Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

I

PAGKAHILIG NG MGA ESTUDYANTE SA AB AT CTHM SA MATEMATIKA NG MGA PILING MAG-AARAL NG UST AB AT CTHM

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Bacani, Desiree Joy G. Baloloy, Jade Mirel D. Del Campo, Patrick Joseph S. Gigante, Mia Carmela C. (1-ISA) Marso, 2013

II DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang Pagkahilig ng mga Estudyante sa AB at CTHM sa Matematika ng mga Piling Mag-aaral ng UST AB at CTHM ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa 1-ISA na binubuo nina:

Bacani, Desiree Joy G. Baloloy, Jade Mirel D. Del Campo, Patrick Joseph S. Gigante, Mia Carmela C.

Tinanggap sa ngalan ng Departamento ng Filipino, Unibersidad ng Santo Tomas, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Josephine H. Villegas Propesor

III Pasasalamat Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay hindi magagawa kung wala ang mga taong handang tumulong at gumabay sa mga mananaliksik. Lubos ang pasasalamat ng mga mag-aaral na gumawa ng pamanahong papel na ito

Unang-una sa Poong Maykapal, sa pagbibigay ng lakas ng pag-iisip at malakas na paniniwalang makakaya nila itong tapusin.

Lubos din ang pasasalamat ng mga mag-aaral sa kanilang mga magulang na nagbigay ng kanilang tiwala sa kanilang mga anak upang matapos ang kanilang mga hakbangin tungo sa kanais-nais na pamanahong papel gayundin sa kanilang pag-unawa sa hindi pag-uwi sa tamang oras ng kanilang mga anak upang matapos ang pamanahong papel.

Sa kanilang butihing guro sa Filipino 2, Gng. Josephine Villegas, na matiyagang gumabay sa mga mananaliksik sa paggawa ng maayos na pamanahong papel, at sa pagbibigay sa kanila ng sapat na oras upang matapos ang lahat ng mga kinailangang gawin.

Malaki rin ang pasasalamat at kinikilala din ng grupong ito ang kanilang mga kapwa mag-aaral na mayroong mabuting kalooban na nagbigay ng kanilang oras upang sumagot sa pananaliksik lalo na kila Patricia Espino ng 1 Literature (AB), Jeanette Wayne Juntilla at Patricia Anne Calip ng 1 Travel Management (CTHM), Sujami Villalon ng 1 Asian Studies (AB) at Jared Mendoza ng 1 Industrial Design (CFAD) na tumulong sa paglikom ng mga magiging respondante ng mga tanong sa nasabing pananaliksik.

Kinikilala rin ang kabaitan ng isa sa mga kamag-aral ng grupong ito na si Ben Ian R. Garcia sa tulong na kanyang iginawad sa mga mananaliksik.

Muli maraming salamat sa inyo, naway gabayan tayong lahat ng Poong MayKapal. MGA MANANALIKSIK

IV Talaan ng Nilalaman Pamagat Dahon ng Pagpapatibay Pasasalamat Talaan ng mga Nilalaman Talaan ng mga Grap at Talahanayan I II III IV V

Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito A. Panimula B. Layunin ng Pag-aaral C. Kahalagahan ng Pag-aaral D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral E. Depinisyon ng mga Terminolohiya Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik A. Disenyo ng Pananaliksik B. Mga Tagasagot C. Instrumento ng Pananaliksik D. Tritment ng mga Datos Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon A. Lagom B. Kongklusyon C. Rekomendasyon Bibliyograpiya Apendiks 21 21 22 9 9 9 10 1 2 3 3 3

5 9

11 21

23

A. Sarbey-kwestyoneyr B. Maikling Tala ng Buhay

25 26

V Talaan ng mga Talahanayan at Grap

KABANATA I ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO Panimula Mathematics is everywhere. Ang sikat na kasabihan na yan ang dahilan kung bakit isa sa mga itinuturo sa atin mula sa ating pagkabata ay ang Matematika. Sa simula ay mga simpleng numero lamang ang ating nakikita, ngunit habang patagal ng patagal ang ating pag-aaral ng Matematika, ito ay nadadagdagan ng mga letra at ng mga kumplikadong numero na siyang nagiging dahilan kung bakit ito humihirap. Subalit may mga mangilan-ngilan na estudyante ang tila di nahihirapan sa asignaturang ito. Karamihan ng mga estudyanteng ito ay binubuo ng mga kalalakihan kung kayat nabuo ang kaisipan na ang mga kalalakihan ay higit na magaling sa mga babae pagdating sa Matematika. Ayon sa pag-aaral ng University of Missouri ukol sa pagkakaiba ng mentalidad ng babae at lalaki pagdating sa Matematika, ang pagtingin ng mga babae sa pag-aaral ang nagbibigay sa kanila ng adbentahe upang makaangat sa lalaki. Ngunit sa pagdating ng ika-anim na taon sa elementarya mas lumalaki ang pagitan ng lalaki sa babae sa Matematika, sang-ayon sa lalaki. Ayon kay Drew Bailey, isang Ph.D sa psychological science na nagmula sa Unibersidad ng Missouri, ang pagkakaba lamang ng babae sa lalaki pagdating sa nasabing paksa ay ang kanilang paraan ng pagsagot sa mga tanong dito. Mas madalas sumagot ang mga lalaki kumpara sa babae ngunit mas madalas ding mali ang sagot. Sa kabilang banda, mas mabagal sumagot ang babae ngunit mas madalas ay tama.

Ayon pa rin kay Bailey, Ang pag-unlad ng mentalidad ng isang tao sa Matematika ay kalahating practice makes perfect at kalahating perfect makes practice. Ayon naman kay David Geary, isa ring Ph.D sa psychological science sa M.U. at kapwa manunulat ni Bailey sa isang pag-aaral, nakasalalay din sa magulang ang pagiging kumportable ng isang bata sa mga numero at ang mga basic math bago pa man sila mag-umpisa sa pag-aaral. Ayon kay Werthem (1995), ang mga pagsubok na dapat harapin ng mga kababaihan sa matematika ay tulad ng pagsubok upang pagbuksan ang mga kakababaihan sa larangan ng pagpapastor. Hanggang ngayon, ang perspektibo ng karamihan ay ang matematika ay para sa kalalakihan lamang at marami silang kilalang tao na may kaalaman upang ilarawan at ipaliwanag ang puntong ito. Ayon kay Fox-Keller (1985), kahit madali na lamang ngayon para sa mga kababaihan na pumasok sa mga larangan na may kaugnayan sa matematika at agham nagingibabaw pa din sa lahat ang kaisipan na ang mga kalalakihan pa rin ang lubos na magtatagumpay at mahuhusay sa mga larangan ng matematika at agham at ang mga kababaihan ay walang lugar para sa mga ganitong propesyon. Layunin ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay may layuning maipakita ang pagkahilig ng mga mag-aaral a Matematika na nagmula sa mga kursong CTHM at AB. Naglalayon din nitong masagot ang mga katanungang sumusunod: 1. Simula ba pagkabata ang hilig ng mga mag-aaral sa Matematika?

2. Impluwensiya ba ang pagkahilig ng mga mag-aaral sa Matematika? 3. Ano ang dahilan kung bakit nagugustuhan o di nagugustuhan ng mga mag-aaral ang Matematika? 4. Maari bang makaapekto ang pagkahilig sa Matematika sa pamamagitan ng mga programang naglalayong mapataas ang antas ng pagkatuto sa Matematika? 5. Dapat bang nasa Inheriyang kurso lamang ang mga mahihilig sa Matematika? 6. Mayroon bang malaking parte ang Matematika sa pagpili ng mga kurso ng mga mag-aaral? Kahalagahan ng Pag-aaral Sa pag-aaral na ito, maipapakita ang kahalagahan ng Matematika sa isang magaaral ng Unibersidad ng Santo Tomas na nasa kursong hindi prayoridad ang nasabing asignatura. Ipapakita rito kung ang Matematika ba o ang pagkahilig dito ay sadyang naipapamana o maari ring naimpluwensiyahan lamang ang isang tao ng isa pa. Maari ring maipakita sa pag-aaral na ito ang mga taong makaimpluwensiya kung sakali nga na ang Matematika ay nakakahiligan dahil sa ibang tao. Dito, maipapa-alam din sa mga magaaral ang mga kalakasan at kahinaang taglay ng Matematia sa kanilag kursong napili bagamat hindi ito naka-sentro sa Matematika. Sa paghahanap ng trabaho, maari ring maipakita sa pag-aaral na ito kung ang Matematikang hilig o nakahiligan na lamang nila ay makakapagbigay ng bentahe sa paghahanap nila nito. Ngunit, ang pinakapunto ay upang maipakita ang bilang ng mga estudyante na bagamat hindi pumasok sa Pakultad ng Inhenriya o Arkitetura -na dalawang kurso na mataas ang pagpapahalaga sa Matematikaay may angking kagalingan sa Matematika, namana ba nila ito o nakahiligan dahil sa

impluwensiya ng isa o grupo ng mga tao. Dito rin magkakaroon ng ideya at pag-asa ang isang estudyante na makaintindi kung hindi man sila magaling sa Matematika. Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay nakatuon upang maipakita ang kahalagahan ng Matematika sa isang mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas na nasa kursong hindi prayoridad ang nasabing asignatura. Gayong alam na ng karamihan at mayroon na ring nailabas na pananaliksik, na ang mga kalalakihan ay mas nakakaangat sa mga kababaihan pagdating sa Matematika, babae na nasa kursong CTHM at AB ang sasakupin lamang ng pag-aaral na ito lalo na ang mga nasa unang taon. Ang pag-aaral ay sasaklaw lamang sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Pakultad ng AB ay magkakaroon ng tatlumpong babaeng tagasagot. Gayundin sa CTHM, ang pagkakaiba lamang ay sampu hanggang labinlima ang sasagot sa kursong ito. Pipiliin sila ng random upang hindi magkaroon ng magkakapareho o napag-usapang sagot. Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat ng mga mananaliksik na mabigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano gagamitin ang bawat isa sa pamanahong-papel na ito:

Ang Math anxiety(math phobia) ay ang pagkabalisa tungkol sa mga kakayahan upang gawin ang matematika Ang meta-analysis ay ang paraan para sa pagsasama-sama ng mga natuklasan mula sa mga independenteng pag-aaral

Ang parity(right) ay ang pagkakapantay-pantay ng mga karapatan Ang PhD ay isang doctorate karaniwang batay sa hindi bababa sa 3 taon ng pag-aaral na nagtapos at isang disertasyon; ang pinakamataas na degree na iginawad nagtapos ng pagaaral Ang SAT ay istandard na pagsubok sa pagpasok sa kolehiyo (sa Estados Unidos)

KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon sa pag-aaral nina Sanders at Peterson, ang mga kababaihan ay nakagawa ng malaking hakbang sa mundo ng Matematika noong 1990s. Lumabas sa pag-aaral na tumaas ang puntos ng mga kababaihan sa Matematika at sinundan pa ito ng pagdami ng mga kababaihang kumukuha ng kursong pang Matematika. Noong 1995, 47% ng Batsilyer digri at 42% ng Masters Degree sa Matematika ay napunta sa mga kababaihan. Lumalabas naman na ang sosyal na salik ay nakakaapekto rin sa pagkakaiba ng mga lalake at babae sa Matematika. Isang halimbawa dito ay ang pag-aaral ni Guiso et. al (2008) na lumalabas na ang pagkakapantay ng kasarian ay mayroong epekto sa pagkakaiba ng kakayahan ng mga babae at lalake sa Matematika. Nakitaan naman ng pagbaba ng pagkakaiba sa performance ng babae at lalake sa Matematika kasabay ng pagdami ng mga babaeng kumukuha ng mas marami pang Matematika at Agham na kurso sa mataas na paaralan. Ayon sa pag-aaral nina Asheraft at Kirk (2001), ang mga indibidwal na

mayroong mataas na math anxiety ay nagpakita ng kaunting pag-andar ng memorya lalo na sa tuwing nahaharap sa isang pagkukwentang gawain. Sa particular, ipinakita nina Ashcraf at Faust (1994) na ang mga respondenteng mayroong mataas na math anxiety ay may problema sa pagsasagot ng dalawang column na pagdadagdag ng mga numero sa Matematika. Lumabas na tatlong beses na mas mahaba ang oras na ginugol ng mga respondenteng mayroong mataas na math anxiety sa pagsasagot kaysa sa may mas

mababang math anxiety. Ang mga indibidwal na mayroong mataas na math anxiety ay naobserbahang kumukuha kakaunting kurso sa Matematika at nagpapakita ng mababang grado sa kanilang mga kinukuhang klase kaysa sa mga estudyanteng mayroong mababang math anxiety ayon sa pag-aaral nina Asheraft at Kirk (2001). Nagaya nito ang resultang lumabas sa pag-aaral ni Hembree (1990) na ang mga mayroong mataas na math anxiety ay kumukuha ng kakaunting kurso sa Matematika. Itinuturong dahilan ng pag-aaral ng mga mananaliksik sa Unibersidad ng Cambridge UK ang mathematics anxiety sa pagbaba ng puntos ng mga estudyante sa Matematika. Nakita sa pag-aaral na ang mga estudyanteng nagtaglay ng mataas na antas ng math anxiety ay nakakuha ng mas mababang performance sa Matematika. Nagpakita naman ng mas mataas na antas ng math anxiety ang mga kababaihan sa kabila ng pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ng kasarian. Pinayuhan naman ang mga guro na bigyan ng pansin at tulong ang mga estudyanteng nagpapakita ng math anxiety. Ang math anxiety ay nakakapagbababa ng kompiyansa sa Matematika ng estudyante. Ito ay isang importanteng pagkatuklas dahil ang mga estudyanteng mayroong kompiyansa sa kanilang Matematika at Agham na abilidad ay mas nakiktaan na manguna sa ganitong mga paksa at makakuha ng coursework o tungkulin sa Matematika at Agham (Simpkins & DavisKean, 2005). Ilang eksperimental na pag-aaral ang nagpakita na ang kompiyansa sa Matematika ay tumataas kapag ang guro ay nagbibigay ng prescriptive at impormal na tugon sa kanyang mga estudyante (Turner et al., 2002). Para magawa ito kailangan ng patuloy na

pag-uusap, takdang aralin, at pagsusulit para lumabas ng kalakasan at kahinaan ng estudyante sa Matematika para magamit niya ito upang maitama ang kanyang mga pagkakamali. Sa maikling salita kailangan niya ng kasanayan o practice. Sa isa ring pananaliksik ukol sa pagpapakita ng epekto ng kasarian sa karunungan sa Matematika, nag-ukol sila ng tatlong pangunahing tanong: Una, ang galing ng lalaki sa babae sa Matematika ay pangkabuuan nga ba? Pangalawa, ang pagkakaiba ng kasarian ay makakaapekto ba sa galing sa Matematika? Pangatlo, may mga babae nga bang mayroong mataas na mentalidad sa Matematika? Sa unang katanungan, ang nakuhang resulta ng pag-aaral na ito ay ang mentalidad ng babae sa Matematika ay kapareho lamang ng mentalidad ng lalaki sa elementarya hanggang sa mga sumunod na taon sa sekondarya. Samantalang sa ikalawang tanong, ang naging resulta ay: Hindi totoo sa pangkalahatan na mas magaling ang lalaki sa babae sapagkat hindi ito aplikable sa lahat ng uri ng tao. Sa pangatlo naman ay mayroon pa ring mga kababaihang may mataas na mentalidad sa Matematika ngunit nabago lamang ng sosyal na salik. Sa pangkabuuan, napatunayan na ang lalaki ay magaling sa Matematika sapagkat sinasabi ng marami na marunong sila sa Matematika at mas nagbibigay sila ng interes rito sapagkat kailangan nilang maisakatuparan ang ninanais na resulta ng karamihan. Noong 1970s at 1980s, natunghayan ng Estados Unidos ang mga ibat ibang pagbabago ng mga oportunidad para sa mga kababaihan na lubos na makakaapekto ng maganda sa kanilang career opportunities. Kahit na mataas ang partisipasyon ng mga kababaihan sa larangan ng agham, matematika at teknolohiya sa nakalipas na dalawampu

o higit pang taon simula pa na ang educational equity legislation ay naipatupad. Ang partisipasyon na ito ay wala pa sa lebel ng pagiging pantay sa isat isa. (Brush, 1991; Dix, 1987; National Science Foundation, 1990). Ang prioridad ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng National Science Foundation ay mapataas ang parity (pantay na partisipasyon) ng mga kababaihan sa siyensa/agham at teknikal na mga trabaho. Ang mga pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang mga ibat ibang salik na may kaugnayan at walang kaugnayan sa siyensiya, matematika at teknolohiyang para sa mga grupo ng mga mag-aaral na nangangarap na mapunta sa science-related career ng sila pa ay nasa ika-siyam o ika-labindalawa na taon sa hayskul noong 1980. Ang kaalaman sa salik ay lubos na makakatulong sa mga guidance counselors ng mga hayskul at kolehiyo sa pagdidisenyo ng mga higit na makakatulong na gabay para sa mga kababaihan at kalalakihan na piliin ang ganitong trabaho o larangan sa may kaugnayan sa siyensya, matematika at teknolohiya. Simula pa 1960, ang National Assessment of Educational Progress (NAEP) ay pinag-aaralan na ang kaibahan ng kasanayan sa Matematika sa pagitan ng mga kababaihan at kalalakihan. Sa kamakailang pag-aaral ( U.S Department of Education, 1996) napag-alaman nila na nasa edad siyam at labing tatlo ay bahagyang mataas ang nakuhang grado ng mga kababaihan kumpara sa mga kalalakihan sa matematikal na kasanayan na sumusubok sa biswal na kasanayan ngunit pagdating sa edad na labing pito ay napag-iwanan na ang mga kababaihan ng mga kalalakihan. Gayunpaman, ang pagkakaiba na ito ay isang porsiyento lamang. Ang 1997 na pag-aaral ng NAEP ay nagsiwalat na ang mga kababaihan sa senior high school ay mas nakalamang kaysa sa mga kalalakihan dahil hindi sila kumuha ng mga karagdagang matematika di tulad ng

mga kababaihan. Ngunit kahit na ganoon walang makabuluhang pagkakaiba ang umiral sa pagitan ng kanilang performance at sa kanilang mga lalaking kapantay. Dahil mas kaunti ang mga babae na kumukuha ng advance mathematics na kurso, ang resulta sa kabuuhan ay mas mataas ng limampung (50) puntos ang nakuha ng mga lalaki kaysa sa mga babae at hindi ito nakakagulat. Kapag inihambing ang mga mag-aaral na kumuha ng parehong mahigpit at mahirap na kursong matematika, walang makabuluhang pagkakaiba sa mga marka ang maaaring maiugnay sa kasarian. Ang mga NAEP na pag-aaral ay tila nagpapahiwatig na ang mga kababaihan ay hindi talaga mababa sa mga kalalakihan sa matematikang kakayahan o talento ngunit kapag inilipat sa pamamagitan ng sistema ng edukasyon, ang kanilang mga mathematical na mga talento ay mas mababa na napapaunlad. Si Fausto-Sterling (1992) ay nagsagawa ng ametanalysis ng kasarian sa pagkakaiba ng matematikang kakayahan at lumabas sa resulta na ang lahat ng mga pagkakaiba ay maaaring ipinaliwanag sa pamamagitan ng socialization sa halip na sa pamamagitan ng biology. Mathematics Anxiety (MA), isang estado ng kahirapan sa paggawa ng mga may kaugnayan sa mathematical na gawain, ay naisip na dahilan kung bakit nakakaepekto ito sa isang pambihirang proporsyon ng school age na populasyon. Ayon sa ilang pagsasaliksik, sinasabi na ang MA ay negatibong nakakaapekto sa performance sa matematika at lumabas sa mga ulat na ang mga batang babae ay mas mataas ang antas ng MA kaysa sa mga lalaki. Sa kabilang banda, ang ilang mga pananaliksik ay ipinapahiwatig na ang performance sa matematika ng mga lalaki ay mas negatibong nakakaapekto ang MA sa kanila kaysa sa mga babae. Ang layunin ng kasalukuyang pagaaral ay upang sukatin ang mga batang babae at lalaki sa kanilang performance sa

matematika pati na rin ang kanilang mga antas ng MA habang kinokontrol sa Test Anxiety (TA) na may kaugnayan sa MA ngunit hindi karaniwang kinokontrol para sa MA na pag-aaral. Walang pagkakaiba sa kasarian ang lumitaw para sa performance sa matematika ngunit ang antas ng MA at TA ay mas mataas para sa mga batang babae kaysa para sa lalaki. Ang mga batang babae at lalaki ay nagpakita ng isang positibong ugnayan sa pagitan ng MA at TA at negatibong ugnayan sa pagitan ng MA at performance sa matematika. Ang TA rin ay may negatibong kaugnayan sa performance sa matematika, ngunit ang ugnayan na ito ay mas malakas para sa mga batang babae kaysa para sa lalaki. Kapag nagkokontrol para sa TA, ang mga negatibong ugnayan sa pagitan ng MA at sa performance ay nanatili para sa mga babae lamang. Ipinapakita ng regression analyses na ang MA ay isang makabuluhang dahilan ng performance ng mga babae sa matematika ngunit hindi sa mga lalaki. Mayroong mga bagong pag-aaral na pinapabulaanan ang pagkakaroon ng pagkakaiba ng abilidad sa pagitan ng mga kasarian. Lumalabas na kakaunting bahagi ng mga kababaihan ang kumukuha ng mga kurso sa Matematika dahil sa kultural na pagkakaiba (Univesity of Wisconsin-Madison, 2009). Lumabas naman sa pag-aaral nina (Herbert & Stipek, 2005) na pananaw ng mga bata sa kanilang pang-akademyang kagalingan ang mababang pagtingin ng mga batang kababaihan sa kanilang Matematikang abilidad kahit na walang nakitang pagkakaiba sa abilidad ng mga batang babae at lalake. Lumalabas ditto na nawawalan ng tiwala sa kanilang abilidad sa Matematika ang mga batang kababaihan. Ang mga batang babaeng laging nakakarinig ng mga stereotypes na ay nakitaan

ng pagbaba ng kanilang abilidad sa Matematika sa kanilang paglaki. Samantalang ang mga batang kalalakihang lagi namang nakakarinig nito ay nagpakita ng pagtaas ng kanilang abilidad sa Matematika (Cvencek et al, 2011). Ang mga halimbawa nitong stereotypes nakanilang naririnig ay ang Matematika ay para sa lalake lamang, hindi Matematika ang ginagawa ng mga babae, at iba pang mga salita nakakapagpalayo ng kanilang loob sa Matematika. Napatunayan ng Unibersidad ng Chicago (2010) na ang stereotype ay nakakaapekto sa abilidad ng isang bata sa Matematika. Ang mga babaeng estudyanteng nakarinig at tinanggap ng stereotype na ang mga lalaki ay magaling sa Matematika at ang mga babae ay magaling sa pagbabasa ay nakakuha ng mababa sa ibinigay na achievement measures sa Matematika kumpara sa mga babaeng hindi tinanggap ang stereotype. Ang mga babaeng nagkumpirma sa paniniwalang mas magaling ang mga lalake sa Matematika ay nakakuha ng anim na puntos na mas mababa sa achievement sa Matematika kaysa sa mga lalake o babae na hindi nakabuo ng ganitong paniniwala sa sinabing stereotype. 9

KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptivanalitik na pananaliksik. Sinubukang ilarawan at suriin ng pag-aaral na ito kung ang Matematika ba ay maaring makahiligan ng mga babaeng mag-aaral na nagmula sa CTHM at AB. Mga Tagasagot Ang mga piniling tagasagot ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay mga magaaral sa kolehiyo ng Unibersidad ng Santo Tomas sa ikalawang semestre ng taong akademiko 2012-2013. Ang mga piniling tagasagot ay ang mga babaeng mag-aaral sa Unang Taon ng AB at CTHM. Sa kabuuan, mayroong apatnaput limang (45) tagasagot na kinuha sa pamamagitan ng random sampling. Pinili ng mga mananaliksik ang mga tagasagot na ito dahil sila ang makakatulong upang matugunan ang mga pangangailangan sa pamanahong papel na ito at upang makangalap ng mga impormasyon na kailangan ng mga mananaliksik. Instrumento ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay lumikha ng iang sarbey-kwestyoneyr na tumutugon sa mga layunin ng pampanahong papel na ito. Ito rin ay naglalayong makakuha ng mga impormasyon at

datos upang masuri kung ang Matematika ba ay maring makahiligan ng mga babaeng mag-aaral na nagmula sa CTHM at AB. Tritment ng mga Datos Kinuha ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagkuha sa bilang o dami ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr. Pagkuha lamang ng porsyento ang kinailangang gawin ng mga mananaliksik. Nakuha ang porsyento sa pamamagitan ng pormulang ito:

Porsyento =

Bilang ng mga tagasagot Kabuuang bilang ng mga tagasagot

x 100

KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon: Inalam ng mga mananaliksik ang distribusyon ng mga tagasagot batay sa edad ng kanilang pagkatututo magbilang. Siyamnaput anim na porsyento (96%) sa kanila ay natutong magbilang noong sila ay nasa pagitan ng isa hanggang apat na taong gulang. Samantalang apat na porsyento (4%) sa kanila ay nasa pagitan ng lima hanggang walong taong gulang natuto magbilang. Sa kabilang banda, wala sa kanila ang natuto magbilang noong sila ay nasa pagitan ng siyam na taon at labindalawang taong gulang. Pansinin ang kasunod na grap.

Taong Gulang noong Matutong Magbilang


4% 0%

1 hanggang 4 5 hanggang 8 9 hanggang 12


96%

Kasunod na inalam ng mga mananaliksik ang distribusyon ng mga tagasagot kung paborito nila ang Matematika. Mula sa kursong Travel Management, Walumpung porsyento (80%) sa kanila ay sumagot ng hindi nila paborito ang Matematika, samantalang dalawampung porsyento (20%) sa kanila ay sumagot na paborito nila ito. Mula naman sa kursong AB Literature, Isandaang porsyento silang sumagot na hindi nila paborito ang Matematika. Sa kabilang banda, mula naman sa kursong AB Asian Studies, pitumput tatlong (73%) porsyento sa kanila ay sumagot na hindi nila paborito ang Matematika, samantalang dalawamput pitong porsyento sa kanila ay sumagot na paborito nila ang nasabing asignatura. Sa kabuuan, pito (7) mula sa apatnaput limang

respondante ang sumagot na paborito nila ang Matematika, samantalang tatlumput walo sa kanila ay nagsabing hindi nila paborito ang Matematika. Tunghayan ang mga kasunod na grap.
120.00 100.00 100.00 80.00 80.00 60.00 40.00 20.00 20.00 0.00 0.00 Travel Management Literature Asian Studies 73.33

Oo Hindi
26.67

Paborito ang Asignaturang Matematika

16%

OO HINDI

84%

Mula sa pitong sumagot ng oo, paborito nila ang Matematika ay inalam naman ng mga mananaliksik kung ano-ano ang mga salik na nakakaapekto kung bakit nila paborito ang nasabing asignatura. Apatnaput tatlong porsyento (43%) sa kanila ay sumagot ng nasa kaligiran ng kinalakihan, pareho namang may tig-labing apat na porsyento (14%) ang nagsabi na nasa lahi na talaga nila at walang pagmememorya kung kayat naging paborito nila ang nasabing asignatura. Samantala, dalawamput siyam na porsyento (29%) ang sumagot sa kanila na sila ay gifted lamang talaga kung kayat gusto nila ang

Matematika. Tignan ang kasunod na grap.

Mga Nakakaapekto sa Pagiging Paborito ng Matematika


14% 14%

Nasa Lahi Kaligiran ng Kinalakihan Gifted Lamang 29% walang pagmememorya 43%

Mula naman sa tatlumput walong (38) sumagot na hindi nila paborito ang Matematika, inalam ng mga mananaliksik kung ano-ano ang mga dahilan kung bakit hindi nila paborito ang nabanggit na asignatura. Apatnaput dalawang porsyento (42%) sa kanila ay sumagot na mahirap ang Matematika, samantala dalawamput anim na porsyento (26%) sa kanila ang sumagot na masyadong pasikot-sikot ang Matematika. Sa kabilang banda, labinsiyam na porsyento (19%) ang nagsabing paborito nila ito noong sila ay nasa elementarya pa ngunit noong nadagdagan na ito ng mga letra at kumplikadong numero ay hindi na nila naging paborito, samantala walong porsyento (8%) ang sumagot na tila lumilipad ang mga numero kung kayat hindi nila naging paborito ang Matematika. Limang porsyento (5%) naman ang nagsabi na mayroon silang ibang paboritong asignatura. Tunghayan ang kasunod na grap.

Dahilan Kung Bakit Hindi Paborito ang Matematika


5% Mahirap 26% 42% Lumilipad ang mga Numero Paborito ko noong hindi pa nadadagdagan ng mga letra Masyadong pasikot-sikot 19% 8% may iba akong paborito

Inalam rin ng mga mananaliksik kung ano-ano ang mga naging grado ng mga respondante sa Matematika noong sila ay nasa elementarya, mataas na paaralan at kolehiyo. Karamihan sa mga respondante ay nasa pagitan ng walumput lima (85) hanggang siyamnapu (90) ang nakuhang grado simula elementarya hanggang kolehiyo. Pansinin sa grap na mayroong apatnapung pitong porsyento (47%) ang sumagot ng nasa walumput lima (85) hanggang siyamnapu (90) ang kanilang grado, samantalang dalawamput pitong porsyento (27%) ang nagsabi na nasa pagitan ng pitumput lima (75) hanggang walumpu (80) ang kanilang nakuhang grado noong nasa elementarya pa lamang. Sa kabilang banda naman ay mayroong dalawampung porsyento (20%) ang nakakuha ng markang pitumput apat (74) pababa at mayroong pitong porsyento (7%) nakakuha ng siyamnaput lima (95) hanggang isandaang (100) marka sa nasabing asignatura. Noong sila ay nasa mataas na paaralan, limamput isang porsyento (51%) ang nakakuha ng marka na nasa pagitan ng walumput lima (85) hanggang siyamnapu (90), samantalang tatlumput isang porsyento (31%) ang nagsabing nasa pagitan ng pitumput lima (75) hanggang walumpu (80) ang kanilang nakuhang grado sa Matematika. Samantala labintatlong porsyento (13%) sa kanila ang nakakuha ng markang pitumput

apat (74) pababa. Ngayong sila ay nasa kolehiyo, sa unang semestra, mayroong apatnapung porsyento (40%) ang nakakuha ng markang walumput lima (85) hanggang siyamnapu (90) na katumbas ng 1.75 hanggang 12.25. Tatlumput tatlong porsyento (33%) naman ang nakakuha ng pitumput lima (75) hanggang walumpu (80) marka o katumbas ng 2.5 hanggang 3. Dalawamput apat na porsyento (24%) ang nagsabing nakakuha sila ng markang (74) pababa na katumbas ng singko (5.0) sa kolehiyo at walong porsyento (8%) ang nakakuha ng siyamnaput lima (95) hanggang isandaang (100) marka na katumbas ng 1.5 hanggang uno (1.0). Masdan ang kasunod na grap.

Pagkakaiba ng mga Grado Simula sa Elementarya Hanggang sa Kolehiyo


7.50 Kolehiyo 20.00 4.44 Mataas na paaralan 13.33 6.67 Elementarya 20.00 0 10 20 26.67 30 40 31.11 32.50 40.00

95-100 51.11 85-90 75-80 74 pababa 46.67

50

60

Kaugnay noong mga sumagot na paborito nila ang Matematika, inalam din ng mga mananaliksik kung mayroon silang pinasukang programa upang malinang ang kanilang kakayahan sa Matematika. Pitumput isang porsyento (71) sa kanila ay sumagot ng paborito nila ang Matematika ngunit wala naman silang pinasukang programa na naglalayong mapaunlad ang kanilang kakayahan sa asignatura. Samantalang

dalawamput siyam na porsyento (29) sa kanila ay nagsabing paborito nila ang Matematika at mayroon silang pinasukang ganoong programa. Bigyang pansin ang sumunod na grap.

Mayroon bang Pinasukang Programa Upang Malinang ang Kakayahan sa Matematika


29%

Paborito ang Matematika at Mayroong Pinasukang Programa Paborito ang Matematika ngunit Walang Pinasukang Programa

71%

Kaugnay pa rin noong sumagot ng paborito nila ang Matematika, inalam din ng mga mananaliksik kung ang pagkahilig nila sa Matematika ay may kaugnayan sa propesyon ng kanilang mga magulang. Ayon sa mga sumagot ng oo, limamput pitong porsyento (57) sa kanila ay hindi konektado ang propesyon ng kanilang mga magulang subalit nakahiligan na nila ang Matematika. Samantalang apatnaput tatlong porsyento (43) sa kanila ang nagsabing konektado ang pagkahilig nila sa Matematika sa mga propesyon ng kanilang mga magulang. Tunghayan ang susunod na grap.

Koneksyon ng Propesyon ng Magulang sa Pagkahilig sa Matematika

43%

Oo, konektado sa propesyon ng magulang Hindi konektado sa propesyon ng magulang

57%

Kahalintulad pa rin noong sumagot ng paborito nila ang Matematika, inalam din ng mga mananaliksik kung may kaugnayan ang pagkahilig sa Matematika sa pagpili ng kurso. Ayon sa mga respondante, walumput anim na porsyento (86) ang nagsabing ang napili nilang kurso ay talagang kagustuhan na nila kung kayat kahit na sila ay mahilig sa Matematika ay yaon pa rin ang kanilang kinuhang kurso. Samantalang labing-apat na porsyento (14) ang nagsabing pakiramdam niya ay hindi siya ganoon kagaling sa Matematika kung kayat sa kursong wala masyado o basic ang Matematika ang kanyang kinuha ngayon sa kolehiyo. Gayunpaman, wala sa mga sumagot ang nagsabing pinili ng kanilang mga magulang ang kanilang kurso kung kayat iyon ang kinukuha nila ngayong kurso. Pansinin ang sumunod na grap.

Kaugnayan ng Pagkahilig sa Matematika at ang Kursong Napili


14% 0%

Ito talaga ang nais kong kurso

Pinili ng magulang

86%

Sa kabilang banda, ang mga sumagot ng hindi nila paborito ang Matematika ay may ibat ibang salik din kung kayat napili nila ang kursong kanilang kinukuha ngayong kolehiyo. Inalam ng mga mananaliksik ang mga salik na ito at animnaput anim na porsyento (66) sa kanila ay nagsabing ang kurso nila ngayon ang talagang kanilang ninanais. Labing-anim na porsyento (16) sa kanila ay nagsabing pinili nila ang kursong kanilang kinukuha sa kadahilanang wala masyadong Matematika ito. Pantay naman sa limang porsyento (5) ang sumagot na pinili ng magulang o no choice sila kung kayat iyon na lamang ang kanilang kinuhang kurso sa kasalukuyan. Pantay naman sa tatlong porsyento (3) ang nagsabing sa kursong kinukuha nila sa kasalukuyan sila pumasa o tila nalilito pa at sumagot na hindi niya rin alam. May dalawang porsyento (2) naman ang sumagot na kaya sila napunta sa kursong iyon ay dahil sila ay nasa academic placement. Masdan ang susunod na grap.

Koneksyon ng Hindi Pagkahilig sa Matematika at ang Kursong Napili


3% 3% 2% 5% Ito talaga ang nais kong kurso Pinili ng magulang 16% Wala masyadong Matematika Academic Placement Dito lang pumasa 5% 66% Di ko alam no choice

Batay sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, walang sapat ne ebidensya

na nagpapakita na mas magaling ang mga kalalakihan sa Matematika. Batay na rin sa mga sagot ng mga respondante, animnaput dalawang porsyento (62) ang hindi naniniwala na mas magaling ang mga kalalakihan sa Matematika. Samantalang, tatlumput walong porsyento (38) ang nagsabi na naniniwala sila na mas magaling ang mga kalalakihan sa nabanggit na asignatura. Bigyang pansin ang susunod na grap na naglalarawan ng nabanggit na datos.

Mas Magaling ang mga Kalalakihan sa Matematika

38% Oo Hindi 62%

Inalam ng mga mananaliksik ang saloobin ng apatnapung limang (45) respondante kung dapat bang Inheriya ang kukuning kurso ng mga magagaling o kinahihiligan ang Matematika. Ayon sa mga respondante, limamput isang porsyento (51%) ang nagsasabing dapat lamang na nasa Inheriya silang kurso lalo na at magagaling sila sa Matematika. Samantalang apatnaput siyam na porsyento (49%) ang nagsasabing hindi naman kinakailangan na nasa Inheriya sila kahit na sila ay magagling sa Matematika. Bigyang pansin ang kasunod na grap na naglalarawan ng nabanggit na

datos.

Ang Kurso ng Magagaling sa Matematika ay Konektado Dapat sa Inhinyeriya

49% 51%

Oo Hindi

Sumunod na inalam ng mga mananaliksik ang opinyon ng mga respondante kung naniniwala ba sila sa kasabihang practice makes perfect pagdating sa Matematika. Walumput apat na porsyento (84%) ang nagsabing naniniwala sila sa practice makes perfect pagdating sa Matematika. Sa kabilang banda, labing anim na porsyento (16%) ang nagsabing hindi sila naniniwala sa kasabihang nabanggit. Masdan ang kasunod na grap.

Practice Makes Perfect


16%

Oo Hindi
84%

KABANATA V LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON Lagom

Kongklusyon Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon: 1. Kinahihiligan ng mga kababaihang estudyante ang Matematika sa kanilang pagkabata ngunit ang pagkahilig na ito ay bumaba sa kanilang pagtanda. Karamihan sa kanila ay may mataas na grado sa Matematika mula elementarya hanggang kolehiyo. Ngunit hindi parin nila ito kinahihiligan. 2. Hindi nakakaapekto sa karamihan ng mga kababaihang estudyante ang propesyon ng magulang sa pagkahilig nila sa Matematika. 3. A) Ang pangunahing dahilan ng pagkahilig ng mga kababaihang estudyante sa Matematika ay ang kaligiran ng kanilang kinalakihan. Pumapangalawa ang ang pagiging gifted ng bata. Masasabi rin na hindi ang magulang ang nakaapekto sa pagkahilig ng kababaihang estudyante dahil sa ikalawang konklusyon. Mayroong mas malaking epekto ang ibang mga bagay o tao na nasa kapaligiran ng estudyante.

B) Ang pangunahing dahilan naman ng hindi pagkahilig ng kababaihang estudyante sa Matematika ay ang pagiging mahirap nito. Ang pangalawang dahilan ay pagiging masyadong pasikot-sikot nito. Sinusuportahan nito ang pag-aaral nina Asheraft at Kirk (2001) na nagsasabing ang math anxiety ay ang dahilan ng hindi pagkahilig ng mga estudyante sa Matematika. Lumalabas ito kung nahaharap ang estudyante sa isang complex, mahirap, o pasikot-sikot na Gawain sa Matematika. 4. Hindi naaapektuhan ang pagkahilig ng kababaihang estudyante sa Matematika kung mayroong siyang pinasukang programang naglalayong mapataas ang antas ng pagkatuto niya sa Matematika. Mas marami sa mga mahihilig sa Matematika ang hindi kumuha ng mga ganitong programa. 5. Mas marami ang naniniwala na ang kurso ng mga magagaling sa Matematika ay dapat konektado sa Inhinyeriya. Ngunit dalawang porsyento lamang ang pagkakaiba nito sa mga hindi naniniwalang kinakailangang ito ay konektado. Makikita dito na nasa estudyante parin ang desisyon sa pagpili ng kanyang kurso. Bilang karadagan dito, mas maraming mahilig sa Matematika ang nagdesisyong ito talaga ang gusto nilang kurso 6. Ang Matematika ay hindi nakakaapekto sa pagpili ng mga kababaihang estudyanteng mahilig at hindi mahilig dito. Karamihan ng mga kababaihang estudyante mahilig man o hindi sa Matematika ang nagsagot na ito talaga ang gusto nilang kurso. Rekomendasyon Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang

iminumungkahi ang sumusunod:

BIBLIYOGRAPIYA Ashcraft, M. H., & Faust, M. W. (1994). Mathematics anxiety and arithmetic performance; An exploratory investigation. Cognition and Emotion, 8, 97-125. Ashcraft, M. H., & Kirk, E. P. (2001). The relationships among working memory, math anxiety and performance. Journal for Experimental Psychology, 130(2), 224-237 Devine et al. (2012); Gender differences in mathematics anxiety and the relation to mathematics performance while controlling for test anxiety Faust, M. W., Ashcraft, M. H., & Fleck, D. E. (1996). Mathematics Anxiety effects in simple and complex addition. Mathematical Cognition, 2, 25-62. Hembree, R. (1990). The nature, effects and relief of mathematics anxiety. Journal for Research in Mathematics Education, 21, 33-46. Sanders, J., & Peterson, K. (1999). Close gap for girls in math-related careers. Education Digest, 65(4), 47-49. Wardrop, J. L., & Anderson, M. Z. (1995). Women's career choices: focus on science, math, and technological careers. Journal of Counselling Psychology, 42, 155-170. Simon, Marilyn K.(2000). The Evolving Role of Women in Mathematics. Vol. 93, No. 9 December 2000, 783-786 Ashcraft, M. H., & Faust, M. W. (1994). Mathematics anxiety and arithmetic performance; An exploratory investigation. Cognition and Emotion, 8, 97-125. Ashcraft, M. H., & Kirk, E. P. (2001). The relationships among working memory, math anxiety and performance. Journal for Experimental Psychology, 130(2), 224-237. Cvencek, D., Meltzoff, A. N., & Greenwald, A. G. (2011). Math-gender stereotypes in elementary school children. Child Development. 82(3), 766-779.

Devine, J. (2012); Gender differences in mathematics anxiety and the relation to mathematics performance while controlling for test anxiety Faust, M. W., Ashcraft, M. H., & Fleck, D. E. (1996). Mathematics Anxiety effects in simple and complex addition. Mathematical Cognition, 2, 25-62. Hembree, R. (1990). The nature, effects and relief of mathematics anxiety. Journal for Research in Mathematics Education, 21, 33-46. Herbert, J., & Stipek, D. (2005). The emergence of gender dif ferences in childrens perceptions of their academic competence. Applied Developmental Psychology, 26, 276295. Sanders, J., & Peterson, K. (1999). Close gap for girls in math-related careers. Education Digest, 65(4), 47-49. Simon, M. K. (2000). The Evolving Role of Women in Mathematics. Vol. 93, No. 9 December 2000, 783-786. Simpkins, S., & Davis-Kean, P. (2005). The intersection between self-concept and values: Links between beliefs and choices in high school. New Directions for Child and Adolescent Development, 110, 3147. University of WisconsinMadison. (2009). Culture, not biology, underpins math gender gap. Science Daily [Online]. Available: www.sciencedaily.com/releases/2009/06/09061182 University of Chicago (2010, January 26). Believing stereotype undermines girls' math performance: Elementary school women teachers transfer their fear of doing math to girls, study finds. ScienceDaily. Retrieved March 11, 2013, from

http://www.sciencedaily.com/releases/2010/01/100125172940.htm

Wardrop, J. L., & Anderson, M. Z. (1995). Women's career choices: focus on science, math, and technological careers. Journal of Counselling Psychology, 42, 155-170.

APENDIKS A Mahal naming tagasagot, Magandang araw! Kami ay mga mag-aaral sa unang taon sa Pakultad ng Inhinyeriya, pangkat 1IS-A na nagsasagawa ng isang pananaliksik bilang pagpapatupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2. Ang aming pamanahong papel ay pinamagatang Pagkahilig sa Matematika ng mga Babaeng Mag-aaral na Nagmula sa mga Kursong CTHM at AB na Nasa Unang Taon sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kaugnay nito, kami ay naghanda ng kwestyoneyr upang makangalap ng datos at impormasyon na kapaki-pakinabang sa aming pag-aaral. Hinihiling namin na basahing mabuti ang panuto at sagutin nang matapat ang mga tanong. Asahan na magiging konpidensyal ang nakalap na personal na impormasyon. Maraming salamat sa inyong pakikipagtulungan. Lubos na gumagalang, MGA MANANALIKSIK ___________________________________________________________________________ Pangalan (Opsyonal):_________________ Kurso: ___________________ PANUTO: Lagyan ng tsek ang iyong sagot. 1.) Ilang taon ka natutong magbilang? [ ] 1-4 [ ] 5-8 [ ] 9-12 Iba pang sagot: _______________ 2.) Paborito mo ba ang asignaturang Matematika? [ ] Oo [ ] Hindi 2.1) Kung oo, ano ang nakaapekto sa iyo upang ito ang maging iyong paborito? [ ] Nasa lahi [ ] Kaligiran ng kinalakihan [ ] Gifted lamang talaga Iba pang sagot: ______________________ 2.2) Kung hindi, Bakit? [ ] Mahirap [ ] Tila lumilipad ang mga numero [ ] Paborito ko noong nasa elementarya pa ako, ngunit noong nadag-dagan ng letra ay naging kumplikado na [ ] Masyadong pasikot-sikot [ ] Iba pang sagot: ______________________ 3. Ano ang iyong grado sa Matematika? a.) Elementarya [ ] 70-pababa [ ] 75-80 b.) Mataas na paaralan / High School [ ] 85-90 [ ] 95-100

[ ] 74-pababa [ ] 75-80 c.) Kolehiyo Unang Semestre

[ ] 85-90

[ ] 95-100

[ ] 5.0 [ ] 3.0 - 2.5 [ ] 2.25 1.75 [ ] 1.5 1.0 4. May mga program ka bang pinasukan upang malinang ang iyong kakayahan sa Matematika? (Tulad ng Kumon, MSA, atbp.) [ ] Mayroon [ ] Wala 5. (Para sa mga pumili ng oo sa bilang 2) Konektado ba ang iyong pagkahilig sa propesyon ng iyong mga magulang? [ ] Oo [ ] Hindi 6. (Para sa mga pumili ng oo sa bilang 2) Kung hilig mo talaga ang Matematika, bakit ito ang kursong iyong napili? [ ] Ito talaga ang nais kong kurso [ ] Pinili ng mga magulang Iba pang sagot: ________________ 7. (Para sa mga pumili ng hindi sa bilang 2) Bakit ito ang napili mong kurso? [ ] Ito talaga ang nais kong kurso [ ] Pinili ng mga magulang [ ] Wala masyadong Matematika Iba pang sagot: ________________ 8. Sumasang-ayon ka ba sa teoryang mas magaling ang mga kalalakihan sa Matematika? [ ] Oo [ ] Hindi 9. Sumasang-ayon ka ba na dapat ang magagaling sa Matematika ay konektado sa Inhinyeriya ang kursong kinuha? [ ] Oo [ ] Hindi 10. Sumasang-ayon ka ba sa kasabihang Practice Makes Perfect pagdating sa pagaaral ng Matematika? [ ] Oo [ ] Hindi 10.1) Kung oo ang sagot mo sa bilang 10, bakit? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 10.2) Kung hindi ang sagot mo sa bilang 10, bakit? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________

APENDIKS B

Mia Carmela C. Gigante o mas kilala bilang Taming, 17 taong gulang, ipinanganak noong ika-3 ng Marso taong 1996. Tubong Pangasinan, ngunit kahit laking probinsya ay hindi ito naging hadlang upang magkaroon siya ng maraming kaibigan at magandang pakikisama sa lahat ng kamag-aral. Kilala siya bilang maingay, makulit, masiyahin at palakaibigang tao. Pinalaking may takot sa Diyos at ngayon ay kabilang sa isang youth ministry ang CHRIST'S YOUTH IN ACTION at isa ring kasapi ng UST CENTER FOR CAMPUS MINISTRY THOMASIAN VOLUNTEERS.

Jade Mirel D. Baloloy, labimpitong (17) taong gulang. Ipinanganak noong ika-25 ng Agosto 1995,sa Lungsod ng Makati ngunit lumaki at nag-aral sa Lungsod ng Dasmarias, Cavite. Nangarap maging isang Chemical Engineer ngunit dahil sa kagustuhan ng magulang na mag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas ay piniling kumuha ng kursong B.S. Information Systems. Pagbabasa ng mga libro ang kadalasang pampalipas-oras.

You might also like