Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Andres, Tomas.

Understanding the values of Central Mindanao: Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao, North Cotabato, & Sultan Kudarat. Quezon City: Giraffe Books, 2006. Print. Ang gawang ito ni Tomas Andres ay pinagkuhanan ng mga datos ukol sa heograpiya ng pamayanang Maranao. Bukod pa dito, nagtagalay rin ang libro ng impormasyon ukol sa kabuhayan at istrukturang panlipunan. Mayaman ito sa mga bagay na may kinalaman sa relihiyon. Katatagpuan ito hindi lamang ng mga paliwanag ukol sa modernong Islam bagkus ay naglalaman din ito ng ilang paniniwala at kustom ng mga lokal bago pa man nila tinanggap ang Islam. Bagamat hindi sing-lalim ng iba pang mga nabanggit na pinagkuhanan ng impormasyon, nakatulong ang aklat na ito sa pagpapaliwanag ng mga konsepto ukol sa sining, kultura, at panitikan. McKaughan, Howard. The inflexion and syntax of Maranao verbs. Manila: Bureau of Public Printing, 1958. Print. Bagamat pangunahing binigyang-pansin ang mga pandiwa sa wikang Maranao, ginamit ang gawang ito sa pagkalap ng impormasyon ukol sa panitikan. Kakikitaan ito ng ilang paliwanag ukol sa mga katangian ng mga laganap na epiko at kwento sa kanilang lokalidad. Naging kapaki-pakinabang rin ang ginawang paghahambing ng mga ito sa literatura galing sa ibang bansa. Nagbigay ang aklat na ito ng pag-unawa sa mga anyo at tema ng panitikang Maranao. Binigyang-pansin rin ang mga popular na gamit ng mga kathang ito sa lipunan. Orellana, Dionisio, Saber, Mamitua. Maranao folk art: survey of forms, designs, and meanings. Marawi City, Philippines: Universtiy [i.e. University] Research Center, Mindanao State University, 1981. Print. Nagtataglay ito ng detalyadong kasulatan ukol sa sining ng mga Maranao. Tinalakay ang iba't ibang paksa tungkol sa mga katangian ng iba't ibang industriya kagaya ng paghabi, pagukit at pagpinta. Bukod pa dito, nagtataglay din ito ng mga larawan na nakapagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa anyo ng mga gawang pansining. Hindi lamang ang estetikong aspeto ang binigyang-pansin dito bagkus ay nagbigay din ito ng kaalaman ukol sa mga aplikasyon ng pagkamalikhain ng mga Maranao. Kakikitaan rin ito ng mga obserbasyon na nakapupukaw ng interes ng sino mang nag-aaral ng sining sa nasabing pamayanan.

You might also like