Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Simula pa pagkabata, itinatak na sa ating pag-iisip na si Dr.

Jose Rizal ang ating pambansang bayani----na siya ay isang dakilang nilalang na nagtaguyod ng ating kalayaan mula sa mapaniil na kamay ng mga Kastila at siya na nagsilbing inspirasyon ng kanyang henerasyon upang mas lao pang pag-alabin ang pagnanasang makamit ang kalayaang inaasam. Sa kabila nito, marami pa rin ang nagsasabi na si Dr. Jose Rizal ay hindi nararapat na tawagin sa ganitong taguri sa kadahilanang hindi siya ang tunay na naguna sa rebolusyon. Ayon kay Renato Constantino, walang pasubali niyang tinutulan ang kilusan nina Bonifacio at ng mga Pilipinong nakibaka upang matamo ang pambansang kalayaan. Matatandaan natin nang ipatapon si Rizal at nang siya ay sadyain ni Dr. Pio Valenzuela upang hikayatin na maging tagapangulo ng Katipunan, kanya itong tinutulan. Tunay nga bang hindi sang-ayon si Rizal na ang rebolusyon ang kailangan upang matamo ang kalayaang? Naniniwala kaya siya na hindi pa handa ang mga Pilipino noong mga panahong iyon? At ano sa kanyang pananaw ang tamang paraan upang makamit ng mga Pilipino noon ang kalayann ng Pilipinas? SA PANAHON ng Kilusang Propaganda na kinatawan nina Rizal, Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar at ilan pang Pilipinong nasa Espanya noon, makikitang hindi ang paghiwalay ng Pilipinas sa kandungan ng Espanya ang kanilang hinihingi kundi mga reporma lamang sa pamamahala ng gobyernong Kastila sa Pilipinas. Hiniling nila na pagkalooban ng pantay na karapatan ang mga Pilipino kagaya ng mga karapatang pampulitika at pangkabuhayang tinatamasa noon ng mga Kastila sa Pilipinas. Hiniling nila na bigyang pagkakataong humawak ng mataas na puwesto sa gobyernong Kastila ang mga Pilipino, kagaya ng pagiging kinatawan sa Cortes o Kongreso ng Espanya. Higit sa lahat, kung maaari, maging probinsiya, hindi kolonya, ng Espanya ang Pilipinas. Dagdag pa niya, isinumpa ni Rizal ang Rebolusyon sapagkat bilang isang ilustrado, likas niyang minaliit ang lakas at katalinuhan ng masa. Naniniwala siya na ang kalayaan ay hindi isang pambansang karapatan kundi isang bagay na ipinagkakaloob sa karapat-dapat tulad ng medalya para sa mahusay na ugali. Ang kalayaan diumanong hinihingi ni Rizal, ayon pa rin kay Constantino, ay yaong kalayaan lamang na kailangan ng piling uri upang umunlad ang kanilang kabuhayan at hindi inakala ni Rizal na ang pampulitikang kasarinlan ang siyang pangunahing kailangan bago natin makamit ang kalayaan. Sa kabanata 50 ng nobela niyang Noli Me Tangere, sa usapan nina Elias at Ibarra, maaaring ipinahiwatig ni Rizal ang pagtutol niya sa rebolusyon at pagbibigay-diin sa edukasyon para makamit ang kalayaan. Sa madaling sabi, gusto ni Rizal na magkaroon muna ng edukasyon ang mga mamamayan bago maging malaya at naniniwala siyang ang edukasyon at kalayaan ay dapat na laging magkaugnay kagaya ng kanyang sinabi sa sanaysay niyang Sobre la Indolencia de los Filipinos na kung walang edukasyon at kalayaan na siyang lupa at araw ng isang tao, walang repormang posibleng maganap, walang hakbang na magbubunga ng ninanasang resulta. Naniniwala marahil noon si Rizal na hindi pa handa ang bayan sa pagyakap sa kalayaan at hindi pa iyon ang takdang panahon para maghimagsik ang sambayanan.

You might also like