Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 58

Determinado ako na kitilin ang aking sarili.

Ako ay 12 taong gulang, nasa ikalawang taon at ako ay nasa isang bitag nakakulong sa isang nakakatakot na buhaypaaralan na pinaghaharian ng isang grupo ng mga kabataang lalaki, na nasisiyahan sa

panggigipit at pananakit na pisikal at pasalit, sa bawat minuto ng aking buhay mula pa ng ako ay tumuntong sa paaralan. Kaya nga sa kainitan ng araw na iyon, habang ako ay marahang naglalakad pauwi ng aming bahay

matapos tumunog ang huling bell sa eskwelahan, napagpasyahan ko na tapusin na ang aking miserableng buhay.

Yan ay may dalawamput apat na taon nang nakalilipas. Noong akoy isa pang lampa, butot balat sa kapayatan, may makapal na sa salamin, may braces sa ngipin, laman ng aklatan at may pagkamahinhin ang kilos.

Ang aking pagiging bata ay parang isang bangungot ma hindi matapos. Wala silang pagod sa pambubulas. Ang mga batang lalaki sa paaralan na higit na malalaki at malalakas matapos makita ang aking mga kahinaan,

ay walang patid akong pinarurusahan araw-araw dahil lamang sa ako ay iba sa kanila. Bago ko pa man lubos na naunawaan ang kahulugan nito ay isinisigaw nila sa akin ang mga bansag na bakla at binabae

Parang lason sa aking puso ang kanilang bawat sigaw. Payapa lamang ako sa piling ng aking koleksyon ng mga komiks at ang tanging kasiyahan ay ang pagguhit habang nasa harap ng telebisyon

Sa paaralan ako ay tila ba may nakahahawang sakit. Nilalayuan ng mga kapwa ko lalaki dahil sa hindi pagkakaroon ng kumpyansa sa sarili at sapat na pagkalalaki upang mapabilang sa kanilang hanay

Kaiba ako sa mga kamagaral kong lalaki sapagkat ako ay tahimik at kaibigan ng lahat ng mga babae sa paaralan. Kumikilos at nagsasalita na wari bay babae rin.

Hindi ko maipagtapat sa iba ang ginagawang pananakot at pananakit ng aking mga kamag-aral na lalaki. Hindi ko ito masabi sa aking mga guro, magulang, mga kapatid , at maging sa napakarami at napakalapit kong mga kamaganakan at pinsan

Ngayon ko naunawaan kung paanong ang mga biktima ng pambubulas ay nagdurusa ng tahimik. Labis na nakahihiya ang maging biktima ng pambubulas. Ako ay nahihiya sa aking sarili, kung paanong hinahayaan kong saktan nila ako at maramdamang akoy walang kwenta

Nahihiya ako na hindi ko sila kayang labanan. Ipinaramdam nila sa akin na may mali sa aking pagkatao. Nahihiya ako na malaman ito ng aking mga mahal sa buhay. Nahihiya ako na malaman nila ang ibinabansag ng mga kapwa ko bata sa akin. Nahihiya ako na malaman nila na ako nga ay isang ngang binabae.

Kayat tulad ng iba pang naging biktima nito, pinasan kong nag-iisa ang kahihiyan ng ginagawa nilang pananakit sa akin. Habang naglalakad ako papauwi nang araw na iyon na itinalaga ko nang syang magiging huling araw ko,naalala ko nang akoy gulantangin ng isang sasakyang dumaraan

Hoy, bata sabi ng mamang noon ko lamang nakita. Ayos ka lang ba? Naalala kong akoy nabubulol pang tumugon na mabuti ang aking lagay. Sigurado ka ba? Baka may maitutulong ako? Mukhang malungkot ka. Habang tuluyan na nyang inihinto ang kanyang sasakyan natandaan kong siyaay nakatingin sa akin na puno ng pag-aalala.

Muli ay sinabi kong akoy maayos at saka lamang siya nagmaneho papalayo. Habang minamasdan ko ang papalayong sasakyan, bigla kong naramdaman ang init nang panahong iyon.

Noon ko lamang napansin ang liwanag ng nakatirik na araw. Hindi ko malilimot ang mga sandaling iyon na tila ba napawi ng init ng araw ang lahat ng aking kalungkutan sa puso.

May taong nagbigay pansin sa akin. Isang taong noon ko lamang nakita at hindi na muli pang masisilayan, ang nag-alala at nag-abala para sa akin-isang binabae, bakla,walang kwentang nilalang. Nagbigay sya ng kanyang panahon upang alamin kung ako ay may dinaramdam. Mahalaga ako; nagbago ang lahat sa akin.

Natapos ang aking balak na pagpapatiwakal noon din at hinding-hindi ko na muli ito binigyan ng pagkakataong guluhin ang aking isip. Kahit pa nagpatuloy ang pagmamalupit ng aking mga kamag-aral na lalaki sa akin, hindi na ito naging kasing sakit

Nang ako ay mapunta sa mataas na paaralan nakakilala ako nang mga katulad ko rin- kakaiba man o hindi, bakla man o tunay na lalaki may halaga kami.

Makalipas ang dalawamput apat na taon, masasabi kong nagiging maayos ang lahat sa paglipas ng panahon. Maaring hindi na ako lampa at patpatin gaya ng dati, hindi na din nagsasalamin dahil sa laser eye surgery, magaganda na at tuwid ang aking mga ngipin, ako pa din ang dating batang mahinhin ang kilos tulad ng sa isang babae.

at hindi ko ito ikinakahiya. Ito ay bahagi ng aking pagkatao. Ako ay may halaga, tulad ng maraming mga batang nagiging biktima ng pambubulas. Lahat ay may karapatang makita na bumubuti rin ang lahat sa huli.

MGA TANONG
Paano nakaapekto sa isang bata ang pambubulas? Paano malalampasan ng isang kabataan ang masamang epekto ng pambubulas? Paano ka makatutulong sa kapwa mga kabataang biktima ng pambubulas? Kung ikaw ay naging biktima na nang pambubulas, paano mo ito nalamapasan?

VIOLENCE CONTINUUM

Pagtirik ng mata Paninira Pagsimangot Paninitig/pang -iirap Vandalism

Pagbabanta Pambabansag Panunudyo/pa nglalait Pagnanakaw Paninira ng gamit ng iba

VIOLENCE CONTINUUM
Sekswal na panggigipit Pagsunod at pagmamatyag Pananakot/pang ingikil Panunura panunulak Panununtok/pa ninipa Pagbabanta gamit ang armas tulad ng patalim Pagsaksak gamit ang patalim pagbaril

MGA KARAHASANG NANGYARI SA PAARALAN

(Manuel L. Quezon National High School Caloocan City) isang magaaral ang napabalitang nanaksak ng isa sa kanyang mga guro dahil lamang sa pagsita nito sa kanyang mahabang buhok

MGA KARAHASANG NANGYARI SA PAARALAN

(2006, Philippine Science High School) isang mag-aaral ang nakatakda na sanang magtapos ang nilason ng kanyang kamag-aral sa pamamagitan ng paglalagay ng mercury sa kanyang inumin. Inaakalang ito ay dahil sa katunggali nito ang kamag-aral sa pangunguna sa klase

MGA KARAHASANG NANGYARI SA PAARALAN

Mariannet Amper, 12 taong batang babae sa Davao City, nagpatiwakal dahil umano sa labis na kahirapan nila sa buhay 14 na taong batang lalaki sa Iloilo ang tumalon mula sa flyover doon dahil sa pag-aabuso sa rugby

MGA KARAHASANG NANGYARI SA PAARALAN

Kristen Ariane Cuenca, isang batang nasa ikatlong baitang ang tumalon sa ikaapat na palapag ng kanilang paaralan matapos makakuha ng mababang marka sa report card.

MGA KARAHASANG NANGYARI SA PAARALAN

Glacy Monique Dimaranan 15 taong gulang na kabataang babae ay namatay dahil sa aksidenteng napatutok ang baril na itinutok sa kanyang ulo. Ang pagtutok ng baril ay bahagi ng ilang pagsubok upang makapasok sa grupong Royal Scout Brotherhood

MGA KARAHASANG NANGYARI SA PAARALAN

John Daniel L. Samparada, 18 taong gulang at nag-aaral sa Lyceum of the Philippines sa Gen. Trias, Cavite ay namatay dahil sa matinding pagkabugbog ng binti. Bahagi ito ng pagsubok upang makapasok sa Tau Gamma Phi Fraternity.

MGA KARAHASANG NANGYARI SA PAARALAN

Sa bansang Australia, sa taong 2009 lamang ay may 55,000 na mag-aaral ang naparusahan ng suspension dahil sa paglabag sa regulasyon sa paaralan kaugnay ng karahasan

MGA KARAHASANG NANGYARI SA PAARALAN

Sa South Australia, 175 na kaso ng pananakit laban sa kapwa mag-aaral o sa mga guro ang naitala noong 2008. Sa bansang Belgium , marami ang nagbibitiw sa pagiging guro dahil sa karahasan laban sa kanila na gawa ng mga mag-aaral doon.

Sa bansang Bulgaria, dahil sa maraming insidente ng karahasan sa loob ng paaralan minabuti ng Puno ng Kagawaran ng Edukasyon na higit pang mahigpit sa pagdidisiplina sa mga mag-aaral. Dahilan upang mapatalsik sa paaralan ang malaswang pananamit, pagpasok ng lango sa alak o droga at paggamit ng mobile phones.

Sa bansang Amerika ayon sa National Center for Education Statistics, ang karahasan sa paaralan ay isang seryosong usapin o isyu. Ayon sa pinakahuling datos na natala, 5.9% ng mag-aaral sa pampublikong paaralan ang nagdala ng baril o katulad na armas sa loob ng paaralan

Halos 8% naman ng mga mag-aaral dito ang naulat na naging biktima ng pananakot o pananakit gamit ang mga armas na ito. Halos 13% naman ng mga mag-aaral ang nasangkot sa pakikipag-away. Halos anim na porsyento naman ang umaming lumiban sa paaralan ng isnag araw o mahigit dahil sa matinding takot o dahil sa pakiramdam na ang

paaralan ay hindi ligtas na lugar para sa kanil. Hindi pa kabilang dito ang naitalang kaso ng pambubulas at pagpapatiwakal.

BIKTIMA NOON, MGA KRIMINAL NGAYON!

KIPLAND KIP KINKEL

Na diagnosed Sa edad na 15, namaril sa loob na may sakit ng paaralan na na dyslexia nag iwan ng 2 Immature patay at 22
sugatan Pinatay ang mga magulang

CHARLES ANDREW ANDY WIILIAMS


Biktima ng pambubulas Kasama sa mga grupo ng mga skateboarders Nakabaril ng 2 estudyante na may 13 pang sugatan

Pagod na sa pambubulas sa kanya Inudyokan ng kaibigan

THOMAS T.J SOLOMON

Hiniwalayan 15 taong gulang at nasa ng karelasyon ikalawang taon Biktima ng ng mkapatay ng pangungutya 6 na estudyante
sa Heritage High School g

LUKE WOODHAM
Sa edad na 15, nakapatay ng 3 katao kasama ang kanyang dating nobya, ang kanyang kaibigan at kanyang nanay

Sinasabing nagawa nya ang krimen dahil madami umano na mali sa kanyang buhay

KARAHASAN SA PAARALAN
Isang mahalagang pag-aaral ang isisnagawa ng Kagawaran ng Edukasyon sa ating bansa tumgkol sa karahasan sa paaralan. Ito ay tinatawag na PLAN Area Research o Towards Child-Friendly School Environment: A Baseline Study Against Children in School.

KARAHASAN SA PAARALAN
Ilan sa mga resulta ng pag-aaral ay ang mga sumusunod: 5 sa 10 batang mag-aaral sa ikatlong baitang, 7 sa 10 sa ikaapat hanggang ika-anim na baitang , at 6 sa 10 magaaral sa sekondarya ang nakakaranas ng karahasan sa loob ng paaralan

KARAHASAN SA PAARALAN
VERBAL ABUSE o pananakot at masasakit na pananalita ang karaniwang uri ng karahasang nararanasan ng mga mag-aaral sa lahat ng baitang at taon.

PANLALAIT

VERBAL ABUSE

PANUNUDYO

PAGMUMURA
MASASAKIT NA SALITA

KARAHASAN SA PAARALAN
Karaniwang kamag-aral din ang nambibiktima kaysa sa nakatatanda Mga kalalakihan ang karaniwang nagiging biktima ng pisikal na karahasan

PAGBABA NG TINGIN SA SARILI

KARANIWANG EPEKTO NG KARAHASAN

PAGKATAKOT PAGKIKIMKIM NG GALIT


KAWALAN NG PAG-ASA

KARANIWANG DAHILAN NG KARAHASAN SA PAARALAN

Uri ng kinalakihang pamilya Impluwensya ng barkada at media Kawalan ng kaalaman tungkol sa karapatan ng kabataan

KARANIWANG DAHILAN NG KARAHASAN SA PAARALAN

Pagkatakot Kawalan ng kakayahan o kasanayan ng mga nasa katungkulan upang tugunan ang mga suliranin sa karahasan Kawalan ng polisiya at pamantayan kaugnay nito

Anumang kilos na lumalabag sa misyong pang-edukasyon ng paaralan o lumalabag sa ugnayang nag-uugat sa respeto sa kapwa o sumasalungat sa layunin ng paaralan na maging malaya sa agresyon laban sa kapwa o pag-aari, droga o bawal na gamot, armas at kaguluhan o paggambala

KAHULUGAN NG KARAHASAN SA PAARALAN

Mahalagang maunawaan na ang karahasan ay karaniwang may pinaguugatang kilos o ugali na tulad ng sakit na kapag hindi nalapatan agad ng lunas, ay patuloy na lumalala

KAHULUGAN NG KARAHASAN SA PAARALAN

Pangmamaliit Pangiinsulto Pananakot Paninirang puri Pambubulas o panunulak

Maaring ang mas malalang uri ng karahasan ay nagsisimula sa:

Habang namimihasa sa ganitong mga gawain pasama naman ng pasama at palala ng palala ang uri ng karahasan

Maaring mauwi ito sa;


Pisikal na pananakit o pakikipag-away Panggigipit na sekswal Pagnanakaw Drugs at alcohol addiction Paggamit ng armas Paninira ng gamit ng kamag-aral o ng paaralan

Paggawa ng mga krimeng kaugnay ang diskriminasyon Pagkamuhi sa isang grupo ng minorya Pagbuo ng gang Pambibihag o pagdukot Pangagahasa Pagpapakamatay
-ayon sa Violence Continuum ni Jim Bryngelson ng CARE (Courtesy and Respect Empower)

You might also like