Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Ang pinakamabisang paraan ng pagkilala sa katangian ng isang tao ay ang kanyang kaparaanan sa pag-iisip

Ang panlaping dis ay nangangahulugang pag-aalis o pagtatanggal. Ang salitang kurso naman ay ang isang pangkalahatang pagtanaw sa isang organisadong gawain. Ang diskurso ay paraan ng pagpapahayag, pasulat o panalita man.

Ito ay nangangahulugan din ng pakikipagtalastasan.

Ito ang promal at patuluyang pagsasagawa ng isang mahusay na usapan.

Ito ay isang interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon.

Ayon kay MILLROOD, ito ay tumutukoy sa kinagisnang paraan ng pakikipagtalastasan gayon din naman ang malalim na pagtingin sa mga ideyang inilahad.

1. Maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi sa kulturang nakapaloob dito 2. Mahusay maghinuha ng mga impormasyon gaya ng integrasyon ng kilos sa salita.

3. Magkaroon ng kritikal at malalim na kakayahan sa pag-unawa ng mga mensahe.


4. Maisaalang-alang ang mga sumusunod na dimensyon. a. KONTEKSTO- ito ay tututukoy sa setting, participants, ends, acts, keys, instrumentalities, norms, at genre. Mapapaangat nito ang sensitibiti ng dalawang naguusap. b. KOGNISIYON- Ito ay tumutukoy sa wasto at angkop na unawa sa mensahe ng mga nag-uusap. Bhagi din dito ang oryentasyon at kulturang kinakabilangan ng mga naguusap. c. KOMUNIKASYON- Ito ay tumutukoy sa berbal at di-berbal na paghihinuha ng mga impormasyon. d. KAKAYAHAN- Ang pagkakaroon ng kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pasulat ang mga pangunahing kakailanganin sa mahusay na pagdidiskurso.

Pokus ng teoryang ito ang kasakangkapan ng gamit ng wika sa isang partikular na sitwasyon ito ay binibigyang pansin sa pag-aaral ng pragmatics. Tinataya sa teoryang ito na ang mahusay na diskurso ay laging bumabatay sa kinalalagyang sitwasyon ng mga taong sangkot sa isang usapan. Ang pragmatics ay kinapapalooban ng tatlong pangkalahatang kakayahan sa komunikasyon: 1. Gamit ng wika sa ibat ibang layunin. 2. Paghiram o pagbabago ng wikang gagamitin batay sa pangangailangan o inaasahan ng tagapakakinig at/o sitwasyon. 3. Paggamit ng mga tuntunin sa isang kombersasyon at mga naratibong dulog gaya ng pagkukwento, pagbibigay ng mga report at iba pa.

Ito ay isang teknikal na termino na karaniwang ginagamit sa larangan ng linggwistika gayon din sa pilosopiyang pangwika. Sa simleng paliwanag, ito ay tumutukoy sa paniniwala na anuman ang ating sabihin, lagi na itong may kaakibat na kilos, maging ito man ay paghingi ng paumanhin, pagbibigay-bahala, paghihimok, at iba pa. Sa teoryang ito, binibigayang-halaga din ang papel ng kulturang kinabibilangan ng mga sangkot sa usapan. Kung kaya, maaaring maging tuwiran o di-tuwiran ang speech out.

Ang teoryang ito ay nakapokus sa baryasyon ng wikang ginagamit ng mga taong sangkot sa isang diskurso. Kinapapalooban ito ng pagkakaiba sa tono, intonasyon, gamit ng salita gayon din ang estrukturang panggramatika ng isang ispiker. Lumalaganap ang teoryang ito dahil na rin sa untiunting pag-usbong ng ibat ibang speech community na nagtataglay ng maraming baryasyon sa wika.

Binibigyang-halaga rin sa pag-aaral ng diskurso ang mga estilong ginagamit ng mga taong sangkot sa isang usapan. Sa pag-aaral ni JOOS, inilahad niya ang limang antas ng promalidad sa pakikipagkomunikasyon. (a)ORATORICAL o FROZEN STYLE- Kadalasan itong ginagamit sa pagsasalita sa harap ng publiko na may malaking bilang ng awdyens. Mahusay na pagpaplano kaugnay sa mga salitang gagamitin, intonasyon gayon din sa iba pang mga mapanghikayat na paraan ng pagsasalita ang mga kakailanganin sa estilo na ito. (b)DELIBERATIVE STYLE- Ginagamit ang estilong ito sa tiyak na bilang ng awdyens na hindi kinakailangan ng mataas na antas ng pormalidad gaya ng nauna. Kadalasan itong isinasagawa sa loob ng klasrum o mga porum. (c)CONSULTATIVE STYLE- Ito ang tipikal na pakikipagdiyalogo. Kailanganin dito ang pormalidad sa pananalita sa pamamagitan ng pagiging mapili sa mga salitang gagamitin. Kadalasan itong masasaksihan sa opisina at mga miting.

(d)CASUAL STYLE- Ang estilong ito ay higit na makikita sa usapan ng dalawang magkaibigan o kaya naman ay usapan sa pagitan ng magkakapamilya. Hindi gaanong binibigyangpansin dito ang pormalidad ng pakikipagtalastasan. (e)INTIMATE STYLE- Makikita sa estilong ito ang pagkawala ng anumang uri ng mga inhibisyon o pag-aalinlangan sa pakikipagtalastasan. Nagaganap ito sa pagitan ng malapit na kaibigan, kapamilya, o karelasyon kung saan ibinubukas mo ang iyong sarili sa iba.

You might also like