Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Paano mo Paghahandaan ang Iyong Pagtanda

Sinasabing may tatlong bagay sa ating buhay na hindi natin makakaligtaan. Nangunguna ay ang kamatayan. Walang sinuman tatagal dito sa mundo, lahat ng tao ay may katapusan. Ayon kay Steve Job, tagapagpagtatag ng Apple, sa kanyang talumpati sa graduwasyon ng Unibersidad ng Stanford, na ang kamatayan ay isang katotohanan na dapat tangapin katulad ng pagbabago dahil isa itong kaparaanan ng buhay ng tao. Ang buhay ay nagsisimula pagkabata hanggang sa pagtanda at kong papalarin ng Maykapal na mabigyan ng mataas na buhay, iisa lamang ang hantungan, ang pagtanda. Ngunit madalas natin maririnig ang pagkasuklam kong kita ay tatawagin matanda na, at kung saan o kanino tayo dumudulog, maibsan lamang ang kaanyuhang katandaan. Upang mabigyan ng katuparan at kasiyahan, ang mga dalubhasa ay walang humpay sa pagnanaliksik ng mga makabagong produkto sa pagpaganda at prosesong medical para maagapan ang kaanyuhang katandaan gaya pag-iba ng anyo ng mukha, pagpapalaki sa dibdib at pagpapayat sa pamamagitan ng pagtanggal ng sobrang fats. Itinuring ito ng maraming mga tao bilang isang paghahanda sa katandaan. Ngunit isa lamang ito sa mga pamamaraan sa paghahanda sa katandaan. Dapat din nating bigyan kahalagahan ang paghahandang panloob na mas mahalaga kaysa paghahandang panlabas. Ating dapat isa-isip na hindi biro ang pagtanda. Sa panahong ito mararanasan natin ang kalungkutan, kawalan ng pag-asa at trabaho, pagbaba ng lakas at pagsama ng kalusugan. Sa panahong ito, tayo ay nangangailangan ng kasama na siyang nakakaiintindi at nakaunawa sa ating kalagayan. Bilang isang mag-aaral, mapaghandaan ko ang aking pagtanda sa pamamagitan ng taos-pusong pagmamahal ng aking pamilya, kamaganak, kapitbahay at sa mga nangangailangan. Kung tayo ay nagmamahal sa kanila, tayo ay makaka-asa na sila ay nandoon sa ating pagtanda. At kung sa kasamaang palad sila ay hindi natin kapiling, ang Dakilang Lumikha, na Diyos ng pag-ibig, ay hinding-hindi magtungali na magpadala ng mga taong may mabuting kalooban upang matulungan ka. Upang matustusan ang araw-araw na panganngailangan, dapat din magpamiyembro ng GSIS o SSS upang magkaroon ng pensyon. Ito ay kompulsory sa lahat ng nagtratabaho sa pamahalaan at mga tanggapang pribado; at sa kasalukuyan tinatanggap na buluntaryong pagpamiyembro.

Pwede din ang pag-impok sa bangko sa mga perang naipon. Kung may sapat na pera ay gamiton ito sa magandang negosyo kung saan ito ay maaasahan sa panahon ng pagtanda.

You might also like