Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 15

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 3 PANUNURING PAMPANITIKAN UNANG MARKAHAN IKAANIM NA LINGGO I.

I. PAKSA / MGA KASANAYAN / MGA KAGAMITAN Paksa Susuriing Genre Halimbawang Akda Kasanayang Pampanitikan Kasanayang Pangkaisipan Halagang Pangkatauhan : : : : : : Tungkulin ng Panitikan Iskrip ng Dulang Pampelikula (bahagi) Jaguar Pagpapahalaga sa bisang pandamdamin at kaisipan Kritikal na Pagsusuri Pag-iwas sa masamang gawain.

I.

MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW) A. Nailalahad ang paninindigan sa isang particular na isyu

B. Mga Layuning Pampagtalakay B.1. Pagsusuring Panglinggwistika Nasusuri ang pagkabuo ng mga pangungusap B.2. Pagsusuring Pangnilalaman Nakapagbibigay ng sariling interpretasyon sa mga kaisipan. pangyayari, ideya o opinyong nakapaloob sa akda. B.3. Pagsusuring Pampanitikan Nasasabi ang bisang pandamdamin at kaisipan sa akda C. D. Nakasusulat ng masining na reaksyon tungkol sa akdang binasa Nakasusulat ng isang kwento/iskrip, tula, sanaysay (transkoding)

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

85

II.

PROSESO NG PAGKATUTO UNANG ARAW A. Mga Panimulang Gawain 1. Pagganyak a. Pagkikinig ng isang nakateyp na usapan hango sa isang popular na tele-novela b. Pangkatang pagsusuri sa narinig na dula Pangkat A Alin sa bahagi ng dula ang nagbibigay aliw? Pangkat B Bahagi ng dula ang nagbibigay impormasyon Pangkat C. Magbibigay ng reaksyon sa sinabi ng Pangkat A

Pangkat D Magbibigay ng reaksyon sa sinabi ng Pangkat 2. Paglalahad a. Madulang pagpapabasa ng akdang susuriin

To illustrate the structure of a sequence, here is an excerpt from Jaguar. The fiesta sequence. INT. GASTON PUBLISHING LOBBY. HAPON Oras ng labasan. Nagba-bundy clock ang mga papalabas na MANGGAGAWA. Nasa tabi ng desk ng security guard ang bundy clock. Nakauniporme si POLDO, nakaupo sa gilid ng desk. May kasama siyang GUWARDIYANG BABAE. Iniiksamin nilang dalawa ang mga bag ng mga trabahador. Ang mga lalakiy kinakapkapan ni Poldo.

86

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

Dadaan si SONNY, may bitbit na attach case. Sasalubungin siya ni Poldo. Itataas ni Poldo ang palad sa harap ng mga nakapilang manggagawa, parang pulis na nagpapatigil ng trapik . Ang ekspresyon sa mukha ni Poldo ay parang nagsasabing: Relaks lang muna kayo riyan; boss ito at dapat unahin. Uunahan ni Poldo si Sonny. Ipagbubukas ito ng salaming pinto. EXT. GASTON PUBLISHING. HAPON. Susunod si POLDO hanggang sa kotse ni SONNY. Bubuksan ni Sonny ang pinto ng kanyan kotse. Hahawakan ni Poldo ang pinto habang pumapasok si Sonny, saka sasara ang pinto matapos makaayos ng upo ni Sonny. POLDO SONNY POLDO SONNY : Sir, sa Linggo, ha ? Baka nyo makalimutan. : Anong sa Linngo? : Yong piyesta sa min. : Piyesta a, oo. Hindi ko makakalimutan yan.

Sasaludo uli si Poldo. Tatakbo papunta sa labasan ng driveway. Pasenyas senyas at pasilba-silbato, pahihintuin niya ang trapik sa kalsada para makalabas ang kotse ni Sonny. EXT. SLUM AREA 1. TANGHALI Piyesta sa komunidad. May kaunting banderitas na nakasabit. Sa harapan at loob ng mga bahay-bahay, MARAMING nagkakainan, nag-iinuman, at nagkakaingayan. EXT. BAHAY NINA POLDO. TANGHALI Nakatayo si POLDO sa harap ng bahay, may inaabangan at mukhang inip na inip. Bihis na bihis siya. May hawak na bote ng beer na kakaunti na ang laman. Sa background, MAY MATANDANG MAG-ASAWA at DALAWANG APONG nakaupo sa dalawang mahabang bangko, kumakain. kinakausap ng TIYUHIN ni Poldo ang matandang lalaki. Ang TIYAHIN ni Poldo at si MARISSA ay may dalang mga bandehado ng ulam at nag-aalok ng MGA BISITA na kumuha pa. Tinutuksotukso ni Totoy ang dalawang apo kinakalabit ang batok, pinipitik ang tenga.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

87

Nasa isang tabi ang mesitang ginagamit ng tiyuhin sa trabaho. Malinis ito ngayon, walang nakapatong ng mga kagamitan ng sapaterya. Sa tabi nito, may mahabang dram na natatakpan ng sako. Uubusin ni Poldo ang laman ng hawak niyang bote. Lalapitan ang mababang dram. Ititindig ang basyo sa tabi ng dram. Hahawiin ang saka. Ang laman ng dram ay mga bote ng serbesa at malalaking tipak ng yelo. Kukuha si Poldo ng isang malamig na bote. Bubuksan niya ang bote sa pamamagitan ng ngipin. Iluluwa ang tansan. Tutungga siya. Habang ginagawa ito ni Poldo, Sa background ay makikitang lumalabas sa pinto ng bahay ang kapatid niyang si AIDA, kasama ang isang pulutong ng mga KAKLASE. Maingay at masaya, nagpapaalam kay Aida ang mga kaklase. Papasok sa bahay si Poldo, kasunod si Marissa. INT. BAHAY NINA POLDO. TANGHALI Sa mesa ng komedor-kusina, nakalataG ang marami pang ibang bandehado ng pagkain, puro may takip na wax paper. Nasa banggerahan si ALING ELENA, naghuhugas ng pinggan. Lalapit si POLDO sa mesa at pipili ng mapupulutan. Ilalapag ni MARISSA sa mesa ang dala niyang bandehado. Lalapit ito sa ina at tutulong sa paghuhugas ng pinggan. Lalapit si POLDO sa mesa at pipili ng mapupulutan . Ilalapag ni Marissa sa mesa ang dala niyang bandehado. Lalapit ito sa ina at tutulong sa paghuhugas. ALING ELENA POLDO MARISSA POLDO MARISSA POLDO : Wala pa ba ang mga bisita mo, Poldo? : (Ngumunguya) Wala pa nga ho, e. : Hindi ka na siguro sisiputin non, kuya. Class yata yong boss mo, e. Hindi yon ang tipong tumuntong sa barungbarong. : Oy, huwag kang sumali sa usapan ng matatanda, ha? : Sayang ang pinambili mo ng beer. Sana kuwatro kantos na lang ang binili mo, Tayu-tayo lang pala ang iinom. : Ako ba talagang niloloko mo?

88

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

ALING ELENA POLDO ALING ELENA

: Poldo, kumain ka na. Pasado ala-una na, baka ka malipasan. Tapas na kaming lahat. : Kumakain na nga ho. Ano pa ba tong ginagawa ko? : Bat hindi ka kumukuha ng pinggan at umupo nang maayos? Maiimpatso ka niyan sa ginagawa mo. Tamo, ni hindi ka nagkakakain . Ang dami naming kanin diyan.

Nagsasalita pa si Aling Elena ay maririnig na ang boses ng TIYUHIN mula sa labas . TIYUHIN : (Voice over) Poldo! Mga bisita mo! Eto na! Sa mas mahinang boses) Tuloy na ho kayo, nasa loob ho si Poldo. Aida samahan mo ang mga bisita ng kuya mo. Mabilis na isusubo ni Poldo ang kapirasong ulam na hawak niya. Ipahahatid ang daliri sa gilid ng mantel. Lakad takbong pupuntahan ang pinto. Hustong pumapasok naman si AIDA, kasunod sina SONNY, DIREK, CRISTY, EDMON, JING, at BOSYO . Si Sonny ay may hawak na bote ng stateside whisky. POLDO SONNY POLDO ALING ELENA SONNY ALING ELENA : Tuloy kayo, tuloy. Akala ko, hihiyain nyo ko, e. : (Inaabot ang bote ng whisky kay Poldo) Puwede ba yon? Eto ngat me pasalubong pa ko. : Nay, mga . kaibigan ko Boss ko ho, si a si Sonny. : Magandang tanghali po. : Magandang tanghali po naman. : O, Poldo , bigyan mo ng mga pinggan mga bisita mo. Aida, Marissa, tumulong muna kayo rito. Yong mga napkin, ilabas nyo.

Habang kumukuha ng pagkain sina Sonny, abalang-abala si Poldo sa pagiistima sa kanila. Excited siya, tuwang- tuwa. Si Cristy ay walang ekspresyon sa mukha, parang napilitan lang sa pagkakapunta rito. Si Sonny naman ay parang pulitikong nasa kanyang balwarte. POLDO : Itong morkon, Sonny, Direk - ito ang ispesyalidad ni inay. Cristy, kuha lang, ha? Jing, Edmon, abot lang. Bosyo.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

89

SONNY

: O, Cristy , tikman mo raw tong morkon. Ikaw naman, Poldo huwag kang mahihiya, ha? Feel at home.

EXT. BAHAY NINA POLDO. HAPON Malakas ang tawanan, parang karugtong ng tawanan sa nagdaang sequence (Eksena). Nagtatawanan ang mga LALAKING BISITA ni Poldo. Lasing na ang lahat. Nakaupo sila sa magkaharap ng bangko. Nasa gitna nila ang mesita ng sapatero. Nasa ibabaw nito ang bote ng beer; isang mangkok na may lamang halos tunaw nang yelo; isang bandehado ng pulutan. Nakatayo si POLDO sa may likuran ni SONNY, parang angel de la guwardiya. Sa background, makikitang nakabukod si CRISTY, kinukuwentuhan at iniistima ng husto ng INA at MGA KAPATID ni POLDO. Nakikinig lang si Cristy. DIREK : (Iaabot kay Poldo ang mangkok) Wala na tayong yelo, Jaguar.

Sa mababang dram, magtitipak ng yelo. Ibinubuhos ni Direk ang natitirang laman ng whisky sa baso niya. Umiihi si Bosyo sa isang sulok. Kumakanta si Sonny wala siyang tono. SONNY : SI Bosyo kung umiihi, sumasagitsit pa nang konti

Hagalpakan na naman ng Tawa. Bigla, makakarinig sila ng mga hiyawan at pagkakaingay sa di kalayuan. Mapapatingin ang lahat Sa pinagmumulan ng ingay. POV (Point of View) NINA POLDO DALAWANG MATON nagmumurahan, nagigirian pormang magkakatirahan. Nakapaligid ang IBA PANG TAMBAY at MATON, nagmimiron , nanunulsol. Puro lasing ang mga ito. BALIK KINA POLDO. Nakatingin pa rin ang LAHAT. Nakatayo na si Sonny. SONNY POLDO : Ano yon? : Wala yan. Talagang ganito dito kung piyesta hindi nawawalan ng gulo.

90

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

BALIK SA MGA MATON. Biglang susugod ang isang MATON. Magkakasuntukan na ang dalawa. Titilapon si TAMBAY 1sa hanay ng mga KABARKADA ng kalaban niya. Magsusuguran na rin ang mga BARKADA ni Tambay 1. BALIK KINA POLDO. Nakatayo na rin Si Direk sa tabi ni Sonny. SONNY DIREK : Labulabo na brod. : OO nga, brod.

Magkakatinginan ang dalawa. Magtatawanan. Takang mapapatingin si Poldo sa kanila. Itataas nina Sonny at Direk ang kanilang mga baso, pagpipingkiin ang mga ito sa isang toast, at uubusin ang laman sa isang tungga. Pagkatapos, parang iidiyan na hihiyaw ang dalawa Yahooo! at mabilis na tatakbo papunta sa gulo. Saglit na mapapanganga si Poldo. Saka magmamadaling. Iiling-iling pa na para bang sinasabi sa sariling: Eto naman po kami. Patuloy lang sa pag-inom sina Edmon at Jing, parang walang napapansing kakaiba. Takot at ninenerbiyos si Cristy. CRISTY JING EDMON CRISTY : Sira ulo talaga Ang mga yon. : Magpapawis lang yon. Mag-aalis ng lasing. : Yan ang katuwaan ng frat nila - rumble . : Walang frat-frat dito. Baka sila malagyan ng gripo sa tagiliran.

Sa labulabo, nakaawa pa sina Sonny at Direk habang nakikipagsuntukan at nakikipagbalibagan. Sinundan-sundan ni Poldo si Sonny . Seryoso Si Poldo. Bahagi ito ng trabaho niyang ipagtanggol ang kanyang amo.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

91

Sa kasusunod ni Poldo, masusuntok siya ng kalaban ni Sonny. Matatawa si Sonny sa nangyari. Bibirahin ni Poldo ang nakasuntok sa kanya. Titilapon ito. Magpa-flying kick si Direk. Makakailag ang tinatarget niya. Sa halip, si Poldo ang tatamaan. Iilandang ito, babalandra sa isang tabi. Grogi at nakasalampak sa putikan, may biglang maaalaala si Poldo . Ilalabas niya ang silbato sa bulsa. Sisilbato siya ng malakas at sunod-sunod. May mga sisigaw ng Parak! Parak! Magpupulasan ang mga naglalabulabo. Maiiwan sina Sonny, Direk , at Bosyo. Pagtatawanan nila si Poldo kinalalagyan niya. Mapapangii na rin si Poldo. INT. BAHAY NINA POLDO. GABI Nasa harap ng salamin si POLDO, Naglalagay ng merthiolate sa mga pasa-pasa sa mukha Titestingin niya kung matatag pa rin ang panga niya. Sa banggerahan, naghuhugas ng pinggan sina AIDA at MARISSA. Nakahiga sa sahig si Totoy, tulog. MARISA POLDO AIDA : Kuya, tulungan mo naman kami dito. : Kayo ang babae, kayo ang maghugas. : Bisita mo ang gumamit nito, a! sa

Habang naggaganap ang pag-uusap na ito, papasok si ALING ELENA. Buhatin niya si Totoy at panonoorin si Poldo. ALING ELENA : Bakit naman ganon yung mga bisita mo, Poldo? Naturingan pa namang me pinag-aralan E nakikihalo sa gulo ng me gulo? POLDO : Nakainom lang ho yon.

ALING ELENA: At bakit pati naman ikaw e nagsasasali? Mga tagarito pa sa tin ang inaway mo. POLDO : Amo ko ho yong napalaban, Inay, kelangan e damayan ko Trabaho ko ho yon.

ALENG ELENA: Abay trabaho na pala ang basag-ulo. Kung ganyan din lang, mabuti pa e maghanap ka na ng ibang trabaho.

92

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

Tatalikod sa salamin si Poldo at haharapin ang ina. POLDO : Inay, hindi ko ho ipagpapalit itong trabaho ko ngayon. Palagay ko ho, narito ang asenso ko. Ngayon pa lang suwerte na ko.

ALING ELENA: Suwerte? POLDO : (Tuloy-tuloy lang, parang walang narinig) Biro nyo me amo akong ang turing sa akin e kaibigan. Me kaya yan, me tinapos. Ako, hanggang hayskul lang, mahirap pa sa daga. Pero ang tingin niya sa kin, pantay lang parang kapatid. : Kapatid ba yong lagay na yon? Ang tingin ko inaatsoy-atsoy ka ke, e.

MARISSA

Saglit na matitigilan si Poldo. Pagkatapos ay babaling sa kapatid na nanlilisik ang mga mata. POLDO : (NAGPIPIGIL NG GALIT) Ilang beses ko bang sasabihin sa yong huwag makikihalo sa usapan ng matatanda.

The fiesta sequence is done in seven scenes. Like the entire screenplay, I also has a beginning, middle and end. The beginning starts at the publishing house where Poldo reminds Sonny, his boss, of the fiesta, up to the waiting for Poldos guest. The middle is the arrival of Sonny and his friends, which culminates which the rumble in the neighborhood. The end is the scene where Poldo nurses the bruises in his face. The sequence is unified by one idea the fiesta. By using this event, a point is made clear. Poldo thinks that his boss treats him like An equal parang kapatid. But from what we see, and his sister sees it too, their relationship is that of a master and a servant ang tingin ko, inaatsoy atsoy ka, e. The choice of the community fiesta as the locate is a good one. The fiesta offers a lot of possibilities to underscore the relationship between Poldo and his boss; Lacaba and Lee have exploited these possibilities. The description of scenes is simple and direct. Without technical jargon, we get an idea of the shots e.g. Nakatayo si Poldo sa harap ng bahay, may inaabangan is a full shot of Poldo with the house in the background; at mukhang

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

93

inip na inip is not a long shot it has to be a Close up to project the expression in Poldos face. The sequence is a major building building block in the development of screenplay. It is composed of scenes which Contribute to the forward movement of the story. Each scene is made concentrate and visual through individual shots. Running Time A full length films runs from one and a half to two hours. Divided ito three acts, the running time may be apportioned in these segments: Syd Field, basing his estimate on the hundreds of screenplay he has read as head of the story of the department at Cinemobile System, suggest that one page of screenplay on 8 by 11 bond paper is equal to one minute of running time. The number of pages, therefore, that you have to write is equal to the number of minutes for each act, that is if you have using regular bond paper. Using the legal size, which is the format in the local industry, one page would run for about one and one third minutes. A running time of one and a half to two hours would cover about 68 to 90 pages of legal size bond paper. If we follow this guide which seems a reasonable thing to do since it is based on actual practice, we can see the basic reason why many local movies drag. Most of the screenplay (if they ever exist at all) on which these movies are based have less than sixty pages per manuscript. It appears that a screenplay which is good for about 80 minutes of running time is stretched into a two hour movie. Departures The three act structure, of course, is not an ironclad rule. There have been extraordinary films which depart from this dramatic structure. Fellinis Amarcord is one. The film is a series of incident, one following another, like a series of anecdotes until we get a picture of Fellinis small Italian village. Robert Altman , one of the more exiting American film makers, open departs from the traditional way of telling a story, as in M*A*S*H and Nashville where there are no usual plot conventions. The New Centurions by Stirling Silliphant is quite unconventional, too; the story of the lives of New York policeman is told in the past series of scenes, one event following another, the impact growing stronger. In the words of Wiliiphant himself: We decided to do a nonlinear script, a sort of pastiche, a great number of short scenes with impact constantly hitting at you, so that the structure of the story, which covers a five year period, seems to be formless, yet is form is within the changing aspects of the characters, and the multitude of experience they undergo, which you, the audience, undergo with them. And, at the end, when one of the characters is killed, youve got the end of the story. (Froug, 1972, p. 298)

94

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

As screenwriter, you must find ways to use films as a dynamic medium to communicate your story of your message. But before attempting to do a Fellini or an Altman or a Silliphant, try the three act structure. It works in a lot of films. Pagtukoy sa mga karanasang inilahad sa akda Pag-uugnay ng mga tiyak na karanasang nakapaloob sa akda sa aktwal na karanasan ( sarili man o sa iba ) Pagsusuri sa akda. Pagpapatala ng mga bahaging nagbibigay ng aliw at mga bahaging kinapulutan ng aral.

PAGSUSURI SA AKDA IKALAWANG ARAW Pangkatang Gawain 1. Muling pagpapabasa sa akda. Madulang pagbubuod

2. Pagbabahagi ng itinalang bahaging nakaaaliw at bahaging kinapulutan ng aral. Pagbibigayan ng katwiran sa sagot 3. Pagsusuri sa akda 3.1 Pagsusuring Panglingwistika Pangkat 1 at 2: Pagsusuri sa pagkakabuo ng mga pangungusap (haba/ikli) Anong napansin mo sa mag dayalog ng bawat karakter? Paano nabuo ang bawat bahagi ng dayalog?

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

95

3.2

Pagsusuring Pangnilalaman Pangkat 3 at 4 : Pagsusuri sa akda batay sa: o o o o nais sabihin nito sa mambabasa pagiging makatotohanan ng mga pangyayari pagiging makatotohanan ng mga tauhan mga umiiral na palagay sa loob ng akda

3.3

Pagsusuring Pampanitikan Pangkat 5 at 6: Pagsusuri bilang dulce at utile o kung ano ang naging efekto sa sarili ng binasang dula o kung ano ang natutuhan mula sa binasang dula o kung ano ang naramdaman matapos magbasa

4. Pagbabahaginan ng napag-usapan sa bawat pangkat 5. Pagkuha ng iba pang feedback mula sa mga mag-aaral 6. Pagbibigay ng guro ng karagdagang input 7. Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapan IV. EVALWASYON IKATLONG ARAW 1. Muling pagpapabasa sa akda 2. Pagpapatuloy ng pagsusuri sa akda ( pangkatan ) Pangkat 1 at 2: 96 Pagpapakita ng pakikisangkot BSE-Kagawaran ng Edukasyon

Pagbibigay ng sariling interpretasyon sa mga pangyayaring sa bawat bahagi ng dulang binasa. Pangkat 3 at 4: Pagsasagawa ng paghahambing Pag-uugnay sa iba pang pelikulang napanood sa akdang binasa batay sa tauhan at pangyayari Pangkat 5 at 6: Pagsasagawa ng pagtataya. Role play sa mga piling tagpo sa dula na nagpapakita ng naging epekto sa sarili 3. Pagbabahaginan ng napag-usapan/inihandang gawain ng pangkat 4. Pagkuha ng feedback mula sa iba pang nakinig na mag-aaral 5. Pagbibigay ng input ng guro sa bawat bahagi ng talakayan 6. Pagbubuo ng pangkatang sintesis ( presentasyon ) 7. Pagbabahaginan ng feedback sa ipinakitang pangkatang sintesis 8. Pagbubuo ng sintesis upang makabuo ng kaisipang pangklase V. PAGPAPALAWAK NG KARANASAN IKAAPAT NA ARAW Paglikha 1. Pangkatang pagsasadula ng tiyak na bahagi : 1.1 nangangaral 1.2 nakalilibang 2. Pagbubuo ng mga tiyak na sitwasyong kaugnay din ng tinalakay na akda. 3. Pagbabahagi ng mga nabuong sitwasyon 4. Pagpapasulat ng mga masisining na parirala/pangungusap na maaaring gamitin sa pagsulat ng katulad ding akda.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

97

5. Pagbabahagi ng ilang mga parirala/pangungusap na nabuo at pag-uugnay nito sa akdang tinalakay 6. Pagpapasulat ng maikling iskrip sa tulong ng mga nabuong parirala/pangungusap batay sa 6.1 parehong tauhan sa iskrip na tinalakay 6.2 parehong pangyayari sa iskrip na tinalakay 7. 8. 9. Pagpapabasa sa ilang napasimulan Pagsusuri ng guro sa ilang panimulang binasa Pagpapatuloy ng pagsulat bilang gawaing- bahay

PAGPAPAHALAGA SA ISINULAT IKALIMANG ARAW 1. Pagpaparinig sa nakateyp na version ng akdang tinalakay. Habang nakikinig, ipababasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang inihandang gawain 2. Pagbibigayin ng reaksyon ang mga mag-aaral tungkol sa inihandang gawain. Ano ang nadama habang sumusulat? Ano ang natutuhan habang sumusulat? 3. Pagpapalitan ng isinulat na iskrip ( pipili ng kapareha ) 4. Pagbibigay ng reaksyon ng bawat pareha 5. Pagbibigay ng reaksyon ng klase sa narinig 6. Pagbibigay ng feedback ng guro sa mga narinig na gawa ng mga mag-aaral 7. Pagbubuo ng sintesis ng naganap na gawain 8. Pagbibigay ng guro ng faynal input tungkol sa paksang aralin. VI. TAKDANG GAWAIN

98

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

(Kung kinakailangan )

BSE-Kagawaran ng Edukasyon

99

You might also like