interests in reality situation. 3. To develop group harmony. 4. To develop feeling s of recognition and acceptance. Physical arrangement during the situation: Horse Shoe Shape. REMOTIVATION Ang Magsasaka Topic: About Farmer, how he works on the farm to provide our daily foods, commonly rice. How he works making use of agricultural materials. Setting: Pavilion 4 Forensic Ward

I.

Clinical Acceptance

Nurse 1: Magandang umaga po sa ating lahat! Kami po ang nakatalagang mga estudyante ngayong araw para sa paksang aralin na ito. Ako po si Maria Kathrina Escano, pwede ninyo po akong tawagin sa pangalang Nurse Kuting. Ano po ulit ang pangalan ko? Mga Pasyente: Nurse Kuting po Maam. Nurse 2: At ako naman po si Nyjil Columbres. Pwede rin ninyo po ako tawagin sa pangalang Nurse Nyjil. Ano po ulit ang pangalan ko? Mga Pasyente: Nurse Nyjil po Sir! Nurse 2: Ang galing ninyo naman. Kasama din po natin ang siyam pang mga studyanteng nurse upang gabayan kayo sa ating paksang aralin na ito. Nurse 1: Handa na po ba kayo? Maaari po bang tumayo isa-isa at sabihin ang inyong bawat pangalan, edad, at ang pangalan ng inyong kasamang studyanteng nars? Magsimula po tayo sa kaliwa. Patients 1 - 11: Ako po si ____________. Ako po ay ________ na gulang At ang kasama ko pong nars ay si ______________. Nurse 2: Wow ang galing naman po ninyong lahat. Maaari po ba natin palakpakan ang bawat isa? (Patients do what is said.)

II.

Bridge to Reality

Nurse 2: Ngayon naman po ay nais po naming marinig ang inyong mga kasagutan sa aming mga katanungan. Ano po ang mga alam ninyong mga hanap-buhay o trabaho? Mayroon po ba isa sa inyo ang nais sumagot ng aking katanungan?

Patient 1: Manggagamot po Nurse Nyjil. Nurse 2: Tama. Bakit mo naman po nasabi ang manggagamot? Patient 1: Kasi po sila po ung nakikita ko lagi dito. Nurse 2: Magaling. Palakpakan po natin si patient 1. Nurse 1: O Sino pa po ba ang gustong sumagot? Patient 2: Maam! Maam! Guro po Nurse Kath. Nurse 1:Tama. Bakit mo naman nasabi ang Guro? Patient 2: Kasi po guro po ang aking ina. Nurse 1: Ah. Ganoon ba? Bigyan din po natin si patient 2 ng tatlong palakpak. Nurse 2: Sino pa po ba ang gustong sumagot? Patient 3: Sir! Dyanitor po Nurse nyjil. Nurse 2: Tama. Bakit mo naman nasabing Dyanitor? Patient 3: Kasi po un po ang aking trabaho dati Nurse 3: Ah, un pala ang iyong dating trabaho. Bigyan din po natin si patient 3 ng tatlong palakpak. Sino pa po ba ang gustong sumagot? (and all the other patients Raised Hands and answered) Nurse 1: Ang galing ninyo naman pong lahat. Maaari po ba tayong pumalakpak ng malakas para sa inyong lahat? Nurse 2: Maliban pa po duon sa mga sinabi ninyo mayroon pa po tayong ibat ibang trabaho tulad ng Inhinyero, dentist, welder, panadero, mangingisda, pulis, minero, sundalo, mananahi, karpentero, tubero, magsasaka at mga nars tulad namin. Nurse 1: Ang paksa po natin sa araw na ito ay isa sa mga sinabi ninyong mga uri trabaho. Ang magiging paksa po natin ngayong araw ay tungkol sa mga magsasaka. Naghanda po kami ng isang tula upang mailarawan ang magsasaka sa kung sino siya at ano-ano ang kanyang mga ginagawa. Nurse 2: Maaari po ba tayong humarap dito at basahin natin ang tula na aming hinihanda? Sino po sa inyo ang gustong bumasa ng unang linya upang ating lubos na maintindihan ang tula? (Each patients read by 2 lines) Ang Magsasaka Sa maghapong ikay nasa-bukid Sulong moy ararong batak ng kalabaw. Di mo pinapansin ang lamig at ginaw, Ang yabong ng lupay mabungkal mo lamang. Iyong isinabog ang binhi sa lupa Na ikalulunas ng iyong pagdurusa;

Tag-aniy dumating sa oras ng tama. Lahat ng hirap moy nabihis ng tuwa. Anupat ang bawat butil Ng bigas na naging kanin Sa isip at diwa namiy May aral na itinanim. Iyay tunay na larawan Ng lahat mong kapaguran Bawat butil na masayang Ay pintig ng iyong buhay. Kaya ngat sa aming pusot - isip, Nakintal ang isang ginintuang sabi; Sa lahat at bawat bayaning lalaki Ikaw, magsasaka, ang lalong bayani. Nurse 1: Wow! Napakagaling ninyong magbasa lahat at maraming salamat. Ano naman po ang napansin ninyo sa ating tula? May napuna po ba kayo? May naintindihan po ba? O kaya may katanungan man? Ano sa tingin ninyo ang ginagawa ng magsasaka? Patient 1: (Raises Hand) Ang magsasaka po ay nagbubungkal ng lupa maam. Nurse 1: Napakagaling mo naman patient 1. Nurse 2: Oh patient 2 may gusto ka bang idagdag? Patient 2: Ang magsasaka po ay nagtatanim sa lupa sir. Nurse 2: Aba. Ang galing-galing mo naman. Patient 3: Ang magsasaka ay nagdididlig po ng tanim. Nurse 1: Tama! Meron pa po ba kayong gustong idadagdag o itanong? (All the other patients answered) Nurse 1: Bukod sa inyong mga sinabi, ang mga magsasaka din po ay nagpapastol, nagaararo, pwede ring siyang nag-aalaga ng mga ibaibang hayop sa bukid, tulad ng mga manok, kalabaw at baka, upang kolektahin ang ibat ibang produkto na binibigay ng bawat hayop.

III.

Sharing the World

Nurse 2: Ang huhusay ninyo pong lahat. Maaari po ba nating bigyan ang isat-isa ng malakas na palakpakan? (Patients do what is instructed) Ngayon po ay may mga inihanda naman po kaming mga larawan para sa inyo para alamin kung paano at ano ang mga ginagawa ng isang magsasaka sa bukid. Pero bago po muna natin tignan ang mga larawan, ako po ay magtatanong. Sa inyong palagay ano ang ginagawa ng isang magsasaka? Patient 1: Nagbubungkal po ng lupa.

Nurse 2: Tama! Ano pa? Patient 2: Nagtatanim ng binhi po. Nurse 2: Mahusay! Mayroon pa ba? Patient 3: Nagdidilig po ng tanim sa lupa. Nurse 1: Magaling! Magaling. Ang magsasaka ay nagbubungkal ng lupa upang pag-taniman at diligan ito. sa palagay ninyo, ano-ano naman po kaya ang mga ginagamit ng isang magsasaka upang makatulong sa kanya? Patient 1: Kalabaw po. Katuwang ng magsasaka. Nurse 1: Tama! (Shows a picture) Eto ang kalabaw, kasama at katulong ng magsasaka sa paghahanda ng lupang pagtataniman. Ano pa ba? Patient 1: Araro po. Nurse 1: (Shows a picture) Tama ulit! Ginagamit ito ng magsasaka sa pag-aararo. Patient 3: Pandilig po sir. Nurse 1: Mahusay! Upang lumaki at lumago ang tanim ng magsasaka, kailangan niya ng pandilig upang diligan ang mga tanim at lumago. Ano pa ba? (And also the other patients answered) At maliban sa inyong mga nabanggit kailangan din ng mga magsasaka ang mga butong itatanim, pampataba, kuliglig, tubig, at lupa. Mga Pasyente: Opo. Nurse 2: Kung noong una pinag-uusapan natin ang ginagawa ng magsasaka at ang pwedeng itanim ng magsasaka, ngayon naman po ating pag-usapan ang mga gamit ng magsasaka upang makapagtanim. Sinong nakakaalam ng mga bagay na tinatanim ng mga magsasaka. Patient 1: Palay! Yung bagay na kinakain pero iluluto muna. Nurse 2: Tama. Sino pa po ang may sagot? Patient 2: Mga gulay, kalabasa, upo, at talong. Marami sa amin po un. Nurse 2: Magaling. Oh at ang huli. Patient 3: Maam prutas! Pakwan po, Bilog! Nurse 2: Tama. Mahuhusay naman kayo. Meron pa ba kayong alam? (And all the other patients answered too). Alam ninyo po ba na lahat ng binanggit ninyo ay tama? At narito pa po ang mga karagdagan na pwedeng itanim ng isang magsasaka. (Shows Pictures) Mais, mani, luya, sibuyas, okra, camote, sitaw, patani, bataw.

MGa patiente: Wow!

IV.

Appreciation of the World

Nurse 2: Alam ninyo, Napakahusay ninyo! Sa inyong paglabas dito, ano naman po ang mga naiisip ninyong gawin? Ano naman po ang nais ninyong maging hanapbuhay? Patient 1: Nais ko pong magtanim, magtanim ng madaming palay. Patient 2: Gusto ko po maging mangingisda sir. Kasi gusto ko po humuli ng marami isda. Patient 3: Ako naman po, gusto ko maging pulis maam (And all the other patients answered too). Nurse 1: Napakahusay ninyo pong lahat. O di ba marami po tayong pwedeng pagpilian ng mga magagandang mga trabaho. Natutuwa po kaming lahat sa pakikihaligi ninyo sa amin. Maari po ba natin Palakpakan natin ang inyong mga sarili?

V.

Climate of Appreciation

Nurse 1: Sino po sa inyo ang nais magbigay ng buod ng ating pinag-usapan ngayon? Patient 1: Ang magsasaka ay isang hanapbuhay. Ang kanyang ginagawa ay mnagtatanim, nagbubungkal, at nagdidilig. Itinatanim niya ang mga prutas, gulay at palay. Upang maging maayos at madali ang trabaho, gumagamit siya ng kalabaw, araro, tubig at luwa. Nurse 1: Napakahusay! Naintindihan po ba natin ang paksa at pagbubuod nito? Mga Pasyente: Opo. Nurse 1: Sa susunod na talakayan, ano pa po ang maaari ninyong sabihin na pwede nating ipaksa? Patient 1: Gusto ko din po ng tungkol sa pangingisda. Patient 2: Ako naman po gusto ko tungkol sa mga nars. Patient 3: Ako! ako gusto ko naman ng tungkol sa mga guro maam. Nurse 2: O sige. Bukas babalik o kami ulit para po sa susuonod na paksang-aralin.. Meron pa po ba kayong masasabi na ibang mga trabaho? (and also the other patients answered.) Nurse 1: Sige po. Hanggang dito na lang po. Dito na po nagtatapos ang ating paksang-aralin tungkol sa mga magsasaka. Maraming salamat po sa inyong pakikipagtululungan sa amin. Maraming salamat po.

End

You might also like