Teoriyang Pampanitikan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Teoriyang pampanitikan

Ang teoriyang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.

Eksistensyalismo-Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa
kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence)

Naturalismo-Ito ay tumatalakay tungkol sa kalupitan ng mundo Humanismo -pinapakita na ang tao ang sentro ng mundo. Binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian
ng tao

Romantisimo -Sa teoryang romantisimo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan.
Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. , Pormalismo -Ito ay modernismo o makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na hindi magiging larawan lamang ng realidad ang sining kundi interpretasyon (kung minsan ay hindi maunawaan, puno ng misteryo at hiwaga at kung minsan ay walang kabuluhan) ng bisyon ng mundo.

Markismo -Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika.

Pisikal-Naaayon sa katawan ng tao Moralistiko-Ito ay teoryang nagbibigay-diin sa mga layuning dakila at pinahahalagahan nito ang kabutihan,
ang tama, ang kagandahang asal, tamang pakikipagkapwa, mabuting pag-uugali at wastong reaksyon ng tao sa kanyang kapwa.

Sosyolohikal-Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon,
lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon.

Biyograpikal-Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na


personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid.

Sikolohikal -Ayon kay Freud at crionatekstong matapang (ama at ina ng sikolohiya), ang tao ay isang iceberg
na lumulutang sa ibabaw ng karagatan.

Arkitaypal-Ayon kay Carl Jung at krionaitalikong teksto, naniniwala siya sa pananaw ni Freud na may dimalay na bahagi ang tao,subalit hindi ito personal na unconscious, bagkus ay kolektibong unconscious.

Klasisismo-Ito ay tumutukoy sa paggamit ng makulay na kultura ng mga europeo. kakitaan din ito ng paggmit
ng salitang hari at reyna atbp. ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

Absurdismo-Ito ay isang pilosopiyang batay sa paniniwalang nabubuhay ang tao sa isang irasyonal at
walang kahulugang uniberso. Dito, ang kaalaman at pag-uugali ay parehong "ilohikal" at gawa-gawa lamang.

You might also like