Komunikasyon Sa Akademikong Filipino

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO: ISANG PAGTALAKAY INTRODUKSYON: Ang buhay ng tao ay mabilis na pinaiinog ng panahon, bawat isa ay nililinang

at dumedepende sa iba pa. Walang nagmumula sa kawalan...lahat ay nagbabago. Katulad din ng wikang sinasalita ng tao ay nagbabago rin ayon sa hinihingi ng pagkakataon at pangangailangan. Ang wikang Filipino ay may unikong katangian na wala sa iba pang wika sa daigdig, mabilis itong nakaaadap at umaaayon sa sitwasyon. Makapangyarihan ang wika, kaya nitong bumuo. Makapangwasak at makapagpabago. Ginagamit natin ang wika upang maisagawa ang ating mga naiisip, nadarama, at mga balakin ngunit ang hindi sumasagi sa ating mga isipan ay kung ginagamit din tayo ng wikang ating ginagamit. Paano tayo direktang naapektuhan ng wika? Paano tayo napapakilos nito? Paano natin efektibong magagamit ang wika upang isakatuparan ang ating gampanin sa lipunan na ating kinabibilangan? Ito ang tuon o fokus na sasagutin ng kursong ito. METALINGGWISTIKONG PAGDULOG SA KURSO Ang pagtuturo ng Filipino ay gumagamit ng pagdulog metalinggwistik. Ito ay dinisenyo upang mapalawak at malinang sa mga mag-aaral ang kabatiran (awareness), kamalayan (consciousness) at komitment sa mahusay na paggamit ng wikang Filipino (i.e ang akademikong varayti nito), bilang metalanguage / interlanguage ng mga kursong saklaw ng tatlong domeyn ng karunungan ng general education. Daynamikong pinagsasama sa pagdulog na ito i.e metalinggwistik, ang mahahalagang istraktura ng mga linggwistik na elemento at fityur (e.g ponolohikal, morpolohikal, sintaktik at semantik) at nan-linggwistik na mga koreleyt (e.g komyunikatib, sosyo/ saykolinggwistik, diskorsal at kognitiv) ng akademikong Filipino. Kung kaya hindi madali para sa mga nagtuturo ang ituro ito lalot hinihingi nito ang higit na kaalaman at kasanayang pang-interdisiplinaryo at / o multidisiplinaryo. Kung susuriin ang mga rejister ng mga disiplinang sakop ng G.E ang Filipino ay maituturing na masaklaw na Filipino, isang multilektal na rejister, Inter.-rejister. Kailangang maunawaan ito upang lubusang matanggap at praktikal na magamit nang walang pag-aalinlangan at takot. May apat na magkakaugnay na konteksto at/ o perspektibo na dapat isaalang-alang o gamiting batallan sa metalinggwistik na pagtuturo at pag-aaral ng Filipino. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: Filipino bilang kurso ng G.E; Filipino bilang wikang pambansa; Filipino bilang akademikong rejister; at ang Filipino bilang koda sa akademikong komunikasyon. Makikita ang dayagram sa ibaba.

Filipino bilang Wikang Pambansa

Filipino bilang Kurso ng G.E

FILIPINO Filipino bilang Akademikong rejister Filipino bilang koda ng Komunikasyon

Figyur 1: Metalinggwistikong Pagdulog sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Akademikong Filipino

Ang mga masasaklaw (general) na kaalaman, kasanayan, pagpapahalaga (value) at saloobin (attitude) sa Filipino ay marapat na hanguin dito at magsaalang-alang ito sa mga nabanggit na konteksto, perspektibo o pagtingin. FILIPINO SA KONTEKSTO NG G.E Bahagi at mahalagang kasangkapan ang wikang Filipino sa realisasyon ng mga layunin ng General Education, subalit kailangang maging Malinas muna sa atin kung ano nga ba itong General Education bilang programa. Kaiba ang G.E sa tinatawag na batayang edukasyon (Basic Education) dahil ito ay natatamo lamang sa elementarya at sekondarya. Lalo namang iba ito sa specialist education dahil ito ay nakatuon lamang sa iisang partikular na espesyalisasyon gaya ng sa kemist, bayolojist, inhinyeriya, historian at iba pa. Layunin ng G.E na hubugin ang interdisiplinaryo/ multidisiplinaryong kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral na magagamit niya sa kanyang karera o kurso na hindi isinasantabi ang pagpapahalagang moral (values).

Samakatwid, gamit ang Filipino sa komunikasyon ay maisasakatuparan ang mga misin at visin ng universidad sa kalaunan ay magagamit ang mga kasanayang natutunan sa pakikipamuhay sa kani-kanilang local, internasyunal at global na comunidad. FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA Bawat bansa ay may patakarang pangwikang isinusulong sa pagpapatupad ng isang edukasyong makabayan, globally competetive at makakalikasan. Ang mga patakarang pangwikang ito ay ibinatay sa mga batas na binuo upang mapasok ng ating wikang pambansa ang lahat ng aspeto ng ating buhay-bansa at ang lahat ng antas ng edukasyon. Ang mga linggwistikong pakikipaglaban ay bahagi ng pagpaplanong pangwika upang ganap na makalaya ang ating bansa sa dikta ng mga dayuhang namumuhunan gaya ng Estados Unidos. Bagamat malakas ang instrumental na layunin ng pagpaplano ay hindi par in maisasantabi ang sentimental na layuning pag-isahin ang mga Pilipino. Realistikong makikita ang pagsisikhay ng mga tagapagplano at ilang mga taong may direktang ugnayan sa gawain na maistandardays, mamodernisa at maintelektwalays ang wikang Filipino. Nariyan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ilang NGOs na sumusuporta sa implementasyon, elaborasyon at kultibasyon ng wikang pambansa. Malayo na ang narating ng ating wika subalit nakasalalay par in ang buhay nito sa mga gumagamit. Hanggat may Filipinohanggat may Pilipinasmay pagsulong sa wikang Filipino. FILIPINO BILANG AKADEMIKONG REJISTER May ibat ibang varayti ang Filipino batay sa domeyn nito (rehiyunal, sosyal, okupasyunal at iba pa) gayundin, may varayting angkop at ginagamit sa akademya. Tinatawag itong akademikong varayti. Masaklaw na Filipino itong natatamo sa kolehiyo at higit sa mataas na edukasyon. Ito ay siyang metalanguage ng G.E kurikulum na tinatawag namang interlanguage na batay at nililinang sa pamamagitan ng mga tunog, salita, pangungusap at diskurso ng mga disiplina o karunungang saklaw ng mga domeyn ng humanidades, agham panlipunan at pilosopiya at likas na agham, teknoloji at agham. FILIPINO SA KONTEKSTO O KODA NG KOMUNIKASYON Ang pangunahing gampanin ng Filipino bilang wikang pambansa sa pangkalahatan at ng masaklaw na varayti nito sa particular ay sa komunikasyon bilang isang koda. Ibig lamang sabihin na ito ay gagamitin bilang kasangkapan sa paghahatid ng mensahe sa pagitan ng mga interlokyutor. Kung kaya, dapat lamang na maipaunawa sa mga mag-aaral ang masaklaw na Filipino sa konteksto ng proseso ng komunikasyon. Sa ganitong sitwasyon, kailangang iadjust tapos iinterwind ang pagtalakay ng Filipino (i.e bilang koda) sa iba pang elemento ng komunikasyon (tulad ng mga interlokyutor, sitwasyon, paksa, anyo ng komunikasyon, tsanel, intersabjektiviti at iba pa.). Sa ganitong tunguhin, mauunawaan ng mga mag-aaral ang istrakturang pangwika batay sa layuning komunikatibo, pragmatics at kognitibo. Sa paraang ito ng pag-aaralan ang masaklaw na Filipino nang hindi tiwalag sa kinalalagyan ng lipunan. At sa halip ay kaugnay ng tungkulin

nito sa komunikasyong pantao. Anupat naipapakita ang kaugnayan ng anyo (form) sa fanksyon (gamit) nito. Komunikasyon ang nagdurugtong sa bawat isa at nagkakahugis ito sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga salita, parirala, pangungusap hanggang maging diskurso ayon sa mga tiyak na sitwasyong itinakda ng sosyo-kultural na sistema. Tinitignan ang mga pangungusap bilang multiproposisyunal at hindi basta hiwa-hiwalay na bahagi. Nag-uusap at nagkakaunawaan ang mga tao ayon sa magkakaugnay at magkakarugtong na mga pangungusap. Anumang pagkakamali sa pagdadala ng mensahe ay may malaking efekto sa kalalabasan ng Gawain o tunguhin. Hindi nga bat may ilan na sa simpleng pag-uusap ay nauuwi sa tampuhan, pagkakagalit, pagkasuklam at karahasan. Kailangang matutuhan ng mga mag-aaral na ang komunikasyong pasalita at maging pasulat ay binubuo ng mga masasalimuot na bahagi na sa kaunting pagkakamali ay maaaring makapangwasak kundi man positibong/ negatibong makalikha ng atmospera o ng isang pagbabago. PAGLALAGOM Ang edukasyon ay pinaka-efektibong midyum ng pagbabago. Kaalinsabay nito ang wikang ginagamit sa edukasyon ay may direktang ugnayan sa maaaring maging hugis o anyo ng kanyang mga mag-aaral. Ang masaklaw na Filipino bilang kurso ng G.E ay kinakailangang pundasyon sa pagkakaroon ng holistiko o well-rounded na mga mag-aaral, samantala nakabatay naman ang patakarang pangwika ng edukasyon sa historical-legal na aspeto ng pagpaplanong pangwika ng bansa. Gayundin naman, ang Filipino bilang koda ng komunikasyon ay nagtatawid at nagdurugtong sa ganap na pagkaunawa at pagkakaisa ng mga gumagamit ng wika o interlokyutor at bilang akademikong rejister na magagamit sa higit na pag-unawa sa mga paksang saklaw ng humanidades, agham-panlipunan, sayans at teknoloji. SANGGUNIAN: Ramos, J.F. (2005). Ang Filipino sa G.E Kurikulum sa Antas Tersyari: Kalikasan, Kailanganin at Pagtuturo nito. Papel na binasa sa Pambansang Seminar-Worksyap sa Filipino, PNU.

You might also like