Chapter 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

CHAPTER ONE Meet me.

Good morning po manong. bati ko kay manong guard.

Good morning din. Maaga ka yata ngayon a. Palibhasay first day ano?

Natawa naman ako kay manong. Kilala na kasi niya akong latecomer. Oo nga po, first day, excited pa. Sige po!

Im Andrea Marie Joy Ramos. Dea for short. Turning 16 soon. Simpleng senior student rito sa school namin.

Teka, anong kaguluhan yun? Ilang rooms pa ang layo ko sa room namin pero naman! Dinig ko na ang boses ng mga kaklase ko. Di na talaga nagbago.

Deaaaaaaaaaaaa! sigaw sa kin ni ...

Kaaaaaath! Sh*t bruha! ang iingay nyo! Parang hindi tayo nagkikita nung bakasyon ah! HAha! ang totoo nyan, kahit bakasyon, nakakapagbonding pa rin kami kaya hindi ko sila masyadong namiss, maliban nga lang sa bestfriend ko na nag-hibernate yata noong bakasyteka, nasaan na nga pala yun?

Uy Kath, nandito na ba si Gab? tanong ko.

Oo, nandon sa sulok, tulog yata. Hyper pa kanina yan eh, bigla na lang nanahimik.

Agad ko siyang nilapitan. Siya ang bestfriend ko, si Gabrielle Jane Montes. Cute. Weird pero matalino. Boyish pero long hair. Long hair pero kilala siya na hindi nagsusuklay. Palatawa at nakakatawa pero minsan talaga may mood na katulad ngayon. Mag-iisang taon na rin yang ganyan. Nagsimula yang magkaganyan nung biglang nawala yung pesteng lalaking yun na nabalita pang may ibang nililigawan bukod sa inosenta kong bestfriend. Nakoo, kung nasaan ka man, dyan ka na lang at baka makulong ako ng hindi oras. At sana, Lord,sa istoryang ito, dumating na ang lalaking makakapagpabago ng pananaw ng kaibigan ko sa mga lalaki. Oo, si Gab ang bida rito. Pang-intro lang ako.

Umupo ako sa tabi ni Gab at tinapik ang braso niya. Oi! Gabrielle Jane! Bakit mukhang puyat na puyat ka dyan? Anong ginawa mo kagabi? At bakit hindi ka nagparamdam nung bakasyon? Natuloy ka ba sa mental ha? Agad naman siyang nag-angat ng ulo. Natawa siya sa sinabi ko.

Uy! Namiss kita bestfriend kow! sabay yakap sakin. Pasensya na kung hindi ako nakapagparamdam ah. Natuloy nga kasi ako sa mental. Pero isang buwan lang ako ron. Yung isang buwan, pinadala naman ako sa space. Pinabilang sa kin yung rings of Saturn. Ayun, kaya hindi ko nabalita sa yo.

Aah, talaga? ako rin kaya nasa space nung isang buwan. Bakit hindi tayo nagkita? Ha? Sinong niloko mo? Hindi mo na naman ininom yung gamot mo noh? Baliw ka na naman e. Tsk. Nagtatawan kaming dalawa nang may umupong unknown specie sa tabi ni Gab. At infairness ah, WOW.

Sa pagkakaalam ko, siya si Kelvin John Caniega. Sikat siya kahit last year lang nagtransfer dito sa school namin, paano ba namang hindi, e, pinagpalang lubos sa looks. Wala raw girlfriend. Tamad magaral pero nababawi ng pagiging varsity niya.

Sino ka? nakataas ang kilay na tanong ni Gab sa kanya. Transferee ka ba?

KELVINS POV

Ito ba ang section ko? Napaka-ingay ng mga nilalang dito. Pero hindi nila ako napansin kaya mas ok na to kesa sa section ko last year na hindi ako pinatahimik ng mga bakla.

Pinili kong umupo sa likod. Napalingon naman ako ng biglang may nagsalita.Sino ka? Tranferee ka ba?

Seryoso ba siya? Hindi niya ako kilala? Hindi ako transferee. Ang sungit pala ni Sadako ano? sagot ko sa kanya,with a smirk.

Ah, ok. sagot niya sabay baling sa babaeng kausap niya kanina. Osya, matutulog na ulit ako.

Pipigilan pa sana siya ng kausap niya pero nakayuko na siya ngayon.Weird. Ang haba ng buhok niya na nakatakip sa halos buong mukha niya. Tao ba to?

Pasensya ka na sa baliw na to ah. Mabait to, masungit lang talaga sa hindi niya kilala saka wala yata sa mood. Ako nga pala si Dea, siya si Gab. Sige. Pagkasabi noon ay tumayo na ito at nakipagkwentuhan sa iba.

Hindi nagtagal ay may pumasok ng teacher. Siya raw si Maam Santos. Adviser at Math teacher namin.

Hindi na nagbago ang unang araw ng klase, nagpakilala kami isat isa, pinaalala ang mga school at classroom rules, school calendar at kaunting pagbabago sa seating arrangement. Pero tanging mga magkakatabing maiingay ang pinakialaman ni maam. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako.

Okay class, since wala na tayong dapat idiscuss, let me give you a couple of math exercises recalling what you got last year. Yung iba siguro sa inyo pinaanod na sa beach ang utak nung summer. Marami ang nagprotesta, kasama na ako. Well, hindi naman ako nagbeach, pero wala akong ipapaanod. Ugh. Come on class. Answer these.

She gave us three questions na hindi ko alam kung may sagot. Five minutes na akong nakatitig sa notebook ko. Nakita ko namang nagsara ng notebook si Sada...uy, nakahead band na siya ngayon. Yun pala yung weird na necklace niya kanina. Oh, suko ka na? Three questions lang yan, tanong ko sa kanya. She looked at me. Hindi, tapos na ko.

Talaga? Sige nga. Patulong.

Ayoko nga. Basics lang yan a.

Sabi na nga ba e.

Anong sabi na nga ba?

Hindi mo naman talaga alam. Mamaya, pupuntahan mo si maam at tatakutin para bigyan ka ng perfect score. Naku, style mo madumi.

Mamaya, dismissal, sa likod ng school, meet me.

So, now, youre asking me to meet you. Sabi na nga ba tinamaan ka rin ng charms ko e.

Oo, at dahil sa charms mo, mababasag mamaya yang mukha mo,feeler. Wala namang alam.

Ang yabang mong babae ka ha.

Pikon talo. Boom. Sasagot pa lang ako pero yumuko na siya sa desk. Grr, she got into my nerves. Whats with her? Brain damage? Okay, lll let it go.

Pero imbes na mabawasan ang ines ko, dumodoble pa dahil sa mga math problems na to.

Geez! I blurted out nang biglang may ballpen na nakaturo sa notebook ko.

Number one, find the angle blah blah...So, alam mo naman siguro ang SOHCAHTOA? Given ka ng two sides dito. Kailangan mo muna kunin ang hypotenuse, anong gagamitin mo?

Pythagorean? I dont know pero para siyang teacher magsalita.

Okay, so square this... Napapatango ako kapag nagtatanong siya. Her voice is authoritative yet calm and sweet. Maamo ang mukha niya ngayon, hindi tulad kanina na naghahamon ng away. Well,

medyo cute nga siya. Mahahaba ang pilikmata. Sakto lang ang tangos ng ilong. Mapungay ang mata na halatang inaantok. Pinkish ang cheeks. And her lips...

Ayan, ganyan lang. Kaya mo na yan. Mukha namang may mapipiga dyan sa utak mo e. Kahit arithmetic lang.

Huh? Loading... Ah! Okay. Thanks. Huh? Teka, nilait niya ko at nagpasalamat ako? And did I just see her smile? Tek Magpoprotesta pa sana ako pero nilugay na naman niya ang buhok niya at itinakip sa mukha pagkatapos ay yumuko.

I smiled. I think, I got some luck this year.

You might also like