Panimula NG Isang Pananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang EPEKTO SA WORK PERFORMANCE NG MGA ACCOUNTANCY GRADUATES NA UNDEREMPLOYED ay naglalayong alamin ang epekto

sa paggawa sa kanyang kasalukuyang trabaho na lihis sa kanyang natapos o nalalaman, negatibo man o positibo. Ang Accountancy ay isa sa mga mahihirap na kursong inaalok ng ibat -ibang mga unibersidad sa bansa. Hindi lingid sa ating mga kaalaman na ang kursong ito ay nakapagbibigay ng malalaking oportunidad lalo pa kung itoy mapagtatagumpayang tapusin kung kaya naman marami ang nahuhumaling pasukin ito. Batay sa libro ni Win Ballada (Basic Accountancy 2011), ang isang gradweyt ng kursong Accountancy ay maaaring mapunta sa ibat-ibang sangay tulad ng public practice, komersyo at industriya, gobyerno at maging sa edukasyon at maging isang Audit Manager, Financial Accounting and Reporting Staff, Controller, Budget Analyst, Chief Financial Officer at madami pang iba. Ngunit sa kabila ng mga malalaking oportunidad na ito ay hindi pa rin maiwasang magkaroon ng mga taong nasa linyang ganito ang magkaroon ng mga pinagkakaabalahang malayo o talihis sa inaasahang magiging trabaho. Sa pagharap sa totoong mundo ay ang pakikipagsapalaran at pakikipagtunggali sa ibatibang tao upang makahanap ng trabahong mapagaaplayan ng kanyang mga natutunan. Sa paghahanap ng trabaho, ang pagtatamo ng titulo sa anumang larangan ang syang nagiging pangunahing susi upang makahanap ng maganda at sustinableng hanapbuhay ngunit minsan ito din ang nagiging sanhi ng kahirapan sa paghahanap nito. At dahil sa dami rin ng mga taong naghahanap ng trabaho ay mas lumiliit ang tsansang makakuha ng trabaho sasagot sa kanilang pinapangarap. Dahil sa ilang mga tagpong ito, nakakapagpasya tuloy ang iba sa atin na

pumasok sa mga trabahong iba sa ninanais at umaangkop sa kanilang kaalaman. Ayon sa datos ng National Statistics Office (Enero 2013), umaabot sa 20.9% ang mga underemployed sa Pilipinas. Ang nalalaman ng isang tao ay nasasalamin sa kanyang kakayahan. Kung kaya mas nagiging mainam kung ang kakayahan ay sumasakto sa napiling trabaho. Ang kakayahang tinutukoy dito ang pinagbabasehan ng work performance na syang pinupuhunan ng isang nagtatrabaho upang mapaunlad ang kanyang sarili at maging ang kinabibilangan niyang pangkat. Sa oras na ang kakayahan ay tumaliwas sa kanyang naging trabaho, maaaring magkaroon ng positibo at negatibong epekto ito sa work performance. Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay sinusubukang ipaalam ang mga epekto sa work performance ng mga Accountancy gradweyts na underemployed .....

You might also like