Pormat Sa Paggawa NG DAHON NG PASASALAMAT

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

DAHON NG PASASALAMAT Taos pusong pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang mga taong naging malaking bahagi sa pagsasagawa ng pananaliksik

na ito. Unang-una ay sa Poong Maykapal sa Siyang pinagmulan ng kanilang kaalaman at katalinuhan, ng lakas ng katawan, at nagbuhos sa mga mananaliksik ng mga biyaya para sa ikatatapos ng gawaing ito. Nagpapasalamat din ang mga mananaliksik sa kanilang mga magulang sa suportang pinansyal at sa pagpapatibay ng loob at panghihikayat na tapusin ang nasimulang gawain. Pinasasalamatan din ng mga mananaliksik si Gng. Rosalinda Jerusalem sa mga payo at mga suhestiyong naibahagi sa kanila, sa pagtuturo ng mga bagay na dapat isaalang-alang sa paglikha ng gawaing ito, sa oras at panahong iniukol upang ganap na matapos ang pananaliksik na ito at sa pagmumulat kung ano ang tunay na dahilan sa paglikha ng gawaing ito. Kasama rin sa kanilang pinasasalamatan si Bb. Jocelyn Burabo sa tulong at sa gabay upang mas lalong maging matagumpay ang resulta ng pag-aaral na ito, pati narin kay Bb. Kim Villantes, ang tagapangasiwa sa silid-aklatan, na hinayaan kaming gamitin ito bilang aming tunguhan sa paggawa at pagkalap ng mga kailangang impormasyon. Gayundin, pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang kanilang mga kamag-aral, mga kaibigan, lalo na ang mga respondente na tumulong at nagbigay ng kanilang mga ideya para sa ikatatapos ng pananaliksik na ito. Mga Mananaliksik

You might also like