Rizal As Scientist

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Jose Rizal Bilang Siyentipiko

Ipinasa ni: Alba, Arnaldo Jr. A. Gealone, Andrea E. Ipinasa kay: Dbg. Bueno

Si Rizal ay may tiwala sa kanyang mga nalalaman. Siya ay likas na imbentor, bilang isang bata, nagimbento siya ng sariling mga laruan, mula sa mga gamit niya na papel(scrap),tela at lumang kahoy. Habang siya ay nasa dapitan nakapagpagawa siya ng sistemang patubig. Maraming kaalamang pang-agham ang ipinamalas ni Rizal sa Dapitan. Pinagaralan niya ang katangian ng mga halaman at inuri ang bawat isa kung magagamit sa gamot, palamuti, o gamit sa bahay tulad ng barnis, pandikit at iba pa. Si Jose Rizal ay mapanuri, bilang musmos,sumubok siyang makabuo ng mga kulay na kailangan niya sa pamamagitan ng mga sumusunod: sili-berde ugat-itim achuete-maroon duhat-aubergine rhizones-dilaw Pagkagaling mula Europa noong 1892, inaresto si Rizal at ikinulong sa Fuertas Santiago. Di lumaon, ipinatapon siya sa Dapitan kung saan ay nabuhay sya ng apat na taon. Sa kanyang pagkakalagay doon, kasama ng kanyang mga naging estudyante sa lugar na iyon, nakakuha siya ng ibat ibang klase ng mga ibon, mga insekto tulad ng mga paruparo, mga kabibe, mga ahas at mga halaman. Ang kanyang koleksyon ng mga kabibe na bumibilang sa 346 piraso sa loob ng 203 klase nito ay sinasabing ang pinakamalaking koleksyon ng mga kabibe sa kanyang kapanahunan. Dahil na rin sa pagkamausisa at ang kagustuhang makapag-ambag sa larangan ng siyesya, nagpadala si Rizal ng mga koleksyon niya sa mga museo ng Europa, isa na rito ang Anthropological and Ethnographical Museum ng Dresden na kung saan si A. B. Meyer, Direktor ng nasabing museo, ang tumatanggap nito. Bilang kabayaran sa mga ambag ni Rizal, pinadalhan siya ni Meyer ng mga libro at magasin ng siyensya, pati mga pekeng mata, microscope at mga gamit-pangsiruluhiya. Mga Nadiskubreng Specimen ni Rizal: Voluta Vespetillis Mitra Adusta

Cypratigris Linne Neritina Exuvia Cypraea Annalus Voluta Vespertillo Linne Pophia Lifterata Linne Turitella Terebra Funebralis Lamarch Strombus Canainom Linne Guula Ovum Guvla Ovum Ripraca Talpa Strombus Bollos Escopium Cardium Aculeatom Echinella Pagodos Rhacopus Rizali Draco Rizali Apogonia Rizali Circe Scripta Linne Rapana Bulbesa Conus Planorbis Tatlong bihirang mga klase ng hayop ang ipinangalan kay Rizal bilang pagkilala sa kanya bilang siyentipiko. Isa na rito ang Draco rizali, na isang uri ng butiki o lizard; ang Apogonia rizali na isang uri ng salagubang, at ang Rhacophorus rizali, na isang kakaibang palaka.

You might also like