Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BUWIS NG MAYNILAD, MANILA WATER IPINAPASA SA KONSYUMER

Inakusahan ng isang mambabatas ang dalawang water concessionaires ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na imoral dahil ipinapasa ng mga ito ang kanilang income tax at iba pa nilang gastusin sa mga consumers. This is highly immoral and must be stopped especially since both companies are public utilities whose supposed main principle is public service and not profit, pahayag ni Bayan Muna partylist Rep. Neri Javier Colmenares. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos mabuko ng Water for the People Network na sa loob ng nakaraang anim na taon ay walang binabayarang income tax ang Maynilad at Manila Water. Ito ay dahil ipinapasa ng mga ito sa kanilang mga consumers ang kanilang income tax at iba pang bayarin tulad ng value added tax, documentation stamp tax at iba pang uri ng buwis. Sa kabuaan, umaabot umano sa P15 bilyon ang pinagsamang nakolekta ng Maynilad at Manila Water sa kanilang mga consumer sa loob ng anim na taon na income tax na sila ang dapat sanang magbayad. In other businesses, they are the ones who pay their taxes but these water concessionaires are raking in billions by fooling us, pahayag pa ni Colmenares na nagsabing magpapatawag ito ng imbestigasyon sa pagbubukas ng Kongreso. Hindi aniya makatarungan ang ginagawang ito ng mga water concessionaires dahil ipinapasa na ng mga ito ang iba pa nilang gastusin sa pagbagu-bagong foreign exchange rate at maging ang mga nananakaw na tubig sa kanila. Senado mag-iimbestiga Kaugnay nito, sinabi ni Senador Francis Escudero na iimbestigahan ng Senado ang ginagawang Bilang paghahanda sa pagbaha ay pagsasamantala ng Maynilad at Manila Water sa kanilang hinuhukay na ang Marikina River mga consumers. gamit ang mini backhoe para tanggalin ang mga basurang Samantala, sinabi ng palasyo na bukas sila sa gagawing nakalubog sa burak. (Mike Taboy) imbestigasyon ng Kongreso sa pagbalikat ng mga consumer sa income tax payment ng Maynilad at Manila Water. Ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte, nirerespeto ng palasyo ang hakbangin ng Kongreso dahil nasa mandato naman nito ang mag-imbestiga sa mga kontrobersyal na usapin lalo nat makakaapekto sa interes ng bayan.

You might also like