Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Ang hemodialysis ay isang lang sa mga uri ng dialysis tulad ng peritoneal dialysis.

Ito ang pinaka-karaniwang ginagamit para gamitin ang talamak at permanenteng pagpalya ng mga bato. Unang ginawa noong mga 1960s, ginagampanan ng isang makina ang tungkulin ng mga bato na paglilinis ng dugoupang mapanatili ang mabuting kalusugan ng katawan.
Contents
[hide]

1 Uri 2 Saan ginagawa


o o

2.1 Sa bahay 2.1.1 Kainaman 2.1.2 Kagamitan 2.2 Sa ospital 2.2.1 Kainaman 2.2.2 Kagamitan 3 Paraan

o o

3.1 Vascular access 3.2 Sa araw ng dialysis 4 Dapat asahan 5 Pag-alaga sa vascular access 6 Sanggunian

Uri
1. Regular o conventional

2. High-flux o high-efficiency

Pinakabagong uri na gumagamit ng dialyzers na may mas malalaking pores. Nakakatanggal ng maliit at malalaking molecules. Mas mabilis at mas epektibo sa pagtanggal ng dumi sa dugo at sobrang likido sa katawan.

Saan ginagawa
Sa bahay
Maaaring gawin sa bahay ang hemodialysis gamit ang mga makinang mas maliit at mas simpleng gamitin. Gayunman, kailangan pa rin ng koordinasyon mula sa isang grupo ng mga tagapangalaga dahil komplikado pa din itong gawin. Kasama dito ang:

Nephrologist Dialysis nurse Dialysis technician Dietitian Pamilya

Kailangang sumailalim sa mahigpit na pag-aaral ang tutulong sa paggamot kung sa bahay gagawin. Karaniwang apat hanggang anim na linggo ang pagsasanay. Istrikto at regular pa rin ang kailangang paggamot halintulad sa dialysis unit gagawin ang proseso.

Kainaman

Mas may kalayaan ang pasyente. Maaaring magkaroon ng mas madalas o mas matagal na paggamot. Dahil dito, mas malinis ang dugo sa katawan at mas napapanatili ang kalusugan. Maaaring gawin mula tatlo hanggang pitong beses kada linggo at tatlo hanggang sampung oras kada sesyon. Maaaring gawin anumang oras sa umaga o gabi habang natutulog. Maaaring magpatuloy ng trabaho lalo na kung sa bahay lamang. Maaaring maglakbay gamit ang mga makinang maaaring bitbitin.

Kagamitan
Importante ang kalinisan sa bahay, lalo na ang lugar kung saan gagawin ang dialysis. Madalas din kailangang ayusin ang mga daanang elektrikal at mga tubo ng tubig ayon sa makina ng dialysis.

Tuyo at malinis na lalagyan ng mga kagamitan na hindi bilad sa araw o init. Dialysis machine Water treatment tanks

Mga dialyzer Mga bote ng dialysate Mga pangkula at pampatay ng mikrobyo Mga hiringgilya Mga karayom. Medikasyon Tubo para sa dugo Mga kit na panuri ng kalinisan ng tubig

Sa ospital
Maaaring gawin sa ospital o dialysis unit na hindi bahagi ng ospital ang hemodialysis. Dito din tumatanggap ang pasyente ng payo tungkol sa tamang pag-kain, pag-aalaga, at iba pang pangangailangan ng kondisyon.

Maaaring gumamit ng high-flux dialysis, isang uri ng hemodialysis na mas mabilis gawin. Karaniwang tatlong beses sa isang linggo ang paggamot. Karaniwang tumatagal ng tatlo hanggang limang oras ang paggamot. Didepende ito sa:

Antas ng paggana ng tunay na bato; Gaano karaming likido ang kailangang ilabas base sa timbang na sinukat; Gaano karaming dumi ang mayroon sa katawan;

Gaano kalaki ang katawan; at Uri ng artipisyal na batong ginagamit.

Kainaman

Wala nang kailangang intindihin kundi ang pagpunta sa tamang oras. Kumpleto ang kagamitan at mga dalubhasa sa dialysis. Nakakasigurado sa ekspertong paggamot at agarang tulong kung may problemang lumitaw.

Kagamitan

Graft Makinang pang dialysis Dialyzer o artipisyal na bato Dialysis solution o dialysate Mga karayom para sa arterya at daluyan ng dugo.

Paraan
Sa hemodialysis, hinahayaang dumaloy ang dugo ng paunti-unti sa isang pansala para matanggal ang dumi at sobrang likido. Ang malinis na dugo ay binabalik sa katawan. Istrikto sa pagsunod sa takdang oras ang paggamot, lalo na kung sa klinika o ospital gagawin upang masigurado ang kalusugan ng pasyente.

Vascular access

Ang vascular access o shunt ay ang lugar kung saan gagawan ng daan papunta sa mga daluyan ng dugo kung saan ilalabas at ibabalik ang dugo. Kailangang ihanda ito ng mga ilang linggo o buwan bago pa simulan ang dialysis para magkaroon ng panahong gumaling ang magagawang sugat sa paglagay nito. Magiging mas madali at mas epektibo ang pagpapalit ng dugo at mas konti ang maaaring komplikasyon.

Primary AV fistula, cimino fistula o arteriovenous fistula (AVF) - Direktang koneksyon sa pagitan ng isang artery at vein para makagawa ng mas malaking daluyan ng dugo. Synthetic bridge graft o Gortex graft - Paglagay ng plastik na tubo sa pagitan ng artery at vein sa bisig o binti kung hindi sapat ang mga daluyan ng dugo para sa fistula.

Central venous catheter - Manipis na tubong plastic o catheter na karaniwang nilalagay sa malaking ugat sa leeg. Ginagawa kung kailangang gawin agad ang dialysis o walang gumaganang AVF o graft. Karaniwang pansamantala lamang ang gamit ngunit kung may problema sa ibang vascular access, maaaring gamitin na pangmatagalan.

Ang pasyente ay tuturuan kung paano pangalagaan at panatiliing malinis ang vascular access para maiwasan ang impeksyon.

Sa araw ng dialysis

Magtitimbang para masukat kung gaano kadaming sobrang likido ang naipon mula sa nakaraang pagda-dialysis.

Titignan ang presyon ng dugo, bilis ng paghinga, , kaayusan ng vein access, bilis ng pagtibok ng puso, at temperatura. Pauupuin sa komportableng upuan at lilinisin ng maigi ang lugar ng graft o fistula. Dalawang karayom ang ipapasok sa koneksyon, isa para ilabas ang dugo patungo sa pansala ng dialysis machine at isa, para maibalik sa katawan. Kung kailangan, maaaring lagyan ng pampamanhid ang tuturukan ng karayom. Kung mas komportable para sa pasyente, maaaring maglagay ng sariling karayom. Pinadadaan ang dugo sa dialysis membrane, isang espesiyal na pang-sala sa dialysis machine, para maalis ang sobrang dumi at tubig sa katawan. Gumagamit ng purified water na may mga tamang sangkap para sa paggamot. Madalas titignan ang presyon ng dugo at aayusin ang makina para masiguradong tama ang sukat ng likido na natatanggal sa katawan. Maaaring matulog, manood ng telebisyon, magbasa o gumawa ng ibang bagay habang nakaupo at ginagamot.

Dapat asahan

Maaaring hindi maging komportable kapag nilagay ang mga karayom sa fistula o graft. Hindi masakit ang mismong proseso ng dialysis. Maaaring may maramdamang pagbaba ng presyon sa dugo.

Makakaranas ng pagsama ng pakiramdam, pagduduwal o pagsusuka, pananakit ng ulo, o paninigas ng kalamnan. Karaniwang nawawala ang masamang pakiramdam matapos ang ilang paggamot.

Pag-alaga sa vascular access

Hugasan araw-araw ang access gamit ang sabon at maligamgam na tubig. *Linisin ang access bago mag-dialysis. Huwag kakamutin ang lugar o subukan tanggalin ang mga langib. Suriin araw-araw ang lugar kung may mga senyales ng posibleng impeksyon tulad ng pamumula at mainit na pakiramdam. Siguraduhing dumadaloy ang dugo sa access araw-araw. Dapat may maramdamang pagsikdo o thrill kapag pinakiramdaman ang access. Kung wala o may nagbago, sabihin agad sa doktor. Karaniwan na isang beses kada buwan gumagawa ng flow monitoring habang nagda-dialysis gamit ang ultrasound upang masukat ang bilis ng daloy ng dugo habang ginagamot.

Ingatang huwag mabugbog o mapinsala ang kinalalagyan ng access. Iba-ibahin ang pinagtuturukan ng karayom sa access. Gumamit lamang ng banayad na presyon para mapigilan ang pagdurugo kapag tinanggal na ang karayom. Kung dumugo uli, gumamit ng banayad na presyon at tumawag ng doktor lalo na kung malala at hindi tumitigil ang dugo sa loob ng 30 minuto.

Sanggunian
Ano-ano ang palatandaan na ang isang tao ay maaaring may sakit sa bato? Ang pasyente bay madalas sumuka, o nakararamdam ng hirap sa paghinga? Kinakikitaan ba ang kanyang ihi ng pagiging kulay tsaa, pamumula at bula? Mayroon ba siyang pamamanas? Nakararamdam ba siya ng pananakit ng tagiliran? Madalas bang sumasakit ang kanyang tiyan? Ang pasyente ba ay madalas na nilalagnat? Kapag ang pasyente ay nakararamdam ng alin man sa mga ito, mas mabuting komunsulta kaagad sa doctor. Kapag hindi kaagad nabigyan ng pansin ang mga nabanggit na sintomas ng sakit, ang mga ito ay maaaring magdulot ng Renal Failure. Ito ay kondisyon kung saan ang bato ng pasyente ay tuluyang nasisira at ang dugo

ay unti-unting nalalason. Karaniwan itong makikita sa End Stage Renal Disease (ESRD) kung kailan ang pasyente ay nangangailangan na ng dialysis o kidney transplant. Anu-Ano ang dapat gawin para makaiwas sa sakit sa bato? Uminom ng walo (8) hanggang sampung (10) basong tubig araw-araw. Ugaliin ang kalinisan sa pangangatawan. Dumumi araw-araw. Huwag pigilin ang pag-ihi. Isangguni sa doctor ang ano mang impek-syon sa lalamunan at balat. Huwag paglaruan ang maseselang bahagi ng katawan tulad ng ari. Kumain ng pagkaing masustansya. Iwasan ang sobrang maaalat o matatamis na pagkain. Magpakuha ng presyon ng dugo dalawang beses sa loob ng isang taon. Gawing regular ang pag-eehersisyo o araw-araw ayon sa kakayahan ng katawan. Kompletohin ng bakuna ang mga bata. May mga sakit na nakasisira ng ating bato na maaa-ring mapigilan ng pagpapabakuna. Iwasan ang paninigarilyo at mga nakalala-sing na inumin. Uminom lamang ng gamot kung may payo o preskripsyon ng doctor.

Kung nais uminom ng herbal supplements, kumunsulta muna sa doctor. Ugaliin ang taunang pagpapasuri ng ihi o Urinalysis. Anu-ano ang uri ng sakit na nakapipinsala sa ating bato? Madalas itong may kinalaman din sa ating pag-ihi. Kabilang dito ang mga sumusunod: Diabetes Mellitus Altapresyon Kidney stones Glomerulonephritis o GN - pamamaga ng ugat sa bato na maaaring nakuha sa tonsilitis, pharyngitis at kahit sakit sa balat. Urinary Tract Infection o UTI
Share58

Ano ito? Ang bato (kidney) ang nagtatanggal ng sobrang tubig at basura sa katawan, nagsasaayos ng likido at mga kemikal na kailangan sa ating katawan, sumusupil sa presyon ng dugo, at sumusupil sa mga hormone ng katawan na gumagawa ng pulang mga selula ng dugo. Inilalabas ng bato ang sobrang tubig at basura mula sa dugo at iniiwan lamang ang mga sangkap na kinakailangan nito. Ito ay gumagawa ng electrolytes (ions) na kailangan upang ihiwalay at itapon ang mga dumi sa katawan na nakakalason. Produkto ito ng metabolismo ng katawan na inilalabas sa pamamagitan ng pag-ihi. Halos lahat ng mga tao ay may dalawang bato. Maaaring mabuhay na malusog ang isang tao na iisa ang bato.

Ang sakit sa bato ay isang panganib sa kalusugan at buhay ng tao kung hindi matutuklasan ng maaga at mabibigyan ng kaukulang lunas. Sa ngayon ang sakit sa bato ay pansampu sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas. Ang nangungunang dahilan ng paglubha ng karamdaman ay ang hindi maagap na pagtuklas nito. Maaaring walang makitang sintomas o palatandaan sa isang taong may sakit sa bato lalo na sa simula nito. Ito ay maaaring malaman lamang kapag nagpa-eksamin ng ihi (urinalysis) o nagpasuri sa doctor. Kapag hindi nalaman ang sakit na ito ay maaaring lumala at mauwi sa estado na di na maibabalik sa normal na kundisyon ang mga bato, tulad ng End Stage Renal Disease (ESRD). Mga uri ng sakit na nakakapinsala sa ating bato at may kinalaman din sa ating pag-ihi:i) Diyabetis dahil sa sobrang asukal (glucose) sa dugo nahihirapan ang bato na salain (filter) ito; ii) Altapresyon dahil sa pagkasira ng mga ugat (blood vessels) sa katawan kasama na ang ugat sa bato; iii) Kidney stones ( uric acid stones, calcium stones, struvite stones, cystine stones) na maaaring bumara sa daluyan ng ihi; iv) Glomerulonephritis o pamamaga ng ugat sa bato na maaaring nakuha sa viral o bacterial impeksiyon mula sa sakit na tonsillitis, pharyngitisat kahit sakit sa balat; at v) Urinary Tract Infection (UTI) dahil sa impeksiyon o pamamaga ng daluyan ng ihi at pagdami ng mga organismo o mikrobyo sa bato, sa ureter at sa pantog.

Mga palatandaan ng sakit sa bato: i) madalas na nilalagnat, giniginaw at nagsusuka; ii) masakit at pagkonti ng-ihi; iii) pagsakit ng tagiliran; iv) pagsakit ng tiyan at puson; v) ihi na kulay tsaa o coke, mapula at mabula; vi) pamamanas ng talukap ng mga mata, mukha, tiyan, mga binti at paa; vii) nakakaramdam ng hirap sa paghinga; viii) altapresyon; ix) pagkahilo, pagsakit ng ulo; at x) pag-itim at pangangati ng balat. Kapag hindi kaagad nabigyan pansin ang mga nabanggit na sintomas ng sakit, ang mga ito ay maaaring magdulot ng renal failure. Ito ay kondisyon kung saan ang bato ng pasyente ay tuluyang nasisira at ang dugo ay unti-unting nalalason. Ito ay kondisyon na kung saan wala nang ganap na kakayahan ang dalawang bato na gawin ang kanilang mga tungkulin. Karaniwan itong makikita sa ESRD kung kailan ang pasyente ay nangangailangan na ng dialysis o kidney transplant. Mga dapat gawin para makaiwas sa sakit sa bato: i) uminom ng 8-10 basong tubig araw-araw; ii) ugaliin ang kalinisan sa pangangatawan; iii) dumumi araw-araw; iv) huwag pigilin ang pag-ihi; v) isangguni sa doktor ang anumang impeksyon sa lalamunan at balat; vi) huwag paglaruan ang maseselang bahagi ng katawan tulad ng ari; vii) kumain ng pagkaing masustansiya. Iwasan ang sobrang maalat o matatamis na pagkain; viii) magpakuha ng presyon ng dugo dalawang beses sa loob ng isang taon; ix) gawing regular ang pag-eehersisyo o araw-araw ayon sa kakayahan ng katawan; x) kompletuhin ng bakuna ang mga bata. May mga sakit na nakasisira ng ating bato na maaaring mapigilan ng pagbabakuna; xi) iwasan ang

paninigarilyo at mga nakakalasing na inumin; xii) uminom lamang ng gamot kung may payo o preskripsyon ng doctor; xiii) kung nais uminom ng herbal supplement, kumunsulta sa doktor; at xiv) ugaliin ang taunang pagpapasuri ng ihi. Ang urinalysis o pagsusuri ng ihi ay mahalagang eksaminasyon dahil dito makikita kung may problema sa pagbabalanse ng kemikal o elemento ng katawan gaya ng pagkakaroon ng asukal (glucose), albumin (isang uri ng protein), mataas na kristal, o dugo sa ihi. Makikita rin ang kulay, maulap o malabong ihi, reaksyon ng ihi, at kung mataas o mababa ang specific gravity. Kalimitan kapag may impeksyon sa daluyan ng ihi, mataas ang tinatawag nating White Blood Cells (WBC) dahil ito ang elementong lumalaban sa mga mikrobyo. Ang tamang pagkolekta ng ihi para sa urinalysis ay siguraduhing malinis ang pwerta o ari. Ihanda ang malinis at may takip na lalagyan ng ihi. Kolektahin ang panggitnaang ihi (mid stream) at huwag ang mga unang patak ng ihi upang maiwasan ang kontaminasyon. Takpang maigi ang sample at ibigay sa laboratoryo. Mahalaga rin ang pagsusuri ng dugo upang malaman kung ang mga elemento ay nasa normal na bilang gaya ng: i) Electrolytes oasin sa katawan (Sodium, Potassium, Chloride, Calcium) dahil ito ang tumutulong upang maisagawa ng ating katawan ang mga dapat gampanang trabaho gaya ng paggalaw ng kalamnan, paglinis ng katawan, pagtibok ng puso, at maaari ring malaman ang hydration status ng katawan (kulang o sobra ang tubig) at kung may problema sa bato. ii)Blood urea

nitrogen (BUN), creatinine. Ito ang sumusukat sa kakayahan ng bato na linisin ang katawan. iii) Uric acid. Ang mataas na antas ay maaaring magdulot ng rayuma o arthritis na tinatawag na gouty arthritis o maaaring sanhi ng bato (stones) sa bato (kidney). Ang FNA-Rome ay isang independent, non-commercial, nonprofit, non-partisan, non-sectarian volunteer organization. Ang pagkuha ng blood pressure at bloodsugar/cholesterol test ay kabilang sa mga serbisyong ibinibigay namin tuwing medical outreach. Kung nais ninyong magpa-schedule ng outreach para sa inyong organization o community, pakitawagan lamang si Gng. Julia Garzon- Ferrer, FNA Secretary, sa numerong 3270885838 o si Bb. Nenette Vecinal, FNA Assistant Secretary sa numerong 3295371278 para mapag-usapan ito. Maraming salamat po.

You might also like