Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Reaksyon sa Akdang MARX IS NOT A MARXIST: THE GHOST OF THE TO COME AND THE TECHNOLOGICAL TRANSFORMATION OF LABOR AND

CAPITAL ni Michael Roland F. Hernandez Giles Mark A. Arguilla Ang utak ng ating paglaya ay ang pilosopiya, ang puso nito ay ang proletaryado. (Marx, Contribution to the Critique of Hegels Philosophy of Right) Ang akda ni Hernandez ay malinaw na nagpapakilala sa kontribusyon ni Derrida ukol sa pag-aaral ng humanistikong prinsipyo ng Marxismo. Ang labintatlong pahinang pagsusuri at paglalahad ng may-akda sa mga nagbabagong batayang kaisipan sa pagdalumat ng Marxismo ay malaking tulong (para sa sinumang may interes sa pag-aaral ng kasaysayan, kalikasan at katuturan ng Marxismo) upang higit na maunawaan ang kinahantungan at patutunguhan ng isa sa pinakama-impluwensyang pilosopiyang pampulitika at pang-etika sa mundo. May mahahalagang bagay na gusto kong bigyang- diin sa ilang oras na pagbabasa ng akda. Pangunahin na rito ay ang aking pagsang-ayon sa kasipian na panahon na nga upang muling balikan ang ilan sa mga salalayan at saligang prinsipyo ng Marxismo bilang pilosopiya at ideolohiya na niyakap at patuloy na niyayakap ng ilan sa mga makapangyarihang (batay sa kanilang kakayahang pang-ekonomiya, tulad ng China) bansa at mga kilusang mapagpalaya sa mundo. Hindi kaila sa mga magaaral ng Marxismo ang mga pundamental na argumento nito ukol sa surplus labor, use- value, ratio of exploitation at labor theory of value* na siyang dahilan upang sa huli ay maghangad ang mga uring manggagawa o proletaryado na malansag ang kapitalistang sistema at bumuo ng isang mas makatao, mas makatarungang Komunistang lipunan na walang pag-uuring panlipunan at iwinawaksi ang pribadong pagmamay-ari at pangangapital na siyang ugat ng pangaabuso at pagpapahirap sa mga proletaryado, sang-ayon na rin sa propesiya ng Marxismo. Ngunit ang sistema ng produksyon at paraan ng pagkonsumo sa panahon ni Marx ay may napakalaking pagbabago sa kasalukuyan bunga na rin ng umuunlad na antas ng teknolohiya. Ang labor theory of value ay hindi na sapat upang ipaliwanag ang kalagayan ng mga manggagawa sa lipunang kung saan serbisyo, at hindi produkto, ang ikinakalakal at lumilikha ng yaman. Magandang halimbawa ay ang mga nagtratrabaho sa call centers, OFWs, online advertisers at internet service providers, hindi na sasapat ang dehumanization, alienationfrom-the-fruits-of-their-labor, false consciousness at maging ang cultural hegemony ni Gramsci upang patuloy na gamitin ang pang-ekonomiyang paliwanag sa pagbubuo, pagpapalakas at pag-unlad ng mga unyon at kilusang mapagpalaya. Nakalulungkot lang na marami pa rin sa ating mga progresibong grupo at rebolusyonaryong partido ay nakatali pa rin sa ganitong makalumang pagsusuri. ________________

*Katulad ni Adam Smith at David Ricardo, pinatunayan ni Marx na ang halaga ng anumang produkto ay nakabatay sa halaga/oras na iginugol ng lakas-paggawa (ng manggagawa) sa paglikha ng nasabing produkto. Ngunit ang teoryang ito ay ay hindi sapat sapagkat sa nakalipas na dantaon, nasaksihan natin na ang pag-unlad ng ilang ekonomiya sa daigdig ay maiuugnay hindi dahil sa mga makabagong uri ng hilaw-na-materyales at pang-aabuso sa (surplus labor) ng mga manggagawa. . . (ang) imbensyon at entrepreneurship. . . (bilang mga) intangibles ay mga pangunahing dahilan ng kanilang pag-unlad. Ang pagiging tapat sa humanistikong prinsipyo ng Marxismo, pagsisikap na mapanatili ito ng mga kilusan sa pamamagitan ng pag-iwas sa nakalulunod na kapangyarihang totalitaryan at nakabubulag na dogma*, at pagkamit sa panlipunang hustisya ay ilan sa mga bagay na makatutulong sa pagbalangkas at pagtuturo sa mga susunod na henerasyon ng mga kabataan at lider-estudyante ng mga unibersidad at mga komunidad na nagnanais at nangangarap** na manatiling buhay ang pag-asa para sa makabuluhang pagbabagong panlipunan. Ang bantayog ni Marx ay hindi makikita sa intelektwal na mga diskurso sa mga pamantasan, hindi rin ito matatagpuan sa mga litanya ng mga pinuno ng mga sosyalistat komunistang kilusan; ang bantayog ni Marx ay matatagpuan sa nakapangyayaring- boses ng humanistikong katarungang panlipunan.*** Ito ang halaga ng pag-aaral ng Marxismo para sa akin, at ito rin ang aking layunin sa pagaaral ng lipunan.

________________ * Ang anarkistang si Proudhon ay nagbigay ng babala kay Marx laban sa Marxismo: For Gods sake, after we have abolished all the dogmatisms a priori, let us not of all things attempt in our turn to instill another kind of dogma into the people. . . Let us have decent and sincere polemics. . . But simply because we are at the head of the movement, let us not make ourselves the leader of a new intolerance, let us not pose as the apostle of a new religion---even though this religion be the religion of logic, the religion of reason. ** Sa obserbasyon ni Hughes (1977) sa kanyang akdang The Critique of Marxism, binanggit niya na bago pa man ang ika-20 siglo, ang mga iskolar na tulad ni Durkheim ay nagpahayag na na ang moral passion at hindi systematic research ang siyang nagbibigay ng inspirasyon at pwersa sa doktrina ng Marxismo. *** (SI Marx) ay maitutulad sa karakter, sang-ayon kay Buchholz (2007), ni Tom Joad sa Grapes of Wrath ni John Steinbeck: Ill be everwhere---wherever you look. Wherever theys a fight so hungry people can eat, Ill be there. Wherever theys a cop beatin up a guy, Ill be there. . . Ill be in the way guys yell when theyre mad. . . An when folks eat the stuff they raise an live in the houses they build---why, Ill be there. See?

Sanggunian Buchholz, Todd G. The Angry Oracle Called Marx (matatagpuan sa New Ideas From Dead Economists: An Introduction to Modern Economic Thought, 2007) mga pahina: 131, 138-139, 140 & 147. Fiala, Andrew. Marx: Politics, Ideology, and Critique (matatagpuan sa The Philosophers Voice: Philosophy, Politics, and Language in the Nineteenth Century, 2002) pahina: 193. Hughes, H. Stuart. The Critique of Marxism (matatagpuan sa Consciousness and Society: The Reorientation of European Social Thought, 1890-1930; 1977) pahina: 70

You might also like