Fil 2A

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Fabro, Christian Jules A. FIL 2A 1) Ano ang mga ibat ibang kahulugan ng pagsulat?

artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag sa paraang pagsulat, limbag at elektroniko. ang pagsulat ay pagsalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita. 2)Ano ang ibat ibang layunin ng pagsulat? Mailabas ang nararamdaman. Makapaghayag ng saloobin. Makapagbigay ng aliw at kaalaman. 3)Ano ang mga hakbang sa pagsulat? Pag hahanda sa Pagsulat - Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga impormasyon at ideya para sa sulatin. Aktwal na Pagsulat - Sa hakbang na ito isinasalin na ng manunulat ang kanyang mga ideya sa mga pangungusap at talata. Nag-eeksperimento na ang manunulat sa pagbuo ng kanyang sulatin. Pagrerebisa at Pag eedit - Ang pagrerebisa na tinatawag ding pag-eedit ay nangangahulugan ng muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipang nasa sulatin upang tumugma sa iniisip ng manunulat. 4)Ano ang ibat ibang uri ng pagsulat? Teknikal na Pagsulat - isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin. Referensyal na Pagsulat - isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri. Jornalistik na Pagsulat - isang uri ng pagsulat ng balita. Akademikong Pagsulat - Ito layunin nito ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. 5)Kahulugan ng pananaliksik ayon kay: Good (1963) - ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng ibat ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito. Aquino (1974) - ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Manuel at Medel (1976) - isang proseso ng pangangalap ng mga datos o informasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan. Parel (1966) - ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. 6)Layunin ng Pananaliksik Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at informasyon. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadevelop ng mga bagong instrumento o produko. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan. Masatisfay ang kuryosidad ng mananaliksik. Mapalawak o maverify ang mga umiiral na kaalaman.

7)Katangian ng Pananaliksik Ang pananaliksik ay sistematik - may sinunud itong proseso o mag kasunod-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik. Ang pananaliksik ay kontrolado -lahat ng varyabol na sinusuri ay kailangan mapanatiling konstant. Hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong maganap sa sabjek na pinag-aaralan ay maiiuugnay sa eksperimental na varyabol. Ang pananaliksik ay emprikal - kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap. Ang pananaliksik ay mapanuri -sa pananaliksik, ang mga datos na nalakap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nalakap. Ang pananaliksik ay objektiv, lohikal at walang pagkiling - lahat ng tuklas at mga konklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirikal na mga datos at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta sa pananaliksik. Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwanttiteytiv o istatiskal na metodo - ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri sa pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagagan. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda - maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik. Ang pananaliksik ay isang akyuret na investigasyon, obserevasyon at deskripsyon - bawat aktibidad na pananaliksik ay kailangang maisagawa ng tumpak o akyuret nang ang tuklas ay humantong sa formulasyon ng mga syentifikong panlalahat. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali - kailangang pagtiyagaan ng mananaliksik ang bawat hakbang, sa pananaliksik upang matiyak ang katumpakan o accuracy nito. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan - walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap, kaya kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat - lahat ng datos na nakalap ay maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas na pananaliksik. 8)Katangian ng Mananaliksik Masipag Matiyaga Maingat Sistematik Kritikal 9)Pananagutan ng Mananaliksik Katapatan ang pinakapangunahing pananagutan ng isang mananaliksik. Ito ay kailangang maipamalas niya sa mga pagkilala ng kanyang pinagkunan ng datos o impormasyon. Nangangahulugan ito na: Kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya ng datos. Bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginagawan ng karampatang tala. Hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at binibigyan ng karampatang pagkilala. Hindi siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argument o para ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang particular na pananaw. Ayon kay Atienza, ang pinakamahalagang pananagutan ay ang pagtiyak na mapaninindigan ng mananaliksik ang lahat ng interpretasyon ng kanyang binuo batay sa kanyang masinop at maingat na pagsusuri ng kanyang mga datos na nakalap.

10)Kahulugan ng Plagyirismo at mga issue na nakapaloob dito. Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa, hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo. Ito ay may sinusunod na etika/ Code of Ethics Sa etika ng pananaliksik, itinuturing na napakalaking kasalanan ang plagyarismo. Ito ay may kabigatang parusa. Ito ay magdudulot ng kahihiyan sa isang taong may pinag-aralan. Noong 1996, si Atienza at ang kanyang mga kasamahan ay nagtala ng ilang mga halimbawa ng plagyarismo at mga kaparusahang maaaring ipataw sa plagyarista Kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi ipinaloob sa panipi o hindi itinala ang pinagkunan. Kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang pagkapahayag, ngunit hindi kinilala ang pinagmulan. Kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa ibat ibang akda at pinagtagni-tagni ang mga ito ngunit hindi kinilala ang mga pinagkunan Kung isinalin ang mga termino, ideya, pahayag, at dahil nasa ibang wika na ay inangkin na at hindi itinala na isalin ang mga ito, Kung ninanakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig, at hindi kinilala ang pinagkunan ng insipirasyon, at Kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan ng iba at ipinalabas niyang siya ang nagkalap ng mga datos na ito. 11)Kaparusahan na ipapataw sa isang plagyeris. Pinakamagaang na parusa na para sa mga estudyante na mabigyan ng 5.0 (lagpak na marka)para sa kurso, Kung mapatutunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa, maaaring patalsikin ang estudyante sa universidad. Kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang nakalipas, ngunit natuklasan na ang kanyang pananaliksik ay kinopya, maaari siyang tanggalan ng digri o Maaari ring ihabla ang sinumang nangongopya batay sa Intellectual Property Rights Law at maaaring sentensyahan ng multa o pagkabilanggo. 12)Uri ng Pananaliksik Empirikal - galing ito o batay sa karanasan o eksperimento kaya malasiyentipiko. Gamiting Pananaliksik - ginagamit ito batay sa hinihingi ng panahon at gumagamit ito ng kalkulasyon at estadistika. Ganap na Pananaliksik - isinasagawa ito ng mga taong naglalayong maunawaan ang isang bagay na nagpapagulo sa kanilang isip.

You might also like