Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MARBELLA, DAN ALFRED V.

ARCHI 1 - 1

MGA TUNGKULIN NG WIKA

1. Interaksyonal ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Di nga kasi, ang tao ay nilikhang panlipunan ( social beings, not only human beings ). Sa pasalitang paraan, pinakamahusay na halimbawa nito ang mga pormularyong panlipunan ( Magandang umaga, Maligayang kaarawan , Hi/Hello at iba pa), pangungumusta at pagpapalitan ng biro. Sa pasulat na paraan, pinakamahusay na halimbawa nito ang lihampangkaibigan. Ang pakikipag - chat sa mga kaibigang nasa malalayong lugar o sa isang bagong kakilala ay maihahanay rin sa ilalim ng tungkuling ito. 2. Instrumental ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangail angan. Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag -uutos. Ang paggawa ng mga liham-pangangalakal ( business letters ) ay isang mahusay na halimbawa ng pamamaraan upang matugunan ang ating ibat ibang pangangailangan. Halimbawa, kung kailangan mo ng trab aho, kailangan mong gumawa ng application letter , bukod sa iba pang requirements . 3. Regulatori ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. Sa madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin. Pinakamahuhusay na halimbawa nito ang pagbibigay ng direksyon, paalala o babala. Ang mga panuto sa pagsusulit at mga nakapaskil na dos and dont's kung saan-saan ay nasa ilalim ng tungkuling ito.

4. Personal naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Sa mga talakayang pormal o impormal ay gamit na gamit ang tungkuling ito. Samantala, ang pagsulat ng liham sa patnugot at ng mga kolum o komentaryo ay mga halimbawa nito sa pasulat na anyo. 5. Imahinatibo naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag at simbolismo. Gamitin ang tungkuling ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela, maanyong sanaysay at maikling katha. 6 at 7. Heuristik ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon. Kabaligtaran nito ang tungkuling Impormatibo na ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon. Samakatuwi d, ang pagtatanong ay heuristik at ang pagsagot sa tanong ay impormatibo (maliban kung ang tanong ay sinagot sa pamamagitan din ng tanong na kinagawian na yata ng marami). Ang pagsasarbey ay heuristik at ang pagsagot sa survey sheets ay impormatibo. Ang pakikipanayam at pananaliksik ay iba pang halimbawa ng tungkuling heuristik. Ang pag-uulat, pagtuturo at pagpapasa ng ulat o pamanahong-papel naman ay mga halimbawa ng tungkuling impormatibo.

You might also like