Chapter 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Chapter two

Gabs POV

Second week na mula nang magstart ang classes. Para kay Gab, sakto lang ang lahat, maganda ang panahon, may baon araw-araw, kumakain ng higit tatlong beses sa isang araw, nakikinig sa teacher at, at binabatukan ang katabing natutulog.

Aw! Bakit ba?!

Biglang napabangon ang kwago sa pagkakayuko. Komento sa isip na Gab.

May langaw sa ulo mo. Pinaalis ko lang. Kawawa naman baka di kayanin yang wax sa ulo mo.

Madalas na silang mag-asaran nito. Nayayabangan kasi siya rito pero natutuwa siya sa tuwing nakikitang napipikon ito. Yun lang yata ang purpose nila sa buhay ng isat isa. Madalas, si Kelvin ang pikon, kung hindi lagi. At isa pang kinaiinis nito ay ang pagtulog sa klase pagkatapos ay magtatanong kapag may ipinapagawang exercises ang teacher nila. Parasite tuloy ang tingin niya rito. Leche.

Wow naman, hindi ko akalaing marunong kang magmalasakit? Kung sabagay, kauri mo e. he said with a smirk.

Kung langaw ako, ano ka pa? Wag mong laitin ang sarili mo. ginantihan niya rin ito ng nakakaasar na ngiti. Akala niya siya lang ang may nakakaasar na smirk?

Ikaw---

Kelvin, can you answer the question? hindi na natatapos ni Kelvin ang sasabihin nang biglang siyang tawagin ng teacher nila.

Pinipilit itago ni Gab ang pagtawa kaya naman pasimple niyang dinagdagan ang buhok na nakatakip sa mukha. Halatang halata kasi ang pagkagulat sa mukha ni Kelvin.

Kawawa. Ang totoo, hindi ko rin alam ang sagot, buti na lang siya ang tinawag. Haha! Sa isip ni Gab.

Maam, I dont know the answer. Can I ask for help? Im sure my FRIEND Gab knows the answer. Sabay tingin nito sa kanya.

Nagulat siya sa sinabi nito at pinanlakihan niya ito ng mata. Aba! Idadamay pa ko?

Binigyan niya ito ng papaslangin kita mamaya look . Nakoo, kung pwede lang pumatay ngayon ng tao. pagngingitngit ni Gab sa isip. Pero hindi niya hahayaang matalo rito kaya nginitian niya ito ng pangasar.

Nako, ipapasa mo pa sa kin yung tanong ni maam, TULOG ka kasi ng TULOG ee.

Sinong natutulog? Kinakausap mo ko kaya di ko narinig si maam! medyo mataas na ang boses nilang dalawa. Magsasalita pa sana si Gab nang biglang sumingit ang teacher nila.

Hoy! Kayong dalawa! Magwalis kayo ng garden mamayang dismissal.

MAAM! Sabay nilang protesta. Hindi naman mukhang galit ang teacher nila pero hindi gusto ni Gab ang nababasang kahulugan sa mga ngiti nito.

Ano na naman to? Tama ba yon? Nasaan ang hustisya sa mundong ito? Wala akong kasalanan. Biktima ako rito! Mukhang nabasa ng guro ang iniisip niya.

OK lang yan, para madevelop ang friendship niyo.pangasar na sabi nito. O_o Pakiramdam tuloy niya ay tumataas ang mga balahibo niya.

Ayieee! Baka iba ang madevelop sa inyo? Inaasar na sila ng buong klase. Bigla namang nagsalita si Kelvin.

Hindi rin. Nasa katinuan pa ko noh. Tingnan mo kung sinong nagsalita. At siya pa talaga ang may gana. Oh heaven, have mercy on me!

Lalo naman ako noh. Saka ayoko sa mga nilalangaw.

Kesa naman sa mukang langaw. bumanat pa ulit.

Whatever. she rolled her eyes. Nakakaramdam na siya ng inis dito.

Maam ooh! May LQ na silaaaaaaaaaa! Ayiiee! Nagbablush ata sa Gab.Alam niyang medyo uminit nga ang pakiramdam niya at pinagpapawisan na pero hindi niya maimagine na nagbablush ang sarili.

Asa naman kayo,no! Saka paano niyo nakikita e nakatakip nga yung mukha ko? pagtatanggol niya sa sarili.

Ayan bestfriend ooh. Inabutan pa siya ng salamin ng kaibigan. Kita namin yang pisngi mo. sabay tawa nito.

Mainit kasi! hindi siya magpapatalo sa mga ito. Lalong hindi sa ganitong usapin.

Ok class, tama na yan. Balik lesson na. Gusto niya sanang magpasalamat sa gurong ito kung hindi niya lang naalala na ito ang nagumpisa ng lahat.

Dismissal Hindi naman masyadong makalat ang garden.

Isa to sa mga paborito niyang lugar sa campus, tahimik kasi. May mga puno, benches na pwede mong higaan. Maganda ng ambience lalo pa ngayong halos wala ng tao maliban na lang sa mga naglalaro ng volleyball at ilang tambay.

Relaxing... SANA...kung wala lang mga unwanted creatures na biglang sumusulpot. Oh, eto. Inabutan siya nito ng walis at dustpan. Sabi ni maam, wala raw si Mang Ambo ngayong araw, yung janitor, kaya ito ang ginawa niyang parusa.

Aah, kaya naman pala. Pero hindi pa rin to fair!

So? Hindi ka ba nakokonsyensya? Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nandito ngayon! Dapat nakauwi na ko e! Medyo pasigaw niyang sabi rito para magmukha siyang galit.

Hindi. Pero kung gusto mo, tutal sabi mo ako ang may kasalanan, sige, umuwi ka na. Ok lang.

Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya inaasahang tatablan ito ng galit niya. Talaga?di makapaniwalang tanong niya.

Oo naman. Isusumbong ko na lang kay maam na hindi ka nagwalis. Ayos ba?

Biglang nagbago ang ekspresyon niya. Parang sa isang iglap ay gusto niyang hatawin ito ng walis at dustpan na hawak niya. Kailan kaya siya titigilan ng mokong na ito? Magiging kriminal ako nang...

Gab! Naantala ang murderous thought ni Gab nang bigla siya nitong kabigin papalapit sa kanya. Whats going on? Hawak niya yung ulo ko... Ang lapit nya... ang init, biglaan naman yata epekto ng global warming? Oxygen, nasaan ka? Umaakyat na yata lahat ng dugo sa mukha ko. Pwede ba yun?

After three seconds, which seems to be three years for Gab, lumayo na si Kelvin sa kanya.

Ma-may bola. Tatamaan ka. Naisip ka lang, ano, Kelvin is stuttering! Baka mabutas yung bola kapag tinamaan ka. Ha! Ha!

Balik sa normal mental state of mind. Ok. Nahilo lang ako sa pabango niya. Yun lang. Thanks a. Pero hindi mo na sana ginawa yun. Hihimatayin yata ako sa amoy mo e. Magkahalong gulat at inis ang nakita niya sa mukha ni Kelvin.

What?!--

Nakita niyang may dust mark ng bola sa likod nito kaya inabutan niya ito ng panyo bago pa maipagpatuloy ang sasabihin. Oh, pagpapagin mo yang alikabok sa polo mo. Tapusin na natin to para makauwi na tayo. He accepted it. Then no one speak after.

Bwiset na langaw! Ugh!

You might also like