Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 257

KAGAWARAN NG EDUKASYON Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya Sangay ng Pagpapaunlad ng Kurikulum

KURIKULUM NG EDUKASYONG SEKUNDARYA NG 2010 (2010 SECONDARY EDUCATION CURRICULUM) GABAY SA PAGTUTURO EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA II

Unang Markahan : Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa

Aralin 1: Ang pamilya bilang natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya Antas 1 Pamantayan sa Pagganap:

Bilang ng araw/sesyon: 3-4

Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan, Ang mag-aaral ay nakabubuo ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng pakikitungo sa katangian at layunin ng pamilya sa pagpapaunlad ng pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa pakikipagkapwa Ang mga kakailanganing gawain sa bawat aralin ay ang sumusunod: Mga Paksa: 1. Pagbibigay ng mga patunay na ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya 1. Ang pamilya bilang natural na institusyon ng 2. Pagbuo ng mga paraan upang mapaunlad ang komunikasyon o pag-uusap sa pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya pamilya 2. Ang kahalagahan ng komunikasyon pagpapatatag ng 3. Paghubog ng pagpapahalaga o birtud na magpapatatag ng pakikipagkapwa. pamilya at sa pakikitungo sa kapwa 4. Pagbuo ng mga paraan ng pagtulong ng pamilya sa pamayanan 3. Napatatatag ng pakikipagkapwa ang pamilya 4. Ang pamilya sa pamayanan Kakailanganin sa Pag-unawa sa Unang Markahan: Ang mga pagpapahalagang natutuhan sa loob ng pamilya ay nakaiimpluwensya sa pakikitungo sa kapwa, ganoon din, ang mga pagpapahalagang nakuha sa pakikipagkapwa ay nakatutulong sa pagpapatatag ng pamilya. Kakailanganin sa Pag-unawa sa Aralin 1: Ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa pakikipagkapwa. Nauunawaan ng mag-aaral ang: (Mga Kaalaman) a. Pamilya bilang likas na institusyon ng: Pagmamahalan Pagtutulungan Mahalagang Tanong sa Unang Markahan: Bakit mahalaga ang pamilya sa pakikipagkapwa at ganoon din ang pakikipagkapwa sa pamilya? Mahalagang Tanong sa Aralin 1 Paano maiuugnay ang pamilya bilang likas na institusyon sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa? Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng sumusunod: (Mga Kasanayan) a. Nasusuri ang dahilan ng pagiging natural na institusyon ng pamilya b. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng pamilya sa pakikipagkapwa c. Nasusuri ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya na nagpapatatag ng pakikipagkapwa d. Nahihinuha na ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, 2

pagtutulungan at pananampalataya na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa pakikipagkapwa b. Nag-uumpisa sa pamilya ang pakikipagkapwa e. Nakapagbibigay ng mga patunay na ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya Antas 2 Mga Patunay sa Antas ng Pagganap: Inaasahang Pagganap: Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa: Pananampalataya Pagbuo ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng pakikitungo sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: Pagpapaliwanag Pagpapatunay na ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan Kraytirya: - Maayos ang pagpapaliwanag - Bumanggit ng mga katunayang magpapatatag ng paliwanag Interpretasyon Paglalarawan ng ibat ibang paraan ng pagpapamalas ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya Kraytirya: - Maliwanag na paglalarawan - Bumanggit ng mga patunay ng pagmamahalan at pagtutulungan ng pamilya Paglalapat Pakikipag-ugnayan sa kapamilya upang higit pang mapayabong ang pagmamahalan at pagtutulungan Kraytirya: - Nagpakita ng patunay ng pakikipag-ugnayan sa kapamilya - Nilakipan ng pagninilay Pagbuo ng Sariling Pananaw Nasusuri ang ibat ibang uri ng pamilya at kung sila ay maituturing na natural na institusyon din Kraytirya: - Natukoy ang ibat ibang uri ng pamilya - Napatunayang ang lahat ng uri ng pamilya ay natural na institusyon 3 Pagtataya ng pagsasagawa ng mga angkop na hakbang sa pagpapaunlad ng pakikitungo sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa, batay sa sumusunod na kraytirya a. Natukoy ang mga patunay na likas na institusyon ang pamilya b. Natukoy ang mga pagpapahalaga at birtud na nahubog mula sa pamilya at ginagamit sa pakikipagkapwa c. Natukoy ang mga pagpapahalagang nahubog sa pakikipagkapwa na nakatutulong sa pagpapatatag ng pamilya d. Natukoy ang mga paraan upang mapaunlad ng pamilya ang pakikipagkapwa e. Nilakipan ng pagninilay

Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng Iba Pagbibigay ng payo sa mga kaibigang hindi masaya sa kanilang pamilya Kraytirya: - Nagbigay ng patunay na nakapagbigay ng payo sa kaibigan - Nilakipan ng pagninilay Pagkilala sa Sarili Nakagagawa ng pagninilay tungkol sa nahinuhang kahalagahan ng pamilya Kraytirya: - Nailahad ng mga nais na tandaan tungkol sa halaga ng kanyang pamilya na nahinuha sa paksa - Nilakipan ng pagninilay Antas 3 Plano ng Patuturo-Pagkatuto Aralin 1: Ang Pamilya bilang Likas na Institusyon ng Pagmamahalan at Pagtutulungan A. PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE) Sa bahaging ito, kinukuha ng guro ang atensyon at interes ng mag-aaral tungo sa paghinuha ng malalaking ideya at mga pagganap na angkop sa paksang Ang Pamilya bilang Likas na Institusyon ng Pagmamahalan at Pagtutulungan. Mula sa gawain ng Pagsisiyasat, Mga Karaniwang Gawain sa pamilya, mahihinuha ang mga pagpapahalagang mula sa mga karaniwang gawain ng kanilang pamilya. Ang pag-ugnay ng konsepto ng pamilya sa pakikipagkapwa ay matutukoy sa Pagtuklas ng Dating Kaalaman, kung saan tutukuyin ng mga mag-aaral sa mga ibat ibang okasyon sa kanilang pamilya na dinaluhan ng mga kamag-anak, kaibigan at mga kakilala. Ang mga tanong pagkatapos ng gawain ay gabay sa mga mag-aaral tungo sa paghinuha ng mga Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) at Mahahalagang Tanong (EQ). Ang sagot ng mga mag-aaral sa bahaging ito ay pansamantala lamang ibig sabihin, pauunlarin nila ang mga ito sa mga susunod na bahagi. Magkakaroon din sila ng ideya tungkol sa inaasahang produkto o pagganap na ipamamalas nila sa araling ito gayundin ang mga kraytirya sa pagtataya ng produkto o paganap. Lilinangin ang Anim na Aspekto ng Pag-unawa mula sa bahaging ito hanggang sa bahaging Transfer, sa Pagsasabuhay. 4

Pagsisiyasat Ang mga Karaniwang Gawain sa Pamilya Ipagawa ang sumusunod: 1. Pangkatin ang klase na may 7-8 miyembro 2. Hayaang pumili ng 1 pinuno at tagasulat ang bawat pangkat 3. Hayaang mag-usap at sagutin ang bawat kolum 4. Ipaulat sa pinuno ng pangkat ang sagot ng kanilang pangkat Ano-ano ang mga karaniwang gawain ng inyong pamilya? Sino-sino ang mga miyembro ng pamilya na magkakasama sa gawaing ito? Ano-anong pagpapahalaga ang nahihinuha mula sa sa mga gawaing ito? Mahalaga ba sa iyo ang mga pagpapahalagang natutuhan sa mga gawaing ito? Ipaliwanag.

Tanungin ang buong klase: Mahalaga ba ang pamilya sa paghubog ng mga pagpapahalaga?

Pagtuklas ng Dating Kaalaman Ipagawa ang sumusunod: 1. Pangkatin ang klase na may 7-8 miyembro 2. Hayaang pumili ng 1 pinuno at tagasulat ang bawat pangkat 3. Gamit ang mga tanong sa bilang 4, pag-usapan ng pangkat ang isa sa mga sumusunod na okasyon sa pamilya na dinadaluhan ng ibat ibang kakilala Kasal 5

Anibersaryo ng kasal Binyag Kumpil Kaarawan ng kapamilya Kamatayan ng isang kapamilya Graduation o pagtatapos ng isang kapamilya sa pag-aaral Reunion ng pamilya

4. Mga Gabay na tanong: Mula iskala 1-5, kung saan 5 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa, gaano kahalaga ang okasyong ito para sa inyong pamilya? Bakit? Bukod sa inyong mga kamag-anak, sino-sino ang mga nakasalumha mo sa mga okasyong ito? Ano-anong pagpapahalagang mahihinuha mula sa mga kapamilya mula sa okasyong ito? Ano-anong pagpapahalagang mahihinuha mula sa mga kakilala o kaibigan mula sa okasyong ito?

5. Ipabahagi ang mga natutuhan mula sa talakayan B. KARANASAN TUNGO SA PAG-UNAWA (FIRM-UP) Ito ang bahagi kung saan susuriin ng bawat mag-aaral ang kanyang sarili tungkol sa malalaking ideya na lilinangin sa aralin. Mula sa gawaing kikilala sa mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya na nakatutulong sa pakikipagkapwa, matutukoy ng mag-aaral na mahalaga ang pamilya sa pakikipagkapwa. Sa mga tanong, matutukoy ang mga dahilan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa pakikipagkapwa. matukoy ng mag-aaral ang kakailanganing pag-unawa o ang mga sagot sa kanilang tanong. Maaari ng

Mga Pagpapahalagang Mula sa Pamilya na Nakatutulong sa Pakikipagkapwa Ipagawa ang sumusunod: 1. Magpagawa ng profile ng isang kaibigan o kakilala. 2. Sa unang pahina ng profile ng kaibigan o kakilala, maaaring lagyan ito ng kanyang larawan o bagay na sumisimbolo sa kanya 3. Isulat ang mga pagpapahalagang sa iyong palagay ay pareho ng iyong mga natutuhan sa inyong pamilya o mga pagpapahalagang natutuhan niya sa iyo na natutuhan mo rin sa iyong pamilya. 4. Sumulat ng maikling pagninilay sa huli. Halimbawa: Halimbawa: Ang Profile ng Aking Kaibigang si Mariel Ito ang kaibigang kong si Mariel. Siya ay katulad kong 14 taon gulang. Parehong nais ng aming pamilya na makatapos kami ng pag-aaral. Parehong nais ng aming mga magulang na maging mabuti kaming mag-aaral at kabataan. Madalas kong ibahagi sa kanya ang pagpapahalaga ng aming pamilya sa pananampalataya. Magkakasama kami ng aming pamilya sa pagsisimba tuwing Linggo. Sinabi niya sa akin na nais din niya samasama silang magsimba ng kanilang mga kapatid at magulang, subalit nasa ibang bansa ang kanilang ama kaya madalas ay ipinagdarasal na lamang nila ang kanyang kaligtasan sa lahat ng oras. Mula sa pakikipagkaibigan ko kay Mariel, naisip kong mahalaga na may mabubuting pagpapahalaga na pareho sa aming dalawa sapagkat nagkakaroon kami ng pagkakataong ipaunawa sa bawat isa ang halaga ng pamilya at ang tulong ng mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya sa pakikipagkapwa.

Mga Tanong a. Bakit mahalaga na mapanatili ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya? b. Bakit mahalagang ibahagi sa kapwa ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya? c. Sa kabila ng mga pagbabagong nakikita sa pag-uugali ng kapwa, paano mo dapat paglabanan ang mga ito?

C. PAGPAPALALIM (DEEPEN) Dito pagtitibayin ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga kaalaman ng mga eksperto (expert systems of knowledge), gamit ang isang sanaysay o babasahin na binuo ng manunulat ng Gabay sa Pagtuturo. Layunin ng bahaging ito na balikan ng mga mag-aaral ang kanilang mga dating kaalaman sa paksa at baguhin o pinuhin ito batay sa mga impormasyong inilahad sa babasahin. Ang mga tanong sa ibaba ng babasahin ang naglalayong linangin sa mga mag-aaral ang kakayahang mahinuha ang mga Kakailangan sa Pang-unawa (EUs). Ilalahad ng mga mag-aaral ang mga ito gamit ang graphic organizer bilang gabay nila sa paghinuha ng mga Ipabasa ang babasahin sa ibaba at ipatalakay ang mahahalagang konseptong o Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) na nakapaloob dito. mahahalagang konsepto. Kasunod nito ang maikling pagsubok.

Pamilya, Bilang Isang Natural na Institusyon Bakit itinuturing ang pamilya bilang natural na institusyon ng lipunan? Maituturing na una at mahalagang bahagi ng lipunan ang pamilya dahil ito ang orihinal na pinagmulan ng bawat tao. ang bawat indibidwal na bumubuo ng lipunan. Ang bawat kasapi ng ibat ibang sektor ng lipunan ay miyembro ng pamilya. Maituturing na natural na institusyon ang pamilya sapagkat ito ay nabuo dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasyang magpakasal at magsama nang habang buhay. Mula rito ay sisibol ang mga anak na magpaparami ng miyembro ng pamilya. Ang pamilya lamang ang tanging samahan na hindi dapat piliin, ihalal o iboto ang mga namumuno. Sa pamilya, kinikilala ang pamumuno ng ama at ina. Hindi rin kailangang manghikayat ng mga miyembro upang dumami ang mga kasapi ng pamilya. Likas na dumadami ang mga kasapi nito. Ayon sa isang babasahin, sa panahon na kahit ang lipunang Pilipino ay nagiging hindi na maka-kapwa, kumakatawan ang pamilya bilang isang hindi mapapalitang paaralan sa pagpapaunlad, pangangalaga at paghahatid ng mga mabuting asal na panlipunan at mga pagpapahalaga tulad ng paggalang, talakayan, bukas-palad na paglilingkod, katarungan at pag-ibig. Sa pahayag na ito, maituturing na ang pamilya ay isang institusyong hindi magmamaliw sa paghubog ng mga pangunahing pagpapahalaga magbago man ang panahon. Sa pamilya pa rin umuusbong ang pagkatao ng 8 Sa pamilya, sumisibol

bawat miyembro ng pamilya at ng lipunan. Upang umunlad ang pamumuhay, kailangan ng pamilya na makipag-ugnayan sa iba pang pamilya at sa iba pang sektor ng lipunan. Sa pakikipag-ugnayan ng pamilya o ng mga miyembro nito sa iba pang pamilya at ibat ibang sektor ng lipunan, nagkakaroon sila ng mga gampanin sa lipunan. Hindi lamang sila ama, ina o anak kundi tinatawag silang mamamayan na maaaring maging prinsipal, guro, janitor, mag-aaral, at iba pang papel sa lipunan. Ang Batas ng Malayang Pagbibigay (Law of Free Giving) at Pagmamahal na Walang Hinihintay na Kapalit (Unconditional Love) Ang mga karanasan ng pakikibahagi at pakikipag-isa sa araw-araw na pamumuhay ng pamilya sa lipunan ay nagpapatunay ng kanilang partisipasyon sa lipunan. Ang relasyon sa pagitan ng pamilya, iba pang pamilya at mga miyembro ng lipunan ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving)1. Ang paggalang at pagpapatatag ng sariling dignidad ng bawat kasapi ng pamilya ang nagiging batayan upang ang malayang pagbibigay sa iba ay buong pusong tanggapin at magkaroon ng pagkakaisa. Malayang ibinibigay ng ama ang kanyang kakayahan sa paghahanapbuhay upang matutustusan niya ang pangangailangan ng kanyang mga anak. Malayang ibinigay ng ina ang pag-aasikaso sa kanyang asawa at mga anak. Malayang ibinibigay ng mga anak ang pagsunod sa kanilang mga magulang. Narinig ninyo na bang siningil ng ama sa kanyang mga anak dahil sa pagpapakain niya sa kanyang asawa at anak? May nabalitaan na ba kayong ina na naningil sa pag-aasikaso sa kanyang mga anak? Meron bang anak na humihingi ng sweldo tuwing tumutulong siya sa mga gawain sa bahay? Higit na nagiging matatag ang dignidad ng ama kung nasusustetuhan niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Kaya malungkot para sa isang ama na mawalan siya ng trabaho. Alam niyang malaking pasanin ng pamilya kung siya ang aasa sa kanyang asawa at anak. Ito ang dahilan kung bakit nararapat na nasa wastong gulang at may matatag na trabaho ang lalaki bago siya magpasyang magkaroon ng pamilya.

p. 88 Familiaris Consortio

Higit na matatag ang dignidad ng ina kung nasubaybayan niya ang pag-uugali ng kanyang mga anak. Masakit sa dibdib ng ina na mapariwara ang kanyang anak dahil inisip niyang maaaring naging bahagi siya ng kasawian nito. Ang ina ay laging nananalangin na maging mabuti ang buhay ng kanyang mga anak. Siya rin ay kumikilos nang naaayon sa moralidad upang siya ay pamarisan o gawing modelo ng kanyang mga anak. Higit na matatag ang dignidad ng mga anak kung magalang siyang sumusunod sa kanyang mga magulang. Nahihiya ang isang anak kung nabigo niya ang ekspektasyon ng kanyang mga magulang sa kanya. Sinisikap ng anak na masunod niya ang lahat ng tagubilin ng kanyang mga magulang. Minamahal niya ang kanyang mga magulang dahil alam niyang katuwang ng Diyos ang kanyang mga magulang sa paglikha niya bilang tao. Ito ang batas ng malayang pagbibigay. Ito ang isa sa dahilan kung bakit tinawag na likas na institusyon ang pamilya. Ang pamilya ay likas na institusyon dahil ito ay panlipunang yunit na hindi nakabatay sa prinsipyo ng paggamit lamang. Sa pamilya, binibigyang halaga ang bawat miyembro hindi dahil sa kanyang kontribusyon o magagawa, kundi dahil sa pagiging tao niya at sa pagmamahal na walang hinihintay na kapalit (unconditional love). Dahil ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pag-ibig, dito matatagpuan ang pagmamahal na walang kapalit. Kahit na nawalan ng trabaho ang ama, magsisikap ang buong pamilya na matugunan ang pangangailangan ng bawat isa. Kahit na magkamali ang anak, kaya itong patawarin ng kanyang mga magulang. Ang lahat ng ito ay dahil sa pagmamahal na walang hinihintay na kapalit. Isa pang katangian ng pagmamahal na walang kapalit ay ang pagsasakripisyo para sa minamahal. Maaari pa ring ihatid ng ama ang kanyang anak sa paaralan kahit pa siya ay pinuno ng isang malaking kumpanya. Maaari par ing ipagluto at ipagbaon ng ina ang kanyang anak kahit pa siya ay prinsipal ng isang paaralan. Ganoon din ang mga anak, dapat pa rin niyang sundin ang mga payo ng kanyang mga magulang kahit sila makatapos ng pag-aaral at maging matagumpay sa kanilang hanapbuhay. Bilang natatanging miyembro ng pamilya, hindi siya basta pinapalitan kung hindi niya magampanan nang maayos ang kanyang pananagutan.
2 3

p. 112, Conjucal Communion p.88, Familiaris Consortio

10

Samantalang sa isang kumpanya o samahan, kung hindi tutupad sa kanyang tungkulin ang isang kasapi maaari siyang palitan ng taong may higit na katangian at makagaganap ng nasabing pananagutan. Ito ay hindi maaaring gawin sa miyembro ng pamilya. Ang ama kung mawalan ng trabaho ay hindi pwedeng pagpasyahan ng mag-iina na alisin na siya bilang ama. Siya pa rin ang ama at ang paggalang sa kanya ay hindi mababawasan kung wala siyang trabaho. Ganoon din, hindi rin nababawasan ang kanyang dignidad kung wala siyang trabaho. Kaya nga, kahit sa panahon ng materyalismo na kung saan pinahahalagahan ng ilan ang pakinabang na makukuha sa tao kaysa sa halaga niya bilang tao, dapat makintal sa isip ng bawat miyembro ng pamilya na bigyang halaga ang kapamilya kahit ito ay hindi makasunod sa bawat inaasahan sa kanya. Ang bawat kasapi ng pamilya ay itinuturing na mahalaga dahil sa prinsipyo ng personal na ugnayan at sa prinsipyo ng etika na ang tao ay dapat mahalin para sa kabutihannito (the ethical principle that a person ought to be loved for his own sake).2 Ito ang dahilan kung bakit ang ama ay kayang magsakripisyo para sa kanyang mga anak. Sa katunayan, masaya siya sa kanyang ginagawa. Malugod ang kanyang pakiramdam at masaya na natupad niya ang kanyang tungkulin bilang isang ama. Gayundin ang isang ina. Minsan, kayang iwan ng ina ang kanyang kinalakihang buhay o kanyang magandang trabaho upang maging isang simpleng may-bahay. Handang magsakripisyo ang isang ina para sa kapakanan ng kanyang anak at masaya siya sa kanyang ginagawa. Samantala, ang anak ay masunurin sa kanyang mga magulang. Kung sasabihin ng magulang na hindi pa panahon upang siya ay mag-isa at kailangan pa rin niya ang gabay, malugod niya itong susundin. Malaki naman ang kanyang pasasalamat kung hinahayaan siyang magpasya para sa kanyang sarili at hindi niya inaabuso ang ibinibigay na karapatang ito. Maituturing din na parang sarili (another self) ang mga kapamilya dahil sa ugnayang dugo (blood relationship) na namamagitan sa bawat kasapi ng pamilya. Palasak ang mga katagang kapamilya at kadugo. Kung maririnig ng anak na pinipintasan ang kanyang ama o ina, masakit ito para sa kanya. Kung nakikita ng mga magulang na nilalait ng iba ang kanilang anak, masakit ito para sa kanila. Ito ay dahil sa kapamilya at kadugo nila ang pinipintasan o nilalait. Ang sakit na kanilang nararamdaman ay kasing sakit ng nadarama ng kasapi ng pamilya na pinipintasan o nilalait. Sa kabilang dako, kung pinupuri ang isang kasapi ng pamilya, pakiramdam ng buong pamilya ay kabahagi sila sa papuring ito. Kaya mapapansin sa mga dingding ng sala o silid-tulugan ang mga larawan ng ibat ibang kasapi ng pamilya. Idinidikit sa mga album ang mga larawan ng buong pamilya at bawat kasapi ng pamilya sa mahahalagang okasyon ng kanilang buhay. Naroon sa album ang mga larawan ng kasal ng mag-asawa, binyag ng mga anak, pamamasyal o pagpunta sa ibang lugar, pagdalo sa pagtitipon o reunion ng pamilya at maging ang paglisan o pagkamatay ng isang kasapi ng pamilya. Kahit kumupas na ang mga larawan, ang mga ito ay kayamanan para sa isang pamilya. 11

Higit pa rito, ang alaala ng isang kasapi ng pamilya kahit ito ay namayapa na ay hindi malilimutan. Kaya kapag araw ng mga patay, ang mga kamag-anak ay nasa sementeryo upang gunitain ang mga alaala ng kanilang mahal sa buhay na namayapa na. Sa mga pagtitipon, ginagawang trivia ang mga nakakatuwang pangyayari sa pamilya kahit pa ang kwentong ito ay paulit-ulit nang pinag-uusapan. Mahalaga ang pagsasama-sama sa araw ng Pasko ng mag-anak. Patuloy pa rin ang tradisyong pagsasama-sama ng pamilya. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay (the first and irreplaceable school of social life)3. Ang

pakikitungo ng lalaki sa kanyang maybahay, ang pag-aasikaso ng babae sa kanyang asawa at ang pagtrato ng ama o ng ina sa kanyang mga anak ay pinag-uugatan ng ibat ibang pagpapahalagang panlipunan. Ang amang mahinahon sa pagsasalita sa kanyang maybahay at anak, at ang ina na nakikinig sa hinaing ng asawa at anak ay mabubuting pag-uugali at pagkilos na nasasaksihan ng kanilang mga anak. Ang suri ng samahan at pakikitungo ng bawat isa sa pamilya ay pagsasanay ng kanilang pakikitungo sa ibang tao. Sa araw-araw na samahan sa pamilya, ang kanilang mga pag-uugali at pagpapahalaga ay nagiging repleksyon ng bawat isa na nakikita ng ibang tao. Kung nagagalit ang ama at magagalit din ang ina, nasasaksihan ng anak ang kawalan ng pasensya ng bawat isa. Sa pamilya unang natutuhan ang mga pagpapahalagang panlipunan. Ang mga pagpapahalagang panlipunang ito ang kanilang ginagamit sa pakikitungo sa ibang tao. Maririnig sa mga magulang ang mga Kapag may

katagang, Maging magalang sa pakikipag-usap sa ibang tao. Maririnig din ang mga salitang, Maganda ang turo ng mga magulang sa batang iyan, magalang at mahinahon. Ang paraan ng pakikitungo sa ibang tao o ang pakikipagkapwa ay masasabing nagmula sa pamilya. natatanging talino ang mga anak, ipinagmamalaki ito sa ibang tao. Makikita ang mga magulang na ipiniprisinta pa ang mga anak na umawit, sumayaw o tumula sa palatuntunan sa kanilang barangay o pamayanan. Kung minsan, kahit pa ang isang tugtog na sikat sa panahong iyon ay maririnig nang paulit-ulit dahil ang mga anak ng mag-kakapitbahay ay may kanya-kanyang bersyon ng kanilang sayaw Ang mga kapitbahay ang unang mga taong nakikilala ng mga anak. Nagkakaroon sila ng mga kababata na kapag lumaon, kanilang kabarkada. Ang mga kapitbahay ang mga saksi kung paano nagdalaga o nagbinata ang isang musmos na anak ng kanilang kumare, kumpare o simpleng kapitbahay. Ang mga kapitbahay ang magsasabing naku, bukod sa matalino ang batang iyan, napakabait pa o kaya naman, ewan ko ba bakit nagkaganyan ang batang iyan, eh mabait naman iyan noong bata pa. Ang kapitbahay na rin ang ninong o ninang ng batang kanilang pinag-uusapan. Kung minsan, ang mga kapitbahay na rin ang pinagbibilinan ng kanilang mga anak kung ang ina ay nagtatrabaho rin o kung ang ina ay aalis ng bahay. Dito binibilinan ng ina ang anak na maging mabait at huwag malikot habang nasa ibang bahay. 12

Pagtutulungan ng Pamilya Ang pagtutulungan sa Pamilya ay natural sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya. Kahit nasa bahay at walang trabaho ang ina, tumutulong siyang magkaroon ng kaunting kita sa pamamagitan ng pagtitinda, paglalabada o kahit na anong gawaing magkakaroon siya ng pagkakataong kumita ng pera. Kapag walang klase, ang mga anak ay tumutulong sa mga gawaing bahay. Ganoon din ang ama, tumutulong din siya sa mga gawaing bahay. Sa pag-aaral naman, tinutulungan ng mga magulang ang anak sa paggawa ng mga takdang aralin. Isa ring magandang pag-uugali ng pamilyang Pilipino ang sakrispisyong ibinibigay ng mga panganay na anak. Kapag nasa gawain o umaalis ng bahay ang mga magulang, karaniwang ibinibilin ang mga kapatid sa panganay na anak. Kapag nakatapos ng pag-aaral, ang panganay na anak ay tumutulong sa pag-papaaral sa mga nakababatang kapatid. Sa panahon ng kagipitan, ang mga kapamilya ang karaniwang tinatakbuhan upang hingan ng tulong. Karaniwan na makitang ang mga pamangkin ay nakikipanuluyan at pinag-aaral ng mga tiyahin o tiyuhin. Kung sino rin ang nasa ibang bansa o nakaririwasa sa buhay ay ang madalas na hinihingan ng tulong ng mga kapamilya. Sinasabing ang pagtulong sa kapamilya ay pagkakataon upang maibahagi ang sarili. Sa pamilya higit na nagiging totoo ang pagbibigay na walang hinihintay na kapalit. Pananampalataya ng Pamilya Ang pananampalataya ng isang tao ay karaniwang nakagisnan niya sa kanyang pamilya. Mula sa pagkabata, iminulat na siya na mayroong Diyos na gumagabay sa kanya. Sinasabihan siyang magdasal kung nais niyang humiling o makuha ang nais niya. Itinuro ng mga magulang na dapat matakot gumawa ng masama sapagkat ang Diyos ay nagpaparusa rin sa mga taong masasama. Ang konsensya ay nahuhubog dahil Ang sama-samang pagsimba o pagsamba ay makikita sa pamilya. Madalas sabihin ng ina sa mga anak kapag umaalis ng bahay na Pagpalain ka nawa ng Diyos na ang ibig sabihin ay gabayan at iligtas ka sa iyong paglalakbay at makarating sa pupuntahan ng maayos. Ang pagsasama-sama ng pamilya sa hapag-kainan ay itinuturing na malaking pagkakataon ng pagpapasalamat. Ipinagpapasalamat ng pamilya ang pagkakataong buo at sila ay sama-samang nagsasalo sa grasya o biyayang kaloob sa kanila. Dahil sa mataas na pananampalataya ng pamilya, nahuhubog ang mga pagpapahalaga tulad ng paggalang, pagpapakumbaba, pag-asa, katatagan at pagtitimpi. Sa loob ng bahay dalanginan, simbahan, moske o sambahan, ang mga anak ay tinuturuang magbigay galang sa Diyos o kay Allah. Ang mga anak ay tinuturuang magpakumbaba at humingi ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Tinuturuan din ang mga anak na 13

humiling sa Diyos o kay Allah na magkaroon ng pag-asa na ibibigay ang kanilang kahilingan. Kung dumaranas naman ng paghihirap ang pamilya, sinasabihan ang mga anak na maging matatag dahil ang Diyos o si Allah ay gumagabay sa kanila. pinapayuhan ang mga anak na maging mapagtimpi at magtiis upang malagpasan ang mga ito. Ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa pakikipagkapwa. Ganoon din, sa panahon ng mga tukso,

PAGHINUHA NG KAKAILANGANING PAG-UNAWA (EU) A. Itanong: Ano ang naunawaan mong mahalagang konsepto sa babasahin? Isulat ito gamit ang graphic organizer sa ibaba.

Maituturing na ang pamilya ay _____________ na institusyon ng

Nagpapaunlad ng sarili tungo sa mabuting ______________________

__________________________________ ______________________

Ang EU na dapat mahinuha: Ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa pakikipagk B. Maikling Pagsusulit 1. Ipahayag ang sariling damdamin: Paano mo iuugnay sa kosepto ng aralin ang pagsisikap ng pamilyang walang sariling bahay o tahanan at naghihirap subalit pinipilit na maging mabuting miyembro ng pamilya at lipunan? (3 points) 2. Ipaliwanag ang kaugnayan ng pagiging kasapi ng pamilya sa pakikisalamuha sa ibang tao o sa kapwa? (3 points) 3. Bakit dapat panatilihin ang katatagan ng pamilya? (3 points) 4. Magbigay ng tatlong pagpapahalagang natutunan sa pamilya na magagamit sa pakikipagkapwa (6 points) D. PAGGANAP, PAGNINILAY AT PAGSASABUHAY (TRANSFER) 14 sa pamamagitan ng pagbuo ng isang produkto o pagpapamalas ng Dito na ihahanda ng bawat mag-aaral ang inaasahang pagganap isang kasanayan (skill). Sa araling ito, patutunayan ng mag-aaral na ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya. Gagawa rin ng pagninilay ang mag-aaral tungkol sa halaga ng pamilya sa pakikipagkapwa. At sa pagsasabuhay, ang mag-aaral ay hinihimok na makipag-ugnayan sa kanyang pamilya upang pag-usapan ang mga pagpapahalagang

PAGGANAP Ipagawa ang sumusunod Output/Pagganap: Ang bawat mag-aaral ay magbibigay ng patunay na ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya 1. Hayaang magbigay ang mga mag-aaral ng patunay na ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya 2. Maaaring gawin nila ito sa pamamagitan ng pagsulat sa journal, diary, o gumawa ng clippings o profile ng kanilang pamilya na may kasamang sariling pagninilay tungkol sa output 3. Kraytirya sa pagsasagawa ng output/pagganap a. Patunay na ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya b. Maayos na paliwanag bawat patunay c. Nilakipan ng sariling pagninilay

15

Kraytirya 1. Patunay na ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya 2. Maayos na paliwanag bawat patunay 3. Nilakipan ng sariling pagninilay - May naging karanasan sa pagsasagawa ng gawain - May makabuluhang aral na natutuhan - Komitment na ipagpatuloy ang gawain PAGNINILAY

Napakahusay Nakasulat o nakagawa ng 3 patunay na ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya Maayos ang paliwanag sa 3 patunay Kompleto ang 3 bahagi ng pagninilay

Mahusay Nakasulat o nakagawa ng 2 patunay na ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya Maayos ang paliwanag sa 2 patunay lamang Kompleto ang 2 bahagi ng pagninilay

Hindi Mahusay Nakasulat o nakagawa ng 1 patunay na ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya Maayos ang paliwanag sa 1 patunay lamang Kompleto ang 1 bahagi ng pagninilay

Ipasulat sa mga mag-aaral ang isang pagninilay tungkol sa halaga ng pamilya sa pakikipagkapwa (FU: Pagkilala sa Sarili) Kraytirya sa gagawing pagninilay Paglalahad ng nahinuhang aral naging aralin Paglalahad ng mga nais na tandaan tungkol sa halaga ng kanyang pamilya na nahinuha sa paksa

PAGSASABUHAY Ipagawa ang sumusunod: 1. Sa isang gawaing pampamilya, pagtitipon o okasyon na kung saan ang buong mag-anak ay magkakasama, himukin ang mga kapamilya na magbahagi ng kanilang karanasan na naibahagi nila sa kaibigan o kakilala ang isang pagpapahalaga o mabuting pag-uugali na nagmula sa kanilang pamilya. 2. Kung walang pagkakataon na magkasamasama ang buong pamilya, maaaring ang isang miyembro ng pamilya ang maaaring kausapin o kapanayamin. 3. Isulat sa journal ang naging buod ng pag-uusap at lakipan isang maikling pagninilay 16

Mga Kakailanganing Kagamitan (websites, software, mga aklat, worksheet)


Mga Sanggunian: Apostolic Exhortation of His Holiness, Pope John Paul II on the Role of the Christian Family in the Modern World (1995) Familiaris Consortio. Pasay City: Daughters of St. Paul. Catholic Bishops Conference of the Philippines. (2004). Compedium of the Social Doctrine of the Church. Makati City: Word & Life Publications. Lana, Tamerlane R., OP, et.al. (2009). Marriage and Family: A Life of Love and Commitment. Manila: UST Publishing House. Santos, Caesar R. et.al. (____). A Theology Course on Marriage and the Family for University Students: Conjugal Communion. Pasig City: University of Asia and the Pacific.

17

Unang Markahan : Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa

Aralin 2: Ang Halaga ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya at Pakikitungo sa Kapwa Antas 1 Pamantayan sa Pagganap:

Bilang ng araw/sesyon: 3-4

Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan, Ang mag-aaral ay nakabubuo ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng pakikitungo sa katangian at layunin ng pamilya sa pagpapaunlad ng pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa pakikipagkapwa Ang mga kakailanganing gawain sa bawat aralin ay ang sumusunod: 5. Pagbibigay ng mga patunay na ang pamilya ay natural na institusyon ng Mga Paksa: pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya 6. Pagbuo ng mga paraan upang mapaunlad ang komunikasyon o pag-uusap sa 5. Ang pamilya bilang natural na institusyon ng pamilya pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya 6. Ang halaga ng komunikasyon pagpapatatag ng pamilya at 7. Paghubog ng pagpapahalaga o birtud na magpapatatag ng pakikipagkapwa. 8. Pagbuo ng mga paraan ng pagtulong ng pamilya sa pamayanan sa pakikitungo sa kapwa 7. Napatatatag ng pakikipagkapwa ang pamilya 8. Ang pamilya sa pamayanan Kakailanganin sa Pag-unawa sa Unang Markahan: Mahalagang Tanong sa Unang Markahan: Ang mga pagpapahalagang natutuhan sa loob ng pamilya ay Bakit mahalaga ang pamilya sa pakikipagkapwa at ganoon din ang pakikipagkapwa nakaiimpluwensya sa pakikitungo sa kapwa, ganoon din, ang sa pamilya? mga pagpapahalagang nakuha sa pakikipagkapwa ay nakatutulong sa pagpapatatag ng pamilya. Kakailanganin sa Pag-unawa sa Aralin 2 Ang bukas at maayos na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng pamilya at sa pakikitungo sa kapwa Nauunawaan ng mag-aaral ang: (Mga Kaalaman) a. Halaga ng komunikasyon sa pamilya b. Halaga ng komunikasyon sa pakikipagkapwa Mahalagang Tanong sa Aralin 2 Bakit mahalaga ang bukas na komunikasyon sa pamilya at sa pakikipagkapwa?

Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng mga sumusunod: (Mga Kasanayan) a. Nakapagpapamalas ng ibat ibang uri ng komunikasyon sa pamilya b. Nasusuri ang isang naging suliranin ng pamilya dahil sa komunikasyon at ang naging solusyon ay komunikasyon din c. Patunayang ang bukas na komunikasyon ay daan sa pagpapatatag ng pamilya 18

Inaasahang Pagganap: Pagbuo ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng pakikitungo sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa

at sa mabuting pakikitungo sa kapwa d. Nakabubuo ng paraan upang mapaunlad ang komunikasyon sa pamilya e. Nakapagninilay sa tungkol sa mga sariling pagkukulang sa pagpapanatili ng mabuti at bukas na komunikasyon sa mga kapamilya at kapwa f. Naisasagawa ang plano para sa pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya Antas 2 Mga Patunay sa Antas ng Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa: Pagganap: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: Pagpapaliwanag Pagtataya ng pagsasagawa Pagpapatunay na ang bukas na komunikasyon ay daan sa pagpapatatag ng pamilya at sa ng mga angkop na hakbang pagkakaroon ng mabuting pakikitungo sa kapwa sa pagpapaunlad ng Kraytirya: pakikitungo sa pamilya tungo - Maayos ang pagpapaliwanag sa mabuting pakikipagkapwa, - Bumanggit ng mga katunayang magpapatatag ng paliwanag batay sa sumusunod na kraytirya Interpretasyon Pagtukoy sa mga kahulugan ng ibat ibang paraan ng komunikasyon sa pamilya at kapwa f. Natukoy ang mga patunay Kraytirya: na likas na institusyon ang - Nabanggit ang ibat ibang paraan ng komunikasyon sa pamilya at kapwa pamilya - Natukoy ang kahulugan ng ibat ibang paraan ng komunikasyon sa pamilya at kapwa g. Natukoy ang mga pagpapahalaga at birtud Paglalapat na nahubog mula sa Pagtukoy ng mga paraan upang maitaguyod ang bukas na komunikasyon sa pamilya at kapwa pamilya at ginagamit sa Kraytirya: pakikipagkapwa - Malinaw ang mga paraang binanggit h. Natukoy ang mga - Maliwanag ang mga gawaing kaugnay ng mga paraang binanggit pagpapahalagang nahubog sa Pagbuo ng Sariling Pananaw pakikipagkapwa na Pagpapahayag ang sariling pananaw tungkol sa mga alitan sa pamilya at kapwa na nagmula sa nakatutulong sa kawalan ng maayos na komunikasyon pagpapatatag ng pamilya Kraytirya: i. Natukoy ang mga paraan - Nabanggit ang mga alitan sa pamilya at kapwa na nagmula sa kawalan ng maayos na upang mapaunlad ng komunikasyon pamilya ang - Maliwanag ang mga katwiran at opinyong ipinahayag pakikipagkapwa j. Nilakipan ng pagninilay Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng Iba Pagpapahayag ang damdamin sa mga taong pinipiling mapag-isa kaysa makipag-ugnayan o 19

makipag-usap sa iba Kraytirya: - Natukoy ang hirap na nadarama ng taong ayaw makipag-ugnayan sa kapwa o nahihirapang makipag-ugnayan sa kapwa - Naibahagi ang dapat gawin upang maging bukas ang pakikipag-ugnayan sa iba Pagkilala sa Sarili Pagtukoy ng reyalisasyon o napagtantong katotohanan tungkol sa kahalagahan ng bukas na komunikasyon sa pakikitungo sa pamilya at kapwa Kraytirya: - Natukoy ang mga natutuhan sa aralin - Nilakipan ng pagninilay Antas 3 Plano ng Patuturo-Pagkatuto Aralin 2: Ang halaga ng komuikasyon sa pagpapatatag ng pamilya at pakikitungo sa kapwa PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE) Sa bahaging ito, kinukuha ng guro ang atensyon at interes ng mag-aaral tungo sa paghinuha ng mga malalaking ideya at mga pagganap na angkop sa paksang Ang Halaga ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya at sa Pakikitungo sa Kapwa. Mula sa gawain sa Pagsisiyasat, pagbasa at pagbibigay ng solusyon sa bawat sitwasyon, mahihinuha mayroong ibat ibang suliranin sa komunikasyon ang mga pamilya. Samantala, sa Pagtuklas ng Dating Kaalaman, ang magpapamalas ng paraan ng komunikasyon sa pamilya. Mmahihinuha rito na mahalaga ang komunikasyon sa pamilya. Ipasagot, ang mga tanong pagkatapos ng gawain bilang gabay sa mga mag-aaral tungo sa paghinuha ng mga Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) at mga Mahahalagang Tanong (EQ). Ang sagot ng mga mag-aaral sa bahaging ito ay pansamantala lamang ibig sabihin, pauunlarin nila ang mga ito sa mga susunod na bahagi. Magkakaroon din sila ng ideya tungkol sa inaasahang produkto o pagganap na ipamamalas nila sa araling ito. Lilinangin ang Anim na Aspekto ng Pag-unawa mula sa bahaging ito hanggang sa bahaging Transfer, sa Pagsasabuhay.

20

Pagsisiyasat Ipabasa ang sumusunod na sitwasyon at ipasulat ang kanilang sagot. 1. Nasa ibang bansa ang ama ni Melissa. Tuwing katapusan ng buwan, tumatawag siya sa telepono at nagpapadala ng pera. Naglaon, tuwing katapusan, nagpapadala pa rin ng pera ang kanyang ama, subalit hindi na ito tumatawag. Sa inyong palagay, ano ang dapat gawin nina Melissa? Ipaliwanag ang sagot. 2. Tuwing magigising si Julio ay handa na ang kanyang pagkain. Maliligo at kakain na lamang siya bago pumasok ng paaralan. Parehong nagtatrabaho ang kanyang mga magulang at nasa dormitory ng kolehiyo ang kanyang ate. Nais sana ni Julio na hingin ang payo ng kanyang mga magulang tungkol sa pagsali sa isang paligsahan sa paaralan, subalit laging silang abala. Malungkot na kumakain na mag-isa si Julio? Ano ang dapat niyang gawin? Ipaliwanag ang sagot. 3. Tuwing hapon, nakasanayan ng anim na taon at bunsong kapatid ni Mila na hintayin niya ang kanilang mga magulang. Nais ni Milang ipaliwanag sa bunsong kapatid na dalawang taon pa bago umuwi ang kanilang mga magulang dahil nasa ibang bansa na ang mga ito. Kung ikaw si Mila, paano mo ito ipaliliwanag sa iyong bunsong kapatid? Pagtuklas ng Dating Kaalaman Magpamalas ang bawat pangkat ng paraan ng komunikasyong nagaganap sa pagitan ng magulang at anak Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Magpakita sa klase ng isang uri ng komunikasyong nagaganap sa pagitan ng magulang at anak

Mga Tanong Sino-sino sa inyong pamilya ang madalas mong kausap? Maayos ba ang komunikasyon ninyo sa inyong pamilya? Ipaliwanag.

KARANASAN TUNGO SA PAG-UNAWA (FIRM-UP) Ito ang bahagi kung saan susuriin ng bawat mag-aaral ang kanyang sarili tungkol sa mga malalaking ideya na lilinangin sa aralin. Mula sa pagsisiyasat ng ibat ibang nagaganap na pag-uusap at komunikasyon o pag-uusap sa pamilya, sa bahaging ito, gugunitain ang isang pagkakataon na nagkaroon ng suliranin sa pamilya at komunikasyon ang naging dahilan at komunikasyon din ang naging solusyon. Maaari ng matukoy ng mag-aaral ang kakailanganing pag-unawa o ang mga sagot sa kanilang tanong. 21

Ipagawa ang sumusunod: 1. Pangkatin ang klase na may 7-8 miyembro 2. Hayaang pumili ang bawat pangkat ng isang tagapagsalita at isang tagasulat 3. Pag-usapan ng klase ang kanilang sagot sagot sa bawat tanong na nakasulat sa kolum 2-4 4. Ipabahagi sa klase ang naging sagot ng pangkat

Sitwasyon

Ano ang karaniwang sitwasyon ng pamilya pagdating sa komunikasyon?

Ano ang dapat gawin ng bawat kapamilya upang magkaroon ng maayos na komunikasyon sa pamilya?

Bakit mahalaga ang bukas at maayos na komunikasyon sa pamilya at kapwa?

1. Mga magulang na parehong nagtatrabaho at ang mga anak ay naiiwan sa mga katulong 2. Ang isa sa mga magulang ay nagtatrabaho sa ibang bansa at ang mga anak ay nakatirang kasama ang isa sa mga magulang at iba pang kamag-anak 3. Ang parehong magulang ay nagtatrabaho sa ibang bansa at ang mga anak ay nakatira sa mga kamaganak 4. Ang mga magulang ay parehong walang trabaho, binibigyan ng sustento ng mga kamag-anak

Mga Tanong: 1. Bakit mahalagang manatili ang bukas na komunikasyon sa pamilya kahit na magkakalayo ang mga miyembro nito? 2. Bakit ang suliranin sa komunikasyon sa pamilya ay natutugunan din sa pamamagitan din ng komunikasyon? 22

C.

PAGPAPALALIM (DEEPEN) Dito pagtitibayin ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga kaalaman ng mga eksperto

(expert systems of knowledge), gamit ang isang sanaysay o babasahin na binuo ng manunulat ng Gabay sa Pagtuturo. Layunin ng bahaging ito na balikan ng mga mag-aaral ang kanilang mga dating kaalaman sa paksa at baguhin o pinuhin ito batay sa mga impormasyong inilahad sa babasahin. Ang mga tanong sa ibaba ng babasahin ang naglalayong linangin sa mga mag-aaral ang kakayahang mahinuha ang mga Kakailangan sa Pang-unawa (EUs). Ilalahad ng mga mag-aaral ang mga ito gamit ang speech balloon bilang gabay nila sa paghinuha ng mga mahahalagang konsepto. Kasunod nito ang maikling pagsubok.

Ipabasa ang babasahin sa ibaba at ipatalakay ang mahahalagang konseptong o Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) na nakapaloob dito. Halaga ng Komunikasyon sa Pamilya Sa modernong panahon, abala ang karamihan sa mga makabagong teknolohiya tulad ng paggamit ng computer at cellular phones, nalilimitahan ang pagkakataong mag-usap ng personal ang bawat miyembro ng pamilya. Ang harapang pag-uusap ng magulang at anak, anak at anak at ng iba pang miyembro ng pamilya ay nababawasan. Higit sa lahat, kumusta ang komunikasyon ng mga miyembro ng pamilya na hindi maaaring magkita dahil ang ibang miyembro ay nasa ibang lugar o nasa ibang bansa? Komunikasyon ng Mag-anak na Pinaglayo ng Trabaho sa Ibang Bansa Ayon sa ulat ni Augustus T. Anonuevo, Understanding the Duality of Overseas Filipino Migration, mayroong humigit kumulang sampung porsyento (10%) ng populasyon ng Pilipipinas ang nagtatrabaho sa ibang bansa. Mayroong halos 8.2 milyong Pilipino na nakatira at nagtatrabaho sa 193 bansa at sa mga barkong naglalayag sa buong mundo. Mula naman sa ulat ni Estrella Mai Dizon-Anonuevo, Migration and Its Impact on the Children Left Behind, marami sa mga anak ng mga manggagawa sa ibang bansa ang hindi nakababatid ng tunay na kalagayan ng pagtatrabaho ng kanilang mga magulang. Kung alam man nila ang trabaho ng kanilang mga magulang, hindi naman nila alam ang hirap at pagdurusang kanilang dinadanas dahil sa impresyong nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang kaya kumportable ang buhay nila roon. Ayon pa kay E. Anonuevo, ipinaaalam lamang ng mga magulang ang positibong larawan ng lugar ng kanilang trabaho. Hindi nila sinasabi ang diskriminasyon o anumang hirap nilang dinaranas. Inilalarawan nila ang mga magagandang bahay, mamahaling sasakyan, marangyang 23

handaan, at pagbisita sa magagandang lugar. Dahil dito mayroong mga anak na ang kanilang pakiramdam ay iniwan sila sa isang miserableng buhay dito sa ating bansa habang nabubuhay ang mga magulang sa marangyang lugar. Ang mga anak, anuman ang edad ay nararapat na mabigyan ng tamang impormasyon tungkol sa kalagayan ng kanilang pamilya. Sa tamang paraan ng komunikasyon, kayang tanggapin ng mga anak na hiwalay na ang kanilang mga magulang, nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang o napakahirap ng kanilang buhay. Minsan daw ay tinanong ni E. Anonuevo ang isang migranteng nagtatrabaho sa Hong Kong kung bakit hindi niya sinasabi sa kanyang pamilya ang kanyang problema. Ang tugon daw sa kanya ay dahil wala namang maitutulong ang kanyang pamilya sa kanyang sitwasyon at suliranin. Ngunit ayon sa kanya, kahit ano pa man ang sitwasyon ng manggagawa sa ibang lugar, nararapat na alam ito ng kanyang mga kamaganak. Ganoon din, kung may suliranin ang mga kaanak dito sa Pilipinas, hindi nila ito pinararating sa mga nasa ibang bansa. Iniisip nila na hindi na dapat mag-alala ang kamag-anak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Kaya kung minsan, kapag umuwi na lamang sa Pilipinas, nalalaman ang tunay na sitwasyon o kalagayan ng mga kaanak na naiwan. Ayon pa sa ulat, ang komunikasyon sa pagitan ng mga kaanak ay nasa pinansyal na aspeto lamang. Ang kawalan ng bukas at maayos na komunikasyon ay nananatili hanggang dumaan ang mahabang panahon. Bagamat sinasabing moderno at mura na ang paraan ng komunikasyon, ang mahabang pag-uusap sa telepono ay nakasentro pa rin sa pagpapadala ng pera. Nawawala na ang kalidad komunikasyon. Ang komunikasyon ay mahalaga sa paghubog ng mabuting relasyon ng mga magulang at mga anak lalo na kung sila ay magkalayo. Nararapat nilang pag-usapan ang kanilang mga suliranin, alalahanin at paghihirap. Higit sa lahat, nararapat na himukin ang mga anak na magsabi sa mga magulang ng kanilang mga hinaing at damdamin kahit gaano pa man ito kahirap. Himukin ding ibahagi sa kanila ang kanilang mga tagumpay at kasiyahan. Ang pagsulat sa bawat isa ay kailangan ding gawin upang higit na masabi ang kanilang mga saloobin kaysa sa simpleng tawagan lamang. Higit sa lahat, hinihimuk din ang mga manggagawa sa ibang bansa na ibahagi sa kanilang mga kaanak ang lahat ng kanilang karanasan. Ang ganitong komunikasyon ay naglalapit sa bawat isa. Komunikasyon ng Pamilya na nasa Iisang Tahanan Ang layunin na maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga anak ay ang pinagkakaabalahan ng mga magulang. paghahanap ng ikabubuhay ng kanilang mga anak. komunikasyon. Ano-ano ang mabuti at di-mabuting dulot ng mga makabagong paraan ng komunikasyon? Ipinapalagay ng bawat kasapi ng pamilya na maayos ang komunikasyon ang bawat isa dahil maaari namang mag-usap sa pamamagitan ng 24 Abala sila sa Dahil dito, nagkakaroon ng pagkakataong magamit ang mga makabagong paraan ng

cellular phone. Maaaring ipadaan sa makabagong telepono ang mensahe ng bawat kasapi ng pamilya. Ang sabi nga raw sa patalastas ng isang sikat na prankisa ng telepono, higit na nagkakaugnay-ugnay at nagkakalapit ang bawat kasapi ng pamilya at kaibigan kahit na sila ay nasa magkakaibang panig ng daigdig dahil sa lakas ng signal ng kanilang telepono. Subalit maaari na ba talagang ipalit ang pag-uusap sa telepono sa harapang pag-uusap? Mapapansin na sa pag-uusap gamit ang telepono, nagiging teknikal ang bawat galaw. Minamadali at pinapasimple ang bawat salita kaya importanteng mensahe na lamang talaga ang naipararating dahil ang bawat piso ay mahalaga. Ang pag-uusap sa telepono ay binabayaran. Kung wala kang pera, hindi ka makapagpapadala ng mensahe. Kaya kapag tinanong ang anak kung bakit ito hindi nagpadala ng mensahe na hindi pala siya makauuwi sa takdang oras, malamang ang isagot ay wala siyang pambili ng load. Kapag naubos ang karga ng baterya at naiwan ang baterya, malamang walang mensaheng matanggap o maipadala. Kung mapunta sa lugar na walang signal, malamang hindi rin makatatanggap o makapagpadala ng mensahe. Libre lamang ang harapang pag-uusap subalit bakit madalang itong nagaganap sa ilang pamilya? Harapang Pag-uusap at Usapan sa Telepono, Sulat o Internet Ang pag-uusap ng harapan ay mayroong mga mabubuting dulot tulad ng sumusunod: 1. Naipakikita ng angkop na emosyon sa harapang pag-uusap. Kung natutuwa ang anak na ibalita ang kanyang pagpasa sa pagsusulit, makikita ang saya sa mukha at ang sigla sa kanyang kilos. Kapag narinig naman ito ng kanyang mga magulang at kapatid, ganito ring emosyon ang makikita. Kung malungkot naman ang sasabihin ng isang miyembro ng pamilya, madarama rin ng mga kasapi ang kalungkutang ibinahagi. 2. Walang gastos sa harapang pag-uusap. Hindi kailangang gumasta sa harapang pag-uusap. Basta naroon ang mga miyembro ng pamilya, malaya ang bawat isa na mag-usap. 3. Malawak ang paksang maaaring pag-usapan sa harapang pag-uusap. Kapag nagkaharap-harap ang mga miyembro ng pamilya, maaari nilang pag-usapan ang lahat ng bagay tungkol sa kanilang pamumuhay. Kung minsan, hindi nila napapansing humahaba at napupunta sa ibang paksa ang kanilang pag-uusap. 4. Maaaring itakda sa anumang bahagi ng tahanan ang pag-uusap. Kapag samasama ang buong pamilya sa sala, kainan o tulugan, maaaring silang mag-usap. 5. Higit na nagkakalapit ang samahan ng bawat miyembro ng pamilya sa harapang pag-uusap. Dahil bukas ang komunikasyon, nagkakaroon ng pagkakataong mapatibay ang samahan ng bawat miyembro ng pamilya. Hindi nahihiyang magtapat ng suliranin ang mga 25 Ang isasagot kapag ganito ang iyong tanong ay malamang na, ang bawat miyembro ay walang panahon o abala kaya higit na maginhawa ang pagpapadala ng mensahe sa telepono.

magulang sa kanilang mga anak at ganoon din ang mga anak sa

mga magulang.

Malayang sinasabi ng anak ang lahat ng

nararamdaman at ang lahat ng kanyang mga suliranin. Walang itinatago o sekreto ang bawat miyembro ng pamilya. 6. Nagiging isang mahalagang okasyon para sa buong pamilya ang harapang pag-uusap. Ang lahat ng kasapi ay naglalaan ng panahon para sa sama-samang pag-uusap ng pamilya na tinatawag nilang bonding moment. Kung ang ibang miyembro ng pamilya ay nasa ibang bansa o nasa malayong probinsiya, maaaring ang telepono, sulat at internet ang paraan ng kanilang komunikasyon. Kung ganito ang sitwasyon ng pamilya, sikaping maging makabuluhan ang bawat pag-uusap. Dapat pa ring ipahayag ang nilalaman ng damdamin ng bawat isa. Sikapin na ang mga dulot ng harapang pag-uusap ay makamit rin sa komunikasyon sa telepono, sulat at internet. Ayon kay Leandro C. Villanueva, may mga hadlang sa komunikasyon. Maraming dahilan kung bakit may mga taong nauumid makipag-usap sa kapwa, at may pag-aasawahang hindi nakararating sa lalong malamim na ugnayan o sagarang komunikasyon. Binanggit nya ang mga sanhi, dahilan o hadlang sa komunikasyon. 1. Umid o walang kibo. Ang pagkaumid o pagtatago ng saloobin ay parang pagbabakod ng sarili hindi ito mapapasok ng iba. Ayon kay Villanueva, mahirap umunlad ang pagkatao at pakikisama ng taong ayaw magpahayag ng sariling kaisipan at damdamin o tumanggap ng saloobin ng kapwa. Mayroong mga taong pinipili ang manahimik kaysa magsalita ng masakit sa kapwa. Subalit dahil sa kanyang pananahimik nagkakaroon naman ng pagtatampo o hindi mabuting saloobin ang taong hindi niya kinakausap. Sinasabi na karamihan sa kalalakihan ay ganito. Matipid sila sa pananalita samantalang karamihan sa kababaihan ay ipinahahayag ang kanilang damdamin. Sa ganitong pagkakataon, kailangang unawain ng bawat isa ang kanilang sitwasyon. tamang pagkakataon upang mag-usap at bigyan ng solusyon ang kanilang suliranin. 2. Mali o Magkaibang pananaw. Kung ang pagpapahalaga at pananaw ng bawat isa ay magkakaiba, nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Kung tinitingnan ng isa na higit siyang tama o higit siyang magaling, maaaring hindi sila magkaunawaan lalo na kung nararamdaman ng taong kausap na siya ay minamaliit o hinahamak. Halimbawa, higit na mataas ang pinag-aralan ng babae kaysa sa lalaki. Kung ipinamumukha at sinasabi sa lalaki na mali at hindi niya alam ang kanyang ginagawa, masasaktan ang kanyang damdamin. Kung ganito palagi ang pangyayari, magkakaroon sila ng suliranin. Ayon kay Villnueva, sa ganitong pagkakataon, kailangang manaig at pahigitin ang pag-ibig. 3. Inis o ilag sa kausap. Mayroong mga taong tila namimili ng kausap. Kapag pakiramdam nila, wala sila sa kondisyon makipag-usap, hindi sila kumikibo. May mga taong umiiwas na makipag-usap lalo na kung pakiramdam nila ay wala sa katwiran ang kausap. Ayon 26 Maaaring hintayin ang

kay Villanueva, ang kasiraan o kapintasan ng kabiyak ay hindi dapat suklian ng kapwa sira at kamalian. Kung umiiwas ang magasawa na mag-usap dahil pakiramdam niya ay hindi mabuti itong kausap, pairalin ang pagmamahal. kabiyak, bukas at maayos na pag-uusap pa rin ang magiging solusyon. 4. Daramdamin o Diribdibin. Iniisip minsan ng tao na magdaramdam o diribdibin ng kausap ang maaari niyang sabihin kaya Ang halimbawa na ginamit ni Villanueva ay kung sisitahin ni Mister si Misis sa kanyang pag-susugal, Sikaping mangibabaw sa sitwasyon at huwag pairalin ang pagiging nananahimik na lamang siya. Isipin na nang pakasalan ang taong ito, pinakasalan na rin niya ang kanyang kapintasan at kamalian. Kung nais naman itama ang kamalian o kapintasan ng

iniisip niyang baka isumbat ni Misis ang kanyang pag-iinom ng alak. Huwag paabutin na lumala ang pareho nilang bisyo. Kailangan nilang mag-usap at makaunawaan ang mag-asawa. maramdamin. Itaguyod ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa pamilya. Nagpahayag si Villanueva ng limang paraan para sa mabuting komunikasyon. 1. Mapanlikha o malikhain (creativity). Kailangang gamitin ng tao ang kanyang talino at mapanlikha o malikhaing isipan sa pagtuklas ng mabuting paraan ng pagpapahayag ng kanyang sasabihin. Maghintay ng tamang panahon at ng wastong lugar, at itaon din na nasa magandang pakiramdam ang sarili at ang kakausapin. Kung may dinaramdam naman ay maghunos-dili at ilagay muna sa kondisyon ang sarili, gayundin ang kakaharapin. Maaaring magbigay ng bulaklak kung nagtatampo ang kakausapin. Maaaring ipagluto ng masarap na ulam ang kakausapin upang mabawasan ang kanyang galit o tampo. 2. Alaala at malasakit (care and concern). Magkaroon ng malasakit at galang sa kausap sinuman o anuman ang kanyang katayuan o nalalaman. Kahit na bata, katulong sa bahay o pulubi ang kausap, isiping mayroong kayong pantay na dignidad at karapatan. Kahit itinuturing na mababa ang kanilang kalagayan sa lipunan, humingi ng paumanhin sa kanila kung nasaktan mo ang kanilang damdamin. 3. Hayag o bukas (co-operativeness/openness). Sa pakikipag-usap, maging bukas lagi at manatiling tapat lalo na sa mag-asawa. Huwag hanapin ang sariling katangian sa kausap. Huwag sukatin ang kausap sa kanyang kapintasan at kamangmangan. Tanggapin ang kausap bilang isang taong mayroong dignidad at karapatan. Halimbawa, nasira ng inyong katulong ang inyong computer dahil pinakialaman niya ito. Huwag magbitaw ng masasakit na salita. Bigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag at kung mayroon siyang pinsalang nagawa, pag-usapan kung ano ang dapat gawin. 4. Atin-atin (personal). Mabuti sa magkakasambahay ang pagkakaroon ng sama-samang usapan at pagpapalitan ng kuro o magkaroon ng masayang balitaan at pagbabahaginan ng karanasan na maaaring pag-usapan ng pamilya at kaibigan. Subalit mayroong mga 27

suliraning sa pamilya lamang dapat pag-usapan. Kung ang suliranin ay para sa mag-asawa lamang at ang pagsasabi nito sa mga anak ay magdudulot lamang ng kalituhan, kailangan na lutasin ito nang palihim sa mga kasambahay. Ang atin-ating usapan ay hindi pagsasangkot o paninisi sa ibang tao. 5. Lugod o Ligaya (cheery). Ang kaligayahan o lugod ng isang tao sa pakikipag-usap ay nakaaakit sa pagtitiwala ng kaharap. Ang masayang tao ay nakagaganyak sa kapwa na makipagpalagayang-loob, magtiwala at maging bukas sa pakikitungo. Kailangang maging masigla sa pakikipag-usap lalo na sa kabiyak. Isang karagdagang impormasyon galing kay Rev. Fr. Luis A. Tolentino at Zenaida Batac-Catalan tungkol sa isa sa mga paraan upang tumibay ang pagtitiwala ng pagsasama ng mag-asawa. Ayon sa kanila, ang paghingi ng paumanhin ng tapat ay isa sa paraan upang tumibay ang pagtitiwala sa isat isa ng mag-asawa. Kapag buong-puso ang paghingi ng paumanhin, pinalalakas nito ang pagtitiwala ng kabiyak. Mga salitang tulad ng, Nagkamali ako, Naging marahas ako sa iyo, Hindi kita pinakitaan ng paggalang, Hiniya kita sa harap ng iyong mga kaibigan, Hindi ko dapat ginawa iyon, ay mga pahayag ng pag-amin ng kasalanan. Dapat ang mga ito ay bahagi ng usapan kung nagkakaroon ng suliranin lalo na sa komunikasyon. Ayon pa sa kanila, mga taong may integridad at may lakas na loob (courage) lamang ang maaaring magsabi ng mga ito at humingi ng kapatawaran. Ang pagpapatawad ay importanteng birtud sa pagsasama ng mag-asawa. Kailangan ding marinig at maramdaman ng kabiyak ang pagpapatawad upang ganap niyang maramdaman ang pagbabalik ng tiwala ng asawa. Sa kabuuan, ang bukas na komunikasyon ay mahalaga sa pamilya. Dito nagkakaroon ng pagkakataong magkaunawaan at maipadama ang pagmamahal sa bawat isa. Hindi dapat pabayaan na gawing prayoridad ang pagsasabi ng katotohanan sa iba kaysa sa kapamilya. Ang mga sekreto at konpidensyal na mga bagay ay nararapat pag-usapan sa loob ng pamilya kaysa sa labas ng tahanan. PAGHINUHA NG KAKAILANGANING PAG-UNAWA (EU) Itanong: Ano ang naunawaan mong mahalagang konsepto sa babasahin? Isulat ito gamit ang mga kahon sa ibaba.
Ang nahihuha kong mahalagang konsepto sa aralin ay

_____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _______________________________________________________


28

Ang EU na dapat mahinuha: Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng pamilya at sa pakikitungo sa kapwa B. Maikling Pagsusulit 1. 2. 3. 4. 5. 6. Patunayang ang bukas na komunikasyon ay daan sa pagpapatatag ng pamilya at sa mabuting pakikitungo sa kapwa Tukuyin ang mga kahulugan ng ibat ibang paraan ng komunikasyon sa pamilya at kapwa Tukuyin ang mga paraan upang maitaguyod ang bukas na komunikasyon sa pamilya at kapwa Ipahayag ang sariling pananaw tungkol sa mga alitan sa pamilya at kapwa na nagmula sa kawalan ng maayos na komunikasyon Ipahayag ang damdamin sa mga taong pinipiling mapag-isa kaysa makipag-ugnayan o makipag-usap sa iba Tukuyin ang reyalisasyon o napagtantong katotohanan tungkol sa kahalagahan ng bukas na komunikasyon sa pakikitungo sa pamilya at kapwa

PAGGANAP, PAGNINILAY AT PAGSASABUHAY (TRANSFER) Dito na ihahanda ng bawat mag-aaral ang inaasahang pagganap sa pamamagitan ng pagbuo ng isang produkto o pagpapamalas ng isang kasanayan (skill). Sa araling ito, hayaang magnilay ang mga mag-aaral tungkol sa mga suliranin sa komunikasyon sa kanilang pamilya. Magpabuo ng mga paraan upang malutas ang suliranin sa komunikasyon sa pamilya. Kung wala namang suliranin, maaaring bumuo ng paraan upang lalo pang mapaunlad ang komunikasyon sa pamilya. Hayan ding magnilay ang mag-aaral tungkol sa mga sariling pagkukulang sa pagpapanatili ng mabuti at bukas na komunikasyon sa mga kapamilya at kapwa. Sa tahanan, maaaring magplano ang mag-aaral sa isang okasyon o pagdiriwang sa pamilya ng isang laro, panonood ng pelikula o simpleng kwentuhan. Hihimukin ng mag-aaral na magbahagi ng karanasan o anumang magandang pag-usapan ng pamilya. Susulat sa journal ang mag-aaral ng kanyang mga natutuhan sa gawain. Bigyang linaw ang kraytirya sa ginawa. Upang tuluyang maisabuhay ang pagtupad ng mga tungkuling tinukoy, magpagawa ng komitment sa mag-aaral. Ang mga nabanggit ay mga mungkahing paraan ng pagganap, pagninilay at pagsasabuhay. Maaari ring hayaan ang mag-aaral na magpasya kung paano nila gagawin ang pagganap, pagninilay at pagsasabuhay. Ang mahalaga ay malinaw ang mga kraytirya para rito.

PAGGANAP Ipagawa ang sumusunod: 1. Magnilay at isipin ang mga suliranin sa komunikasyon o pag-uusap sa pamilya. 2. Isulat sa isang malinis na papel ang suliranin sa komunikasyon o pag-uusap sa pamilya. 3. Bumuo ng mga paraan upang malutas ang suliranin sa komunikasyon o pag-uusap sa pamilya. Kung wala namang suliranin sa komunikasyon 29

o pag-uusap sa pamilya, bumuo ng paraan upang lalong mapaunlad ang komunikasyon o pag-uusap sa pamilya. 4. Gumawa ng pagninilay tungkol sa nahinuhang halaga ng komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya 5. Gamiting bataya ang sumusunod na kraytirya sa pagbuo ng mga paraan sa pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya: a. Natukoy ang mga positibong paraan ng pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya b. Nakapagbigay ng malinaw ng paliwanag sa bawat paraang gagawin Kraytirya a.Natukoy ang mga positibong paraan ng pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya b.Nakapagbigay ng malinaw na paliwanag sa bawat paraang gagawin c.Nilakipan ng pagninilay upang makita ang nahinuhang halaga ng komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya: Napakahusay Natukoy ang 5 o higit pang positibong paraan ng pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya May paliwanag ang lahat ng paraang gagawin Kumpleto ang tatlong bahagi ng pagninilay Mahusay Natukoy ang 3 o 4 na positibong paraan ng pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya 1 o 2 paraan ay walang paliwanag Hindi Mahusay Natukoy ang 1 o 2 positibong paraan ng pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya 3 o 4 na paraan ay walang paliwanag Kulang ng 2 ang 3 bahagi ng pagninilay

Kulang ng isa ang 3 bahagi ng pagninilay

pagninilay upang makita ang nahinuhang halaga ng komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya

PAGNINILAY Magpagawa ng pagninilay tungkol sa mga sariling pagkukulang sa pagpapanatili ng bukas at maayos na komunikasyon sa mga kapamilya at kapwa PAGSASABUHAY Ipagawa ang sumusunod: 30

a. Sulatan o magpadala sa facebook (kung ang bawat miyembro ng pamilya at kaibigan ay may facebook account) ng liham pasasalamat sa lahat ng miyebro ng pamilya at sa iyong tatlong piling kaibigan. b. Isulat o ipadala ang mensahe na nagpapahayag ng halaga ng komunikasyon sa bawat miyembro ng pamilya at sa mga piling kaibigan Mga Kakailanganing Kagamitan (websites, software, mga aklat, worksheet) Mga Sanggunian: Tolentino, Ruiz A, et. al (2005). Gabay sa Pamilya. Pasay City: Paulines Publishing House. Villanueva, Leandro C. (2003). At Silang Dalaway Magiging Isa. Pasay City: Paulines Publishing House.

Unang Markahan : Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa Pamantayang Pangnilalaman:

Aralin 3: Napatatatag ng Pakikipagkapwa ang Pamilya Antas 1 Pamantayan sa Pagganap:

Bilang ng araw/sesyon: 3 - 4

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan, katangian at Ang mag-aaral ay nakabubuo ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng layunin ng pamilya sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa pakikitungo sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa Mga Paksa: 9. Ang pamilya bilang natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya 10. Ang halaga ng komunikasyon pagpapatatag ng pamilya at sa pakikitungo sa kapwa 11. Napatatatag ng pakikipagkapwa ang pamilya 12. Ang pamilya sa pamayanan Ang mga kakailanganing gawain sa bawat aralin ay ang sumusunod: 9. Pagbibigay ng mga patunay na ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya 10.Pagbuo ng mga paraan upang mapaunlad ang komunikasyon o pag-uusap sa pamilya 11.Pagbuo ng paraan ng pagpapatatag ng mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa 12.Pagbuo ng mga paraan ng pagtulong ng pamilya sa pamayanan Mahalagang Tanong sa Unang Markahan: Bakit mahalaga ang pamilya sa pakikipagkapwa at ganoon din ang pakikipagkapwa sa pamilya?

Kakailanganin sa Pag-unawa sa Unang Markahan: Ang mga pagpapahalagang natutuhan sa loob ng pamilya ay nakaiimpluwensya sa pakikitungo sa kapwa, ganoon din, ang mga pagpapahalagang nakuha sa pakikipagkapwa ay nakatutulong sa pagpapatatag ng pamilya. Kakailanganin sa Pag-unawa sa Aralin 3

Mahalagang Tanong sa Aralin 3 31

Ang pakikisalamuha sa kapwa ay pagkakataon upang mapatibay ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya Nauunawaan ng mag-aaral ang: (Mga Kaalaman) c. Ang pakikipagpakapwa ng pamilya d. Paraan upang mapanatili ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya

Bakit mahalaga ang pakikipagkapwa ng pamilya? Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng mga sumusunod: (Mga Kasanayan) a. Nahihinuha na ang pamilyang marunong makipagkapwa ay kinagigiliwan ng kapwa b. Natutukoy ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya na nagagamit sa pakikipagkapwa c. Natutukoy ang mga suliranin sa komunikasyon sa pamilya na nalapatan ng solusyon d. Naipaliliwanag na napatatatag ng pakikipagkapwa ang pamilya at napatatatag ng pagiging makapamilya ang pakikipagkapwa e. Nakabubuo ng mga paraan ng pagpapatatag ng mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa

Inaasahang Pagganap: Pagbuo ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng pakikitungo sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa

Antas 2 Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa:


Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: Pagpapaliwanag Napatutunayan na ang pakikisalamuha sa kapwa ay pagkakataon upang mapatibay ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya Kraytirya: - Maayos ang pagpapaliwanag - Bumanggit ng mga katunayan na magpapatatag ng paliwanag Interpretasyon Nailalarawan ang uri ng pakikisalamuha sa kapwa ng mga miyembro ng pamilya Kraytirya: - Malinaw ang paglalarawan - Binanggit ang uri ng pakikisalamuha sa kapwa ng mga miyembro ng pamilya Paglalapat Naitatala ang mga paraan ng pagpapaunlad ng pakikisalamuha sa kapwa na

Mga Patunay sa Antas ng Pagganap: Pagtataya ng pagsasagawa ng mga angkop na hakbang sa pagpapaunlad ng pakikitungo sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa, batay sa sumusunod na kraytirya a. Natukoy ang mga patunay na likas na institusyon ang pamilya b. Natukoy ang mga pagpapahalaga at birtud na nahubog mula sa pamilya at ginagamit sa

32

nagpapatibay ng mga pagpapahalagang pampamilya Kraytirya: - Malinaw ang mga itinalang paraan - Makatotohanan ang mga itinalang paraan Pagbuo ng Sariling Pananaw Naibabahagi ng sariling pananaw tungkol sa pagpapanatili ng pamilya sa kanilang pagpapahalaga kahit na nasa gitna ng mga pagsubok at kritisismo ng kapwa Kraytirya: - Malinaw ang inilahad na pananaw o opinyon - Bumanggit ng mga patunay na sumusuporta sa pananaw o opinyon Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba Nailalagay ang sarili sa mga sitwasyong sumusubok sa pamilya sa kasalukuyan tulad ng paghihiwalay, pagtataksil at iba pa. Kraytirya: - Malinaw ang sariling pananaw sa sitwasyon - Binanggit ang paraan upang malagpasan ang sitwasyon Pagkilala sa Sarili Natutukoy ang reyalisasyon o napagtantong katotohanan tungkol sa halaga ng pakikipagkapwa ng pamilya Kraytirya: - Maliwanag ang mga pahayag tungkol sa napagtantong katotohanan - Nilakipan ng pagninilay

pakikipagkapwa c. Natukoy ang mga pagpapahalagang nahubog sa pakikipagkapwa na nakatutulong sa pagpapatatag ng pamilya d. Natukoy ang mga paraan upang mapaunlad ng pamilya ang pakikipagkapwa e. Nilakipan ng pagninilay

Antas 3 Plano ng Patuturo-Pagkatuto Aralin 3: Napatatatag ng pakikipagkapwa ang Pamilya A. PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE) Sa bahaging ito, kinukuha ng guro ang atensyon at interes ng mag-aaral tungo sa paghinuha ng mga malalaking ideya at mga pagganap na angkop sa paksang Napatatatag ng Pakikipagkapwa ang Pamilya. Mula sa gawain sa Pamilyang Kinagigiliwan, matutukoy ang halaga ng pamilyang kinakikitaan ng pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at birtud at may maayos na pakikipagkapwa. Samantala, sa Pagtuklas ng Dating Kaalaman, maitatala ang mga pagpapahalagang natutuhan sa loob ng pamilya na ginagamit sa pakikipagkapwa. Ipasagot, ang mga tanong pagkatapos ng gawain bilang gabay sa mga mag-aaral tungo sa paghinuha ng mga Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) at mga Mahahalagang Tanong (EQ). Ang sagot ng mga mag-aaral sa bahaging ito ay pansamantala 33 lamang ibig sabihin, pauunlarin nila ang mga ito sa mga susunod na bahagi. Magkakaroon din sila ng ideya tungkol sa inaasahang produkto o pagganap na ipamamalas nila sa araling ito. Lilinangin ang Anim na Aspekto ng Pag-unawa mula sa bahaging ito hanggang sa bahaging Transfer, sa Pagsasabuhay.

Pagsisiyasat Pamilyang Kinagigiliwan Ipagawa ang sumusunod: 4. Ipabasa o ipasadula ang usapan ng magkakaibigan 5. Ipasuri ang usapan ng magkakaibigan Nag-uusap ang magkakaibigan na sina Maribeth, Loida, at Zeny.

Salamat din Maribeth sa imbitasyon mo sa amin ni Zeny. Masaya ang inyong pamilya. Sa palagay ko nagmana ka sa iyong ina na mabait at maasikaso. Totoo iyon Maribeth, Sinabi ko nga kay Salamat Lioda at Zeny sa Loida na napasarap maging magulang pagpunta ninyo sa bahay. Sabi ang iyong ama at ina. Sila ay ng Mommy ko, mababait daw mababait. Maging ang iyong mga kapatid ay mababait din.

Salamat sa mga sinabi ninyo. Gusto kasi nina Daddy at Mommy na maging mabuti kami sa loob ng aming bahay at maging sa labas. Lagi nilang sinasabi na makitungo kami ng mabuti sa iba katulad ng

Minsan ay sasabihin ko kina Papa at Mama na pumunta sa inyong tahanan upang makausap nila ang iyong mga magulang. Mabuting modelo ang inyong pamilya.
34

Ako rin, sasabihin ko sa aking Tatay at Nanay na pumunta sa inyo. Masayang makipagkaibigan sa inyong pamilya.

Mga Tanong 1. Bakit natuwa ang mga kaibigan ni Maribeth sa pamilya niya? 2. Bakit kinagigiliwan ang pamilyang mababait? Pagtuklas ng Dating Kaalaman Ipagawa sa mga mag-aaral: 1. Itala sa unang kolum ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya. 2. Isulat sa ikalawang kolum kung kaninong miyembro ng pamilya natutuhan ang pagpapahalagang itinala sa unang kolum. 3. Isulat sa ikatlong kolum kung paano ito isinasabuhay at ginagamit sa pakikipagkapwa Mga Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya Miyembro ng Pamilya na Nagturo ng Natutuhang Pagpapahalaga Paano ito Isinasabuhay o Ginagamit sa Pakikipagkapwa

35

Mga Tanong Bakit mahalaga ang mga pagpapahalaga at birtud na natututuhan sa pamilya? Ano ang iyong gagawin kung sa iyong palagay ay hindi sapat ang mga pagpapahalaga at birtud ng inyong pamilya sa pakikipagkapwa?

KARANASAN TUNGO SA PAG-UNAWA (FIRM-UP)

Ito ang bahagi kung saan susuriin ng bawat mag-aaral ang kanyang sarili tungkol sa mga malalaking ideya na lilinangin sa aralin. Mula sa panonood ng pelikulang, Ang Tanging Yaman, mahihinuha nagkakaroon ng mga hamon sa mga pagpapahalaga ng pamilya, samantala sa kwento tungkol sa Pamilya ni Sebastian, mababasa ang mga pagsisikap ng pamilya na makipagkapwa kahit may mga suliranin. Maaari ng matukoy ng mag-aaral ang kakailanganing pag-unawa o ang mga sagot sa kanilang tanong.

Ipagawa ang sumusunod: A. Pagsusuri ng pelikulang Ang Tanging Yaman 1. Hatiin ang klase sa apat o limang pangkat 2. Ipanood ang pelikulang Ang Tanging Yaman 3. Ipasagot ang sumusunod na tanong: Bakit nagkaroon ng suliranin ang pamilya? Karaniwan ba ang mga ganitong suliranin sa pamilya? Paano nalutas ang suliranin sa pamilya? Ano-anong pagpapahalagang pampamilya ang inyong natutuhan sa pelikula? B. Pagsusuri ng Kwento 1. Hatiin ang klase sa apat o limang pangkat 2. Ipabasa sa pangkat ang kwento 3. Ipasuri ang kwento at ipasagot ang mga tanong sa ibaba nito 4. Ipaulat ang naging sagot ng bawat pangkat Ang Pamilya ni Sebastian 36

Bunso sa limang magkakapatid si Sebastian. Bukod sa kanilang pamilya, naninirahan din sa kanilang tahanan ang kanyang lolo at lola sa kanyang ama. Kasama rin nila sa bahay ang kanyang tiyahin na kapatid ng kanyang ina. Sampu silang lahat na nakatira sa kanilang tahanan. Bagamat madami sila sa pamilya, masaya silang namumuhay. Ang kanyang lolo at lola ay palaging kasabay ni Sebastian sa pagkain dahil ang kanyang mga magulang ay parehong nagtatrabaho. Ang kanyang tiyahin ang nagluluto at nag-aasikaso ng kanyang mga gamit. Ang dalawang kapatid ni Sebastian ay nagtatrabaho na habang nasa kolehiyo ang dalawa niyang kapatid. Madalas sabihin ng kanyang lolo at lola na napakabait ng kanyang anak na ama ni Sebastian. Sinasabi rin ng kanyang tiyahin na mabait ang kanyang kapatid na ina ni Sebastian. Natutuwa si Sebastian dahil totoo ang kanilang sinasabi. Bago pumasok sa opisina ang kanyang ama, dadaan muna siya sa silid ng kanyang mga anak at gigisingin sila upang hindi mahuli sa pagpasok sa opisina o paaralan. Habang ang kanya namang ina ang nag-aayos ng kanilang baon katulong ang kanyang tiyahin. Palaging sinasabi ng kanilang mga magulang na maging mabuiti sa kanilang lolo, lola at tiyahin. Ganoon nga ang ginagawa ng magkakapatid. Iginagalang at sinusunod nila ang sinasabi ng kanilang lolo, lola at tiyahin. Tuwing Sabado, sama-sama ang mag-anak sa mga gawaing bahay tulad ng paglilinis ng loob at labas ng bahay at pagluluto. Tuwing Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Kapag sila ay lumabas na ng tahanan upang magsimba, niyaya nila ang kanilang mga kumare, kumpare at iba pang kapitbahay na magsimba rin. Kinagigiliwan ang kanilang pamilya sapagkat nakikita sa kanila ang pagiging madasalin at mabuting pamilya. Mabuti silang makitungo sa kanilang mga kaibigan at kapitbahay. Kaya kahit minsan kapag naiisip ni Sebastian na napakarami nila sa kanilang tahanan, natutuwa na rin siya dahil masaya naman ang kanilang pamilya. Isang araw, naging malungkot ang buong pamilya sapagkat pumanaw ang kanyang lolo. Ang kanilang mga kapitbahay ay nakiramay at tumulong sa pag-aasikaso ng mga bisita. Ang pagdadalamhati ng kanilang pamilya ay naging magaan dahil marami ang nakiramay at nagmalasakit sa kanilang pamilya. Mga Tanong: Bakit itinuturing ni Sebastian na masaya ang kanilang pamilya kahit ito ay malaki? Mayroon din bang nakatira sa inyong tahanan na inyong kamag-anak? Masaya rin ba kayo na kasama sila sa inyong tahanan? Bakit? Paano napanatili ng pamilya ng pagiging malapit sa isat isa kahit kapwa nagtatrabaho ang kanilang ama at ina? Masasabi mo bang huwaran ang pamilya nina Sebastian sa pakikipagkapwa? Bakit? 37

C.

PAGPAPALALIM (DEEPEN)

Dito pagtitibayin ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga kaalaman ng mga eksperto (expert systems of knowledge), gamit ang isang sanaysay o babasahin na binuo ng manunulat ng Gabay sa Pagtuturo. Layunin ng bahaging ito na balikan ng mga mag-aaral ang kanilang mga dating kaalaman sa paksa at baguhin o pinuhin ito batay sa mga impormasyong inilahad sa babasahin. Ang mga tanong sa ibaba ng babasahin ang naglalayong linangin sa mga mag-aaral ang kakayahang mahinuha ang mga Kakailangan sa Pang-unawa (EUs). Ilalahad ng mga mag-aaral ang mga ito gamit ang speech balloon bilang gabay nila sa paghinuha ng mga mahahalagang konsepto. Kasunod nito ang maikling pagsubok.
Babasahin: Ipabasa ang babasahin sa ibaba at ipatalakay ang mahahalagang konseptong o Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) na nakapaloob dito. NAPATATAG NG PAKIKIPAGKAPWA ANG PAMILYA Mula sa Moral Recovery Program na pinamunuan ng dating senador Leticia R. Shahani, kabilang ang pakikipagkapwa-tao at pagiging makapamilya sa pitong lakas ng pag-uugali ng mga Pilipino. Talakayin natin ang dalawang ito at suriin kung paano naiimpluwensyahan ng pagiging makapamilya ang pakikipagkapwa nating mga Pilipino. Pagiging Makapamilya Ang mga Pilipino ay nagtataglay ng tunay at malalim na pagmamahal sa pamilya. Ang pagiging makapamilya ay hindi lamang nakasentro sa asawa, anak, magulang at kapatid kundi sa lolo, lola, tiyahin, tiyuhin, pinsan, ninong at iba pang itinuturing na kamag-anak sa dugo at seremonya. Para sa Pilipino, ang pamilyA ang pinanggagalingan ng personal na pagkakakilanlan, suportang emosyonal at materyal, at ng pangunahing komitment at pananagutan. Ang malasakit sa pamilya ay makikita sa pagbibigay-dangal at paggalang sa mga magulang at nakatatanda, pag-aaruga sa mga anak, pagiging mapagbigay sa mga kamag-anak sa oras ng kanilang pangangailangan, at sa malaking sakripisyo para sa kapakanan ng kanilang pamilya. 38

Ang ganitong pakiramdam na suportado at mahal ka ng iyong pamilya ang nagiging daan upang magkaroon ka ng tiwalang kabilang ka, may pinagmulan ka at ikaw ay ligtas o may seguridad. Pakikipagkapwa Ang mga Pilipino ay bukas sa iba at may pakiramdam na kabilang sa ibang tao. Itinuturing ng mga Pilipino na ang ating kapwa ay mayroong dignidad at kagalang-galang na dapat pakitunguhan bilang tao. Ang pangunahing manipestasyon ng mabuting pakikipagkapwatao ng mga Pilipino ay ang pagtingin sa halaga ng katarungan, pagiging patas at pagmamalasakit sa kapwa. Naipakikita ang mga pagpapahalagang ito sa kakayahan ng mga Pilipinong makisimpatya sa paghihirap ng iba, pagiging matulungin at mapagbigay sa oras ng pangangailangan (pakikiramay), pagsasagawa ng bayanihan o pagtulong at ang mabuting pagtanggap sa bisita o ibang tao. Sensitibo ang mga Pilipino sa nararamdaman ng ibang tao kaya meron tayong mga pagpapahalagang tulad ng pakikiramdam, pagtitiwala, at pagtanaw ng utang na loob. Dahil sa pakikipagkapwa-tao, ang mga Pilipino ay higit na sensitibo sa kalidad ng pakikitungo sa kapwa at umaasa rito. Kung mabuti ang ating relasyon sa ating kapwa, masaya at may pakiramdam na ligtas tayo. Ang pakikipagkapwa-tao ay nagreresulta sa pagiging malapit ng bawat Pilipino. pagpapahalaga sa katarungang panlipunan. Paano napatatatag ng pakikipagkapwa ang pamilya at ng pagiging makapamilya ang pakikipagkapwa? Mula sa mga nabanggit na dalawang lakas ng pag-uugali ng mga Pilipino, mahihinuha na ang pagmamahal at pagmamalasakit na ipinamamalas natin sa ating kapwa ay nag-ugat sa pamilya. Ang pakiramdam na ikaw ay protektado at may mataas na tiwala sa sarili ay mula sa uri ng pagtratong nakuha mo sa iyong pamilya. Ang uri ng pagtratong mula sa pamilya ang siya ring batayan ng iyong pagtrato sa kapwa. Ang mga magulang, kapatid, lolo, lola, tiyahin, tiyuhin, ninong, ninang, at iba pang itinuturing na kamag-anak sa dugo at seremonya ang mga unang taong nakahalubilo mo. Mula sa pagmamahal at malasakit na ipinamalas ng iyong mga mahal sa buhay ay naramdaman mo ang seguridad. Masdan mo ang sanggol na mula sa pagsilang niya ay pinagkakaguluhan siya ng lahat ng nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. Binabantayan lahat ng progreso ng kilos at galaw ng sanggol. Sa munting iyak ng sanggol, ang lahat ay natataranta at sa munting ngiti ng sanggol, ang lahat ay napapatawa o napapasaya. Kapag ang sanggol ay lumalaki na at nag-uumpisa ng magsalita at maglakad, ang lahat ay nakabantay kung siya ay madadapa o masasaktan. Ang lahat ng pakikitungong ito ay nararamdaman ng bata at 39 Ito ang nagiging pundasyon ng pagkakaisa at

nagkakaroon siya ng matibay na tiwala sa kanyang sarili at kapwa. Sa paglaki ng bata, natututo siyang makihalubilo sa ibang bata at makikita sa batang ito kung paano niya ipinamamalas sa kapwa niya bata ang naramdamang pagmamahal mula sa pamilya. Makikita mong inaaabot niya ang kanyang laruan sa kanyang kalaro. Makikita mong niyayakap niya ang kanyang kalaro. Dito masasabing kung puro pagmamahal at pagmamalasakit ang naramdaman at natutuhan ng bata, ganito rin ang kanyang ipakikita sa kapwa. Ngunit paano kaya kung pasakit, gutom, takot at kalungkutan ang nagisnan ng bata? Paano kung ang bata ay lumaking sinasaktan, sinisigawan at hinihiya? Paano Ipinamamalas ang mga Pagmamahal at Malasakit ng Pamilya sa Kapwa ang ng Kapwa sa Pamilya? Mahalaga para sa pamilyang Pilipino ang pakikipagkapwa. Maraming pagpapahalagang Pilipino na kaugnay ng pagpapahalaga ng pamilya sa pakikipagkapwa. Naniniwala ang mga Pilipino na kung merong tutulong sa iyo sa kagipitan bukod sa iyong mga kamag-anak, sila ay ang iyong kaibigan o kapitbahay. Narito ang ilang patunay ng pagpapahalaga ng pamilya sa pakikipagkapwa. Ang malapit na kaibigan o kapitbahay ay kinukuhang ninang o ninong ng kanilang mga anak. Kumare at kumpare ang kanilang tawagan. Sa mga Pilipino ang ninang o ninong ay katumbas ng pagiging pangalawang mga magulang. Mahalaga para sa ninong o ninang na bigyan ng gabay ang kanilang inaanak lalo na sa aspetong ispiritwal. Kung ang mag-asawa ay parehong may trabaho at nawalan sila ng katulong o tagapag-alaga ng kanilang anak, karaniwang iniiwan ang mga anak sa kapitbahay. Kung malalaki na at kayang mag-isa ng mga anak sa kanilang tahanan, ibinibilin sa kapitbahay na subaybayan o tingnan ang mga ito habang sila ay nasa trabaho. Tinatawag na magkababata ang mga batang lumaking sabay. Magkasama silang naglalaro at nagkukwentuhan. Halos kapatid ang kanilang turingan. Hindi nila pansin kung meron mang agwat ang kanilang pamumuhay. Ibinabagi ng nakahihigit ang kanyang gamit o anumang pag-aari sa kanyang kababata at kaibigan. Halos sabay din silang mag-aaral. Malungkot sila kung magkaiba sila ng paaralan o hindi sila naging magkamag-aral. nalulungkot siya at hindi niya ito malilimutan. Sa panahon ng kagipitan, nariyan ang mga kapitbahay na handang tumulong. Nakikiramay ang kapitbahay kung mayroong namatayan o nasaktan. Paano Mapayayabong ng Pamilya ang Mabuting Pakikipagkapwa? 40 Kapag lumipat ng tirahan ang kanyang kababata,

Ang mabuting pakikipagkapwa ay higit pang mapayayabong sa pamilya kung sa pamilya mismo ay matutuhan ang pagpapahalaga at birtud ng pagmamahal, pagmamalasakit, pagtulong, pakikiramay, pakiki-angkop, pakikitungo at mabuting pakikisama. Dahil kasama mo sa tahanan ang iyong mga magulang, kapatid, lolo, lola, tiyuhin, tiyahin at pinsan, nasusubok ang pagsasabuhay ng mga pagpapapahalagang nabanggit mula pa sa iyong pagkabata. Mula sa pamilya, mapauunlad mo ang iyong pakikipagkapwa. Kung nakita mong mabuti ang pagpapalaki sa iyo ng iyong mga magulang, matuwa ka dahil magiging maayos din ang iyong pakikipagkapwa. Subalit kung sa iyong palagay ay mayroon kang nakitang hindi mabuti sa inyong pamilya, huwag kang malungkot sapagkat maaari mo pa rin maitama at mapabuti ang iyong pagkatao at ang pakikitungo sa iyong kapwa. Bagamat sinasabing mula sa pamilya ang lahat ng pagpapahalagang natutuhan, kung sakaling kulang ang mga ito, maaari ka pa ring maging mabuting tao. Kailangan mo lamang isipin kung ano ang mabuti at isabuhay ito. Suriin ang mga pangyayari sa iyong paligid at huwag hayaang maimpluwensyahan ng masama. Alalahaning, ang iyong buhay ay nasa iyong pagpapasya at ang resulta ng iyong pasya ay nararapat mong harapin
PAGHINUHA NG KAKAILANGANING PAG-UNAWA (EU)

9. Itanong: Ano ang naunawaan mong mahalagang konsepto sa babasahin? Isulat ito sa speech baloon sa ibaba.

Ang nahihuha kong mahalagang konsepto sa aralin ay _________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________
Ang EU na dapat mahinuha: Ang pakikisalamuha sa kapwa ay pagkakataon upang mapatibay ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya. B. Pagsusulit 7. 8. 9. 10. Patunayan na ang pakikisalamuha sa kapwa ay pagkakataon upang mapatibay ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya Tukuyin ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya na magagamit sa pakikipagkapwa? Tukuyin ang mga paraan upang maitaguyod ang mabubuting pagpapahalaga sa pamilya? Ipahayag ang sariling pananaw tungkol sa pamilyang kinaiinisan ng mga kapitbahay dahil laging nag-aaway at nang-aaway ng ibang tao.

41

11. Ipahayag ang damdamin sa mga magulang na pinipigilan ang kanilang mga anak na makihalubilo sa iba dahil sa takot na mapasama o magaya ang hindi mabuting pag-uugali ng kanilang mga kabarkada. 12. Tukuyin ang reyalisasyon o napagtantong katotohanan tungkol sa kahalagahan ng paghubog ng pagpapahalaga at birtud sa pamilya PAGGANAP, PAGNINILAY AT PAGSASABUHAY (TRANSFER) Dito na ihahanda ng bawat mag-aaral ang inaasahang pagganap sa pamamagitan ng pagbuo ng isang produkto o pagpapamalas ng isang kasanayan (skill). Sa araling ito, hayaang magnilay ang mga mag-aaral tungkol sa mga pagninilay tungkol sa mga sariling pagkukulang sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at birtud na natutuhan sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa. Kung wala namang suliranin, maaaring bumuo ng paraan upang lalo pang mapaunlad ang pagpapahalagang natutunan sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa. Upang maisabuhay ang reyalisasyon tungkol sa halaga ng pagpapatatag ng mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya, hayaang bumuo ang mag-aaral ng mga hakbang ng pagpapatatag ng mga pagpapahalagang ito. Susulat sa journal ang mag-aaral ng kanyang mga natutuhan sa gawain. Bigyang linaw ang kraytirya sa ginawa. Upang tuluyang maisabuhay ang pagtupad ng mga tungkuling tinukoy, magpagawa ng komitment sa mag-aaral. Ang mga nabanggit ay mga mungkahing paraan ng pagganap, pagninilay at pagsasabuhay. Maaari ring hayaan ang mag-aaral na magpasya kung paano nila gagawin ang pagganap, pagninilay at pagsasabuhay. Ang mahalaga ay malinaw ang mga kraytirya para rito. PAGGANAP

Ipagawa sa ang sumusunod: 6. Magnilay at mag-isip ng mga paraan ng pagpapatatag ng mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa. 7. Bumuo ng mga hakbang o gawain upang mapatatag ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa. 8. Gamiting batayan ang sumusunod na kraytirya sa pagbuo ng mga hakbang:
a. Paliwanag kung bakit ito ang mga hakbang na dapat gawin b. Malinaw ang hakbang o gawain c. Nilakipan ng pagninilay Kraytirya a. Paliwanag kung bakit ito ang mga hakbang na dapat gawin b. Malinaw ang hakbang o gawain c. Nilakipan ng pagninilay: -May naging karanasan sa pagsasagawa ng gawain -May makabuluhang aral na Napakahusay Nagbigay ng 3 paliwanang kung bakit ito ang napiling mga hakbang o gawain Malinaw ang lahat ng hakbang o gawaing nais gawin Kompleto ang tatlong bahagi ng pagninilay Mahusay Nagbigay ng 2 paliwanang kung bakit ito ang napiling ito ang napiling mga hakbang o gawain Hindi malinaw ang 1 sa mga hakbang o ang gawaing nais gawin ay hindi gaanong kapanipaniwala Kulang ng isa ang tatlong bahagi ng pagninilay Hindi Mahusay Nagbigay ng 1 paliwanang kung bakit ito ang napiling ito ang napiling mga hakbang o gawain Hindi malinaw ang 2 o higit pang sa mga hakbang o ang gawaing nais gawin ay hindi maaaring maisagawa Kulang ng dalawa ang tatlong bahagi ng pagninilay

42

natutuhan -Komitment na ipagpatuloy ang gawain

PAGNINILAY

Magpagawa ng pagninilay tungkol sa mga sariling pagkukulang sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at birtud na natutuhan sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa
PAGSASABUHAY

Ipagawa: Gumawa ng pagninilay tungkol sa mahahalagang konseptong natutunan sa aralin.


Mga Kakailanganing Kagamitan (websites, software, mga aklat, worksheet) Mga Sanggunian: Tolentino, Ruiz A, et. al (2005). Gabay sa Pamilya. Pasay City: Paulines Publishing House. Villanueva, Leandro C. (2003). At Silang Dalaway Magiging Isa. Pasay City: Paulines Publishing House. Family Education. (Retrieved: December 17, 2010). http://life.familyeducation.com/parenting/values/45290.html

Unang Markahan : Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa Pamantayang Pangnilalaman:

Aralin 4: Ang Pamilya sa Pamayanan Antas 1 Pamantayan sa Pagganap:

Bilang ng araw/sesyon: 3 -4

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan, katangian at Ang mag-aaral ay nakabubuo ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng layunin ng pamilya sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa pakikitungo sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa Mga Paksa: 13. Ang pamilya bilang natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya 14. Ang halaga ng komunikasyon pagpapatatag ng pamilya at sa pakikitungo sa kapwa 15. Napatatatag ng pakikipagkapwa ang pamilya 16. Ang pamilya sa pamayanan Kakailanganin sa Pag-unawa sa Unang Markahan:
Ang mga pagpapahalagang natutuhan sa loob ng pamilya ay nakaiimpluwensya sa pakikitungo sa kapwa, ganoon din, ang mga pagpapahalagang nakuha sa pakikipagkapwa ay nakatutulong sa pagpapatatag ng pamilya.

Ang mga kakailanganing gawain sa bawat aralin ay ang sumusunod: 13.Pagbibigay ng mga patunay na ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya 14.Pagbuo ng mga paraan upang mapaunlad ang komunikasyon o pag-uusap sa pamilya 15.Pagbuo ng paraan ng pagpapatatag ng mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa 16.Pagbuo ng mga paraan ng pagtulong ng pamilya sa pamayanan Mahalagang Tanong sa Unang Markahan:
Bakit mahalaga ang pamilya sa pakikipagkapwa at ganoon din ang pakikipagkapwa sa pamilya?

43

Kakailanganin sa Pag-unawa sa Aralin 4 Mahalagang Tanong sa Aralin 4


Nakatutulong ang pamilya sa pagtataguyod ng mabubuting proyekto ng pamayanan at ang pagiging bukas ng pamilya sa pagtulong sa kapwa Bakit mahalagang makibahagi ang pamilya sa pamayanan?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: (Mga Kaalaman) e. Ang kaugnayan ng pamilya sa pamayanan f. Ang magagawa ng pamilya para umunlad ang pamayanan g. Ang pagiging bukas ng pamilya sa pagtulong sa kapwa

Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng mga sumusunod: (Mga Kasanayan)


a. Nailalarawan ang mga paraan ng pagtulong sa pamayanan b. Naibabahagi ang mga karanansan ng sariling pamilya sa pagtulong sa pamayanan c. Nakapagsasagawa ng survey tungkol sa halaga ng pagtulong ng pamilya sa pamayanan d. Nakabubuo ng pananaw tungkol sa halaga ng pagtulong ng pamilya sa pamayanan e. Nakabubuo ng paraan upang makatulong ang sariling pamilya sa pamayanan

Inaasahang Pagganap: Pagbuo ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng pakikitungo sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa

Antas 2 Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: Pagpapaliwanag Naiuugnay ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan sa tungkulin ng pamilya na magbahagi ng kanilang biyaya sa kapwa Kraytirya: - Maayos ang pagpapaliwanag - Bumanggit ng mga katunayang magpapatatag ng paliwanag Interpretasyon Nasusuri ang mga konseptong nakapaloob sa mga sitwasyong nagiging maramot ang ibang pamilya sa kanilang kapwa Kraytirya: - Maliwanag na paglalarawan - Bumanggit ng mga sitwasyong nagiging maramot ang pamilya sa kapwa Paglalapat 44

Mga Patunay sa Antas ng Pagganap: Pagtataya ng pagsasagawa ng mga angkop na hakbang sa pagpapaunlad ng pakikitungo sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa, batay sa sumusunod na kraytirya a. Natukoy ang mga patunay na likas na institusyon ang pamilya b. Natukoy ang mga pagpapahalaga at birtud na nahubog mula sa pamilya at ginagamit sa pakikipagkapwa c. Natukoy ang mga pagpapahalagang

Naitatala ang mga paraan upang makatulong ang sariling pamilya sa pamayanan Kraytirya: - Malinaw ang mga paraang binanggit - Makatotohanan ang mga paraang binanggit Pagbuo ng Sariling Pananaw Naibabahagi ang sariling pananaw tungkol sa mga magulang na ginagamit ang kanilang impluwensya upang magkunwaring tumutulong sa kapwa kapalit ng pansariling kapakanan Kraytirya: - Malinaw na naipahayag ang sariling pananaw tungkol sa sitwasyon - Malinaw ang aral o pagpapahalagang nahinuha sa sitwasyon Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba Naipahahayag ang paghanga sa mga pamilyang handang tumulong sa pamayanan Kraytirya: - Malinaw ang pagpapahayag - Kaugnay ng paksa ang mga pagpapahalagang binanggit Pagkilala sa Sarili Natutukoy ang reyalisasyon o napagtantong katotohanan tungkol sa halaga ng pagtulong ng pamilya sa pamayanan Kraytirya: - Binanggit ang mga aral na natutuhan sa aralin - Nilakipan ng pagninilay

nahubog sa pakikipagkapwa na nakatutulong sa pagpapatatag ng pamilya d. Natukoy ang mga paraan upang mapaunlad ng pamilya ang pakikipagkapwa e. Nilakipan ng pagninilay

Antas 3 Plano ng Patuturo-Pagkatuto Aralin 4: Ang Pamilya sa Pamayanan PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE) Sa bahaging ito, kinukuha ng guro ang atensyon at interes ng mag-aaral tungo sa paghinuha ng mga malalaking ideya at mga 45 pagganap na angkop sa paksang Ang pamilya sa Pamayanan. Mula sa gawain sa Pagsusuri ng larawan, makikita ang paraan ng pagtulong ng pamilya sa pamayanan. Sa pagtuklas ng dating kaalaman, sa pamamagitan pangkatang gawain, makapagbabahagi ang mga kasapi sa iba pang paraan ng pagtulong ng pamilya sa pamayanan.

Pagsisiyasat Ipasuri ang larawan:

1. Anu-ano ang mga gawaing nakikita mo sa larawan? 2. Saan karaniwang nagaganap ang mga gawaing nasa larawan? 3. Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong sumama sa mga ganitong gawain? Pagtuklas ng Dating Kaalaman Bumuo ng pangkat na may pito hanggang walong kasapi. Pag-usapan ang sumusunod. Iulat sa klase ang nabuong pananaw ng pangkat. 1. Tumutulong ba sa pamayanan ang inyong pamilya? Kung oo, sa paanong paraan? Kung hindi, bakit? 2. Bakit kailangang tumulong ng pamilya sa pamayanan? 3. Anu-ano ang maaaring maitulong ng pamilya sa pamayanan? 46

D. KARANASAN TUNGO SA PAG-UNAWA (FIRM-UP)

Ito ang bahagi kung saan susuriin ng bawat mag-aaral ang kanyang sarili tungkol sa mga malalaking ideya na lilinangin sa aralin. Mula sa pagsasagawa ng survey tungkol sa mga tulong na naibibigay ng mga pamilya sa pamayanan, makikita nilang ang pagunlad ng pamayanan ay mula sa mga matutulunging pamilya. Hayaang bumuo ng sariling pananaw ang mag-aaral tungkol sa mga pahayag. Maaari ng matukoy ng mag-aaral ang kakailanganing pag-unawa o ang mga sagot sa kanilang tanong.

Ipagawa ang sumusunod: A. Magsagawa ng survey sa isang pamayanan. Itanong ang sumusunod sa sampung pamilya. 1. Tumutulong po ba ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan? 2. Paano po tumutulong ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan? 3. Bakit mahalagang tumulong ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan? B. Bumuo ng pananaw tungkol sa sumusunod na pahayag: 1. Ang pamilyang nakikibahagi sa pamayanan ay nagbabahagi ng biyayang sa kanila ay inilaan. 2. Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay pagsasabuhay ng nakagisnang kaugalian ng bayahihan.
C. PAGPAPALALIM (DEEPEN)

Dito pagtitibayin ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga kaalaman ng mga eksperto (expert systems of knowledge), gamit ang isang sanaysay o babasahin na binuo ng manunulat ng Gabay sa Pagtuturo. Layunin ng bahaging ito na balikan ng mga mag-aaral ang kanilang mga dating kaalaman sa paksa at baguhin o pinuhin ito batay sa mga impormasyong inilahad sa babasahin. Ang mga tanong sa ibaba ng babasahin ang naglalayong linangin sa mga mag-aaral ang kakayahang mahinuha ang mga Kakailangan sa Pang-unawa (EUs). Ilalahad ng mga mag-aaral ang mga ito gamit ang speech balloon bilang gabay nila sa paghinuha ng mga mahahalagang konsepto. Kasunod nito ang maikling pagsubok.
47

Babasahin: Ipabasa ang babasahin sa ibaba at ipatalakay ang mahahalagang konseptong o Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) na nakapaloob dito.

Ang Pamilya sa Pamayanan Natural sa mga Pilipino ang pagiging makapamilya. Natural na tulungan ang mga kamag-anak, lalo na ang mga kapuspalad. Sana, ang pagmamalasakit sa kamag-anak ay maitawid hanggang sa kapitbahay at sa pamayanan. Ang lakas ng bawat pamayanan ay makikita sa pagkakasundo ng bawat pamilya. Walang pamayanan ang magiging maunlad kung walang pagkakaisa ang bawat pamilya. May mga pamilyang pinipiling magdaos ng kaarawan ang isa sa miyembro ng pamilya sa bahay ampunan o magbigay ng donasyon sa isang institusyon. Sa halip na bumili ng mamahaling damit at magkaroon ng malaking selebrasyon, pinipili nilang ipagluto, pakainin at bigyan ng regalo ang mga batang ulila sa bahay ampunan. Nagiging masaya ang mga bata sa ampunan kapag nakakasama nila ay ang isang buong pamilya. Bagamat malungkot para sa kanila dahil wala silang mga magulang, nagkakaroon naman sila ng ideya kung paano magkaroon ng isang buong pamilya. Magiging inspirasyon ito sa kanila. Maraming pagkakataong nasubok ang pagtutulungan ng mga Pilipino. Sa bawat kalamidad at sakunang nagaganap sa ating bansa, mga kapwa Piipino ang nagtutulungan upang mailigtas; mabigyan ng lunas; mabigyan ng pagkain at damit; at mabigyan ng bagong tahanan. 48

Bakit kailangang tumulong ng pamilya sa pamayanan? Ayon sa isang babasahin, may tatlong dahilan kunga bakit dapat tumulong ang pamilya sa pamayanan. 1. Mabuti ang pakiramdam ng tumutulong. Ang pakiramdam na nakatulong ka sa iba ay may dulot na kaligayahan. 2. Napatatatag ang pamayanan. Kung ang mga samahan at ahesya ay may mga boluntaryong naglilingkod sa pamayanan, nagkakaroon ng pagkakataong umunlad ang pamayanan. 3. Napatatatag ang pamilya. Nagiging higit na malapit ang pamilya sa tuwing sila ay tumutulong sa pamayanan. Ang libreng oras ng pamilya ay nagugugol sa pagsama sa mga boluntaryong gawain para sa pamayanan. Maging inspirasyon sa iba, lalo na sa kapareho mong kabataan. Sa halip na gugulin ang libreng oras, yayain ang iyong kapamilya na tumulong sa pamayanan. Kahit na munting donasyon sa inyong barangay o simbahan, makakatulong ito ng malaki sa mga nangangailangan.
PAGHINUHA NG KAKAILANGANING PAG-UNAWA (EU)

Itanong: Ano ang naunawaan mong mahalagang konsepto sa babasahin? Isulat ito gamit ang mga kahon sa ibaba.

Ang nahihuha kong mahalagang konsepto sa aralin ay _______________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________


Ang EU na dapat mahinuha: Nakatutulong ang pamilya sa pagtataguyod ng mabubuting proyekto ng pamayanan at ang pagiging bukas ng pamilya sa pagtulong sa kapwa

B. Maikling Pagsusulit 13. Patunayan na ang pagtulong ang pamilya sa pagtataguyod ng mabubuting proyekto ng pamayanan at ang pagiging bukas ng pamilya sa pagtulong sa kapwa 14. Tukuyin ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pagtulong ng pamilya sa pamayanan? 49

15. Tukuyin ang mga paraan upang makatulong ang pamilya sa pamayanan? 16. Ibahagi ng sariling pananaw tungkol sa mga magulang na ginagamit ng ilang pamilya ang kanilang impluwensya upang magkunwaring tumutulong sa kapwa kapalit ng pansariling 17. Ipahayag ang paghanga sa mga pamilyang handang tumulong sa pamayanan.
18. Tukuyin ang reyalisasyon o napagtantong katotohanan tungkol sa kahalagahan ng pagtulong ng pamilya sa pamayanan.

PAGGANAP, PAGNINILAY AT PAGSASABUHAY (TRANSFER)

Dito na ihahanda ng bawat mag-aaral ang inaasahang pagganap sa pamamagitan ng pagbuo ng isang produkto o pagpapamalas ng isang kasanayan (skill). Sa araling ito, hayaang magnilay ang mga mag-aaral tungkol sa mga paraan kung paano makatutulong ang sariling pamilya sa pamayanan. Bigyang pagkakataong bumuo sila ng mga paraan na magiging daan upang makatulong ang kanilang pamilya sa pamayanan. Ipasulat sa journal natutuhan sa gawain. Bigyang linaw ang kraytirya sa ginawa. Ang mga nabanggit ay mga mungkahing paraan ng pagganap, pagninilay at pagsasabuhay. Maaari ring hayaan ang mag-aaral na magpasya kung paano nila gagawin ang pagganap, pagninilay at pagsasabuhay. Ang mahalaga ay malinaw ang mga kraytirya para rito.
PAGGANAP

Ipagawa sa ang sumusunod: 9. Bumuo ng mga paraan upang makatulong ang pamilya sa pamayanan 10. Gamiting batayan ang sumusunod na kraytirya sa pagbuo ng mga paraan upang makatulong ang pamiya sa pamayanan:
a. Paliwanag kung bakit ang mga ito ang napiling paraan upang makatulong ang pamilya sa pamayanan b. Malinaw at makatotohanan ang paraan o gawaing binanggit c. Nilakipan ng pagninilay upang makita ang nahinuhang halaga ng pagtulong ng pamilya sa pamayanan Kraytirya Napakahusay Mahusay a. Paliwanag kung bakit ang mga ito Nagbigay ng 3 paliwanang kung bakit Nagbigay ng 2 paliwanang kung bakit ang napiling paraan upang ang mga ito ang napiling paraan ang mga ito ang napiling paraan makatulong ang pamilya sa upang makatulong ang pamilya sa upang makatulong ang pamilya sa pamayanan pamayanan pamayanan

Hindi Mahusay Nagbigay ng 1 paliwanang kung bakit ang mga ito ang napiling paraan upang makatulong ang pamilya sa pamayanan

50

b. Malinaw at makatotohanan ang


c. paraan o gawaing binanggit Nilakipan ng pagninilay upang makita ang nahinuhang halaga ng pagtulong ng pamilya sa pamayanan: May naging karanasan sa pagsasagawa ng gawain May makabuluhang aral na natutuhan Komitment na ipagpatuloy ang gawain

Malinaw ang lahat ng paraan o gawaing binanggit Kompleto ang tatlong bahagi ng pagninilay

Hindi malinaw ang 1 sa mga paraan o gawaing binanggit Kulang ng isa ang tatlong bahagi ng pagninilay

Hindi malinaw ang 2 o higit pang sa mga paraan o gawaing binanggit Kulang ng dalawa ang tatlong bahagi ng pagninilay

PAGNINILAY

Magpagawa ng pagninilay tungkol sa mga pagtulong ng pamilya sa pamayanan o simbahan. Kung walang nagawa ang pamilya na pagtulong sa pamayanan o simbahan, maaaring magnilay kung paano mahikayat ang pamilya na makiisa sa pamayanan o simbahan ayon sa kakayahan na kanilang magagawa. PAGGANAP PARA SA BUONG MARKAHAN Sa kabuuan ng markahan, inaasahang makagawa ang mga mag-aaral ng mga angkop na hakbang sa pagpapaunlad ng pakikitungo sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa. buong markahan. Ang mag-aaral ay nakabubuo ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng pakikitungo sa pamilya tungo sa mabuting pakikipagkapwa batay sa sumusunod na kraytirya: a. Natukoy ang mga patunay na likas na institusyon ang pamilya b. Natukoy ang mga pagpapahalaga at birtud na nahubog mula sa pamilya at ginagamit sa pakikipagkapwa c. Natukoy ang mga pagpapahalagang nahubog sa pakikipagkapwa na nakatutulong sa pagpapatatag ng pamilya d. Natukoy ang mga paraan upang mapaunlad ng pamilya ang pakikipagkapwa 51 Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pagsulat sa diary, journal, kwento o anumang paraan na napagkasunduan ng guro at mag-aaral. Sa ganitong paraan, mahihinuha na natutuhan ng mag-aaral ang kakailanganing pag-unawa para sa

e. Nilakipan ng pagninilay
Mga Kakailanganing Kagamitan (websites, software, mga aklat, worksheet) Mga Sanggunian: Tolentino, Ruiz A, et. al (2005). Gabay sa Pamilya. Pasay City: Publishing House. Villanueva, Leandro C. (2003). At Silang Dalaway Magiging Isa. Paulines Pasay City: Paulines Publishing House. Family Education. (Retrieved: December 17, 2010). http://life.familyeducation.com/parenting/values/45290.html

Ikalawang Markahan: Ang Pakikipagkapwa

Aralin 1: Ang Pakikipagkapwa Antas 1

Araw ng sesyon: 3-4

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pakikipagkapwa, pakikipagkaibigan, komunikasyon, at emosyon

Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa sa kaibigan/kamag-aral o kapitbahay/kapamayanan. Mahahalagang Tanong (Sa Ikalawang Markahan): Bakit kailangang makipagkapwa ang tao?

Mga Kakailanganing Pag-unawa (Sa Ikalawang Markahan): Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kayat kailangan niyang mamuhay sa lipunan kasama ang kanyang kapwa upang malinang siya sa aspetong panlipunan, intelektwal,emosyonal, pangkabuhayan at intelektwal. Ang pagmamahal na naipakikita sa paglilingkod sa kapwa ay kailangan upang maging ganap na tao. Sa Aralin 1: Ang Pakikipagkapwa Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kayat nakikipag-ugnayan siya sa kanyang kapwa upang malinang siya sa aspetong panlipunan, intelektwal, pangkabuhayan at intelektwal. Ang pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa-ang tunay na indikasyon ng pagmamahal. Nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga: (Mga Kaalaman) 1. Kahulugan ang kahalagahan ng pakikipagkapwa 2. Kahalagahan ng pagkakaisa, komunikasyon, at kooperasyon sa 52

Sa Aralin 1: Ang Pakikipagkapwa Bakit kailangan ng tao ang pakikipagkapwa? Paano nagiging ganap ang tao sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa?

Ang mga mag-aaral ay: (Mga Kasanayan) 1. Nakagagawa ng web ng kanyang kapwa 2. Naiisa-isa ang kanyang kapwa na kanyang natutulungan o

pakikipagkapwa 3. Kahalagahan ng pagbuo ng samahan 4. Mga prinsipyo sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa 5. Paraan kung paano maipamamalas ang mga prinsipyo sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa

napaglilingkuran 3. Naipaliliwanag ang pahayag na No man is an island 4. Nakapagsasagawa ng pagsusuri sa kontribusyon ng kanyang kapwa sa aspetong a. Panlipunan b. Intelektwal c. Pangkabuhayan d. Politkal 5. Nahihinuha ang kakailanganing pag-unawa gamit ang graphic organizer 6. Nakagagawa ng mga paraan kung paano mapaglilingkuran ang kapwa 7. Nakapaglilingkod sa kapwa batay sa kanilang pangangailangan Sa Antas ng Pagganap Pagtataya ng pagsasagawa ng mga paraan ng paglilingkod sa paaralan, kapitbahay, pamayanan o barangay batay sa sumusunod na kraytirya: 1. Malinaw ang mga paraan ng paglilingkod sa paaralan, kapitbahay, pamayanan o barangay 2. May limang paraan ng paglilingkod sa paaralan, kapitbahay, pamayanan o barangay 2. Makatotohanan -gamit ang mga patunay ng pagsasagawa 3. May kalakip na pagninilay tungkol sa epekto ng kanyang mga ginawa sa kanyang pagkatao at pakikipagkapwa

Inaasahang Pagganap Pagsasagawa ng mga paraan ng paglilingkod sa paaralan, kapitbahay, pamayanan o barangay

Antas 2 Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa Pagpapaliwanag Pagpapatunay na kailangan ng tao ang pakikipagkapwa gamit ang matibay na pangangatwiran o batay sa pananaliksik Kraytirya: Malinaw na naipahayag ang patunay at malinaw ang pangangatwiran Nagbigay ng halimbawa Interpretasyon Pagbibigay-kahulugan sa pahayag na: No man is an island. Kraytirya: Malinaw ang paliwanag Angkop ang halimbawang ibinigay Paglalapat Pagsasagawa ng paraan ng paglilingkod sa paaralan, kapitbahayan o pamayanan o barangay batay sa pagtukoy ng pangangailangan nito Kraytirya: Nakabatay sa pangangailangan ng paaralan, kapitbahayan o pamayanan o barangay May malinaw na plano 53

May report ng pagsasagawa May pagninilay Pagbuo ng Sariling Pananaw Pagbuo ng hinuha tungkol sa Pakikipagkapwa sa kwento ng isang matagaumpay na Pilipino na ayaw mangibang-bansa upang magkawanggawa sa kapwa Pilipino Kraytirya: May maikling salaysay ng buhay kawanggawa ng matagumpay na Pilipino May pagninilay kalakip ang pahayag na may hinuha tungkol sa Pakikipagkapwa Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng Iba Paghikayat sa mga kakalase na makibahagi sa paraang lihim sa pangangailangan ng kapwa-Ang Mabuti Kong Gawain para sa Aking Kapwa Kraytirya: May pagsasalarawan ng mabuting ginawa May pagninilay Pagkilala sa Sarili Pagsusuri ng mga pagbabago sa sarili gamit ang sinulat na pagninilay sa journal tungkol sa pakikipagkapwa Plano ng Pagtuturo Pagkatuto Aralin I: PAKIKIPAGKAPWA A. PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE) Sa bahaging ito, kukuhanin ng guro ang atensyon at interes ng mga mag-aaral tungo sa paghinuha ng mga malalaking ideya at mga pagganap na angkop sa paksang Ang Pakikipagkapwa. Sa bahaging pagsisiyasat, Pagagawain ang mga mag-aaral ng web ng kanyang kapwa upang matukoy ang kanyang malapit at malayong kapwa. Tutuklasin naman ang dating kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtukoy kung sino sa kanyang malapit at malayong kapwa ang napaglaanan niya ng tulong o paglilingkod. Mahalaga it upang maunawaan ng mga mag-aaral na mayroon din siyang tungkuling sa kanyang kapwa. Layunin ng mga tanong matapos ang gawaing ito na gabayan ang54 mga mag-aaral tungo sa paghinuha ng Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) at Mahahalagang Tanong (EQ). Ang mga kasagutan sa tanong na ito ay pansamantala lamang, ito ay kinukuha lamang upang mataya kung gaano kalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa paksa. Mapauunlad pa ito sa mga susunod na bahagi ng aralin. Magkakaroon din sila ng ideya tungkol sa inaasahang produkto o pagganap na kanilang isasagawa sa araling ito. Lilinangin ang Anim na Aspeto ng Pag-unawa mula sa bahaging ito

Pagsisiyasat 1. Atasan ang mga mag-aaral na gumawa ng web ng kanyang kapwa. 2. Sa isang bond paper ay atasan silang magdikit ng kanilang larawan sa gitna nito. 3. Sa paligid ng larawan ay guguhit ng mga bilog at isusulat sa paligid nito ang kanyang itinuturing na kapwa. 4. Ang lapit o layo ng bilog sa larawan ay dapat na nakabatay sa layo o lapit ng kanyang pakikipag-ugnayan. 5. Gamiting gabay ang halimbawa sa kanan.

Kaibi -gan Akin g Ina

Pari

Pulis

Guro

Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Janito r Kuya

Akin g

L A R A W A N

Dokto r

6. Sa pagkakataon na ito ay atasan naman ang mga mag-aaral na lagyan ng guhit na nakakonekta sa kanyang larawan ang kanyang kapwa na kanyang napaglaanan ng tulong o serbisyo

Matan -dang Pulubi

Kaibi -gan Guro Akin g Ina

Pari55 Pulis

7. Pabuuin ng dyad ang mga mag-aaral at bigyan sila ng panahon upang maibahagi sa isat isa ang kanilang ginawa. Kailangan din nilang ibahagi ang uri ng tulong o palilingkod na kanilang ibinibigay sa kanilang kapwa. 8. Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod: a. Ano ang bahaging ginagampanan ng iyong kapwa sa iyong buhay? b. Sa iyong palagay, kaya mo bang mabuhay na wala sila sa iyong buhay? Ipaliwanag. c. Ipaliwanag ang pahayag na: NO MAN IS AN ISLAND. B. KARANASAN TUNGO SA PAG-UNAWA Ito ang bahagi kung saan susuriin ng bawat mag-aaral ang kanyang sarili tungkol sa mga malalaking ideya na lilinangin sa aralin. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanyang sarili bilang isang panlipunang nilalang. Ipasusuri sa mga mag-aaral ang kanyang paglago sa aspetong panlipunan, intelekteal, pangkabuhayan at political. Mahalaga ang gawain na ito upang maunawaan ng mga mag-aaral ang kontribusyon ng kanyang kapwa upang maabot niya ang kanyang kaganapan bilang tao.

9. Atasan ang mga mag-aaral na magsagawa ng pagsusuri sa kanyang sarili, bilang isang panlipunang nilalang. 10. Ipasuri sa kanya ang sarili sa kanyang paglago sa aspetong: (a) panlipunan (b) intelektwal (c) pangkabuhayan at (d) politikal 11. Kailangan nilang isa-isahin ang kanyang mga naobserbahang pagbabago sa bawat aspeto at kailangan nilang tukuyin kung sino-sino sa kanyang 56

kapwa ang nakatulong sa kanya upang ito ay mahubog at mapalago. 12. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba at sundin ang ganitong pormat: Panlipunan 1. Tiwala sa sarili sa pakikihalubilo magulang kaibigan guro Intelektwal 1. Husay sa matematika kuya guro 1. Pangkabuhayan Politikal

13. Pagkatapos ay hayaang magbahagi ng kanilang gawain ang ilang mag-aaral sa harap ng klase. 14. Itanong sa kanila ang mga sumusunod: a. Ano ang mangyayari sa isang tao kung hindi niya matututunang makibagay sa kanyang kapwa? b. Gaano kalaking bahagi ng iyong sarili ang kontribusyon ng iyong kapwa? c. Ano naman ang ginagawa mo para sa iyong kapwa bilang kapalit ng tulong na naibibigay nila para sa iyong paglago? C. PAGPAPALALIM Sa bahaging Pagpapalalim, ipababasa sa mga mag-aaral ang isang inihandang babasahin tungkol sa paksa. Nilalaman ng babasahin ang, Kahulugan ang kahalagahan ng pakikipagkapwa, Kahalagahan ng pagkakaisa, komunikasyon, at kooperasyon sa pakikipagkapwa, Kahalagahan ng pagbuo ng samahan, Mga prinsipyo sa pagpapa-unlad ng pakikipagkapwa at Paraan kung paano maipamamalas ang mga prinsipyo sa pagpapa-unlad ng pakikipagkapwa. Makatutulong ang babasahin na ito upang ganap na mahinuha ng mga mag-aaral ang Kakailanganin sa Pag-unawa (EU). 15. Likas ba sa tao ang pakikipagkapwa? Unawaing mabuti ang babasahin. ANG PAKIKIPAGKAPWA Ang tao ay likas na panlipunang nilalang. Kailangan niyang mamuhay kasama ang kapwa tao dahil may mga pangangailangan siyang dapat niyang tugunan upang makamit niya ang kanyang tunguhin bilang tao. 57 Ang pamumuhay kasama ang ibang tao ay likas na katangian na

pinagkakaiba ng tao sa ibang nilalang. Hindi niloob ng Diyos ang tao na maging nilalang na nag-iisa (solitary being), ngunit nilikha siya bilang panlipunang nilalang. Kaya ang buhay panlipunan ay hindi labas sa tao. Sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa at dayalogo, nalilinang ng tao ang kanyang mga talento, uunlad siya at matatamo ang kanyang bokasyon bilang tao. Ang panlipunang aspeto ng pagkatao ng tao ay nagpapakita ng paglinang sa sarili at pag-unlad ng lipunan. Kailangan niya ang mamuhay sa lipunan upang mabigyan siya ng proteksyon laban sa likas at iba pang uri ng kapahamakan. May mga pangkultural din siyang pangangailangan na hindi niya matutugunan kung siya ay nag-iisa lamang. Kasama sa aspetong ito ang sining, musika, panitikan, kasaysayan, pilosopiya, at relihiyon. Ngunit ang pinakamalaking patunay na siya ay panlipunang nilalang ay ang kakayahan niyang magsalita (speech) o ang kakayahan niya sa komunikasyon. Kung siya ay nakatakdang mapag-isa, hindi sana siya pinagkalooban ng kakayahang magsalita. Kung nagkaganoon, hindi na niya kailangang ibahagi ang kanyang mga iniisip at damdamin. Ang Kahalagahan ng Pagkakaisa, Komunikasyon at Kooperasyon sa Pakikipagkapwa Ang panlipunang aspeto ng pagkatao ng tao ay hindi nangangahulugang magbubunga sa pakikiisa ng tao sa kanyang kapwa. May

inklinasyon ang tao na maging mapag-isa at dominahin ang kanyang kapwa dahil sa kayabangan o pagmamalaki at pagdaramot. Kaya mahalaga ang pagsisikap na makamit ang kabutihang panlahat. Nakikipag-ugnayan ang mga tao sa isat isa dahil sa pagmamahal at ang layuning makamit kung ano ang makabubuti sa isat isa. Kaya mahalagang pairalin ang pagkakaisa (solidarity), komunikasyon at kooperasyon o pagtutulungan. Ang Kahalagahan ng Pagbubuo ng mga Samahan Ang panlipunang aspeto ng pagkatao ng tao ay ipinakikita sa ibat ibang paraan. Ang bawat komponent ng lipunan ay may tungkulin na bumuo ng nagkakaisa at kaiga-igayang kabuuan. Magagawa ito sa paraang malilinang ang mga bukod-tanging katangian at kakayahang pamahalaan ang bawat isa. Ang ibang komponent tulad ng pamilya at pamayanan ng mga laiko at relihiyoso ay direktang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao, samantalang sa boluntaryong paraan lamang tumutugon ang ibang komponent tulad ng mga samahan (associations). Upang mapaunlad ang pakikilahok ng maraming tao sa buhay panlipunan, mahalaga ang pagbubuo ng boluntaryong samahan sa loob at labas ng bansa, na tutugon sa sa mga pangangailangang pangkabuhayan at panlipunan, pangpolitikal, pangkultural at paglilibang, ng isports, ng mga propesyon. Ang pakikilahok na 58

panlipunang ito (socialization) ay paraan ng pagtugon sa mga pangangailangang hindi matatamo ng tao kung siya ay nag-iisa lamang. Kung pipiliin niya o kung pilitin siya, may kakayahang mamuhay ang tao nang nag-iisa. Ngunit mayroon siyang mga likas na magagawa o kakayahan na hindi malilinang o mapauunlad kung mangyayari ito. Dito nalilinang ang mga pagpapahalaga ng tao lalo na ang pagkukusa at pagtupad ng tungkulin at naipahahayag niya ang kanyang mga karapatang pantao. Batay sa ating mga talento at pagkakataon sa buhay, may pananagutan ang bawat isa sa atin na makapagbahagi sa pag-unlad ng pamayanan sa aspetong panlipunan, politikal, pangkabuhayan, at pang-ispiritwal. Sakop ng pamayanang ito ang ating pamilya, simbahan o samahan, lipunan o bansa at ang kalipunan ng mga bansa. Ang layuning moral ng pakikipamuhay sa kapwa ay ang pagtatayo ng pandaigdigang pamayanan batay sa dignidad at pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao. Ang pagkakaisa o solidarity o pagkakapatiran (brotherhood) ang dapat makamit ng lipunang Pilipino. Isang hamon sa ating mga Pilipino ang pagkakaisang ito kahit na isa sa mga kalakasan natin ang pakikipagkapwa. Ayon kay Licuanan, naipamamalas natin ito sa pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (empathy), sa pagiging matulungin, pakikiramay at sa bayanihan (mutual assistance). Dahil sa ugaling pakikipagkapwa, sensitibo tayo sa ating pakikipag-ugnayan at maligaya at panatag tayo kung maayos at matiwasay ang ating mga ugnayan. Mayroon tayong kakayahan na magpakita ng malasakit at pagmamahal sa iba. Sa kabilang dako, ang ating pakikipagkapwa ay maaaring maging dahilan ng kawalan ng katarungan at ng walang pagsasaalang-alang sa mga tuntunin at hakbangin. Sa pag-iinagt nating makasakit ng damdamin ng ating kapwa, di tuloy nakapagbibigay ng konstruktibong puna at mahirap pairalin ang mga pamantayan. Mahalagang isaalang-alang ang resulta ng pananaliksik ni Licuanan tungkol sa kahinaan nating mga Pilipino sa pagpapaunlad ng ating pakikipagkapwa. Ikaw, bilang nagdadalaga o nagbibinata, paano mo mapauunlad ang pakikipag-ugnayan mo sa iyong kapwa? Narito ang ilang prinsipyo na makatutulong tungo dito: Mga Prinsipyo sa Pagpapaunlad ng Pakikipag-ugnayan sa Kapwa 59

1. Paggalang sa Pagiging Indibidwal ng Kapwa. Mahalagang kilalanin at igalang ang pagkabukod-tangi ng kapwa. Bawat isa ay may pagangailangan sa aspetong pangkatawan, intelektwal, emosyonal, panlipunan, pangkabuhayan at pang-ispiritwal. Kailangang maging sensitibo sa kanyang pangangailangan. Ang kusang pagbabahagi ng talento at kagamitan lalo na sa panahon ng mahigpit na pangangailangan ay nagpapaunlad ng pakikipagkapwa. Narito ang mga paraan ng pagpapamalas nito: a. Makinig at sumagot nang ayon sa kanyang sinasabi. b. Tumugon nang may pagdama at pakikiisa sa kanyang damdamin (empathy). c. Ipadama ang pagmamalasakit at maging maaalahanin. d. Gawin ang mga bagay na magbibigay ng kasiyahan at kapayapaan. Halimbawa, iwasan ang pakikipagtalo. 2. Pagpapahayag ng mga Damdamin. Kung ipinahahayag sa kapwa nang maayos at nang angkop sa panahon ang damdamin, napauunlad ang pagkakaunawaan sa isat isa. Nakapagbibigay ito nang suportangb emosyonal at pinaglalapt ang nasa ugnayan. Sa kabilang dako, kapag hindi ipinahahayag ang tunay na damdamin, nagkaka-agwat at nasisira ang ugnayan. Kaya mahalaga ang dayalogo upang makapag-usap nang mahinahon. Mahalaga ang pakikinig nang obkektibo at nang walang paghuhusga. Paano ito maipamamalas? a. Ihanda ang sarili bago ang dayalogo. Manalangin at magrelaks muna bago humarap sa kapwa. Gawing layunin ang pagkakasundo. Sabihin ang sitwasyon ng di pagkakaunawaan at banggitin ang epekto nito sa iyo. Halimbawa: Sitwasyon: Hinintay kita nang matagal. Umuwi ka na pala nang di mo man lang sinabi. Di ka man lang nag-text. Epekto sa akin: Pakiramdam ko, wala kang malasakit sa damdamin ko at hindi mo pinahalagahan ang pagiging magkaibigan natin. Tandaan na mas positibo ang ugnayan kapag nagsisimula sa pagsasabi ng iyong damdamin sa sitwasyon kaysa akusahan o husgahan mo siya ng di maganda dahil sa pananaw mo sa ginawa niya. b. Makinig nang matama (attentive). Maging handa rin sa damdaming sasabihin niya, maging negatibo man ito. Mas uunlad ang pang-unawa 60

mo sa ibang tao kung sasanayin mo ang iyong kakayahan sa pakikinig. 3. Pagtanggap sa Kapwa. Ito ay ang pagtanggap ng kanyang kalakasan at kahinaan, ng maganda at di magandang katangian at saloobin at asal. Ibig sabihin, di natin hinuhusgahan ang kapwa batay sa ating mga pamantayan o tuntunin. Ang kanyang pagkatao ang ating tinatanggap, hindi ang kanyang di magandang asal at saloobin. Di rin natin siya babaguhin batay sa mga pamantayang ito. Mas madali itong sabihin o isulat kaysa isagawa, ngunit mahalagang may kamalayan ka sa kahalagahan nito sa pagpapanatili ng mabuting ugnayan. Kapag tinanggap mo ang iyong kapwa, may inkliknasyon din siyang tanggapin ka. Ngunit mangyayari lamang ito kung may pagtangggap ka rin sa iyong sarili. Nakasalalay ang mabuting ugnayan sa kapwa sa pag-unlad ng kamalayan at pagtanggap sa sarili. Nakapaloob dito ang paniniwala at pag-asa na mapabubuti pa ang bawat tao anuman ang di magandang nangyari sa kanyang buhay; at sa tulong ng pagninilay at pagkilala sa sarili, mababago ang pagtingin niya sa sarili. Kapg nangyari ito, mapapabuti rin ang pagtanggap niya sa kanyang kapwa. Paano ito maipamamalas? Iwasan ang paghuhusga at ang pagpilit na sundin niya ang iyong pamantayan at sumang-ayon sa iyong

pananaw. Maaaring ang mga bagay na inaakusa o hinuhusgahan natin sa ating kapwa ay taglay din natin. Matutuklasan natin ito sa pagninilay. Ang paghuhusga ay ang kabaligtaran ng pagtanggap. 4. Pag-iingat sa mga Bagay na Ibinahagi ng Kapwa (Confidences). Ito ang isa sa mga napakahalagang prinsipyo ng pagpapaunlad ng

pakikipagkapwa. Habang lumalalim ang ugnayan sa pakikipagkapwa, nagkakaroon ng pagbabahagi ng mga personal o sensitibong bagay sa sarili. Mahalagang ingatan ang mga ito sa pamamagitan ng di pagbabahagi o pagkwento nito sa iba. Kapag ginawa mo ito, mawawala ang tiwala sa iyo ng iyong kapwa at baka tuluyan ng masira ang inyong ugnayan o pakikipagkaibigan. Ang pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi sa iyo (keeping confidences) ay nagpapakitang kamalayan sa pangangailangan ng kapwa na ingatan ang aspeto ng kanyang sarili na maaaring magdulot ng kahihiyan o maglagay sa kanya sa kapahamakan. Ito rin ay ang pag-iwas sa padalus-dalos na pagbabahagi ng ganitong mga sensitibo o personal na impormasyon tungkol sa kapwa, kahit hindi niya sinabi sa iyo na Huwag mong sabihin kahit kanino. Kapag nangyari ito, magsisimula ang tsismis o pagkukwento ng mga personal na aspeto ng tao na pinag-uusapan o pinagbubulungan ng 61

marami. Ito ay nakasisira ng pagkatao hindi lamang ng taong pinag-usapan kuni ng mismong taong nagbahagi. Paano maipamamalas ito? Iwasan ang pagrerelakmo sa ibang tao tungkol sa kahinaan ng kapwa. Mahirap gawin ito, ngunit sa pagsisikap na magkaroon ng panahon para sa regular na pagninilay at panalangin, magkakaroon ka ng lakas na paglabanan ang kahinaang ito. Ang paglinang ng sarili upang maging mabuting kapwa ay isang prosesong pinagdaraanan ng bawat isa araw-araw; kaya bawat araw binibigyan tayo ng pagkakataong baguhin natin ang ating sarili. Sabi nga ni Gorospe sa Moral Philosophy in a Philippine Context, ang pagmamahal sa kapwa, kapag pinagsikapang makamit ng bawat Pilipino, ay kakalat sa buong kapuluan. Maidaragdag natin na: Maipamamalas din ito sa buong daigdig sa gabay ng Diyos at ng mabuting tunguhin at sa tulong ng mga makabagong teknolohiya. 16. Matapos ang babasahin ay itanong sa mga bata ang mga sumusunod: a. Bakit kailangan ng tao ang mamuhay sa lipunan? b. Anu-ano ang mga pangangailangan ng tao na natutugunan dahil sa kanyang pakikipagkapwa? Ipaliwanag ang bawat isa. c. Anu-ano ang mga pangkultural niyang pangangailangan na hindi niya matutugunan kung siya ay nag-iisa lamang? d. Ipaliwanag: Ang pinakamalaking patunay na ang tao ay panlipunang nilalang ay ang kakayahan niyang magsalita (speech) o ang kakayahan niya sa komunikasyon. e. Ipahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa pangungusap: Ang panlipunang aspeto ng pagkatao ng tao ay hindi nangangahulugang magbubunga sa pakikiisa ng tao sa kanyang kapwa. f. Bakit kailangan ng taong mapabilang sa mga samahan? Patunayan batay sa iyong karanasan. Ipaliwanag. h. Paano nalilinang ang mga pagpapahalaga sa pamamagitan ng pakikipagkapwa? i. Ipaliwanag kung bakit ang pakikipagkapwa ay kalakasan at kahinaan din ng mga Pilipino. g. Anu-ano ang mga likas na magagawa ng tao na hindi malilinang o mapauunlad kung hindi siya nakikipamuhay kasama ang kanyang kapwa?

PAGHINUHA NG KAKAILANGANING PAG-UNAWA 62

PANLIPUNAN MALINANG ANG INTELEKTWAL PAGLILINGKOD SA KAPWA NA

K A G A N

EU na dapat mahinuha. Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kayat nakikipag-ugnayan siya sa kanyang kapwa upang malinang siya sa aspetong panlipunan, intelektwal, pangkabuhayan at politikal. Ang pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwaang tunay na indikasyon ng pagmamahal. D. PAGGANAP, PAGNINILAY AT PAGSASABUHAY Sa bahaging Pagganap, mag-iisip ang mga mag-aaral ng paraan ng mga paraan kung paano mabibigyan ng tlong o paglilingkod ang mga kapwang natukoy sa naunang gawain. Makatutulong ang gawaing ito upang mahinuha ng mag-aaral ang halaga ng paglilingkod bilang kapalit ng kanilang kontribusyon sa kanyang kaganapan. Sa bahaging Pagninilay, gagawa ang mga mag-aaral ng isang repleksyon. Babalikan ng mga mag-aaral ang mahahalagang konsepto at aral na kanilang natutunan at maging ang kanilang komitment para sa pakikipagkapwa.

Sa bahaging Pagsasabuhay, isasagawa nila ang produkto o pagganap. Sa pamamagitan ng paggawa ng paraan upang makagawa ng paglilingkod sa paaralan, kapitbahayan o pamayanan o barangay na nakabatay sa tunay na pangangailangan ng mga ito. Mahalaga ito upang ganap nilang mailapat ang paglilingkod na mayroong kabuluhan.

Pagganap 63

17. Muling pabalikan sa mga mag-aaral ang kanilang nagawang gawain (Web ng kanilang kapwa). 18. Mayroong kapwa sa gawaing pagtuklas ng dating kaalaman na hindi nila nalagyan ng guhit dahil hindi nila nabibigyan ng tulong o paglilingkod. 19. Sa bahaging ito ng aralin ay atasan ang mga mag-aaral na maglista ng mga paraan kung paano makakatulong o makapaglilingkod sa kanyang kapwa. 20. Isulat ito sa tabi ng bawat bilog.

21. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba.

Hindi na magdadagdag ng kalat sa paaralan at pagsasabihan ang mga kapwa magaaral na Janito makiisa. r

Kaibi -gan Guro Aking Ina Aking Ama

Pari Pulis

L A R A W A N

Doktor

Kuya

Matan -dang Pulubi

22. Pagkatapos ay atasan ang mga mag-aarala na hikayatin ang mga kakalase na makibahagi sa paraang lihim sa pangangailangan ng kapwa-Ang Mabuti Kong Gawain para sa Aking Kapwa 64

Pagninilay 23. Pasulatin ang mga mag-aaral ng isang pagninilay sa kanilang journal. Ituon ang nilalaman nito sa mga sumusunod: a. Mahalagang kaisipan na natutunan sa aralin b. Magagandang butil ng aral na nakuha mula sa mga gawain at pagtalakay c. Repleksyon ukol sa nagging pagbabago sa kanyang pananaw o paniniwala dahil sa aralin d. Ang pansariling komitment para sa paglilingkod sa kapwa

Pagsasabuhay 24. Pagawain ang mga mag-aaral ng mga paraan kung paano makagagawa ng paglilingkod sa paaralan, kapitbahayan o pamayanan o barangay. 25. Ngunit upang masigurong magiging makabuluhan ito, kailangan muna nilang alamin kung ano talaga ang mga pangangailangan ng mga ito. 26. Ang pangangailangan na ito ang kanilang pagpaplanuhan kung paano mabibigyan ng tugon. 27. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba.

Kapwa 1. paaralan

Kanilang pangangailangan Dumaraming bilang ng mga estudyanteng hirap sa matematika

Paraan kung paano makapaglilingkod Makipag-ugnayan sa Supreme Student Government sa pagbuo ng team ng mga peer tutors na magtuturo sa mga estudyante nang libre.

28. Bigyang katuparan ang planong ito. Ilapat ang mga hakbang na kanilang itinala. 29. Atasan silang idokumento ang kanilang gawain para sa pag-uulat sa guro.

MGA SANGGUNIAN Gorospe, Vitaliano. (1974). Moral Philosophy in a Philippine Context. Manila: Jesuit E ducational Association. 65

Pontifical Council for Justice and Peace. (2004). Compendium of the Social Doctrine of the Church. Makati: Word of Life Publications Qutio, Emerita. (1989). Fundamentals of Ethics. Manila: de La Salle University Press.

Ikalawang Markahan: Ang Pakikipagkapwa

Aralin 2: Ang Pakikipagkaibigan

Bilang ng araw/sesyon: 3-4

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng sa kahalagahan, katangian at layunin ng pamilya sa pagpapaunlad ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad ng pakikitungo sa pamilya tungo pakikipagkapwa sa mabuting pakikipagkapwa Mga Kakailanganin sa Pag-unawa sa Ikaapat na Markahan: Ang mga pagpapahalagang natutuhan sa loob ng pamilya ay nakaiimpluwensya sa pakikitungo sa kapwa; ganoon din, ang mga pagpapahalagang nakuha sa pakikipagkapwa ay nakatutulong sa pagpapatatag ng pamilya. Mga Kakailanganin sa Pag-unawa sa Aralin 2: Ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilanlan at pakikisalamuha sa lipunan. Maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan: ang pagpapaunlad ng pagkatao at pakikipagkapwa at pagtamo ng mapayapang lipunan/pamayanan. Ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at pagmamahal. Nakatutulong ito sa pagtamo ng integrasyong pansarili at pagpapaunlad ng pakikipagkapwa. Mahahalagang Tanong sa Ikaapat na Markahan Bakit mahalaga ang pamilya sa pakikipagkapwa at ganoon din ang pakikipagkapwa sa pamilya? Mahahalagang Tanong sa Aralin 2: Bakit mahalaga ang pakikipagkaibigan?

Dapat bang patawarin ang kaibigan / kapwa? Pangatwiranan

66

Nauunawaan ng mag-aaral ang: (Mga Kaalaman) Kahulugan ng Pakikipagkaibigan Kahalagahan ng Pagpapatawad Antas ng Pakikipagkaibigan Social-Networking at Cyber Friendship

Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng mga sumusunod: (Mga Kasanayan) Nakapagpapaliwanag ng kabutihang naidudulot ng pakikipagkaibigan sa sarili at sa lipunan gamit ang matibay na pangangatwiran o batay sa pananaliksik Nakapagbibigay-kahulugan sa pahayag ni Aristotle: The desire for friendship comes quickly. Friendship does not. Nakapagsasagawa ng mga hakbang sa pagpapanatili o pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa isang kaibigan o mga unang hakbang sa pakikipagkaibigan sa isang loner Nakapagbuo ng hinuha tungkol sa pakikipagkaibigan batay sa kwento ng 2 magkaibigan na napanatili ang kanilang pagkakaibigan sa kabila ng mga pagsubok Nakapagsusuri ng mga pagbabago sa sarili gamit ang sinulat na pagninilay sa journal tungkol sa pakikipagkaibigan (hal., ang kabutihang naidulot ng pagpapatawad

Inaasahang Pagganap: Pagsasagawa ng mga hakbang sa pagpapanatili o pagpapaunlad ng pakikipagugnayan sa isang kaibigan o mga unang hakbang sa pakikipagkaibigan sa isang loner

Antas 2 Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: Pagpapaliwanag Pagpapaliwanag sa kabutihang naidudulot ng pakikipagkaibigan sa sarili at sa lipunan gamit ang matibay na pangangatwiran o batay sa pananaliksik Kraytirya: - Malinaw na naipahayag ang patunay at malinaw ang pangangatwiran - Nagbigay ng halimbawa batay sa tunay na buhay -Gumamit ng kapani-paniwalang sanggunian Interpretasyon Pagbibigay-kahulugan sa pahayag ni Aristotle: The desire for 67

Mga Patunay sa Antas ng Pagganap: Pagtataya ng pagsasagawa ng mga hakbang sa pagpapanatili o pagpapaunlad ng pakikipagugnayan sa isang kaibigan batay sa sumusunod na kraytirya: a.Mainaw ang mga paraan ng paglilingkod sa kapwa pagpapanatili o pagpapaunlad ng pakikipagugnayan sa isangkaibigan

friendship comes quickly. Friendship does not. Kraytirya: -Malinaw ang paliwanag -Angkop ang halimbawang ibinigay Paglalapat Pagsasagawa ng mga hakbang sa pagpapanatili o pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa isang kaibigan o mga unang hakbang sa pakikipagkaibigan sa isang loner Kraytirya: -Nakabatay sa tinukoy na kahinaan o devt area sa pakikipagkaibigan - Malinaw ang plano ng pagpapanatili ng pakikipagkaibigan -May report ng pagsasagawa -May pagninilay Pagbuo ng Sariling Pananaw Pagbuo ng hinuha tungkol sa Pakikipagkaibigan batay sa kwento ng 2 magkaibigan na napanatili ang kanilang pagkakaibigan sa kabila ng mga pagsubok at ginamit ito upang magkawanggawa sa kapwa Pilipino Kraytirya: -May maikling salaysay ng buhay ng 2 magkaibigan -May pagninilay kalakip ang pahayag na may hinuha tungkol sa Pakikipagka ibigan Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng Iba Pakikibahagi sa isang Friendship Day lalo na ang mga magkaibigang nagkaroon ng tampuhan Kraytirya: -May malinaw na plano ng pagsasagawa ng Friendship Day -May pagsasalarawan ng selebrasyon -May paglalarawan ng mabuting damdamin ng mga kalahok -May pagninilay Pagkilala sa Sarili Pagsusuri ng mga pagbabago sa sarili gamit ang sinulat na 68

b.May tatlong paraan ng pagsasagawa o pagpapaunlad sa bawat isa sa apat na paksa c.Makatotohanan -gamit ang mga patunay ng pagsasagawa d.May kalakip na pagninilay tungkol sa epekto ng kanyang mga ginawa sa kanyang pagkatao at pakikipagkapwa

pagninilay sa journal tungkol sa pakikipagkaibigan (hal., ang kabutihang naidulot ng pagpapatawad) Kraytirya: -Malinaw ang paglalarawan ng mga pagbabago sa sarili -Natukoy ang mga gagawin nang regular upang panatilihin ang mabuting ugnayan sa mga kaibigan Antas 3 Plano ng Patuturo-Pagkatuto Aralin 2: PAKIKIPAGKAIBIGAN B. PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE)

Sa bahaging ito ng aralin, pupukawin ang atensyon ng mga mag-aaral upang ganap na maihanda sa pag-unawa sa mas malalaking ideya o konsepto na tatalakayin. Sa simula ng aralin, pupukawin ng guro ang atensyon ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng friendship collage. Makatutulong ang gawaing ito upang mataya ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa pakikipagkaibigan at sa kahalagahan nito. Sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman, magsasagawa ang mga mag-aaral ng pagsasaliklik ukol sa kahulugan ng pakikipagkaibigan at ito ay ikukumpara sa tsart na nagawa sa unang bahagi ng aralin. Mahalaga ang bahaging ito upang matukoy ang magiging lalim ng antas ng pagtalakay ng guro sa paksa. May inihandang mga katanungan sa huling bahagi ng gawain upang gabayan ang mga mag-aaral tungo sa paghinuha ng Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) at mga Mahahalagang Tanong (EQ). Ang sagot ng mga mag-aaral sa mga tanong na ito ay magagamit na batayan ng guro upang matukoy ang mga kailangang bigyan ng mas malalim na tuon sa isasagawang pagtalakay. Makatutulong din ang bahaging ito upang magkaroon ang mga bata ng ideya tungkol sa inaasahang produkto o pagganap. Lilinangin ang Anim na Aspeto ng Pag-unawa mula sa bahaging ito hanggang sa bahaging Transfer, sa Pagsasabuhay.

69

Pagsisiyasat 1. Itanong: Kayo ba ay mayroong kaibigan? Naniniwala ba kayo na mahalaga ito? Bakit? Ano ba ang kahulugan ng pakikipagkaibigan para sa inyo? 2. Paggawa ng Friendship Collage a. Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Bigyan ang mga ito ng mga lumang magasin, art paper, gunting, 1 buong cartolina paper, at sabihing sila ay pagagawin ng isang friendship collage sa loob ng 30 minuto. b. Pagkasuunduan ang mga kraytiryang gagamitin para sa pagtataya ng friendship collage. Isulat ito sa pisara at lagyan ng katapat na puntos ang bawat kraytirya Panuto: Sa loob ng 30 minuto ay gagawa kayo ng friendship collage. Ang collage ay isang pormal na likhang sining kung saan ay pinagsasamasama ang ibat ibang mga materyal o iba pang gawang sining upang makabuo ng isang bagong likhang-sining Matapos ninyo itong gawin, ipaskil ang inyong ginawa sa pisara. Magtalaga ng isang tagapag-ulat ng kahulugan ng inyong ginawang friendship collage. 3. Pagsusuri: Batay sa inyong mga naging pag-uulat punan ninyo ang sumusunod na chart Pangkat Kahulugan ng pakikipagkaibigan Mga Katangian ng Pakikipagkaibigan Mga bagay na nagpapalago sa pakikipagkaibigan 1 2 3 Mga Katangian ng isang tunay na kaibigan

Pagtuklas ng Dating Kaalaman 4. Pagsasaliksik 70

Gumawa ng isang pagsasaliksik sa aklatan o sa internet tungkol sa kahulugan ng pakikipagkaibigan. Ikumpara ito sa mga nilalaman ng tsart na nabuo. Anu-ano ang pagkakatulad? Pagkakaiba-iba? C. MGA KARANASAN TUNGO SA PAG-UNAWA (FIRM-UP) (Interpretasyon) 5. Ipabasa ang sumusunod na kwento Sa bahaging ito, magbabasa ang mga mag-aaral ng isang maikling kwento tungkol sa pagkakaibigan, ipauunawa sa mga mag-aaral ang nilalaman ng kwento upang matukoy ang mahalagang konsepto na makukuha rito. Makatutulong ang gawaing ito upang magkaroon ng ideya tungkol sa iba-ibang mga katangian ng isang kaibigan, at kung anong mga pagsasakripisyo ang maaaring gawin ng isang tunay na kaibigan. Matapos ito ay magsasagawa ng isang friendship quiz upang matukoy kung balance ang ugnayan nila ng kanilang kaibigan. Magkakaroong muli ng isang gawain sa pagbasa at pagkatapos ay ang pagsasagawa ng sarbey.

Pakikipagkaibigan

Maliit na bagay lamang iyon, ngunit lubhang naging napakahalaga para kay Tricia. Malaki ang suliranin niya noon. Dalawang mahahalagang pagsusulit ang kanyang kukunin kinabukasan ang dalawang huling eksamen sa taon ngunit ilang araw din siyang liban sa klase kung kayat hindi siya nakapag-aral para dito. Lubhang napakaraming araling kailangan pang basahin. Hindi sya dapat lumagpak dito. Kagagaling man nya sa sakit kinakailangan niyang mag-aral sa buong magdamag. Isang buntong libro ang kaharap ni Tricia ng tumunog ang telepono nang alas-dose ng gabi. Si Gina iyon. Bago pa nag haiskul si Tricia ay matalik nyang kaibigan si Gina. Nagkahiwalay sila dahil lumipat na sa probinsya si Gina. Magkalayo man madalas naman silang magtawagan. Kaya ngat naibulalas ni Tricia kay Gina ang lahat ng sama ng loob nito at pagaalala. Matapos silang mag-usap ay nagbalik ito sa pag-aaral ng leksyon. Nagulat si Tricia ng muliy tumunog ang telepono makalipas lamang ang isang oras. 71 Si Gina muli ito. Tumawag siya upang tiyaking gising ang kaibigan at upang bigyan ito ng lakas ng loob na magpatuloy. Paulit-ulit itong tumawag tuwing makaisang oras sa buong magdamag. Habang papalapit na ang madaling araw ay masayang nagpatuloy ng pag-aaral si Tricia. Inaabangan ang mulit-

6. Itanong Anu-ano ang mga mahahalagang katangian ng pagiging magkaibigan nina Gina at Tricia? Paano ipinakita ni Gina ang kanyang pagiging isang kaibigan? Ipaliwanag. Kung ikaw si Gina gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa para sa iyong kaibigan? Anu-anong mga pagsasakripisyo ang iyong ginagawa para sa iyong kaibigan? Paano ito nakatutulong sa inyong pagkakaibigan?

7. Friendship Quiz Itanong: Kumusta ba kayo ng iyong kaibigan? Maayos ba ang inyong ugnayan? Ayon kay Martha Beck, minsan mahalaga rin na itanong kung nasusuklian ba ang mga bagay, panahon, pagtingin at pag-aalala na ibinibigay natin sa ating kaibigan. Ginawa niya ang simpleng FRIENDSHIP QUIZ na ito upang malaman kung balanse ang ugnayan ng magkaibigan. Sagutin ang mga tanong. Lagyan ng tsek Ginagawa ko ito : hindi ang kahon sa tapat ng iyong sagot. minsan madalang madalas minsan 72 palagi madalas palagi

madalang hindi

Ginagawa ito ng aking kaibigan:

1. Gumagawa ng paraan upang magkausap kayo (sa pamamagitan ng e-mail, pagdalaw, pag-iimbita sa mahahalagang okasyon, pagtawag sa telepono, et,) 2. Ipinakikita ang suporta sa pamamagitan ng pagiging masayang kausap o kasama, pagbibigay ng lakas-loob, at pagpapakita ng

7.

Pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng kanyang buhay; hallimbawa, pag-aalaga sa kanya kung may sakit; pag-aalaga sa kanyang mga halaman, alagang hayop o maging mga anak nito kung siyay may lakad

8. Pagbibigay ng mga regalo na alam mong makasisiya sa kanya. Pag-alala sa mahahalagang okasyon sa knayang buhay tulad ng birthday, graduation o kasal 9. Tumutulong upang aliwin o pagaanin ang kalooban ng kaibigan matapos ang mga di kanais-nais na naging bunga ng ugnayan sa ibang tao (gaya ng pagkabasted sa nilliligawan, di pagpansin ng crush, pagpagalit ng guro, at iba pa) 10. Hindi nahuhuli sa mga tagpuan at palaging tinutupad ang mga pangko

Pagmamarka: hindi madalang minsan - 0 puntos - 1 - 2 73

madalas palagi

- 3 - 4

8. Bilangin ang puntos para sa Ginagawa ko ito at gayun din ang sa hanay na Ginagawa ito ng aking kaibigan 9. Bawasin ang iskor ng unang hanay sa ikalawang hanay. 10. Kung ang iskor ay even number, balanse ang inyong pagiging magkaibigan. Kung odd number may isang mas may pagnanais na panatilihin ng pagkakaibigan kaysa isa. Ang iskor na ... ay nangangahulugang... 0 - 10 puntos 11 20 puntos 21 - 30 puntos 31 - 40 puntos 11. Pagtalakay A. Masasabi mo bang tama o angkop ang naging resulta ng pagtataya ng iyong pakikipagkaibigan?Ipaliwanag B. Nasusukat ba ang pakikipagkaibigan? Ipaliwanag C. Sa iyong pananaw, tama bang suklian ng isang kaibigan ang mga mabubuting bagay na ginagawa mo para sa kanya? Ipaliwanag D. Ano para sa iyo ang matibay o malallim na pakikipagkaibigan? 12. Ipabasa ang sumusunod na maikling kwento hindi tunay ang pagkakaibigan hindi matibay ang pagkakaibigan maaring palaguin ang pagkakaibigan matibay ang inyong pagkakaibigan

Pagpapatunay ng Kaibigan Noong panahon ng digmaang sibil sa Amerika, ang pangulo noon na si Abraham Lincoln ay nakatanggap ng napakaraming apela upang maggawad ng kapatawaran sa mga sundalong nahatulang mamatay dahil sa desersyon o pagtakas sa gitna ng digmaan. Ang bawat pakiusap ay may kalakip na mga sulat na nagpapatunay na ang sundalo ay karapat dapat sa klemensiya . Ang mga sulat ay mula sa kanilang mga kaibigan o mga taong nasa kapangyarihan. Isang araw ay nakatanggap ang pangulo ng isang apela na kakaiba sa lahat. Dumating ito na wala ni isa mang kalakip na sulat na nagbibigay tetimonya sa kabutihan ng sundalo. Si Pang. Lincoln ay nabagabag sa sitwasyong ito kung kayat agad niyang tinanong ang 74 nakakataas na opisyal ng naturang sundalo. Hindi makapaniwala si Pang. Lincoln nang sabihin ng opisyal na ang sundalo ay wala nang natitirang mga kaibigan at nangamatay na rin ang lahat nitong kamag-anakan sa digmaan. Sinabi nitong sa susunod na araw na nya ito pagpapasyahan.

13. Pagtalakay a. Kung ikaw ang Pangulong Lincoln, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa para sa sundalo? Bakit? b. Batay sa binasang kwento, ano ang halaga ng pakikipagkaibigan? c. Sa inyong paaralan mayroon ka bang nakikilala na tulad ng sundalong ito ay nag-iisa, o walang kaibigan? d. Kung sinasabi natin na tunay na mahalaga ang kaibigan sa buhay ng isanng tao, nakahanda ka bang makipagkaibigan sa taong ito? Ipalliwanag. 14. Cyber Friendship at Social Networking Itanong: a. May pagkakaiba ba ang cyber friendship at social-networking? Ipaliwanag. b. Magsagawa ng isang sarbey sa inyong mga kamag-aral. Mga Tanong Para sa Sarbey 75

Lagyan ng tsek ang kahon ng iyong sagot. Ikaw ba ay may account sa friendster facebook multiply twitter iba pang social network? Ilang kaibigan o friends ang mayroon ka sa iyong account? Ilan sa mga ito ang kaibigang kaklase o dating kaklase kapitbahay o dating kapitbahay kamag-anak kasambahay nakilala lang on-line?

Sino sa mga ito ang itinuturing mong tunay na kaibigan? Ipaliwanag Nakatutulong bas a inyong pagiging magkaibigan ang pagkakaroon ng social-network account? 15. Susurin ng mga mag-aaral ang mga datos na nakuha sa pamamagitan ng chart o graph. Halimbawa:

76

16.Talakayan. Masasabi mo ba na nakatutulong sa iyong pakikipagkaibigan ang social-networking? Ipaliwanag. 17. Kasunduan a. Magsaliksik sa internet tungkol sa mga panganib na dulot ng tinatawag na cyber friendship b. Magsulat ng blog sa iyong account tungkol sa damdamin o opinyon mo tungkol sa isyung ito. C.PAGPAPALALIM (DEEPEN)

77 Sa bahaging Pagpapalalim, ipababasa at ipauunawa sa mga mag-aaral ang inihandang babasahin na naglalaman ng mahahalagang ideya o konsepto patungo sa ganap na pag-unawa sa Kakailanganin sa Pag-unawa (EU). Matatalakay sa babasahin ang kahulugan, kahalagahan at ng pakikipagkaibigan, mga pagpapahalaga sa pakikipagkaibigan, ang pananaw ng mga sinaunang pilosopo, mga kristiyano at ang modernong

18. Ipabasa ang sumusunod na sanaysay.

PAKIKIPAGKAIBIGAN Isang batang lalaki ang gumawa ng kanyang unang tula tungkol sa pakikipagkaibigan. Mahalaga ang Aking Aso sa Akin Ang aking aso ay tahimik at mabait na kasama 78

Hindi niya sinasabing Gawin Mo!, tulad ni ina Hindi niya sinasabing Huwag mong gawin!, tulad ni ama Hindi niya sinasabing Tigil!, tulad ni kuya Ang aking asong si bantay at ako ay tahimik lamang na nakaupo sa isang sulok ng mundo Gusto ko siya at gusto nya rin ako! Matalik na magkaibigan si bantay at ako Ito ang pakahulugan ng isang paslit sa pakikipagkaibigan. Ikaw ba ano ang pakikipagkaibigan para sa iyo? Nakalulungkot ngunit tunay na kakaunti ang mga ginagawang pag-aaral tungkol sa napakahalagang bahaging ito ng ating buhay. Ayon sa Wikipedia ang pakikipagkaibigan ay isang higit na malalim na uri ng pakikipag-ugnayan sa kapwa kaysa karaniwan. Ang halaga ng pakikipagkaibigan ay nababatay sa pagpapakita ng mga sumusunod na pagpapahalaga ng magkaibigan sa isat isa: 1) ang pagnanais ng makabubuti para sa kaibigan; 2) pakikiramay at pakikiisang damdamin; 3) pagiging totoo; 4) pagiging maunawain at mapag-alala; 5) pagtitiwala (na hindi huhusgahan ng kaibigan); 6) pagbibigayan. Higit na malalim ang pakahulugan sa pakikipagkaibigan ng isang taong nakaranas nang mabiyayaan ng tunay na kaibigan. Ayon nga kay Emily Dickenson, isang sikat na Amerikanang manunula, Para sa akin ang larawan ng Langit ay isang malawak at bughaw na kalangitan malawak pa sa pinakamalawak na nakikita ko tuwing tag-araw at sa loob nito ay naroroon ang lahat ng aking mga kaibigan bawat isa sa kanila. Para kay C.S. Lewis isang manunulat na Ingles at makabagong pilosopo, ang pakikipagkaibigan ay hindi natin pangunahing pangangailangan, tulad ng pilosopiya, mga likhang-sininghindi ito kinakailangan upang mabuhay; bagkus isa ito sa mga bagay na nagbibigay halaga sa buhay. Si George Santayana naman, isang Espaol na manunula, ay isinulat na ang isang kaibigan ay ang bahagi ng sangkatauhan kung saan maari kang maging (totoong) tao. Tulad din ito ng sinabi ni Ralph Waldo Emerson, isang manunulat na Amerikano, sa harap ng tunay na kaibigan ay maari akong maging totoo, sa harap niya ay maari kong ibulalas ang aking mga iniisip. Maging si Aristotle ay nagsabi na walang tao na pipiliing mabuhay na walang mga kaibigan. Ayon pa sa kanya habang tumataas tayo ng estado sa buhay lalo lamang umiigting ang pagnanais nating magkaroon ng kaibigan. Sabi naman ni Plato, ang kanyang guro, Ang tunay na pagkakaibigan ay 79

walang wakas at imortal. Kung nais natin ng mas malalim pang pag-unawa sa pakikipagkaibigan, kailangan nating maintindihan ang nagbabagong pananaw tungkol dito sa paglipas ng panahon. Ang Pananaw ng mga Sinaunang Pilosopo May tatlong pilosopiya tungkol sa pakikipagkaibigan ang kumakatawan sa tradisyunal na kanluraning pananaw sa pakikipagkaibigan: ito ang pilosopiya ni Aristotle, ang paglalarawan ni Cicero at ang ispiritwal na pagpapakahulugan dito ni San Agustin. Si Aristotle ay isang pilosopong Griyego na nabuhay noong 384 B.C. hanggang 332 B.C. o bago pa ipinanganak si Kristo; si Cicero naman ay isang Italyanong politiko at pilosopo na nabuhay din noong bago ipanganganak si Kristo; si San Agustin, ay kinikilalang isang maimpluwensyang manunulat sa pilosopiyang Kristiyano noong 354 hanggang 386 A.D. at magpahanggang sa kasalukuyang panahon. Ayon kay Aristotle ang tunay na pakikipagkaibigan ay maari lamang mangyari sa pagitan ng mabubuting tao. Ang bawat isa ay naghahangad ng ikabubuti ng kaibigan sapagkat mabuti ang pagkatao nila. Hinahangad nila ang ikabubuti ng kaibigan dahil lamang sa malasakit dito at hindi dahil sa kasiyahang naidudulot o silbi nito sa kanila. Pinahahalagahan ang kaibigan tulad ng pagpapahalaga sa sarili. Samakatwid, ang taong ito ay naghahangad din ng pansariling ikabubuti kung kayat mahalaga sa kanya ang ikabubuti ng kaibigan. Gayon pa man, may tatlong uri daw ng pakikipagkaibigan. Ang una ay ang pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan. Kaibigan lamang ang turing sapagkat kailangan niya ito. Sa oras na matapos na ang pangangailangan dito ay natatapos na rin ang pagkakaibigan. Madalas ang ganitong ugnayan daw ay sa pagitan ng dalawang matatanda. Karaniwang ang ganitong pagkakaibigan ay dala lamang ng pangangailangan upang magkaroon ng kasama o kaagapay sa buhay. Ang ikalawang uri ay ang nakabatay sa pansariling kasiyahan. Karaniwan daw ito sa mga kabataan dahil ang damdamin at kapusukan ang namamayani sa buhay ng mga ito. Habang silay tumatanda at lumalago, nagbabago din ang mga bagay na nagpapasaya sa kanila; kaya nga kasabay nitoy maaring magbago na rin ang damdamin sa kaibigan. Sa kabataan din nararamdaman ang umibig sa katapat na kasarian. Sa panahong ito ay 80

maaring piliin nila ang makapiling palagi ang kanilang iniibig. Ang ikatlong uri ay ang pakikipagkaibigan na nakabatay sa kabutihan. Ang pakikipagkaibigan sa antas na ito ay nananatili hanggang nanatiling mabuti ang magkaibigan; at ang pagiging mabuti ay isang katangiang tumatagal. Ang isang taong naghahangad ng ikabubuti ng kapwa ay tunay na nakatutulong at may silbi sa kaibigan. Gayun din napasasaya ng magkaibigan ang isat isa sa kanilang pagiging magkaibigan; sapagkat anumang lubos na mabuti ay nakapagbibigay ng kasiyahan. Masasabing pambihira ang ganitong uri ng pagkakaibigan. Natural ito sapagkat bihira din naman ang lubos na mabuting tao. Ang ganitong uri ng pakikipagkaibigan din ay nangangailangan ng panahon at pagkakataong lubos na makilala ang isat isa. Mahirap matanggap ang isang tao bilang kaibigan hanggang hindi pa nito napatutunayang siya ay karapat-dapat sa pagkakaibigang ito. Ang pagnanais na makipagkaibigan ay higit na mabilis kaysa sa pagiging tunay na magkaibigan. Hindi rin naman nalalayo ang pananaw ni Cicero kay Aristotle. Ayon sa kanya may isang batas ang pakikipagkaibigan- na dapat nating hilingin mula sa kaibigan at gawin para sa kanya yaong makabubuti lamang. Kung maari nga daw ay huwag na nating hintayin pang hilingin sa atin ito ng kaibigan. Dapat ay buong puso nating gawin ang makabubuti sa kanya. Huwag din daw tayong magkulang sa pagpapayo. Kung maariy maging mapanindigan sa pagbibigay nito lalot hinihingi ng mga pagkakataon. Dapat ding tayoy maging karapat-dapat sa pakikipagkaibigan. Nararapat na nagtataglay tayo ng mga katangiang kaibig-ibig. Mahalin natin ang ating kaibigan na wari bay ikalawang sarili natin. Kaya nga mahalaga rin na mahalin natin ang ating sarili. Para kay Cicero, mga birtud ang nagbibigay daan at nagpapanatili ng pagkakaibigan. Kinakailangan sa pakikipagkaibigan ang pagkakatulad ng interes, katapatan at tibay. Hindi rin niya inihihiwalay ang pag-ibig sa pakikipagkaibigan. Ang dalawa daw ay may iisang salitang-ugat sa Latin am; amiticia ang Latin para sa salitang kaibigan at amor naman ang sa pag-ibig. Para sa kanya ang mga salitang pakikipagkaibigan at pag-ibig ay ang pagkaakit at pagkasi o pagmamahal sa isang tao na hindi dahil lamang sa pagkagiliw dito o sa hinahangad na makamit dito. Ipinayo niya na sa mundong ito, dahil ang lahat sa huli ay nagwawakas o namamatay, patuloy tayong maghanap ng mamahalin at magmamahal sa atin; dahil kung mawawala ang pagmamahal at kabutihan sa ating buhay, ay mawawala riin ang sanhi ng pagnanais na mabuhay. Ang Pananaw ng mga Kristiyano sa Pakikipagkaibigan 81

Malaki ang pagkakaiba ng pananaw na Kristiyano sa pagmamahal (agape) sa naunang pananaw nina Aristotle at Cicero. Ang pakikipagkaibigan, ayon sa dalawang pilosopo ng lumang panahon, ay pinipili o may pagkiling at kailangang sinusuklian din ng pakikipagkaibigan. Samantalang, ayon sa mga turo ni Kristo, nararapat nating mahalin ang ating kapwa tulad sa ating sarili. Ang pagmamahal na ito ay walang pinipili kaibigan, hindi kaibigan o maging kaaway man. Nakabase din ang uri ng pakikipagkaibigang ito sa pagpapatawad. Si San Agustin na marahil ang pilosopong Kristiyano na nagpatunay at nagbigay ng mataas na pagpapahalaga sa pakikipagkaibigan. Ayon nga kay Edward Sellner (1991), si San Agustin ay tunay na malapit sa kanyang mga kaibigan at saan mang dako at ano mang yugto sa kanyang buhay ay palagi siyang napaliligiran ng mga ito. Ayon sa Kristiyanong pananaw, hindi magkakaroon ng tunay na pagkakaibigan kung ang magkaibigan ay hindi pinag-isa ng pagmamahal ng Diyos na pinalalaganap sa ating mga puso sa pamamagitan ng ispiritu santo. (Confessions, IV, 73) Kung ang pakikipagkaibigan ay inilalarawan ng mga klasikong manunulat bilang ang makaagapay na paghahanap ng kagandahan, katotohanan, at karunungan; sa Kristiyanong pananaw, ang paghahanap na ito, sa huli, ay maghahatid sa atin sa pinagmumulan ng Kagandahan, Karunungan, Katotohanan, at Pag-Ibig; ang Diyos. Mahalaga rin ang konsepto ng pagpapatawad sa pakikipagkaibigan. Ayon nga sa Lumang Tipan, sina Moses at Abraham ay tinawag na mga kaibigan ng Diyos. Sa bagong tipan sinabi ni Kristo na ang pakikipagkaibigan sa Diyos ay hindi nakareserba sa iilan o sa mga pinili lamang. Sino mang sumunod kay Kristo, nagmahal sa kapwa ay maari Niyang maging kaibigan. Ayon sa Juan 15:15 hindi ko na kayo tatawaging mga utusan sapagkat hindi nalalaman ng utusan ang ginagawa ng kanyang panginoon, tinawag ko kayong kaibigan sapagkat ang lahat ng narinig ko sa aking Ama ay ipinaalam ko sa inyo. Ibinigay ni Kristo ang kanyang buhay upang mapatawad tayo sa ating mga kasalanan. Gayon din sinabi niya sa Marcos 11:25 At kung kayoy nakatayong nanalangin, magpatawad kung kayoy may sama ng loob sa kanino mang tao, upang patawarin naman kayo ng inyong Amang nasa langit sa inyong mga kasalanan. Modernong Pananaw 82

Maraming manunulat sa kasalukuyan ang naglalarawan sa pakikipagkaibigan bilang isang ugnayang pinili ng dalawang taong kapwa may kalayaang magpasya para sa sarili. Inilalahad ito bilang isang espesyal na ugnayan sa pagitan ng dalawang nilalang na may pantay na katayuan o kalagayan sa buhay. (Bell at Coleman, 1999) Gayun pa man may mga tumutuligsa sa pananaw na ang pagiging magkaibigan ay malayang pinipili at isang personal na pasya. Ito ay sapagkat lahat ng pakikipag-ugnayan sa ating kapwa ay nangyayari sa loob ng hangganang idinidikta ng katayuan sa buhay, edad, lahi, at kinalalagyan o lugar. (Graham Allan, 1989) Si C.S. Lewis ang nagsabi na ang pakikisama o maging ang pakikihalubilo ay mga sitwasyong maaring pag-ugatan ng pakikipagkaibigan. Madalas nga ang iba ay pinagkakamalang pakikipagkaibigan ang pakikisama. Nagiging magkaibigan ang dalawang magkasama, hallimbawa sa trabaho o sa libangan, kung sa kanilang madalas na pagsasama ay natuklasan nilang mayroon pala silang pagkakapareho na wala sa iba. Madalas ang tunay na pagkakaibigan ay nagsisimula sa mga katagang Ang ibig mong sabihin ay ikaw rin akala ko ako lang! Hindi lamang ito basta pagkakatulad sa relihiyon, pag-aaral, propesyon o karera, o pinaglilibangan. Sa ganitong uri ng pagtitinginan, ang pagtatanong ng Mahal mo ba ako? ay pagtatanong din ng Nakikita mo ba ang nakikita ko? o kayay Mahalaga ba sa iyo ang mahalaga sa akin? Gaya nga ng nabanggit, ang pakikipagkaibigan ay nakapaloob sa iba pang aspeto ng pamumuhay ng tao. Sa ating kultura, madalas masasabi natin na tunay nga nating itinuturing na kaibigan ang isang kasama kung siya ay ating isinasama sa ating tahanan at ipinakikilala sa ating mga kaanak. Ang isang katrabaho halimbawa ay maaring sa trabaho lamang natin kasabay kumakain, naghihintay ng sasakyan, o maaring kakwentuhan at kabiruan pero hindi natin siya matatawag na kaibigan kundi kasama lamang sa trabaho kung hindi sya nagiging bahagi ng mahahalagang kabanata sa ating buhay, lalo na ang buhay pamilya. Halimbaway sa kasal, luksa at paglilibing, pagbibinyag, mga anibersaryo at kaarawan, at maging sa pasko, bagong taon at iba pang katulad na kasayahan. Sinang-ayunan din ang obserbasyong ito ng pag-aaral ni Allan (1996). 19. Pagbubuod ng mga konseptong tinalakay sa sanaysay. Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo 20. Bawat pangkat ay gagawa ng pagbubuod gamit ang ibat ibang mga sumusunod na smart art concept organizers. (Kung may computer software na Windows 2007 ay madali itong magagawa bilang power point presentation. Kung wala naman ay maari ring iguhit na lamang sa manila paper.)

83

Unang Pangkat : Organizational Chart

Ikalawang Pangkat:

konsepto
konsepto konsepto

konsepto

konsepto

konsepto
konsepto

Ikatlong Pangkat: Segmented Process

84

21. Ipaliliwanag ng mga mag-aaral ang mga konsepto sa binasang sanaysay gamit ang mga smart art concept organizers 22. Pagbuo sa kinakailangan sa pag-unawa 23. Sabihin: Batay sa mga naunang pag-aaral halawin ang kinakailangan sa pag-unawa tungkol sa araling pakikipagkaibigan 24. Bigyan ng meta strips ang mga mag-aaral. Ipasulat ang mga konseptong natutuhan bunga ng mga naging pag-aaral. 25. Ipaskil ang mga ito at ihanay ayon sa pagkakatulad 26. Balikan ang mga naging tugon sa mahalagang tanong. Ipaskil ang mga ito sa pisara. 27. Itanong: Alin sa mga ito ang naglalaman ng mga konseptong natutuhan tungkol sa Pakikipagkaibigan? 28. Hayaan ang mga mag-aral na ibigay ang kanilang mga opinion. 29. Gamit ang mga naihanay na konsepto sa pisara tulungan ang mga mag-aaral na buuhin ang kinakailangan sa pag-unawa. D.PAGGANAP, PAGNINILAY AT PAGSASABUHAY (TRANSFER) Sa bahaging ito ng aralin ay pagagawain ang mga mag-aaral ng action plan para sa isang action research kung saan tutukuyin ng mga magaaral ang mga hakbang na isasagawa upang mapalago ang pangkakaibigan. Makatutulong ang gawaing ito upag magkaroon ng gabay ang mga mag-aaral para sa maayos napaglalapat. Magsusulat ang mga mag-aaral sa kanilang journal ng kanilang pagninilay tungkol sa resulta ng gawain. 1. Gawain Action Research 2. Pumili ng isang kamag-aral, kapibahay o kakilala na sa iyong palagay ay walang kaibigan o loner 3. Kaibiganin ito. 4. Gumawa ng plan of action kung paano gagawin ito. 5. Pormat sa Paggawa ng Action Plan

Action Plan 85

Mga Hakbang na Isasagawa

Panahong Kinakailangan/Petsa

Mga Kakailanganin

Mga Inaasahang Bunga

6. Itala sa journal ang mga paglago sa gawaing ito Mga Kakailanganing Kagamitan: (websites, software, mga aklat at worksheets) Mga Sanggunian: 1. Bristow, Peter ; The Moral Dignity of Man; Four Court Press: 2004; This Version: 3rd October 2009; Christendom Awake Homepage; August 10, 2010http://www.christendom-awake.org/pages/pbristow/pbristow.html 2. Kemp, Kenneth W. ; The Moral Philosophy of St. Thomas Aquinas; Thomistic Conference: Lithuania, 2000; August 10, 2010http://courseweb.stthomas.edu/kwkemp/Papers/MPSTA.pdf 3. Keathley III, J. Hampton; The Reasons for Thanksgiving; Bible.org; accessed on August 10, 2010http://bible.org/seriespage/reasonsthanksgiving-col-112b-14http://bible.org/seriespage/reasons-thanksgiving-col-112b-14 4. Virtue; The Value of Education; page 4 Ikalawang Markahan: Ang Pakikipagkapwa at Pakikipagkaibigan Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pakikipagkapwa, pakikipagkaibigan, komunikasyon, at emosyon Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa sa kaibigan/kamag-aral o kapitbahay/kapamayanan. Mahahalagang Tanong (Sa Ikalawang Markahan): Bakit kailangang makipagkapwa ang tao? Aralin 3: Komunikasyon sa Pakikipagkapwa Araw ng sesyon: 5-7

Mga Kakailanganing Pag-unawa (Sa Ikalawang Markahan): Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kayat kailangan niyang mamuhay sa lipunan kasama ang kanyang kapwa upang malinang siya sa aspetong panlipunan, intelektwal,emosyonal, pangkabuhayan at intelektwal. Ang pagmamahal na naipakikita sa paglilingkod sa kapwa ay kailangan upang maging 86

ganap na tao. Sa Aralin 3: Komunikasyon sa Pakikipagkapwa Ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa angkop at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang antas ng komunikasyon na umiiral sa pagitan ng dalawang tao o pangkat ay palatandaan ng lalim ng pakikipag-ugnayan. Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual na uri ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa.

Sa Aralin 1: Ang Pakikipagkapwa Bakit mahalaga ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon?

Bakit mahalaga ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, dipasalita at virtual na uri ng komunikasyon?

Nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga: (Mga Kaalaman) 1. Kahulugan ng komunikasyon 2. Kahalagahan ng komunikasyon sa pagbuo ng maayos na pakikipagugnayan sa kapwa 3. Tatlong uri ng komunikasyon 4. Limang antas ng komunikasyon 5. Mga hadlang sa epektibong komunikasyon

Ang mga mag-aaral ay: (Mga Kasanayan) A. Nakahuhula ng mga salita sa pamamagitan ng pasalita at di pasalitang pamamaraan B. Naibibigay ang kaugnayan ng komunikasyon sa pakikipagkapwa C. Nakapagsasagawa ng pagtalakay ng ukol sa ibat ibang paraan ng pakikipag-ugnayan o komunikasyon D. Nahihinuha ang kakailanganing pag-unawa gamit ang graphic organizer E. Nakapagsasagawa ng isangcase study ukol sa alitan bunga ng hindi maayos o maling komunikasyon F. Nakikibahagi sa isang video conference sa pagitan ng Muslim at di Muslin na mag-aaral tungkol sa maling komunikasyon na dulot ng media o child rearing G. Nakagagawa ng paraan sa pagpapaunlad ng komunikasyong ginagamit sa pakikipagkapwa

Inaasahang Pagganap Naisagawa ang sariling paraan ng pagpapaunlad ng paraan ng komunikasyong ginagamit sa pakikipagkapwa

Antas 2 Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa Pagpapaliwanag Paglalarawan ng mga sitwasyong naobserbahan na nagpapakita ng limang antas ng komunikasyon Kraytirya: - Malinaw na naipahayag ang mga sitwasyon -Natukoy nang malinaw ang antas ng komunikasyon 87

Mga Patunay sa Antas ng Pagganap Pagtataya ng pagsasagawa ng sariling paraan ng pagpapaunlad ng komunikasyong ginagamit sa pakikipagkapwa batay sa sumusunod na kraytirya:

- May maikling pagninilay Interpretasyon Pagbibigay ng puna sa uri ng komunikasyon na umiiral ngayon sa mga social networking sites sa internet Kraytirya: -Malinaw na naipahayag ang puna -May batayan o patunay ang puna -Tinukoy ang mga birtud na umiiral o nilalabag sa uri ng komunikasyon na umiiral -May hinuha sa implikasyon ng ganitong uri ng komunikasyon sa pakikipagkapwa Paglalapat Pagsasagawa ng mga paraan ng pagpapaunlad ng komunikasyong ginagamit sa pakikipagkapwa Kraytirya: -Nakabatay sa tinukoy na kahinaan o devt area sa sariling paraan ng komunikasyon sa pakikipagkapwa - Malinaw ang plano ng pagpapaunlad -May report ng pagsasagawa -May pagninilay a.Mainaw ang mga paraan ng pagpapaunlad ng komunikasyong ginagamit sa pakikipagkapwa b.May tatlong paraan ng pagsasagawa o pagpapaunlad c.Makatotohanan -gamit ang mga patunay ng pagsasagawa d.May kalakip na pagninilay tungkol sa epekto ng kanyang mga ginawa sa kanyang pagkatao at pakikipagkapwa

Pagbuo ng Sariling Pananaw Pagbuo ng hinuha tungkol sa kahalagahan ng maayos na komunikasyon sa pagtigil ng diskriminasyon o hidwaang dulot ng di pagkakasundo (hal. Sa pagitan ng Muslim o di Muslim) Kraytirya: -May maikling salaysay o case study ng alitan dulot ng maling komunikasyon - May paglalarawan ng pananaw ng 2 panig sa isat isa -May pagninilay kalakip ang pahayag na may hinuha tungkol sa mabisang komunikasyon Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng Iba Pakikibahagi sa isang Video Conference sa pagitan ng mga Muslim at 88

di-Muslim na mga mag-aaral tungkol sa maling komunikasyon o diskriminasyon dulot ng media o child rearing at paano maisasaayos ito Kraytirya: -May malinaw na plano ng pagsasagawa ng Video Conference -May pagsasalarawan ng nilalaman at insights mula sa ginawang Video Conference -May paglalarawan ng mabuting damdamin ng mga kalahok at pati ng 2 panig -May pagninilay Pagkilala sa Sarili Pagsusuri ng mga pagbabago sa sarili gamit ang sinulat na pagninilay sa journal tungkol sa maayos na komunikasyon (hal., ang kabutihang naidulot ng pagpapahayag ng damdamin ng 2 panig sa video conference) Kraytirya: -Malinaw ang paglalarawan ng mga pagbabago sa sarili -Natukoy ang mga gagawin nang regular upang panatilihin ang maayos na komunikasyon sa kapwa Plano ng Pagtuturo Pagkatuto Aralin 3: Komunikasyon sa Pakikipagkapwa A. PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE) Sa bahaging Pagsisiyasat, pupikawin ang atensyon ng mga bata sa pamamagitan ng dalawang laro, ang charades at pinoy henyo, sa pamamagitan ng gawain na ito ay mahihinuha ng mga mag-aaral ang pasalita at di pasalitang uri ng komunikasyon. Sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman, aatasan ang mga mag-aaral na tukuyin ang ibat ibang magkakaugnay na konsepto tungkol sa komunikasyon at pakikipagkapwa. Mahalaga ang gawaing ito upang mataya ang kaalaman ng mga bata tungkol sa paksa. Matutukoy ng guro kung saan at paano magsisimula sa pagtalakay. Layunin ng mga tanong sa huling gawain na gabayan ang mga mag-aaral tungo sa paghinuha ng mga Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) at mga Mahahalagang Tanong (EQ). Ang sagot ng mga mag-aaral sa bahaging ito ay mahalaga upang matukoy ang lawak ng gagawing pagtalakay ng guro sa mga darating na bahagi ng aralin. Makatutulong din ang gawaing ito upang magkaroon sila ng ideya tungkol sa 89 Lilinangin ang anim na Aspeto ng Pag-unawa mula sa bahaging ito inaasahang produkto o pagganap na kanilang ipamamalas sa araling ito. hanggang sa bahaging Pagsasabuhay.

Pagsisiyasat 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang dalawang laro. 2. Una, ang charades, kung saan kailangan nilang pahulaan ang isang salita sa pamamagitan ng kilos o mga senyas. 3. Ikalawa, ang PINOY HENYO, kung saan kailangan nilang pahulaan ang isang salita sa pamamagitan ng mga word clues. 4. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Pipili sila sa pangkat ng magiging kinatawan sa isasagawang laro. 5. Kailangang mag-isip ang bawat pangkat ng 5 6 na salita na kanilang pahuhulaan sa kabilang pangkat. 6. Ang pangkat na may pinakamaraming salita na mahuhulaan nang tama ang siyang mananalo. 7. Matapos ang gawain ay itanong ang mga sumusunod: a. Ano ang mga naging karanasan habang isinasagawa ang gawain? b. Naging mahirap ba ito? Bakit o bakit hindi? c. Para sa nanalong pangkat, ano ang nakatulong sa inyo upang kayo ay manalo? d. Para sa pangkat na hindi nagtagumpay, ano ang naging balakid sa inyong tagumpay?

Pagtuklas ng Dating Kaalaman 8. Itanong sa mga mag-aaral: a. Ano ang kaugnayan ng komunikasyon sa pakikipagkapwa? b. Ano ang maitutulong nito sa pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan? 9. Ipasulat ang kanilang mga sagot sa metacards. 10. Hatiin ang pisara sa dalawang bahagi at ipadikit sa kanila ang sinulatang metacards sa angkop na kolum. 90

Kaugnayan ng Maitutulong ng komunikasyon komunikasyon at sa pakikipagpakikipagkapwa ugnayan

11. Matapos maidikit ang lahat ng metacards ay suriin ang mga ito isa-isa. Sa kabilang pisara ay isulat ang paglalahat sa mga sagot ng mag-aaral. 12. Tumawag ng ilang mag-aaral na siyang maglalagom ng resulta ng gawain. 13. Gamitin itong batayan sa gagawing pagtalakay. B. Karanasan Tungo sa Pag-unawa 14. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng paksang kanilang tatalakayin. a. Pangkat 1: Komunikasyon sa social networking site b. Pangkat 2: Komunikasyon sa cellular phones c. Pangkat 3: Komunikasyon na mayroong personal na interaksyon 15. Kailangang magabayan ang mga mag-aaral ng mga sumusunod na pamantayan sa kanilang talakayan: a. Makapagbahaginan ng kanilang mga personal na puna b. Maibahagi ang kanilang batayan o patunay sa kanilang mga puna c. Matukoy ang mabuti at di mabuting dulot ng ganitong uri ng komunikasyon d. Matukoy ang mga birtud na umiiral o nilalabag sa uri ng komunikasyon na umiiral e. Mga hinuha sa implikasyon ng ganitong uri ng komunikasyon sa pakikipagkapwa 16. Matapos mabigyan ng sapat na panahon para sa talakayan ay kailangan nilang mag-isip ng malikhaing paraan ng presentasyon nito sa harap ng klase. Kailangang masiguro na ang paraan na kanilang maiisip ay tunay na makapupukaw ng pansin ng mga kapwa mag-aaral. 17. Matapos ang presentasyon ay itanong ang mga sumusunod: a. Ano ang naidudulot na pagbabago ng ganitong uri ng komunikasyon sa paraan ng pakikipagkapwa ng mga Pilipino? b. Ano-anong mga paraan ang maaaring gawin ng isang kabataan katulad mo upang maibalik at mapatatag ang makalumang paraan ng komunikasyon lalong-lalo na sa pamilya? C. PAGPAPALALIM Sa bahaging Pagpapalalim, pagtitibayin ang dating kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbasa sa inihandang babasahin na ibinatay sa mga pag-aaral ng mga eksperto. Makatutulong ang babasahin na ito upang mabago o gawing pino ang kanilang 91 dating kaalaman. Tatalakayin sa babasahin ang kahulugan, kahalagahan, uri, antas at mga hadlang sa epektibong komunikasyon. Mapalalawak ng bahaging ito ang kaalaman ng mga mag-aaral upang may magamit silang batayan sa kanilang paglalapat sa buhay ng natutunan sa aralin at gawain

KOMUNIKASYON SA PAKIKIPAGKAPWA Dati, kapag may gusto kang sabihin sa isang tao, kailangan mo siyang puntahan, gaano man siya kalapit o kalayo sa iyo. Mahalaga man o hindi ang sasabihin mo, kailangan mong maglaan ng pagod upang ito ay maibahagi. Ngayon, ilang pindot na lang sa telepono, masasabi mo na ang iyong nais sabihin, ilang tipa na lamang sa keyboard ng computer at maibabahagi mo na ang iyong kaisipan at damdamin sa isang tao. Nakabalita ka na ba ng isang kakilala na nagkakilala dahil sa cellphone, nagligawan dahil sa cellphone, nagkaroon ng malapit na ugnayan dahil sa cellphone o maaaring nagpakasal dahil sa cellphone? Ang lahat nga naman ay napadadali ng teknolohiya. Ngunit sa kabila ng ginhawang ito ay may natatagong epekto ito sa pakikipagkapwa ng tao. Ang komunikasyon ay napakahalaga sa anomang pakikipag-ugnayan. Nagagawang posible ng komunikasyon ang relasyon o pakikipagugnayan, pagkakaibigan, at pagiging malapit ng mga kasapi ng pamilya. Mahalagang mahubog ang kakayahan ng isang tao na gamitin at unawain ang ibat ibang uri ng komunikasyon. 1. Pasalita. Ito ang pangunahing uri ng komunikasyon. Kasama rito ang pasalita (oral) at pasulat (written) na komunikasyon. Sa ganitong uri ng komunikasyon mahalagang tandaan na ang iyong salita at pagpapaliwanag ay nakaaapekto sa kaisipan at damdamin ng taong tatanggap nito. Kailangan din ng pag-iingat sa mga salitang gagamitin upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. 2. Di-Pasalita. Ito ay mahalagang uri ng komunikasyon. Mas masasalamin ang totoong damdamin sa ekspresyon ng mukha o sa galaw ng katawan. Kapag nakikipag-ugnayan tayo sa ibang tao, tayo ay nakapagbibigay at nagkatatanggap ng hindi mabilang na di pasalitang hudyat (signals). Ang lahat ng ating mga di-pasalitang gawi ang galaw, maging ang paraan ng pag-upo, kung gaano kalakas o kabilis ang pagsasalita, gaano tayo kalapit sa ating kausap, ang pagtingin sa mata n gating kausap ay nagpapadala ng mahahalagang mensahe sa ating kausap. Ipinahihiwatig sa atin na higit sa salita ang makabubuo ng isang mabuting at matatag na ugnayan o relasyon. Makatutulong ito sa iyo upang: 92

a. Mabasa nang tama ang isang tao, maging ang kanyang damdamin at ang mga di- pasalitang mensahe na nais niyang iparating b. Makalikha ng tiwala at pagiging bukas sa isang ugnayan c. Makatugon sa mga d-pasalitang hudyat (cues) na nagpapahiwatig sa iba na nakauunawa ka, napapansin mo ito at iniintindi mo ang kanilang mensahe 3. Virtual. Ang virtual na komunikasyon ay dulot ng makabagong teknolohiya kung saan ang paghahatid ng impormasyon o aksyon ay naipahahatid saan mang lokasyon gamit ang information technology. Dahil sa patuloy na paglago ng teknolohiya sa mundo, marami na ang naging pagbabago. Sabi nila dahil sa teknolohiya nagkalapit ang mundo. Naging madali ang komunikasyon para sa lahat. Ngunit kailangang isaisip na hindi nito mapapalitan ang personal na interaksyon. Mas malallim na pakikipag-ugnayan ang nabubuo ng personal na pakikipag-ugnayan. Mahalagang maunawaan ang lahat ng uri ng komunikasyon upang mapaunlad ang kakayahan sa pakikipagkapwa. Bahagi ito ng ating buhay sa araw-araw kung data itong paunlarin. Kasabay ng pagpapaunlad ng paggamit ng ibat ibang uri ng komunikasyon ay mahalaga ring maunawaan ang mga antas nito. Limang Antas ng Komunikasyon 1. Pakikipag-usap sa isang simpleng kakilala (Level of Acquaintance). Ang ganitong uri ng pakikipag-usap ay pinakamababaw ngunit sa ating mga Pilipino, madalas natin itong ginagamit. Halimbawa sa mga pagkakataon na ikaw ay kumakain at mayroong dumaang kakilala o kaibigan, tatawagin mo ito at aalukin ng pagkain ngunit alam mo naman na sapat lamang ito para sa iyo. Inaanyahan mo siya para lang masabi na naganyaya ka ngunit kulang sa sinseridad. Maraming salita na nakagawian na lamang nating sabihin at para bang awtomatiko nang lumalabas sa ating bibig ngunit salat sa lalim. Halibawa, Kumusta? OK lang. Hindi na natin nabibigyan ng malalim na pansin ang tunay na kahulugan nito. Hindi makabubuti kung ang lahat ng tao ay iyong kakausapin sa ganito lamang na antas. 2. Pakikipag-usap upang magbahagi ng makatotohanang impormasyon (Reporters Talk). Ito ay pagbabahagi ng mga impormasyon na tumutugon sa tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan at iba pa. Ibinahagi mo lamang sa ibang kung ano ang iyong nakita o narinig at kung saan at kailan ito naganap. Sa ganitong antas ng komunikasyon, wala tayong ibinabahaging malalim tungkol sa ating sarili at wala tayong hinihingi tungkol sa ating kausap. Dito, hindi hinihingi ang opinyon o ng ekspresyon ng damdamin. Hindi ito bumubuo ng intelektwal, emosyonal, ispiritwal o pisikal na pagkakalapit (intimacy). 93

3. Pakikipag-usap upang magbahagi ng ideya o opinion (Intelllectual talk). Sa pagkakataon na ito, hindi na lamang mga impormasyon ang ating ibinabahagi kundi nagbabahagi na rin tayo ng ating opinyon, mga pakahulugan o interpretasyon, at mga paghatol (judgements). Hinahayaan na natin na makita ng tao ang ating iniisip at kung paano pinoproseso ang mga impormasyon na nakakalap nito. Sa antas na ito, may mga posibilidad na magdulot ng pagsasalungatan, kung kaya nga ang taong nagsasalita ay nagiging maingat na sa mga salitang kanyang bibitawan. Nagsasagawa muna siya ng obserbasyon sa reaskyon ng kanyang kausap bago niya ipagpatuloy ang pagsasalita. Kung nakikita ang positibong tugon sa kanyang sinasabi, nagbibigay ito ng hudyat na maaari niyang ipagpatuloy ang pagbabahagi ng kanyang iniisip. 4. Pakikipag-usap upang magbahagi ng sariling damdamin (Emotional Talk). Sa antas na ito, malaya na na naibabahagi ang iyong sariling damdamin sa iba. Mas mahirap magbahagi ng damdamin kaysa sa iniisip dahil itinuturing natin na ang ating damdamin ay pribado. Maituturing na malayo ang agwat nito sa ikatlong antas dahil malalim na bahagi ng ating sarili ang ibinabahagi sa ibang tao. Mas madaling tanggapin ang pagsalungat sa opinyon o ideya ngunit hindi sa damdamin. Maaaring isipin na kaya sinasalungat ang iyong damdamin ay dahil may itinatagong sama ng loob sa iyo ang isang tao o kaya naman ay malalim na galit. Kapag nangyari ito, hindi mo na hahayaang muling maibahagi sa kanya ang iyong damdamin, maglalagay na iyo ng pader sa inyong ugnayan. Kung kaya mahalaga ang pagiging maingat sa paggamit ng antas na ito. Ngunit kapag napagtagumpayan ito, mas malalim na uri ng pakikipag-ugnayan ang maaaring mabuo rito. 5. Pakikipag-usap upang ibahagi ang totoong sarili na ginagabayan ng pagmamahal (Loving, Genuine, Truth Talk). Ito ang pinakamtataas na antas ng komunikasyon. Sa pagkakataong ito, ibinabahagi na natin sa ibang tao ang ating mga pangangailangan, mga alalahanin, pangarap, takot o pag-asa. Nasasabi natin ang lahat ng ito nang buong katapatan at wala tayong inhibisyon o pag-aalinlangan. Sa bahaging ito, mahalaga ang pagtanggap, pag-unawa at paggalang. Huwag kakaligtaan na mapagtatagumpayan lamang ito kung ito ay gagabayan ng tunay na pagmamahal. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa limang antas na ito ay makatutulong upang mapahusay ang kalidad ng ating pakikipag-ugnayan o komunikasyon sa ating kapwa. Habang tumataas ang antas ng komunikasyon na ating ginagamit, mas lumalalim ang pakikipag-ugnayan na matatamo. Hindi imposibleng makamit ang ika-limang antas. May mga sagabal na maaaring kaharapin sa proseso nito. Narito ang ilan hango sa internet. Mga Hadlang sa Epektibong Komunikasyon: 1. Pagtanggi (Denial) May mga pagkakataon na ang tao ay tumatangging ibahagi lalo na yaong mga bagay na hindi tayo komportableng ibahagi sa ating kapwa. Lalo na kung mga bagay na hindi natin masabi nang harapan o kaya naman ay mga bagay na hindi tayo komportableng ipagtapat sa kanila nang harap-harapan. 94

2. Pagpapalit (Substitution) May mga pagkakataon na naibabaling natin sa ibang tao ang mga bagay na hindi natin masabi sa taong nararapat na makatanggap nito. Hal. mayroon kang sama ng loob sa iyong ina, sa halip na kausapin mo siya upang ibahagi ang iyong damdamin ay sinasabi mo ang lahat ng ito sa iyong kaibigan. Nakahahadlang ito sa epektibong komunikasyon dahil hindi makatutulong ang pagbaling sa ibang tao upang mabigyang-solusyon ang suliranin. 3. Di-pagkakapareho o di-pagkakaangkop (Incongruence) Nangyayari ito sa mga pagkakataon na ang pasalitang paraan ng komunikasyon ay di tumutugma sa ekspresyon ng mukha, tono ng pananalita, lakas o hina na boses at iba pa. Ang taong tumatanggap ay magbibigay ng kaniyang sariling interpretasyon sa iyong ipinahihiwatig. Minsan halimbawa, mas pinaniniwalaan ng tao ang ekspresyon ng mukha kaysa sa sinasabi ng tao. Sa pagkakataon na sinasabi nating masaya tayo ngunit mas lungkot ang mababakas sa ekspresyon ng mukha, mas paniniwalaan nila na hindi totoo ang saya na iyong sinasabi. 4. Pagbabawal (Inhibition). May mga pagkakataon, lalo na sa tahanan kung saan pinagbabawalan ang ilang kasapi na magbahagi ng ilan sa kanilang mga ideya at damdamin. Kapag nakasanayan, magiging balakid ito sa ganap na pagiging bukas sa komunikasyon sa loob ng pamilya. Sa lahat ng pagkakataon ay mahalagang pairalin ang katatagan at ang pagiging maingat. Maging sa komunikasyon sa pakikipagkapwa ay kailangan itong ilapat. Akala natin sapat na na nasasabi natin ang ating iniisip at nadarama ngunit mahalagang magsikap upang ito ay magkaroon ng positibong bunga sa pakikipagkapwa. Simulan mo na ang pagsusuri sa iyong kakayahan sa komunikasyon sa pakikipagkapwa upang mapagsikapan mong baguhin ang mga mali at mas paunlarin ang ginagawa mo nang tama.

PAGHINUHA NG KAKAILANGANING PAG-UNAWA

KOMUNIKASYON

Palatandaan ng lalim ng pakikipag-ugnayan

EU na dapat na mahinuha: 95

Ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa angkop at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang antas ng komunikasyon na umiiral sa pagitan ng dalawang tao o pangkat ay palatandaan ng lalim ng pakikipag-ugnayan. Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual na uri ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa.

D. PAGGANAP, PAGNINILAY AT PAGSASABUHAY (TRANSFER)


Sa bahaging Pagganap, aatasan ang mga mag-aaral na magsagawa ng isang case study ukol sa alitan bunga ng hindi maayos na

Ang Aking Pagninilay komunikasyon. Makatutulong ang gawain na ito upang malaman ang maaaring idulot nito sa pakikipagkapwa. Pagkatapos ay makikibahagi ang mga
mag-aaral sa isang video conference sa pagitan ng Muslim at di Muslim na mag-aaral upang pag-usapan Pangalan ang tungkol sa maling komunikasyon at ___________________________ Taon at Seksyon: ____________________ diskriminsyon dulot ng media at child rearing. Sa bahaging Pagninilay, magsusulat ang mga mag-aaral sa kanilang journal ng isang pagninilay na naglalaman ng kanilang natutunan sa

Paksa: _____________________________ Petsa: _______________________

aralin at ang mg paraan kung paano mapagyayaman ng kakayahan sa komunikasyon upang mapaunlad ang pakikipagkapwa. Isusulat din ng mga

1. Ang king mga natutuhan: ________________________________ Sa bahaging Pagsasabuhay, masusukat ang kakayahan ng mga mag-aaral na isabuhay ang natutunan mula sa aralin. Pagagwain ang mg ________________________________ mag-aaral ng mga paraan sa pagpapaunlad ng komunikasyong ginagamit sa pakikipagkapwa. Ihahanda rin ang mga mag-aaral upang mailapat sa ________________________________ araw-araw ang mga paraan na ito. Sa ganitong paraan masisiguro na maisasabuhay ng mga mag-aaral ang kanilang_______________ mga natutunan sa aralin.
mag-aaral ang mga naiwang tanong sa kanilang isipan upang ito ay mabigyang-linaw sa tulong ng guro.

2. Paano ko mapagyayaman ang aking kakayahan sa komunikasyon upang mapaunlad ang aking pakikipagkapwa: ________________________________ Pagganap ________________________________ A. ________________________________ _______________ 18. Paggawain ang mga mag-aaral ng isang case study ukol sa alitan bunga ng hindi maayos o maling komunikasyo (hal. sa pagitan ng Muslim o di Muslim). 19. Kailangan nilang gumawa ng paglalarawan ng pananaw ng dalawang panig upang lubos na maunawaan ang ugat ng di pagkakaunawaan B. 96 3. Ang aking mga Tanong: ________________________________ ________________________________ ________________________________ _______________

20. Atasan ang mga mag-aaral na makibahagi sa isang Video Conference sa pagitan ng mga Muslim at di-Muslim na mga mag-aaral tungkol sa maling komunikasyon o diskriminasyon dulot ng media o child rearing at paano ito maisasaayos. 21. Bumubo ng pangkat at pagplanuhan ang pagsasagawa ng Gawain. 22. Atasan silang gawin ang mga sumusunod: a. Presentasyon sa klase ng nilalaman at insights mula sa ginawang Video Conference. b. Paglalarawan ng mabuting damdamin ng mga kalahok at pati ng 2 panig c. Maglakip ng pagninilay Pagninilay 23. Pasulatin ang mga mag-aaral sa journal na kanilang pagninilay tungkol sa natalakay sa aralin. Isulat din ang natuklasang katotohanan at kabutihan ng maayos na komunikasyon sa pakikipagkapwa. Gamiting gabay ang pormat sa kanan. Pagsasabuhay 24. Paggawain ang mga mag-aaral ng mga paraan ng pagpapaunlad ng komunikasyong ginagamit sa pakikipagkapwa. 25. Kailangang gawin itong tiyak at tunay na makakamit. 26. Bantayan ang kanilang paglalapat ng mga paraan na ito sa loob ng isang linggo. 27. Gumawa ng tsart ng pagsasabuhay ng mga paraan sa pagpapaunlad ng komunikasyong ginagamit sa pakikipagkapwa. 28. Gumawa ng pagninilay ukol sa naging karanasan.

MGA SANGGUNIAN Chapman, Gary D. (2007) Now You're Speaking My Language: Honest Communication and Deeper Intimacy. Retrieved from http://books.google.com/books?id=07QpdD7JYVoC&printsec=frontcover&dq=levels+of+communication&hl=fil&ei=45eLTduPAcSJrAffaC_CA&sa=X&oi=book_result&ct=result&resnum=2&ved=0CCgQ6AEwAQ#v=onepage&q=levels%20of%20communication&f=false on March 25, 97

2011 Speech mastery. What is communication Retrieved from http://www.speechmastery.com/what-is-communication.html on March 25, 2011 Speech mastery. Barriers to effective communication. Retrieved from http://www.speechmastery.com/barriers-to-effective-communication.html on March 25, 2011 Help Guide.Org. Nonverbal Communication: The Power of Non Verbal Communication and Body Language. Retrieved from http://helpguide.org/mental/eq6_nonverbal_communication.htm on March 25, 2011

Ikalawang Markahan: Ang Pakikipagkapwa at Pakikipagkaibigan

Aralin 4: Ang Emosyon

Araw ng sesyon: 5 -6

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pakikipagkapwa, pakikipagkaibigan, komunikasyon, at emosyon

Antas 1 Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa sa kaibigan/kamag-aral o kapitbahay/kapamayanan. Mahahalagang Tanong (Sa Ikalawang Markahan): Bakit kailangang makipagkapwa ang tao?

Mga Kakailanganing Pag-unawa (Sa Ikalawang Markahan): Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kayat kailangan niyang mamuhay sa lipunan kasama ang kanyang kapwa upang malinang siya sa aspetong panlipunan, intelektwal,emosyonal, pangkabuhayan at intelektwal. Ang pagmamahal na naipakikita sa paglilingkod sa kapwa ay

98

kailangan upang maging ganap na tao. Sa Aralin 5: Ang Emosyon Ang pamamahala ng emosyon sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga birtud ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa. Ang katatagan (fortitude) ay nakatutulong upang harapin ang matinding pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot at galit. Nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga: (Mga Kaalaman) 1. Kahulugan at kahalagahan ng emosyon 2. Dalawang panungahing kakayahan o pakultad ng tao 3. Mga pangunahing emosyon 4. Sangkap o bahagi ng emosyon 5. Kahulugan ng emotional literacy 6. Kahulugan ng emotional awareness 7. Kahulugan ng emotional intelligence 8. Katangian ng taong mulat sa kanyang emosyon 9. Limang pangunahing kakayahang emosyonal at sosyal

Sa Aralin 5: Ang emosyon Bakit mahalagang pamahalaan ang emosyon?

Ang mga mag-aaral ay: (Mga Kasanayan) 1. Naisasalarawan ang ibat ibang emosyon sa pamamagitan ng ekspresyon ng mukha 2. Natutukoy ang nararapat na emosyon sa bat ibang sitwasyon 3. Natutukoy ang ibat ibang sitasyon na nagdulot ng matinding emosyon at natukoy ang naging epekto nito 4. Natutukoy ang magiging bunga ng pangangasiwa at hindi pangangasiwa ng pangunahing emosyon 5. Nakagagawa ng mga pamamaraan upang mapangasiwaan ang emosyon

Inaasahang Pagganap Naisasabuhay ang mga pamamaraan sa pamamahala ng emosyon

Antas 2 Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa Pagpapaliwanag Paglalarawan ng mga sitwasyong naobserbahan na nagpapakita ng ibat ibang uri ng emosyon at ang mga epekto nito sa kalusugan at pakikipagkapwa Kraytirya: Malinaw na naipahayag ang mga sitwasyon Natukoy at nailarawan nang malinaw ang bawat emosyon Gumamit ng kapani-paniwalang sanggunian May maikling pagninilay Interpretasyon Pagpapakita ng mga epektibong paraan kung paano mapamahalaan ang galit, takot, kalungkutan o pagkamuhi Kraytirya: Malinaw na nailarawan ang bawat emosyon 99

Mga Patunay sa Antas ng Pagganap Pagtataya ng pagsasagawa ng mga pamamaraan sa pamamahala ng emosyon batay sa sumusunod na kraytirya: a.Mainaw ang mga paraan ng pamamahala ng emosyon b.May limang paraan ng pamamahala ng emosyon batay sa uri c.Makatotohanan -gamit ang mga patunay ng pagsasagawa d.May kalakip na pagninilay tungkol sa epekto ng kanyang mga ginawa sa

Malinaw ang paraan ng pamamahala May batayan o patunay ang paraan ng pamamahala Tinukoy ang mga birtud na dapat pairalin sa pamamahala May pagninilay Paglalapat Pagsasagawa ng mga paraan ng pamamahala ng emosyon- hal., sa pagbibigay-solusyon sa galit o takot dulot ng di pagkakasundo o conflict Kraytirya: Nakabatay sa tinukoy na kahinaan o devt area sa sariling pamamahala ng emosyon Malinaw ang plano ng pagpapaunlad May report ng pagsasagawa May pagninilay Pagbuo ng Sariling Pananaw Pagbuo ng hinuha tungkol sa kahalagahan ng maayos na pamamahala ng emosyon Kraytirya: May maikling salaysay o case study ng alitan dulot ng di pamamahala ng emosyon May pagninilay kalakip ang pahayag na may hinuha tungkol sa pamamahala ng emosyon Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng Iba Pagkukumbinsi sa isang kaklaseng maingay na magsagawa ng ehersisyo para mawala ang stress o mapamahalaan ang emosyon Kraytirya: Malinaw ang paglalarawan ng profile o pamamahala ng emosyon ng kaklase May paglalarawan ng mabuting damdamin ng kaklase May pagninilay Pagkilala sa Sarili 100

kanyang pagkatao at pakikipagkapwa

Pagsusuri ng mga pagbabago sa sarili gamit ang sinulat na pagninilay sa journal tungkol sa maayos na pamamahala ng emosyon Kraytirya: Malinaw ang paglalarawan ng mga pagbabago sa sarili Natukoy ang mga gagawin nang regular upang pamahalaan ang emosyon Plano ng Pagtuturo Pagkatuto Aralin 4: ANG EMOSYON A. PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE) Sa bahaging ito kukuhanin ng guro ang atensyon ng mga mag-aaral upang magkaroon sila ng kahandaan sa pakikibahagi sa buong aralin. Sa Pagsisiyasat ay tatawag ng mga mag-aaral na makikilahok sa isang laro. Magpapaligsahan ang mga mag-aaral sa pagpapakita ng ibat ibang emosyon sa pamamagitan ng ekspresyon ng kanilang mukha. Mahalaga ang gawain na ito upang masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa ibat ibang emosyon.

Sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman, ay sasagot ang mga mag-aaral sa isang quiz ng nararapatna emosyon. Magbibigay ang guro ng ibat ibang sitwasyon at kailangan nilang tukuyin kung ano ang nararapat na emosyon na kanilang maramdaman. Mas malalim na matataya ng guro ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-alam ng emosyon sa pamamagitan ng gawain na ito. Mula sa mga tanong matapos ang gawain na ito ay magagabayan ang mga mag-aaral na makabuo ng pansamantang Kakailanganin sa Pag-unawa na siyang magiging panimulang ideya para sa magiging daloy ng aralin. Inaasahang magagawang pino ang kanilang pansamatalang Kakailanganin sa Pag-unawa sa pagtatapos ng aralin. Lilinangin ang Anim na Aspeto ng Pag-unawa mula sa bahaging ito hanggang sa bahaging Pagsasabuhay. 101

Pagsisiyasat 1. Tumawag ng ilang mga mag-aaral na pupunta sa harapan ng klase na lalahok sa gawain. 2. Ang laro ay susukat sa husay ng mga mag-aaral sa ekspresyon ng kanilang damdamin sa kanilang mukha. 3. Magbibigay ang guro ng mga halimbawa ng ibat ibang damdamin. (Hal. galit, lungkot, saya, takot atbp.) 4. Kailangan nilang ipakita ito sa kanilang mukha. 5. Ang sinoman na magkakamali o hindi makikitaan ng damdamin ay tatanggalin. 6. Bibigyan ng munting regalo ang pinakamahusay sa mga kalahok. Pagtuklas ng Dating Kaalaman 7. Atasan ang mga mag-aaral na kumuha ng isang malinis na papel. Magsasagawa ang guro ng isang quiz ng nararapat na emosyon. 8. Magbibigay ng mga sitwasyon ang guro ang isusulat ng mga mag-aaral ang emosyon na dapat nilang maramdaman at kailangan nilang isulat ang dahilan kung bakit ito ang kanilang napili. (hal.) a. Naabutan mo ang iyong kapatid na nilabahan ang iyong bagong polo, ngunit nakita mo na may bahagi nito na kumupas. b. Inaway ng iyong ama ang inyong kapitbahay dahil nakita niyang sinaktan nito ang iyong alagang aso. c. Nakita mo ang crush mo at nginitian mo sya ngunit tumingin lamang ito sa iyo 9. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod: a. Gaano kahalaga ang emosyon sa buhay ng isang tao? b. Ano ang ibat ibang emosyon? B. KARANASAN TUNGO SA PAG-UNAWA Sa bahaging ito ng aralin ay pababalikan sa mga mag-aaral ang mga sitwasyon sa kanilang buhay na nagdulot ng matitinding emosyon, Ipatutukoy sa mga mag-aaral ang naging epekto ng pagdama ng emosyon na ito dahil sa hindi pagkontrol dito. Makatutulong ang 102 gawaing ito upang maunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa pangangasiwa ng emosyon.

10. Atasan ang mga mag-aaral na balikan ang mga pangyayari sa kanyang buhay na nagdulot ng matinding emosyon. Ilapat ito sa isang tsart gamit ang ganitong pormat: Sitwasyon 1. Naibagsak ng aking kapatid ang aking cellphone Dulot na emosyon pagkagulat labis na galit pangamba Bunga o epekto Nasigawan at nasaktan ko ang aking kapatid Napagalitan ako ng aking ina Paraan kung paano sana napangasiwaan Huminga muna ng malalim bago ito nilapitan at kinausap Inalam muna ang dahilan Tiningan muna kung ito ba ay nasira o hindi Tinimbang kung ano ang mas mahalaga para sa akin

11. Ipaalala sa mga mag-aaral na maaaring positibo o negatibo ang damdamin na kanilang itatala. Tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi sa harap ng klase ng kaniyang ginawa. 12. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod: a. Ang ang mga nagiging bunga kung hindi natin pipigilan ang ating damdamin? b. Ano ang maaaring mangyari kung pipigilan natin ang ating damdamin? c. Ano ang madalas na dahilan kung bakit pinipigilan natin ang ating totoong damdamin? d. May magagawa pa ba tayong iba bukod sa pigilan ang ating damdamin? Ano-ano ito? C. PAGPAPALALIM Sa bahaging Pagpapalalim, ipababasa at tatalakayin sa mga mag-aaral ang babasahin na inihanda upang mapalalim ang pagunawa ng mga mag-aaral sa paksa. Ang babasahin ay isinulat batay sa mga aklat at artikulo mula sa mga eksperto upang masigurong makabuluhan ang mga ideya o konsepto na makukuha ng mga mag-aaral. Nilalaman ng babasahin ang kahulugan, sangkap, kahalagahan ng pamamahala ng emosyon 103 Makatutulong ang babasahin na ito upang gawing pino ang nabuong Kakailanganing Pang-unawa ng mga mag-aaral sa simula ng aralin. Mahihinuha ng mga mag-aaral ang Kakailanganin sa Pag-unawa gamit ang graphic organizer.

ANG EMOSYON Sabi nila ang vetsin, pampalasa ng pagkain. Itaktak mo lang sa pagkain malalasahan na ang linamnam nito. Yan ang naririnig lagi sa isang patalastas sa telebisyon. At kung gagamitin ang pagtutulad, dito natin maihahalintulad ang emosyon ng tao. Ito ang vetsin ng buhay. Ito ang nagbibigay ng buhay, kulay at saysay sa buhay ng isang tao. Masarap maging masaya hindi ba? Yung saya na parang walang anoman na pwedeng mangyari na makapapawi nito. Yung hindi maalis-alis sa mukha mo ang ngiti, nagniningning ang iyong mga mata at magaan na magaan ang iyong pakiramramdam. Ang sarap balika-balikan ng ganitong mga pagkakatao. Isa lamang itong halimbawa ng nakapakaraming ibat ibang emosyon na maaari mong maramdaman. Makatutulong sa iyon ang babasahin na ito upang maging mas malalim ang iyong pag-unawa tungkol sa emosyon. Handa ka na ba? Ayon sa etika, ang tao ay biniyayaan ng dalawang uri ng kakayahan o pakultad na mas madaling maipakikita sa pamamagitan ng

isang tsart na hango sa aklat ni Esther Esteban (1990) na Education in Values, What, Why and for Whom:

Kalikasan ng Tao

Kakayahang Makaalam (Knowing Faculties)

Kakayahang Maghangad (Appetitive Faculties) Emosyon

Materyal

Panlabas na pandamdam Panloob na pandamdam

Ispiritwal

isip (intellect) (konsensya) 104

Kilos loob

Nangangahulugan ito na ang emosyon ay isang biyaya. Ito ay natural na sangkap sa pagiging isang tao. Ang emosyon, na madalas na tinatawag na damdamin, ay galing sa salitang latin na emovere na nangangahulugang pagpukaw (to excite) o paggising. Ito ay may kaugnayan, ngunit iba, sa mood ng tao. Ang emosyon ay tiyak na tugon sa isang partikular na pangyayari na mas madalas ay panadalian lamang. Bakit nga ba mayron emosyon ang tao? Mayroong pisikal at sikolohikal na layunin ang emosyon. Naniniwala ang ilang siyentipiko na ang emosyon ang isa sa pinakapangunahin o pinakamahalagang katangian (trait) nakagnay ng pagiging tao. Ito ang nagbibigay ng kulay sa buhay ng tao, ang nagbibigay sa kanya ng lalim at ang dahilan ng kanyang pagiging katangi-tangi. Ayon sa aklat ni Adele Lynn (2005) na The EQ Difference, mayroon daw tatlong pangunahing sangkap o bahagi ang emosyon ng tao.Mahalagang maunawaan natin ang lahat ng ito upang maging ganap ang ating pag-unawa tungkol sa emosyon. Tatlong Pangunahing Sangkap ng Emosyon 1. Nagbibigay-malay o kognitibo (cognitive component). An gating mga pananaw, iniisip, paniniwala, at mga inaasahan ang bumubuo sa bahagi o sangkap na ito ng emosyon. Sabi nga sa isang aklat, ayon kay Shakespeare sa kanyang aklat na Hamlet, walang mabuti o masama, ngunit ang isip ang nagpapabuti o nagpapasama dito. Ang ating pananaw, iniisip, paniniwala at mga inaasahan na nananahan sa ating utak ay nakatutulong sa pagdidkta ng ating emosyon. Halimbawa, mula sa pagkabata ay pangarap mo ng maging guro, nakahanda na ang iyong sarili na ito ang kursong iyong kukunin pagdating sa kolehiyo, labis labis ang iyong paghanga sa iyong mga guro dahil nakikita mo na ang iyong sarili sa kanila sa hinaharap. Ang lahat ng iyong pagsisikap ay iniaalay mo sa pangarap na ito. Ngunit kinakausap ka palagi ng iyong mga magulang at kanilang sinasabi sa iyo na mas maganda kung isaw ay magiging nurse dahil mas maganda ang kinabukasan na naghihintay sa iyo. Sinabi nila na may pag-asa ka pang makarating ng ibang bansa. Nanghihnayang daw sila sa iyong katalinuhan kung ikaw ay magiging guro lamang. Sa bawat pagkakataon na kayo ay magkikita ay lagi nilang sinasabi ito sa iyo. Ikinukwento pa nila sa iyo palagi ang mga kakilala niyang nurse na nasa ibang bansa at ang napakaganda ng katayuan nila sa buhay at ng kanilang pamilya. Kung kaya habang tumatagal din ay napansin mo na rin ang pagbabago sa pagtingin at pakikitungo mo sa iyong guro at hindi na katulad ng dati ang iyong ang iyong tuwa kapag naiisip mo na ikaw ang magiging guro. Dahil nababago na ang iyong pananaw at naaapektuhan nito ang kalagayan ng iyong emosyon. 2. Pisyolohikal (Physiological component). Paano kaya kung minsan isang hatinggabi at naglalakad ka sa daan ay biglang may nakita 105

kang tao sa iyong harapan at nakita mong tumatakbo patungo sa iyo, ano kaya ang iyong mararamdaman? Malamang labis labis ang iyong nadaramang takot. Ang takot na ito ay awtomatikong magdudulot ng reaksyon pisyolohikal katulad ng mabilis na pagtibok ng puso, panunuyo ng lalamunan, mabilis o hindi regular na paghinga, panginginig ng katawan o malamang pagpapawisan ka. Ang mga pisyolohikal na reaksyon na ito ay nakatutulong sa atin upang protektahan tayo at kontrolin ang ating kilos, tumutulong ito upang awtomatikong tumugon an gating isip kung sa panahon ng panganib tayo na ay aatake, poprotektahan ang ating sarili o uurong na lamang. Ito ay kontrolado ng ating limbic system, partikular ang hypothalamus at amygdala. An gating katawan ay naglalabas ng mga malalakas na hormones na nagpapatalas ng ating pakiramdam, nagpapatatag ng ating muscle at nagpapalakas ng tibok ng ating puso. Ang iyong kakayahan na kilalanin ang mga pisikal na reaksyon na ito ng iyong katawan ay makatutulong sa iyo upang ganap mo ring makilala ang iyong emosyon. Hindi ito nagsisinungaling. Sila ang pinaka kapani-paniwalang mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa iyong emosyon. 3. Behavioral. Kasama rito ang ibat ibang anyo ng ekspresyon na maaaring maidulot ng ating emosyon. Halimbawa, ekspresyon ng ating mukha (facial expression), tindig ng ating katawan, galaw, o tono ng boses na lahat ay nagbabago kung tayo ay nakararamdam ng kagalakan, takot, galit o lungkot. Ang mga reaksyon na ito ang nagbibigay sa ibang tao ng clue o palatandaan sa kung ano ang tunay na nararamdaman. Malaki ang maitutulong ng pag-unawa sa mga sangkap na ito upang ganap na makilala ng tao ang mga emoson na kanyang nararamdaman. Ano-ano nga ba ang ibat ibang emosyon ng tao? Ito naman ang susunod na tanong na bibigyan natin ng kasagutan. Ayon kay Esteban (1990), mayroong mga pangunahing emosyon ang tao.

Pangunahing Emosyon Pagmamahal (love) Paghahangad (desire) Kagalakan (joy) Pag-asa (hope) Tapang (courage) Pagkamuhi (hatred) Pag-ayaw (aversion) Pighati (sorrow) Kawalan ng pag-asa (despair) 106

Takot (fear) Galit (anger)

Ikaw, naramdaman mo na ba ito? Huwag kang mag-alala kung hindi mo pa ganap na nauunawaan ang mga emosyon na ito. Maraming tao ang nakararanas ng ganito. Hindi lahat ng tao ay ganap ang kaalaman sa kanyang emosyon, hindi lahat ay may sapat na kakayahan upang kilalanin ang kanyang tunay na nararamdaman. Sa maniwala ka o sa hindi, kailangan ding pag-aralan ang emosyon ng tao. Marahil itatanong mo, Kailangan pa ba yon? Ano naman ang tulong nito sa akin? Noon, ang sukatan ng galing ng tao ay nakabatay sa kanyang katalinuhan, sa kakayahan ng kanyang isip. Sabi nga nila, nakakainggit naman ang taong mataas ang IQ. Ngunit sa paglipas ng panahon at nakikita nila na sa maraming mga institusyon, mayroon pa ring kulang sa katalinuhan na nagiging balakid upang hindi maging ganap ang kanilang tagumpay. Maraming matatalinong tao na hindi pa rin nahahanap ang kakuntentuhan sa buhay. Kaya nilang bigyang katwiran ang maraming bagay ngunit bakit hindi pa rin sapat. Dahil sa maraming pangyayaring katulad nito, nakita ng maraming siyentipiko ang halaga ng emosyon at ang kapangyarihan ng pangangalaga rito. Nakakita ka na ba ng isang lalaki na sa sobrang galit ay sinusuntok ang pade o kaya naman ay nag-aamok sa daan? Nakarinig ka na ba ng balita na may isang tao na inatake sa puso nang malaman na nanalo siya sa lotto? O ng isang kabataan na sa labis napaghahangad na mahalin ng isang babae ay gumawa ng paraan upang ito ay paniwalain sa maraming mga kasinungalingan? Ilan lamang ito sa mga patunay na maraming mga pagkakataon na hindi napanghahawakan ng tao ang kanyang emosyon at nagdadala ito ng hindi magandang bunga sa kanyang sarili at maging sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng tao ng literasiya (literacy) sa kanyang emosyon. Kung titingnan mo ang katumbas na salita sa Filipino ng literacy, makikita mo na ito ay karunungang magbasa at magsulat. At sa pakahulugan ni Francis Seeburger (1997) sa emotional literacy, inihalintulad niya ito sa karunungan ng tao sa pagbasa. Dahil ito ay ang pagkakaroon ng tao ng sapat na karunungan upang basahin ang kanyang emosyon. Dalawa ang kakayahan na binanggit ni Seeburger sa kanyang aklat: 1. Linangin ang kakayahan ng tao na maramdaman ang lahat ng mga emosyon at, 2. Pag-aralang maramdaman ang emosyon na akma sa totoong sitwasyon na ating kinasasangkutan. Para sa kanya kailangan munang pag-aralan na basahin ng isang tao ang mga emosyon. Katulad ng isang batang nagbabasa, kailangan muna niyang mabasa ang bawat isang salita, kailangan munang malaman ng tao ang bawat isang emosyon at 107

maramdaman ito at makita ang pagkakaiba nito sa iba pang emosyon. Sa ganitong paraan mas madali na para sa atin na malaman kung ano ang nararapat na emosyon sa bawat pangyayari na kinakaharap natin sa araw-araw. Hindi tayo aabot sa pagkakataon na parang wala tayong maisagot kundi, Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kapag napagtagumpayan ito, magiging madali na ang pagsisimula sa pag-aaral ng pamamahala sa emosyon. Mahalaga rin na matutunan na magkaroon ng kamulatan sa sariling emosyon. Ito ay nangangahulgang pagkilala sa kung paano nakaaapekto ang ating emosyon sa ating pagganap ng ating mga gampanin at ang ating kakayahan na gamitin ang ating mga pagpapahalaga upang gabayan tayo sa ating mga pagpapasya. Ang mga taong mayroong ganitong kakayahan ay (Goleman, 1998): 1. Nakikilala kung ano ang emosyon na kanilang nararamdaman at mulat sa dahilan 2. Nakikilala ang kaugnayan ng kanyang damdamin at ng kanyang iniisip, ginagawa at sinasabi 3. Nakikilala kung paano naaapektuhan ng kanilang damdamin ang kanilang pagganap o paggawa 4. Mayroong kamulatan sa kanilang pagpapahalaga at mithiin Ayon kay Goleman, ang taong may kagalingan sa kakayahan na ito ay mulat sa kanyang emosyon sa lahat ng pagkakataon madalas na napupuna kung ano ang pisikal na pakiramdam na kaakibat nito. Nasasabi niya ang mga damdamin na ito at naipakikita ang niya ng wastong ekspresyon nito. Hindi ito mahirap, lalo na kung pagtutuunan ng pansin at pagsisikap. Kapag napagtagumpayan mo ito, masasabi na na mataas ang iyong EQ o Emotional Quotient, mas kilala itong Emotional Intelligence. Ito ang nakita ng mga siyentipiko na pantapat sa IQ, ito ang nakikita nilang kakulangan ng mga taong mataas ang IQ ngunit hindi pa rin masaya at ganap na nagtatagumpay. Ayon pa rin ay Goleman, mahalagang mapagyaman ng tao ang kanyang kakayahang emosyonal at sosyal upang ganap na mapangasiwaan ang iyong emosyon. Limang Pangunahing Kakayahang Emosyonal at Panlipunan 1. 2. Pagkilala sa Sarili (Self-awareness). Pag-alam sa kung ano ang ating kasalukuyang nararamdaman at gamitin itong gabay sa ating mga pagpapasya; pagkakaroon ng makatotohanang pagsusuri sa ating mga kakayahan at makatwirang tiwala sa sarili Pangangasiwa sa Sarili (Self-regulation). Pangasiwaan ang ating damdamin upang ito ay makatulog sa halip na maging sagabal sa ating mga kasalukuyan gawain; pagpapairal ng katapatan sa halip na pagtugong sa pansariling kasiyahan sa pagkamit ng mga mithiin; at magiting na pagbangon mula sa dalamhati, sakit o pangamba 3. Motibasyon. Gamitin ang ating kakayahang mamili upang makatulong sa pagkamit ng ating mga mithiin, tulungan tayong 108

magsimula at magsikap na pagyamanin ang sarili at magtiyaga sa kabila ng mga sagabal at kabiguan 4. 5. Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng iba (Empathy). Pagdama sa kung ano ang nararamdaman ng kapwa, maunawaan ang perspektibo ng ibang tao at pagyamanin ang pakikipag-ugnayan at pakikiisa sa iba-ibang uri ng tao Kakayahang sosyal. Napamamahalaan nang mahusay at wasto ang emosyon sa pakikipag-ugnayan gamit ang kakayahang basahin ang sosyal na sitwasyon at maayos na pakikipag-ugnayan; ginagamit ang mga kakayahan na ito upang makahimok at mamuno, makipagkasundo, at magsaayos ng hindi pagkakaunawaan para sa pagtutulungan at teamwork. Ang ilan sa mga pangunahing hinahangad ng tao ay ang magtagumpay sa buhay, maging masaya kasama ang pamilya at ang magkaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang lahat ng ito ay makakamit kung tunay na pagsisikapan at kung ilalapat natin ang mga kaalaman ukol sa pamamahala ng ating emosyon at kung gagamitin mong gabay ang mga pagpapahalaga at birtud. Lagi mong tatandaan, hindi makatutulong kung lagi susunod lamang ang iyong katawan sa digta ng iyong emosyon. Kailangang laging isaisip na kailangan mong ipakita ang tamang damdamin sa tamang lugar, tamang pagkakataon at sa tamang tao. Huwag mong talikuran ang hamon upang mapataas ang iyong EQ. Makikita mo na sa pagtatagumpay mo, hindi matutumbasan ng anomang halaga ang premyo na iyong makukuha. Ngayon pa lang. Simulan mo na.

PAGHINUHA SA KAKAILANGANING PAG-UNAWA

Ang pamamahala

Sa pamamagitan ng pagtataglay ng

________________ ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng

109

EU na dapat mahinuha. Ang pamamahala ng emosyon sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga birtud ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa. Ang katatagan (fortitude) ay nakatutulong upang harapin ang matinding pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot at galit. D. PAGGANAP, PAGNINILAY AT PAGSASABUHAY Sa bahaging Pagganap, tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga pangunahing emosyon at ang magiging bunga kung ito at pamamahalaan o hindi pamamahalaan. Makatutulong ang gawaing ito upang mahinuha ng mag-aaral ang benepisyo ng pamamahala sa emosyon. Sa bahaging Pagninilay, pasusulatin ang mga mag-aaral ng isang repleksyon sa kanilang journal upang ipatukoy ang mahahalagang bagay na natuklasan at mahalagang aral na nakuha mula sa aralin. Sa bahaging Pagsasabuhay, palilikhain ang mga mag-aaral ng mga tiyak na hakbang sa pamamahala ng kanilang emosyon. Gagamitin ito sa pagsasabuhay ng natutunan sa aralin.

Pagganap 13. Atasan ang mga mag-aaral na isulat ang mga pangunahing emosyon at tukuyin kung ano ang maitutulong nito sa kanya kung ito ay mapamamahalaan. 14. Sundin ang ganitong pormat.

Pangunahing Emosyon

Bunga kung mapamamahalaan 110

Bunga kung hindi mapamamahalaan

15.Atasan ang ilang mga mag-aaral na ibahagi sa klase ang kanilang mga ginawa. Pagninilay 16. Pasulatin ang mga mag-aaral sa kanilang journal ng repleksyon ukol sa kanilang mga natuklasan at natutuhan mula sa aralin. Gabay nila ang pormat sa ibaba:

Pangalan ____________________ Antas _______________________ Petsa_______________________ 1. Mahahalagang konsepto na aking natutunan. ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ 2. Mahahalagang aral na gagamitin kong gabay sa buhay. ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ 3. Ang aking komitment ____________________________________ 111

____________________________________ ____________________________________

Pagsasabuhay 17.Atasan ang mga mag-aaral na gumawa ng mga pamamaraan o hakbang kung paano pamamahalaan ang sariling emosyon. 18. Ilista ang mga ito sa isang tsart upang mabantayan ang paglalapat sa araw-araw. 19. Lagyan ng star sa tabi ng emosyon kung ito ay iyong naramdaman sa naturang araw 20. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba.

Miyerkules

Miyerkules

Pangunahing Lunes Emosyon Martes

Pamamaraan o hakbang kung paano Huwebes Biyernes Sabado Linggo Lunes pangangasiwaan Martes

Huwebes

Biyernes

Sabado

1. Galit

a. Hihinga ng malalim at bibilang ng sampu b. Ipaalala sa sarili na kailangang maging matatag

MGA SANGGUNIAN Esteban, Esther J. (1990). Education in Values What, Why and for Whom. Sinagtala Publishers. Manila Goleman, Daniel (1998). Working with Emotional Intelligence. Bantam Books. USA Seeburger, Francis F. (1997). Emotional Literacy. Keeping your Heart. The Crossroad Publishing Company. New York Human Diseases and Condition. Emotions. Retrieved from http://www.humanillnesses.com/Behavioral-Health-Br-Fe/Emotions.html on March 27, 2011 Lynn A.B. The EQ Difference. A powerful Plan for Putting Emotional Intelligence to work. Retrieved from http://books.google.com.ph/books?id=IsweEiSg9zAC&printsec=frontcover&dq=eq&hl=fil&ei=LUWOTYXTPJT0ccu1vIkK&sa=X&oi=book_res 112

Linggo

ult&ct=book-thumbnail&resnum=2&ved=0CCsQ6wEwAQ#v=onepage&q&f=false on March 27, 2011 Defining Emotions. Retrieved from http://free-books-online.org/psychology/introduction-to-psychology/emotions-i-defining-emotions/ on March 27, 2011

Ikatlong Markahan: Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa mga halaga at birtud sa pakikipagkapwa Mga Paksa: 1. Pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa 2. Pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan 113

Aralin 1: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa

Bilang ng araw/sesyon: 2-3

Pamantayang Pagganap: Pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang moral at birtud: 1. Pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa 2. Pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan 3. Paggawa ng mabuti sa kapwa 4. Pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian

3. Paggawa ng mabuti sa kapwa 4. Pakikipag-kaibigan sa katapat na kasarian 5. Katapatan sa salita at gawa Mga Kakailanganin sa Pag-unawa (Sa Ikatlong Markahan): Sa pagsasabuhay ng mga halagang moral at birtud, naisusulong ang matatag na pakikipagkapwa. Sa Aralin 1: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda na ang tao ay hindi makasarili at hindi bulag sa napakaraming mga kabutihan na tinatanggap. Hindi ito naglalayong bayaran o palitan ang kanilang kabutihan kundi upang ipakita ang labis na katuwaan at pasasalamat at gawin sa iba ang kabutihang natanggap mula sa kapwa. Nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga (Mga Kaalaman) a. Kahulugan ng Pagpapasalamat b. Kahalagahang ng pagiging mapagpasalamat c. Paraan upang mabago ang pananaw at asal sa pamamagitan ng pasasalamat (gratitude) d. Paraan kung paano maipakikita ang pasasalamat sa tahanan e. Ang bunga o gantimpala ng pasasalamat

5. Katapatan sa salita at gawa Mahahalagang Tanong (Sa Ikatlong Markahan) Paano maisusulong ang matatag na pakikipagkapwa? Sa Aralin 1: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa Bakit kailangang magpasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa?

Ang mga mag-aaral ay: (Mga Kasanayan) Natutukoy ang ibat ibang pamamaraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa Nakapagsusuri ng ibat ibang kwento ng pagpapasalamat na maaaring magsilbing gabay sa pansariling pagsasabuhay ng birtud na ito Nakapaghihinuha ng Kakailanganin sa Pag-unawa gamit ang graphic organizer Nakapagsasagawa ng survey upang alamin ang pananaw ng kaibigan, kaklase o kakilala sa mga taong marunong magpasalamat at hindi marunog magpasalamat Nakagagawa ng isang panalangin ng pasasalamat na ibabahagi sa mga kakilala at kapamilya Nakagagawa ng Journal na Pasasalamat Sa Antas ng Pagganap Pagtataya ng ginawang Journal ng Pasasalamat batay sa mga sumusunod na pamantayan a. Naisagawa ang Journal sa loob ng dalawang lingo b. Makabuluhan ang mga ipinagpapasalamat sa bawat araw

Inaasahang Pagganap Natutukoy ang mga bagay na nararapat na ipagpasalamat sa bawat araw at naisasagawa ang ibat ibang mga pamamaraan ng pagpapakita ng pasasalamat Antas 2 Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa

Pagpapaliwanag Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagiging mapagpasalamat sa mga mabuting nagawa ng kapwa Kraytirya: a. May matibay na pangangatwiran (may mga patunay) b. Nakapagbigay ng 2-3 angkop na kahalagahan Interpretasyon 114

Nakapagsusuri ng ibat ibang kwento ng pagpapasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa Hal. Kwento ni Dr. Alexander Fleming, Andrew Carnegie, panayam kay dating Pangulong Corazon Aquino bago siya pumanaw (may pahayag ng pasasalamat dahil siya ay naging isang Pilipino) Kraytirya: a. Natukoy ang tunay na aral ng kwento b. Naiisa-isa ang magandang dulot ng pagpapasalamat mula sa kwento Paglalapat Nakagagawa ng Journal ng Pasasalamat kung saan maglilista ng 5 bagay na kanilang ipinagpapasalamat sa bawat araw at kung paano sila naglaan ng panahon upang ipakita ang kanilang pasasalamat Kraytirya: a. Naisagawa ang journal sa loob ng 2 linggo b. Makabuluhan ang mga inilistang bagay na ipinagpapasalamat c. Makabuluhan ang pamamaraan ng pagpapakita ng pasasalamat Pagbuo ng Sariling Pananaw Nakapagsasagawa ng isang pagsasaliksik sa mga kaibigan, kaklase o kakilala sa kanilang pananaw sa mga taong hindi marunong magpasalamat at sa mga taong tunay na mapagpasamalat. Tukuyin kung: a. Paano nababago ang kanilang pagtingin sa taong ito? b. Magkakaibang pananaw sa mga taong marunong magpasalamat at sa mga tanong hindi marunong magpasalamat Kraytiya: a. Malinaw na nailahad ang paghahambing sa pananaw ng mga kakilala, kaibigan, kaklase b. Naunawaan mula sa pagsusuri sa reaksyon ng mga kaibigan, kaklase, kaklase ang kahalagahan ng pagiging mapagpasalamat Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng Iba Nakalilikha ng isang panalangin sa Diyos at naibabahagi ito sa ilang mga kaibigan, kakilala at kaklase na nakalilimot na magpasalamat sa mga kabutihang natatanggap sa araw-araw Kraytirya: a. Makabuluhan ang nilalaman ng panalangin 115

(nabibigyang-tuon ang pagpapasalamat sa materyal at maging di-materyal na biyaya) c. Makabuluhan ang mga pamamaraan ng pagpapasalamat d. May kalakip na pagninilay

b. Ang nilalaman ay nakatuon sa pagpapasalamat sa lahat ng biyayang natanggap; materyal man o di materyal c. Naglalaman ng pangakong patuloy na ipagpapasalamat ang lahat ng kabutihang natatanggap sa bawat araw
Pagkilala sa Sarili Nasusuri ang sariling kakayahan na magpasalamat sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga pagkakataon na may natanggap na kabutihan at paano ito pinasalamatan Kraytirya: a. Nakatukoy ng 4-5 mga pagkakataon na nakatanggap ng kabutihan b. Natukoy ang pansariling kakayahan sa pagpapasalamat matapos ang pagsusuri c. Nalakipan ng pagninilay ang paglalahad ng resulta ng pagsusuri

Plano ng Pagtuturo Pagkatuto Aralin I: PASASALAMAT SA GINAWANG KABUTIHAN NG KAPWA A. PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE) Sa bahaging ito, kukuhanin ng guro ang atensyon at interes ng mga mag-aaral tungo sa paghinuha ng mga malalaking ideya at mga pagganap na angkop sa paksang Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa. Sa bahaging pagsisiyasat, ipakikilala sa mga bata ang salitang SALAMAT sa iba-ibang lengwahe. Ipauunawa sa bahaging ito na saanmang bahagi ng mundo ay maipakikita ang pagpapahalaga sa pagiging mapagpasalamat. Tutuklasin naman ang dating kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa kanilang mga karanasan sa pagtanggap ng kabutihan mula sa kanilang kapwa at kung paano nila ipinakita ang kanilang pasasalamat. Mahalaga ito upang masuri ang pansariling kakayahan sa pagbibigay ng pasasalamat sa nagawang kabutihan ng kapwa.

Falemnderit

Komapsumnida

Spasibo

Domo Arigato Vielen Dank

Muchas Gracias Merci Beaucoup Mahalo

Matur Tampiasih Efcharisto

Layunin ng mga tanong matapos ang gawaing ito na gabayan Mahahalagang Tanong (EQ). Ang mga kasagutan sa tanong na ito ay pan kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa paksa. Mapauunlad pa ito sa mga s produkto o pagganap na kanilang isasagawa sa araling ito. Lilinangin a Transfer, sa Pagsasabuhay.

116

Pagsisiyasat 1. Ipaskil sa pisara ang salitang SALAMAT sa ibat ibang mga lengwahe. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba. 2. Pagkatapos ipabasa sa mga mag-aaral ang mga nakapaskil sa pisara, tanungin sila kung ano sa kanilang palagay ang kahulugan ng mga salita. 3. Ipakita ang salitang katumbas ng mga ito sa ating wika upang malaman nila kung tama o mali ang kanilang mga sagot. 4. Tanungin sila kung gaano kahalaga ang mga katagang ito sa lahat ng mga bansa.

Pagtuklas ng Dating Kaalaman

(FU: Pagkilala sa Sarili)

5. Pagkatapos ng naunang gawain, pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. 6. Atasan ang bawat kasapi ng pangkat na balikan ang mga pagkakataon na may natanggap na kabutihan mula sa kapwa. Kailangan din nilang balikan kung paano nila pinasalamatan ang mga taong gumawa sa kanila ng mga ito. 7. Pagkatapos ito ay ipabahagi ang mga ito sa pangkat. Pagawain ang bawat pangkat ng paglalahat sa napag-usapang mga pamamaraan ng pagpapakita ng pasasalamat. 8. Ipalahad ang kanilang mga mapag-uusapan sa pangkat sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon. 9. Bibigyan lamang ang bawat pangkat ng limang minuto para sa kanilang presentasyon. 10. Tanungin ang mga mag-aaral: 117

a. Nagagamit ba ninyo ang ibat ibang mga pamamaraan na ito araw-araw? b. Kanino ninyo ito madalas na nagagamit? c. Sa anong pagkakataon ninyo nagagamit ang mga pamamaraan na ito? d. Bakit mahalagang matutuhan ng mga tao ang pagsasagawa ng mga ito? E. KARANASAN TUNGO SA PAG-UNAWA (FIRM-UP) (FU: Interpretasyon)

Ito ang bahagi kung saan susuriin ng bawat mag-aaral ang kanyang sarili tungkol sa mga malalaking ideya na lilinangin sa aralin. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa ibat ibang kwento ng pagpapasalamat mula sa kabutihan na nagawa sa kanila ng kanilang kapwa, mauunawaan ng mga mag-aaral ang ibat ibang pamamaraan ng ginagamit upang ipakita ang pasasalamat. Mahihinuha rin mula sa gawain na ito kung ano ang bahaging ginagampanan ng pagiging mapagpasalamat sa tagumpay na nakamit ng mga tauhan sa kwento. Magsisilbing mahalagang gabay ang aral mula sa mga kwentong ito sa kanilang pagsasabuhay ng birtud na ito.

11. Panatilihin sa kanilang pangkat ang mga mag-aaral at bigyan ang bawat pagkat ng kopya ng isang kwento ng pagpapasalamat. (Hal. Kwento ni Dr. Alexander Fleming, Andrew Carnegie, panayam kay dating Pangulon Corazon Aquino bago siya pumanaw na nagpapasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanyan upang maglingkod sa mga Pilipino at sa kanyang pagiging isang Pilipino) 12. Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral upang basahin at unawain ang nilalaman ng kwento. Ibigay ang mga sumusunod na gabay na tanong: a. Ano ang mahalagang aral ng kwento? b. Ano-ano ang mga bagay na ipinagpapasalamat ng pangunahing tauhan ng kwento? c. Ano-ano ang mga pamamaraan na ginamit ng mga tauhan ng kwento upang ipakita ang kanilang pagpapasalamat? d. Ano sa inyong palagay ang naging bahagi ng pagpapasalamat sa tagumpay ng mga pangunahing tauhan? 13. Ipabahagi sa klase ang kanilang napag-usapan sa pangkat. 14. Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Ano ang maitutulong sa iyo ng mga halimbawa ng mga tauhan sa iyong nabasang kwento? 118

b. Bakit mahalaga ang maging mapagpasalamat sa ginawang kabutihan ng iyong kapwa? c. Ano ang damdaming dulot kapag ikaw ay nakapagpapasalamat? F. PAGPAPALALIM (DEEPEN) (FU: Pagpapaliwanag)

Sa bahaging Pagpapalalim, ipababasa sa mga mag-aaral ang isang inihandang babasahin tungkol sa paksa. Nilalaman ng babasahin ang kahulugan, halaga at bunga ng pasasalamat. Mauunawaan sa bahaging ito ng aralin ang bahaging maaaring gampanan ng pagiging mapagpasalamat sa pagbabago ng pananaw at asal ng isang tao. Magagabayan ang mga mag-aaral na gawing bahagi ng pang-araw-aaw na buhay ang pagpapasalamat. Matutukoy din sa babasahing ito ang mga taong marapat sa kanilang pasasalamat at kung paano ito maipakikita. Makatutulong ang babasahin na ito upang ganap na mahinuha ng mga mag-

15. BABASAHIN: Ipabasa ang babasahin sa ibaba at ipatalakay ang mahahalagang konsepto o Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) na nakapaloob dito. PASASALAMAT SA GINAWANG KABUTIHAN NG KAPWA Ang pagpapasalamat, madaling sabihin pero bakit parang sa ilan napakahirap itong bitawan. May mga pagkakataon marahil na may nakaharap ka na isang bata o mas nakatatanda sa iyo na hindi mo ikinatuwa dahil sa kabila ng kahit maliit lamang na bagay na nagawa mo para sa kanya ay hindi man lamang nagpakita ng damdamin ng pasasalamat. Parang wala lang Nakalulungkot di ba? Minsan nga nakakaiinis. At sinabi mo sa sarili mo na kahit na kailan hindi mo na siya tutulungan ulit. Ano nga ba ang kahalagahan ng pagpapasalamat? Bakit nga ba marami nang tao sa ngayon, lalo na mga kabataan, ang nakalilimutan na yata ang magpasalamat? Tama bang pangangatwiran na hindi ka na tumulong dahil hindi ka napasalamatan? Bago natin sagutin ang mga tanong na ito, linawin muna natin kung ano nga ba ang kahulugan ng pasasalamat. 119

Ang salitang pasasalamat na sa salitang Ingles ay gratitude ay ngangahulugang damdamin ng pasasalamat at katuwaan bilang tugon sa pagtanggap ng isang regalo o kaloob karapat-dapat man ito o hindi para sa iyo, materyal man o simpleng kabutihan mula sa iyong kapwa. Ang pasasalamat ay isang pagpapasya. Ito ay laging nariyan, hindi nawawala o hindi namamatay, ngunit ang tao pa rin ang mamimili kung lagi itong isasama bilang bahagi ng kanyang buhay. Paano nga ba taglayin ang damdamin ng pasasalamat? Mahalagang simulan ito sa ating sarili. Minsan kasi masyado tayong sensitibo sa paghahangad ng pasasalamat mula sa iba ngunit hindi tayo sensitibo sa pagbibigay ng pasasalamat sa ating kapwa. Tandaan mo na hindi mo kayang ibigay ang anomang wala sa iyo. Kung kaya sa araling ito sisimulan natin ang pagtuturo sa ating sarili na maging mapagpasalamat. Ang asal at kilos ng isang tao ay naiimpluwensyahan ng kanyang pansariling mga pananaw. Sumusunod ang ating kilos batay sa takbo ng ating isip. Kung mulat ang ating mga mata at isipan sa dami ng mga magagandang bagay na mayroon tayo sa araw-araw: pagkain sa mesa, damit na maisusuot, pamilya, kaibigan, kalusugan at edukasyon, saka pa lamang natin mapahahalagahan ang pagiging mapagpasalamat. Kaya lang kung minsan, marami tayong hinahangad,

masyadong malayo ang ating paningin kung kaya nalalampasan natin ang mga tao at bagay na malapit sa atin. Sa ganitong mga pagkakataon, nakaliligtaan natin ang magpasalamat. Huwag mo sanang kalilimutan na ang tunay na kasiyahan at kaligayahan ay hindi nakabatay sa yaman o kasikatan. Kasi kung ang mga ito ang nakapagpapaligaya sa tao, bakit maraming milyonaryo at mga artista ang nagpapakamatay, nalululong sa droga at nasisira ang pamilya? Nabubulag ang maraming tao sa kinang ng salapi at nalulunod sa ibinibigay na paghanga kung kaya nakalilimutan nilang pahalagahan ang maliliit ngunit makabuluhang bagay sa kanilang paligid. Hindi natin maitutuon ang ating pansin sa halaga ng pagiging mapagpasalamat kung ang ating isip at puso ay puno ng mga paghahangad at kagustuhan. Kailangan natin maging masaya sa kung ano ang mayroon tayo ngayon upang magkaroon tayo ng pagkakataon na makita ang tunay na ganda ng buhay. Ang lahat ay dito nagsisimula. Dito nakasalalay kung paano rin tayo magiging mapagpasalamat sa anomang bagay na ginagawa sa atin ng ating kapwa. Isa ka ba sa mga bulag sa ganda ng buhay? Hindi ba maganda ang iyong pananaw sa mundo kung kaya hindi rin maganda ang pananaw mo sa mga tao sa iyong paligid? Kailangang mabago ito, kung ang iyong nais ay tunay na maging makabuluhan ang iyong buhay. Narito ang ilang mga mungkahi upang mabago ang ating pananaw at asal gamit ang pasasalamat (gratitude). 120

1. Gamitin mo ito upang hindi mabigyang-puwang ang anomang negatibong damdamin. Minsan, hindi maganda ang gising mo sa umaga, parang wala kang gana kumilos, mag-isip at makihalubilo. Upang mawala ang damdaming ito, mag-isip ka ng kahit isang bagay lang na dapat mong ipagpasalamat. Ang simpleng magising ka pa para sa isa na namang araw ay napakalaking biyaya na dapat ipagpasalamat. Dito mo madalas na ituon ang iyong pansin sa buong araw, lalo na kung bumabalik na naman ang damdamin ng pagkabagot at kawalang-gana. Hayaan mong burahin ng pagpapasalamat ang anomang hindi magandang damdamin. Ikaw lamang ang makagagawa nito, ikaw ang magdidikta sa iyong isip ng kung ano ang iyong iisipin. 2. Simulan mong magpasalamat sa lahat ng tao na iyong nakasasalamuha sa bawat araw. Mayroon ka bang kaklase na sa iyong palagay ay sinusubok ang iyong pasensya sa madalas na pagkakataon? Kapag may ganito kang damdamin, mag-isip ka ng anomang bagay na taglay ng taong ito na karapat-dapat mong ipagpasalamat. Lagi mong ipaalala sa iyong sarili na ang lahat ng tao ay mayroong positibo at negatibong katangian. Lagi mong ituon ang iyong pansin sa mga positibong katangian ng iyong kapwa at mapapansin mong mababago nito ang iyong paraan ng pakikitungo sa kanila.

3. Sa tulong ng pagiging mapagpasalamat mas matutuon ang iyong pansin sa mga mabubuting bagay sa iyong paligid. May mga pagkakataon ba na tinatalo ng negatibong pag-iisip ang iyong tiwala? Kahit pa naglaan ka ng sapat na panahon sa pag-eensayo, kapag nakita mo ang iyong mga makakalaban sa paligsahan, natatakot ka na matalo. Hindi ito magandang palatandaan. Sa halip dapat mong isipin na, ginagawa ko ang lahat upang ako ay maging mahusay. Ang lahat ng aking sakripisyo ay magbubunga. Ako ay labis na nagpapasalamat sa ganitong talentong ibinigay sa akin ng Diyos. Sa tulong ng ganitong pag-iisip matutuon lamang ang iyong pansin sa pag-iisip na magandang pagkakataon ito upang ibahagi sa iba ang iyong talento na biyaya ng Diyos. Mawawala ang pag-aalinlangan. Mapapawi ang takot.

Sa ganitong proseso, magiging malaking bahagi ng iyong pang-araw-araw na buhay ang pagpapasalamat. Tandaan mo na ito ay pinipili, ikaw lamang ang magpapasya kung talagang nais mong maging ganito ang takbo ng iyong buhay. Lagi mong isaisip at isapuso ang dalawang mahalagang bagay kung iyong mapagpasyahang simulan na gawing bahagi ito ng iyong buhay. Una, ilagay mo sa gitna ng iyong buhay ang pagiging mapagpasalamat 121

at pangalawa, hanapin mo ang kahit pinakamaliit na bagay na dapat mong ipagpasalamat sa iyong pag-iral, lahat ng iyong karanasan at pakikipagugnayan. Ngunit kung minsan siguro naiisip mo, paano ako magpapasalamat kung ang lahat na yata ng nangyayari sa buhay ko ay hindi naaayon sa gusto ko? Paano kung parang mali yata ang maraming aspeto sa aking buhay? Ayon kay Terrance McConnel, ang pinakamahalagang bagay na nararapat mong gawin ay ang tanggapin ang pananagutan sa kung anoman ang nangyayari sa iyong buhay. Ikaw lang naman talaga ang nagpapatakbo ng iyong buhay.

122

Hindi tama na iasa mo na lamang lahat sa ibang tao ang mga

Maging Mapagpasalamat Ipagpasalamat mo dahil wala pa sa iyo ang lahat ng iyong hinahangad, Kasi kung nasa iyo na ang lahat ng bagay, ano pa ang papangarapin mo para sa hinaharap? Ipagpasalamat mo kapag may mga bagay na di mo pa nalalaman, Dahil ito ang nagbibigay sa iyo ng pagkakataon upang matuto. Ipagpasalamat mo ang mga pagkakataong may dumarating sa iyong mga pagsubok, Dahil sa mga pagkakataon na ito, lumalago ka bilang tao. Ipagpasalamat mo ang iyong mga limitasyon, Dahil ang mga ito ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataon upang patuloy na umunlad. Ipagpasalamat mo ang bawat hamon, Dahil ito ang magbibigay sa iyo ng lakas at bubuo sa iyong pagkatao. Ipagpasalamat mo ang iyong mga pagkakamali, Ang mga ito ang nagtuturo sa iyo ng mga ginintuang aral. Ipagpasalamat mo kapag ikaw ay pagod o napapagal Dahil nangangahulugan ito na may nagawa kang kapaki-pakinabang. Madaling ipagpasalamat ang mga magagandang bagay na nangyayari sa iyong buhay Ngunit ang buhay na tunay na puno ng kabuluhan at matatawag na ganap ay nagmula sa pagpapasalamat maging sa mga sagabal sa patuloy mong paglago. Sa pasasalamat ang negatibo ay maaaring maging positibo. Sikapin mong ipagpasalamat maging ang iyong mga suliranin at sa huli, ito ay magiging isang biyaya.

pagpapasya mo sa buhay at ang isisi mo sa ibang tao ang iyong mga pagkakamali. Anoman ang mali sa buhay mo ngayon ay bunga ng mga pagkakamali mo sa nakaraan. Ito ay bunga ng hindi mo pagiging maingat sa iyong mga pagpapasya at kilos. Kung ikaw ang dahilan sa anomang bagay na nangyayari sa iyo sa kasalukuyan, ikaw din ang maaaring makapag-ayos nito. Ang kailangan lamang ay tanggapin mo ito. Hindi tama na iasa mo na lamang lahat sa ibang tao ang mga pagpapasya mo sa buhay at ang isisi mo sa ibang tao ang iyong mga pagkakamali. Anoman ang mali sa buhay mo ngayon ay bunga ng mga pagkakamali mo sa nakaraan. Ito ay bunga ng hindi mo pagiging maingat sa iyong mga pagpapasya 123

kailangan lamang ay tanggapin mo ito. Ang bawat pangyayari o karanasan sa iyong buhay ay parang isang guidepost na nagsasabi sa iyo kung ikaw ba ay nasa tamang landasin patungo sa iyong mithiin. Ito rin ang nagsasabi sa iyo kung mayroong kailangang mabago sa iyong mga pananaw upang iwasan na ang makagawa pa ng isa pang pagkakamali. Mahalagang kilalanin at ipakita mo ang pagpapasalamat dahil ang lahat ng nangyayari sa iyong buhay ay isang milagro, ito ay isang likha na walang ibang gumawa kundi ikaw lamang. Nakapupukaw ng pansin ang nilalaman ng tulang ito mula sa internet na isinalin sa ating wika. Pagnilayan mo ang mensahe nito at gamiting gabay sa araw-araw. Makatutulong ito sa iyo lalo na sa mga pagkakataong iniisip mo na parang wala ng magandang nangyayari sa iyong buhay. Bahagi na ng ating pagkabata ang pagtuturo sa atin ng ating mga magulang na maging mapagpasalamat sa mga ginagawang mabuti sa atin ng ating kapwa. Kung kaya mabilis para sa atin ang magsabi ng SALAMAT dahil ito ay bahagi ng turo sa atin ng kagandang-asal. Ang ating kakayahang magpasalamat kahit na sa napakaliit na bagay na nagawa para sa atin ng ating kapwa ay palatandaan tayo ay nahubog ng ating mga magulang na taglay ang pagpapahalaga. Mahalagang ibalik natin ang nararapat para sa taong nagbigay ng tulong sa atin; makasarili ang taong ipagsasawalang-bahala ang tulong na ibinibigay ng kapwa. Ang ating mga magulang halimbawa, alam natin na ang kanilang ginagawa para sa atin ay hindi naghihintay ng anomang kapalit o kabayaran. Taos sa kanilang puso ang tayo ay paglingkuran bilang kanilang anak. Ngunit hindi ito nangangahulugan na sila ay hindi na pasasalamatan. Mas nararapat na sila ay pasalamatan dahil sa kanilang pagmamahal at pag-aaruga sa atin hanggang sa ating paglaki. Makatataba ng kanilang puso ang makitang sinusuklian mo ang kanilang pagmamahal at pag-aaruga. Narito ang ilan sa mga makabuluhang paraan kung paano mo maipakikita ang iyong pasasalamat sa loob ng tahanan: (International Association of Character Cities, 2000) Paggawa ng mga gawain sa tahanan nang kusa o kahit hindi inuutusan. Ito ay makababawas sa gawain ng iyong mga magulang. Ang panahong gugugulin nila para rito ay maaari nang ilaan para sa iba pang gawain o sa pagpapahinga. Tandaan lamang na ito ay dapat na ginagawa nang may pagmamahal at pananagutan Pagsasabi sa mga magulang at kapamilya ng pagkalugod dahil naging bahagi sila ng iyong buhay. Sa paraang ito, maipadarama mo sa kanila na hindi ka magiging buo kung wala sila sa iyong buhay Pagsasabi ng salitang salamat sa bawat masarap na pagkain na kanilang niluto, sa mga damit na kanilang nilabahan, sa regalong iyong 124

natanggap noong iyong kaarawan at marami pang iba Pag-alala at pagpaplano para sa kaarawan ng kahit na sinong miyembro ng pamilya. Mahalaga ang araw na ito para sa lahat ng tao, kung kaya siguradong makalulugod sa kanila kung iyong inalala ang napakahalagang araw na ito. Sa ganitong paraan, mararamdaman nilang sila ay pinahahalagahan at minamahal Pagpapakita ng pagpapahalaga sa pamamagitan ng paggawa ng anomang bagay na mahalaga sa isat isa. Kung mahalaga para sa iyong ina at ama ang pagsimba nang sama-sama tuwing linggo, huwag mo itong ipagkait sa kanya. Maging sa labas ng pamilya, may mga taong naglilingkod sa iyo na hindi mo nabibigyan ng tuon upang pasalamatan. Sila rin ay marapat sa iyong taos-pusong pasasalamat. Maaring para sa iyo, ginagawa lamang nila ito dahil ito ay kanilang trabaho, ngunit ang pagganap nila ng kanilang tungkulin ay matapat at taos sa kanilang puso. Katulad ng iyong guro na hindi alintana ang pagod masiguro lamang na maayos na naibibigay an edukasyon na iyong kailangan. Marami sa kanila ay walang hinihintay na kapalit mula sa iyo kundi ang makita ikaw ay natuto. Nararapat na tayo ay magpasalamat sa mabubuting bagay na nagawa sa atin ng ating kapwa. Kailangan na mas mangibabaw ito kaysa ang mga sakit na minsan nilang naibigay sa iyo. Hindi dapat ituon ang tingin sa maliit na tuldok sa gitna ng isang malinis na papel. Anoman ang kabutihang natanggap natin mula sa kanila ay kailangan nating ibahagi rin sa iba. Ang panahon na ibinigay sa iyo ng iyong kaibigan upang pakinggan ang iyong mga suliranin, ang salita ng iyong kaklase na nagbigay sa iyo ng pag-asa, ang suporta ng iyong mga kakilala sa gitna ng isang pagsubok ay mga bagay na madaling ipasa sa iba. Huwag mong sarilinin ang napakagandang pakiramdam sa pagtanggap nito. Huwag mong hayaang huminto ang gawaing katulad nito na tunay na nakapagpapaangat ng iyong kabuuan. Ang pagiging mapagpasalamat ay mayroong dalawang mahalagang gantimpala sa tao. Una, Walang katumbas na kagalakan at ikalawa, tunay na pagkakaibigan. Mga bagay na hindi kailanman matutumbasan ng halaga, hindi maaaring ipagpalit sa kahit na pinakamahal na dyamante. Hindi magiging mahirap ang gawaing ito para ito ay iyong matanggap. Ngunit huwag nating kalilimutan na higit sa kanino pa man, ang ating higit na pasasalamat ay nararapat para sa Diyos. Anoman o sinoman ang mayroon ka sa buhay mo ngayon ay biyaya mula sa Kanya. Hindi ikalulugod ng Diyos na manatiling hindi maging kapaki-pakinabang ang anomang biyaya mula sa kanya. At mas higit na hindi ikalulugod ng Diyos kung hindi natin pahahalagahan ang mga ito. Halimbawa, ang sirain natin ang ating katawan dahil sa bisyo o pagpupuyat ng walang magandang dahilan, ang abusuhin natin ang kalikasan dahil sa ating kasakiman, ang sirain natin ito dahil sa ating kapabayaan at ang sirain natin ang ating kapwa dahil sa ating pagiging makasarili. Ang pagpapasalamat sa Diyos ang magtuturo sa ating magpasalamat sa ating kapwa. 125

Ang pagpapasalamat ay isang moral na obligasyon. Ang sinomang nagbibigay ay nararapat lamang na pasalamatan. Kailangan nating ibalik sa ating kapwa ang nararapat lamang para sa kanya. Hindi ito namimili, hindi nakabatay sa kalagayan sa buhay o sa estado sa lipunan. Asahan mo na ang lahat ng ito ay babalik sa iyo. Sabi nga ni McConnel ang pagpapasalamat ay parang isang malaking magnet na mag-aanyaya pa ng maraming biyaya na iyong ipagpapasalamat. Ikaw, nakahanda ka na bang tumanggap ng maraming mga biyaya mula sa pasasalamat? PAGHINUHA NG KAKAILANGANIN SA PAG-UNAWA (EU)

Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang taong

Hindi makasarili Hindi bulag sa kabutihan na tinatanggap Hindi ito naglalayong Kundi upang

Kabutihan mula sa kapwa

Ang EU na dapat mahinuha: Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda na ang tao ay hindi makasarili at hindi bulag sa napakaraming mga kabutihan na tinatanggap. Hindi ito naglalayong bayaran o palitan ang kanilang kabutihan kundi upang ipakita ang labis na katuwaan at pasasalamat. Ito ay may layuning hindi huminto sa pagtugon at pasasalamat kundi ang ipasa sa iba ang kabutihang natanggap mula sa kapwa. G. PAGGANAP, PAGNINILAY AT PAGSASABUHAY (TRANSFER)
Sa bahaging Pagganap, magsasagawa ng survey ang mga mag-aaral upang makalap sa mga kaibigan, kaklase o kakilala ang kanilang magkakaibang pananaw ukol sa mga taong hindi marunong magpasalamat at sa mga taong mapagpasalamat. Makatutulong ito upang maging mulat ang mga mag-aaral sa halaga ng pagiging mapagpasalamat sa lahat ng mga tao at sa lahat ng kanilang ginagawa o ibinigay. Sa bahaging Pagninilay, gagawa ang mga mag-aaral ng isang panalangin sa Diyos na naglalaman ng mga bagay na nararapat na ipagpasalamat sa Kanya. Sa tulong ng gawaing ito, magkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanyang buhay at ang lahat ng mga biyaya na kanyang natatanggap sa buhay. Ibabahagi ang panalangin na ito sa ilang mga kakilala, kaibigan o kamag-aral upang maibahagi rin sa kanila ang biyaya ng pagiging mapagpasalamat. Sa bahaging Pagsasabuhay, isasagawa nila ang produkto o pagganap. Sa pamamagitan ng paggawa ng Journal ng Pasasalamat, maglilista ang mga mag-aaral ng mga bagay na kanilang dapat na ipagpasalamat sa araw-araw at ang mga paraan na kanilang isinagawa upang ipakita ang kanilang pasasalamat. Mahalaga ang gawain na ito upang matuon ang pansin ng mga mag-aaral sa magagandang bagay na nangyayari sa kanila sa bawat araw na makatutulong

126

Pagganap 16. Ibigay bilang takda sa mga mag-aaral ang pagsasagawa ng survey sa mga kaibigan, kaklase o kakilala sa kanilang pananaw sa mga taong hindi marunong magpasalamat at sa mga taong mapagpasalamat. Ipatukoy sa kanila kung: a. Paano nababago ang kanilang pagtingin sa taong ito? b. Ano ang pagkakaiba ng kanilang pagtingin sa isang taong marunong magpasalamat at sa isang taong hindi marunong magpasalamat? 17. Sa klase ay magsagawa ng pagkukumpara sa kanilang mga pananaw. Pananaw sa mga Taong Mapagpasalamat 1. 2. 3. 4. 1. 2. 3. 4. Pananaw sa Taong Hindi Mapagpasalamat

18. Ipasuri ang magkakaibang sagot ng mga nakapanayam. 19. Bumuo ng paglalahat batay sa isinagawang survey Pagninilay 20. Pasulatin ang mga mag-aaral ng isang panalangin sa Diyos na maaaring makatulong sa isang kakilala, kaklase, kaibigan o kapamilya na nakalilimot na magpasalamat sa mga kabutihan natatanggap sa bawat araw. 21. Ilahad sa panalangin ang lahat ng mga mabubuting bagay na nararapat ipagpasalamat sa Diyos at ang patuloy na paghingi ng paggabay sa Kanya upang palaging maging buhay ang damdamin ng pagpapasalamat sa bawat araw. 22. Pagawain ang mga mag-aaral ng isang malikhaing presentasyon gamit ang PowerPoint o Movie Maker. 23. Ipabahagi (I-post) ang kanilang ginawang presentasyon sa isang social networking site upang maging mas maraming mga kaibigan o kakilala ang mabahaginan nito.

127

Pagsasabuhay

(FU: Paglalapat)

24. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga hakbang sa paggawa ng kanilang Journal ng Pasasalamat. 25. Kailangan nilang maglista sa bawat araw ng limang bagay na kanilang ipinapagpapasalamat at kung paano sila naglalaan ng panahon upang ipakita ang kanilang pasasalamat. 26. Kailangan nilang gawin ito sa loob ng dalawang linggo. 27. Gamiting gabay ang pormat sa ibaba Unang Araw: Petsa ____________________________ Mga bagay na aking ipinapapasalamat: Paraan kung paano ko ipinakita ang pasasalamat?

Panibagong buhay kayat nagising muli sa isang umaga May baon sa paaralan para sa araw na ito Nailibre ng pamasahe ng isang kamag-anak Nakapasa sa pagsusulit sa tulong ng pagbabalik-aral kasama ang matalik na kaibigan 5. Nakakain ng masarap at masustansyang pagkain na iniluto ng aking ina Mga Sanggunian

1. 2. 3. 4.

1. Nagdasal pagkagising sa umaga upang magpasalamat, hal: morning offering 2. Hinalikan ang aking ina at nagpasalamat 3. Ngumiti at taos-pusong nagpasalamat 4. Lumapit sa kaibigan upang magpasalamat at binahaginan siya ng aking pagkain 5. Maganang kinain ang inihanda ng aking ina at tumulong sa paghuhugas ng mga pinggan at gamit sa kusina

Institute for Development Education Center for Research and Communication. Virtue: the Value of Education. 1989. Manila: Sinagtala Pubishers Inc. Achieving True Success: How to Build Character as a Family. 2000. International Association of Character Cities. Oklahoma Mojino, Mary Ann Burkley. 2004. My Life, My Choices. Quezon City. Claretian Publications (p. 159* 161) Gratitude Can Improve Your Attitude. Retrieved from http://www.solveyourproblem.com/gratitude/gratitude-attitude.shtml on August 13, 201o Why Living a Life of Gratitude Can Make You Happy. Retrieved from http://zenhabits.net/why-living-a-life-of-gratitude-can-make-you-happy/ on August 13, 2010 Action Steps to Develop your Attitude of Gratitude. 2008 Retrieved from http://www.the-law-of-attraction-guide.com/Attitude-of-Gratitude.html on August 16, 2010 Gratitude and the Law of Attraction. 2008. Retrieved from http://www.the-law-of-attraction-guide.com/Gratitude.html on August 16, 2010 Character Training Institute. Gratefulness in the Classroom. Oklahoma City 2000. Retrieved from http://www.characterfirst.com/assets/Files/SampleSecondary.pdf on August 13, 2010

128

Ikatlong Markahan: Mga Pagpap Ikatlong Markahan: Mga Pagpahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa

Aralin 2:Pagsunod at Paggalang sa Magulang, Nakatatanda at Nasa Kapangyarihan

Bilang ng araw/sesyon: 2-3

Antas 1
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa mga halaga at birtud sa pakikipagkapwa Mga Paksa: 1. Pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa 2. Pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan 3. Paggawa ng mabuti sa kapwa 4. Pakikipag-kaibigan sa katapat na kasarian 5. Katapatan sa salita at gawa Mga Kakailanganin sa Pag-unawa (Sa Ikatlong Markahan): Sa pagsasabuhay ng mga halagang moral at birtud, naisusulong ang matatag na pakikipag-kapwa. Sa Aralin 2: Pagsunod at Paggalang sa Magulang, Nakatatanda at nasa Kapangyarihan Ang pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan ay dapat na ginawagawa dahil sa pagmamahal at sa malalim na pananagutan; hindi dahil sa taglay nilang katangian kundi dahil sa pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Diyos na binigyan Niya ng awtoridad upang hubugin, batayan at palakasin ang mga halaga. Nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga: (Mga Kaalaman) a. Paraan upang maipakita ang paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan b. Paraan ng pagpapanatili ng paggalang sa loob ng pamilya c. Paraan kung paano lubos na maipakikita ang paggalang sa mga nasa kapangyarihan d. Paraan ng pagsasahuhay ng paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal Pamantayan sa Pagganap: Pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang moral at birtud: 1. Pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa 2. Pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan 3. Paggawa ng mabuti sa kapwa 4. Pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian 5. Katapatan sa salita at gawa

Mahahalagang Tanong (Sa Ikatlong Markahan) Paano maisusulong ang matatag na pakikipagkapwa? Sa Aralin 2: Pagsunod at Paggalang sa Magulang, Nakatatanda at nasa Kapangyarihan Bakit mahalaga ang pagsunod at paggalang sa mga magulang?

Ang mga mag-aaral ay: (Mga Kasanayan) Naipamamalas ang kakayahan sa pagsunod sa mga tagubilin Nasusuri ang ibat ibang paraan ng pakikitungo ng mga kabataan sa kanilang mga magulang, sa mga nakakatatanda at nasa kapangyarihan Nahihinuha ang Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) gamit ang graphic organizer Natutukoy ang tamang pamamaraan ng pakikitungo, pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan Naipahahayag ang pasasalamat sa mga magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan Naisasabuhay ang mga tiyak na hakbang sa pagpapakita ng paggalang sa

129

Inaasahang Pagganap Naisasabuhay ang ibat ibang pamamaraan sa pagsasabuhay ng pagiging masunurin at magalang sa magulang

magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan Antas 2 Sa Antas ng Pagganap Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa Pagpapaliwanag: Natatalakay ang kahalagahan ng pagsunod at paggalang sa magulang Kraytirya a. Maliwanag ang patunay ng kahalagahan ng paggalang at pagsunod sa magulang b. Gumamit ng mga halimbawa sa ginawang pagpapaliwanag Pagtataya ng ginawang Tsart ng mga Pamamaraan sa Pagsasabuhay ng Pagiging Masunurin at magalang batay sa sumusunod na pamantayan:

a. Makabuluhan ang mga itinalang pamamaraan b. Angkop ang mga itinalang pamamaraan c. Nahinuha ang kahalagan ng paggalang Interpretasyon at pagsunod sa mga magulang, Nasusuri ang kakayahan sa pagsunod sa panuto/tagubilin nakatatanda at nasa kapangyarihan sa pamamagitan ng isang laro habang nakapiring ang batay sa ginawang pagninilay mata Kraytirya d. May kalakip na liham mula sa mga magulang a. Naiugnay ang laro sa paksa b. Nahinuha ang halaga ng pagsunod sa tagubilin

Paglalapat Nakagagawa ng Tsart ng mga Pamamaraan sa Pagsasabuhay ng Pagsunod at Paggalang Kraytirya a. Nakatukoy ng 4-5 na pamamaraan b. Makatotohanan ang natukoy na pamamaraan a. May kalakip na pagninilay Pagbuo ng Sariling Pananaw Nasusuri ang mga dahilan sa pagsuway at hindi paggalang sa magulang ng mga kabataan sa kasalukuyan Kraytirya a. Malinaw at komprehensibo ang ginawang pagsusuri b. Nakagawa ng isang ulat mula sa ginawang pagsusuri c. May kalakip na pagninilay 130

Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng Iba Nailalagay ang sarili sa katayuan ng isang magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan na hindi sinusunod at iginagalang Kraytirya a. Makatotohanan ang ginawang paglalarawan b. Gumamit ng mga makatotohanang halimbawa Pagkilala sa Sarili Natutukoy ang pansariling pamamaraan ng paggalang at pagtugon sa tagubilin ng mga magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan gamit ang speech balloon Kraytirya a. Malinaw ang mga itinalang tugon sa mga tagubilin b. Angkop ang naging tugon sa tagubilin na nakasulat sa speech balloon Antas 3 Plano ng Pagtuturo Pagkatuto Aralin 2: PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MAGULANG, NAKATATANDA AT NASA KAPANGYARIHAN A. PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE) Sa bahaging ito ng aralin, pupukawin ang atensyon ng mga mag-aaral upang ganap na maihanda sa pag-unawa sa mas malalaking ideya o konsepto na tatalakayin. Sa simula ng aralin, pupukawin ng guro ang atensyon ng mga bata gamit ang laro na magpapakita ng kahalagahan ng pagsunod sa mga tagubilin. Makatutulong ang gawaing ito upang maipaunawa sa mga mag-aaral kung ano ang maaaring maging bunga ng hindi pagsunod at hindi paggalang. Sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman, mabibigyan ng pagkakaton ng mga mag-araal na suriin ang kanilang sarili sa kanilang pamamaraan ng pagtugon sa mga tagubilin ng mga magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan. Mahalaga ang bahaging ito upang matukoy ang magiging lalim ng antas ng pagtalakay ng guro sa paksa.

131

May inihandang mga katanungan sa huling bahagi ng gawain upang gabayan ang mga mag-aaral tungo sa paghinuha ng Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) at mga Mahahalagang Tanong (EQ). Ang sagot ng mga mag-aaral sa mga tanong na ito ay magagamit na batayan ng guro upang matukoy ang mga kailangang bigyan ng mas malalim na tuon sa isasagawang pagtalakay. Makatutulong din ang bahaging ito upang magkaroon ang mga bata ng ideya tungkol sa inaasahang produkto o pagganap. Lilinangin ang Anim na Aspeto ng Pag-unawa mula sa bahaging ito hanggang sa bahaging Transfer, sa Pagsasabuhay. (FU: Interpretasyon) 1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Paghandain ang bawat pangkat ng isang malaking panyo. 2. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na sa magiging gawain ay dalawang papel ang kanilang gagampanan. Sa isang bahagi ng gawain ay magiging tagapagutos at sa ikalawang bahagi ay magiging tagasunod. a. Sa bahagi ng tagapag-utos: Mag-iisip ang sinomang magiging tagapag-utos ng anomang kanilang ipagagawa sa kanilang mga kasama sa pangkat na magiging tagasunod. Ngunit kailangang bigyang-diin sa mga mag-aaral na mga gawaing siguradong ligtas lamang ang mga iuutos sa mga ito. Halimbawa: 10 hakbang patungo sa kanan, umupo, at iba pa. b. Sa bahagi ng tagasunod: Kailangang lagyan ng piring ang kanilang mga mata. Kailangang maging pamilyar siya sa boses ng taong magiging kanyang tagapag-utos. Tanging utos lamang nito ang kanilang susundin. Kailangan nilang sundin ang lahat ng ipinag-uutos nito. 3. Bigyan lamang ng 2-3 minuto ang bawat isang pares ng mag-aaral upang makabahagi sa gawain. Mas makabubuti kung mabibigyan ng pagkakataon ang lahat upang makibahagi sa gawain. 4. Itanong ang mga sumusunod: a. Ibahagi ang naging karanasan bilang (1) taga-utos at (2) tagasunod. b. Alin sa dalawang gampanin ang maituturing mong mas mahirap na isakatuparan? Pangatwiranan. c. Ano ang naging balakid upang maisakatuparan nang maayos ang mga gampanin? Ipaliwanag. d. Ano ang halaga ng isang tagapag-utos at tagasunod sa lipunan? Ipaliwanag. 132

e. Sa buhay mo sa kasalukuyan, sino ang taga-utos at sino ang tagasunod? Pagtuklas ng Dating Kaalaman 5. 6. (FU: Self-Knowledge)

Ang nasa loob ng mga speech balloon ay mga kadalasang tagubilin ng mga magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan. Sa kabila nito ay may mga blankong speech balloon. Punan ang mga bakanteng speech balloon ng mga katagang madalas mong tugon sa mga katulad na mga tagubilin. Gamiting gabay ang mga halimbawa sa ibaba.

Bakit mo na naman iniwang hindi naliligpit ang iyong hinigaan at kinainan kaninang umaga? Ano ba ang lagi kong sinasabi sa iyo?

__________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ ______________

Mayroon ka bang mga takdang-aralin? Gawin mo na kaagad ang lahat bago ka mag-computer o manood ng t.v. At hindi ka maaaring lumabas ng bahay ngayon.

________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ____________

Nakikita mo ba ang matandang lalaki na nakaupo sa tabi ng iyong ama. Siya ay iyong lolo dahil kapatid siya ng lola mo na aking ina. Magpunta ka sa kanya.

_________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _______________

Kailangang magtulongtulong ang lahat ng mga Pilipino upang labanan ang katiwalian sa bansa.

_____________________ _____________________ _____________________ _____________________ ___________

7.

Bigyang-diin sa mga mag-aaral na kailangang maging matapat sa kanilang mga isusulat na tugon mas makatutulong kung ang tunay nilang ginagawa/ tugon ang kanilang isusulat. Ipaunawa na hindi ito naglalayong ilantad ang kanilang mga gawi kundi upang ito ay mabigyang linaw at maituwid kung kinakailangan.

8. 9.

Ipabahagi sa ilang mga mag-aaral ang kanilang mga tugon sa harap ng klase. Itala ang kanilang mga tugon sa pisara gamit ang pormat sa ibaba. 133

Positibong Tugon 1. 2. 3. 4.

Negatibong Tugon

B.

KARANASAN TUNGO SA PAG-UNAWA (FIRM-UP)

(FU: Pagbuo ng Sariling Pananaw)

Sa bahaging ito, magsasagawa ang mga mag-aaral ng panayam sa mga kabataan upang matukoy ang ibat ibang mga gawi na nagpapakita ng kawalan ng galang, dahilan upang hindi sila magpakita ng paggalang at mga pamamaraan na sa kanilang palagay ay kailangan upang mas epektibong maituro sa kanila ang pagsunod at paggalang. Makatutulong ang gawaing ito upang matukoy ng mga mag-aaral ang estado ng pagsasabuhay ng birtud na pagsunod at paggalang ng kapwa nila kabataan sa kasalukuyan. Makatutulong din ang gawaing ito upang makabalangkas ang mga mag-aaral ng mga pamamaraan upang mas mapatibay ang birtud ng pagsunod at paggalang.

10. 11. a. b. c. 12. 13. a. b.

Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ang bawat isang pangkat ay aatasan ng isang paksang pag-uusapan Pangkat 1 Magulang Pangkat 2 Nakatatanda Pangkat 3 Nasa Kapangyarihan Magsasagawa ang bawat pangkat ng pagsusuri sa pamamaraan ng pakikitungo, pagsunod at paggalang ng mga kabataan sa kasalukuyan. Kailangan nilang magsagawa ng panayam sa mga kabataan sa kasalukuyan upang matukoy ang mg sumusunod: Mga gawaing nagpapakita ng kawalang-galang at hindi pagsunod ng mga kabataan sa kanilang mga magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan Dahilan ng kawalan ng paggalang ng mga kabataan sa mga magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan 134

c. 14. 15. 16. 17. a. b. c.

Ano sa kanilang palagay ang kailangan upang mas maayos na maituro sa mga kabataan sa kasalukuyan ang pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan Isasagawa ang paglalahat sa naging resulta ng isinagawang panayam sa klase. Pag-uusapan nila sa kanilang pangkat ang naging resulta nito. Ang magiging resulta ng kanilang panayam ay kanilang ipakikita sa klase gamit ang PowerPoint o Movie maker. Pahanapin ang mga mag-aaral ng mga angkop na larawan mula sa internet o maaaring kumuha ng kanilang sariling mga larawan na nagpapakita ng kilos na tinutukoy sa isinagawang panayam. Matapos ang presentasyon ay itanong ang mga sumusunod: Sa pangkalahatan, ano ang inyong naging obserbasyon sa paraan ng pakikitungo ng mga kabataan sa mga magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan sa kasalukuyan? Ano kaya ang mga dahilan kung bakit ganito ang nangyayari sa kasalukuyan? Kung ikaw ang nasa katayuan ng isang magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan, ano ang iyong gagawin upang maturuan ang mga kabataan sa kasalukuyan ng pagsunod at paggalang?

C. PAGPAPALALIM (DEEPEN)

(FU: Pagpapaliwanag)

Sa bahaging Pagpapalalim, ipababasa at ipauunawa sa mga mag-aaral ang inihandang babasahin na naglalaman ng mahahalagang ideya o konsepto patungo sa ganap na pag-unawa sa Kakailanganin sa Pag-unawa (EU). Matatalakay sa babasahin ang kahulugan, dahilan, pamamaraan ng pagpapanatii at bunga ng paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan. Makatutulong din ang ganap na pag-unawa ng mga mag-aaral sa paraan ng pagsasabuhay ng paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal. Ang matututuhan ng mga mag-aaral sa babasahin na ito ay isang mabisang sandata na kanilang magagamit upang malabanan ang impluwensya ng kanilang kapwa kabataan na nagtutulak upang kanilang talikuran ang birtud ng pagsunod at paggalang. Matataya sa pamamagitan graphic organizer ang kaganapan ng kanilang pag-unawa sa Kakailanganin sa Pagunawa (EU).

135

18. BABASAHIN: Ipabasa ang babasahin sa ibaba at ipatalakay ang mahahalagang konsepto o Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) na nakapaloob dito. PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MAGULANG, NAKATATANDA AT NASA KAPANGYARIHAN Ikaw ay napaliligiran ng tao. Kahit saang panig ka tumingin, makikita mong napakaraming iba-ibang tao ang iyong nakasasalamuha sa bawat araw. May kanya-kanyang ugali, asal, pangangailangan, gusto, pangarap at pananaw. Isa sa kasanayan na dapat mong matutuhan ay ang pakitunguhan ang bawat isa sa kanila na walang pagkiling at diskriminasyon. Ito ay sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang na ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa lipunan at sa paningin ng Diyos; na ang lahat ay kailangang makatanggap ng paggalang mula sa kanyang kapwa. Sapat na ba ang paggamit ng po at opo upang ikaw ay matawag na magalang? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagmamano at paghalik sa noo? Kailangan mong maunawaan na hindi sapat ang ganitong mga pamamaraan upang maipakita ang paggalang. Sa araling ito, mauunawaan mo kung gaano kahalaga ng birtud na ito. Ang birtud na kinikilala bilang pinakamahalaga at pinakamakapangyarihan at itinuturing na ina ng lahat ng iba pang mga birtud. Sa yugto ng pagbibinata/pagdadalaga, mas nagkakaroon ng malalim na kahulugan at kabuluhan ang kanilang pagtingin sa paggalang. Ito ay dahil unti-unti nagiging malinaw sa kanila ang kanilang pagkakakilanlan, nagsisimula na nilang maunawaan kung ano ang kahulugan ng paggalang sa ibang tao at paggalang sa kanilang sarili. Kaya lamang, may mga pagkakataon na labis ang pagnanais ng isang kabataan na siya ay igalang ng kanyang kapwa. Lagi nila itong hinahanap mula sa mga tao sa kanilang paligid. Gusto nila na laging igalang ang kanilang mga pagpapasya, ang kanilang pag-iisa, ang kanilang pribadong buhay. Ngunit kapansin-pansin naman na hindi sila sensitibo sa kanilang pagkukulang na ipakita ang paggalang sa kanilang kapwa. Ang paggalang ay hindi patungo lamang sa iisang direksyon. Kung gusto itong makamit kailangang matutuhan muna itong ibigay sa ibang tao. Mahalagang maunawaan na ang pagbibigay sa isang tao ng paggalang o respeto ay katumbas ng pagpapahalaga sa kanila bilang tao at sa kanilang kaisipan at damdamin. Kasama rin dito ang pagkilala sa kanila, pagiging tapat sa kanila at pagtanggap sa kanila bilang sila, sa kabila ng kanilang mga kahinaan at pagkakamali. Kailangan din na maging malinaw na ang bawat isa ay may karapatan na ituring at kilalanin ng kanyang kapwa bilang siya, bilang anak ng Diyos. Ito ay pagkilala na ang lahat ng tao ay pantay-pantay. Kasabay din na dapat isaalang-alang na ang bawat indibidwal ay may pansariling katayuan sa lipunan at kalagayan at dahil dito dapat na igalang siya ng ibang tao sa paraang nararapat para sa kanya. Makatutulong sa iyo ang babasahin na ito upang magabayan ka sa tamang pamamaraan ng paggalang sa ilang mahahalagang tao sa iyong paligid. PAGGALANG SA MAGULANG 136

Ang iyong mga magulang ay kaparat-dapat sa iyong paggalang dahil sila ang nagdala sa iyo dito sa mundo, nagbigay sa iyo ng edukasyon at sila ang binigyan ng Diyos ng awtoridad upang iyong sundin at igalang. Ngunit dumarami pa rin ang mga kabataan na hindi na kakikitaan ng paggalang sa kanilang mga magulang. Anak na sumasagot nang pabalang, hindi tumutugon sa mga utos o tagubilin, walang pagsasaalang-alang sa kanilang damdamin, walang pakundangang pagbabahagi sa kanyang kaibigan ng kahinaan ng sariling mga magulang at marami pang iba. Natural lamang na dadaloy ang paggalang sa pagitan ng magulang at ng kanilang mga anak kung nasa kanilang gitna ang tunay at wagas na pagmamahal. Kung wala ang pagmamahal, imposibleng maisabuhay ang birtud ng paggalang. Ang paggalang sa kapwa ay maituturing lamang na dalisay kung ito ay isinasagawa dahil sa pagkilala na ang tao ay anak ng Diyos. Iginagalang ng mga anak ang kanilang mga magulang dahil alam nilang sila ang pinili ng Diyos upang mapunta sa posisyon na ito. Sila ang pinagkatiwalaan ng Diyos upang magpalaki at mag-aruga sa kanya. Alam ng lahat na ang ating mga magulang ay katulad ng kahit na sinong pangkaraniwang tao, hindi sila perpekto. Sila rin ay nagkakamali dahil sa kanilang mga kahinaan. Ang mga bagay na ito ang dapat na maisapuso ng lahat ng anak. Oo nga at hindi tayo binigyan ng pagkakataon ng Diyos na mamili ng ating sariling mga magulang. Ngunit hindi sapat na dahilan na dahil hindi sila ang mga magulang na ating hinahangad na maging upang hindi na natin sila igalang at mahalin. Hindi ang katangian ng ating mga magulang ang sukatan ng lalim ng pagmamahal at paggalang natin sa kanila kundi ang pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Diyos na binigyan Niya ng awtoridad upang hubugin, bantayan at palakasin ang ating mga halaga. Ang mga kabataan sa kasalukyan ay madalas na nag-iisip na mayroon silang karapatan na mag-isip at ikilos ang kahit ano na kanilang nais sa harap ng kanilang mga magulang. Kung minsan naabuso ng mga kabataan ang kahulugan ng kalayaan. May mga pagkakaton pa na mapapansin na talagang hinahamon ng mga kabataan ang kanilang mga magulang upang magalit at masaktan, ito ay isang gawaing tunay na nagpapakita ng kawalan ng paggalang. Kailangang maging malinaw para sa isang kabataan na katulad mo na, habang ikaw ay nakatira sa iisang bubong kasama ang iyong mga magulang, mayroon kang tungkuling igalang at sundin ang mga ito. Kapag naabot mo na ang sapat na gulang, ang tungkuling upang sila ay sundin ay maaaring humihinto ngunit ang sila ay igalang ay mananatili. Ang paggalang at pagsunod sa magulang ay kinakailangang laging nasa isip at puso ng lahat. Hindi ibinibigay lamang kapag sila ay nariyan at tatalikuran sa mga pagkakataong sila ay wala na sa ating harapan. Ang paggalang at pagsunod sa ganitong paraan at mapagpaimbabaw, kulang ng sinseridad at maituturing na walang kabuluhan. Halimbawa, sa kasalukuyan, palaki nang palaki ang bahagdan ng mga magulang na napipilitang 137

maghanap-buhay sa ibang bansa para matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Sa mga pagkakataong ganito, nawawala na ba ang tungkulin ng isang anak na igalang at sundin ang kanyang sariling mga magulang? Sa ganitong mga pagkakataon, mas kailangan na iparamdam ng mga anak ang kanilang paggalang at pagsunod sa kanilang mga magulang. Hindi biro ang sakripisyo na ibinibigay ng mga magulang para sa kapakanan ng kanilang pamilya, lalot higit para sa kanilang mga anak. Hindi biro ang malayo sa pamilya at hindi magkaroon ng pagkakataon na masubaybayan ang paglaki ng kanilang mga anak. Ang tanging kapalit na maibibigay ng isang anak sa ganitong pagkakataon ay ang kapanatagan ng damdamin ng kanilang mga magulang kahit na sila ay nasa malayong lugar na ang kanilang mga tagubilin ay buong katapatang sinusunod ng kanilang mga anak. Upang manatili ang paggalang sa loob ng pamilya, mahalaga na palaging bukas ang komunikasyon. Ang mga miyembro ng pamilya ay kailangang matapat sa isat isa at bukas sa pagsasabi ng totoo kahit pa masakit ito. Kung palagiang bukas ang komunikasyon at buhay ang pagtitiwala sa lahat ng pagkakataon mas magiging madali para sa isang pamilya ang isabuhay ang paggalang sa bawat isa. Madalas na nagiging suliranin sa loob ng pamilya sa pagitan ng magulang at ng anak ay ang kakulangan sa komunikasyon. Halimbawa, Madalas na iniisip ng mga bata ang hindi patas na pagtingin ng mga magulang. Marahil, nagkakaroon ng paghahambing sa pamamaraan ng pagdisiplina ng mga magulang ng kanilang mga kaibigan o kamag-aral o maging sa iba pang mga kapatid. Sa halip na ito ay iparating sa kanyang mga magulang ay nagkikimkim ng sama ng loob sa kanyang dibdib na sa paglipas ng panahon ay lumalalim at nagiging galit. Hindi nauunawaan ang panig ng kanyang sariling mga magulang dahil hindi naman ito nabigyan ng pagkakataon upang ipaliwanag ang kanilang panig. May mga sitwasyon kasi na kaya ganito kahigpit ang mga magulang ay dahil ayaw nilang mangyari sa kanilang mga anak ang mga pagkakamaling kanilang nagawa noong sila ay mga bata pa. Kung ang ganitong sitwasyon ay madadaan sa maayos na usapan sa pagitan ng magulang at mga anak, hindi magkakaroon ng puwang ang pagkawala ng paggalang sa isat isa. Huwag hayaang mawala ang sigla at liwanag sa loob ng tahanan dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan. Kung nais mong ikaw ay igalang matuto ka ring ibigay ito at huwag ipagkait sa sarili mong mga magulang. PAGGALANG SA NAKATATANDA Sinoman na nakatatanda sa iyo ay kailangang igalang. Isa ito sa napakagandang bahagi ng kultura ng mga Pilipino. Ang lahat ng bata sa simula pa lamang ay tinuturuan na na gumamit ng po at opo sa kanilang pakikipag-usap sa sinomang nakatatanda. Ito ay ginagawa hindi lamang sa mga kapamilya kundi sa lahat ng tao. Ang pagmamano ay isa ring katangi-tangi kaugaliang Pilipino na nararapat na manatiling buhay hanggang sa kasalukuyan. Ang gawaing ito ay isang palatandaan ng pagkilala sa kanila bilang mahalagang bahagi ng iyong buhay at ng lipunan.

138

Lalot higit na nangangailangan ng iyong paggalang ang mga matatanda. Ano na nga ba ang kalagayan ng matatanda sa ating lipunan? Nakalulungkot na sa kasalukuyan ang silbi ng tao sa lipunan ay nakabatay na lamang yata sa magiging kontribusyon niya sa pagpapa-unlad ng kalagayan ng ekonomiya. Kapag tumatanda na at wala nang kakayahang maghanap-buhay at kumita para sa kanyang pamilya, lumalamlam na ang paggalang sa kanila. Kapag may matanda sa daan para bang hindi man lang sila paglalaanan ng pangalawang tingin ng mga taong nagdaraan. Sa pagsakay sa jeep, nilalagpasan na lamang, ang katwiran, sagabal dahil mabagal kumilos, ang mga tao tuloy natatakot nang tumanda. Tama ba na ganito ang maging damdamin ng tao sa pagtanda? May hangganan ba ang pagbibigay ng paggalang? Nakapupukaw ng damdamin ang isang sulat na mula sa isang social networking site tungkol sa hinaing ng nanay at tatay sa kanilang pagtanda. Basahin mo ito at damhin upang maunawaan ang tunay na damdamin na kaakibat ng pagtanda.

Ang Sulat ni Nanay at Tatay


Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan, kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan. O nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda; naaawa ako sa sarili ko sa tuwing sinisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana ako sabihang bingi. Pakiulit na lang ang sinasabi mo o pakisulat na lang.

139

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtitiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo. Pasensya ka na anak, matanda na talaga ako. Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pagalalay ko sa iyo noong nag-aaral ko pa lamang lumakad. Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtawanan o pagsawaang pakinggan Natatandaan mo anak nung bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggat hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtitiyagaan ko ang kakulitan mo. Pagpasensyahan mo sana kung madalas akoy masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako. Kapag may konti kang panahon magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka. Kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear. At kapag dumating ang sandali na akoy magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsasawaang alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan. Pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi naman ako magtatagal. Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay. At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa Kanya na pagpalain ka sana dahil naging mapagmahal ka sa iyong amat ina

Madamdamin ang kanilang mensahe, tunay na sumasalamin sa totoong mga pangyayari. Ipinararating na para bang kapag tumatanda na ang tao nakalilimutan na ang mahahalagang bagay na kanilang nagawa at naibahagi noong sila ay malakas at bata pa. Nagiging pabigat na sa kanilang pamilya at sa lipunan. Hindi masyadong nabibigyan ng pansin at marapat na pagpapahalaga. Lagi nating tatandaan, na kung wala sila, wala tayo sa mundo. Kung hindi dahil sa kanilang mga ibinahaging karunungan at mga karanasan, hindi mabubuo ang ating pagkatao. 140

Lahat ng tao ay patungo sa pagtanda. Huwag na nating hintayin na maging matanda na rin tayo bago natin sila maunawaan nang lubusan. Kinailangan natin sila noong tayo ay bata pa, ngayon kailangan nila tayo sa kanilang tabi upang patuloy na iparamdam ang paggalang at pagmamahal. PAGGALANG SA NASA KAPANGYARIHAN Walang lipunan ang maaaring mabuhay o umiral kung walang awtoridad. Ang lahat ng tao ay napasasailalim sa mga taong nasa kapangyarihan. Kahit pa ang pinakamataas na tao sa lipunan ay nasa ilalim ng isang makapangyarihan. Ngunit may mga pagkakataong nakalilimutan na yata ng tao ang paggalang sa mga nasa kapangyarihan. Madalas lalo na sa edad mo ngayon, ayaw mo na mayroong tao na magdidikta sa iyo kung ano ang iyong nararapat na gawin at kung paano gagawin ang mga bagay-bagay. Sa iyong palagay ay sapat na ang iyong nalalaman upang makapagpasya ka para sa iyong sarili. O kung minsan ang pinaniniwalaan mo lamang ay yaong mga taong nagbibigay ng mga pagpapasyang naaayon sa iyong kagustuhan. Hindi ganito ang nararapat na maging paniniwala. Maraming mga tao ang inatasan ng Diyos at binigyan ng kapangyarihan upang ikaw ay gabayan. Inaasahan Niya na ibibigay mo ang iyong paggalang at pagsunod sa kanila. Hindi naman ito nangangahulugan na kinakailangan mong sundin ang lahat ng kanilang mga iniuutos o itinatagubilin at makiayon sa lahat ng kanilang mga pagpapasya. Pero ito ay nangangahulugan na kailangan mong ipakita ang iyong paggalang lalo na sa kanilang posisyon at karugtong nito ang taong may hawak ng posisyon na ito. Kailangan mong tanggapin na ang sinomang tao na may kapangyarihan ay may kakayahang mag-utos at magdikta at may karapatang humingi ng paggalang mula sa mga tao sa ilalim ng kanyang kapangyarihan. Ang pagsunod sa kanila ay nararapat na dahil sa paggalang at hindi sa takot o pagbibigay lamang. Ngunit sa paglipas ng panahon, marami na ang nababago, lalo na sa pananaw at paniniwala ng mga tao. Sa kasalukuyan ang mga tao ay labis ang paglaban para sa kanilang kalayaan upang ipahayag ang kanilang damdamin. Kung minsan ay nawawalan na ng konsiderasyon sa damdamin ng taong tatanggap nito. Sa mga nagdaang panahon, nakikita natin ang mga taong tahasan ang binibigay na pagpuna sa mga pinuno ng pamahalaan, sa sistema ng pamahalaan, sa kalagayan ng bansa at kahit ano pa na hindi naaayon sa kanilang sariling paniniwala. Kung minsan, nakalulungkot isipin na lumalagpas na sila sa nararapat at nawawala ang konsiderasyon sa paggalang sa kanila bilang isang taong may damdamin at anak ng Diyos. Hindi naman sinasabi na mali ang ipahayag ang damdamin ngunit ang mahalaga, sa pagsasagawa nito lagi pa ring may pagsasaalang-alang sa kanilang 141

pagkatao bilang tao. Paano nga ba lubos na maipakikita ang paggalang sa mga nasa kapangyarihan? Narito ang ilan sa mga pamamaraan (Wolff) 1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang sa nasa kapangyarihan. Pinagkatiwalaan ng Diyos ang mga taong nasa kapangyarihan dahil alam ng Diyos ang kanilang mga kakayahan at ang malaki nilang magiging kontribusyon sa iyo at sa lipunan. Kung uunawain mo ang mga bagay na ito, mas magiging maluwag sa iyo na tanggapin na karapat-dapat sila sa iyong lubos na paggalang. 2. Lagi mong ipagdasal ang lahat ng tao na may kapangyarihan sa iyo. Sila ay tao rin na katulad mo. Ang pagkakaiba lamang ay may nakaatas sa kanilang balikat na mga tungkulin na napakahalaga upang ikaw ay gabayan tungo sa iyong paglago. Katulad mo, mas kailangan nila ng gabay mula sa Diyos upang maisakatuparan nila nang maayos ang kanilang mga tungkulin at upang kanilang maunawaan ang napakahalaga at napakakritikal nilang tungkulin sa paghubog ng iyong kabuuan. 3. Maging isang buhay na halimbawa sa mga tao sa iyong paligid. Ipakita mo sa lahat kung paano ang tamang paggalang sa mga nasa kapangyarihan. Huwag mong ipakita sa iyong mga kamag-aral ang pakikipagtalo sa iyong mga guro, ang pagsuway sa mga panuntunan ng paaralan, ang pagsasalita ng masama laban sa guwardiya ng paaralan at marami pang iba. Lagi mong tatandaan na maliit lamang ang pagitan ng pagbibigay ng puna at kritisismo sa kawalan ng paggalang. Ang pagsasabi ng iyong puna o kritisismo ay maaaring maisagawa na hindi nawawala ang paggalang. Kailangang siguraduhin na masabi ito sa maayos na pamamaraan, na laging isinasaisip ang magiging damdamin ng taong tatanggap nito. 4. Alamin at unawain sa una pa lamang na hindi lahat ng pagpapasya ay magiging kaaya-aya para sa iyo upang ito ay iyong sundin. Hindi perpekto ang lahat ng taong nasa kapangyarihan. May kapasidad silang magkamali paminsan-minsan. May mga pagkakataon na talagang magkakabanggaan ang inyong mga prinsipyo at hindi magiging kapaki-pakinabang at katanggap-tanggap para sa iyo ang kanilang mga pagpapasya. At sa ganitong mga pagkakataon madalas na nakaliligtaan ang paggalang sa kanilang kapangyarihan at sa kanila bilang tao. Walang bagay na hindi madadaan sa maayos at mahinahon na usapan. Ang paraan ng pagbabahagi ng iyong reaksyon sa mga maling pagpapasya ay mahalagang laging bigyan ng tuon upang hindi masakripisyo ang paggalang sa isat isa. Darating at darating ang panahon na ikaw naman ang bibigyan ng Diyos ng kapangyarihan sa ibang tao. Hindi mo rin nanaisin na hindi makuha ang paggalang mula sa mga tao na nasa ilalim ng iyong kapangyarihan. Hindi mo makakayang ibigay ang isang bagay na wala sa iyo. Kung kaya ngayon pa lamang simulan mo ng pag-aralang tumugon, sumunod at gumalang. Ngunit paano nga ba natin maisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal? Ang mga sumusunod ay mga mungkahi mula sa aklat ni Isaacs na Character Building: 142

1. Panatilihing buhay at nag-aalab ang pagkakaunawaan at pagtanggap sa pamilya at sa lipunan. Maraming mga maliliit na pamamaraan upang mapagtagumpayan ang layuning ito. Halimbawa, pakikinig nang mabuti habang may nagsasalitang ibang tao, pag-iwas sa mga hindi naman makatutulong na mga puna, pagiging maingat sa pananalita at kilos upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Gawin mo ang iyong kontribusyon upang maakit ang iba na ibalik din ito sa iyo. 2. Kilalanin na ang lahat ng tao ay may kakayahang umunlad. Lahat ng tao bata man o matanda ay may kapasidad na magkamali. Palatandaan lamang na ang tao ay hindi perpekto. Lahat ng tao ay mayroong mga kahinaan. Dahil dito ang lahat ng tao ay binigyan ng Diyos na pagkakataon na umunlad. Ang paghusga sa isang tao dahil sa kanyang mga pagkakamali ay nagpapahiwatig na hindi mo na binibigyan ng pagkakataon ang iyong kapwa na magbago at umunlad. Ikaw din ay nagkakamali, at hindi rin magiging kalugod-lugod sa iyo kung ikaw ay basta na lamang huhusgahan dahil dito. Marapat lamang na ang lahat ay bigyan ng pagkakataon upang itama ang kanyang mga pagkakamali. Mahalaga ang kakayahan na ito para sa ganap na pagsasabuhay ng paggalang. 3. Kumilos na ang palaging layunin ay ang makatulong sa kapwa. Nilikha tayo ng Diyos bilang isang panlipunang nilalang. Pahiwatig ito na kailangan natin ang isat isa upang mahanap ang kaganapan ng pagkatao. Sa ating pagkilos, kailangan na ang ating layunin ay nakatuon sa pagtulong sa ating kapwa. Nakalulugod isipin na ikaw ay kabahagi ng ibang tao sa paghahanap ng bahagi ng kanyang sarili. Hindi mo dapat tinitingnan ang iyong kapwa bilang balakid sa iyong paglago. Nariyan sila dahil may bahagi silang gagampanan sa iyong buhay at nariyan ka dahil may bahagi kang gagampanan sa kanilang buhay. 4. Gawin lamang ang anomang kilos na hindi makasasakit ng kapwa. Lahat ng tao ay may damdamin na nasasaktan. Sabi nga nila mas madaling maghilom ang sakit na dulot sa katawan kaysa sa damdamin. Kung kaya bilang isang kabataan kailangang laging isaalang-alang sa bawat pananalita at kilos ang pagiging maingat upang hindi makasakit ng kapwa. Minsan, dahil sa kakulangan sa pag-iingat, hindi na tayo nagiging sensitibo sa damdamin ng ating kapwa. Halimbawa, sa silid-aralan lalo na sa mga oras na wala ang guro, may mga mag-aaral na sasamantalahin ang pagkakataon upang makuha ang atensyon ng marami. Ang kanyang intensyon ay ang makapagpasaya ngunit ang kanyang pamamaraan ay ang gawing tampulan ng tawanan ang kahinaan ng isang kamag-aral. Maaaring nakapagpapasaya ito ng marami ngunit ito ay labis na kawalang paggalang sa isang taong labis na nasasaktan. Hindi ito makatarungan, ito ay tunay na dapat ikondena. Ngunit minsan din naman may mga pagkakataon na maganda ang ating layunin sa ating kapwa ngunit hindi natin alam na makasasakit pa rin ito. Halimbawa, Nabalitaan mo na ang isa mong kamag-aral ay may tubercolosis. Naawa ka sa kanya at nais mo siyang tulungan. Naisip mong magpunta sa lahat ng silid-aralan upang sabihin ang kalagayan ng iyong kamag-aral, na ang layunin ay makakalap ng tulong pinansyal mula sa mga ito. Ngunit ang naging bunga nito ay iniiwasan na siya ng maraming mga mag-aaral dahil nalaman ng mga ito ang kanyang karamdaman. Marahil ay makararamdam ka ng pagsisisi dahil sa iyong ginawa ngunit alam mo naman na wala kang 143

anomang masamang intensyon. Marahil, nakaligtaan mo lamang na isipin nang mabuti ang maaaring maging kahihinatnan ng iyong pagtulong. Sa ating mga pananalita at pagkilos, kailangang laging isaalang-alang ang prudensya upang matiyak natin na hindi tayo makasasakit ng ating kapwa. 5. Unawain na ang lahat ng tao ay magkakaiba kung kaya nagkakaroon din ng pagkakaiba sa paraan ng pagpapakita sa kanila ng paggalang. Iba ang paraan ng paggalang na iyong ibinibigay sa iyong mga magulang kaysa sa iyong mga guro. Iba para sa nakatatanda at iba rin para sa mga taong nasa kapangyarihan. Halimbawa, maaaring sapat na para sa isang guro ang batiin mo siya ng magandang umaga sa tuwing makakasalubong mo siya at ang ibigay mo sa kanya ang iyong buong atensyon sa oras ng kanyang klase. Hindi lamang ganito ang paraan ng pagpapakita mo ng paggalang sa iyong mga magulang, kailangan mong sundin ang kanilang mga paala-ala at utos, igalang ang kanilang mga pasya, mahalin sila ng walang kondisyon at marami pang iba. Kailangang maging mulat ka sa ibat ibang mga pamamaraang ito upang hindi ito magdulot ng suliranin sa hinaharap. 6. Bago mag-alay ng tulong sa kahit na sinoman, siguraduhin na ganap na nauunawaan kung ano ang kanilang tunay na kalagayan. Mulat ka ba sa tunay na pangangailangan ng taong nais mong tulungan? Kailangan mong alaming mabuti ang kanilang tunay na sitwasyon o kalagayan bago mo isagawa ang pagtulong sa kanila. Ito ay upang masiguro mo na tama at tunay na makatutulong sa kanya ang anomang iyong ibibigay. Ang isang pulubi sa lansangan halimbawa ay hindi nararapat na bigyan ng pera bilang limos. May mga sitwasyon kasi na hindi nila ito ginagamit upang ipambili ng pagkain bagkus upang ipambili ng rugby o kaya naman ay upang ibigay sa kanyang mga magulang upang gamitin sa pagsusugal. Sa ganitong pamamaraan, hindi natin tunay na natulungan ang bata, mas naakay pa siya sa kasamaan. 7. Ibigay sa sinoman ang paggalang na nararapat lamang para sa kanya. Ang paggalang ay walang pinipiling tao, lugar, oras o pagkakataon. Lahat ng tao ay anak ng Diyos na karapat-dapat sa paggalang ng sinoman. Maaaring magkakaiba ang pamamaraan ng pagpapakita ng paggalang sa kapwa, nakabatay sa kanyang posisyon sa lipunan ngunit mula sa pinakamataas hanggang sa pinakapayak na tao sa lipunan marapat sila sa iyong paggalang. 8. Sa pakikipag-usap sa ibang tao, iwasan ang paglalahat sa paghuhusga sa tao, walang pagsasaalang-alang na kritisismo at anomang uri ng diskriminasyon. Madalas kapansin-pansin ang kawalan ng paggalang sa kapwa sa paraan ng pakikipag-usap sa mga ito. Masyado tayong mabilis na magbitaw ng mga salita. Hindi na natin naipagsasaalang-alang ang damdamin ng ating kausap; humuhusga tayo sa ating kapwa nang hindi natin ganap kakilala, nagbibigay tayo ng ating puna na hindi naman kailangan at hindi naman nakatutulong, minamaliit natin ang ating kapwa dahil lamang sa katayuan niya sa buhay. Nakalulugod ang isang taong mas pinipiling manahimik kaysa sa magbitaw ng masamang salita sa kanyang kapwa. 9. Isipin kung paano maibibigay ang pinakamahusay na paglilingkod sa kapwa na may pagsasaalang-alang na walang iisang tuntunin na maaaring sundin na aangkop para kanino man. Hindi tayo dapat na masiyahan sa pwede na. Madalas, kapag nagbibigay tayo sa ating kapwa tinitingan lang natin ito bilang isang obligasyon na kailangang isakatuparan. Ang pagtulong na hindi nilakipan ng pagmamahal ay walang kabuluhan. Kailangang siguraduhin na ang pinakamahusay ang laging ibigay para sa kapwa. Ngunit kailangan ding bigyan ng tuon ang pagkakaiba-iba ng bawat tao. Kailangang bigyan ng 144

paggalang ang kanilang indibidwalidad. Kailangang bigyan din ito ng konsiderasyon dahil may mga pagkakataon na ang sapat para sa isa ay maaring hindi sapat para sa iba. Gawin mo sa iyong kapwa ang nais mong gawin sa iyo. Mahalaga ang kawikaang ito upang ipaunawa sa bawat isa na ang paggalang ay nararapat na nagmumula sa iyo. Hindi ito hinihingi bilang limos at hindi ito nabibili ng anomang halaga. Ito ay makukuha lamang kung ikaw ay karapat-dapat, kung ikaw ay marunong ding gumalang sa iyong kapwa. Walang pinakamagandang regalong makukuha mula sa ibang tao kundi ang kanilang taos-pusong paggalang. Nakahanda ka na bang makatanggap ng regalong ito? Paghinuha ng Kakailanganing Pag-unawa

Palakasin P a g s u n o d P a g g a l a n g 1. ______________________ Ginagawa dahil sa 2. ______________________ 3. ______________________ Binigyan ng Awtorida d upang H u b u g i n P a l a k a s i

HALAGA

Kakailanganing Pag-unawa (EU): Ang pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan ay dapat na ginagawa dahil sa pamamahal, malalim na pananagutan at dahil sa pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Diyos na binigyan Niya ng awtoridad upang hubugin, bantayan at palakasin ang mga halaga. D. PAGGANAP, PAGNINILAY AT PAGSASABUHAY (TRANSFER) Sa bahaging Pagganap, pagtitibayin ang pagkatuto ng mga mag-aaral mula sa ginawang pagtalakay sa paksa. Ang speech balloon na ginawa sa unang bahagi ay muling pasasagutan sa mag-aaral upang makita kung naiwasto ng mga mag-aaral ang pamamaraan ng pagtugon sa mga tagubilin ng kanilang mga magulang, ng nakatatanda at nasa kapangyarihan. 145

Sa susunod na bahagi ng aralin ay magsasagawa ng pagninilay ang mga mag-aaral upang ganap na maunawaan kung ano ang damdamin ng magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan sa mga pagkakataon na hindi sila nakatatanggap ng paggalang lalo na sa mga kabataan. Matapos ang pagninilay at bibigyan sila ng panahon upang sumulat ng isang liham na maglalaman ng kanilang paghingi ng tawad o paumanhin dahil sa pagkukulang at pagmamalabis at pagbibigay ng komitment na isabuhay ang pagiging masunurin at magalang. Inaasahan din ang pagbibigay nila ng komitment na ibahagi sa mga kaibigan, kakilala at kapamilya ang natutuhan mula sa aralin. Sa bahaging pagsasabuhay, gagawin ng mga mag-aaral ang Tsart ng mga Pamamaraan ng Pagpapakita ng Paggalang at Pagsunod sa Magulang, Nakatatanda at nasa Awtoridad. Magsisilbi itong gabay sa pagsasabuhay ng mga pamamaraan sa pagpapakita ng paggalang. Mahalaga ang gawaing ito upang unti-unting mahasa hanggang sa maging bahaging muli ng pang-araw-araw na buhay ng mag-aaral ang pagsunod at paggalang.

Pagganap 19. Muling pasagutan sa mga mag-aaral ang katulad na speech balloon sa nagdaang gawain. 20. Bigyan ng pansin ang magiging pagkakaiba ng tugon ng mga mag-aaral mula sa naunang gawain. Mayroon ka bang mga takdang-aralin? Gawin mo na kaagad ang lahat bago ka mag-computer o manood ng t.v. At hindi ka maaaring lumabas ng bahay ngayon.

Bakit mo na naman iniwang hindi naliligpit ang iyong hinigaan at kinainan kaninang umaga? Ano ba ang lagi kong sinasabi sa iyo?

__________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ ______________

________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ____________

146

Nakikita mo ba ang matandang lalaki na nakaupo sa tabi ng iyong ama. Siya ay iyong lolo dahil kapatid siya ng lola mo na aking ina. Magpunta ka sa kanya.

_________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _______________

Kailangang magtulongtulong ang lahat ng mga Pilipino upang labanan ang katiwalian sa bansa.

_____________________ _____________________ _____________________ _____________________ ___________

Pagninilay

(FU: Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng Iba)

21. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na ilagay ang kanilang sarili sa katayun ang isang magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan na hindi sinusunod at iginagalang. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng isang meditasyon na gagabayan ng guro. 22. Saliwan ito ng angkop na tugtugin upang mas payapa ang isipan at damdamin ng mga mag-aaral. Maglaan ng ilang minuto upang isagawa ang gawain na ito. 23. Pagkatapos ay pagawain ng liham ang mga mag-aaral para sa kanilang magulang, sa mga nakakatanda at nasa kapangyarihan. 24. Ang laman ng liham ay maaaring: a. Paghingi ng tawad o paumanhin dahil sa pagkukulang at pagmamalabis. b. Pagbibigay ng komitment na isabuhay ang pagiging masunurin at magalang c. Pagbibigay ng komitment na ibahagi sa mga kaibigan, kakilala at kapamilya ang natutuhan mula sa aralin Pagsasabuhay (FU: Paglalapat)

1. Pagawain ang mga mag-aaral ng Tsart ng mga Pamamaraan ng Pagpapakita ng Paggalang at Pagsunod sa Magulang, Nakatatanda at nasa Awtoridad. 2. Kailangan nilang maglista ng 5 7 mga pamamaraan ng pagpapakita ng paggalang at pagsunod sa a. Magulang b. Nakatatanda 147

c. Nasa kapangyarihan 3. Babantayan nila ang kanilang pagsasabuhay ng mga pamamaraan sa loob ng isa o dalawang linggo. Gumawa ng tsart katulad ng pormat sa ibaba. Pagpapakita ng Paggalang sa: A. Magulang 1. Laging tutupdin ang ipinag-uutos ng aking mga magulang Miyerkules Miyerkules Kuwebes Kuwebes Biyernes Biyernes Sabado Sabado Martes Martes Linggo Linggo

amamaraan ng

Lunes

B. Nakatatanda 1. Laging gagamit ng po at opo sa pakikipag-usap

C. Nasa Kapangyarihan 1. Hindi magsasabi ng masasamang salita sa sino mang nasa

Mga Sanggunian: Isaacs, David. 2000. Character Building. Four Courts Press. Portland Oregon. Dawn R. Babcook. Why is it Important to Respect your Parents. Retrieved from http://www.helium.com/items/1572960-respecting-parents on September 9, 2010 Angela Hood. Its Your Life Take Authority: A Spiritual Guide for Your Life. Retrieved from http://books.google.com/books?id=DLTqxItrqEoC&pg=PA3&dq=respect+and+authority&hl=en&ei=cmGRTNzlJ4a0cMPxsL8B&sa=X&oi=book_result&ct=result&resnum=9&v ed=0CEwQ6AEwCDgU#v=onepage&q=respect%20and%20authority&f=false on September 16, 2010 Karen Wolff. The Ultimate Definition of Respect. Retrieved from http://ezinearticles.com/?The-Ultimate-Definition-of-Respect&id=1282357 on September 16, 2010

148

Lunes

Ikatlong Markahan: Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa

Aralin 3: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa

Bilang ng araw/sesyon: 3-4

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayang Pagganap: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa Pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang moral at birtud: mga halaga at birtud sa pakikipagkapwa Pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa Mga Paksa: Pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa 1. Pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa kapangyarihan 2. Pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa Paggawa ng mabuti sa kapwa kapangyarihan Pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian 3. Paggawa ng mabuti sa kapwa Katapatan sa salita at gawa 4. Pakikipag-kaibigan sa katapat na kasarian 5. Katapatan sa salita at gawa Mga Kakailanganin sa Pag-unawa (Sa Ikatlong Markahan): Mahahalagang Tanong (Sa Ikatlong Markahan) Sa pagsasabuhay ng mga halagang moral at birtud, naisusulong ang Paano maisusulong ang matatag na pakikipagkapwa matatag na pakikipag-kapwa. Sa Aralin 3: Paggawa ng mabuti ng kapwa Sa Aralin 3: Paggawa ng mabuti sa Kapwa Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay nararapat na ginagawa ng puno na Paano isasabuhay ang paggawa ng mabuti sa kapwa? pagmamahal at tumutugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapwa na hindi naghihintay ng anomang kapalit o kabayaran kahit pa ito ay nangangahulugan ng pagsasakripisyo para sa kapakanan ng iba. Ito ay dapat na naglalayong gawing kaaya-aya ang buhay para sa kapwa at makapagbigay ng inspirasyon upang tularan ng iba. Ang mga mag-aaral ay: (Mga Kasanayan) Nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga (Mga Kaalaman) a. Kahulugan ng Kabutihang-loob b. Kahagahan ng paggawa ng kabutihan para sa kapwa c. Mga pamamaraan upang maging bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang paggawa ng mabuti para sa kapwa d. Tatlong Pangunahing Kasanayan na Kailangan sa Paggawa ng Mabuti sa Kapwa e. Mga Simpleng Kabutihang Maaaring Magawa para sa kapwa ng isang Kabataan f. Ang maaring magawa ng paggawa ng kabutihan para sa sarili at sa kapwa Natataya ang pansariling kakayahan sa paggawa ng kabutihan sa kapwa gamit ang timeline. Natutukoy ang ibat ibang mga pamamaraang maaaring magawa upang makatulong sa kapwa Naisasalarawan ang magiging katayuan ng mundo kung walang kabutihan Nahihinuha ang Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) gamit ang graphic organizer Natutukoy ang mga bagay na magagawa ng kabutihan upang masolusyunan ang ilang malalaking suliranin sa bansa o sa mundo Nakagagawa ng kabutihan sa kanyang kapwa sa ibat ibang pamamaraan

149

Inaasahang Pagganap Nakagagawa ng kabutihan sa kapwa sa ibat ibang pamamaraan

Antas 2 Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa Pagpapaliwanag Natatalakay ang tunay na layunin ng paggawa ng mabuti sa kapwa Kraytirya: a. Naibahagi ang tunay at makabuluhang layunin ng paggawa ng kabutihan sa kapwa b. Naglahad ng mga patunay sa bawat ibinahaging layunin Interpretasyon Nailalarawan ang mundo kung wala ang kabutihan Kraytirya: a. Makabuluhan ang ginawang paglalarawan b. Naglahad ng mga makatotohanang halimbawa Naihayag ang naging reyalisasyon sa isinagawang paglalarawan Paglalapat Nakagagawa ng isang diary na naglalaman ng kanyang mga karanasan sa paggawa ng mabuti sa kapwa sa ibat ibang pamamaraan Kraytirya: a. Makabuluhan ang mga kabutihang ginawa para sa kapwa b. Mas nabigyang-tuon ang paggawa ng kabutihan para sa kapwang hindi direktang kakilala o kaibigan at tunay na nangangailangan c. Naibahagi ang magandang bunga ng paggawa ng mabuti sa kapwa sa kanilang pagkatao sa ginawang pagninilay Pagbuo ng Sariling Pananaw Naibibigay ang kanilang pananaw ukol sa katagang No act of kindness, however small, is ever wasted. 150

Sa Antas ng Pagganap Pagtataya ng ginawang Diary batay sa sumusunod na pamantayan: a. Makabuluhan ang ginawang kabutihan para sa kapwa b. Nabigyang tuon ang pagtulong sa ibang taong hindi malapit sa kanya c. Ibat ibang pamamaraan ang ginamit sa paggawa ng kabutihan sa kapwa d. Naitala ang damdamin ng mga taong kanilang nabahaginan ng kanilang kabutihan e. May kalakip na pagninilay

Kraytirya: a. Makabuluhan ang ibinahaging pananaw b. Naibahagi ang halaga ng mensahe ng mga kataga Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng Iba Nailalagay ang sarili sa katayuan ng isang taong tunay na nangangailangan na: a. Nakatatanggap ng tulong mula sa kanyang kapwa b. Hindi nakatatanggap ng tulong mula sa kanyang kapwa Kraytirya: a. Naisalarawan ang naging pag-unawa sa kanilang katayuan b. Nakapagnilay ukol sa halaga ng pagtulong sa kapwa Pagkilala sa Sarili Natataya ang pansariling kakayahan ng gumawa ng kabutihan para sa kapwa sa pamamagitan ng isang timeline. Kraytirya: a. Nakahanap ng mga simbolong kakatawan sa kanilang karanasan sa paggawa ng kabutihan para sa kanilang kapwa b. May kalakip na paliwanag c. May kalakip na pagninilay

Antas 3 Plano ng Pagtuturo-Pagkatuto Aralin 3: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA A. PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE) 151

Sa bahaging Pagsisiyasat, pagagawain ang mga mag-aaral ng isang Timeline. Magsasagawa ng pagbabalik-tanaw ang mga magaaral sa mga kabutihan na kanilang nagawa para sa kanilang kapwa sa mga taon na nagdaan sa kanilang buhay. Mahalaga ang gawaing ito upang mataya ng mga mag-aaral ang kanilang sariling kakayahan na makagawa ng kabutihan para sa kanilang kapwa. Sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman, aatasan ang mga mag-aaral na ilagay ang katayuan sa isang taong nangangailangan upang mas maunawaan ang halaga ng pagbibigay ng tulong sa kapwang nangangailangan. Ilalarawan ng mga mag-aaral ang naging bunga ng pagdama at pag-unawa sa damdamin ng kanilang kapwa sa pamamagitan ng comic strips. Layunin ng mga tanong sa huling gawain na gabayan ang mga mag-aaral tungo sa paghinuha ng mga Kakailanganin sa Pagunawa (EU) at mga Mahahalagang Tanong (EQ). Ang sagot ng mga mag-aaral sa bahaging ito ay mahalaga upang matukoy ang lawak ng gagawing pagtalakay ng guro sa mga darating na bahagi ng aralin. Makatutulong din ang gawaing ito upang magkaroon sila ng ideya tungkol sa inaasahang produkto o pagganap na kanilang ipamamalas sa araling ito. Lilinangin ang anim na Aspeto ng Pag-unawa mula sa
Pagsisiyasat 1. Paggawain ang mga mag-aaral ng isang Timeline. 2. Pagdalahin ang mga mag-aaral ng mga sumusunod (ibigay bilang takda) a. Lumang magasin na may kulay b. Gunting c. Paste o glue d. Mga kagamitan sa pagguhit 3. Ipaalala sa mga mag-aaral ang mga kabutihan na kanilang nagawa sa kanilang kapwa. Ilagay sa gagawing timeline ang kanilang edad ng ginawa nila ang kabutihan na ito. 4. Gugupit sila ng larawan na maaaring magsilbing simbolo sa ginawang kabutihan o di kaya ay gumuhit ng larawan at pagkatapos ay lagyan ng kulay. 5. Gamiting batayan ang halimbawa sa ibaba.

152

9 na taong gulang

10 taong gulang

11 taong gulang

13 taong gulang

13 taong gulang

9 na taong gulang: Noong ako ay miyembro ng boyscout, tumulong ako sa isang matanda sa kanyang pagtawid sa kalsada. 10 taong gulang: Nagpahanda ako ng pagkain sa aking nanay upang ibigay ko sa isang bata na may sakit na nakatira sa lansangan 11 taong gulang: Tinulungan ko ang aking tita sa mga gawaing bahay noong siya ay napilay dahil sa aksidente. 13 taong gulang: Tumulong ako sa pagsasaayos ng bahay ng isang matalik na kaibigan noong sila ay nasunugan. 13 taong gulang: Nag-aalaga ako sa aking lola na matanda at mahina na tuwing sabado at linggo. 6. Hatiin ang klase sa anim na pangkat at ipabahagi isa-isa ang kanilang mga natapos na gawain 7. 8. a. b. c. Papiliin ng tagapag-ulat ang bawat pangkat na maglalahat ng mga ibinahagi ng mga kasapi sa pangkat. Matapos ang presentasyon ng lahat ay tanungin ang mga mag-aaral ng mga sumusunod: Nahirapan ka ba na mag-isip ng mga kabutihang iyong nagawa? Bakit o bakit hindi? Ano ang nagtutulak sa iyo upang gumawa nang mabuti sa iyong kapwa? Ano ang nagiging balakid sa iyo sa paggawa ng kabutihan sa iyong kapwa?

153

Pagtuklas ng Dating Kaalaman 9. a. b. c. 10. 11. a. b. 12. 13. 14. a. b. c. d. e. B. Ipakita sa mga mag-aaral ang isang Movie o PowerPoint Presentation na naglalaman ng mga larawan ng sumusunod: Pulubi Matanda Biktima ng hold-up o snatching c. Bata sa lansangan na hindi nag-aaral d. Isang taong nasaktan e. Biktima ng sakuna

Saliwan ito ng awiting instrumental na aangkop sa tema ng ginawang presentasyon. Pagkatapos ay kailangan nilang sagutin ang tanong na: Ano ang iyong magiging damdamin kung ikaw ay nasa katayuan ng sino man sa kanila? Ano ang iyong gagawin kung makakita ka ng sino man sa kanila? Pagawain ang mga mag-aaral ng isang komiks upang isalarawan ang kanilang tugon sa mga katanungan sa itaas. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ginawa sa harap ng klase. Habang ginagawa ang pagbabahagi ay itala sa pisara ang kanilang mga kasagutan. Tanungin ang mga mag-aaral ng mga sumusunod: Ano ang maaring maging damdamin mo kung tunay mong gagawin ang mga bagay na iyong isinulat? Ano naman kaya ang maaaring maging damdamin ng taong iyong tutulungan kapag ito ay iyong ginawa? Ano ang pangunahing kailangan upang ang isang bata ay tunay na maging bukas sa paggawa ng kabutihan sa kanyang kapwa? Ano ang pangunahing balakid sa paggawa ng mabuti sa kapwa? Paano malalagpasan ang mga balakid na ito? KARANASAN TUNGO SA PAG-UNAWA (FIRM-UP) Sa bahaging ito ng aralin, magkakaroon ng isang pangkatang gawain. Kanilang pag-uusapan sa pangkat ang kanilang pananaw sa mundo kung hindi nananaig ang kabutihan. Ipatutukoy sa mga mag-aaral kung ano ang mga suliranin na maaaring kaharapin ng tao at ng mundo kung ganap na mawawala ang kabutihan sa puso ng lahat ng tao. Sa pamamagitan ng isang malikhaing presentasyon, mas magiging malinaw para sa lahat ang imahe na nais nilang ipakita sa posibleng maging kalagayan ng mundo Mahalaga ang gawain na ito upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng paggawa ng mabuti para sa kanyang kapwa. Matapos maunawaan ng mga mag-aaral ang halaga ng paggawa ng mabuti sa kapwa, mas magiging madali na para sa kanila ang pag-unawa na kailangan nilang kumilos upang huwag mawala ang kabutihan sa puso ng lahat ng tao. 154

15. 16. 17. 18. 19. 20.

Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Papiliin ang lahat ng mga kasapi ng magiging pinuno ng pangkat. Ipatalakay sa pangkat ang kanilang pananaw sa kahihinatnan ng mundo kung walang kabutihan. Isa-isahin sa pangkat ang maaaring maging bunga nito para sa mundo at sa mga taong naninirahan dito. Ang lahat ng mapag-uusapan sa pangkat ay kanilang ipakikita sa klase sa pamamagitan ng isang malikhaing presentasyon. Ang bawat pinuno ng pangkat ay kailangang mag-usap upang masiguro na hindi magkakaroon ng pagkakatulad sa paraan ng presentasyon. Bigyan lamang ang bawat pangkat ng 10 15 minuto upang pag-usapan at pagplanuhan ang isasagawang presentasyon. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 5 10 minuto para sa kanilang presentasyon. Ang lahat ng mga hindi kasapi ng pangkat ay kailangang atasan upang suriin ang presentasyon ng bawat isang pangkat at magmarka gamit ang mga sumusunod na pamantayan: a. Pagiging makatotohanan ng nilalaman ng presentasyon b. Pagiging makabuluhan ng nilalaman ng presentasyon c. Kaayusan ng presentasyon d. Pagiging malikhain sa isinagawang presentasyon

21. Matapos ang presentasyon ng lahat ng pangkat ay tanungin ang mga mag-aaral ng mga sumusunod: a. b. c. d. e. Ano sa ipinakita ng lahat ng mga pangkat ang tumanim sa iyong isip? Bakit? Sa pangkalahatan, ano ang maaaring maidulot sa mundo kung walang kabutihan? Nakikita na ba ang mga ito sa kasalukuyan sa ating bansa o sa mundo? Ano kaya ang ipinahihiwatig nito? Ano kaya ang mga dahilan kung bakit unti-unting tinatalikuran ng ibang tao ang kabutihan? Ipaliwanag. Bilang kabataan, ano ang magagawa mo upang mapigilan ang unti-unting paglimot ng tao sa paggawa ng mabuti sa kanyang kapwa?

C. PAGPAPALALIM (DEEPEN)
Sa bahaging Pagpapalalim, pagtitibayin ang dating kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbasa sa inihandang babasahin na ibinatay sa mga pagaaral ng mga eksperto. Makatutulong ang babasahin na ito upang mabago o gawing pino ang kanilang dating kaalaman. Tatalakayin sa babasahin ang kahalagahan ng paggawa ng mabuti sa kapwa, ang mga pamamaraan kung paano maisasabuhay ang kabutihan, mga kasanayan sa paggawa ng kabutihan, mga halimbawa ng simpleng kabutihan na maaaring magawa para sa kapwa at ang bunga ng paggawa ng kabutihan. Matapos ang pagtalakay sa nilalaman ng babasahin ay ipahihinuha sa mga mag-aaral ang Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) sa tulong ng graphic organizer. Ito ang magsisilbing panukat kung ganap na naunawaan ng mga mag-aaral ang paksa.

155

25. Babasahin: Ipabasa ang babasahin sa ibaba at ipatalakay ang mahahalagang konsepto o Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) na nakapaloob dito PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA Ang buti mo naman Sana kunin ka na ni Lord Nakasasakit sa damdamin na biro ng marami sa isang batang nakita nilang gumawa ng mabuti para sa ibang tao. Minsan tuloy hindi maiwasang maisip na santo o santa lamang ba ang may kapasidad na gumawa ng mabuti sa kapwa? o kaya naman iyong taong malapit ng mamatay at wala ng ibang magawa kundi ang gumawa ng mabuti para masigurong maaalala siyang mabuti kapag siya ay nawala na sa mundo. Kung minsan tuloy itong mga reaksyon na ito ng tao ang nagiging balakid upang gumawa ng mabuti ang ilang tao sa kanyang kapwa. Bakit nga ba tila nagiging masama pa ang tingin ng kabataan sa paggawa ng kabutihan? Ikaw, natatandaan mo pa ba kung kailan ka gumawa ng kabutihan para sa iyong kapwa? Ano ang sinabi ginawa mo para sa kanya? Maituturing na ba itong tunay na kabutihan? Madalas, mulat tayo na dapat na maging mabuti ang ating kapwa sa atin, ngunit hindi naman tayo mulat sa kabutihang nararapat din nating ibahagi sa kapwa. Ang ating tuon ay laging para sa ating pansariling kabutihan. Masyadong makasaril at masyadong maramot. Maraming mga pagkakataon na nakakakita tayo ng pagkakataon na makatulong sa ating kapwa ngunit lagi tayong nangangatwiran na sa kasalukuyan ay wala pa tayong kakayahan na gawin ito. Wala pa naman kasing trabaho para pagkunan ng pera. Lagi tayong nagpapakita ng awa sa ating kapwa na nangangailangan, ngunit humihinto na lamang ito sa pagkakaroon ng damdamin ng awa ngunit walang pagkilos bilang pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Pamilyar ba sa iyo ang mga sitwasyong ito? Nasubukan mo na bang ilagay ang iyong sarili sa katayuan ng iba? Nagawa mo na bang ilagay ang sarili mo sa katayuan ng isang pulubi sa lansangan? O kaya naman ay sa isang matandang nanghihina at walang tumutulong? Ang ganitong gawain ang magpapaunawa sa iyo ng halaga ng pagtulong sa kapwa. Sa mga pagkakataon lamang na nauunawaan mo ang hirap na pinagdaraanan ng isang nangangailangan ay saka mo lamang makikita ang halaga ng makagawa ka ng kahit na maliit na kabutihan para sa kanila at sa kung papaanong paraan ka makatutulong. Sa ganitong pamamaraan magiging madali na para sa iyo ang mapakita ng kabutihang-loob sa iyong kapwa. 156 ating

Ano nga ba ang kabutihang-loob? Ang kabutihang-loob ay isang personal na katangian na nagtutulak sa isang indibidwal upang maging sensitibo sa pangangailangan ng iba at upang gumawa ng personal na pagkilos upang pagsikapang matugunan ang pangangailangang ito. Sabi naman ni Strait (World Mission, 2010) ang kabutihang loob ay higit kaysa sa gawa, ito ay saloobin, pagpapahayag, pagtingin, pagdama. Ito ay anoman na nakapag-aangat sa isang tao. Ginagawang kaaya-aya ng kabutihang-loob ang buhay at ang anomang pakikipag-ugnayan. Sa gitna ng anomang hirap o kagipitan, ito ang nakatutulong upang mapagaan ang hirap sa pagharap sa hamon. Kung walang kabutihang-loob ang buhay ay pawang pakikibaka, pagtutunggali o pakikipaglaban. Walang sigla at walang pagmamahal. Sa mga pagkakataon na may mga kalamidad, nababawasan ang bigat na dinadala ng mga nasalanta nito dahil sa tulong na ibinibigay, pinansyal man, pagkain at pagdamay, mula sa mga taong mas madalas ay hindi naman nila kakilala. Sa ganitong mga pagkakataon tunay na nararamdaman ang tunay na pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa. Ang kabutihang-loob ang pumapawi sa galit. Gaano man naging mapagbiro ang tadhana sa iyo dahil sa dami ng mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay, mapapawi ito kapag naramdaman mong may mga taong laging nandiyan at nakahandang dumamay. Ito ay isang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa lahat ng kabutihang ginawa ng Diyos para sa atin. Tama lamang na ipasa natin sa ating kapwa ang mga kabutihang ating natanggap mula sa Kanya. Ang pagbibigay ng anomang bagay at ng kanyang sarili para sa kanyang kapwa ay kasing dalisay ng pagmamahal na hindi naghihintay ng anomang kapalit. Katulad ng halimbawa sa atin ng Diyos. Ang hangarin ang kabutihan para sa kapwa na hindi naghihintay ng anomang kapalit ay ang uri na pagmamahal na hindi makasarili (selfless). Kailangang maunawaan at isabuhay ang pagmamahal na ang tanging hangad ay ang kabutihan ng kapwa na hindi naghihintay ng anomang kapalit (agape). Marahil nauunawaan mo na kung gaano kadalisay ang kabutihang-loob. Kung ano ang maitutulong sa iyo ng paggawa ng mabuti sa kapwa. Hindi ito patungo sa iisang direksyon, mas malalim ang kabuluhan na naibibigay sa buhay ng taong nagbabahagi kaysa sa binabahaginan. Pero katulad ng alinmang birtud, hindi ito madaling makamit. Kailangan ng mahabang proseso upang maituro mo sa iyong sarili na gawin itong bahagi na ng iyong buhay. Paano nga ba matuturan ang sariling gawing bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang paggawa ng mabuti para sa kapwa? Nasa ibaba ang ilan sa mga pamamaraan: 157

1. Ito ay nagsisimula sa pagkakaroon ng pagmamalasakit. Sabi nga nila ang taong malambot ang puso at maawain ay laging handang tumugon. Ngunit kailangang maging malinaw na hindi ito ginagawa dahil lamang sa awa kundi dahil sa tunay na pagmamalasakit at taos-pusong hangaring makatulong. Lalo na sa ngayon na nakikita natin sa telebisyon ang maraming mga taong labis-labis ang luho na ibinibigay sa kanilang mga alagang hayop. Ibinibigay ang kanilang pag-aaruga rito na katumbas ng pag-aaruga para sa kanilang sariling mga anak. Kaya kaya nila itong gawin sa isang taong hindi nila kilala ngunit mas nangangailangan? 2. Kailangang gawin na nating layunin at gawi ang aktibong maghanap ng pagkakataon upang makagawa ng mabuti sa kapwa. Kung may pagkakataon, kumilos na kaagad upang tumugon, kung may kakayahan din lamang. Huwag hintaying ito ay maglaho at pagsisihan ang hindi pagkilos. Hindi naman lahat ng pagtulong ay nangangailangan ng salapi kaya hindi kailangang maging balakid ito sa hangaring makatulong. 3. Ang kabutihan ay may kalakip na pagkilos. Sabi nga ni Josemaria Escriva, hindi sapat na maging mabuti ang tao, kailangang ipakita ito. At ang pagkilos ay may kalakip na pagsasakripisyo, kailangang mayroon kang ibigay, lalong-lalo na ang iyong panahon. Ngunit hindi sinasabi na wala ng saysay ang mga salita. Ang kabutihang maaari nating magawa sa kapwa ay maaaring sa pamamagitan lamang ng salita. Halimbawa, mga salitang maaring makapawi ng lungkot ng kapwa, mga salitang maaaring makapagbigay sa kanila ng lakas ng loob, mga salita ng paggalang, pagbibigay ng matapat na papuri at malumanay na pagtatama sa pagkakamali ng kapwa. 4. Ang hangarin sa paggawa ng mabuti ay hindi upang maghanap ng paghanga mula sa ibang tao. Ang pinakamataas na antas ng pagtulong ay sa mga pagkakataon ginagawa ito ng buong kababaang-loob, matahimik at kung kinakailangan ay hindi na magpakilala pa. Kaya nga ang mga taong tunay at taos sa puso ang pagtulong ay hindi sumisikat o nakikilala sa mundo. Madalas nagugulat na lamang ang marami na malaman ang napakaraming kabutihan nagawa ng isang tao sa mga pagkakataon patay na ito. Ito ay ibinabahagi na lamang ng mga taong kanyang natulungan bilang pag-alala sa kanya. Ano man ang ginawa sa kapwa na may layunin para sa sariling kapakinabangan ay hindi tunay na kabutihan. Ang tunay na kabutihan ay ang pagbibigay na walang hinihintay na anomang kapalit. 5. Kailangang magsimula ito sa mga kasapi ng pamilya. Minsan napakabuti natin sa pakikitungo sa ibang tao ngunit hindi sa mga kasapi ng ating pamilya. Hindi katanggap-tanggap ang ganitong pagpapaimbabaw/pagkukunwari. Ang pagmamahal ay kailangang nagsisimula sa tahanan. Tunay at dalisay ang kabutihan na ibabahagi sa iba kung ito ay natutuhan sa sariling tahanan. 6. Gumawa ng kabutihan kahit sa iyong kaaway. Sabi nga, mahalin mo ang iyong mga kaaway, gumawa ka ng kabutihan kahit sa mga taong galit sa iyo, pagpalain mo ang mga taong sumusumpa sa iyo at ipagdasal mo ang mga taong walang ibang hangad kundi ang galitin ka. Ang gumawa ka ng kabutihan para sa isang taong gumawa rin ng kabutihan para sa iyo ay hindi puro. Kayo ay dalawang taong nagbibigayan lamang ng pabor sa isat isa na maituturing na makasarili. 158

Ang paulit-ulit na pagsasabuhay nito ang magtuturo sa iyo upang ito ay gawing bahagi na ng iyong buhay. Di ba nakalulugod naman na isipin na ang pagtulong para sa isang tao ay kasing dali na lamang ng paghinga? Hindi na kailangang pag-isipan. Hindi na kailangang mag-alinlangan pa. Magagawa mo ito kung kalilimutan mo ang pagiging makasarili. Kung ilalagay mo ang iyong sarili bilang anak ng Diyos na may tungkulin para sa kanyang kapwa. Ano ba ang kinakailangan kasanayan sa paggawa ng kabutihan sa kapwa? Gamitin mong gabay ang ang mga sumusunod: Tatlong Pangunahing Kasanayan na Kailangan sa Paggawa ng Mabuti sa Kapwa 1. Ito ay nangangailangan ng pag-unawa sa iyong tungkulin sa lipunan. Ang lahat ng tao ay kasapi ng isang komunidad, ito ay binubuo ng pangkat ng mga tao na nagtutulungan sa bawat isa upang mabuhay nang matiwasay. Ito ay nagpapahiwatig sa atin na bilang kabahagi ng komunidad na ito, ang isang indibidwal ay may mga karapatan at pananagutan. Habang lumalalim ang pagtanggap ng tao na siya ay may karapatan at pananagutan lalo ring lumalalim ang kanyang pagnanais na maisakatuparan ang paggawa ng mabuti sa kanyang kapwa. 2. Ito ay nangangailangan ng pagtitiyaga. Dahil sa mabilis na takbo ng buhay sa kasalukuyan, isa ang pagtitiyaga sa mga katangian na unti-unting namamatay sa mga Pilipino lalo na sa mga kabataan. Ang kawalan ng pasensya ang isa sa pangunahing balakid sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa. Nakahanda ka bang iwanan sandali ang mabilis na buhay at ibigay ang iyong panahon para sa taong nangangailangan? Handa ka bang magsakripisyo para tulungan ang isang taong hindi mo naman kakilala? Handa ka bang maglaan ng pagod para sa isang taong naghihintay ng tulong? Ito ay mga sakripisyo na tunay na nangangailangan ng pagtitiyaga. 3. Ito ay nangangailangan ng pagsisikap na mailagay una ang kapwa bago ang sarili. Mapagtatagumpayan lamang ang layuning makagawa ng kabutihan sa kapwa kung nakahanda ang isang tao na ipagpaliban ang pansariling mga pangangailangan at paghahangad para sa isang tao na mas nangangailangan. Ang isipin ang kabutihan ng iba bago ang pagtiyak sa pansariling kabutihan. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng pagiging mapagpakumbaba. Ano ba ang maaari mong magawa para sa iyong kapwa. Kailangan bang ito ay magarbo? Kailangan bang ibigay ang sarili mong buhay para lang matawag na tunay na kabutihan. Gaano man kasimple ang iyong ginawang kabutihan sa iyong kapwa, ang mahalaga ito ay kusang-loob at puno ng pagmamahal. Bilang isang nagdadalaga/nagbibinata narito ang halimbawa ng ilang simpleng kabutihan na maaari mong magawa para sa iyong kapwa. 159

1. Gawing mas madalas ang pagngiti sa ibang tao. Nasubukan mo na bang gawin ito. Nakatutuwa na kapag ginawa mo ito mas madalas na ngumingiti din sila sa iyo. Sabi nila pinakamabuti itong ehersisyo sa mukha ng tao. Mas madalas daw na pagngiti ang dahilan kung bakit hindi kaagad nagmumukhang matanda ang isang tao. Kita mo, hindi lamang ibang tao ang nakinabang sa iyong pagngiti, maging ikaw ay may malaking benepisyo din mula rito. Ang sabi nga, ngumiti ka at siguradong ngingiti rin sa iyo ang mundo. 2. Magbigay ng matapat na papuri sa araw-araw. Subukan mo kahit tatlong beses mo lang gawin ito sa bawat araw. Maging mapagmasid ka sa iyong paligid at lagi mong hanapin ang mga magagandang bagay na ginagawa ng iyong kapwa na karapat-dapat papurihan. Gawin mo ito na puno ng sinseridad. Mahalaga ito dahil kapag nakikita natin ang mabuti sa ating kapwa, magsisimula tayo na makilala ang mabuti sa ating sarili. 3. Mag volunteer. Kung darating ang pagkakataon at talagang nasa iyo ang pagnanais na makatulong sa kapwa sa paraang iyong nais, maghanap ka ng isang naaangkop na lugar o samahan upang maging isang volunteer. Mas makabubuti kung mahanap mo ang gawaing angkop sa iyong interes upang mas madagdagan ang iyong motibasyon sa pagsasagawa nito. Makakikilala ka na ng mga bagong kaibigan, labis pa ang mararamdaman mong kaligayahan. 4. Gumawa ng anomang kabutihan na hindi pinagplanuhan o kusang dumarating sa araw-araw (random acts of kindness). Walang hangganan ang kabutihang maaari mong magawa para sa iyong kapwa. Maraming pangangailangang maaaring matugunan sa iyong paligid sa araw-araw. Ang kailangan lamang ay buksan mo ang iyong mga mata at ang iyong puso para sa iyong kapwa. Ang tumulong sa isang matanda sa pagtawid sa daan, ang pag-alalay sa isang nagdadalang-tao sa pag-akyat sa jeep, ang pagtuturo sa isang estranghero ng daan patungo sa kanyang patutunguhan ay mga simpleng bagay na maaaring kusang dumating sa iyong harapan at mangailangan ng pagtugon. Hindi naman mahirap di ba? Ang simple-simple hindi ba? Hindi naman nangangailangang maging komplikado muna ang lahat bago ka makagawa ng kabutihan sa iyong kapwa. Mga simpleng gawa na maaaring magdulot ng hindi masukat na benepisyo para sa iyong kapwa at maging para sa iyong sarili. Ano nga ba ang bunga ng paggawa ng mabuti sa kapwa? Mga Bunga ng Paggawa ng Mabuti sa Kapwa 1. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay makatutulong para sa lahat. Ang pagtulong ay hindi lamang nakatutulong sa taong tumanggap nito. Malaki rin ang maitutulong nito sa mga taong nakasaksi ng ginawang kabutihan. Maaari itong makapukaw ng damdamin ng taong nakakita at magsilbing inspirasyon upang ang katulad na gawain ay kanila ring isagawa sa ibang pagkakataon. 160

2. Gaano man kalaki o kaliit ang ginawang kabutihan para sa kapwa, nakababawas ito ng stress at nakadaragdag sa kapayapaan sa pang-araw-araw na buhay. Hindi sinusukat ang laki o ang liit ng kabutihang ginagawa sa kapwa. Malaki man o maliit pareho lamang ang dulot na kaligayahan nito para sa taong gumawa ng mabuti sa kanyang kapwa. At ayon sa isang site sa internet, nakatutulong din ito upang tumugon ang katawan ng tao sa mga endorphins na nakababawas sa stress. 3. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay libre ngunit ang kapalit nito ay hindi matutumbasan ng ano mang halaga. Higit na lahat malaki ang maitutulong ng paggawa ng mabuti sa kapwa para sa taong nagsagawa nito, walang katulad ang kaligayahan na dulot sa damdamin ng isang taong nakatugon sa pangangailangan ng kanyang kapwa. Hindi mabibili ng ano mang halaga ang kaligayahan na bigay nito. Isama pa ang damdamin ng kapanatagan na hindi kailanman mararanasan ng mga taong walang iniisip kundi ang pansariling kapakanan. 4. Napatataas nito ang antas ng halaga ng sarili (level of self-worth). Ang simpleng ngiti ay maaaring makapagbago ng buhay ng kapwa. At sa pagkakataong mangyari ito ramdam mo sa iyong sarili ang pag-angat ng antas ng iyong halaga bilang tao. Narito ka sa mundo upang hanapin ang tunay na layunin ng Diyos para sa iyo at malaki ang maitutulong ng paggawa ng mabuti sa iyong kapwa upang unti-unti mong maabot ang kaganapan bilang tao. Ang gumawa ng isang bagay para sa kapakanan ng ibang tao ay may ibat ibang uri; pagbibigay ng mga bagay, magpahiram, magpatawad, ang ialay ang panahon para sa isang tao, pakikinig, pagbati sa mga tao, ang imbitahin sila sa iyong tahanan, at marami pang iba. Ang lahat ng ito ay nangangailangan ng pagpapasya mula sa taong magsasagawa ng kilos na ito. Ang pagbibigay ay nangangahulugang sadyang paggamit ng ating kilosloob para sa isang bagay na mahalaga. Mahalagang maunawaan na mas mahalaga ang ialay natin ang bahagi ng ating sarili para sa ating kapwa kaysa ang magbigay ng ano mang bagay. Ang pagbibigay ng sarili ay hindi nangangahulugan na pagbibigay ng iyong kabuuan, hindi nangangahulugang pagbibigay ng lahat ng mayroon tayo sa lahat ng nangangailangan sa lahat ng pagkakataon. Kapag ginawa ito, ito ay kasingkahulugan na hinayaan na lamang natin na nakawan ang ating sarili ng walang pag-iingat, na para bang wala na tayong halaga at pagpapahalaga sa ating sarili. Kung minsan kasi ang ganitong pag-iisip ang nagiging balakid sa paggawa natin ng mabuti sa ating kapwa. Sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa, nagbibigay tayo ng bahagi ng ating sarili. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa Diyos. Maraming tao ang tumutulong at nagmamalasakit ngunit ang bawat isa ay mayroong magkakaibang mga motibo. Ito ay mahirap na basta makita sa isang tao. Kailangang maging malinaw sa lahat na 161

ang tunay at dalisay na hangarin sa pagtulong sa kapwa ay dahil dapat sa pagmamahal sa kapwa at sa Diyos. Ang pagiging makasarili ng tao, ang pamumuhay ng puno ng luho o rangya at ang pagpapabaya sa sarili ay nararapat na malabanan ng katatagan at ng walang pasubaling pagbibigay ng sarili ng sino man na may hangaring kumilos ng mapanagutan at puno ng pagbibigay. Bakit ba natin kailangang maging mabuti sa ating kapwa? Mayroon isang napakagandang tugon si Marc Estrin (World Mission, 2010). Ang kabutihan ang bumubura sa kasakiman o sa pagiging makasarili dahil ito ay humihingi ng pagababahagi. Ang kabutihan ang bumubura sa takot dahil ito ay nag-aanyaya ng pagpapasalamat at pagmamahal. Ang kabutihan ang bumubura kahit sa kahangalan dahil sa pagbibigay at pagmamahal natututo ang isang tao. Ito ay isang pagpapasya. Nasa tao kung ito ay nais niyang isabuhay. Kung ikaw ang tatanungin, pipiliin mo bang gumawa ng mabuti sa kapwa at makatanggap ng walang hanggang biyaya? Nasa iyo ang pagpapasya. Paghinuha ng Kakailanganin sa Pag-unawa (EU)

Ang Paggawa ng kabutihan sa kapwa ay nararapat na

S A K R I P I S Y O

Ito ay naglalayong

Ang Eu na dapat na mahinuha: Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay nararapat na ginagawa na puno ng pagmamahal at tumutugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapwa na hindi naghihintay ng ano mang kapalit o kabayaran kahit pa ito ay nangangahulugan ng pagsasakripisyo para sa kapakanan ng iba. Ito ay dapat na naglalayong gawing kaaya-aya ang buhay para sa kapwa at makapagbigay ng inspirasyon upang tularan ng iba.

162

D. PAGGANAP, PAGNINILAY AT PAGSASABUHAY (TRANSFER) Sa bahaging Pagganap, aatasan ang mga mag-aaral na tumukoy ng isang malalang suliranin na kinakaharap ng bansa o ng mundo sa kasalukuyan. Pagkatapos ay ipatutukoy sa kanila kung ano ang kabutihan na maaaring makatulong upang malutas ang suliranin na ito. Sa pamamagitan ng gawain na ito, mahihinuha ng mga mag-aaral ang mahalagang maaaring gampanan ng pagkakaroong ng tao ng hangarin na gumawa ng mabuti para sa kanyang kapwa sa ikalulutas ng maraming mga suliranin ng bansa. Sa bahaging Pagninilay, iuugnay ng mga mag-aaral sa isang kawikaan ang mga magagandang aral na kanilang natutunan mula sa natapos na aralin. Makatutulong ang gawaing ito upang mabuo sa isip ng mga bata ang isang paglalahat na siyang tatanim sa kanyang isip at magagamit na batayan o inspirasyon sa pagsasabuhay ng birtud ng kabutihan. Sa bahaging Pagsasabuhay, masusukat ang kakayahan ng mga mag-aaral na isabuhay ang natutunan mula sa aralin. Pagagawain ang mga mag-aaral ng isang diary na kanilang gagamitin upang ilahad ang kanilang mga naging karanasan sa paggawa ng kabutihan sa bawat araw. Itatala nila ang lahat ng kabutihan na kanilang nagagawa maliit man ito o malaki. Makatutulong ang gawaing ito upang unti-unting magkaroon ang mga mag-aaral ng kasanayan na gumawa ng kabutihan para sa kanyang kapwa sa araw-araw.

Pagganap 26. Pagdalahin ang mga mag-aaral ng mga luma at makukulay na magasin, gunting, pandikit at iba pang mga gamit sa pagguhit. 27. Atasan ang mga mag-aaral na tumukoy ng isang maituturing na malalang suliranin na kinakaharap ng bansa o ng mundo sa kasalukuyan. 28. Matapos matukoy ang suliranin ay ipatukoy sa kanila kung ano ang kabutihan na maaaring makatulong upang malutas ang suliranin na ito. 29. Hayaang mag-isip ang mga mag-aaral ng mga simbolo na kakatawan sa mga ito at malikhaing ilagay sa isang oslo paper. 30. Sa ibaba o sa likod nito ay pasulatin ang mga mag-aaral ng isang maikling sanaysay bilang paliwanag sa kanilang ginawa. 31. Tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi sa klase ng kanilang ginawa. Pagninilay 32. Ipakita sa mga mag-aaral ang kawikaan sa Ingles na: NO ACT OF KINDNESS HOWEVER SMALL IS EVER WASTED. 33. Atasan ang ilang mga mag-aaral upang ipaliwanag ito sa harap ng klase. Iugnay ang mga katagang ito sa lahat ng mga natutunan sa natapos na aralin. 163

Pagsasabuhay 34. Atasan ang mga mag-aaral na makagawa sa bawat araw ng ibat ibang pamamaraan ng paggawa ng kabutihan sa kanyang kapwa. 35. Kailangang gawing bahagi ng araw ang makagawa ng kabutihan sa kanyang kapwa. 36. Ang lahat ng mga pinagdaanan sa pagsasagawa ng kabutihan sa kapwa, maliit man o malaki at kailangan nilang itala sa isang diary. 37. Maaari silang gumamit ng ano mang notebook o lumang diary na mayroon sila. 38. Itatala dito ang buong detalye ng naging karanasan. 39. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba. 40. Ipagawa ang gawain na ito sa loob ng isang linggo. 41. Pasulatin ang mga mag-aaral ng makabuluhang pagninilay matapos ang itinakdang panahon.
Mga Sanggunian: Isaacs, David (2000). Character Building. Four Courts Press. Portland Oregon. Alejo. Peirangelo B. Values Guisado. SIBS Publishing House. Mandaluyong City. 2004 World Mission. Middle East. September 2010 Issue. No. 237 Vol. XXII. Life Lessons: The Benefits of Kindness August 13th, 2010 in Health, from http://www.lifesmanylessons.com/2010/08/13/life-lessons-the-benefitsISSN 0116-8142 Personal Growth, Relationships Retrieved of-kindness/ on September 7, 2010

Kindness: From the Heart to the Helping Hand. Don Hooser Retrieved from http://www.gnmagazine.org/issues/gn80/kindness-heart-helping-hand.htm on September 1, 2010 Christianity and what is good forever. Kindness. Retrieved from http://www.christianityetc.org/kindness.php on September 1, 2010 The Importance of Kindness and Gentleness. Retrieved from http://www.biblequery.org/Experience/Kindness/Kindness.htm on September 7, 2010

Robert Hughes Jr. Helping children learn about kindness. Retrieved from http://missourifamilies.org/features/parentingarticles/parenting88.htm on September 17, 2010

164

Ikatlong Markahan: Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa

Aralin 4: Pakikipag-kaibigan sa Katapat na Kasarian

Bilang ng araw/sesyon: 2-3

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayang Pagganap: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa Nakagagawa ng mga brochure na humihikayat sa mga kabataan na mga halaga at birtud sa pakikipagkapwa isabuhay ang mga sumusunod na halagang moral at birtud: Mga Paksa: 1. Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa 1. Pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa 2. Pagsunod at Paggalang sa Magulang, Nakatatanda at nasa 2. Pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa Kapangyarihan kapangyarihan 3. Paggawa ng Mabuti sa Kapwa 3. Paggawa ng mabuti sa kapwa 4. Pakikipag-kaibigan sa Katapat na Kasarian 4. Pakikipag-kaibigan sa katapat na kasarian 5. Katapatan sa Salita at Gawa 5. Katapatan sa salita at gawa Mga Kakailanganin sa Pag-unawa (Sa Ikatlong Markahan): Mahahalagang Tanong (Sa Ikatlong Markahan) Sa pagsasabuhay ng mga halagang moral at birtud, naisusulong ang Paano maisusulong ang matatag na pakikipagkapwa matatag na pakikipagkapwa. Sa Aralin 4: Pakikipag-kaibigan sa Katapat na Kasarian Sa Aralin 4: Pakikipag-kaibigan sa Katapata na Kasarian Ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian ay likas na umuusbong Paano mapatatatag ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian? katulad ng pakikipagkaibigan sa kaparehong kasarian. Ngunit dahil sa pagiging malapit sa isat isa maaaring mabuo ang kanilang atraksyon sa isat isa kung hindi ito mailalagay sa tamang konteksto. Kailangang maging malinaw sa bawat isa ang kanilang mga limitasyon na maingat na binuo (Prudensya) Nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga (Mga Kaalaman) 1. Ibat ibang uri ng pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian 2. Hamon na kinakaharap ng pakikipgakaibigan sa katapat na kasarian 3. Mga pamamaraan upang mas mapatatag ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian Ang mga mag-aaral ay: (Mga Kasanayan) 165 Natutukoy ang mga dahilan sa pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian Nakapagsasagawa ng isang survey upang matukoy ang mabuti at hinid mabuting dulot ng pakikipgakaibigan sa katapat na kasarian Nahihinuha ang kakailanganin sa pag-unawa gamit ang graphic organizers Nakalilikha ng sampung kongkreto at epektibong pamamaraan upang mas mapatatag ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian Nakasusulat ng isang repleksyon na maglalaman ng mga mahahalagang aral na natutunan mula sa aralin Nakapagbibigay ng payo sa isang kaibigan na may espesyal na

Inaasahang Pagganap Nailalapat ang mga makabuluhang pamamaraan sa pagpapanatili at pagpapatatag ng pakikipag-kaibigan sa katapat na kasarian

nararamdaman sa kanyang kaibigan sa katapat na kasarian Nababago ang paraan ng pakikitungo sa katapat na kasarian Antas 2 Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa Sa Antas ng Pagganap Pagpapaliwanag: Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian at pakikipagkaibiigan sa kaparehong kasarian Kraytirya: a. Nakapagbigay ng 2-3 mga pagkakaiba b. Malinaw na naipaliwanag ang pagkakaiba c. Nagbigay ng mga makatotohanang halimbawa Interpretasyon Naibibigay ang interpretasyon sa mga larawan na nabuo sa puzzle (babae at babae na magkaibigan, lalaki at lalaki na magkaibigan at babae at lalaki na magkaibigan) Kraytirya: a. Makatotohanan ang ginawang pagpapaliwanag sa bawat larawan b. Naibigay ang pagkakaiba ng pagtingin sa bawat isang larawan Paglalapat Nakalilikha ng mga hakbang sa pagpapanatili at pagpapatatag ng pagkakaibigan sa magkasalungat na kasarian Kraytirya: a. Angkop ang mga hakbang na naitala b. Makabuluhan ang mga hakbang na naitala c. Naipakita ang pagiging maingat (prudence) sa paggawa ng mga hakbang Pagbuo ng Sariling Pananaw Pagsasagawa ng isang panayam sa mga mag-aaral sa 166 Pagtaya ng ginawang Tsart ng Pagsasabuhay ng mga Hakbang sa Pagpapatatag at Pagpapanatili ng Pakikipagkaibigan sa Katapat na Kasarian batay sa mga sumusunod na pamatayan: a. Angkop ang mga hakbang na naitala b. Makabuluhan ang mga hakbang na naitala c. Naipakita ang pagiging maingat (prudence) sa paggawa ng mga hakbang d. Naisabuhay ang lahat ng mga hakbang na naitala e. May kalakip na pagninilay

paaralan na ang pagkakaibigan ay nauwi sa pagiging magka-ibigan at maging mga mag-aaral na naging magkaibigan matapos ang pagiging magka-ibigan upang matukoy ang mga sumusunod: a. Paano nabuo ang ganitong relasyon? b. Nagtagal ba ang kanilang relasyon? Bakit o bakit hindi? c. Ano ang kanilang maipapayo sa magkakaibigan na babae at lalaki? Kraytirya: a. Nailahad ang mga mabuti at di mabuting bunga ng dalawang uri ng relasyon b. May naibigay na mga patunay sa isinagawang panayam c. May kalakip na pagninilay Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng Iba Nakapagbibigay ng payo sa isang kaibigan na nakararamdam ng espesyal na damdamin para sa kanyang kaibigan sa katapat na kasarian Kraytirya: a. Makabuluhan ang ibinigay na payo b. Nakapaglahad ng mga makabuluhang batayan sa maingat na pagpapasya c. Nakapaglahad ng mga puntos sa pagtitimbangtimbang ng mga bagay bago magsagawa ng pagpapasya Pagkilala sa Sarili Naihahayag ang magiging interpretasyon o damdamin kung makakikita ng dalawang kamag-aral na magkatapat na kasarian na malapit na magkaibigan Kraytirya a. Malinaw na nailahad ang pansariling interpretasyon o damdamin b. Nakapaglahad ng mga patunay sa pagiging katanggap-tanggap ng nabuong interpretasyon o damdamin 167

Antas 3 Plano ng Pagtuturo Pagkatuto Aralin 4: Pakikipagkaibigan sa Katapat na Kasarian A. PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE) Sa bahaging ito kukuhanin ng guro ang atensyon ng mga mag-aaral upang magkaroon sila ng kahandaan sa pakikibahagi sa buong aralin. Sa Pagsisiyasat ay hahatiin ang klase sa pangkat at bibigyan ng mga piraso ng puzzle na kanilang bubuuin. Masusukat sa gawaing ito ang pagtutulungan ng mga mag-aaral upang mabuo ang puzzle. Ang mabubuong larawan ang gagamitin upang makuha ang kanilang interpretasyon sa pagkakaibigan sa pagitan ng parehong kasarian at magkatapat na kasarian. Mahihinuha mula sa gawian na ito ang mga reaksyon mula sa ibang tao kapag nakita ang magkaibigan na isang babae at lalaki. Ito ang magbubukas sa isipan ng mga mag-aaral ukol sa halaga ng pagtalakay sa paksa ukol sa pagpapatatag at pagpapanatili ng pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian. Sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman, hahatiin ang klase sa dalawang pangkat, pangkat ng babae at pangkat ng lalaki. Ipatutkoy sa mga babae ang dahilan kung bakit nakikipagkaibigan ang isang lalaki sa babae at sa pangkat naman ng lalaki ay ipatutukoy ang dahilan kung bakit nakikipagkaibigan ang isang babae sa isang lalaki. Sa tulong ng gawaing ito masusukat ang pagiging obhektibo o subhektibo ng babae at lalaki sa pagtingin sa tunay na dahilan ng kanilang pagnanais na magkaroon ng kaibigan sa katapat na kasarian. Mula sa mga tanong matapos ang gawain na ito ay magagabayan ang mga mag-aaral na makabuo ng pansamantang Kakailanganin sa Pag-unawa na siyang magiging panimulang ideya para sa magiging daloy ng aralin. Inaasahang magagawang pino ang kanilang pansamatalang Kakailanganin sa Pag-unawa sa pagtatapos ng aralin. Lilinangin ang Anim na Aspeto ng Pag-unawa mula sa bahaging ito hanggang sa bahaging Pagsasabuhay.

Pagsisiyasat 1. Hatiin ang klase sa anim na pangkat. 2. Bigyan ang bawat pangkat ng mga piraso ng puzzle na ipapabuo sa mga mag-aaral. 3. Maghanda ng anim na larawan na gagawing puzzle. Maghanda ng larawan ng: a. Magkaibigang lalaki at lalaki 168

b. Magkabigang babae at babae c. Magkaibigang babae at lalaki 4. Ipabuo sa mga mag-aaral ang mga puzzle. Bigyan sila ng sapat na oras upang gawin ito. 5. Itanong ang mga sumusunod: a. Ano ang nabuong larawan ng bawat isang pangkat? b. Ano ang inyong reaksyon sa mga larawang inyong nakita?

Pagtuklas ng Dating Kaalaman 6. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Pangkat ng mga babae at pangkat ng mga lalaki. 7. Paghiwalayin ang dalawang pangkat ng kanilang mga upuan. Ilaan ang isang pisara para sa bawat pangkat upang sulatan ng kanilang mga sagot. 8. Atasan ang dalawang pangkat na tukuyin ang a. Babae: Bakit nakikipagkaibigan ang lalaki sa isang babae? b. Lalaki: Bakit nakikipagkaibigan ang babae sa isang lalaki? 9. Bibigyan ng pagkakataon ang bawat isa sa pangkat na magsulat ng kanilang sagot sa pisara. Ngunit hindi maaaaring magsabay ang dalawa o mahigit pang tao sa pagsusulat sa harapan. 10. Bibigyan lamang ng 5 7 minuto ang bawat pangkat upang magsulat sa pisara. 169

Ut~| t~|~|tz~t|u|zt tz tt~| t ututxR

Ut~| t~|~|tz~t|u|zt tz ututx t tt~|R

11. Ang pangkat na may pinakamaraming katanggap-tanggap na maisasagot ang mananalo. 12. Matapos ang gawain at tanungin ang mga mag-aaral ng sumusunod: a. Paano kayo nagkaroon ng ideya sa inyong mga naisagot sa pisara? b. Makatotohanan ba ang inyong mga sagot? Bakit o bakit hindi? c. Sang-ayon ba kayo sa pagkakaibigan ng isang babae at lalaki? Bakit o bakit hindi? d. Naniniwala ba kayo na may pagkakaibigan sa pagitan ng isang babae at lalaki na nagtatagal? Bakit o bakit hindi? B. KARANASAN TUNGO SA PAG-UNAWA (FIRM-UP) Sa bahaging ito ng aralin ibibigay bilang takda sa mga mag-aaral ang pagsasagawa ng isang survey sa mga kapwa mag-aaral na may karanasan na: (1) Ang pagkakaibigan sa katapat na kasarian ay nauwi sa isang romantikong ugnayan (2) Ang romantikong ugnayan ay nauwi sa isang malalim na pagkakaibigan upang matukoy ang kanilang ibat ibang karanasan tungkol sa pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian. Gamit ang mga gabay na tanong na inihandan ng guro isasagawa ng bawat isang mag-aaral ang survey at paglalahatin sa kanilang pangkat upang makabuo ng pangkalahatang resulta na ibabahagi ng bawat pangkat sa harap ng klase. Makatutulong ang gawaing ito upang matukoy ng bawat mag-aaral batay sa karanasan ng ibang tao ang kaibahan ng pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian at sa kaparehong kasarian. Makikita ng mga mag-aaral ang mga hamon na maaaring kaharapin sa pagpasok sa pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian. 13. Ibigay bilang takda sa mga mag-aaral ang pagsasagawa ng panayam. 14. Isasagawa ang panayam sa loob lamang ng paaralan. Mamimili ang bawat isang mag-aaral ng sampung mga mag-aaral na may karanasan na: a. Ang pagkakaibigan sa katapat na kasarian ay nauwi sa isang romantikong ugnayan (5) b. Ang romantikong ugnayan ay nauwi sa isang pagiging matalik na magkaibigan (5) 15. Kuhanan ng video ang isasagawang panayam at ipalabas sa klase ang ilang bahagi nito. 16. Alamin sa panayam ang mga sumusunod: a. Paano nabuo ang ganitong relasyon o ugnayan? b. Nagtagal ba ang kanilang ugnayan? Bakit o bakit hindi? c. Ano ang mga kinaharap na suliranin sa kanilang ugnayan? 170

d. Ano ang mabuting dulot ng pagkakaibigan sa pagitan ng isang babae at lalaki? e. Ano ang mga hindi magandang dulot ng pagkakaibigan sa pagitan ng isang babae at isang lalaki? f. Ano ang kanilang maipapayo sa magkakaibigan na babae at lalaki? 17. Kailangang gumawa ng bawat isa ng kanilang sariling mga gabay na tanong na pasasagutan sa mga kakapanayamin ng mga mag-aaral. 18. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Pagsama-samahin ang mga kasagutan mula sa mga kasapi ng pangkat. 19. Magsagawa ng pagsusuri ng resulta ng isinagawang panayam. 20. Isulat sa isang manila paper ang kabuuang resulta para sa pangkat. 21. Pumili ng isang tagapag-ulat na siyang maglalahad ng kabuuang resulta sa harap ng klase. Gagawin ito ng lahat ng pangkat. 22. Matapos ang presentasyon ng lahat ng pangkat ay itanong ang mga sumusunod: a. Ano ang kaibahan ng pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian at ng pagkakaibigan ng lalaki sa lalaki o babae sa babae? C. PAGPAPALALIM (DEEPEN) Sa bahaging Pagpapalalim, ipababasa at tatalakayin sa mga mag-aaral ang babasahin na inihanda upang mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa paksa. Ang babasahin ay isinulat batay sa mga aklat at artikulo mula sa mga eksperto upang masigurong makabuluhan ang mga ideya o konsepto na makukuha ng mga mag-aaral. Nilalaman ng babasahin ang ibat ibang uri ng pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian, mga hamon na kinakaharap sa pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian at mga pamamaraan upang mapatatag ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian. Matatalakay din sa babasahin ang maganda at hindi magandang maaaring bunga ng pakikipagkaibigan sa katapat sa kasarian. Makatutulong ang babasahin na ito upang gawing pino ang nabuong Kakailanganing Pang-unawa ng mga mag-aaral sa simula ng aralin. Mahihinuha ng mga mag-aaral ang Kakailanganin sa Pag-unawa gamit ang graphic organizer.

171

23.

BABASAHIN: Ipabasa ang babasahin sa ibaba at ipatalakay ang mahahalagang konsepto o Kakailanganin sa Pag-unawa (EU) na nakapaloob

dito. PAKIKIPAGKAIBIGAN SA KATAPAT NA KASARIAN Posible ba na hindi ma-develop ang magkaibigan na babae at lalaki? Tanong na marahil mahirap din basta masagot. Marami na kasing mga pagkakataon na ginagamit ang pagkakaibigan upang maging tuntungan para sa isang romantikong relasyon. Mas madalas, iba nga naman ang tingin nang marami kapag nakakita ng isang isang lalaki na matalik na magkaibigan. Madalas sentro ng panunukso ng mga may malisyang pagtingin ng mga hindi kakilala. Hindi kasi pangkaraniwan. lang yan Kapag tumagal yan magiging sila rin. Mga linyang madalas na na reaksyon mula sa ibang tao. Paano nga ba pag-iingatan ang ganitong uri ng pagkakaibigan upang ito ay mapanatili at mapatatag? Natalakay sa mga nagdaang aralin na upang umusbong ang pagkakaibigan kailangang mayroong pagkakaisa sa interes o hilig, sa mga taong nais na kahalubilo at mga paksa na kanilang pag-uusapan. Kung ang ganitong mga nagkakaisang interes ay may kalakip na pagkakaroon ng interes sa bawat isa at kung resulta ng pagsasama ay may nabuong personal na paglago, nagsisimula ang pagkakaibigan na makikita sa pagkakaroon ng pagnanais na magbahagi sa isat isa ng kanilang mga karanasan , damdamin , kaisipan at mga plano. Katulad ng ano mang pagkakaibigan ang pagkakaibigan sa pagitan ng isang babae at lalaki ay natural na umuusbong. Maari nilang makita ang isat isa nang madalas,maaaring umusbong ang pagkakaroon ng simpatiya at koneksyon at ang bawat isa ay kapwa magkaroon ng interes sa kanilang pagbabago o pag-unlad. Ayon sa pag-aaral na ginawa nina Laura Guerrero at Alan M. Chavez (2005) tungkol sa pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian (cross-sex friendship) ito raw ay mayroong ibat ibang uri: 1. Kapwa nagnanais na matungo ang pagkakaibigan sa isang romantikong relasyon (examined mutual romance). May mga pagkakaton talaga na 172 babae at kakilala at Kunwari maririnig

ginagamit na tungtungan ang pagkakaibigan patungo sa isang romantikong relasyon. Ginagamit ito upang mas makilala ang isat isa. Sa pagkakatong ito, nakikita kung may posibilidad na lumago ang kanilang ugnayan patungo sa isang romantikong relasyon o kung ito ba ay mananatili na lamang sa pagkakaibigan. 2. Kapwa nagnanais na mapanatili ang pagkakaibigan (strictly platonic). Sa pagkakaibigang ito, naninindigan ang bawat isa na mapatatag ang kanilang ugnayan bilang magkaibigan. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-uusap upang (1) iwasan ang pagiging labis na malapit (pisikal) at ang pagkakaroon ng dahilan upang makaramdam ng pisikal na atraksyon at (2) iwasanng pag-usapan ang mga sensitibong isyu, lalo na ang may kaugnayan sa estado ng kanilang relasyon kung ito ay magiging banta sa pananatili ng pagkakaibigan 3. Ang isa sa magkaibigan ay naghahangad ng isang romantikong pakikipag-ugnayan (desires or rejects romance). Nangyayari ito sa mga pagkakataong ang isa sa dalawang magkaibigan ay nakararamdam ng atraksyon o maaaring pagmamahal sa kanyang kaibigan ngunit pilit niyang pinagtatakpan ang kanyang damdamin dahil naniniwala siyang hindi kapareho ang nararamdaman ng kanyang kaibigan para sa kanya. Ipinakikita ang labis na pag-iingat dahil sa takot na masira ang pagkakaibigan dahil sa kanyang nararamdaman. Sa mga uri na natalakay sa itaas ang pinakamalaking hamon ay hinaharap ng dalawang taong nais na mapanatili ang kanilang pagkakaibigan. Ito ay dahil sa pagitan ng isang babae at lalaki, naroon ang posibilidad na makaramdam sila ng atraksyon sa isat isa at mauwi ito sa malalim na relasyon. Ayon kay J. Donald Omeara (1989) mayroong apat na hamon na kinakaharap ng pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian. 1. Hamon sa emosyonal na pagkakabuklod (Emotional bond challenge). Mga pagkakataong inaakalang ang labis na pagiging malapit nila sa isat isa at ang kanilang pagkagusto sa ilang mga katangian ay nagpapahiwatig na ng isang romantikong pakikipag-ugnayan. Mangyayari ito lalo na kung hindi bukas ang magkabilang-panig na pag-usapan ang mga bagay na ito. Mahalagang maunawaan ng bawat isa ang tunay nilang damdamin sa lahat ng pagkakataon upang maiwasan ang pagkakaroon ng maling interpretasyon. Maaring kasi itong magdulot ng pagkailang ng bawat isa sa kanilang kilos o pakikitungo na magiging daan upang maputol ang pagkakaibigan. Mahalagang maging komportable ang pakiramdam ng bawat isa upang magtagal ang kanilang ugnayan. 2. Hamon sa pagharap sa publiko (Public Presentation Challenge). Mahirap nga mabasa ang magiging puna ng mga tao sa mga pagkakataong nakikita ang dalawang magkaibigan sa magkatapat na kasarian na palaging magkasama at magkausap. Mas madalas hindi sila nagtatanong, bagkus ay bumubuo ng kanilang sariling konklusyon. Ito marahil ang isa sa maituturing na dahilan kung bakit iniiwasan nang marami ang pagpasok sa ganitong uri ng pakikipag-ugnayan; dahil sa takot na mahusgahan at makatanggap ng mga malisyosong pagtingin mula sa ibang tao. Mahalagang pairalin ang 173

katatagan upang hindi matalo ng mga maling iniisip ng ibang tao. Kailangang maging ganap na maingat sa mga kilos lalo na sa publiko upang hindi magdulot ng lalo pang maling interpretasyon. 3. Hamong sekswal (Sexual Challenge). Tunay na ang isang babae at lalaki ay nilikha upang magbuklod bilang isa ngunit hindi ito angkop sa lahat ng pagkakataon. Sa pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian, mayroong isang malalim na hamon na maiwasan na magkaroon ng sekswal na ugnayan. Maaga pa lamang ay kailangang mapag-usapan nang mabuti ang magiging hangganan ng kanilang ugnayan. Kailangang laging pairalin ang prudensya at katatagan upang mapaglabanan ang ano mang tukso na maaaring dumaan sa ugnayan. 4. Hamon ng pagkakapantay (Equality Challenge). Mananaig ang hamon na ito lalo na sa isang uri ng lipunan na nananaig pa rin ang hindi pantay na pagturing sa babae at lalaki. Kung minsan kasi dahil nakikita sa kanilang mga magulang ang paghihiwalay ng tungkulin at katangian ng babae at lalaki (gender stereotyping) ay nadadala ito sa pakikipag-ugnayan sa labas ng pamilya. Ito ay isa rin sa maaaring maging dahilan upang hindi magtagal ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian. Kung kaya mahalagang panaigin lagi ang pagkakapantay sa ugnayan. Kailangang maging bahagi ang bawat isa sa mga pagpapasya at mahalagang ituring ang isa na kapantay ang halaga upang mapalago ang pagkakaibigan. Ang mga hamon na natalakay sa itaas ang kailangang harapin ng sino man na nagnanais na mapanatiling matatag ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian. Katulad ng ano mang pakikipag-ugnayan, nangangailangan ito ng pagsasakripisyo at pagsisikap sa magkabilang panig. Kailangan din ng pagtanggap na ang babae at lalaki ay mayroong ilang mga pagkakaiba kung kaya kailangan ng kahandaan na makibagay o makiangkop. May ilang mga payo sa ibaba na maaaring makatulong upang mas mapatatag ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian. 1. Kailangang unawain ang tunay na kahulugang ng pagkakaibigan. Ito ay isang ugnayan ng dalawang tao na maipakikita sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagtanggap at pagsuporta sa isat isa. 2. Isaisip na hindi sa lahat ng pagkakataon na ang dahilan ng pakikipagkaibigan ng isang lalaki ay upang magkaroon ng tungtungan para sa isang malapit na ugnayan. Marami ring mga lalaki ang may interes na makipagkaibigan sa katapat na kasarian dahil nais nilang magkaroon ng pagkakataong makausap at makapagbahagi sa isang babae na madalas ay hindi nila magawa sa kanilang mga kaibigang lalaki. Sa mga kaibigang babae sila nakakaroon ng laya na ibahagi ang kanilang tunay na nararamdam na walang takot na tuksuhin bilang mahina. Sa mga babae malaya silang naipakikita ang mas malambot na bahagi ng kanilang sarili. 3. Kailangang maunawaan ang pantay na pagtingin na dapat at nakalaan sa isang babae at lalaki sa lipunan sa kasalukuyan. Hindi na ito ang panahon na katulad noon na ang babae at lalaki ay hindi masyadong nabibigyan ng pagkakataon ng magsama o magkalapit. Sa kasalukuyan, maraming mga 174

pagkakataon na nagkakasama ang isang babae at lalaki na may magkaparehong interes at pananaw kung kaya hindi imposible ang mabuo ang isang pagkakaibigan. 4. Maaaring hindi pa ganap na nabubura ang pananaw ng lipunan na ang nagsasama lamang na babae at lalaki ay yaong mayroong espesyal na ugnayan, dumarami na rin ang mga taong nagiging malawak ang pag-iisip sa posibilidad na magkarooon ng relasyon bilang magkaibigan ang magkasalungat na kasarian. 5. Unawain na bahagi ng dahilan kung bakit nais na maging magkaibigan ng dalawang taong nasa magkatapat na kasarian ay upang maunawaan ang katangian na tangi para sa bawat isa. Halimbawa, ang mga babae ay nagnanais na maunawaan ang dahilan ng kilos ng mga lalaki at kung bakit nila ito ginagawa. Ang mga lalaki naman ay may interes na malaman kung ano ang halaga ng emosyon at kung ano ang makapagpapasaya sa isang babae. Hindi imposible na mayroon talagang makatotohanang pagnanais na mas malalim na maunawaan ang isat isa at ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba. 6. Kailangan mong maunawaan na ang isang babae at lalaki ay magkaiba sa paraan ng pakikipag-usap. Mas madalas na tungkol sa mga usaping makatotohanan at may batayan. Samantalang ang mga babae naman ay mas gustong pag-usapan ang kanilang mga damdamin at mga obserbasyon. Hindi ito paglalahat sa mga babae at lalaki ngunit maari itong makatulong upang mas mapalago ang pagkakaibigan sa pagitan ng isang babae at lalaki. Sa tulong nito mas makapagtatakda ang sino man ng kanilang mga limitasyon sa mga paksang kanilang pag-uusapan sa arawaraw. 7. Mas bigyan ng pagkakataon ang mga lalaki na magbigay ng mga solusyon sa mga suliraning kakaharapin. Bigyan din sila ng pagkakataon na magpasya sa ilang mga bagay na mas makapagpapalago sa pagkakaibigan. Sa lahat ng pagkakataon dapat ay may nagbibigay at may tumatanggap. Ang ano mang relasyon ay nangangailangan ng partisipasyon ng lahat ng taong sangkot sa pagpapasya para sa ikalalago at ikatatatag ng pagkakaibigan. Kailangang maiparamdam na ang lahat ng mga pasya ng bawat isa ay mahalaga at binibigyan ng puwang. 8. Kailangang maglaan ng panahon ang babae sa pakikinig sa mga hinaing o suliranin ng lalaki. Ang mga kababaihan ang nararapat na pagmulan ng suporta at sila ang makababawas ng bigat na nararamdaman ng kanyang kaibigan. Mas madalas na hindi makapagpakita ng emosyon ang mga lalaki sa kapwa nila lalaking kaibigan. Ito ang dahilan kung bakit mas naibabahagi nila ang kanilang mga hinaing o suliranin sa mga kaibigang babae. Kailangang maging bukas sa pagpapakita ng interes sa pakikinig at suporta sa pagbibigay ng payo na maaaring maging batayan sa kanilang magiging pagpapasya. 9. Pag-usapan ang magiging limistasyon sa pagkakaibigan. Kailangang mapagkasunduan na maging matatag sa pagpapanatili ng pagkakaibigan at laging pagiging matapat sa isat isa. Panatilihing buhay ang pagtitiwala sa isat isa sa pamamagitan ng pagpapanatiling bukas ng matapat na 175

komunikasyon, pagsuporta at pagpapairal ng kahinahunan. Palaging pag-usapan ang ano mang mga isyu na darating at siguraduhing isasagawa ito sa maayos na pamamaraan. Kailangang isaisip na hindi kailangang palakihin ang isang bagay na maliit lamang. 10. Kailangang maunawaan na ang mga lalaki ay maalaga at may posibilidad na maging seloso. Hindi sa ano pa mang dahilan, ito ay sa dahilang ang mga lalaki ay laging nagnanais na mapanatiling ligtas at malayo sa ano mang gulo ang taong mahalaga sa kanilang buhay. Bilang babae, hindi ka dapat nagkakaroon ng maling interpretasyon sa gawi na ito. Kumikilos lamang siya na parang isang nakatatandang kapatid na lalaki. Ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian ay nahuhubog at napananatili na walang malinaw na natukoy na pamantayan. Kung kaya mas malaki ang hamon na kinakaharap nito. Ang magiging mga karanasan ang unti-unting magiging mga batayan upang ipagpatuloy ito ay mas mapatatag. Lahat naman ng tao ay natututo sa kanyang mga karanasan; sa mga pagkakamali at sa kanyang mga pagkukulang. Kailangang kapwa sila nakahandang tumanggap sa kanilang mga pagkakamali at maging bukas sa pagbabago para sa ikatatatag ng pagkakaibigan. Ang pagbuo ng pagkakaibigan sa katapat na kasarian ay magiging isang mayamang karanasan kung ang katapatan at paggalang sa isat isa ay laging nariyan. Kailangan ding tandaan na mahalaga na ang bawat isa ay magpakita ng mataas na antas ng pagkahinog (maturity). Kailangang labis na maging maingat upang hindi lumagpas sa kanilang mga limitasyon. Sa pagdaraan sa prosesong ito, at habang naipakikita sa marami ang katatagan sa pagkakaibigan, lalong magiging marami ang mga taong magnanais na subukin pa ang ugnayan. Sa ganitong mga pagkakataon, mahalang maipaunawa sa kanila na kapwa malinaw sa inyo na kayo ay mabuting magkaibigan at mananatiling magkaibigan sa mahabang panahon. Paghinuha sa Kakailanganin sa Pag-unawa (EU)

Likas na umuusbong katulad ng

Pakikipagkaibigan
176

A T R A K S Y O N Malinaw na limitasyon na binuo na puno ng pag-iingat

Ang EU na dapat mahinuha: Ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian ay likas na umuusbong katulad ng pakikipagkaibigan sa kaparehong kasarian. Ngunit dahil sa pagiging malapit sa isat isa maaaring mabuo ang kanilang atraksyon sa isat isa kung hindi ito mailalagay sa tamang konsepto. Kailangang maging malinaw sa bawat isa ang kanilang mga limitasyon na binuo na puno ng pag-iingat (prudensya). D. PAGGANAP, PAGNINILAY AT PAGSASABUHAY (TRANSFER)

Sa bahaging Pagganap, pagagawain ang mga mag-aaral ng isang gawaing magagamit nila ang kanilang pagiging malikhain. Pagagawain sila ng isang pahina ng magasin na maglalaman ng Sampung Mabisang Pamamaraan sa Pagpapatatag ng Pakikipagkaibigan sa Katapat na Kasarian. Masusukat ng gawaing ito ang pagkatuto ng mga mag-aaral mula sa natapos na talakayan. Makatutulong din ang gawaing ito upang maibahagi ng mga mag-aaral sa kanilang mga kakilala o kaibigan ang kanilang natutunan.

Sa bahaging Pagninilay, pasusulatin ang mga mag-aaral ng isang repleksyon sa kanilang journal upang ipatukoy ang mahahalagang bagay na natuklasan at mahalagang aral na nakuha mula sa aralin. Sa bahaging Pagsasabuhay, palilikhain ang mga mag-aaral ng mga tiyak na hakbang sa pagbabago ng pakikitungo ng katapat na kasarian. Ipatutukoy sa kanila ang kanilang dating gawi sa pakikitungo at iisip sila ng pamamaraan kung paano ito mababago. Makatutulong ang gawaing ito upang unti-unting mapalakas ang ugnayan ng magkatapat na kasarian at mawala sa kanilang pagitan ang pader na pumipigil sa pagkakaroon ng maayos na ugnayan.
Pagganap 24. Pagawain ang mga mag-aaral ng isang pahina ng isang magasin na maglalaman ng Sampung Mabisang Pamamaraan sa Pagpapatatag ng Pakikipagkaibigan sa Katapat na Kasarian. Gamiting gabay ang halimbawa sa kanan. 177

25. Ibigay ang pahina na ito sa isang kakilala, kaibigan o kamag-anak na mayroong kaibigan sa katapat na kasarian.Makatutulong ito upang maging gabay sa pagpapatatag ng kanilang pagkakaibigan. Pagninilay 26. Pasulatin ang mga mag-aaral sa journal ng kanilang repleksyon tungkol sa natapos na paksa. Ipatukoy ang mahahalagang bagay na natuklasan at mahalagang aral na nakuha mula sa aralin.

Ang Aking Pagninilay Pangalan: ________________________________________ Petsa _____________________ Paksa _____________________________________________________________________ 1. Ang Aking mga Natuklasan: 2. Mga hadlang sa paglago ng pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian. 3. Kabutihang dulot ng pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian

Pagsasabuhay 27. Pasulatin ang mga mag-aaral ng mga hakbang sa pagbabago sa pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian 28. Kailangan muna nilang magsagawa ng pagsusuri sa kanilang sarili at sa kanilang pamamaraan ng pakikitungo sa katapat na kasarian. Matapos matukoy ang dating gawi ay mag-isip ng mga pamamaraan kung paano ito mababago o mas mapauunlad. 178

29. Gamiting gabay ang tsart sa ibaba. Dating gawi sa pakikitungo sa katapat na kasarian 1. Mailap Pamamaraan upang mabago ang pamamaraan ng pakikitungo sa katapat na kasarian Maging bukas sa pakikipag-usap o pakikipagkwentuhan Nagawa Hindi nagawa at bakit?

Mga Sanggunian: Isaacs, David. 2000. Character Building. Four Courts Press. Portland Oregon
Monsour, Michael. 2002. Women Jersey Retrieved from

and men as friends: Relationships across the life span in the 21st century. Lawrence Erlbaum Associates, Inc. New

http://books.google.com/books?id=PiNvFIOK9n0C&pg=PA154&dq=o'meara+equality+challenge+cross+sex+friendship&hl=en&ei=i_yWTP3 MCMO6caLhpKQF&sa=X&oi=book_result&ct=result&resnum=1&ved=0CCoQ6AEwAA#v=onepage&q=o'meara%20equality%20challenge%2 0cross%20sex%20friendship&f=false on September 20, 2010 How to Understand Friendship between Men and Women Retrieved from http://www.ehow.com/how_4421836_understand-friendshipbetween-men-women.html on September 17, 2010

179

Ikatlong Markahan: Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa

Aralin 5: Katapatan sa Salita at Gawa Antas 1

Bilang ng araw/sesyon: 3-4

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa mga halaga at birtud sa pakikipagkapwa Mga Paksa: 1. Pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa 2. Pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan 3. Paggawa ng mabuti sa kapwa 4. Pakikipag-kaibigan sa katapat na kasarian 5. Katapatan sa salita at gawa Mga Kakailanganin sa Pag-unawa (Sa Ikatlong Markahan): Sa pagsasabuhay ng mga halagang moral at birtud, naisusulong ang matatag na pakikipag-kapwa. Sa Aralin 5: Katapatan sa Salita at Gawa Ang pagiging matapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at mabuti/ matatag na konsensya. Ito ay may layuning maibigay sa kapwa ang nararapat para sa kanya gabay ang diwa ng pagmamahal. Nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga (Mga Kaalaman) 1. Katapatan sa Salita a. Ibat-ibang uri ng pagsisinungaling b. Dahilan ng pagsisinungaling ng tao c. Kahalagahan ng paggabay mula sa pagkabata sa pagiging matapat sa salita d. Walong pinakamahalagang dahilan sa pagsasabi ng totoo e. Apat na paraan sa pagtatago ng katotohanan na hindi maituturing na pagsisinungaling 2. Katapatan sa Gawa 3. Katangian ng Matapat na tao

Pamantayang Pagganap: Pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang moral at birtud: Pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa Pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan Paggawa ng mabuti sa kapwa Pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian Katapatan sa salita at gawa Mahahalagang Tanong (Sa Ikatlong Markahan) Paano maisusulong ang matatag na pakikipagkapwa Sa Aralin 5: Katapatan sa Salita at Gawa Bakit mahalagang isabuhay ang katapatan sa salita at gawa?

Ang mga mag-aaral ay: (Mga Kasanayan) Nakapagsasagawa ng isang malikhaing presentasyon ukol sa isang kwento ng katapatan Nakagagawa ng isang Honesty Game Board na makatutulong upang matukoy ang mga mabuti ay hindi mabuting bunga ng pagtalikod sa katotohanan o katapatan Nakapagbubukas ng isang honesty store na susukat sa katapatan ng mga kapwa mag-aaral sa paaralan Nahihinuha ang Kakailanganin sa Pag-unawa sa tulong ng babasahin at graphic organizer Natataya ang pansariling katapatan gamit ang honesty meter Nakagagawa ng mga tiyak na hakbang kung paano mas patatatagin ang sarili sa pakikipaglaban para sa katapatan sa salita at sa gawa.

180

Antas 2 Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa

Nakasusulat ng repleksyon sa kanilang journal na naglalaman ng mga mahahalagang aral na kanilang natutunan mula sa aralin Nakagagawa ng isang truth log na maglalaman ng kanilang kwento ng katapatan sa bawat araw at maging ng mga kwento ng katapatan na kanilang nasasaksihan mula sa ibang tao Sa Antas ng Pagganap Pagtataya ng ginawang Truth Log batay sa sumusunod na pamantayan: Naglalaman ng 4-5 pansariling kwento ng katapatan Malinaw ang ginawang paglalahad ng lahat ng mga detalye ng kwento Kaangkupan ng nilalaman ng kwento sa paksa Nalakipan ng pagninilay ang bawat inilahad na kwento

Inaasahang Pagganap Naisasabuhay ang katapatan sa salita at gawa

Pagpapaliwanag: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagiging matapat sa salita at gawa sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa Kraytirya a. Maliwanag ang patunay ng kahalagahan ng pagiging matapat sa salita at gawa sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa b. Gumamit ng mga halimbawa sa ginawang pagpapaliwanag Interpretasyon Nasusuri ang kwento ni Pinocchio. Kraytirya a. Natukoy ang tunay na aral mula sa kwento b. Nailarawan ang mga tauhan sa kwento Paglalapat Nakagagawa ng isang Truth Log na maglalaman ng mga pansariling kwento ng katapatan Kraytirya b. Nakapagtala ng 4-5 pansariling kwento ng katapatan c. May kalakip na pagninilay Pagbuo ng Sariling Pananaw Nakapagsasagawa ng isang survey ng mga gawaing madalas na ginagawa ng mga kapwa mag-aaral na taliwas sa katapatan Kraytirya a. Malinaw at konprehensibo ang ginawang talatanungan b. Nakagawa ng isang ulat mula sa ginawang survey Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng Iba 181

Naisalalarawan ang buhay ng taong nabubuhay sa kasinungalingan Kraytirya a. Makatotohanan ang ginawang paglalarawan b. Gumamit ng mga makatotohanang halimbawa Pagkilala sa Sarili Natataya ang katapatan gamit ang mga indicators Kraytirya a. Nakagawa ng ulat mula sa ginawang pagtataya b. May kalakip na pagninilay Antas 3 Plano ng Pagtuturo Pagkatuto Aralin 5: KATAPATAN SA SALITA AT GAWA A. PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE)

Sisimulan ang aralin sa pamamagitan ng pagbibigay ng gawaing makapupukaw ng pansin ng mga mag-aaral. Magpapakita ang guro ng isang malikhaing presentasyon ng isang kwento ng katapatan. Kailangang masiguro na magiging kawili-wili ang kwentong ito upang masigurong mapupulot ng mga mag-aaral ang mahahalagang aral na nais ipabatid sa lahat. Sa pamamagitan ng gawaing ito mabubuo sa isipan ng mga mag-aaral ang paksang tatalakayin sa klase. Sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman, pagagawain ang mga mag-aaral ng isang Honesty Game Board. Ang gawaing ito ang susukat sa dating kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa mabuti at hindi mabuting dulot ng pagtalikod sa katapatan. Masusukat ang pagiging malikhain at ang kaalaman ng mga mag-aaral at magiging kawili-wili ito dahil magagamit nilang libangan. Ang paraan ng paglalaro nito ang magbibigay sa kanila ng mensahe ng halaga ng pagyakap sa katotohanan at katapatan. Sa pamamagitan ng mga tanong sa huling bahagi ng gawain ay inaasahang makabubuo ang mga mag-aaral ng pansamantalang Kakailanganin sa Pag-unawa na siyang magsisilbing batayan upang matukoy kung may madaragdag na kaalaman sa mga mag-aaral sa pagtatapos ng talakayan. Lilinangin ang Anim na Aspeto ng Pag-unawa mula sa bahaging ito hanggang sa huling bahagi ng aralin. Inaaasahan na maisasagawa ng mga mag-aaral ang produkto ng pagganap na siyang kongkretong sukatan ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
182

Pagsisiyasat 1. Magsagawa ng malikhaing presentasyon ng ano mang kwento ng katapatan. (hal. Pinocchio etc.) 2. Gawing kaaya-aya ang presenstayon upang mapukaw ang pansin ng mga mag-aaral. Maaaring gumamit ng powerpoint Presentation, short film showing, puppet show at iba pa. 3. Matapos ang kwento ay itanong ang mga sumusunod: a. Ano ang mensahe ng kwento? b. Mayroon ka bang mga katulad na karanasan o nasaksihang katulad na karanasan mula sa iyong mga kakilala? c. Ano ang pinakamahalagang aral na natutuhan mula sa kwento?

Pagtuklas ng Dating Kaalaman 4. Pagawain ang mga mag-aaral ng isang Honesty Game Board sa isang kalahating kartolina. 5. Guguhit ang mga mag-aaral ng 100 kahon. Sampung kahon pababa at sampu pahalang. Maaring ihalintulad ito sa game board ng Snakes and Ladders katulad ng nasa kanan. 6. Mag-isip ng mga gawaing umaayon at sumasalungat sa katotohanan o katapatan. Gumupit ng larawan sa mga magasin o Iguhit ang mga ito sa mga kahon at lagyan, halimbawa, ng hagdan pataas kung ito ay umaayon at ahas kung ito ay sumasalungat sa katotohanan o katapatan (maaaring mag-isip ng mas magaganda o mas angkop na mga simbolo). 7. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ipakita sa klase ang kanilang ginawa. Mas bigyan ng pansin ang mga iginuhit na simbolo ng pag-ayon o pagsalungat sa katotohanan o katapatan. 8. Matapos mapakinggan ang pagbabahagi ng ilan ay itanong ang mga sumusunod: 183 a. Naging mahirap ba ang pag-iisip ng mga gawaing umaayon at tumataliwas sa katotohanan o katapatan? Ipaliwanag. b. Ano ang nais ipakahulugan ng hagdan at ahas sa ginawang game board? B. KARANASAN TUNGO SA PAG-UNAWA (FIRM-UP)

Mga Sanggunian:
Alejo. Peirangelo B. Values Guisado. SIBS Publishing House. Mandaluyong City. 2004 Gorospe, Vitaliano. Search for Meaning: Moral Philosophy in a Philippine Setting. Jesuit Educational Association, Copyright 1974 Isaacs, David. 2000. Character Building. Four Courts Press. Portland Oregon. Institute for Development Education Center for Research and Communication. Virtue: the Value of Education. 1989. Manila: Sinagtala Pubishers Inc. Encyclopedia of Childrenss health. Lying. Retrieved from http://www.healthofchildren.com/L/Lying.html on September 1, 2010 Seven benefits of Telling the Truth. Retrieved from http://ekhoz.com/2007/03/22/seven-benefits-of-telling-the-truth/ on September 1, 2010

Ikaapat na Markahan: Ang Mga Isyu at Suliraning Kaugnay ng Pakikipagkapwa

Aralin 1: Karahasan sa Paaralan

Bilang ng araw/sesyon: 3-4

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyu at suliraning kaugnay ng pakikipagkapwa: Mga Paksa: 1. Karahasan, Paghihiganti at Pagkamuhi 2. Maling Pananaw Kaugnay ng Sekswalidad - Pornograpiya - Pre-marital Sex

Antas 1 Pamantayan sa Pagganap: Nakapagpapahayag ang mag-aaral ng kanyang panig tungkol sa isyu ng mga paglabag sa pakikipagkapwa sa pamamagitan ng pagsulat ng blog sa isang social network site Ang mga kakailanganing gawain sa bawat aralin ay: 1. Nakagagawa ng plano ng pagkilos upang tugunan ang isyu sa karahasan sa paaralan at naisasagawa ito 2. Nakapagsasagawa ng isang information campaign tungkol sa mga
184

- Mga Bulgar at Malaswang Pag-uusap 3. Pagsisinungaling 4. Mga Negatibong Epekto ng Peer Pressure - Paninigarilyo - Pag-inom ng alak - Paggamit ng bawal na gamot Mga Kakailanganin sa Pag-unawa sa Ikaapat na Markahan: Ang pag-unawa sa mga paglabag sa pakikipagkapwa ay nakatutulong sa paggamit ng kalayaan tungo sa paggalang ng dignidad ng sarili at kapwa.

pinsalang dulot ng mga maling pananaw sa sekswalidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga babasahin sa mga kapwa magaaral 3. Nakagagawa ng resolusyon ng pagbabago 4. Nakagagawa ng isang plano ng pagkilos upang harapin ang negatibong peer pressure at naisasagawa ito Mahahalagang Tanong sa Ikaapat na Markahan: Bakit kailangang magkaroon ng kaalaman sa ibat-ibang mga isyu kaugnay ng pakikipagkapwatao?

Mahahalagang Tanong sa Aralin 1: Bakit suliranin sa pakikipagkapwa ang Mga Kakailanganin sa Pag-unawa sa Aralin 1: Tungkulin ng karahasan sa paaralan? tao na mahalin ang kanyang kapwa tulad ng kanyang sarili o gawin sa kapwa ang mga bagay na nais nyang gawin sa kanya; gayundin naman may tungkulin ang tao kaugnay ng buhay, ito ay ang ingatan ang kanyang sarili at umiwas sa kamatayan o sitwasyong maglalagay sa kanya sa panganib; kung minamahal ng tao ang kapwa gaya ng sarili ay iingatan nya rin ang buhay nito. Nauunawaan ng mag-aaral ang: (Mga Kaalaman) Ang mag-aaral ay: (Mga Kasanayan) a. Kahulugan ng karahasan sa paaralan a. Nakagagawa ng reaksyon sa nakitang paglalarawan ng karahasan b. Nakagagawa ng reaction paper tungkol sa napanood na palabas o pelikula b. Ibat ibang uri ng karahasan sa paaralan na may temang karahasan sa paaralan at awit na Lupa ni Rico Puno c. Nakagagawa ng mga pagsusuri ng mga balita at maikling kwento gamit ang c. Mga paraan upang tugunan ang isyu sa karahasan sa isang matrix sa pagsusuri ng karahasan sa paaralan paaralan d. Naipaliliwanag ang nilalaman ng Violence Continuum e. Natutukoy kung saan at paano dapat supilin o pigilan ang paglala ng karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng pagsusuri sa Violence Continuum f. Nakapagsasagawa ng person search sa internet upang kilalanin ang tao sa likod ng larawan at pangalan g. Nakagagawa ng power point presentation at naiuulat ito h. Nahahalaw, at naipaliliwanag ang mga mahahalagang konsepto sa binasang sanaysay gamit ang Tick-Tack-Toe graphic organizer
185

Inaasahang Pagganap: Nakagagawa ng plano ng pagkilos upang tugunan ang isyu sa karahasan sa paaralan at naisasagawa ito

i. Nakapagsasagawa ng sarbey tungkol sa karahasan sa kanilang sariling paaralan j. Nalalagom at nasusuri ang resulta ng ginawang sarbey k. Nakagagawa ng plano ng pagkilos upang tugunan ang isyu sa karahasan sa paaralan Antas 2 Mga Patunay sa Antas ng Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa: Pagganap:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: Pagpapaliwanag Pagbabahagi ng nahinuhang halaga ng buhay at mga paglabag dito lalo na sa paaralan Kraytirya: - Maayos ang pagpapaliwanag - Bumanggit ng mga katunayang magpapatatag ng paliwanag Interpretasyon Paggawa ng reaction paper sa napanood na palabas tungkol sa kawalan ng pagmamahal sa kapwa Kraytirya: - Malinaw ang interpretasyon ng mga eksena at karakter - Maayos ang pagpapaliwanag Paglalapat Paggawa ng isang plano ng pagkilos upang tugunan ang isyu sa karahasan sa paaralan Kraytirya: - Batay sa resulta ng sarbey at mga kaalaman sa karahasan sa paaralan - Malinaw ang plano Pagbuo ng sariling pananaw Paggawa ng pagsusuri at pagbibigay ng pananaw kaugnay ng mga balita at maikling kwento tungkol sa karahasan sa paaralan Kraytirya: - Malinaw ang pananaw na ibinigay - Bumanggit ng mga pagpapahalagang dapat isabuhay Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba Pagpapahayag ng naging damdamin tungkol sa biktima ng karahasan 186

1.

Nakapagsasagawa ng sarbey tungkol sa karahasan sa kanilang sariling paaralan Nalalagom at nasusuri ang resulta ng ginawang sarbey Natataya ang naisagawang plano ng pagkilos

2.

3.

Kraytirya: - Malinaw ang damdamin at opinyong ibinahagi - Bumanggit ng mga pagpapahalagang dapat isabuhay Pagkilala sa Sarili Paggawa ng pagninilay tungkol sa sariling mga karanasan sa karahasan sa paaralan Kraytirya - Binanggit ang mga kakailanganing pag-unawa na nahinuha sa aralin - Binanggit ang mga dapat gawin upang igalang ang buhay

Antas 3 Plano ng Pagtuturo-Pagkatuto: Aralin 1: Karahasan sa Paaralan A. PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE) Sa bahaging ito ay tatayain ng guro ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa pambubulas. Sa pamamagitan ng mga gawain dito ay sisikap[in ng guro na hugutin ang mga pananaw, pakahulugan at karanasan ng mga mag-aaral tungkol sa ibat ibang uri ng karahasan na nagaganap sa paaralan. Partikular na dito ang pambubulas at ang fraternity. Bibigyan din ng pagkakataon ng guro ang mga mag-aaral na magsuri ng mga tunay na naganap na karahasan sa paaralan na nauwi sa malagim na wakas. Mahalaga na simula pa lamang ay makilala na na ang karahasan ay maaring humantong sa kamatayan. Pagsisiyasat 1. Sabihin sa mag-aaral. Masdan ang larawan sa ibaba. (Maari ring gumamit ang guro ng ibang larawan na kahalintulad nito na nagpapakita ng karahasan sa kapwa kabataan) A

187

2. Hayaang magbigay ng kanilang mga reaksyon ang mga bata. 3. Ipapanood sa mga bata ang isang palabas (T.V. Show, Cartoon, iba pa) na may temang pambubulas sa paaralan. Hal. Doraemon, Princess Sara 4. Magpagawa ng isang reaction paper kaugnay ng napanood. 5. Pagtalakay Mga Gabay na Tanong : Paano nakaapekto sa mga karakter sa palabas ang pambubulas ? Magbigay ng mga halimbawa. Paano nalampasan ng mga biktima ng pambubulas ang kanilang naging karanasan ? Paano ito nalampasan ng nambiktima ? Batay sa napanood, magbigay ng pakahulugan sa pambubulas. Anu-ano pang uri ng karahasan ang maaring nagaganap sa paaralan ?

Pagtuklas sa Dating Kaalaman 6. Gumupit ng news clippings tungkol sa ibat ibang mga balita sa pahayagan o sa tabloid tungkol sa mga karahasang nagaganap sa paaralan. (Maari din naman itong i-download sa internet, maari ding balita sa telebisyon ang i-download sa internet o kopyahin at kung may lcd projector o computer ay ipapanood ito) Gagamitin ito sa pangkatang gawain. 7. Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. Bawat pangkat ay bibigyan ng isang news clipping o isang news report na babasahin o
188

panonoorin. 8. Susuriin ito ng mga mag-aaral ayon sa sumusunod (Maaring ang ibang isusulat nila ay batay pa sa mas malalim na pagsisiyasat sa kaso sa balita sa pamamagitan ng internet o maari rin namang ang mga ito ay bunga ng mga sariling opinyon o batay sa mga karanasan ng mga mag-aaral o kanilang mga kakilala): Karahasan Deskripsyon ng Saan Ito Sino ang biktima ? : Deskripsyon Sino ang nambibiktima ?: Deskripsyon sa Karahasang Ito/Mga Salik Karaniwang sa kanya/kanila ; Epekto sa sa kaniya/kanila ; Epekto sa Kanila ng Paaralan na Sanhi Nito Nagaganap/ Kanila/at iba pa ng Karahasan Ginagawang Karahasan Paraang ginagamit Hal. Tumalon ang biktima mula Pagtalon sa Isang batang nasa ikatlong Sistema ng edukasyon na labis na Pagpapaka- sa ikaapat na palapag ng mataas na baitang. Tahimik ito, mahusay sa nagbibigay halaga sa resulta ng matay isang gusali sa paaralan/ gusali klase, magalang sa mga guro. pagsusulit/ Labis na higpit ng mga (Suicide) Bumagsak sa test sa Binawiian ito ng buhay bago pa magulang/ Walang panahon ang Science at Math man nadala sa ospital. magulang na makipag-usap sa anak Labis na kalungkutan, pighati at pagkabagabag ang naidulot nito sa mga magulang ng biktima 9. Ipaulat sa mga mag-aral ang kanilang naging resulta ng mga pagsusuri. B. MGA KARANASAN TUNGO SA PAG-UNAWA (FIRM-UP) Maaring ang bata ay may matinding depresyon Sakit na depresyon At iba pa

Sa pamamagitan ng isang maikling kwento ay bibigyan ng tinig ang isang naging biktima ng karahasan sa paaralan. Sa puntong ito naman ay ipakikita sa mga mag-aaral na ang karahasan ay maaring malampasan kung malalapatan ng sapat na interbensyon. Bibigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral na tukuyin ang ibat ibang epekto ng pambubulas sa biktima nito. Makikilala rin nila ang tipikal na profile ng isang nagiging biktima. Sa pamamagitan naman ng garter game ay ipararanas sa mga mag-aaral na ang karahasan ay may negatibong epekto rin sa nambibiktima. Dagdag pa rito ay dapat ding makita ng mga mag-aaral na isa sa maaring maging epekto ng karahasan sa biktima ay ang maging tagapagdulot din siya nito. Higit sa lahat sa mga taong nambiktima sa kanya. Samakatwid sa huliy maaring ang nambiktima naman ang maging biktima ng karahasan bunga ng paghihiganti ng kanyang naging biktima. 10. Ipabasa sa mga mag-aaral ang sumusunod na kwento.

189

Biktima Determinado ako na kitlin ang aking sarili. Ako ay 12 taong gulang, nasa ika pitong baitang at ako ay nasa isang bitag nakakulong sa isang nakatatakot na buhay-paaralan na pinaghaharian ng isang grupo ng mga kabataang lalaki, na nasisiyahan sa panggigipit at pananakit na pisikal at pasalita, sa bawat minuto ng aking buhay mula pa nang ako ay tumuntong sa paaralan. Kaya nga sa kainitan ng araw na iyon, habang ako ay marahang naglalakad pauwi ng aming bahay matapos tumunog ang huling bell sa eskwelahan, napagpasyahan ko na tapusin na ang aking miserableng buhay. Yan ay may dalawamput apat na taon nang nakalilipas. Noong ako ay isa pang lampa, butot balat sa kapayatan, may makapal na salamin, may braces sa ngipin, laman ng aklatan at may pagkamahinhin ang kilos. Ang aking pagiging bata ay parang isang bangungot na hindi matapos. Wala silang pagod sa pangbubulas. Ang mga batang lalaki sa paaralan na higt na malalaki at malalakas matapos makita ang aking mga kahinaan ay walang patid akong pinarurusahan araw araw dahil lamang sa ako ay iba sa kanila. Bago ko pa man lubos na naunawaan ang kahulugan nito ay isinisigaw nila sa akin ang mga bansag na bakla at binabae. Parang lason sa aking puso ang kanilang bawat sigaw. Payapa lamang ako sa piling ng aking koleksyon ng mga komiks at ang aking tanging kasiyahan ay ang pagguhit habang nasa harap ng telebisyon. Sa paaralan ako ay tila ba may nakahahawang sakit. Nilalayuan ng mga kapwa ko lalaki dahil sa hindi pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili at sapat na pagkalalaki upang mapabilang sa kanilang hanay. Kaiba ako sa mga kamag-aral kong lalaki sapagkat ako ay tahimik at kaibigan ng lahat ng mga babae sa paaralan. Kumikilos at nagsasalita na wari bay babae rin. Hindi ko maipagtapat sa iba ang ginagawang pananakot at pananakit ng aking mga kamag-aral na lalaki. Hindi ko ito masabi sa aking mga guro, magulang, mga kapatid, at maging sa napakarami at napakalapit kong mga kamag-anakan at pininsan. Ngayon ko naunawaan kung paanong ang mga biktima ng pambubulas ay nagdurusa ng tahimik. Labis na nakahihiya ang maging biktima ng pambubulas. Ako ay nahihiya sa aking sarili, kung paanong hinahayaan kong saktan nila ako at maramdamang akoy walang kwenta. Nahihiya ako na hindi ko sila kayang labanan. Ipinaramdam nila sa akin na may mali sa aking pagkatao. Nahihiya ako na malaman ito ng aking mga mahal sa buhay. Nahihiya ako na malaman nila ang ibinabansag ng mga kapwa ko bata sa akin. Nahihiya ako na malaman nila na ako ay isa ngang binabae.
190

Kayat tulad ng iba pang naging biktima nito, pinasan kong nag-iisa ang kahihiyan ng ginagawa nilang pananakit sa akin. Habang naglalakad ako papauwi nang araw na iyon na itinalaga ko nang syang magiging huling araw ko, naalala ko nang akoy gulantangin ng isang sasakyang dumaraan. Hoy, bata! sabi ng mamang noon ko lamang nakita, Ayos ka lang ba? Naalala kong akoy nabubulol pang tumugon na mabuti ang aking lagay. Sigurado ka ba? Baka may maitutulong ako? Mukhang malungkot ka. Habang tuluyan na nyang inihinto ang kanyang sasakyan natatandaan kong siyay nakatingin sa akin na puno ng pag-aalala. Muli ay sinabi kong akoy maayos at saka lamang siya nagmaneho papalayo. Habang minamasdan ko ang papalayong sasakyan, bigla kong naramdaman ang init nang panahong iyon. Noon ko lamang napansin ang liwanag ng nakatirik na araw. Hindi ko malilimot ang mga sandaling iyon na tila ba napawi ng init ng araw ang lahat ng aking kalungkutan sa puso. May taong nagbigay pansin sa akin. Isang taong noon ko lamang nakita at hindi na muli pang masisilayan, ang nag-alala at nag-abala para sa akin isang binabae, bakla, walang kwentang nilalang. Nagbigay sya ng kanyang panahon upang alamin kung ako ay may dinaramdam. Mahalaga ako; nagbago ang lahat sa akin. Natapos ang aking balak na pagpapatiwakal noon din at hinding hindi ko na muli ito binigyan ng pagkakataong guluhin ang aking isip. Kahit pa nagpatuloy ang pagmamalupit ng aking mga kamag-aral na lalaki sa akin, hindi na ito naging kasingsakit. Nang ako ay mapunta sa mataas na paaralan nakakilala ako nang mga katulad ko rin kakaiba man o hindi, bakla o tunay na lalaki may halaga kami. Makalipas ang dalawamput apat na taon masasabi kong nagiging maayos ang lahat sa paglipas ng panahon. Maaring hindi na ako lampa at patpatin gaya ng dati, hindi na rin nagsasalamin dahil sa Lasik Eye Surgery, magaganda na rin at tuwid ang aking mga ngipin, ako pa rin ang dating batang mahinhin ang kilos na tulad sa isang babae. At hindi ko ito ikinahihiya. Itoy bahagi ng aking pagkatao. Ako ay may halaga, tulad din ng maraming mga batang nagiging biktima ng pambubulas. Lahat ay may karapatang makita na bumubuti rin ang lahat sa huli.

191

Mga Tanong: a. Paano nakaapekto sa isang bata ang pambubulas? Ipaliwanag. b. Bakit masama ang pambubulas? Pangatwiranan. c. Paano malalampasan ng isang kabataan ang mga masamang epekto ng pambubulas? d. Paano ka matutulong sa kapwa mga kabataang biktima ng pambubulas? e. Kung ikaw ay naging biktima na nang pambubulas, paano mo ito nalampasan? 11. Gamit ang nauna ng talahanayan gawan ng indibidwal na pagsusuri ang naunang sanaysay. 12. Talakayin ang ginawang pagsusuri.

13. Garter Game : When It Snaps. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na may tig-10 miyembro. Bawat pangkat ay magkakaroon ng 5 miyembro na kakatawan sa biktima ng karahasan at 5 naman ang kakatawan sa nambibiktima. Bigyan ang bawat pangkat ng garter na may 2 metro ang haba at magkadugtong ang bawat dulo.Ilalapag ito sa sahig upang makabuo ng bilog. Ang kumakatawan sa nambibiktima ay tatayo sa loob ng bilog na nakaharap sa labas ng bilog. Ang mga kumakatawan naman sa biktima ay tatayo sa labas ng bilog na nakaharap sa loob ng bilog. Hahawakan ng mga biktima ang garter. Isa-isang ipakikita ng guro ang mga meta strips kung saan nakasulat ang mga kilos na maaring gawin ng nambibiktima ayon sa violence continuum ni Contreras (2008). Simulan sa pinaka ibaba ng continuum. Isisigaw ng mga nasa loob ng bilog ang nakasulat sa meta strip. Bawat sigaw ng mga ito ay hahakbang papalayo ang mga biktima habang nakahawak pa rin sa garter. Sabihing ang mananalong grupo ay ang makararating sa pinakahuling meta strip na walang bumibitaw sa garter at hindi ito naputol. Ang ibang mga mag-aaral ay tatayong mga tagamasid at hurado Violence Continuum Pagbaril Pagsasaksak gamit ang patalim Pagbabanta gamit ang armas tulad ng patalim
192

Panununtok/Paninipa Panunulak Panunura Pananakot/Pangngikil Pagsunod at pagmamatyag Sekswal na Panggigipit Paninira ng gamit ng iba Pagnanakaw Panunudyo/Panglalait Pambabansag Pagbabanta Pagsusulat sa mga pader at dinding ng mga pangit na salita o larawan Paninitig ng masama/ Pang-iirap Pagsimangot/Paghahalukipkip Paninira/Pagsisimula ng walang batayang usap-usapan Pagtirik ng mata (Eye Rolling) 14. Pagsusuri sa ginawang pangkatang gawain. Mga Gabay na Tanong : a. Nahirapan ba kayo sa larong ito ? Sa anong bahagi ? Ipaliwanag b. Para sa mga batang nasa loob ng garter, ano ang inyong naging pakiramdam nang palayo na nang palayo ang mga kagrupong nasa labas ng garter ? Ipaliwanag c. Ano ang ipinahihiwatig o ipinakikita ng larong ito kaugnay ng karahasan ? Bakit ? d. Ano kaya ang mangyayari kung biglang bumitaw ang mga nasa labas ng garter sa pagkakahawak dito ? e. Ano kaya ang mangyayari kung maputol ang garter dahil sa labis na pagkabanat dito ? 15. Internet Research : Maaari itong gawing pangkatang gawain. Unang Hakbang :

193

Biktima noon, mga kriminal ngayon! Nasaan na kaya sila? I-Google sila.

Kip Kinkel Springfield, OR

Charles Williams Santee, CA

T.J. Solomon Conyers, GA


194

Luke Woodham Pearl, MS

a. Ipauulat sa klase ang mga naging resulta ng kanilang mga searches sa internet. Paggawin ang mga mag-aaral ng reflection paper tungkol sa sinapit ng mga kabataang nasangkot sa matinding karahasan sa Estados Unidos. Ipakumpara ito sa nangyayari sa ating mga paaralan. b. Pagawin ang mga bata ng power point presentation. Ipaulat ito Unang hakbang : Magsaliksik sa internet tungkol sa mga sumusunod : (Dahil karamihan ng mga impormasyon na makukuha sa internet ay nasa wikang Ingles, payagan ang mga bata na gawin ang power point presentation sa wikang Ingles at payagan din silang ipaliwanag ito sa Fiipino.) Kahulugan ng Karahasan Mga Uri ng Karahasan na Nagaganap sa Paaralan Kahulugan ng Pambubulas Mga Uri ng Pambubulas Mga Epekto ng Pambubulas sa Biktima Mga Epekto ng Pambubulas sa Nambibiktima Mga Senyales na ang Isang Kabataan ay Biktima ng Pambubulas Iba pa na kaugnay ng karahasan sa paaralan

Ikalawang hakbang : PIliiin ang mga mahahalagang konsepto Ikatlong hakbang : Isalin ito sa power point presentation Ikaapat na hakbang : Iulat at ipaliwanag ang mga konseptong ito
Rubric sa Pagtataya ng Multi-media Presentation Mga Elemento PoPosibleng Marka 35 puntos 5 Nakuhang Puntos Mag-aaral Guro

Nilalaman Pagsasaliksik at Pagsulat

Nagpapakita ng mga ebidensya ng mahusay na pananaliksik at pag-unawa sa konseptong kaugnay ng paksa.

195

Sumasalamin sa tumpak at mga kapakipakinabang na impormasyon na pinalawak upang mapagbuti ang pagpapaliwanag sa paksa Gumagamit ng mga mahahalagang detalye upang ipaliwanag ang konsepto Kakaunti o walang mga pagkakamali sa pagbabaybay at gramatika; angkop sa tagapakinig at sa nilalaman ang mga salitang ginamit Ang paggamit ng mga pananda at malalaking titik ay tumpak sa buong presentasyon Gumamit ng angkop na graphics, sounds, animations, at transitions upang bigyang diin ang mga konsepto at hindi makaagaw pansin

5 5 5 5

Nilalaman Pagsasaayos at Disenyong Teknikal

35 puntos 5 5 5 5 5 5 30 puntos 7 7 9
196

Ang ginamit na power point format ay lohikal at epektibong nakatutulong sa pag-unawa ng konsepto May malinaw na panimula, maayos na nilalaman, at malinaw na pagwawakas Mahusay ang pagkakadisenyo (use of color, graphics, sound, animation, transitions, titles, and labels). Ang mga larawan at graphics ay malinaw at maayos ang paglalapat ng tunog Maayos ang pagkakagawa ng presentasyon (operates with minimal flaws during presentation). Sapat sa inilaang oras ang kabuuan ng presentasyon Pag-uulat gamit ang power point presentation Ang layunin ang powerpoint presentation ay madaling makita ng mga tagapakinig Mahahalatang may pagsasanay na ginawa bago ang aktwal na presentasyon. Maayos ang daloy ng pag-uulat at walang mga problemang teknikal Mahusay ang pagtanggap ng mga tagapakinig sa presentasyon

May pagtataya ng pag-unawa sa konsepto o paksa ng mga tagapakinig

7 Kabuuang Puntos 100 puntos

16. Ipakita ang mga sumusunod Hayaang ipaliwanag ito ng mga mag-aaral.
Suicide Murder Rape Gangs Hate Crimes To Reduce & Prevent Vandalism Weapons Violence Drinking/Drugs Stealing Sexual harassment Fighting Begin Threats Here Trash Talk Reprinted by permission from CARE (Courtesy and Respect Bullying Empower), Jim Bryngelson, 1144 Henry Rd., Billings, MT. 59102. Phone: (40) 252-2835 Website: www.wtp.net/care 9 Put Downs Violence Continuum

Hiniram mula sa : www.wtp.net/care B. PAGPAPALALIM (DEEPEN) (FU:Pagpapaliwanag)

Sa pamamagitan ng isang sanaysay ay palalalimin ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa ibat ibang uri ng karahasan sa paaralan, ang mga epektong dulot nito sa sarili, kapwa at sa lipunan. Dito tatalakayin din ang mga hakbang o pamamaraan upang malutas ang isyung ito. Sa pamamagitan ng isang graphic organizer ay gagawa ang mga mag-aaral ng paglalagom tungkol sa mga tinalakay. Sasagutin ng mga ito ang mahalagang katanungan.

KARAHASAN SA PAARALAN
197

Nakababahala ang ilang mga napababalitang karahasang nagaganap sa paaralan. Kamakailan lang ay isang mag-aaral ng mataas na paaralan ng Manuel L. Quezon sa Lungsod ng Kalookan ang napabalitang nanaksak ng isa sa kanyang mga guro dahil lamang sa pagsita nito sa kanyang mahabang buhok. Noong 2006, isang mag-aaral na nakatakda na sanang magtapos sa Philippine Science High School ang nilason ng kanyang kamag-aral sa pamamagitan ng paglalagay ng mercury sa kanyang inumin. Inaakalang ito ay dahil sa katunggali nito ang kamagaral sa pangunguna sa klase. Hindi rin mabilang ang ilang insidente ng pagpapatiwakal ng mga kabataan tulad na lang noong isang taon, laman ng mga pahayagan si Mariannet Amper, isang 12 anyos na batang babae sa Lungsod ng Davao. Siyay nagpatiwakal dahil umano sa labis na kahirapan nila sa buhay. Gayon din sa Iloilo isang 14 anyos na batang lalaki ang tumalon mula sa flyover doon dahil naman sa pag-abuso sa rugby. Si Kristen Ariane Cuenca, isang batang nasa ikatlong baitang ang tumalon mula sa ikaapat na palapag ng kanilang paaralan matapos makakuha ng mababang marka sa report card. Laman din ng pahayagan ang mga insidente ng pagkamatay ng mga kabatan matapos maging biktima ng hazing sa mga gang o fraternity. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng mahigpit na batas laban dito sa ating bansa. Si Glacy Monique Dimaranan 15 anyos na kabataang babae ay namatay dahil sa aksidenteng napaputok ang baril na itinutok sa kanyang ulo. Ang pagtutok ng baril ay bahagi ng ilang pagsubok upang makapasok sa grupong Royal Scout Brotherhood. Si John Daniel L. Samparada, 18 anyos at nag-aaral sa Lyceum of the Philippines sa General Trias, Cavite ay namatay dahil sa matinding pagkabugbog ng kanyang mga binti. Bahagi ito ng pagsubok upang makapasok sa Tau Gamma Phi Fraternity. Maraming iba pang mas kontrobersyal na mga kaso ng hazing na naging laman ng balita nitong mga nagdaang taon. Nitong huliy balitang-balita ang pagpapasabog ng granada sa harap ng DeLa Salle University sa Taft Avenue, matapos ang pagsusulit sa abogasya o bar exam. Apatnaput apat ang naging biktima ng pagsabog na ito. Karamihan sa kanila ay mga magaaral ng abogasya. Hinihinala na kaugnay ng mga alitan ng fraternity ang dahilan ng pagpapasabog na ito. Nitong mga nakaraang dekada naging malaking suliranin na ang karahasan sa paaralan sa maraming bansa. Karaniwan na ang paggamit ng armas tulad ng baril o patalim. Kabilang dito ang karahasan sa pagitan ng mga mag-aaral at ang karahasan laban sa mga nanunungkulan sa paaralan, lalo na sa mga guro. Sa bansang Australya, sa taong 2009 lamang ay may 55, 000 na mag-aaral ang naparusahan ng suspension dahil sa paglabag sa
198

regulasyon sa paaralan kaugnay ng karahasan. Sa Timog Australya, 175 na kaso ng pananakit laban sa kapwa mag-aaral o sa mga guro ang naitala noong 2008. Sa bansang Belgium, marami ang nagbibitiw sa pagiging guro dahil sa karahasan laban sa kanila na gawa ng mag-aaral doon. Sa Bansang Bulgaria, dahil sa maraming insidente ng karahasan sa loob ng paaralan ay minabuti ng Puno ng Kagawaran ng Edukasyon na higit pang maghigpit sa pagdidisiplina sa mga mag-aaral. Dahilan upang mapatalsik sa paaralan ang malaswang pananamit, pagpasok ng lango sa alak o droga at pagdadala at paggamit ng mobile phones. Binigyan din ng karapatan ang mga guro na parusahan ang mga mag-aaral na lumalabag sa mga regulasyon ng paaralan. Ayon sa pag-aaral ng Kagawaan ng Edukasyon sa Pransya, noong taong 2000, 39 sa 75, 000 pampaaralang pampubliko ang natatayang labis ang karahasan sa hanay ng mga mag-aaral at 300 naman ang natayang maraming napapaulat na karahasan. Sa bansang Hapon, nagsagawa rin ng katulad na pag-aaral ang Kagawaran ng Edukasyon. Naitalang may 52, 756 na kaso ng karahasan sa mga pampublikong paaralan noong taong 2007 ang kinasangkutan ng mga mag-aaral. Tumataas ang bilang na ito ng halos 8, 000 kada taon. Pitong libo sa 8, 000 na kasong ito ay mga guro ang syang naging biktima. Halos ganito rin ang sitwasyon sa iba pang mga bansa sa Europa. Sa bansang Amerika, ayon sa National Center for Education Statistics, ang karahasan sa paaralan ay isang seryosong usapin o isyu. Ayon sa pinakahuling datos na natala, 5.9% ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ang nagdala ng baril o katulad na armas sa loob ng paaralan. Halos walong porsyento naman ng mga mag-aaral dito ang naulat na naging biktima ng pananakot o pananakit gamit ang mga armas na ito. Halos labintatlong porsyento naman ng mga mag-aaral ang nasangkot sa pakikipag-away. Halos anim na porsyento naman ang umaming lumiban sa paaralan ng isang araw o mahigit pa dahil sa matinding takot o dahil sa pakiramdam na ang paaralan ay hindi ligtas na lugar para sa kanila. Hindi pa kabilang dito ang mga naitalang kaso ng pambubulas at pagpapatiwakal. Kung mapagbabatayan lamang ang mga balitang nababasa sa pahayagan at napapanood sa telebisyon, maari nating sabihing hindi naman nalalayo ang kaso ng karahasan sa ating bansa at sa ibang mga nabanggit na bansa. Maaring ang kaibhan lamang ay marami ng pagaaral at salapi ang iniukol upang lutasin ang suliranin o isyung ito sa mga bansang ito.

199

Isang mahalagang pag-aaral ang isinagawa ng Kagawaran ng Edukasyon sa ating bansa tungkol sa karahasan sa paaralan. Ito ay tinawag na PLAN Area Research o Towards a Child-Friendly School Environment: A Baseline Study on Violence Against Children in School. May 2,442 mga bata mula sa 58 paaralang pampubliko ng Masbate, Northern Samar, at Camotes Island sa Cebu ang nasangkot sa pag-aaral na ito. Naging bahagi rin ng pag-aaral ang mga guro, punong-guro, magulang at iba pang mga kabilang sa mga komunidad sa mga naturang paaralan. Ilan sa mahahalagang resulta ng pag-aaral ay ang mga sumusunod: Tinatayang 5 sa 10 batang mag-aaral sa ikatlong baitang, 7 sa 10 sa ika-apat hangagang ika-anim na baitang, at 6 sa 10 mag-aaral sa sekondarya ang nakaranas ng karahasan sa loob ng paaralan. Verbal abuse o pananakot at masasakit na pananalita ang karaniwang uri ng karahasang nararanasan ng mga mag-aaral sa lahat ng baitang at taon. Kabilang dito ang panlalait o panlilibak, panunudyo, paninigaw, pagmumura at masasakit na salita. Karaniwang mga kamag-aaral din ang nambibiktima kaysa sa nakatatanda. Mga kalalakihan ang karaniwang nagiging biktima ng pisikal na karahasan. Ang karaniwang nagiging epekto ng karahasan ay pagbaba ng pagtingin sa sarili, pagkatakot, pagkikimkim ng galit at kawalan ng pag-asa sa mga nagiging biktma. Ayon pa sa pagaaral ang mga karaniwang dahilan ng karahasan sa paaralan ay ang uri ng nilakihang pamilya, impluwensya ng barkada at midya, kawalan ng kaalaman tungkol sa karapatan ng kabataan, pagkatakot, kawalan ng kakayahan o kasanayan ng mga nasa katungkulan upang tugunan ang mga suliranin sa karahasan, at kawalan ng mga polisiya at pamantayan kaugnay nito. Kahulugan ng Karahasan sa Paaralan Ayon sa Center for Prevention of School Violence ng North Carolina Department of Juvenile and Delinquency Prevention, ang karahasan sa paaralan ay ano mang kilos na lumalabag sa misyong pang-edukasyon ng paaralan o lumalabag sa ugnayang nag-uugat sa respeto sa kapwa o sumasalungat sa layunin ng paaralan na maging malaya sa agresyon laban sa kapwa o pag-aari, sa droga o bawal na gamot, armas, panggagambala at kaguluhan. Mahalagang maunawaan na ang karahasan ay karaniwang may pinag-uugatang kilos o ugali na tulad sa sakit na hindi nalapatan agad ng lunas, ay patuloy na lumulubha. Maaring ang mas malalang uri ng karahasan ay nagsimula sa pangmamaliit, pangiinsulto, pananakot, paninirang puri, pangbubulas o panunulak. Habang namimihasa sa ganitong mga gawain pasama naman nang pasama at palala nang palala ang uri nang karahasan. Maaring mauwi na ito sa pisikal na pananakit o pakikipag-away, panggigipit na sekswal,
200

pagnanakaw, pag-abuso sa alcohol at droga, paggamit ng armas, paninira ng gamit ng kamag-aral o ng paaralan, paggawa ng mga krimeng kaugnay ng diskriminasyon at pagkamuhi sa isang grupo ng minorya, pagbuo ng gang, pambibihag o pagdukot, panggagahasa, pagpatay at sa huliy pagpapakamatay. Ang bahagdang ito ay ayon sa ginawang Violence Continuum ni Jim Bryngelson ng CARE (Courtesy and Respect Empower). Marami na tayong mga batas at polisiya sa Kagawaran ng Edukasyon na nangangalaga sa mga kabataang mag-aaral laban sa karahasan na dulot ng mga nanunungkulan sa paaralan o sa ng mga nakatatanda. Sa mga paaralan natin ngayon ang mga karahasang dulot ng kapwa mag-aaral sa mga kabataan ay hindi masyadong nabibigyan ng pansin o minamaliit ng mga kinauukulan. Bagamat may anti hazing law, karaniwang hindi napapansin ang paglaganap din ng fraternities at gangs sa mga paaralang elementarya at sekundarya. Ang mga kolehiyo ang karaniwang napapabalita. Bagamat mas marahas at minsay nakamamatay ang mga hazing na ginagawa sa ikatlong antas, kung pagbabatayan ang Violence Continuum ni Bryngelson, may posibilidad na ang mga mas mararahas na hazing na ginagawa sa ikatlong antas ay nagsimula sa mga maliliit na pagsubok sa elementarya at sekondarya. Dalawang uri ng karahasan na nararanasan ng mga mag-aaral sa kapwa mag-aaral ang nabilang sa uri ng karahasang nagaganap sa ating mga paaralan ayon sa pag-aaral ng PLAN Philippines (2008) ito ay ang pambubulas (bullying) at ang gangs o fraternities. Ang Pambubulas Ang pambubulas ay nagsisimula pa lamang mabigyang pansin bilang isyu ng karahasan sa mga paaralan sa Pilipinas. Ito ay ayon sa World Report on Violence Against Children (PLAN Philippines, 2008). Bagamat ito ay matagal ng isyu sa ibang bansa at marami na ring pagaaral na isinagawa tungkol dito, kakaunti lamang ang datos tungkol sa pambubulas sa Pilipinas. Marahil ito ay dahil na rin sa pananaw na ang pambubulas tulad na rin ng pag-aaway, ay normal lamang sa mga kabataang mag-aaral. Ang pambubulas ay isang uri ng agresyon ngunit isang mas malupit na uri ng agresyon sapagkat ito ay paulit-ulit na ginagawa sa isang biktimang karaniwang nag-iisa, mas nakababata, mas mahina ang pangangatawan at kumpiyansa sa sarili. (Smith and Morita 1991 hango sa PLAN Philippines, 2008) Sa pambubulas ay maaring pisikal o pasalita ang pamamaraang ginamit bagamat kadalasan ay pasalita ang ginagamit
201

na paraan sa mga paaralan. Higt na marami sa mga lalaki ang nakararanas ng pisikal na pambubulas habang mas karaniwang ang mga babae naman ay nakararanas ng di-tuwiran o pambubulas na may kinalaman sa pakikipag-ugnayan sa kapwa mag-aaral. Karaniwan ding nagiging biktima ng pambubulas ang mga bakla at tomboy sa paaralan. Ang pambubulas ay maaring ginagawa ng isang bata lamang o ng grupo ng mga mag-aaral. Ang pangbubulas ay madalas ginagawa ng isang organisasyon o fraternity o pangkat na kinikilala o popular sa paaralan sa kapwa mag-aaral kung nasa labas na ng paaralan. Ang ilan sa karaniwang paraan ng pambubulas na ginagawa sa paaralan ay ang pananakot, pangingikil, at pananakot sa pamamagitan ng armas tulad ng patalim. Ayon sa mga kabataan ang mga salitang maaaring iugnay sa pambubulas ay ang pang-aasar o pang-iinis, pagiging astig at pananakit. Ang mga Gang at Fraternity Sa resulta ng pag-aaral na isinagawa para sa PLAN Philippines, tinalakay ang pag-aaral na ginawa ni Palcon (1992) sa mga mataas na paaralan sa lungsod. Ayon sa pag-aaral ni Palcon, ang mga batang hindi napapansin o hindi nakakukuha ng matataas na marka o minamaliit ng guro ang kakayahan ay karaniwang nagbubuo ng isang pangkat na kumikilos na may iisang pagkakakilanlan. Maaring magbuo sila ng grupong tulad ng Otso Kabaong, Trese Hudas, Tropang Alega Gang, Ten Pick Up Boys o fraternity tulad ng AKHRO, SRB at Tau Gamma. Maaring upang ipakilala ang pangkat sila ay may iisang istilo ng pananamit, sekretong paraan ng pagsulat o pananalita, may marka o tattoo sa katawan. Upang suportahan ang mga gawain ng grupo at ang mga pangangailangan ng miyembro nito sila ay nangangalap ng pondo. Karaniwang ito ay mula sa pangingikil o maari ding ambag mula sa mga kasapi o membership fee na sapilitang sinisingil sa mga kasapi nito. Karaniwang bahagi na ang karahasan sa pagpapakilala ng mga grupong ito. Kadalasay nasasangkot ang ganitong mga pangkat sa gulo (rumble) bunga nang pakikipagtunggalian sa karibal na grupo. Madalas, dahil sa pagkakasangkot sa mga ganitong grupo ang isang mag-aaral ay napipilitang umalis sa paaralan o mag drop-out dahil sa takot sa kalabang gang o maging sa kinabibilangang grupo. Karaniwan din na ang mga gawain ng ganitong mga gang ay hindi nakabubuti sa kasapi tulad ng pag-inom ng alak, paggamit ng droga, pagsusugal, at pagliban o pag-alis sa oras ng klase upang ipakita ang pakikisama sa grupo. Tulad din ng mga lehitimong fraternity na kinikilala ng pamunuan sa ilang unibersidad, ang ganitong mga gang o grupo ay mayroong mga initiation rites na karaniwan ay labag sa Anti-Hazing Law o Republic Act 8049. Ayon sa batas na ito ang hazing ay isang ritwal o seremonya kung saan ay sinusubok ang isang nais maging miyembro upang matanggap siya sa fraternity o
202

sorority o organisasyon sa pamamagitan ng paglalagay sa kanya sa isang nakakahiya o nakalilibak na sitwasyon tulad ng pagpapagawa sa kanya ng kakatwa o nakatatawa o gawaing nakababa ng pagkatao o pagsasailalim sa kanya sa pisikal o mental na paghihirap o pananakit. Ang pang-aabusong sekswal bilang bahagi ng hazing ay pinarurusahan din ng batas na ito. Nakalulungkot na ang batas na ito ay nakasasakop lamang sa mga lehitimo o kinikilalang fraternity at sorority. Ang pagbubuo ng mga fraternity at sorority sa mga paaralang elementarya at sekondarya ay mahigpit na ipinagbabawal ng Kagawaran ng Edukasyon alinsunod sa DepEd Order No. 20 s. 1991. Mga Pamamaraan Upang Maiwasan ang Karahasan sa Paaralan Ang layunin ng ibat ibang pamamaraan na nabuo bunga ng mga pag-aaral sa ibang bansa pangunahin na ang Estados Unidos, ay pigilan ang pagkakaroon ng karahasan sa paaralan. May apat na antas kung saan maaring pakilusin ang programa laban sa karahasan sa paaralan: sa lipunan, sa paaralan, sa tahanan, at sa indibidwal. Ang mga pamamaraan sa antas na panlipunan ay nakatuon sa sosyal at kultural na pagbabago dito upang mabawasan ang karahasan saan man ito nagaganap. Halimbawa ay ang regulasyon ng media upang mabawasan ang pagpapalabas at paglalathala ng karahasan dito, ang paghuhubog ng mga pamantayang sosyal, pagbabago sa sistema ng edukasyon. Ang mga programa sa antas na ito ay nangangailangan ng mahabang panahon at higit na mahirap ipatupad kaysa sa alinmang antas. Ang programa sa antas na pampaaralan ay nakadisenyo upang baguhin ang mga kalagayan sa paaralan na kaugnay ng karahasan. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagsasaayos at pagkakaroon ng sistema sa loob ng klase, cooperative learning at wasto at sapat na pamamatnubay ng mga guro sa mga mag-aaral. Sa mga paaralang elementarya ang pamamaraan o istratehiyang tinawag na Good Behavior Game ay nakatutulong upang mabawasan ang pagkaantala ng klase at magkaroon ng mabuting interaksyon sa loob ng klase. Nakatutulong naman ang Second Step Curriculum upang sanayin ang mga mag-aaral sa ikalawa at ikatlong baitang na magkaroon ng pagpipigil sa sarili at emphaty upang mabawasan ang agresyon sa kanilang pagkilos at pakikitungo sa kapwa mag-aaral. Karamihan ng mga programa sa paaralan upang mabawasan o mawala ang karahasan ay nakatuon sa pagsugpo sa pambubulas sa loob ng paaralan. Gayun pa man napatunayan pa rin
203

na higit na mabisa ang mga programa na kaugnay ng pagpapalakas ng ugnayan sa pamilya at mga programang nakapagpapataas ng kasanayang sosyal at akademik ng mga kabataang nanganganib bumagsak o umalis sa paaralan. Sa makatwid ang mga estratehiya at programa sa antas na pantahanan at indibidwal ay mas dapat na bigyan ng tuon. Pagtalakay sa Binasang Sanaysay: Panuto: Punan ang sumusunod na Tick-Tack-Toe Graphic Organizer. Sa bawat kuwadrado ay isulat ang mga maliliit na paksa at ang mga detalye kaugnay nito. Iuulat ito sa klase. Paksa: __________________________________________________________________

204

PAGHINUHA NG KAKAILANGANIN SA PAG-UNAWA (EU)

Gamit ang E-chart ay hayaan ang mga mag-aaral na buuin ang kinakailangan sa pang-unawa. Panuto : Batay sa ating naging mga pag-aaral tungkol sa karahasan sa paaralan, sasagutin natin ngayon ang mahalagang tanong.

Mahalagang Tanong: Bakit suliranin sa pakikipagkapwa ang karahasan sa paaralan? Isulat ang mga detalye na sumusuporta sa kinakailangan sa pag-unawa sa mga guhit sa letrang E. Isulat ang kinakailangan sa pag-unawa sa guhit sa kaliwang bahagi.

D. PAGGANAP, PAGNINILAY AT PAGSASABUHAY (TRANSFER)

Sa pamamagitan ng awiting LUPA ay pagninilayan nga mga mag-aaral ang kanilang tungkulin na mahalin ang kapwa. Sa kanilang reflection paper dapat na maiugnay nila ang tungkulin na ito sa pagpigil o paglutas sa isyu ng karahasan sa paaralan. Sa huliy inaasahang matataya nila ang lawak ng suliranin sa karahasan sa sarili nilang paaralan at makagagawa ng isang plano ng pagkilos upang matugunan ito.

205

Pagninilay 17. Iparirinig sa mga mag-aaral ang awiting Lupa. Hayaan nilang pagnilayan ang mga linya nito. Magpagawa ng isang reflection paper tungkol sa awit. Dapat na ito ay maiugnay nila sa paksang pinag-aaralan o sa mga karahasang nagaganap sa paaralan.

Lupa
Nagmula Sa Lupa, magbabalik Na Kusa ang Buhay Mong Sa Lupa Nagmula Bago Mo Linisin ang Dungis Ng 'yong Kapwa hugasan Ang 'yong Putik Sa Mukha Kung Ano Ang 'di Mo Gusto huwag Gawin Sa Iba Hung Ano Ang 'yong Inutang ay S'ya Ring Kabayaran Sa Mundo Ang Buhay ay Mayroong Hangganan dahil Ay Lupa Lamang kaya't Pilitin Mong Ika'y Magbago habang May Panahon Ika'y Magbago pagmamahal Sa Kapwa Ay Isipin Mo kung Ano Ang 'di Mo Gusto huwag Gawin Sa Iba kung Ano Ang 'yong Inutang ay S'ya Ring Kabayaran sa Mundo Ang Buhay ay Mayroong Hangganan dahil Ay Lupa Lamang sa Mundo Ang Buhay ay Mayroong Hangganan dahil Ay Lupa Lamang
206

kaya't Pilitin Mong Ika'y Magbago habang May Panahon Ika'y Magbago pagmamahal Sa Kapwa Ay Isipin Mo kaya't Pilitin Mong Ika'y Magbago habang May Panahon Ika'y Magbago pagmamahal Sa Kapwa Ay Isipin Mo

Pagsasabuhay 18. Magsasagawa ng sarbey tungkol sa karahasan na nagaganap sa paaralan. (Maari itong gawing isang pangkatang gawain)

Pamamaraan : Ang mga mag-aaral ay maglalagay ng isang lamesa sa bulwagan (lobby) o sa kantina ng paaralan. Ang unang isang daang mag-aaral ang kanyang magiging respondent. Bibigyan ang mga respondent ng isang papel at doon ipalilista ang sumusunod : Mga Karahasang Nakikita sa Paaralan (Magtala ng sampu mula sa pinakamalupit) Mga Karahasang Personal na Naranasan/Nararanasan (Ilarawan ito) Sino ang Karaniwang Biktima ? Ilarawan siya/sila Saan ito karaniwang nangyayari ?

19. Lalagumin at susuriin ng mga mag-aaral ang mga naging resulta ng sarbey. 20. Batay sa resulta ng pagsusuri ay gagawa ang mga mag-aaral ng isang plano ng pagkilos upang matugunan ang suliranin sa karahasan sa paaralan. Panuto : Punan ang mga hanay upang mabuo ang inyong plano ng pagkilos laban sa karahasan sa paaralan. Anu-ano ang mga isyu o suliranin kaugnay ng karahasan ang dapat na matugunan? Ano ang maaring maging pinakamalaking balakid upang ito malutas? Anu-anong mga estratehiya o pamamaraan ang ginagamit sa iyong paaralan? Sa anong taon? Anu-ano ang mga hakbang na maari mong/ninyong isagawa upang matugunan ang suliranin sa karahasan
207

Kailan ito maaring maisagawa? Sinu-sino ang magsasagawa nito? Anu-ano ang mga kakailanganin sa

sa paaralan?

pagsasagawa nito?

Mga Sanggunian : Essay on High School Hazing ; Extracted from http://www.academon.com/Essay-High-School-Hazing/52290 Lardizabal-Dado, Noemi ; Childhood and Adolescent Suicide Deaths in the Philippines ; Extracted from http://aboutmyrecovery.com/2007/11/08/children-andadolescent-suicide/ October 15, 2010 School Violence ; Last Modified on October 13, 2010 ; Extracted from http://en.wikipedia.org/wiki/School_violence October 15, 2010 Posted By Hank Newer ; Hazing Deaths and Abuse in the Philippines by Maricar Cinco, Inquirer Southern Luzon ; Extracted from http://philippineshazing.blogspot.com/ October 15, 2010 Philippines Towards a Child-Friendly Education Environment ; Published February, 2009 ; PLAN Philippines ; Extracted from http://planinternational.org/learnwithoutfear/resources/publications/philippines-report?set_language=en Ocotber 15, 2010
Aralin 2: Maling Pananaw Kaugnay ng Bilang ng araw/sesyon: 4-5 Sekswalidad Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang Pamantayan sa Pagganap: Nakapagpapahayag ang mag-aaral ng kanyang pag-unawa sa mga isyu at suliraning kaugnay ng pakikipagkapwa: panig tungkol sa isyu ng mga paglabag sa pakikipagkapwa sa pamamagitan ng pagsulat ng blog sa isang social network site Mga Paksa: 1. Karahasan, Paghihiganti at Pagkamuhi Ang mga kakailanganing gawain sa bawat aralin ay: 2. Maling Pananaw Kaugnay ng Sekswalidad - Pornograpiya 1. Nakagagawa ng plano ng pagkilos upang tugunan ang isyu sa karahasan sa - Pre-marital Sex paaralan at naisasagawa ito - Mga Bulgar at Malaswang Pag-uusap 2. Nakapagsasagawa ng isang information campaign tungkol sa mga pinsalang 3. Pagsisinungaling dulot ng mga maling pananaw sa sekswalidad sa pamamagitan ng 4. Mga Negatibong Epekto ng Peer Pressure pamamahagi ng mga babasahin sa mga kapwa mag-aaral - Paninigarilyo 3. Nakagagawa ng resolusyon ng pagbabago - Pag-inom ng alak 4. Nakagagawa ng isang plano ng pagkilos upang harapin ang negatibong peer - Paggamit ng bawal na gamot pressure at naisasagawa ito Kakailanganin sa Pag-unawa sa Ikaapat na Markahan: Ang pag- Mahalagang Tanong sa Ikaapat na Markahan: Bakit kailangang magkaroon ng unawa sa mga paglabag sa pakikipagkapwa ay nakatutulong sa kaalaman sa ibat-ibang mga isyu kaugnay ng pakikipagkapwa-tao? paggamit ng kalayaan tungo sa paggalang ng dignidad ng sarili at 208 Ikaapat na Markahan: Ang Mga Isyu at Suliraning Kaugnay ng Pakikipagkapwa

kapwa. Kakailanganin sa Pag-unawa sa Aralin 2: Ang paggalang sa sekswalidad ng tao ay naipakikita ng kabataang marunong gumalang sa sarili at katapat na kasarian, pag-iwas sa malalaswang gawain, pagsunod sa mga payo ng mga magulang at pagsasabuhay ng birtud ng pagtitimpi (temperance) Nauunawaan ng mag-aaral ang: (Mga Kaalaman) Mga mga masasamang epekto ng: Mahalagang Tanong sa Aralin 2: Bakit suliranin sa pakikipagkapwa ang maling pananaw kaugnay ng sekswalidad ?

Ang mag-aaral ay: (Mga Kasanayan)

a. Nakagagawa ng sintesis ng mga natalakay b. Nakapagtatala ng mga di kanais-nais na pakikitungo sa katapat na kasarian dahil sa kamangmangan sa pagkakaiba ng lalaki at babae - Pornograpiya c. Nakapag-uulat tungkol sa binasang sanaysay gamit ang graphic organizer - Pre-marital Sex d. Nakatutukoy ang kahulugan ng mga simbulong naglalarawan sa lalaki at babae - Mga Bulgar at Malaswang Pag-uusap e. Nakatutukoy sa mga kabaliktaran ng mga positibong pananaw sa sekswalidad na napapaloob sa babasahin Mga maling pananaw sa sekswalidad at ang pananaw ng lipunan f. Nakapagsasagawa ng pantominang pagganap na nagpapakita ng pagkakaiba tungkol dito ng lalaki at babae g. Nakapagsasagawa ng isang information campaign sa pamamagitan ng Mga tamang pananaw sa sekswalidad pamamahagi ng mga babasahin sa mga kapwa mag-aaral h. Nakakagawa ng tseklist ng mga dapat gawin/iwasan upang mapanatili ang kalinisang puri i. Nakapaglalahad ng damdamin tungkol sa prinsipyo na ang tunay na pag-ibig ay nakapaghihintay j. Nakapagsusuri ng isang kaso ng pakikipag deyt k. Nilalagay sa sarili sa sitwasyon ng isang asawang marami nang nakasiping ang kabiyak bago ito ikasal l. Nakapagsusuri at nakapagtataya ng mga katangiang pambabae/panlalaki Antas 2 Mga Patunay sa Antas ng Inaasahang Pagganap: Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa: Pagganap: Nakapagsasagawa ng Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: isang information campaign Pagpapaliwanag tungkol sa mga pinsalang 1.Nakikita ang pagkakaisa at Nakabubuo ng sintesis tungkol sa halaga ng paggalang sa sekswalidad ng tao dulot ng mga maling pagtutulungan ng grupo ng mga Kraytirya pananaw sa sekswalidad sa mag-aaral na bumubuo ng - Malinaw ang nabuong sintesis pamamagitan ng programa - Bumanggit ng mga katunayang magpapatatag ng paliwanag pamamahagi ng mga 209

babasahin sa mga kapwa mag-aaral

Interpretasyon Nabibigyang-kahulugan ang paglalarawan ng angkop na kilos ng kabataang babae at lalaki Kraytirya: - Malinaw ang pagbibigay-kahulugan - Obhektibo ang pagbibigay-kahulugan sa bawat paglalarawan Paglalapat Nakagagawa ng information campaign na naglalaman ng halaga ng paggalang sa sekswalidad ng tao Kraytirya: - Naipakikita ng malinaw ang pagkakaiba ng lalaki at babae - Nakapagpapakita ng mga angkop na kilos ng kabataang babae at lalaki Pagbuo ng sariling pananaw Paglalahad ng pananaw tungkol sa prinsipyo na ang tunay na pag-ibig ay nakapaghihintay Kraytirya: - Maayos ang pananaw na ibinigay - Nakapagbibigay ng mga konkretong halimbawa Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba Pagbabahagi ng saloobin tungkol sa pakikipag-date sa katapat na kasarian Kraytirya: - Malayang naibahagi ang sariling saloobin - Naipahayag ang mga pagpapahalagang dapat taglay kung sakaling papayag makipag-date o sa mga sumasama sa date Pagkilala sa Sarili Pagsusuri ng sariling pagpapahahalaga sa sekswalidad Kraytirya - Tapat sa paglalarawan sa sariling pagpapahalaga sa sekswalidad Nilakipan ng pagninilay

2.Nagpapamalas ng aktibong pagkatuto ang mga nakikilahok sa gawaing ito 3. Naipaliliwanag ng malinaw at nakapagbibigay ng mga konkretong halimbawa kung paano epektibong hinaharap ang mga paglabag sa pakikipagkapwa gamit ang mga kaugnay na birtud at pagpapahalaga 4. Namamahagi ng mga brochures na nagpapaliwanag sa ibat ibang birtud at pagpapahalaga na makatutulong upang harapin ang mga paglabag kaugnay ng pakikipagkapwa

210

Antas 3 Plano ng Pagtuturo-Pagkatuto: ARALIN 2: Maling Pananaw Kaugnay ng Sekswalidad B. PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE)

Sa bahaging ito ay tatayain ng guro ang dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa mga maling pananaw sa sekswalidad. Sisikapin din niya na mapalabas ang mga nalalaman nang mga ito batay sa kanilang karanasan. Pupukuwin niya ang interes ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga pangaganyak at mga gawaing angkop sa kanilang kakayahan at karanasan. Inaasahang ang mga mag-aaral ay A makapagbibigay-kahulugan, makagpapaliwanag, at maipakikita ang pagkilala nila sa kanilang sarili.

Dahil maselang paksa ang tatalakayin, kailangang ihanda muna ang mga kabataang makikibahagi sa mga gawain at talakayan sa pamamagitan ng pagbabalik-aral sa kanilang mga natutuhan sa pagkakaiba ng lalaki at babae at gayundin ang paglillinaw sa kahulugan ng sekswalidad. At saka pa lamang babanggitin sa huli ang tungkol sa mga maling pananaw sa sekswalidad. Gayon pa man mahalagang maitanong sa puntong ito ang mahalagang tanong upang masukat ang lawak ng kaalaman ng mag-aaral sa mga maling pananaw sa sekswalidad. Pagsisiyasat

1. Ipakita sa mag-aaral ang mga sumusunod na simbolo. (Pagbibigay-kahulugan)

211

Hiniram mula sa: images.search.yahoo.com/search/images 2. Itanong Ano ang kahulugan ng mga sumusunod na paglalarawan o simbulo? Ipaliwanag. Bakit ito ang mga ginamit na simbulo para sa lalaki at babae? Pangatwiranan. Ano ang sekswalidad? Ano ang pagkakaiba ng sekswalidad sa kasarian o gender?

3. Pantominang pagganap: Hingin sa mag-aaral na gampanan ang pagkakaiba sa asal o kilos ng lalaki at babae sa alinman sa mga sumusunod na sitwasyon. (Paglalapat) Sa isang pagtitipon Habang nanonood ng basketball Habang naghihintay ng sasakyan Habang nakikipaglibing sa malapit na kamag-anak Labis na nasaktan ang damdamin dahil sa pagkabigo Sa pagpili ng mga gawain o trabaho Sa loob ng simbahan Kapag nakikipagtalo Sa oras ng kalamidad 4. Paghahanay ng mga katangian ng babae at lalaki: Sa pisara ay gumawa ng dalawang hanay, isulat sa itaas ng unang hanay Mga Katangiang panlalaki, at sa ikalawang hanay Mga katangiang pambabae. Pabayaan ang mga mag-aaral na isulat ang sa kanilang palagay ay ibat ibang katangian ng mga lalaki at mga babae. Bigyan sila ng 15 minuto. 212

5. Pagsusuri: Matapos nito ay ipasuri sa kanila ang kanilang ginawa . Hayaang tayain ng mga babae ang nakasulat sa ikalawang hanay at ng mga lalaki ang sa una. Hayaan ang mga mag-aaral na ilipat o alisin ang mga hindi angkop sa hanay. (Pagkilala sa sarili) 6. Sintesis: Gagabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pagtukoy ng: (Pagpapaliwanag) Mga aspeto ng sekswalidad Pagkakaiba ng asal ng mga lalaki at babae Kahulugan ng sekswalidad 7. Pagninilay: Pamumunuan ng guro ang mga mag-aaral sa pagtatala at pagninilay sa mga di-kanais nais na pakikitungo sa katapat na kasarian dahil sa kamangmangan sa pagkakaiba ng lalaki at babae. (Pagpapaliwanag) Mga gabay na tanong: Magbigay ng halimbawa ng mga di-kanais nais na pakikitungo sa katapat na kasarian. Ipaliwanag. Ano kaya ang dahilan ng maling pakikitungo na ito? Paano makatutulong ang inyong bagong kaalaman upang ituwid ang mga di-kanais nais na pakikitungo sa katapat na kasarian? Anu-ano ang mga nagiging suliranin ninyo bilang kabataan sa pakikitungo sa katapat na kasarian? Bakit kaya tayo nagkakaroon ng ganitong mga suliranin?) Paano natin malulutas ang mga suliraning ito?

C.

Mga Karanasan Tungo sa Pag-unawa (FIRM-UP)

Sa pamamagitan ng ibat ibang Gawain ay hihikayatin ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanilang sariling pakikitungo sa katapat na kasarian. Gayon din ay susuriiin ang ibat ibang maling pananaw sa sekswalidad at ang katapat na tamang pananaw dito. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng isang kaso ay magagamit ng mga mag-aaral ang kanilang mga natutunan sa mga babasahing ipinabasa sa kanila. Sa isang pagpaparanas ay makikilala ng mga mag-aaral ang maaring maging damdamin ng kabiyak ng isang babae o lalaki na maraming naging ugnayang sekswal bago pa man ito ikasal.

1. Ipapabasa sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na babasahin mula sa Pro-Life Philippines (Pilar et. al., 2005): Ako ay isang responsableng babae Ako ay isang responsableng lalaki 213

1. Ang aking mga halik ay di-hamak na mas matimbang kaysa anumang parti o sine. 2. Ang aking katawan ay templo ng Diyos at hindi isang laruan. 3. Ang unang AYAW KO ay mahirap ngunit ang mga susunod ay madali na. 4. Ang pagkabirhen ay isang kanais-nais na katangian at halaga pa rin. Ang kahalayan ay kasalanang capital pa rin. 5. Ang aking pananamit, pagkilos, at pananalita ay maaring magsilbing tukso sa aking kasintahan. Ako ay magiging mabini para sa aming proteksyon. 6. Malaki na ang nagawa ng aking mga magulang para sa akin, nais kong lagi nila akong ikapuri. 7. Ang nobyo ko ay magiging asawa at ama balang araw. Kailangan siyang maging bayani sa mata ng kanyang asawa at mga anak. Hindi ako gagawa ng anumang bagay sa amng pagtatagpo na hahadlang sa katuparan niyon. 8. Gusto kong maging isang ina at asawa. Ilalaan ko ang aking puri at dadamdamin para sa aking magiging asawat anak. 9. Kung sakali, dahil sa aking kahinaan, akoy magdalantao, hindi ko pipiliin ang madaling solusyon sa aking problema ang pagpapalaglag ng aking di pa isinisilang na anak.

1. Pinagkakatiwalaan ako ng mga magulang ng aking kasintahan at nang aking mga magulang. Hindi ko ito sisirain. 2. Igagalang ko ang aking nobya katulad ng pag-asa kong igagalang ng ibang lalaki ang aking kapatid na babae. 3. Igagalang ko ang pagkababae niya dahil ang aking ina ay isang babae. Hindi ko hihilingin sa aking nobya na gumawa ng mga bagay na ikahihiya kong malaman ng aking ina. 4. Ikinararangal at ikinalulugod kong makasama ang aking nobya. Isang pagkakamali ang umasa nang higit pa bilang kabayaran sa pagtatagpong ito. 5. Balang araw magiging isang ina at asawa ang aking nobya. Dapat syang magsilbing halimbawa sa kanyang mga anak at maipagmalaki ng kanyang asawa. Tutulungan ko syang maging malinis ang puso at maging disente gaya ng gusto ko sa mapapangasawa ko. 6. Ang pagkalalaki ay nangangahulugan ng lakas ng karakter gayon din ng katawan. Isang kahinaan ang kakulangan ng pagpipigil sa sarili. Gusto kong malaman ng aking kasintahan na akoy tunay na lalaki. 7. Ang Panginoong Diyos ay nasa lahat ng lugar, nakikita ng lahat, at alam ng lahat. Maaring itago ako ng kadiliman ngunit hindi ako maitatago nito sa Diyos. 8. Kung dahil sa aking kakulangan ng control sa sarili ay mabuntis ko sya, hindi ko pipiliting magpalaglag ng aming di pa isinisilang na anak.

2. Pagtatalakay (FU: Interpretasyon) a. Anu-anong mga positibong pananaw sa pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian ang ipinakikita sa mga babasahin? b. Anu-anong mga maling pananaw sa sekswalidad ang kabaliktaran ng mga positibong pananaw na napapaloob sa babasahin? c. Magbigay ng iba pang mga halimbawa ng maling pananaw sa sekswalidad na hindi nabanggit. Maglahad ng mga sitwasyong nagpapakita nito. d. Magbigay ng mga posibleng dahilan ng mga maling pananaw na ito. Ipaliwanag. 3. Gawaing Pangkatan (FU:Pagpapaliwanag) Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Bawat pangkat ay bibigyan ng isa sa mga sumusunod na babasahin (Appendix A): Ang Impluwensya ng Mass Media sa Sekswal na Aktitud at Asal ng mga Kabataan Ang pagkakaiba ng Sekswalidad ng Tao sa Sekswalidad ng Hayop Pornograpiya 214

Bigyan ng 20 minuto ang mga mag-aaral upang basahin ang mga sanaysay at maghanda sa pag-uulat nito sa klase. Gamit ang iba't ibang graphic organizer, ipaulat ang mahahalagang konsepto na natutunan dito sa klase. Panuto: Punan ng mga mahahalagang konsepto na mababasa sa sanaysay ang mga kahon at bilog. a. Brainstorming Web

PAKSA

a. Sequencing

215

b. Concept Wheel

PAKSA

4. Pagsusuri ng isang kaso (FU: Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng Iba) Si Ruben ay lihim na nahihilig sa panooring pornograpiya. Lingid din ito sa kaalaman ng kanyang kasintahang si Gigi. Habang nalulong si Ruben sa pornograpiya ay tumitindi rin ang kanyang pagnanais na makipagtalik kay Gigi. Si Gigi at Ruben ay di lamang minsan nang nagkoroon ng pisikal na pagpapahayag ng kanilang damdamin sa isat isa ngunit hindi ito humahantong sa pakikipagtalik. Napapansin ni Gigi na wariy nagiiba na ang pakikitungo sa kanya ni Ruben. Madalas ay nagagalit ito kung hindi pumapayag si Gigi na makipagtagpo at pumunta sa isang tahimik at madilim na lugar na maari silang magkasarinlan. Ibig din ito ni Gigi ngunit hindi sa dahilang tulad nang kay Ruben. Alam ni Gigi na mahalaga ang komunikasyon sa isang relasyon. Ngunit bihira naman silang mag-usap nito kahit magkasarinlan. Madalas hilingin ni Ruben na tuluyan na silang magtalik upang maipahayag ang kanilang pag-ibig sa isat isa ngunit nagdadalawang isip si Gigi. Iba naman ang sitwasyon ni Ramon. May kasintahan din si Ramon si Venus. Kakaiba si Venus sa ibang babaeng kilala nya. Bukod sa 216

mahilig ito sa mga kasuotang maiikli at masisikip, hindi rin ito nahihiyang magpakita nang kanyang damdamin sa pisikal na paraan. Busog si Ramon sa pangaral ng magulang tungkol sa halaga ng edukasyon at mga paghihirap sa maagang pag-aasawa. Ayaw ni Ramon na mapariwara si Venus o humantong sila sa maagang pag-aasawa, ngunit sadyang naiibigan nya ang ugnayan nya kay Venus. Madalas siyay nalilito, nais nga ba ni Venus ang ugnayang pisikal?. Mga Gabay na Tanong: 4.1 Ano ang iyong masasabi sa sitwasyong kinalalagyan ni Gigi sa pakikipag deyt kay Ruben? Sa sitwasyon ni Ramon? 4.2 Sa inyong palagay tunay bang mahal ni Ruben si Gigi? Ni Ramon si Venus? 4.3 Kung pumayag si Gigi sa hiling ni Ruben, ibig ba nitong sabihin ay mahal nya si Ruben? 4.4 Kung papayag si Gigi, ano ang mga maaring maging kahahantungan nito? 4.5 Bakit dapat tumanggi si Gigi sa hiling ni Ruben? Bakit dapat pigilan ni Ramon ang simbuyo ng damdamin? 4.6 Kung ikaw si Gigi, paano ka tatanggi sa mga sumusunod? a. Kung mahal mo ako. ayos lang ang gagawin natin. b. Wala ka bang tiwala sa akin? c. Sa panahon ngayon, wala nang naghihintay ng pagpapakasal d. Lahat ay gumagawa nito. e. Kung talagang mahal mo ako, papayag ka. f. Abnormal ka ba o ano? 4.7 Kung ikaw si Ramon paano ka tatanggi sa mga sumusunod? a. Patunayan mong lalaki ka. b. Bakla ka ba? 5. Pagtatalakay: Kalinisang Puri (FU: Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng Iba) Gawain: Pumili ng apat na pares ng mga mag-aaral. Lalaki at babae. Pangkatin ang natitirang mga babae sa dalawa. Pangkatin ang natitirang lalaki sa dalawa. Papilahin ang bawat pangkat sa tapat ng apat na pares ng babae at lalaki. Maglalabas ang guro ng apat na baso ng fruit juice. Ibibigay ang mga baso sa mga mag-aaral sa dulo ng pila. Ibigay ang instruksyon. Ang mag-aaral sa pinakadulo ng linya ( 2 babae at 2 lalaki) ay iinom ng kaunti ng juice sa baso. Ipapasa ito sa susunod at iinom din ng kaunti. Ipapasa ito sa mga susunod pa na iinom din ng kaunti, hanggang makarating sa pares na nasa unahan. Kung mga babae ang nakapila, ang babae sa pares ang iinom ng natirang juice. Kung lalaki naman ay ang lalaki ang iinom.

217

Obserbahan ang reaksyon ng mga mag-aaral sa panutong ito. (Maaring maraming pagtutol at pagrereklamo ang maririnig.) Matapos ang ilang minuto ay paupuin na ang mga mag-aaral. (Hindi kailangang ang gawain ay tunay na isagawa.) Itanong: a. Para sa mga mag-aaral na siya sanang iinom ng lahat ng tirang juice sa baso: Ano ang naging damdamin mo nang malaman mo ang nakatakdang ipagawa sa iyo? Bakit ito ang iyong naramdaman? b. Para sa lahat ng mag-aaral? Bakit sa palagay ninyo hindi natin tuluyang isinagawa ang gawaing ito? Kung iuugnay ito sa pag-aasawa at kalinisang puri, paano mo ito ipaliliwanag? Maaaring paliwanag: Ang mga naunang uminom sa iisang baso ng juice ay ang mga lalaki o babaeng unang nagkaroon ng relasyong sekswal sa may asawa. Ang huling uminom dito ang kanyang naging kabiyak. Ano ang maaring maging implikasyon ng gawaing ito sa iyong desisyon tungkol sa kalinisang puri? Pangatwiranan.

Dugtungan ang mga sumusunod : (Pagbuo ng sariling pananaw) o o o Ang kalinisang puri ay ang... Ang kalinisang puri ay kalayaan upang... Ang kalinisang puri ay kalayaan upang maiwasan ang... Mga Maaring Tugon o o Ang kalinisang puri ay ang... Pagiging matapat sa iyong buhay sekswal. Kung ikaw ay binata o dalaga pa, umiwas na gumawa ng pre-marital sex. Kung ikaw ay may asawa na, ito ay ang pagiging totoo at tapat sa iyong asawa. Pagiging makatarungan na nangangahulugang hindi mo sinasamantala o ginagamit ang iba Pagiging bukas-palad. Ibig sabihin, kahandaang ibigay ang sarili sa kapakanan ng kabiyak para sa may asawa Pagtitimpi sa sarili. Kayang ipagpaliban ang pagbibigay kasiyahan sa pagnanasa o simbuyo ng damdamin Kadalisayan ng pag-iisip at mga hangarin Ang kalinisang puri ay kalayaan upang... Makipagkaibigan Tumulong sa iba Maintindihan ang seks 218

o -

Makayanang labanan ang tukso Planuhin ang kinabukasan Higit na maging mature Kalayaan para maiwasan ang... Madaliang pagpapakasal Pagbubuntis Pagpapasyang ipaampon ang anak Pagpapasyang magpalaglag Mga sakit na dulot ng pagkakabagabag ng kasalanan Mga STD Kanser sa cervix Mga pagsasanib ng kontraseptibo Pagkabaog dahil sa sariling kagagawan Pagkawala ng reputasyon Pagturing bilang isang gamit Pagkasira ng kinabukasan

D.

Pagpapalalim (DEEPEN)

(FU:Pagpapaliwanag)

Sa pamamagitan ng isang sanaysay ay palalalimin ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa ibat ibang maling pananaw sa sekswalidad, ang mga epektong dulot nito sa sarili, kapwa at sa lipunan. Dito tatalakayin din ang mga tamang pananaw sa sekswalidad. Sa pamamagitan ng isang graphic organizer ay gagawa ang mga mag-aaral ng paglalagom tungkol sa mga tinalakay. Sasagutin ng mga ito ang mahalagang katanungan.
MGA MALING PANANAW SA SEKSWALIDAD Taong 2009, sa isang pampublikong paaralan sa Metro Manila tatlong kabataang lalaki na nasa ikatlong taon ang inaresto ng mga pulis sa kasong panghahalay sa isa nilang kamag-aral na babae. Matibay ang katibayan laban sa mga kabataang ito sapagkat sila mismo ang kumuha ng video 219

sa pamamagitan ng cellphone ng ginawa nilang krimen. Ang naturang kamag-aral daw ay halinhinang hinalay matapos itong painumin ng alak at malasing. Nang sumunod na araw ay ipinadala at ipinalaganap ng mga kabataang ito ang video sa mga kamag-aral nilang mayroon ding cellphone at tinawag nila itong NNHS scandal. Nakalulungkot at kahambal-hambal ang nagawang krimen ng mga mag-aaral na ito. Ngunit ang higit na nakalulungkot ay ang kawalan nila ng tunay na pagsisisi at ang wari bay pangungunsinti ng kanilang mga magulang. Ayon sa kanila, hindi panghahalay ang kanilang ginawa sapagkat kusang nagpunta ang biktima sa bahay ng isa sa mga nanghalay at kusa rin itong uminom ng alak na sya niyang ikinalasing. Ang totoo ay pagyurak sa dignidad ng tao ang naganap sa magkabilang panig. Ang kabataang babae ay itinuring na isang gamit na pinaglaruan lamang. Ang mga kabataang nagsagawa ng krimen ay animo mga hayop na nagpadala sa simbuyo ng laman. Ang mga kabataang lalaking ito ay nagpapaalipin sa maling pananaw sa sekswalidad. Madaling sisihin ang pornograpiya o malalaswang babasahin o palabas sa mga maling pananaw na ito. Papaano nga, ang karamihann ng mga kabataan ngayon ay natututo tungkol sa sekswalidad sa kanilang mga kabarkada, mga palabas sa telebisyon, pelikula o mga babasahin sa halip na sa kanilang sari-sariling tahanan o mula sa kanila mismong mga magulang. Paano pa nga ba magagawa ng mga magulang ang kanilang tungkulin nang pagtuturo sa kanilang mga anak ng mga halaga at asal na dapat nilang matutunan, gayong silay laging abala sa paghahanap-buhay? Dili kayay sila mismo ay may mali ring pananaw sa sekswalidad. Tinedyer ka na, at tao ka, hindi ba? Mayroon kang sariling pag-iisip. Kung alam mong makasasama sa iyo ang isang bagay, gagawin mo pa rin ba? Hindi bat ikaw ay malaya? Mapanganib ang pagkakaroon ng maling pananaw tungkol sa sekswalidad. Tunay ngang walang mabuting kinahihinatnan ito. At ang pinakamalalang kahahantungan dito ay kamatayan. Maraming bunga ang maling pananaw sa sekswalidad. Nagsisimula sa hindi malusog na pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian hanggang sa pananakit sa kapwa at sa sarili. Kabilang sa mga maling pananaw na ito ay ang pagtangkilik sa pornograpiya o malalaswang babasahin at panoorin, ang paniniwala na bahagi ng pakikipagrelasyon sa katapat na kasarian ang pakikipagtalik dito kahit hindi sila kasal, ang paggamit ng malalaswang salita at mahahalay na pag-uusap, at ang paniniwalang walang mawawala sa lalaki kahit na ito ay makipagtalik sa ibat ibang babae. Pornograpiya o Malalaswang babasahin at palabas Marami nang naging pag-aaral tungkol sa masamang epekto nito sa kalusugan ng isipan, lalung-lalo na sa mga kabataan. Ano ba ang pornograpiya? Ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan o palabas) na layuning pukawin ang sekswal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa. Ayon sa mga eksperto ang epekto ng pornograpiya sa maraming tao ay nagsisimula sa mababaw hanggang sa lumala at maging sugapa na dito. Batay sa pag-aaral ni Iyoob (2008), ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay may kaugnayan sa pakikibahagi o paggawa ng mga 220

abnormal na gawaing sekswal, lalung-lalo na ang panghahalay. Kadalasang ang tema ng mga mahahalay na palabas na ito ay nakapagpapababa sa pagkatao ng mga babae. Silay sinasaktan o pinahihirapan sa karamihan nito. Wari bay kinamumuhian sila kung tratuhin sa mga palabas na ito. Ang mga kalalakihang nanonood ng palabas na malaswa ay nagkakaroon ng pagkamanhid sa pananaw nila sa mga kababaihan. Nagiging animoy mga bagay lamang ang mga ito. Nagiging mababaw din ang pagtingin nila sa kasal. Ang pinakamalala, ang panghahalay ay hindi na nila tinitingnan bilang isang krimen. Ayon pa rin kay Iyoob (2008), may mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa pagkasugapa sa pornograpiya ay nahihirapang magkaroon ng malusog na pakikipag-ugnayan sa kanyang kabiyak o asawa. Ang mga taong sugapa sa pornograpiya ay nakararanas lamang ng sekswal na kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng pornograpiya at pang-aabuso sa sarili (masturbation) at hindi sa normal na pakikipagtalik. Sa America, isa sa itinuturong nagiging dahilan ng diborsyo o paghihiwalay ang tinatawag na sexual dysfunction na kaugnay nito. Pornograpiya din ang ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha ang kanilang mga bibiktimahin. Ang pedophiles ay mga lalaki o babae na nasa hustong gulang na nagnanasa at bumubiktima sa mga bata at paslit. Nilalason nila ang isipan ng mga bata sa pamamagitan ng pornograpiya upang maging madali sa kanilang akitin ito na pumayag sa kanilang mga sekswal na pagnanais. Dagdag pa sa panganib ng pornograpiya sa internet at sa mga piniratang palabas na tinda sa mga bangketa, karamihan ng mga pelikulang drama o aksyon na ipinalalabas sa mga sinehan at sa telebisyon ay mayroong mahalay na eksena. Ito nga ang nanghihikayat sa mga kabataan na panoorin ang mga ganitong palabas. Maging sa pelikulang pampamilya tulad ng Titanic ay mayroong eksenang sekswal ang tema. Maging ang mga cartoons na palabas mula sa Hapon ay mayroong malalaswang paglalarawan sa kababaihan, halikan at mga eksenang sekswal ang nilalaman. Ang mga mahahalay na eksenang ito ay pumupukaw ng mga damdaming sekswal sa mga kabataang wala pang kahandaan para dito. Ang mga damdaming sekswal na ito ay nakalilito at labis para sa kanilang murang edad. Bukod pa dito, ayon kay Dr. Melvin Anchell, isang psychiatrist, sa edad na 8 hanggang 12 anyos ang ibang enerhiyang sekswal ng tao ay naibabaling at ginagamit sa paglinang ng damdaming pagkamahabagin na kinakailangan para makontrol ang simbuyo ng kalupitan. Ang pagkapukaw na sekswal sa murang edad na ito sa pamamagitan ng pornograpiya ay nakasisira sa paglinang ng pagkamahabagin. Kung wala ang pagiging mahabagin, ang mga kabataan ay nasusuong sa mga silakbo ng bayolenteng asal. Karamihan ng mga awitin ng mga kabataan ngayon ay nakabababa ng pananaw sa mga kababaihan at sa sekswalidad. Nakasisirang-puri rin ito para sa mga kalalakihan dahil sa ang mga awit na ito ay madalas na tungkol sa kung ano ang kanilang makukuha at hindi ang kanilang maibibigay sa pakikipag-ugnayan sa kababaihan. Maling pananaw sa pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian ang mensahe ng mga awiting ito. Habang paparami nang paparami ang mga kabataang nalululong sa pornograpiya, isang mapanganib na mensahe ang nakikintal sa kanilang 221

isipan: ang pakikipagtalik nang walang kaakibat na responsibilidad o pagmamahal. Pre-marital sex Ang pakikipagtalik o pagkakaroon ng pakikipag-ugnayang sekswal sa labas ng kasal ay may mga emosyonal at pisikal na epekto. Ang isang tinedyer ay hindi pa handa sa mga suliraning maaring kahantungan ng pre-marital sex. Kabilang na sa mga pisikal na epekto nito ang pagkakaroon ng nakahahawang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik sa ibat ibang lalaki o babae. Gayundin maaring mabuntis ang babae kung siya ay magkakaroon ng ugnayang sekswal. Isa itong kwentong hindi kanais-nais, ngunit madalas nating marinig na nangyayari maging sa ating mga kamag-aral: ang teenage pregnancy. Ayon sa pinakahuling sensus, may 16.5 milyong Pilipino ang kabilang sa grupong kinse hanggang bente kwatro anyos. Tatlumpung porsyento (30%) ng mga sangol na ipinanganganak sa bansa ay isinisilang ng grupong ito. Nakapanlulumo na napakaraming kabataan sa ngayon ang nagiging batang ina. Bago pa man sila tumuntong ng bente anyos, dalawamputlimang porsyento (25%) ng mga kabataang babae ay nagiging mga ina. Maaring sabihin natin na ang mga pagbubuntis na ito ay bunga lamang ng kapusukan ng kabataan. Kung inuna sana nila ang kanilang pag-aaral at hindi ang pakikipagrelasyon ay hindi sana sila napahamak. Kung wala sanang naganap na pre-marital sex o PMS, hindi sana mangyayari ang maagang pagbubuntis. Ngunit paghusga ba ang kailangan nila? Sa sitwasyong ito marahil ay huli na para tayo ay manumbat pa. Sapagkat dahil sa takot sa kahihiyan at mabigat na responsibilidad na kaakibat ng maagang pagbubuntis nakagagawa ang maraming kabataang babae ng isang kalunos lunos na krimen: ang pagpapalaglag o aborsyon. Ayon sa statistika, taun-taon, halos 64, 000 na mga kabataang babae ang nagpapalaglag sa ating bansa. Ang aborsyon ay illegal sa ating bansa at karamihan sa atin ay mga Kristiyanong naturingan. Ano ba ang nagtutulak sa kanila na gawin ito? Hindi kaya nila nauunawaan na sila ay kumikitil ng inosenteng buhay kung sila ay nagpapalaglag? Maraming nagiging kumplikasyon sa kalusugan ng isang babae ang pagpapalaglag. Tulad na lang halimbawa ng labis na pagdurugo dahil sa pagkasugat ng matris, pagkabaog, pagkakaroon ng kanser sa matris at sa ibay kamatayan. Isa ring pangmatagalang epekto ng pagpapalaglag ang tinatawag na post abortion syndrome o PAS. Isa itong karamdaman sa isip na maihahalintulad sa depresyon. Ngunit di tulad ng karaniwang depresyon ang sakit na ito ay di maiibsan ng gamot tulad ng anti-depressants. Sinasabing ito ay di naiiwasan; maaring dumating nang mas maaga o sa huling bahagi na ng buhay ng isang nagpalaglag o nasangkot sa prosesong ito. Karaniwan nang nagiging sugapa sa alak o droga ang mayroong PAS. Marami rin sa kanila ang nagpapapalit-palit ng karelasyon at hindi na muli pang nagkakaroon ng malusog na ugnayan o relasyon sa katapat na kasarian. Ang mga emosyonal at mental na epekto ng pre-marital sex ay nakababahala din. Ang pakikipagtalik sa unang pagkakataon para sa isang babae ay maaaring maging sanhi ng labis na emosyon at pakiramdam na siyay mahina, ayon sa sikolohistang si Joan Kinlan. Maraming kababaihan ang 222

nagsisisi matapos gawin ito na nagiging sanhi ng depresyon o labis na kalungkutan. Pakiramdam nila ay marumi sila at nagamit. Maraming mga kabataan ang hindi nakakayanan ang ganitong pakiramdam kung kayat nalululong sa alak o bawal na gamot. Mayroon ding ilan na nagtatangkang magpatiwakal. Binabagabag sila ng kanilang konsyensya at ito ay may pangmatagalang epekto. Karaniwang nahihirapan na silang magkaroon ng isang malusog na ugnayan sa kabiyak o asawa pagdating ng panahon. Ang pagkalito ay isa rin sa mga epekto ng pre-marital sex lalu na sa mga kalalakihan. Nahihirapan na silang tukuyin kung sila nga ay tunay na nagmamahal o mayroon lamang pagnanasa sa babaeng kanilang karelasyon. Ang pananaw sa sekswalidad at ang lipunan. Dahil sa tinatawag na double standard of morality sinasabing wala raw nawawala sa lalaki sa pakikipagrelasyong sekswal, sa katunayan ang pagiging aktibo sa relasyong sekswal ay tanda raw ng pagiging tunay na lalaki. Maling pananaw ito. Ang pagkalalaki ay nangangahulugan ng lakas ng karakter at gayon din ng katawan. Isang kahinaan ang kakulangan ng pagpipigil sa sarili. Hindi totoo na iba ang pamantayan sa mga lalaki at mga babae pagdating sa sekswalidad. Ang lalaki at babae ay kapwa tao na nararapat pangalagaan ang kanilang dignidad. Ang sabi ng iba kung ikay nagkaroon na ng karanasang sekswal, mahirap nang pigilan ang simbuyong nito. Ito ay isang mito o maling paniniwala. Sa isang punto ng kaguluhan ng iyong isip ay kailangan lamang ang iyong pagpapasya na talikuran na ang mga maling gawain at maling paniniwala sa sekswalidad. Kung hindi babaguhin ang landas ay maaring mahirapan nang makaahon at tuluyan ng masadlak sa pagkasira ng pagkatao. Kung nanaisin at pagsusumikapan ay maari namang magsimula muli sa isang mas matuwid na landas. Kapag nagawa mo ito, ikaw ay magkakaroon ng higit pang tiwala sa sarili, pagpapahalaga, at pagpipigil sa sarili. Paano ito gagawin? Unang-una, magdesisyong magbago. Pangalawa, lumayo sa mga tao, lugar at mga nakagawiang gawin at mga sitwasyong magpapahina sa iyong kontrol sa sarili. Pagkatapos ay subaybayan ang iyong mga asal at bilangin kung ilang beses kang bumabalik sa dati. Ihambing kung ilang beses mo nang nakayanang talikuran ang mga masamang nakagawian. Humingi ng payo para lalo pang mapatibay ang iyong kapasyahan at hingin ang biyaya ng Diyos na panatilihin kang malakas at may pananalig. Ginagawa tayong alipin ng iba o mas malala pa ng ating simbuyo, takot, at nang kawalang kakayahang tumutol ng mga simbuyong sekswal. Nabibitag tayo sa hungkag na ugnayang sekswal na nagdudulot ng sariling pagkabigo. Kung ang pagtugon sa bawat simbuyong sekswal ay hindi makabubuti, gayundin naman ang balewalain ang mga ito. Kailangan nating kilalanin at bigyang pansin ang mga simbuyong sekswal na ito at ibaling sa nakabubuting gawain ang enerhiyang dulot nito. Halimbawa ay ang paglahok sa isports, sa pagsali sa teatro, pagbabasa ng magandang literatura, at iba pa. Ayon sa ilang sikolohista ang pagnanasang sekswal ay kadalasang nagbabalatkayong pagnanais na matanggap, ibigin at magkaroon ng 223

seguridad. Maari tayong magsanay na gamitin ang ating enerhiyang sekswal sa mga gawaing may magandang hangarin. Tulad halimbawa ng isports o palakasan. Kung tayoy magtatagumpay, makakamtan natin ang higit pang respeto sa ating sarili at respeto mula sa iba. Ano ba ang tamang pananaw sa sekswalidad? Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon ng sekswalidad ng tao. Ngunit dahil nga tao ka ang pakikipagtalik ay higit pa dito. Ito ay mayrong espiritwal na kahulugan. May dalawang aspeto ang pakikipagtalik. Ito ay mapagbuklod o nagbibigay pag-ibig. At ito rin ay mapaglikha o nagbibigay buhay. Para maging isang tunay na akto ng pag-ibig at isang karanasan ng pagbibigkis at pagpapalago ng dalawang tao ang pakikipagtalik, dapat na palagiang iginagalang ang dalawang aspeto nito. Upang maging mapagbuklod ang pagtatalik, kailangan ang ganap na pagbibigay ng sarili nang walang alinlangan, kaya kahit na ano pa ang iyong nakaraan, bastat mahal kita kalian pa manmahal kita maging sino ka man, sabi nga sa isang awit. Ito ay ganap na pagbibigay, isang emosyonal na pagbibigkis na nangangailangan ng espiritwal, gayon din ng pisikal na pagbubuklod. Hindi ito simpleng pagbubusog lamang sa gana ng katawan. Ito ay nagbibigay ng tunay na kaligayahan. Hindi dahil sa masarap ang aking pakiramdam kundi dahil sa kaligayahang natatamo ko sa pagbibigay ligaya sa aking minamahal. Sa isang mundong mababa ang pagtingin sa sekswalidad, at sa gitna ng mga taong ang pinagtutuunan ay ang mga makamundo at pisikal na aspeto at hindi ang halaga nito, higit na kinakailangang maging tagapagpahayag at tagapagpatunay tayo na ang sekswalidad ay isang regalo na nagkakaroon lamang ng kabuluhan kung tunay itong pag-aalay ng sarili ng lalaki at babae sa isat isa. Ang tunay na pag-aalay ng sarili ay ang panghabambuhay na pagiging isa ng lalaki at babae at ang di-pagtataksil sa isat isa. PAGHINUHA NG KAKAILANGANIN SA PAG-UNAWA (EU) 1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawa. 2. Bigyan ng manila paper ang bawat pangkat. Pasagutan ang mga sumusunod na tanong at ipasulat ang sagot sa manila paper. Pangkat 1 o o Anu-ano ang mga maling pananaw sa sekswalidad? Ipaliwanag kung bakit mali ang mga ito. Isulat ang mga masamang epekto ng maling pananaw sa sekswalidad. Pangkat 2 o Ano ang tamang pananaw sa sekswalidad? Ipaliwanag. 224

3. Ipaskil ang mga manila paper. Iulat ang mga naging tugon. 4. Gamit ang sumusunod na concept map buuin ang kinakailanngan sa pag-unawa

Kayat
Ang mga epekto ng maling pananaw sa sekswalidad ay o o ang dulot sa pagkatao ng maling pananaw sa sekswalidad ay

Samakatwid..
ang maling pananaw sa sekswalidad ay

Ang tamang pananaw sa sekswalidad ay


E.

ang dulot sa pakikipag-ugnayan sa kapwa ng tamang pananaw sa sekswalidad ay

ang maling pananaw sa sekswalidad ay

Pagganap, Pagninilay at Pagsasabuhay (TRANSFER)

(FU: Paglalapat)

Sa puntong ito ay pagninilayan ang pangako sa kasal. Dapat na mapagnilayan ng mga mag-aaral na ang pakikipag-ugnayang sekswal ay isang regalo sa mag-asawa. Ito ay ligtas lamang sa mga masamang epekto kung ito ay ginagawa sa pagitan ng lalaki at babaeng sumumpang mag-iibigan at magiging tapat sa isat isa. Ang pakikipagtalik ay pagbibigay ng sarili sa kanyang iniibig habambuhay at walang pagtataksil. Inaasahang sa pamamagitan ng Gawain sa pagsasabuhay ay mapanatili ng mag-aaral ang kanyang kalinisang-puri. Gayun din dapat na maging maingat ang guro sapagkat maaring sa kanyang mag-aaral ay mayroong nagkaroon na nang karanasang sekswal. Dapat na ipaalalang hindi pa huli upang talikuran ang ganitong Gawain o pananaw. PAGNINILAY
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Pangako sa Kasal na nasa ibaba.

225

Mga Sanggunian: 1. Braithwait, David and Cubby, Ben; Boys accused of gang rape video; The Age.com; April 5, 2005; The Age Co. Ltd.; September 3, 2010http://www.theage.com.au/news/national/boys-accused-of-gangrape-video/2007/04/04/1175366329581.html 2. Teenage Pregnancy; Philippines Today; November 14, 2008; www.philippinestoday.net; September 1, 2010http://www.philippinestoday.net/index.php?module=article&view=1294 3. Iyoob, Umar Mohamed; The Detrimental Effects of Pornography on Teenagers and Society; May 5, 2008; Scribd.; August 29, 2010http://www.scribd.com/doc/4283065/The-Detrimental-Effect-of-Pornography-on-Teenagers-and-Society 4. Esteban, Esther J; Education in Values: What, Why and For Whom; Sinag-Tala Publishers Inc.; Manila, 1990 5. Pontifical Council for Justice and Peace; Compendium of the Social Doctrine of the Church; CBCP; Manila, 2004 6. Pilar, Mary V. et al; Matutong Mabuhay at Magmahal: Manwal ng Guro; Word and Life Publications; Makati, Philippines, June, 2005

Ikaapat na Markahan: Ang Mga Isyu at Suliraning Kaugnay ng Pakikipagkapwa Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyu at suliraning kaugnay ng pakikipagkapwa: Mga Paksa: 1. 2. 3. 4. Karahasan, Paghihiganti at Pagkamuhi Maling Pananaw Kaugnay ng Sekswalidad Pornograpiya Pre-marital Sex Mga Bulgar at Malaswang Pag-uusap Pakikipagtalik sa ibat ibang kapareha Pagsisinungaling Mga Negatibong Epekto ng Peer Pressure Paninigarilyo Pag-inom ng alak

Aralin 3: Pagsisinungaling

Bilang ng araw/sesyon: 3-4

Antas 1 Pamantayan sa Pagganap: Nakapagpapahayag ang mag-aaral ng kanyang panig tungkol sa isyu ng mga paglabag sa pakikipagkapwa sa pamamagitan ng pagsulat ng blog sa isang social network site Ang mga kakailanganing gawain sa bawat aralin ay: 1. Nakagagawa ng plano ng pagkilos upang tugunan ang isyu sa karahasan sa paaralan at naisasagawa ito 2. Nakapagsasagawa ng isang information campaign tungkol sa mga pinsalang dulot ng mga maling pananaw sa sekswalidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga babasahin sa mga kapwa mag-aaral 3. Nakagagawa ng resolusyon ng pagbabago 4. Nakagagawa ng isang plano ng pagkilos upang harapin ang negatibong peer pressure at naisasagawa ito 226

- Paggamit ng bawal na gamot - Pre-marital sex Mga Kakailanganin sa Pag-unawa sa Ikaapat na Markahan: Ang pag-unawa sa mga paglabag sa pakikipagkapwa ay nakatutulong sa paggamit ng kalayaan tungo sa paggalang ng dignidad ng sarili at kapwa. Mga Kakailanganin sa Pag-unawa sa Aralin 3: Sa pagsisinungaling, nilalabag ng tao ang paghahanap ng katotohanan at sinasalungat nito ang dikta ng tamang konsensya na nakaaapekto sa katarungan, katotohanan at pagmamahal sa kapwa. Mahalagang mahubog ang konsensya sa pagsusulong ng katotohanan.

Mahahalagang Tanong sa Ikaapat na Markahan: Bakit kailangang magkaroon ng kaalaman sa ibat-ibang mga isyu kaugnay ng pakikipagkapwatao? Mahahalagang Tanong sa Aralin 3: Bakit suliranin sa pakikipagkapwa ang pagsisinungaling ?

Nauunawaan ng mga mag-aaral ang: (Mga Kaalaman) Ang mga pinsalang dulot ng pagsisinungaling sa pakikipagkapwa Ang Pilosopiyang Utalitaryanismo Kaugnay ng Pagsisinungaling Ang Pilosopiya nina Kant, St. Agustine at Bok tungkol sa Pagsisinungaling

Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng mga sumusunod: (Mga Kasanayan) a. Naipaliliwanag ang mga pinsalang dulot ng pagsisinungaling b. Nakagagawa ng pananaliksik at naiuulat ang resulta nito c. Nakapagbabahagi ng karanasan kung saan naging biktima ng pagsisi nungaling o nakapanakit dahil sa pagsisinungaling d. Nasusuri ang sarili kaugnay ng ikalawang utos Huwag kang sasaksi sa di katotohanan laban sa iyong kapwa e. Nakapagsasagawa ng isang sarbey at nabubuod at nabibigyang kahulugan ang mga datos na nakalap f. Nahihinuha ang mga suliraning maaring idulot ng kaalamang karamihan ng tao ay nagsisinungaling g. Naibibigay ang sariling pananaw kaugnay ng pangangatwirang ibinigay ng mga kamag-aral para sa pagsisinungaling h. Nakagagawa ng resolusyon ng pagbabago i. Nakasusunod sa pamantayang Kung walang masasabing makabubuti, ay huwag na lamang magsalita. Antas 2 Mga Patunay sa Antas ng Pagganap

Inasasahang Pagganap Nakagagawa ng resolusyon ng

Pagpapaliwanag Pagsusuri at pagpapaliwanag ng mga pinsalang dulot ng pagsisinungaling Kraytirya: 227

pagbabago at nasisasagawa ito

- Maayos ang pagpapaliwanag - Bumanggit ng mga katunayang magpapatatag ng paliwanag Interpretasyon Nabibigyan ng kahulugan ang mga tugon sa survey ng ibat ibang paraan ng pagsisinungaling, kung bakit ito ginagawa at kung bakit hindi ito dapat gawin Kraytirya: -Malinaw ang mga datos na kakuha -Maayos ang pagbibigay ng kahulugan Pagbuo ng Sariling Pananaw Pagbibigay ang sariling pananaw tungkol sa mga pangangatwirang ibinigay kapwa kamag-aral tungkol sa pagsisinungaling Kraytirya: -Maayos ang pagpapahayag ng pananaw -Bumanggit ng mga katunayang magpapatatag ng pananaw Paglalapat Paggawa ng resolusyon ng pagbabago na naglalaman ng halaga ng pagsasabi ng katotohanan Kraytirya: -Malinaw ng mga gawain -Maayos ang paliwanag Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba Pagbabahagi ng karanasan kung saan naging biktima ng kasinungalingan o nakapanakit dahil sa pagsisinungaling kung inaakalang walang ganitong karanasan, ibahagi ang magiging damdamin kung nasa ganitong sitwasyon Kraytirya: -Malinaw na paglalahad ng sitwasyon -Malinaw na naipahayag ang damdamin Pagkilala sa Sarili Pagpapahayag ng sariling reyalisasyon tungkol sa halaga ng pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng pagkakataon Kraytirya: -Malinaw na binanggit ang mga reyalisasyon 228

1. Nasusuri ang sarili kaugnay ng pagsisinungaling 2. Nakagagawa ng pagtataya ng sarili kaugnay ng pagbabagong ginawa

-May pagninilay

Antas 3 Plano ng Pagtuturo-Pagkatuto Aralin 3: PAGSISINUNGALING A. PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE)

Sa pagsisiyasat ay tatayain ng guro ang kaalaman at pananaw o damdamin ng mga mag-aaral tungkol sa pagsisinungaling. Sa simula pa lamang ay ipakikilala na ng guro na ang pagsisinungaling ay may pinsalang idinudulot sa pakikipagkapwa, lalo na kung ito ay intensyonal na ginawa upang makapanakit. Sa pamamagitan ng pagkukwento o pagbabahagi ng kanilang mga naging karanasan bilang biktima o pananakit sa kapwa bunga ng pagsisinungaling ay matataya ng guro ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa katapatan. Sa bahaging pagtuklas sa dating kaalaman ay palilitawin ng guro ang kaalaman ng mga mag-aaral sa kinakailangan sa pagunawa. Ihahanda sila dito sa pamamagitan ng isang sarbey ng mga kamag-aral tungkol sa pagsisinungaling. Inaaasahang makikita dito na karamihan sa mga mag-aaral ay tinitingnan ang pagsisinungaling bilang isang maling gawain ngunit gayun pa man ay marami sa kanila ang nakapagsinungaling na. Sa pamamagitan ng pagpapalitaw ng damdamin ng karamihan sa mga mag-aaral sa paaralan tungkol sa pagsisinungaling ay makikilala ng guro kung ang pagsang-ayon na mali ang pagsisinungaling ay syang tunay na damdamin ng kanyang mag-aaral at hindi impluwensya lamang ng nakararami.
Pagsisiyasat 1. Ipapanood sa mga bata ang isang pelikula ang tema ay tungkol sa pagsisinungaling. Halimbawa: Dahil sa Isang Bulaklak na pinagbidahan ni Charito Solis. 229

2. Kung wala ito ay maari ring gamitin ang sumusunod na kwento tungkol sa pagsisinungaling ni Abraham sa Pharao ng Ehipto Genesis 12: 10-20 : (Ang mahalaga ay naglalarawan ang kwento o pelikula na nakasasakit ang pagsisinungaling sa sarili at sa kapwa. Sa kwento ni Abraham ipinakikita din na ito ay kasalanan sa Diyos) Mga Gabay na Tanong: o Ano ang mga naidulot ng pagsisinungaling sa buhay ng mga tauhan sa pelikula o sa kwento? Ipaliwanag (Pagpapaliwanag) o Bakit pinaniwalaan ng marami ang kasinungalingang pinalaganap ng tauhang si __________? Pangatwiranan. o Paano naisaayos ang mga nagawang pinsala ng kasinungalingang ito? Ipaliwanag o Naranasan mo na ba ang maging biktima ng isang kasinungalingan? Ikwento ito. (Emphaty) o Ano ang naging dulot nitong pinsala sa iyo? Sa mga taong malapit sa iyo? o Papaano mo ito nalampasan? Paano naisaayos ang mga pinsalang naging dulot ng kasinungalingang ito? o Nakapanakit ka na ba sa pamamagitan ng pagsisinungaling? Ikwento ito. o Ano ang mga pinsalang naudulot nito sa iyo? Sa mga taong naging biktima nito? o Paano mo naituwid ang pagkakamaling ito? Pagtuklas ng dating kaalaman 3. Pagsasagawa ng isang sarbey. Pangkatin ang mga mag-aaral. Sa pangkatang gawaing ito ang mga mag-aaral ay magtatanong sa mga magaaral sa kanilang paaralan tungkol sa isyung pagsisinungaling. Itatanong: 1. Pagsisinungaling: ito ba ay nakapipinsala? Oo o Hindi, Ipaliwanag. 2. Nagsinungaling ka na ba? Kukwentahin ng mag-aaral ang mga naging tugon at iuulat ito sa klase. Sa pag-uulat, maari ring isaalang-alang ang edad, taon at kasarian ng mga tinanong. (Interpretasyon) Mga Gabay na Tanong: o Batay sa resulta ng sarbey, ano ang pananaw ng karamihan sa mag-aaral ng paaralan tungkol sa pagsisinungaling? o Ano ang mga ibinigay na dahilan ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang pananaw? o Sa iyong palagay, tama ba ang kanilang pananaw dito? Ipaliwanag. (Pagbuo ng sariling pananaw) o Batay sa sarbey, ilang porsyento ng mga mag-aaral ang nakapagsinungaling na? o Anong suliranin kaya ang maaring idulot kung alam nating halos lahat ng mga tao ay nagsisinungaling? Ipaliwanag. (Interpretasyon) B. KARANASAN TUNGO SA PAG-UNAWA (FIRM-UP)

Sa bahaging ito, ipararanas ng guro sa mga mag-aaral na hindi madali at ginugugulan ng mahabang panahon ang pagsasaliksik o pag-iimbestiga upang patotohanan o patunayan ang isang pahayag. Makikilala ng mga mag-aaral na maraming mga bagay tayo na tinatanggap na totoo dahil na rin sa kredibilidad ng mga taong nagsaliksik at nagpatunay dito. Ipakikita kung gaano kahalaga ang pagsasabi ng katotohanan. Sa pamamagitan ng mga pagpaparanas na ito ay dapat na magkaroon ang mga mag-aaral ng paghihinuha tungkol sa pinsalang maaring idulot ng kawalan ng tiwala sa salita ng kapwa o ang kawalan ng kredibilidad ng mga tao 230 dahil na rin sa pagiging talamak ng pagsisinungaling.

1. Pag-iimbestiga. Pangkatin ang mga mag-aaral. Bawat pangkat ay magsasagawa ng kanya-kanyang pag-iimbestiga o pananaliksik (library research) upang patunayan o pasubalian ang katotohanan ng isang pahayag. Halimbawa ng mga pahayag: (Pagpapaliwanag) o Ang itlog ay masamang kainin araw-araw. o Tumataas ang bilang ng mga Pilipinong may diabetes o Lumalaganap ang sakit na dengue sa Metro Manila tuwing tag-ulan o Ang Mt. Apo ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas o Atake sa puso ang dahilan ng ikinamamatay ng karamihan sa mga Pilipino o Pilipino ang pinakamalaking bilang ng mga manggagawa sa Gitnang Silangan o Mas nais pa ng mga Pilipino maging Amerikano kaysa maging Pilipino o Nakagagamot sa ubo ang oregano o Mas maraming mahihirap sa Pilipinas kaysa mayaman o Ang mangga ng Pilipinas ang pinakamasarap sa buong mundo 2. Ipauulat sa klase ang resulta ng kanilang pananaliksik. 3. Mga Tanong: o o o o Naging mahirap ba ang ginawang pananaliksik? Gaano kahabang panahon ang inyong ginugol sa pagsasaliksik na ito? Sapat ba ang mga ebidensyang inyong nakalap sa silid aklatan? Sa internet? Dapat ba tayong maniwala sa mga katulad na pahayag? Bakit?

4. Pangkatin ang mga mag-aaral sa sampu. Ipatala sa mga mag-aaral ang mga katotohanang sa kanilang palagay ay di na dapat pang saliksikin. Susurrin at pag-iisahin ng mga mag-aaral ang magkakatulad na pahayag. Bawat pangkat ay dapat na makapagtala ng tig 25. Mga halimbawa ng mga pahayag na di na kalingan pang siyasatin o saliksikin: o Ang mundo ay umiikot sa araw o Ang mundo ay may 7 kontinente o Ang Pilipinas ay isang arkipelago o Ang mga ibon ay karaniwang nakalilipad o Ang Ostrich ay isang uri ng ibong hindi nakalilipad o Malamig ang panahon sa Antartika o Ang tao ay nakapag-iisip o Ang aso ay kumakahol 231

At iba pa

5. Mga Tanong: o o o Bakit natin pinaniniwalaang katotohanan ang mga naitalang katotohanan? Ipaliwanag Ano kaya ang mangyayari kung walang kredibilidad ang mga nagsagawa ng mga pag-aaral at pag-iimbistiga ng mga katotohanang ito? Paano nito maapektuhan ang mundong ating ginagalawan? (Interpretasyon)

C. PAGPAPALALIM (DEEPEN) (Pagpapaliwanag)

Sa pamamagitan ng isang sanaysay ay bibigyang linaw pa ang mga dahilan kung bakit mali ang pagsisinungaling at kung paano nito negatibong naapektuhan ang pakikipagkapwa. Matapos ng pagbasa at pagtatalakayan tungkol sa binasa ay inaasahang mahihinuha ng mga mag-aaral ang kinakailangan sa pag-unawa o masasagot na nila ang mahalagang tanong.
6. Ipabasa ang sumusunod na sanaysay: Pagsisinungaling Tapat ka ba? Bilang mag-aaral lubhang napakaraming pagkakataon kung saan nasusubok ang iyong katapatan. Halimbawa: may isang mahalagang pagsusulit na hindi mo napaghandaan, o may isang kasayahan sa bahay ng iyong kamag-aral ngunit alam mong hindi ka papayagan ng iyong mga magulang, o kayay naiwala mo ang iyong bagong biling cellphone at alam mong pagagalitan ka ng iyong magulang. Magsisinungaling ka ba? Hindi lang minsan tayong nakakarinig ng mga pagsisinungaling sa ating mga halal na opisyal ng gobyerno. Ang kakatwa pa rito hindi rin sila nahihiyang aminin na sila nga ay nagsinungaling. Hindi rin naman iilan ang mga artistang nag-eendorso ng mga produktong sa katotohanan ay hindi naman nila tinatangkilik o ginagamit. Kung sila na tinitingala at inaasahang huwaran ng mabuting halaga at asal ay nariringgan ng pagsisinungaling, hindi rin kataka-taka na talamak ang pagsisinungaling saan mang dako. Sa katunayan, naniniwala ang iba na may mga pagkakataong kinakailangang magsinungaling ang isang tao. Halimbawa, ang isang tao na 232

nagsinungaling sa totoong kinaroroonan ng kanyang kaibigan upang iligtas ito sa tiyak na kapahamakan. O ang pagsisinungaling ng isang duktor sa kanyang pasyente. Maaring sabihin na may pag-asa pang gumaling ang pasyente kahit na ang totoo ay may taning na ang buhay nito; upang maiwasang lumala ang depresyon nito na maaring maging sanhi ng kanyang pagpapatiwakal. O ang isang anak na nagsinungaling sa kanyang inang may sakit sa puso tungkol sa tunay na kalagayan ng kanyang kapatid na nasawi sa isang aksidente. Ang Pilosopiyang Utilitaryanismo Para sa marami ang kasinungalingan ay nagiging mali lamang kung nakakapanakit ito o nakasasama ang kahihinatnan. Ito ang pinaniniwalaan sa pilosopiyang utilitaryanismo. Ayon sa pilosopiyang ito nagiging katanggap-tanggap ang pagsisinungaling kung ang kahahantungan ay para sa ikabubuti o ikaiiwas sa masama ng higit na nakararami. Nagbigay ng halimbawa ng sitwasyong ito si Tim Mazur: Ang isang ina na nagnais na ibenta ang lahat ng kanyang ari-arian at isama sa kanyang hukay ang napagbilhan dito at gayun din ang lahat ng kanyang mga kayamanan. Bagamat nangako ang anak na gagawin ito, nang mamatay ang ina ay ipinamigay niya sa mahihirap at nanganga-ilangan ang kayamanan ng kanyang ina. Kung susuriin, higit na naayon sa tamang pag-iisip ang pasya ng anak at nagdulot ito ng kabutihan sa higit na nakararami. Bagamat rasyonal ang pangangatwiran marami pa ring tumutuligsa sa pilosopiyang utilitaryanismo. Maaring maabuso ang pagbibigay katwiran sa pagsisinungaling sa pamamagitan ng pagtataya ng kahihinatnan nito. Ang pagtataya o paghuhusga natin sa kahihinatnan ng pagsisinungaling ay kadalasang nalalambungan ng ating sariling mga motibo, pananaw at damdamin. Hindi moral ang pagsisinungaling sapagkat hindi natin matataya ang kahahantungan nito ng buong katiyakan. Dapat ding isaalang-alang na mayroong epekto ang pagsisinungaling sa lipunan. Maaring masira ang tiwala ng mga taong nakaalam ng pagsisinungaling sa taong gumawa nito. Magbubunga ito ng paghihinala sa lahat ng ikikilos at sasabihin ng taong nagsinungaling. Habang nababawasan ang pagtitiwala ng mga tao sa isat-isa nadaragdagan ang paghihinala sa intension ng kapwa, sa gayon ang uri nang ating pamumuhay ay magiging mababa. Ang katwirang maaring magsinungaling kung ito ay makabubuti sa higit na nakararami ay tila kumunoy na magiging sanhi ng paglubog sa higit 233

pang mabigat na pagkakamali. Ang hangganan sa paggitan ng moral na pangangatwiran at pagbibigay katwiran sa sakim na layunin ay lubhang mahirap tukuyin kung kaugnay ng pagsisinungaling. Halimbaway maaring sabihing makatwiran ang panlilinlang sa mga mayayaman kung ang nakuhang salapi sa kanila ay ipamamahagi sa mahihirap. O dili kayay ang pagtanggap ng payola sa huweteng dahil ang bahagi nito ay ipagpapagawa ng ospital. Kadalasan sa mga gipit na sitwasyon kung saan sinisikap nating gawin ang tama ang pagsasabi ng totoo ay nagiging pangalawa na lamang sa mga halagang tulad ng awa, paggalang, at hustisya. Gayun pa man ayon sa karamihan ng mga pilosopiya at relihiyon, ang pagsisinungaling ay mali at masama sa ano mang sitwasyon. Ano nga kaya ang katotohanan tungkol sa pagsisinungaling? Ang isang kasinungalingan ay isang pahayag na alam ng nagsinungaling na walang katotohanan at may intensyong linlangin ang tumatanggap ng pahayag. Ito ay kahulugang ginamit ni Sissela Bok sa kanyang aklat at gayundin ng mga pilosopo mula pa kay St. Agustine. Ang isang mabuting tao ay hindi nagsisinungaling. Kaya ngat hindi mahirap ihanay ang pagsisinungaling kasama ng iba pang mga bagay na itinuturing na mali. Ito ang paniwala nina Immanuel Kant, isang maimpluwensyang pilosopong Aleman noong ika-18 siglo, at gayun din ni San Agustin, arsobispo ng Hippo Regius noong ikatlong- siglo at isang maimpluwensyang pilosopo at teologo. Ayon kay Immanuel Kant, ang pag-sisinungaling ay palaging masama. Ang tao ay ipinanganak na may kakayahang mag-isip, gumawa ng malayang pagpapasya, magtakda ng mga mithiin, at pamahalaan ng isip ang mga kilos. Ito ang nagbibigay sa kanya ng dignidad. Samakatwid ang pagiging tao ay ang malayang paggamit ng mga kakayang ito; at ang paggalang sa mga kakayahang ito ng sarili at kapwa ay pagiging etikal. Kung gayon, mali ang pagsisinungaling sa dalawang kadahilanan. Una, sinisira nito ang pinakaimportanteng katangian ko bilang tao: ang aking kakayahang makagawa ng malaya at pinag-isipang pasya. Bawat kasinungalingan ay pagsalungat sa bahagi ng aking pagkatao na nagbibigay sa akin ng moral na halaga. Ikalawa, ang aking mga pagsisinungaling ay pagkakait sa aking kapwa na mamili ayon sa dikta ng tamang pag-iisip. Kung dahil sa aking kasinungalingan ay nagpasya ang aking kapwa nang taliwas sa maaari niyang naging pasya kung nalaman nya ang katotohanan, ay sinikil ko ang kanyang kalayaan at nilapastangan ko ang kanyang dignidad bilang tao.

234

Ayon pa kay Kant, kung pinahahalagahan natin ang ating sarili at kapwa bilang tao, tayo ay may tungkulin na iwasan ang mapanira at di wastong paggamit ng ating kalayaang magpasya. Ayon naman kay San Agustin ang pagsisinungaling ay kasalanang mortal sa Diyos kung kayat itoy palaging mali sa ano pa mang kadahilanan o sitwasyon. Ito ay kasalanan kung alam nang taong gumawa nito ang katotohanan ngunit sinadya nitong taliwas ang ipahayag dahil sa pagnanais na manlinlang. Mas makikita ang katotohanan nito sa ebanghelyo: Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay magdaraya rin sa malaking bagay. Kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo sa tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo? Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo mapaglilingkuran ng sabay ang Diyos at kayamanan Kaya nga masasabi na ang isang namumuno ay tulad sa isang bandila: inaalam natin kung ano ang kanyang sinasagisag upang ito ay bigyang pugay natin. Nais nating siyay maging kapanalig na lulutas sa ating mga suliranin. Tayo ay ituturing niyang tao at hindi mga bagay. At higit sa lahat nais nating igalang at tugunan niya ang ating mga opinyon at saloobin. Ang kanyang katapatan ang ating magiging saligan; kung siyay matutuklasang nagsisinungaling sa atin, hindi natin matitiyak kung ginagampanan niya ang mga tungkuling nais nating kanyang gampanan. Ang katotohanan, bilang halaga ay walang pasubali o kundisyon. Kung ang pagbibigay halaga sa katotohanan ay nasira o bahagya mang humina, lahat ng mga bagay ay magiging kahinahinala. Ayon kay San Agustin (cited by Bok) Ang tanong ni Sissela Bok, Paano kaya mamumuhay ang mga tao sa isang mundo na ang pagsasabi ng totoo ay hindi kinagawian? Sa gayong mundo hindi mo mapananaligan ang ano mang sinabi sa iyo o nabasa mo. Kung nais mong malaman ang katotohanan, kinakailangang ikaw mismo ang magsaliksik at makasaksi nito. Kinakailangang pagbuhusan mo ng mahabang panahon ang pag-alam sa pinakasimpleng bagay. Maging ang pormal na edukasyon ay wala ring saysay, sapagkat ang pag-aaral sa klase ay nakabatay sa pagtanggap natin na katotohanan ang nakasulat sa mga aklat at ang 235

sinasabi o itinuturo ng ating mga guro. Kung pagninilayan, makikita natin nang malinaw na ang pamumuhay natin sa isang mundong pinamamayanihan ng pagtitiwala isang mundo na ang pagsasabi ng totoo ang siyang kinagawian at inaasahan sa lahat- ay tunay na kapakipakinabang. Ang lahat ng mahalagang bagay na ating ninanais gawin ay nagiging posible sa isang mundong pinangingibabawan ng pagtitiwala. Sa huli sasabihin mo pa rin, may mga pagkakataon na mas madali ang magsinungaling kaysa magsabi ng totoo lalot wala namang masasaktan o mapapahamak. Ayon kay Bok, kung naiisip nating magsinungaling, ilagay natin ang ating sarili sa kinalalagyan ng taong ating pagsisinungalingan. Papaano kung ikaw ang pinagsisinungalingan? Mabago kaya ang iyong pananaw tungkol sa pagsisinungaling? Gamitin nating halimbawa ang isang matalik na kaibigan. May isang kamag-aral ka na alam mong may pagtingin sa iyong kaibigan. Hindi mo ibig ang lalaking ito para sa kanya dahil sa sa iyong palagay hindi sya magiging mabuting impluwensya sa iyong kaibigan. Upang layuan na nito ay minabuti mong sabihin sa kanya na mayroon nang kasintahan ang iyong kaibigan kahit hindi ito totoo. Kung ilalagay mo ang iyong sarili sa katayuan ng iyong kaibigan, maiibigan mo ba ang iyong ginawa? Tulad din ito ng halimbawang ibinigay ni Bok sa kanyang aklat. Tungkol ito sa isang ahenteng naghahanap ng mga mahusay na ehekutibo para sa malalaking kumpanya. Ang ahenteng ito ay siyang-siya sa kanyang pamamaraan ng pangangalap ng tumpak na rekomendasyon sa mga pinaglilingkuran ng kanilang mga aplikante. Nagpapahayag ito ng isang tsismis o walang batayang usap-usapan tungkol sa aplikante upang malaman ang magiging tugon ng taong nagrekomenda dito. Halimbawa, Bali-balitang si Smith ay hindi gustong katrabaho ng kanyang mga kaopisina, o kayay, itong si Jones pala ay tumatanggap ng papuri para sa mga gawang hindi kanya. Sa pamamagitan ng pagtataya ng reaksyon sa mga tsismis na ito ng nagrekomenda sa aplikante, nakakukuha ang ahente ng mas tumpak at higit na mayamang ulat tungkol sa pagkatao at mga karanasan ng aplikante. Dahil dito inaakala nya na nakatutulong ng malaki ang kanyang pagsisinungaling o pagpapalaganap ng tsismis tungkol sa tao. Ipagpalagay natin na ang isa sa mga aplikanteng ito, si Smith, ay binabalak na itaas ng posisyon ng kanyang pinaglilingkuran. Dahil sa panayam sa nasabing ahente maaring magdalawang isip ang kanyang amo at sa iba na lamang ibigay ang naturang posisyon. Nakatulong man ito sa ahente ay nakasira naman ito sa reputasyon ng aplikante. Sa huliy nawalan kapwa ang aplikante at kanyang amo.

236

Kung baliktarin kaya ang sitwasyon at ang ahente naman ang gawan ng tsismis upang tayain ang magiging reaksyon ng kanyang amo? Walang taong magnanais na mabahiran ang karangalan dahil sa kasinungaliangan. Tiyak na hindi maiibigan ng ahente ang maging tagatanggap sa ganitong sitwasyon. Gayon din naman, sa unang halimbawa; paano kung makarating sa kanyang mga magulang ang usap-usapan na ang iyong matalik na kaibigan ay mayroon ng kasintahan at dahil dito sya ay makagalitan o kayay pahintuin sa pag-aaral? Mga Gabay na Tanong: 1. Ipaliwanag, Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan sa malaking bagay. 2. Bakit masama ang pagsisinungling? Ipaliwanag 3. Paano nakatutulong sa lipunan ang pagiging tapat ng mga mamamayan? PAGHINUHA NG KAKAILANGANIN SA PAG-UNAWA (EU) Batay sa binasang sanaysay at sa mga nagdaang pag-aaral tungkol sa pagsisinungaling, sagutin ang mahalagang tanong: Bakit suliranin sa pakikipagkapwa ang pagsisinungaling ?

Ang pagsisinungaling ay

D. PAGGANAP, PAGNINILAY AT PAGSASABUHAY (TRANSFER)

(FU: Paglalapat)

Mahalaga na mapagnilayan ng mag-aaral ang kanyang sariling ugali kaugnay ng ikalawang utos Huwag kayong sasaksi sa di katotohanan laban sa inyong kapwa. Karaniwang ang pinagmumulan ng mga suliranin sa pakikipagkapwa ay ang mga walang batayang usap-usapan. Sa pamamagitan ng paggawa ng resolusyon ng pagbabago at ang pagsasakatuparan nito ay inaasahang magkakaroon ng pagbabago sa ugali ng mag-aaral. Ang pagbabagong ito ay mangyayari lamang kung makikita niya ang pinsalang maaring idulot ng pagsisinungaling sa sarili sa kapwa at sa lipunan.
237

Pagninilay Suriin ang iyong sarili. Ang ikawalong utos ng Diyos ay Huwag kayong sasaksi sa di katotohanan laban sa inyong kapwa. (Pagkilala sa Sarili) Ako ba ay nakasira ng pangalan ng aking kapwa dahilan sa aking pagkakalat ng tsismis o sadyang paninirang-puri? Ako ba ay nakasira ng reputasyon ng iba dahil sa aking pagsasalita o pagkukwento tungkol sa kanilang mga pagkakamali at mga kasalanan na walang intensyong silay matulungang magbago? Ako ba ay nagsawalang kibo sa pagpapakita ng diskriminasyon at pagkamuhi sa ibang mga lahi, relihiyon o paniniwala?

Itala sa iyong journal ang iyong mga naging tugon. Kung oo ang naging tugon mo sa isa o lahat ng mga tanong na ito, gumawa ng isang resolusyon ng pagbabago. (Para sa mga Katoliko ang pangungumpisal ng kasalanang ito sa pari at paggawa ng mga sakripisyo para sa mga kasalanang ito ay makatutulong din.)

Pagsasabuhay (Paglalapat) Gagawa ang mag-aaral ng mga hakbang upang maiwasan ang pagsisinungaling, pakikipagtsismisan o paninirang puri ng kapwa. Una na rito ang pagsunod sa pamantayang Kung walang masasabing makabubuti ay huwag na lamang magsalita. Mga Sanggunian: 1. St. Augustine, On Lying, and Against Lying, Treatises on Various Subjects, ed. Roy J. Deferarri, Washinton, DC: Catholic University of America Press; 1952 2. Kant, I. Ethical Duties Toward Others: Truthfulness, in Lectures on Ethics, London: Methuen; 1930 3. Kant, I. On the Supposed Right to Tell Lies From Benevolent Motives, in Kants Critique of Practical Reason and Other Works of the Theory of Ethics, London: Longmans, Green & Company, appendix 1; 1898 4. Nyberg, D The Varnished Truth, Chicago: University of Chicago Press; 1995 5. Komp, D. M. Anatomy of a Lie, Grand Rapids, Michigan: Zondervan; 1998 6. Bok, Sissela Lying: Moral Choice in Public and Private Life; Pantheon Books: l978; Vintage paperback editions, l979, 1989, 1999. 7. Fullinwider, Robert K., 'Sissela Bok on lying and moral choice in private and public life - an amplification', the encyclopaedia of informal education, www.infed.org/thinkers/bok_lying.htm. 8. Mazur, Tim; Lying; Markula Center for Applied Ethics; http://www.scu.edu/ethics/publications/iie/v6n1/lying.html 9. Wallace, Jonathan; Lying; The Ethical Spectacle; May 2000; www.spectacle.org

238

Ikaapat na Markahan: Ang Mga Isyu at Suliraning Kaugnay ng Pakikipagkapwa Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyu at suliraning kaugnay ng pakikipagkapwa: Mga Paksa: 1. Karahasan, Paghihiganti at Pagkamuhi 2. Maling Pananaw Kaugnay ng Sekswalidad - Pornograpiya - Pre-marital Sex - Mga Bulgar at Malaswang Pag-uusap - Pakikipagtalik sa ibat ibang kapareha 3. Pagsisinungaling 4. Mga Negatibong Epekto ng Peer Pressure - Paninigarilyo - Pag-inom ng alak - Paggamit ng bawal na gamot - Pre-marital sex Mga Kakailanganin sa Pag-unawa sa Ikaapat na Markahan: Ang pag-unawa sa mga paglabag sa pakikipagkapwa ay nakatutulong sa paggamit ng kalayaan tungo sa paggalang ng dignidad ng sarili at kapwa. Mga Kakailanganin sa Pag-unawa sa Aralin 6: Maiiwasan ang mga maling dikta at tukso ng kapwa kabataan sa pamamagitan pagsasabuhay ng birtud ng maingat na pagpapasya

Aralin 4: Mga Negatibong Epekto ng Peer Pressure

Bilang ng araw/sesyon:

Antas 1 Pamantayan sa Pagganap: Nakapagpapahayag ang mag-aaral ng kanyang panig tungkol sa isyu ng mga paglabag sa pakikipagkapwa sa pamamagitan ng pagsulat ng blog sa isang social network site Ang mga kakailanganing gawain sa bawat aralin ay: 1. Nakagagawa ng plano ng pagkilos upang tugunan ang isyu sa karahasan sa paaralan at naisasagawa ito 2. Nakapagsasagawa ng isang information campaign tungkol sa mga pinsalang dulot ng mga maling pananaw sa sekswalidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga babasahin sa mga kapwa mag-aaral 3. Nakagagawa ng resolusyon ng pagbabago 4. Nakagagawa ng isang plano ng pagkilos upang harapin ang negatibong peer pressure at naisasagawa ito

Mahahalagang Tanong sa Ikaapat na Markahan: Bakit kailangang magkaroon ng kaalaman sa ibat-ibang mga isyu kaugnay ng pakikipagkapwa-tao? Mahahalagang Tanong sa Aralin 6: Bakit suliranin sa pakikipagkapwa ang peer pressure?

239

(prudence) at ng pagiging masunurin sa mga magulang at awtoridad. Nauunawaan ng mga mag-aaral ang: (Mga Kaalaman) Kahulugan ng Peer Pressure

Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng mga sumusunod: (Mga Kasanayan)

a. Nakapagbubuo ng kahulugan ng pagiging mapanagutan b. Nakapagbibigay katwiran kung paano makatutulong ang pagiging mapanindigan sa pakikipagkapwa Ang mga Negatibong Epekto ng Peer Pressure c. Nakapagtataya sa sarili kaugnay ng nangingibabaw na paraan ng pagtugon d. Nakapagmamarka sa sarili sa Peer Pressure Quiz Ang Ibat ibang Paraan ng Pagtugon sa mga Sitwasyon e. Nakapagsasagawa ng isang sarbey upang matukoy ang profile ng mga kamagaral sa pagtugon sa peer pressure Pagharap sa Negatibong Peer Pressure f. Nakapagsasagawa ng mga gawaing pampaaralan na makatutulong sa mga kabataan na harapin ang negatibong peer pressure g. Nakapagsasagawa ng isang plano ng pagkilos upang harapin ang negatibong peer pressure h. Nakapagbahagi sa isang deliberasyon kung anong gawain ang mas makatutulong sa kapwa mag-aaral upang harapin ang peer pressure Antas 2 Inasasahang Pagganap Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa Mga Patunay sa Antas ng Pagganap Nakagagawa ng isang plano Pagpapaliwanag ng pagkilos upang harapin Pagbibigay-katwiran kung paano makatutulong ang pagiging mapanindigan sa 1. Nakapagtataya sa sarili ang negatibong peer paggawa ng mabuti sa kapwa kaugnay ng pressure at naisasagawa ito Kraytirya: nangingibabaw na - Maayos ang pagpapaliwanag paraan ng pagtugon - Bumanggit ng mga katunayang magpapatatag ng paliwanag 2. Naibabatay ang plano ng pagkilos sa Interpretasyon naggawang pagtataya Pagbibigay ng kahulugan sa mga dahilan ng pag-akit ng kapwa kabataan sa paggawa ng sarili ng masama 3. Natataya ang Kraytirya: isinagawang mga - Maayos ang pagbibigay kahulugan hakbang sa pagharap sa peer pressure - Bumanggit ng mga paraan upang matulungan ang mga ganitong kabataan Ang Positibo at Negatibong Peer Pressure Paglalapat Pagsasagawa ng mga gawaing pampaaralan na makatutulong sa mga kabataan na harapin ang negatibong peer pressure 240

Kraytirya: - Maayos ang ginawang plano - Makatotohanan ang mga gawaing binanggit Pagbuo ng Sariling Pananaw Pakikibahagi sa isang deliberasyon kung anong gawain ang higit na makatutulong sa kapwa mag-aaral upang harapin ang peer pressure Kraytirya: - Maayos ang paglalahad ng opinyon - Makatotohanan ang mga gawaing binanggit Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba Pagbabahagi ng saloobin tungkol sa hirap na nadarama tuwing nais tanggihan ang peer pressure Kraytirya: -Malinaw na paglalahad ng sitwasyon -Malinaw na naipahayag ang damdamin Pagkilala sa Sarili Pagkilala sa Sarili Pagpapahayag ng sariling reyalisasyon tungkol sa hamon ng pagiging matatag sa gitna ng peer pressure Kraytirya: -Malinaw na binanggit ang mga reyalisasyon -May pagninilay Antas 3 Plano ng Pagkatuto-Pagtuturo Aralin 4: Peer Pressure A. PAGSISIYASAT AT PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN (EXPLORE)

Sa pamamagitan ng Pagsasanay Tungo sa Pagiging Mapanindigan ay tatayain ang pagiging mapanindigan ng mga mag-aaral at iuugnay ito sa kanilang karanasan sa pagharap sa peer pressure. Kailangang matukoy ng mag-aaral kung papaanong ang pagiging mapanindigan ay makatutulong sa kanila upang harapin ang mga negatibong peer pressure. Sa pagtuklas ng dating kaalaman ay bibigyan ng guro ng Peer Pressure Quiz (maaring kumuha ng iba pang katulad na pagsusulit) ang mag-aaral upang matukoy ang kanilang kakayahang maninidigan sa harap ng peer pressure. Sa pamamagitan nito ay makikilala ng mga mag-aaral ang kanilang sarili at gayun din ay magkakaroon sila ng higit na malalim na pag-unawa sa kahulugan ng peer pressure sa pamamagitan ng pagtataya sa kanilang sariling mga 241 karanasan.

Pagsisiyasat Pagsasanay Tungo sa Pagiging Mapanindigan (Pagkilala sa sarili) 1. Bibigyan ang bawat mag-aaral ng sipi ng Situationer 2. Bibigyan ang mga mag-aaral ng sipi ng Tatlong Paraan ng Pagtugon at Paghahambing ng Kilos. Tatayain ng mag-aaral ang kanilang mga reaksyon o tugon sa Situationer bilang mapusok, walang tutol na pagsunod o nagsasawalang kibo, at mapanindigan. Tutukuyin nila ang kanilang nangingibabaw na paraan ng pagtugon sa sitwasyon. 3. Magpapares ang mga mag-aaral upang mapag-usapan ang naging resulta ng kanilang pagtataya. 4. Bawat mag-aaral ay bibigyan ng sipi ng Mga Tradisyonal na Paniniwala o Palagay at Mga Lehitimong Karapatan. Matapos itong basahin ay lalagyan ng tsek ng mag-aaral ang bilang na sinasang-ayunan o pinaniniwalaang totoo sa kanya. 5. Magbubuo naman ng tatluhang pangkat ang mga mag-aaral upang pag-usapan ang kanilang mga tugon. SITUATIONER Isulat kung ano ang iyong nagiging tugon sa ganitong mga pagkakataon. 1. Nakalabas ka na ng pamilihan ng iyong matuklasang kulang ang iyong sukli. Ikaw ay ____________________ 2. Nag-order ka ng chocolate ice cream at vanilla ang ibinigay sa iyo. Ikaw ay _______________________ 3. Sasabay sa iyo sa pagpasok ang iyong kamag-aral, ngunit napakatagal nyang maghanda sa pagpasok. Alam mong mahuhuli na kayo sa klase, ikaw ay ______________ 4. Ikaw ay nakapila sa sakayan ng jeep, nang biglang may sumingit sa pila at naunang sumakay sa iyo. Ikaw ay ________________ 5. Ikaw ay papauwi sa probinsya at mageeroplano ka. Kaunti lamang ang iyong bagahe dahil ayaw mong mahirapan sa iyong biyahe. Ang iyong kapitbahay ay nakiusap na makidala ng mga pasalubong sa kanyang mga kamag-anak doon. Mas marami pa ang mga ito sa iyong sariling bagahe. Ikaw ay _____________________

Narito ang mga karaniwang paraan ng pagtugon: Tatlong Karaniwang Paraan ng Pagtugon Mapusok na Paraan. Ang mga karaniwang halimbawa ng mapusok na pagtugon ay ang pakikipag-away, pag-aakusa, pananakot at pang-aapak sa karapatan ng iba na walang pagsasa-alang-alang ng kanilang damdamin. Bagamat ang mga ganitong tao ay hindi nalalamangan o naaapi nino man, kadalasan sila naman ay pinangingilagan at iniiwasan. Walang-tutol na pagsunod o nagsasawalang-kibo. Ang mga ganitong tao ay karaniwang inaapi at niyuyurakan ang karapatan. Karaniwan 242 niyang ginagawa ang ano mang sa kanya ay ipagawa kahit ayaw niya itong gawin. Wala mang nakakaaway ang ganitong uri ng tao, madalas naman itong mapagsamantalahan ng kappa habang dumarami ang kanyang naiipong sama ng loob at poot. Mapaninidigan. Ang taong mapanindigan o may paninindigan ay nakatatayong mag-isa, naipapahayag ang kanyang tunay na damdamin, at hindi pumapayag na mapagsamantalahan ng kapwa. Gayundin, siya ay may pagsasa-alang-alang sa damdamin ng kanyang kapwa. Ang kainaman sa

Nagsasawalangkibo Hinahayaang siyay paikutin ng ibang tao Hindi makatayong mag-isa Palaging nangangailangan ng kasama na mas malakas sa kanya Ginagawa ang lahat ng ipagawa sa kanya kahit labag ito sa kanyang kalooban Kadalasang hindi nakararanas ng pagkabigo

Mga Paghahambing ng Kilos Mapusok Hindi kayang paikutin nino man Nakikipag-away Nag-aakusa Nananakot Nang-aapak ng karapatan ng kapwa ng walang pagsasa-alang-alang sa kanilang damdamin Nakukuha ang kanyang naisin; Karaniwang ikinagagalit ng kapwa Iniiwasan ng ibang tao Sumasagot bago paman matapos magsalita ang kausap Malakas magsalita at mapang-abuso ang ginagamit na mga salita Tumititig ng masama sa kausap Inuungkat ang mga nagdaang usapin Marubdob o maalab na ipinapahayag ang damdamin at mga opinyon Pinahahalagahan ang sarili higit kanino pa man 243

Mapanindigan Nakatatayong mag-isa Naipahahayag ang damdamin

Hindi nagpapalamang sa kapwa at may pagsasa-alang alang sa damdamin ng kapwa Kumikilos ayon sa kanyang ikabubuti nang walang pag-aalinlangan o pagkabagabag

Nalalamangan ng kapwa Nagtatanim ng sama ng loob at poot sa kapwa Madalas mag-alinlangan Marahan at mahinang magsalita Madalas hindi makatingin sa tao Umiiwas sa mga usapin Hindi nagpapahayag ng tunay na damdamin Maliit ang pagtingin sa sarili

Mabilis sumagot/Sumasagot ng walang pag-aalinlangan Maayos makipag-usap; Hindi mataas ang tono ng boses Tumitingin sa mata ng kausap Nakatuon lamang sa isyung tinatalakay o pinag-uusapan Bukas sa pagpapahayag ng opinyon at saloobin Pinahahalagahan ang kapwa tulad ng

Sinasaktan ang sarili huwag lamang makasakit sa iba

Sinasaktan ang kapwa upang siyay hindi masaktan

sarili Hindi nananakit

Mga Tradisyonal na Paniniwala o Palagay at Mga Lehitimong Karapatan Narito ang isang talaan ng mga tradisyunal na paniniwala na maaring natutuhan natin bilang bata ngunit ngyoy nagiging hadlang upang maging mapanindigan. Ang mga tradisyunal na pananaw na ito ay maaring lumalabag sa iyong mga lehitimong karapatan bilang tao. Mga Tradisyunal na Paniniwala 1. Pagiging makasarili ang pagsasa-alang-alang sa pangangailangang pansarili bago ang sa iba 2. Nakakahiya ang magkamali. Lahat ng sitwasyon ay nararapat na natutugunan mo. 3. Kung hindi mo makumbinsi ang iba na tama ang iyong nararamdaman, malamang na makitid lamang ang kanilang pang-unawa o baka naman tama sila at ikaw ang makitid ang pang-unawa. 4. Dapat mong igalang ang pananaw ng iba, lalo na ng mga taong nakatataas sa iyo. Itago mo na lamang ang iyong mga pagsalungat at pansariling opinyon. Makinig at matuto sa iba. 5. Lahat ng bagay ay dapat na matamang pinag-iisipan at hindi pabagobago ng isip 6. Nararapat na ikaw ay makibagay. May magandang dahilan ang iyong kapwa sa kanilang ikinikilos kahit ito pa ay salungat sa iyong mga prinsipyo. Paglapastangan ang pagbibigay puna sa kanila 7. Hindi mo dapat abalahin ang pagsasalita ng iba. Ang pagtatanong ay tanda ng kawalan ng alam. 8. Maaring lumala lamang ang sitwasyon ; huwag ka nang makiaalam pa. 9. Hindi mo dapat na abalahin ang iba sa iyong mga pansariling problema 10. Hindi interesado ang ibang tao na pakinggan ang iyong mga hinaing at sama ng loob 11. Ang payo ng iba ay dapat na palaging pakinggan. Kadalasan ay tama ang kanilang payo. 12. Ang kaalaman na mahusay ang iyong nagawa ay sapat ng kabayaran para dito. Ayaw ng mga tao ng mayabang at mapagmalaki. Ang mga taong maingay sa kanilang tagumpay ay karaniwang kinaiinggitan at Ang Iyong Mga Karapatan 1. 2. 3. Karapatan mong unahin ang iyong ikabubuti sa ikabubuti ng iba. May karapatan ka ring magkamali paminsan minsan Hindi mo kailangang kumbinsihin ang ibang tao tungkol sa iyong sariling damdamin. Karapatan mong maging huling tagahatol kung tama o mali ang iyong nararamdaman at tanggapin ito bilang lehitimo o may batayan May karapatan ka na magpahayag ng iyong sariling opinyon at paniniwala May karapatan kang magbago ng isip at kumilos ng di-ayon sa nauna ng napagpasyahan May karapatan kang magprotesta o tumutol sa hindi parehas na pagtrato at pamimintas ng iba May karapatan kang abalahin ang pagsasalita ng iba upang mabigyang linaw ang ilang bahaging di mo nauuunawaan May karapatan kang magmungkahi ng mga pagbabago May karapatan kang humingi ng tulong at suportang emosyonal May karapatan kang makaramdam ng sakit at ipahayag ito May karapatan kang huwag pakinggan ang payo ng iba, lalot itoy hindi mo hinihingi. Karapatan mo na kilalanin ng iba para sa iyong mahusay na nagawa at mga pagtatagumpay May karapatan kang tumanggi May karapatan kang mapag-isa, kahit na nais ng iba na makasama ka Hindi mo kailangang magpaliwanag para sa iyong mga damdamin at kilos

4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. 14. 15. 244

kinaiinisan. Magpakumbaba kung pinupuri ng iba ang iyong mabuting nagawa. 13. Dapat na pagbigyan mo ang lahat ng lumalapit sa iyo. Kung hindi ay baka sila naman ang tumanggi kapag nangailangan ka na ng tulong 14. Huwag kang umiwas sa mga salu-salo. Iisipin ng mga tao na ayaw mo sa kanila kung kadalasan ay mas nais mo ang mag-isa 15. Nararapat na may dahilan ang iyong nararamdaman at kilos 16. Kapag may nangangailangan ng tulong dapat na lagi kang tutulong 17. Nararapat na sensitibo ka sa pangangailangan at kahilingan ng ibang tao kahit na sila man ay di matukoy ang kanilang nais. 18. Nararapat na panatilihing nasisiyahan sa iyo ang iyong kapwa 19. Dapat na palaging sinasagot ang ano mang itanong ng ibang tao upang hindi sila mapahiya Mga Tanong:

16. Hindi mo responsibilidad na lutasin ang problema ng ibang tao 17. Hindi mo responsibilidad ang alamin ang mga pangangailangan at naisin ng ibang tao 18. Karapatan mong huwag mag-alala kung nasisiyahan sa iyo ang iba o hindi 19. Karapatan mong huwag tumugon sa mga tanong ng ibang tao.

Mananatili ang mga mag-aaral sa kanilang pangkat, sasagutin ang mga sumusunod na tanong: Ano ang inyong natutuhan tungkol sa inyong sarili tungkol sa paraan ng pagtugon? Ano ang iyong nangingibabaw na paraan ng pagtugon sa sitwasyon? Bakit mahirap maging mapanindigan? Ipaliwanag. Mahirap ba para sa iyo ang maninidigan? Kung oo, ipaliwanag ang iyong mga dahilan. Kung hindi, ano ang mga bagay na nakatutulong sa iyo upang maging mapanindigan. 6. 7. 8. 9. Magbubuo ang pangkat ng pagpapakahulugan sa pagiging mapanindigan. Isusulat ito sa manila paper. (Pagpapaliwanag) Iuulat sa klase ang mga nabuong kahulugan. Bubuudin ng guro ang mga nabuong kahulugan. Paano makatutulong sa iyo ang pagiging mapanindigan?

Pagtuklas ng Dating Kaalaman 10. Pasasagutan sa mga mag-aaral ang sumusunod na pagsusulit: Peer Pressure Quiz Hiniram mula sa: Oracle Think Quest Education Foundation http://library.thinkquest.org/C0117922/activities/peerpressurequiz.htm Isinalin sa Filipino: 245

Panuto: Piliin ang letra ng pahayag na sinasang-ayunan mo. 1. Nasa mall kayo at nakita mo ang iyong kaibigan na ibinulsa ang isang pakete ng candy. Ikaw ay a. tutulad sa kanya, ibubulsa mo rin ang isang paketeng candy dahil hindi naman pala nahuhuli. b. magkukunwaring hindi sya nakita c. magsasabi sa kanya na mali ang pagnanakaw at dapat na isauli niya ang ninakaw

2. Nakitulog kayo ng iyong mga kamag-aral sa bahay ng kaeskwela. Sa inyong paglalaro ng truth-or-consequence, ikaw ay naparusahang uminom ng isang bote ng beer. Ikaw ay a. susunod! Mahirap tumanggi sa ganitong pagkakataon. b. bubuksan ang bote at iinom ng kaunti lamang c. hindi susunod at magmumungkahi ng ibang gawain 3. Habang kayo ay nasa kantina, biglang napagkaisahang biruin ang isa ninyong kaklase. Ikaw ay a. sasali. Hindi naman malalaman ng iyong kaklase at baka sa iyo nila ibaling ang pagbibiro. b. magkukunwaring walang nakikita at patuloy na kakain c. magtatanggol sa kaibigan. Ito rin ang inaaasahan moong gagawin para sa iyo ng sinuo man sa iyong mga kaibigan. 4. Gustong-gusto mong dumalo sa isang salu-salo sa bahay ng iyong crush. Hindi ka pinayagan ng iyong magulang. Sinabi ng iyong kaibigan na tutulungan ka nyang makapuslit. Ano ang iyong gagawin? a. Tatanggapin ang tulong ng kaibigan at maghahanda sa pagdalo. Isa syang tunay na kaibigan! b. Mananatili sa bahay pero maggagalit at magdadabog sa mga magulang. c. Mananatili sa bahay at gagawa ng ibang gawain. 5. Namamasyal kayo ng iyong mga kaibigan nang magsindi ng sigarilyo ang isa sa kanila. Ano ang iyong gagawin? a. Hihingi ng isa at magsisigarilyo din. Ganon talaga pag nagbibinata/nagdadalaga. b. Hindi sya iintindihin. c. Lalayo dahil masama sa kalusugan ang second hand smoke. 246

6. Nagpadala ka na ba sa udyok ng peer pressure? a. Oo b. Maari c. Hindi 7. Iinom ka ba ng alak bago mag 21 anyos? a. Oo, umiinom na ako b. Maaari c. Hindi 8. Biyernes ng gabi, lahat ng kaibigan mo ay dadalo sa isang pagtitipon, ngunit nangako ka sa iyong pinsang galling sa probinsya na sasamahan mo syang manood ng sine. Ano ang gagawin mo? a. Magdadahilan sa pinsan. Nais mo ang magsaya. b. Manood ng sine kasama ang pinsan, ngunit matapos nito ay dumalo sa pagtitipon. c. Sabihin sa mga kaibigang nangako ka sa iyong pinsan at hindi makadadalo sa pagtitipon. 9. May nagyaya sa iyong humithit ng marijuana. Ang un among reaksyon ay a. Sasabihing Oo, bakit hindi! b. Magkibit balikat at sabihing, ewan ko. c. Sasabihing, Hindi! 10. Sa inyong klase sa Philippine History, nais tingnan ng iyong kaklase ang iyong test paper. Ano ang gagawin mo? a. Papayagan sya para pakopyahin ka rin nya. b. Payagan sya pero isumbong sya pagkatapos c. Takpan ang iyong papel para huwag niyang makita Pagmamarka ng Peer Pressure Quiz (Pagkilala sa sarili) Karamihan ay a Hindi ka makapaninidigan sa pagharap sa peer pressure. Hindi tama ang mga nagiging pasya sapagkat nagpapaimpluwensya sa iba. Kailangang kilalaniin ang sarili at magkaroon ng paninindigan. 247

Hindi dapat nagpapadala lamang sa ginagawa o kagustuhan ng iba.

Karamihan ay b

Kailangan mo pang magsanay na maging mapanindigan. Minsan ay maaring nagpapasya ka ayon sa iyong damdamin at paniniwala, ngunit kadalasan ay nagpapadala ka pa rin sa panggigipit ng iba. Sa halip na paraanin lamang o magsawalang kibo sa mga isyu, makabubuting magsalita tungkol dito. Mas malayo ang mararating kung mapaninindigan ang iyong mga paniniwala at saloobin.

Karamihan ay c

Mapanindigan ka. Hindi ka nagpapadala sa peer pressure. May tiwala ka sa iyong sarili kung kayat hindi ka naiimpluwensyahan ng kung ano ang popular o uso. Kailangan mong panatilihing malakas ang iyong pagpapahalagang moral na gabay sa pagpili ng tama.

Mga Tanong: 1. 2. 3. 4. Ano ang peer pressure? Kailan nagiging masama ang peer pressure? Ipaliwanag Kailan nakakabuti ang peer pressure? Paano nakatutulong ang pagiging mapanindigan sa pagharap sa peer pressure? B. KARANASAN TUNGO SA PAG-UNAWA (FIRM-UP) Sa bahaging ito ay magsasagawa ng sarbey ang mga mag-aaral upang matukoy nila ang profile ng mga mag-aaral sa kanilang paaralan kaugnay ng peer pressure. Sa pamamagitan nito ay masisilip ng mga mag-aaral kung may suliranin ang paaralan tungkol sa peer pressure. Magkakaroon din ng kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa mga negatibong epekto ng peer pressure sa pamamagitan ng library or internet research at news clippings. Magsasaliksik din ang mga mag-aaral tungkol sa ibat ibang paraan ng pagharap sa peer pressure. Sa huliy may apat na mungkahing pamamaraan upang harapin ang negatibong peer pressure. Ipababasa ito sa mga mag-aaral. 248

11. Pangkatin sa apat ang mga mag-aaral. Ang unang pangkat, gamit ang Peer Pressure Quiz, ay magsasagawa ng isang sarbey upang alamin ang profile ng mga mag-aaral sa paaralan tungkol sa pagharap sa peer pressure. Ang ikalawang pangkat ay magsasagawa ng isang pagsasaliksik (library o internet research) tungkol sa mga negatibong epekto ng peer pressure. Ang ikatlong pangkat ay mangangalap ng mga news clippings tungkol sa mga masamang gawaing udyok ng peer pressure, tulad halimbawa ng paglalasing at paglikha ng gulo. Ang ikaapat na pangkat ay magsasagawa ng isang library research tungkol sa pagharap sa negatibong peer pressure. Iuulat ang mga ito sa klase. Mga Tanong: 1. Ano ang profile ng mga mag-aaral sa iyong paaralan kaugnay ng pagharap sa negatibong peer pressure? 2. Bakit kaya ganito ang profile ng mga kabataan sa inyong paaralan kaugnay ng peer pressure? (Interpretasyon) 3. Bilang mga kabataan, papaano kaya makatutulong sa ibang kabataan, lalo na sa mga kamag-aral, kung paano haharapin ang peer pressure? Itatala ng guro ang mga ibinigay na halimbawa ng mga-aaral. 4. 5. 6. 7. Anu-ano ang mga negatibong epekto ng peer pressure? Ipaliwanag. Anu-ano ang mga nasamang gawaing udyok ng peer pressure batay sa mga news clippings na nakalap? Totoo kaya sa lahat ng pagkakataon ang mga kinahahantungang ito ng mga maling impluwensya ng barkada? Paano haharapin ang negatibong peer pressure?

12. Papano haharapin ang negatibong peer pressure? Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na pamamaraan. Mga kakailanganin: Kakayahang mag-isip Matatalinong kaibigan Pakikinig sa mga magulang Lakas ng loob Pagpupunyagi Kaalaman tungkol sa isyu

1. Kilalaninn mo ang iyong sarili. Nararapat na nalalaman mo kung bakit mo ginagawa ang isang bagay. Halimbawa, maraming kabataan ang nagsisigarilyo dahil lamang ginagawa rin ito ng kanilang mga kabarkada. Ngunit itanong mo sa iyong sarili, ito ba ang gusto kong gawin? Ang 249

isang kabataang may sapat na pag-iisip ay hindi na kinakailangan pang kumunsulta sa tulad rin niyang kabataan na walang karanasan. Maging mapaninidigan ka. Huwag padala sa maling pambubuyo ng barkada. Mas mainam na ikaw ang manguna sa kanila sa kanilang ikabubuti. Itanong mo sa iyong sarili, saan ba ang tutunguhin ng mga kabataang ganito ang gawain? Sila ba ay tunay na nagmamalasakit o nais lamang nila ng kasama sa kanilang kasawian. Sila ba ay nag-aanyong malakas upang pagtakpan ang kanilang mga kahinaan? 2. Piliin ang mga kaibigan. Hindi ka mahihirapan pa na humarap sa negatibong impluwensya ng barkada kung ang iyong mga malapit na kaibigan ay iyong mga tunay na may malasakit sa iyo. Malalaman mo ito kung inaakay ka nila sa mabuti at hindi sa ikasasama mo. Matutukoy ang iyong pagkatao sa uri ng mga taong sinasamahan mo. Kung ang nais mo ay maging masaya at mabuting kabataan, sumama ka sa ganitong uri ng mga kabataan. 3. Makinig ka sa iyong mga magulang. Kung ikaw man ay pinagagalitan nila, iyon ay dahil sa mahal ka nila at ayaw ka nilang mapasama. Napagdaanan na ng iyong mga magulang ang lahat ng iyong pinagdaraanan. Sinisikap nilang maging mabuting tao ka. Naghihigpit sila sapagkat alam nila kung gaano kapusok ang karamihan ng kabataan. Naranasan na rin nila ang peer pressure. Sila ang mainam na kunsultahin para sa mga suliranin kaugnay ng peer pressure. 4. Palaging piliin ang makabubuti sa sarili. Maging matatag lalo na sa pagtanggi sa mga bagay na alam mong makasasama sa iyong kalusugan. Ipakita mo sa mga kaibigan na pinahahalagahan mo ang iyong kalusugan ng katawan at isipan. Ikaw ang nagdidikta ng iyong gagawin at hindi sila. Sa huliy ang paniniwala sa sarili at paninindigan ang tanging pananggalang sa negatibong peer pressure.

C. PAGPAPALALIM (DEEPEN)

Sa pamamagitan ng isang sanaysay ay palalalimin pa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga negatibong epekto ng peer pressure, gayun din ang mga pamamaraan sa pagharap dito. Inaasahang makatutulong ang sanaysay upang mahinuha ng mga mag-aaral ang kakailanganing pag-unawa.
Peer Pressure Minamasdan ni Ruby ang kanyang mukha sa salamin. Papasok na ito sa eskwelahan kung saan siya ay isang mag-aaral sa ikalawang taon. Pakiramdam niyay nakatago sa makapal na pulbos at lipstick na ipinahid nya sa kanyang mukha ang kanyang tunay na pagkatao. Sinusuklay nito ang kanyang buhok na datiy itim na itim ngunit ngayoy may mga bahagyang kulay blonde na. Kapansin pansin din ang kulay itim na kuko nito. Iyon kasi ang uso. Naaalala pa ni Ruby noong siya ay nasa unang taon. Wari bay masamang panaginip ito na nais na sana niyang kalimutan. Pinagtatawanan sya noon dahil sa kanyang pananamit. Wala kasi sa uso ang kanyang mga kasuotan. Luma ang uniporme at sapatos niyang isinusuot dahil ang mga itoy pinaglumaan na ng kanyang ate. Kadalasang simpleng nakatali lamang ang itim nitong buhok. Marami rin ang nagtatawa sa kanyang makapal na salamin sa mata. Walang sumasalo sa kanya sa pagkain ng recess at wala ring nais na pumili sa kanya bilang kagrupo sa mga 250

gawain sa paaralan. Dahil sa kanyang pagnanais na mabago ang pakikitungo ng mga kamag-aral, sinikap nitong baguhin ang kanyang sarili. Sinimulan niya ito sa kanyang pananamit. Pinilit nya ang kanyang ina na ibili sya ng bagong uniporme. Kahit nahihirapan sa pag-aaral ay hindi na nito muling isinuot ang kanyang makapal na salamin. Ginagaya niya ang pananamit ng mga kamag-aral na sikat. Ginagawa niya na ang mga ginagawa nila. Maging ang pagtambay sa tindahan sa labas ng paaralan matapos ang klase. Minsan ngay napilitan siyang uminom ng isang baso ng mapait na beer dahil lamang sa pakikisama. Minsan din ay nag cutting classes sya kasama ang mga bagong kaibigan. Masaya sya sa pakikitungo sa kanya ng kanyang mga bagong kaibigan. Sa wakas ay kabilang na rin sya. Masaya sya sa pakikitungo sa kanya ng mga kamag-aral. Ngunit, para bang hindi sya nasisiyahan sa Ruby na nakikita niya sa salamin. Wari bay hindi nya ito nakikilala. Napakarami nya nang pagkukulang sa kanyang pag-aaral at sa kanyang pamilya. Ang mga ganitong kwento ay hindi na bago sa ating pandinig. Nangyayari itong madalas lalo na sa mataas na paaralan. Sa bawat paaralan ay palaging mayroong isang grupo ng mga mag-aaral na sikat o tinatawag nilang cool group. Kadalasan, ang mga kabataang ito ay may dalawang uri. Yaong mga sikat dahil sa kanilang reputasyon sa paggawa ng mga bagay na hindi nila dapat na ginagawa. Ang kanilang kakayahan sa paglabag sa mga alituntunin nang walang pag-aalinlangan ay dahilan para sila katakutan ng karamihan sa kanilang mga kamag-aral. Mayroon din namang sikat dahil sila ay kilala sa pagiging higit na mahuhusay, matatalino, magaganda o mas nakaaangat sa buhay. Silay karaniwang hinahangaan. Ngunit hindi lahat ng ganitong pangkat ng kabataan ay may pantay na pakikisama sa lahat. Kadalasan silay namimili lamang ng kanilang tatanggapin sa kanilang grupo. Natural lamang sa ibang mag-aaral na hangaring mapabilang o kilalanin man lamang nang alin man sa mga pangkat na ito. Ayon kay Esteban (1990), ang isang teenager na tulad mo ay tunay na madaling maapektuhan ng impluwensya ng iyong mga kaedad, tinatawag itong peer pressure. Sensitibo ang mga kabatang tulad mo sa peer pressure sapagkat sa yugtong ito ng emosyonal at sosyal na paglago, ay karaniwang nakakaramdam ka ng matinding pangangailangan upang mapabilang. Ninanais mong makilahok sa mga gawain, maanyayahan, maramdamang ikaw ay gusto ng iba, at ninanais mong makahalintulad nang mga nais mong makasama. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ka ng kumpiyansa at pagpapahalaga sa sarili. Gayon pa man mayroong negatibo at positibong epekto ang peer pressure. Ang pagtukoy kung alin ang negatibo at positibong peer pressure ay nakasalalay sa pagsusuri sa mga maaaring kahinatnan nang pagbibigay dito. Ang bulag na pagsunod sa mga kaibigan ay maaring maging dahilan ng pagkasira ng iyong buhay. Subalit ang mapanuring pagharap dito at paggawa ng matalinong pagpapasya ay maaring ikabuti ng ating buhay. Mga Negatibong Epekto ng Peer-Pressure Kung hindi mo ibig ang isang ideya, hindi bat hindi ka sasang-ayon dito? Kapag hindi mo hilig ang isang larangan, natural lamang na hindi ito ang larangang tatahakin mo. Kadalasan ang mga kaibigan o kabarkada ang nagtutulak sa isang kabataan na gumawa ng isang bagay na hindi nya nais. 251

Kung nagkakagayon, malaki ang posibilidad na hindi sya maging matagumpay sa larangang ito. Mahirap magtagumpay sa isang gawaing hindi kanaisnais sa iyo. Hindi bat pagsupil sa iyong kaligayahan ang pagbibigay sa peer pressure sa paggawa ng mga mahahalagang desisyon sa iyong buhay. Madalas ang uri ng pamumuhay na tinatahak ng mga kabataang tulad mo ay bunga ng peer pressure. Maaring hindi mo ibig ang mga kasayahan at pagtitipon, ngunit dahil sa ito ang nais ng iyong mga kaibigan ay napipilitan kang dumalo sa mga ito. Maaring hindi mo naiibigan ang pag-inom ng alak at paninigarilyo, ngunit napipilitan ka dahil sa lahat ng iyong mga kaibigan ay gumagawa nito. Maraming pagkakataon na dahil sa matinding panggigipit ng mga kabarkada ay tumitikim ng droga ang ilan. Maraming kabataan ang nalilihis ng landas dahil sa pagbibigay sa buyo ng barkada. Karaniwang nawawala ang kakanyahan ng isang kabataan dahil sa peer-pressure. Kapansin-pansin na sa isang barkadahang nakapangyayari ang peer pressure, pare-pareho ang pananamit, pag-aayos ng sarili, pagkilos at pananalita ng mga kasapi nito. Silay para bang mga clone ng isat isa. Nakalulungkot ito, sapagkat ang tunay na pakikipagkaibigan ay ang pagtanggap sa kapwa ng walang paghuhusga. Ang uri ng ugnayang dapat na matutunan ng isang kabataan upang maging produktibo at mabunga ang pakikipagkapwa ay yaong magpapatingkad ng kanyang kakanyahan o pagiging isang indibidwal. Dahil sa peer pressure, hindi na nasusunod ang dikta ng ating konsensya sa kung ano ang tama at mali. Nagiging tama na ang ano mang sinang-ayunan ng buong barkada. Nawawala na ang mga sariling pagpapahalaga at mga katangian na nagpapabukod-tangi sa iyo. Anu-anong maling gawain nga ba ang maaring maging udyok ng peer pressure? Ayon sa isang pag-aaral ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) sa Amerika, marami. Sa pinakahuling pag-aaral, pinatutunayan lamang na tunay nga na dapat ikabahala ang peer pressure. Maraming mga kabataan ang sumusubok ng isang bagay na maglalagay sa kanilang kalusugan sa panganib dahil sa peer pressure. Kabilang sa lubhang mapanganib ang paninigarilyo, pag-inom ng alak, pag-abuso sa droga at pre-marital sex. Hindi rin naman naiiba ang mga naging resulta ng pag-aaral naman sa Pilipinas. Ilan sa mga datos na nakuha nila ang mga sumusunod: Paninigarilyo. Sa gulang na 13 anyos, isa sa limang tinedyer ang nakasubok na ng sigarilyo. Dalawamputlimang (25%) porsyento ng mga magaaral sa mataas na paaralan sa Amerika ay naninigarilyo na. Pag-inom ng alak. Pitumput-limang porsyento (75%) ngmga kabataan sa pagitan ng edad na 14 at 17 ay nakainom na ng alak. Sa mga 252

kalalakihang kabataan na sumubok nito, dalawampung porsyento (20%) ang labindalawang taong gulang lamang ng unang tumikim nito. Sa edad ding ito nagsisimula na ang minsanang paglalasing. Halos dalawamput limang porsyento (25%) sa mga umaming silay umiinom ng alak na may gulang na 16 hanggang 21 ay umamin ding silay nagmamaneho ng sasakyan kahit lasing. Pag-abuso sa bawal na gamot. Mahigit sa dalawamput limang porsyento (25%) n mga kabataang labing-apat na taong gulang hanggang labimpitong taong gulang ay naagamit na ng bawal na gamot. Halos ikatlong bahagi ng mga regular na gumagamit ng marijuana na nasa hustong gulang na ay nagsimulang gumamit ng sila ay labing-apat na taong gulang lamang. Pre-marital sex. Isa sa tatlong kabataang nasa labing-apat hanggang labinlimang taong gulang ang naranasan na ang pakikipagtalik. Tatlumpung porsyento (30%) ng mga kabataang aktibo sa ugnayang sekswal ay umaming hindi gumagamit ng proteksyon. Bukod pa sa mga naitala sa mga naging pag-aaral mayroon pang nakababahalang epekto ang peer pressure. Bagamat hindi ito kasingdalas na nauulat pataas naman ang bilang ng mga kabataang dahil sa udyok ng barkada at peer pressure ay nagkakaroon ng sakit sa isip na tinatawag na eating disorders. Sakit ito sa pag-iisip dahil sa ang taong mayroon nito ay may maling persepsyon o pagtataya sa kanyang pangangatawan. Isa pang nakatatakot na epekto ng peer pressure ang pananakit sa sarili. Ayon kay Dr. Alec l. Miller, isang sikolohista sa Albert Einstein College of Medicine sa New York, isa na ngayong kakaibang pamamaraan ng ilang kabataan upang maibsan ang sakit ng mga mabibigat na emosyon tulod ng labis na kalungkutan o paghihinagpis, ang pagsugat sa sariling katawan. Karaniwang ito ay sa pamamagitan ng paghihiwa sa braso o iba pang paraan ng panankit sa sarili. Hinihikayat nila ang ilan nilang mga kaibigan o kabarkada na gawin din ito bilang pakikisama o pakikiramay. Sa Pilipinas, ayon sa Dangerous Drugs Board, gayun din halos ang datos lalo na sa sigarilyo, alak at bawal na gamot. Karaniwang nagsisimula ang pag-abuso sa mga sangkap na ito sa pagpasok sa mataas na paaralan. Ngunit isang sangkap na inaabuso ng maraming mahihirap na kabataan ang wariy sa Pilipinas lamang uso. Ito ay lubhang mapanganib sa kalusugan. Ang pag-abuso sa solvent na karaniwang matatagpuan sa rugby at paint thinner. Sa murang edad na walo hanggang labindalawang taon karaniwang nagsisimula ang pag-abuso dito. Ayon sa dokumentaryong ginawa ni Karen Davila para sa telebisyon, napakadali para sa sinumang kabataang Pilipino ang makabili nito. Sa halagang trenta hanggang kwarenta pesos ay mayroon ka nang paint thinner o rugby na mabibili sa hardware. Walang restriksyon sa pagbebenta nito maging sa mga bata.

253

Ang Positibong Epekto ng Peer Pressure Ang peer pressure ay hindi naman palaging nakasasama. Makatutulong ito sa iyo upang linangin ang iyong kakayahan sa mapanagutang pagpapasya. Magkakaroon ka ng pagkakataong mapagnilayan ang uri ng pamumuhay na mayroon ka. Mahalaga rin namang makita natin ang ibang mukha ng buhay. Sa pamamagitan ng paghahalintulad o pagkukumpara sa ating sarili sa iba ay mas higit nating makikilala ang ating mga nais, mga interes, mga pagkukulang o kahinaan at mga kalakasan. Maari rin namang makabuti ang impluwensya ng mga kabarkada. Ang pagtulad sa mga mabubuting gawain ng mga hinahangaang kabataan sa iyong paaralan ay maaring makapag-paunlad sa ating sariling pagkatao. Kung tayo ay mapabilang sa isang mabuting barkadahan, magiging mabuti rin ang kahihinatnan ng ating buhay. Sa isang mabuting barkadahan ang bawat miyembro ay itinuturing na mahalaga. Binibigyang halaga ang kakayahan, interes, at kalakasan ng bawat isa. Tumutulong din ang barkada na palakasin ang kahinaan nito. Sa isang mabuting barkadahan lalong pinatitingkad ang kakanyahan o ang indibidwalidad ng bawat isa. Ang kalakasan ng grupo ay ang pagkakaroon nito ng mga kasaping may mataas na pagtingin at pagpapahalaga sa kanilang sarili. Paano nga ba dapat harapin ang peer pressure? Isa sa pinakamahirap na pinagdaraanan ng isang kabataan ang peer pressure. Kung ang peer pressure ay maaring makabuti o makasama, paano malalaman ng isang tinedyer kung dapat syang sumunod sa udyok nito. Makatutulong ang mga sumusunod na tanong: 1. Papaano kaya tatanggapin ng iyong magulang ang iyong magiging desisyon? Sa pag-iisip kung paano tatangagapin ng ating mga magulang ang ano mang desiyon natin sa udyok ng peer pressure makikilala natin ang buti o samang idudulot ng desisyong ito atin. 2. Isipin mo ang iyong sarili: maikararangal mo ba sa ibang tao ang pipiliin mong desisyon? Ikahihiya mo ba ito? Madalas alam natin kung ano ang makabubuti o makasasama sa atin. 3. Isipin mo ang mga kahihinatnan ng desisyong ito: ano ba ang makukuha mo dito? May buti ba itong idudulot sa iyo? Ayon sa mga pag-aaral tungkol sa peer pressure, may dalawang mabisang kasanayan na makatutulong sa mga kabataan para harapin ang peer pressure: ang kakayahan sa mapanindigang pagtanggi (assertive refusal) at kakayahan sa matalinong pagpapasya (sound decision-making). Sa pag-aaral na nalathala sa pahayagan ng Addictive Behaviors, halos 1, 500 mga kabataan sa mataas na paaralan ang siniyasat sa pamamagitan ng isang talatanungan. Sinuri ang kasanayan ng mga kabataang ito sa pagtanggi at pagpapasya. Kabilang sa mga tanong na ginamit dito 254

ay kaugnay ng paghitit ng sigarilyo at marijuana, pag-inom ng alak, paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng kanilang mga kaibigan at kasambahay, kabilang na ang kanilang mga magulang. Napatunayang ang mga kabataang may mataas na kasanayan sa mapanindigang pagtanggi at matalinong pagpapasya ay mas mababa ang posibilidad na gumamit din ng mga sangkap na ito. Tatlong taong sinundan ng mga nagsagawa ng pag-aaral na ito ang mga kabataang nakabilang dito. Nakita nila na mahalaga ang kaalaman sa mga masasamang idudulot ng sigarilyo, alcohol, at bawal na gamot. Wika nga ni Dr. Jennifer A. Epstein, pangunahing tagapagtaguyod at propesor sa Weil Cornell, sa pamamagitan ng kasanayan sa mapaninidigang pagtanggi at matalinong pagpapasya, kakayanin ng mga kabataan ang paglabanan ang malakas na impluwensya ng mga kaibigan, kabarkada o mga kamag-anak sa paggamit ng mga nakalalasong sangkap ng sigarilyo, alak, at bawal na gamot. PAGHINUHA NG KAKAILANGANIN SA PAG-UNAWA (EU) Mga Tanong: 1. Bakit nakasasama ang peer pressure? Magbigay ng halimbawa. 2. Paano mo iuugnay ang pag-abuso sa alak, bawal na gamot at sigarilyo ang peer pressure? Magbigay ng mga katibayan. 3. Paano dapat harapin ang mga negatibong peer pressure? 4. Paano nakatutulong ang mga kakayahan sa mapaninidigang pagtanggi at matalinong pagpapasya sa pagharap sa negatibong peer pressure? Batay sa nabasang sanaysay sagutin : Bakit suliranin sa pakikipagkapwa ang peer pressure?

Ang peer pressure

D. PAGGANAP, PAGNINILAY AT PAGSASABUHAY (TRANSFER)

(FU: Paglalapat)

Sa nakaraang mga gawain ay nagkaroon ng kaalaman ang mag-aaral tungkol sa kanyang sariling kakayahang humarap sa negatibong peer pressure. Nagkaroon din sya ng pagkakataong mataya kung may suliranin ang mga kapwa mag-aaral hinggil sa
255 pagharap sa peer pressure. Batay sa kanyang mga natutuhan isa ngang malaking suliranin sa mga kabataan ang peer pressure.

Mahalagang maisalin ng mga-aaral ang kanilang natutuhan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kanilang iminungkahing solusyon sa suliranin sa negatibong peer pressure. Dapat din na maging bahagi ng kanyang paglago ang mapaninidigang pagharap sa peer

Pagsasabuhay 1. Balikan ang isinagawang sarbey sa mga kamag-aral kaugnay ng peer pressure. Gawan ng graph o paglalarawan ng profile ng mga mag-aaral kaugnay ng peer pressure. Ipaskil muli ang mga halimbawang ibinigay kung papaano makatutulong sa mga kapwa kabataan na harapin ang negatibong peer pressure. (Interpretasyon) Magkaroon ng deliberasyon kung alin ang pinakamainam na gawin o isagawa ng lahat batay sa mga sumusunod: (FU: Pagbuo ng sariling Pananaw) Ito ay makatotohanan o maaring maisagawa ng mga kabataang tulad nila. Hindi kinakailangan ng malaking halaga Magagawa sa maikling panahon lamang Isasagawa ang gawain. Hal. Pagbibigay ng isang symposium o kayay isang pagpapalabas tungkol sa pagharap sa negatibong peer pressure. 2. Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng plano ng pagkilos tulad halimbawa nito:

Mga sitwasyon kung saan nahihirapang manindigan Kapag nagyayayang magcutting classess ang mga kamag-aral

Dahilan kung bakit hindi makapaninidigan sa ganitong sitwasyon Natatakot magalit ang mga kaibigan

Mga paraan kung paano magiging mapandigan Magpapaliwanag na hindi ito makabubuti sa aking pagaaral at gayon din sa kanila Iiwas na sa ganitong mga kaibigan

Mga Sanggunian: 1. Esteban, Esther J; Education in Values: What, Why and For Whom; Sinag-Tala Publishers Inc.; Manila, 1990 2. Pilar, Mary V. et al; Matutong Mabuhay at Magmahal: Manwal ng Guro; Word and Life Publications; Makati, Philippines, June, 2005 256

3. Pontifical Council for Justice and Peace; Compendium of the Social Doctrine of the Church; CBCP; Manila, 2004 4. Manohar, Uttara ,Facts About Peer Pressure, extracted from http://www.buzzle.com/articles/negative-and-positive-effects-of-peer-pressure.html 5. Oak, Manali , Negative and Positive Effects of Peer Pressure, extracted from http://www.buzzle.com/articles/negative-and-positive-effects-of-peerpressure.html 6. Heubeck, Elizabeth , Teen Peer Pressure: Raising a Peer Pressure-Proof Child, extracted from http://www.webmd.com/parenting/teen-abusecough-medicine-9/peer-pressure?page=3 7. Drug Abuse in the Philippines, extracted from http://www.wellsphere.com/men-s-health-article/drug-abuse-in-the-philippines/508774 8. Rugby Boys: Inhalant Abuse in the Philippines, extracted from http://www.associatedcontent.com/article/72619/rugby_boys_inhalant_abuse_in_the_philippines.html

257

You might also like