Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 37

Aklat ng Bibliya Bilang 20Mga Kawikaan

Mga Tagapagsalita: Sina Solomon, Agur, Lemuel Saan Isinulat: Sa Jerusalem Natapos Isulat: c. 717 B.C.E. NANG si Solomon, anak ni David ay maghari sa Israel noong 1037 B.C.E., humingi siya kay Jehova ng karunungan at kaalaman upang hatulan ang malaking bayang ito. Binigyan siya ni Jehova ng kaalaman at karunungan at ng pusong maunawain. (2 Cron. 1:10-12; 1 Hari 3:12; 4:30, 31) Bunga nito, si Solomon ay bumigkas ng tatlong libong kawikaan. (1 Hari 4:32) Nasa aklat ng Mga Kawikaan ang ilan sa karunungang ito. Yamang ang karunungan niya ay talagang inilagay ng Diyos sa kaniyang puso, ang pag-aaral ng Mga Kawikaan ay talagang pag-aaral ng karunungan ng Diyos na Jehova. (1 Hari 10:23, 24) Narito ang buod ng walang-hanggang mga katotohanan. Napapanahon ang mga ito na gaya nang ito ay unang bigkasin. Ang paghahari ni Solomon ay angkop na panahon upang ilaan ang ganitong banal na patnubay. Si Solomon ay nakaupo sa luklukan ni Jehova. Nasa kasukdulan ang teokratikong kaharian ng Israel, at si Solomon ay may nakahihigit na maharlikang karangalan. (1 Cron. 29:23, 25) Yaoy panahon ng kapayapaan at kasaganaan, panahon ng katiwasayan. (1 Hari 4:20-25) Sa kabila ng teokratikong pamamahala, ang bayan ay nagkaroon pa rin ng personal na mga suliranin at kahirapan dahil sa dikasakdalan ng tao. Kaya likas lamang na ang bayan ay umasa sa matalinong haring si Solomon upang tulungan sila na lutasin ang mga ito. (1 Hari 3:16-28) Samantalang humahatol sa napakaraming kaso, siya ay bumigkas ng mga kawikaan na angkop sa ibatibang kalagayan sa araw-araw na buhay. Ang maiikli ngunit matutulis na kasabihang ito ay lubhang pinahalagahan niyaong mga handang mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Hindi sinasabi ng ulat na si Solomon ay sumulat ng Mga Kawikaan. Sinasabi nito na bumigkas siya ng mga kawikaan, at na siya . . . ay puspusang nagsaliksik, upang maisaayos ang maraming kawikaan, sa gayoy ipinakikita ang interes niya na maingatan ang mga ito para sa hinaharap. (1 Hari 4:32; Ecle. 12:9) Noong panahon nina David at Solomon, ang mga kalihim ay kabilang sa mga opisyal sa palasyo. (2 Sam. 20:25; 2 Hari 12:10) Hindi natin alam kung sila ang sumulat at nagtipon ng kaniyang mga kawikaan, subalit likas lamang na pahalagahan at iulat ang mga pananalita ng isang pinun na may kakayahang tulad niya. Kinikilala ng marami na ang
3 2

aklat ay isang koleksiyon na tinipon mula sa iba pang koleksiyon. Ang Mga Kawikaan ay mahahati sa limang seksiyon. Itoy ang (1) Kabanata 1-9, na may pambungad na, Mga kawikaan ni Solomon na anak ni David; (2) Kabanata 10-24, tinutukoy na Mga Kawikaan ni Solomon; (3) Kabanata 25-29, na may pambungad na: Ito ang mga kawikaan ni Solomon na isinulat ng mga tauhan ni Ezekias na hari ng Juda; (4) Kabanata 30, na ipinakikilala bilang Mga salita ni Agur na anak ni Jakeh; at (5) Kabanata 31, na binubuo ng Mga salita ni Haring Lemuel, ang mariing payo na ibinigay ng kaniyang ina. Kaya si Solomon ang pinagmulan ng kalakhang bahagi ng mga kawikaan. Hindi tiyak ang pagkakakilanlan nina Agur at Lemuel. Ayon sa ibang komentarista, ang Lemuel ay baka isa ring pangalan ni Solomon. Kailan isinulat at tinipon ang Mga Kawikaan? Tiyak na ang karamihan ay naisulat noong hari pa si Solomon (1037-998 B.C.E.) at bago siya napalihis ng landas. Dahil sa malabong pagkakakilanlan nina Agur at Lemuel, hindi mapepetsahan ang kanilang isinulat. Yamang ang isa sa mga koleksiyon ay ginawa noong si Ezekias ay hari (745-717 B.C.E.), hindi ito matitipon bago siya maging hari. Ang huling dalawang seksiyon ay tinipon din kaya noong panahon ni Haring Ezekias? Bilang sagot ay nagpapaliwanag ang talababa ng Kawikaan 31:31 sa New World Translation of the Holy ScripturesWith References: Sa ilang ed[isyon] ng tekstong Heb[reo] ay makikita ang trigrammaton, o tatlong titik, Chehth, Zayin, Qohph ( )na kumakatawan sa lagda ni Haring Ezekias sa kopya na ginawa ng mga kalihim upang ipakita na ito ay tapos na. Sa mga Bibliyang Hebreo, ang aklat ay unang tinawag ayon sa pambungad na salita, mishleh, nangangahulugang mga kawikaan. Ang mishleh ay pang-maramihang bilang ng pangngalang Hebreo na mashal, na nagmula di-umano sa salitang ugat na nangangahulugang maging gaya o maging katulad. Maganda ang paglalarawan ng mga terminong ito, sapagkat ang mga kawikaan ay mga salitang malamn na gumagamit ng paghahambing o paghahalintulad na sadyang tumutulong upang mag-isip ang isa. Dahil sa maikling anyo ng mga kawikaan, ang mga ito ay kawiliwili at madaling sundan, at dahil ditoy madali ring ituro, matutuhan, at matandaan. Ang diwa ay nananatili. Nakawiwili rin ang estilo ng pagpapahayag na ginagamit sa aklat. Yaoy sa Hebreong estilo na patul. Ang balangkas ng kalakhang bahagi ng aklat ay ang patulang paralelismo. Ang dulo ng mga linya o talata ay hindi magkatugma, o magsintunog. Ang pinagtutugma ay ang mga kahulugan o diwa. Ang ganda at puwersa ng pagtuturo ay nasa ganitong pagtutugma ng diwa. Ang mga ito ay maaaring magsinghulugan o magkasalungat, upang palawakin ang ideya at tiyakin na naihahatid ang
7 6 5 4

-1-

tunay na kahulugan. Ang mga halimbawa ng magsinghulugang paralelismo ay ang Kawikaan 11:25; 16:18; at 18:15, at ang mga halimbawa ng mas nakararaming magkasalungat na paralelismo ay ang Kawikaan 10:7, 30; 12:25; 13:25; at 15:8. Isa pang uri ng balangkas ay yaong nasa dulo ng aklat. (Kaw. 31:10-31) Sa Hebreo bawat isa sa 22 talata ay inayos upang magsimula sa sunud-sunod na titik ng abakadang Hebreo, ang estilong acrostic na ginagamit din sa ilang mga awit. Walang kasing-ganda ang estilong ito sa lahat ng sinaunang mga kasulatan. Ang pagiging-tunay ng Mga Kawikaan ay makikita rin sa malawak na paggamit dito ng unang mga Kristiyano sa pagsasaad ng mga tuntunin ng paggawi. Maliwanag na may lubos na kabatiran si Santiago sa Mga Kawikaan at ginamit niya ang mga simulain nito sa kaniyang mahuhusay na payo sa paggawing Kristiyano. (Ihambing ang Kawikaan 14:29; 17:27 sa Santiago 1:19, 20; Kawikaan 3:34 sa Santiago 4:6; Kawikaan 27:1 sa Santiago 4:13, 14.) Ang pagsipi sa Mga Kawikaan ay mababasa rin sa sumusunod: Roma 12:20Kawikaan 25:21, 22; Hebreo 12:5, 6 Kawikaan 3:11, 12; 2 Pedro 2:22Kawikaan 26:11. Isa pa, ipinakikita ng Kawikaan na itoy kasuwato ng buong Bibliya at kung gayoy bahagi ng lahat ng Kasulatan. Kapansin-pansin ang pagkakaisa ng diwa kung ihahambing sa Kautusan ni Moises, sa turo ni Jesus, at sa isinulat ng mga alagad at apostol ni Jesus. (Tingnan ang Kawikaan 10:161 Corinto 15:58 at Galacia 6:8, 9; Kawikaan 12:25Mateo 6:25; Kawikaan 20:20Exodo 20:12 at Mateo 15:4.) Maging sa mga punto ng paghahanda sa lupa bilang tahanan ng tao, kaisa ito ng isipan ng iba pang manunulat ng Bibliya.Kaw. 3:19, 20; Gen. 1:6, 7; Job 38:4-11; Awit 104:5-9. Patotoo pa ng pagiging-kinasihan ng aklat ay ang siyentipikong kawastuan kaugnay ng mga simulain sa kimika, medisina, o kalusugan. Ang Kawikaan 25:20 ay bumabanggit sa reaksiyon ng asido at alkali (asin). Sang-ayon ang Kawikaan 31:4, 5 sa makabagong siyensiya na ang alkohol ay pampamanhid ng isipan. Maraming doktor at nutritionist ang sang-ayon na ang pulot-pukyutan ay nagpapalusog, kasuwato ng kawikaan na: Anak ko, kumain ka ng pulot-pukyutan, pagkat ito ay mabuti. (Kaw. 24:13) Ang makabagong unawa sa epekto ng isip sa katawan (psychosomatics) ay hindi bago sa Kawikaan. Ang masayang puso ay mabuting kagamutan.17:22; 15:17. Oo, gayon kalubos ang pagsaklaw ng Mga Kawikaan sa bawat pangangailangan at suliranin ng tao kung kaya nasabi ng isang autoridad: Walang ugnayan sa buhay na hindi nito napaglalaanan ng wastong turo, walang mabuti o masamang hilig na hindi binibigyan ng katapat na gantimpala o
11 10 9 8

pagtutuwid. Ang kaisipan ng tao ay laging iniuugnay sa Diyos, . . . at waring ang tao ay lumalakad sa harapan ng kaniyang Maygawa at Hukom . . . Bawat uri ng pagkatao ay nasa matandang aklat na ito; at bagaman isinulat tatlong libong taon na ang nakakaraan, napapanahon pa rin ito at waring ngayon lamang ito iginuhit salig sa buhy na pamarisan.Dictionary of the Bible ni Smith, 1890, Tomo III, pahina 2616.

Mga Kawikaan 1 Ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, na hari ng Israel, 2 upang ang isa ay makaalam ng karunungan at disiplina, upang makakilala ng mga pananalita ng pagkaunawa, 3 upang tumanggap ng disiplinang nagbibigay ng kaunawaan, katuwiran at kahatulan at katapatan, 4 upang magbigay ng katalinuhan sa mga walang-karanasan, ng kaalaman at kakayahang mag-isip sa kabataan. Ang taong marunong ay makikinig at kukuha ng higit pang turo, at ang taong may unawa ang siyang nagtatamo ng mahusay na patnubay, 6 upang makaunawa ng kawikaan at ng palaisipang kasabihan, ng mga salita ng mga taong marurunong at ng kanilang mga bugtong. Ang pagkatakot kay Jehova ang pasimula ng kaalaman. Ang karunungan at disiplina ang siyang hinahamak ng mga mangmang. Makinig ka, anak ko, sa disiplina ng iyong ama, at huwag mong iiwan ang kautusan ng iyong ina. 9 Sapagkat ang mga iyon ay putong na kaakit-akit sa iyong ulo at magandang kuwintas sa iyong leeg. Anak ko, kung hihikayatin ka ng mga makasalanan, huwag kang pumayag. 11 Kung sasabihin nila: Sumama ka sa amin. Manambang tayo upang magbubo ng dugo. Pakubli nating abangan nang walang dahilan ang mga taong walang-sala. 12 Lulunin natin silang buhy na gaya ng Sheol, kahit buo pa nga, tulad niyaong mga bumababa sa hukay. 13 Maghanap tayo ng lahat ng uri ng mahahalagang pag-aari. Punuin natin ng samsam ang ating mga bahay.
10 8 7 5

-2-

14

Makipagsapalaran ka sa gitna namin. Magkaroon tayong lahat ng isang supot lamang 15 anak ko, huwag kang yumaong kasama nila sa daan. Pigilan mo ang iyong paa mula sa kanilang landas. 16 Sapagkat ang kanilang mga paa ay yaong mga tumatakbo patungo sa lubos na kasamaan, at lagi silang nagmamadaling magbubo ng dugo. 17 Sapagkat walang kabuluhan ang paglaladlad ng lambat sa harap ng mga mata ng anumang may mga pakpak. 18 Kaya naman tinatambangan nila ang dugo ng mga ito; pakubli nilang inaabangan ang mga kaluluwa ng mga ito. 19 Gayon ang mga landas ng lahat ng nagtitipon ng di-tapat na pakinabang. Kinukuha nito ang mismong kaluluwa ng mga may-ari nito. Ang tunay na karunungan ay sumisigaw nang malakas sa lansangan. Sa mga liwasan ay inilalakas nito ang kaniyang tinig. 21 Sa pinakadulo ng maiingay na lansangan ay nananawagan ito. Sa mga pasukan ng mga pintuang-daan papasok sa lunsod ay nagsasabi ito ng kaniyang mga pananalita: Kayong mga walang-karanasan, hanggang kailan ninyo iibigin ang kawalangkaranasan, at kayong mga manunuya, hanggang kailan ninyo nanasain para sa inyo ang tahasang pagtuya, at kayong mga hangal, hanggang kailan kayo mapopoot sa kaalaman? 23 Manumbalik kayo dahil sa aking saway. Kung magkagayon ay pabubukalin ko sa inyo ang aking espiritu; ipaaalam ko sa inyo ang aking mga salita. 24 Sapagkat ako ay tumawag ngunit tumatanggi kayo, iniunat ko ang aking kamay ngunit walang nagbibigay-pansin, 25 at pinababayaan ninyo ang lahat ng aking payo, at ang aking saway ay hindi ninyo tinanggap, 26 pagtatawanan ko rin naman ang inyong kasakunaan, manlilibak ako kapag dumating ang inyong pinanghihilakbutan, 27 kapag ang inyong pinanghihilakbutan ay dumating na tulad ng bagyo, at ang inyong kasakunaan ay makarating dito na tulad ng bagyong hangin, kapag dumating sa inyo ang kabagabagan at mga panahon ng kahirapan. 28 Sa panahong
-322 20

iyon ay tatawagin nila ako, ngunit hindi ako sasagot; hahanapin nila ako, ngunit hindi nila ako masusumpungan, 29 sa dahilang kinapootan nila ang kaalaman, at ang pagkatakot kay Jehova ay hindi nila pinili. 30 Hindi sila sumang-ayon sa aking payo; winalang-galang nila ang lahat ng aking saway. 31 Kaya kakain sila mula sa bunga ng kanilang lakad, at malilipos sila ng kanilang sariling mga panukala. 32 Sapagkat ang pagkasuwail ng mga walang-karanasan ang papatay sa kanila, at ang pagwawalang-bahala ng mga hangal ang sisira sa kanila. 33 Kung tungkol sa sinumang nakikinig sa akin, tatahan siya nang tiwasay at hindi maliligalig ng panghihilakbot sa kapahamakan. 2 Anak ko, kung tatanggapin mo ang aking mga pananalita at pakaiingatan mo sa iyo ang aking mga utos, 2 upang magbigay-pansin sa karunungan ang iyong tainga, upang ikiling mo ang iyong puso sa kaunawaan; 3 bukod diyan, kung tatawag ka ukol sa pagkaunawa at ilalakas mo ang iyong tinig ukol sa kaunawaan, 4 kung patuloy mo itong hahanapin na gaya ng pilak, at patuloy mo itong sasaliksikin na gaya ng nakatagong kayamanan, 5 kung magkagayon ay mauunawaan mo ang pagkatakot kay Jehova, at masusumpungan mo ang mismong kaalaman sa Diyos. 6 Sapagkat si Jehova ay nagbibigay ng karunungan; sa kaniyang bibig ay nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan. 7 At para sa mga matuwid ay mag-iimbak siya ng praktikal na karunungan; siya ay isang kalasag sa mga lumalakad sa katapatan, 8 sa pagmamasid sa mga landas ng kahatulan, at babantayan niya ang mismong daan ng kaniyang mga matapat. 9 Kung magkagayon ay mauunawaan mo ang katuwiran at ang kahatulan at ang katapatan, ang buong landasin ng kabutihan. Kapag ang karunungan ay pumasok sa iyong puso at ang kaalaman ay naging kaigaigaya sa iyo mismong kaluluwa, 11 ang kakayahang mag-isip ay magbabantay sa iyo, ang kaunawaan ay mag-iingat sa iyo, 12 upang iligtas ka mula sa masamang daan, mula sa
10

taong nagsasalita ng tiwaling mga bagay, 13 mula sa mga lumilihis sa mga landas ng katuwiran upang lumakad sa mga daan ng kadiliman, 14 mula sa mga nagsasaya sa paggawa ng masama, na nagagalak sa tiwaling mga bagay ng kasamaan; 15 yaong ang mga landas ay liko at mga mapanlinlang sa kanilang buong landasin; 16 upang iligtas ka mula sa babaing di-kilala, mula sa ibang babae na nagpapadulas ng kaniyang mga pananalita, 17 na nagpapabaya sa matalik na kaibigan ng kaniyang kabataan at lumimot sa mismong tipan ng kaniyang Diyos. 18 Sapagkat lumulubog ang kaniyang bahay sa kamatayan at ang kaniyang mga bakas ay pababa roon sa mga inutil sa kamatayan. 19 Walang sinuman sa mga sumisiping sa kaniya ang babalik, ni matatamo man nilang muli ang mga landas ng mga buhy. Ang layunin ay upang makalakad ka sa daan ng mabubuting tao at upang maingatan mo ang mga landas ng mga matuwid. 21 Sapagkat ang mga matuwid ang siyang tatahan sa lupa, at ang mga walang kapintasan ang siyang maiiwan dito. 22 Kung tungkol sa mga balakyot, lilipulin sila mula sa mismong lupa; at kung tungkol sa mga mapandaya, bubunutin sila mula rito. 3 Anak ko, ang aking kautusan ay huwag mong limutin, at ang aking mga utos ay ingatan nawa ng iyong puso, 2 sapagkat ang kahabaan ng mga araw at mga taon ng buhay at kapayapaan ay madaragdag sa iyo. 3 Huwag ka nawang iwan ng maibigingkabaitan at ng katapatan. Itali mo ang mga iyon sa palibot ng iyong leeg. Isulat mo ang mga iyon sa tapyas ng iyong puso, 4 at sa gayon ay makasusumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan sa paningin ng Diyos at ng makalupang tao. 5 Magtiwala ka kay Jehova nang iyong buong puso at huwag kang manalig sa iyong sariling pagkaunawa. 6 Sa lahat ng iyong mga lakad ay isaalangalang mo siya, at siya mismo ang magtutuwid ng iyong mga landas.
20

Huwag kang magpakarunong sa iyong sariling paningin. Matakot ka kay Jehova at lumayo ka sa kasamaan. 8 Maging kagalingan nawa iyon sa iyong pusod at kaginhawahan sa iyong mga buto. Parangalan mo si Jehova ng iyong mahahalagang pag-aari at ng mga unang bunga ng lahat ng iyong ani. 10 Sa gayon ay mapupuno nang sagana ang iyong mga imbakan ng panustos; at aapawan ng bagong alak ang iyong mga pisaang tangke. Ang disiplina ni Jehova, O anak ko, ay huwag mong itakwil; at huwag mong kamuhian ang kaniyang saway, 12 sapagkat ang iniibig ni Jehova ay sinasaway niya, gaya nga ng ginagawa ng ama sa anak na kaniyang kinalulugdan. Maligaya ang taong nakasumpong ng karunungan, at ang taong nagtatamo ng kaunawaan, 14 sapagkat ang pagkakamit nito bilang pakinabang ay mas mabuti kaysa sa pagkakamit ng pilak bilang pakinabang at ang pagkakamit nito bilang ani kaysa sa ginto. 15 Ito ay mas mahalaga kaysa sa mga korales, at ang lahat ng iba pang kaluguran mo ay hindi maipapantay rito. 16 Kahabaan ng mga araw ang nasa kanang kamay nito; sa kaliwang kamay nito ay may kayamanan at kaluwalhatian. 17 Ang mga daan nito ay mga daan ng kaigayahan, at ang lahat ng landas nito ay kapayapaan. 18 Ito ay punungkahoy ng buhay para sa mga tumatangan dito, at yaong mga nanghahawakan dito nang mahigpit ay tatawaging maligaya. Itinatag ni Jehova ang lupa sa pamamagitan ng karunungan. Ang langit ay inilagay niya nang matibay sa pamamagitan ng kaunawaan. 20 Sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay nahati ang matubig na mga kalaliman, at ang maulap na kalangitan ay patuloy na nagpapatulo ng ambon. 21 Anak ko, huwag nawang mahiwalay ang mga ito sa iyong mga mata. Ingatan mo ang praktikal na karunungan at ang kakayahang mag-isip, 22 at sila ay magiging buhay sa iyong kaluluwa at panghalina sa iyong leeg. 23 Kung magkagayon
-419 13 11 9

ay lalakad ka nang tiwasay sa iyong daan, at ang iyo ngang paa ay hindi hahampas sa anuman. 24 Kailanmat hihiga ka ay hindi ka makadarama ng panghihilakbot; at ikaw nga ay hihiga, at ang iyong tulog ay magiging kasiya-siya. 25 Hindi mo dapat katakutan ang anumang biglaang panghihilakbot, ni ang bagyo man sa mga balakyot, dahil ito ay dumarating. 26 Sapagkat si Jehova ang magiging iyo mismong pagtitiwala, at kaniya ngang iingatan ang iyong paa laban sa pagkabihag. Huwag mong ipagkait ang mabuti doon sa mga kinauukulan, kapag nasa kapangyarihan ng iyong kamay na gawin ito. 28 Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa: Yumaon ka, at bumalik ka at bukas ay magbibigay ako, kapag ikaw ay mayroon. 29 Huwag kang kumatha ng anumang bagay na masama laban sa iyong kapuwa, kapag tumatahan siyang may katiwasayan sa piling mo. 30 Huwag kang makikipagtalo sa isang tao nang walang dahilan, kung wala naman siyang ginawang masama sa iyo. Huwag kang mainggit sa taong marahas, ni piliin man ang alinman sa kaniyang mga lakad. 32 Sapagkat ang taong mapanlinlang ay karima-rimarim kay Jehova, ngunit ang Kaniyang matalik na pakikipagugnayan ay sa mga matuwid. 33 Ang sumpa ni Jehova ay nasa bahay ng balakyot, ngunit ang tinatahanang dako ng mga matuwid ay kaniyang pinagpapala. 34 Kung tungkol sa mga manunuya, siya ay mang-aalipusta; ngunit sa maaamo ay magpapakita siya ng lingap. 35 Karangalan ang aariin ng marurunong, ngunit dinadakila ng mga hangal ang kasiraang-puri. 4 O mga anak, makinig kayo sa disiplina ng ama at magbigay-pansin kayo, upang malaman ninyo ang pagkaunawa. 2 Sapagkat mabuting turo ang akin ngang ibibigay sa inyo. Ang aking kautusan ay huwag ninyong iwanan. 3 Sapagkat ako ay naging tunay na anak sa aking ama, magiliw at ang kaisa-isa sa harap ng aking ina. 4 At tinuturuan niya
31 27

ako at sinasabi niya sa akin: Manghawakan nawang mahigpit ang iyong puso sa aking mga salita. Tuparin mo ang aking mga utos at patuloy kang mabuhay. 5 Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng pagkaunawa. Huwag mong kalimutan, at huwag kang lumihis mula sa mga pananalita ng aking bibig. 6 Huwag mo itong iwanan, at iingatan ka nito. Ibigin mo, at ipagsasanggalang ka nito. 7 Karunungan ang pangunahing bagay. Magtamo ka ng karunungan; at sa lahat ng iyong matatamo, magtamo ka ng pagkaunawa. 8 Pahalagahan mo itong lubha, at itataas ka nito. Luluwalhatiin ka nito sapagkat yakap mo ito. 9 Sa iyong ulo ay magbibigay ito ng putong na panghalina; isang korona ng kagandahan ang igagawad nito sa iyo. Dinggin mo, anak ko, at tanggapin mo ang aking mga pananalita. At ang mga taon ng buhay ay darami para sa iyo. 11 Tuturuan kita hinggil sa daan ng karunungan; palalakarin kita sa mga landas ng katuwiran. 12 Kapag lumalakad ka, ang iyong hakbang ay hindi magigipit; at kung tatakbo ka, hindi ka matitisod. 13 Humawak ka sa disiplina; huwag mong bibitiwan. Ingatan mo ito, sapagkat ito mismo ang iyong buhay. Sa landas ng mga balakyot ay huwag kang pumasok, at huwag kang lumakad patungo sa daan ng masasama. 15 Iwasan mo iyon, huwag mong daanan; lihisan mo iyon, at yumaon ka. 16 Sapagkat hindi sila natutulog malibang makagawa sila ng kasamaan, at ang kanilang tulog ay napapawi malibang mapangyari nilang may matisod. 17 Sapagkat pinakakain nila ang kanilang sarili ng tinapay ng kabalakyutan, at ang alak ng mga gawang karahasan ang iniinom nila. 18 Ngunit ang landas ng mga matuwid ay tulad ng maningning na liwanag na lumiliwanag nang lumiliwanag hanggang sa ang araw ay malubos. 19 Ang lakad ng mga balakyot ay tulad ng karimlan; hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran. Anak ko, sa aking mga salita ay magbigay-pansin ka. Sa aking mga pananalita
20 14 10

-5-

ay ikiling mo ang iyong pandinig. 21 Huwag nawang mahiwalay ang mga iyon mula sa iyong mga mata. Ingatan mo ang mga iyon sa kaibuturan ng iyong puso. 22 Sapagkat ang mga iyon ay buhay sa mga nakasusumpong ng mga iyon at kalusugan sa kanilang buong laman. 23 Higit sa lahat na dapat bantayan, ingatan mo ang iyong puso, sapagkat nagmumula rito ang mga bukal ng buhay. 24 Alisin mo sa iyo ang kalikuan ng pananalita; at ang pagiging mapanlinlang ng mga labi ay ilayo mo sa iyo. 25 Kung tungkol sa iyong mga mata, dapat itong tumingin nang deretso sa unahan, oo, ang iyong nagniningning na mga mata ay dapat tumitig sa mismong harap mo. 26 Patagin mo ang landasin ng iyong paa, at maitatag nawa nang matibay ang lahat ng iyong lakad. 27 Huwag kang kumiling sa kanan o sa kaliwa. Alisin mo ang iyong paa sa kasamaan. 5 Anak ko, bigyang-pansin mo ang aking karunungan. Ikiling mo ang iyong pandinig sa aking kaunawaan, 2 upang mabantayan mo ang kakayahang mag-isip; at ingatan nawa ng iyong mga labi ang kaalaman. Sapagkat ang mga labi ng babaing dikilala ay tumutulo na gaya ng bahaypukyutan, at ang kaniyang ngalangala ay mas madulas kaysa sa langis. 4 Ngunit ang idudulot niya ay kasimpait ng ahenho; iyon ay kasintalas ng tabak na may dalawang talim. 5 Ang kaniyang mga paa ay bumababa sa kamatayan. Ang kaniyang mga hakbang ay nakakapit sa Sheol. 6 Ang landas ng buhay ay hindi niya dinidili-dili. Ang kaniyang mga lakad ay nagpagala-gala nang hindi niya nalalaman kung saan patungo. 7 Kaya ngayon, O mga anak, makinig kayo sa akin at huwag kayong humiwalay sa mga pananalita ng aking bibig. 8 Ilayo mo sa kaniya ang iyong lakad, at huwag kang lumapit sa pasukan ng kaniyang bahay, 9 upang hindi mo maibigay sa iba ang iyong dangal, ni ang iyong mga taon sa bagay na malupit; 10 upang hindi magpakabusog sa iyong kalakasan ang mga taong di-kilala, ni
-63

mapasabahay man ng banyaga ang mga bagay na pinaghirapan mo, 11 ni kakailanganin mo mang dumaing sa iyong kinabukasan kapag ang iyong laman at ang iyong katawan ay sumapit sa kawakasan. 12 At sasabihin mo: Anot kinapootan ko ang disiplina at winalanggalang ng aking puso ang saway! 13 At hindi ako nakinig sa tinig ng aking mga tagapagturo, at sa aking mga guro ay hindi ko ikiniling ang aking pandinig. 14 Madali akong napasangkot sa bawat uri ng kasamaan sa gitna ng kongregasyon at ng kapulungan. Uminom ka ng tubig mula sa iyong sariling imbakang-tubig, at ng mga patak mula sa loob ng iyong sariling balon. 16 Dapat bang mangalat sa labas ang iyong mga bukal, ang iyong mga daloy ng tubig sa mga liwasan? 17 Maging para sa iyo lamang ang mga iyon, at hindi para sa ibang mga taong kasama mo. 18 Pagpalain ang iyong bukal ng tubig, at magsaya ka sa asawa ng iyong kabataan, 19 isang kaibig-ibig na babaing usa at mapanghalinang kambing-bundok. Magpakalango ka sa kaniyang mga dibdib sa lahat ng panahon. Sa kaniyang pag-ibig ay lagi ka nawang magtamasa ng masidhing ligaya. 20 Kaya anak ko, bakit ka magtatamasa ng masidhing ligaya sa babaing di-kilala o yayakap ka sa dibdib ng ibang babae? 21 Sapagkat ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ni Jehova, at dinidili-dili niya ang lahat ng kaniyang landas. 22 Ang kaniyang sariling mga kamalian ang huhuli sa balakyot, at pipigilan siya ng mga lubid ng kaniyang sariling kasalanan. 23 Siya ang mamamatay dahil sa kawalan ng disiplina, at dahil sa dami ng kaniyang kamangmangan ay naliligaw siya. 6 Anak ko, kung ikaw ay nanagot para sa iyong kapuwa, kung nakipagkamay ka sa taong di-kilala, 2 kung ikaw ay nasilo ng mga pananalita ng iyong bibig, kung ikaw ay nahuli ng mga pananalita ng iyong bibig, 3 kung gayon ay ganito ang gawin mo, anak ko, at iligtas mo ang iyong sarili, sapagkat nalagay ka sa palad ng iyong kapuwa: Yumaon ka at magpakumbaba at paulanan mo ng mga
15

pagsusumamo ang iyong kapuwa. 4 Huwag mong bigyan ng tulog ang iyong mga mata, ni ng idlip man ang iyong nagniningning na mga mata. 5 Iligtas mong tulad ng isang gasela ang iyong sarili mula sa kamay at tulad ng isang ibon mula sa kamay ng manghuhuli ng ibon. Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; tingnan mo ang mga lakad nito at magpakarunong ka. 7 Bagaman wala itong kumandante, opisyal o tagapamahala, 8 naghahanda ito ng kaniyang pagkain sa tag-araw; nagtitipon ito ng kaniyang laang pagkain sa pag-aani. 9 Ikaw na tamad, hanggang kailan ka pa hihiga? Kailan ka babangon mula sa iyong pagkakatulog? 10 Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay sa pagkakahiga, 11 at ang iyong karalitaan ay tiyak na darating na tulad ng isang mandarambong, at ang iyong kakapusan na tulad ng lalaking nasasandatahan. Ang walang-kabuluhang tao, ang taong mapanakit, ay lumalakad na may kalikuan ng pananalita, 13 ikinikindat ang kaniyang mata, isinesenyas ang kaniyang paa, ipinantuturo ang kaniyang mga daliri. 14 Ang katiwalian ay nasa kaniyang puso. Kumakatha siya ng masama sa lahat ng pagkakataon. Lagi siyang naghahasik ng mga pagtatalo. 15 Kaya naman biglang darating ang kaniyang kasakunaan; sa isang iglap ay mawawasak siya, at wala nang kagalingan. May anim na bagay na kinapopootan ni Jehova; oo, pitong bagay ang karima-rimarim sa kaniyang kaluluwa: 17 matayog na mga mata, bulaang dila, at mga kamay na nagbububo ng dugong walang-sala, 18 pusong kumakatha ng mga nakasasakit na pakana, mga paang nagmamadali sa pagtakbo sa kasamaan, 19 bulaang saksi na nagbubunsod ng mga kasinungalingan, at sinumang naghahasik ng mga pagtatalo sa gitna ng magkakapatid. O anak ko, tuparin mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong iiwan ang
-720 16 12 6

kautusan ng iyong ina. 21 Itali mo ang mga iyon sa iyong puso sa tuwina; ibigkis mo ang mga iyon sa iyong leeg. 22 Kapag lumalakad ka ay papatnubayan ka nito; kapag nakahiga ka ay babantayan ka nito; at kapag nagising ka na ay aalagaan ka nito. 23 Sapagkat ang utos ay isang lampara, at ang kautusan ay liwanag, at ang mga saway ng disiplina ang siyang daan ng buhay, 24 upang bantayan ka laban sa masamang babae, laban sa dulas ng dila ng babaing di-kilala. 25 Huwag mong nasain sa iyong puso ang kaniyang kariktan, at huwag ka niya nawang makuha ng kaniyang makikinang na mga mata, 26 sapagkat dahil sa isang babaing patutot ay walang natitira sa isa kundi isang bilog na tinapay; ngunit tungkol naman sa asawa ng ibang lalaki, siya ay nanghuhuli ng isa ngang mahalagang kaluluwa. 27 Makapagtutumpok ba ang isang tao ng apoy sa kaniyang dibdib at hindi rin masusunog ang kaniya mismong mga kasuutan? 28 O makalalakad ba ang isang tao sa ibabaw ng mga baga at hindi mapapaso ang kaniyang mga paa? 29 Gayundin sa sinumang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa, walang sinumang humihipo sa kaniya ang mananatiling di-naparurusahan. 30 Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw dahil lamang sa nagnakaw siya upang busugin ang kaniyang kaluluwa kapag siya ay nagugutom. 31 Ngunit, kapag nasumpungan, magsasauli siya ng pitong ulit ang dami; ang lahat ng pagaari sa kaniyang bahay ay ibibigay niya. 32 Ang sinumang nangangalunya sa isang babae ay kapos ang puso; siyang gumagawa nito ay nagpapahamak ng kaniyang sariling kaluluwa. 33 Isang salot at kasiraang-puri ang masusumpungan niya, at ang kaniyang kadustaan ay hindi mapapawi. 34 Sapagkat ang pagngangalit ng isang matipunong lalaki ay paninibugho, at hindi siya mahahabag sa araw ng paghihiganti. 35 Hindi niya pakukundanganan ang anumang uri ng pantubos, ni magpapakita man siya ng pagsang-ayon, gaano man kalaki ang iyong regalo.

7 Anak ko, tuparin mo ang aking mga pananalita, at pakaingatan mo nawa sa iyo ang aking mga utos. 2 Ingatan mo ang aking mga utos at patuloy kang mabuhay, at ang aking kautusan tulad ng balintataw ng iyong mga mata. 3 Itali mo ang mga iyon sa iyong mga daliri, at isulat mo sa tapyas ng iyong puso. 4 Sabihin mo sa karunungan: Ikaw ay aking kapatid na babae; at ang pagkaunawa ay tawagin mo nawang Kamag-anak na Babae, 5 upang bantayan ka laban sa babaing di-kilala, laban sa banyaga na nagpapadulas ng kaniyang mga pananalita. 6 Sapagkat sa bintana ng aking bahay, sa pagitan ng aking sala-sala ay dumungaw ako, 7 upang mapagmasdan ko ang mga walang-karanasan. Ibig kong makapagsuri sa gitna ng mga anak na lalaki ng isang kabataang lalaki na kapos ang puso, 8 na dumaraan sa lansangang malapit sa kaniyang panulukan, at sa daang patungo sa kaniyang bahay ay humahayo ito, 9 sa takipsilim, sa kinagabihan ng araw, sa pagsapit ng gabi at ng karimlan. 10 At, narito! may babaing sumasalubong sa kaniya, na may kasuutan ng patutot at katusuhan ng puso. 11 Siya ay maingay at sutil. Ang kaniyang mga paa ay hindi namamalagi sa kaniyang bahay. 12 Ngayon ay nasa labas siya, ngayon ay nasa mga liwasan siya, at nag-aabang siya sa tabi ng bawat panulukan. 13 At sinunggaban niya ang lalaki at hinalikan niya ito. Tinapangan niya ang kaniyang mukha, at pinasimulan niyang sabihin sa kaniya: Ang mga haing pansalu-salo ay naatang sa akin. Ngayon ay tinupad ko ang aking mga panata. 15 Kaya naman lumabas ako upang salubungin ka, upang hanapin ang iyong mukha, upang masumpungan kita. 16 Nilatagan ko ng mga kubrekama ang aking kama, ng mga bagay na may sari-saring kulay, ng lino ng Ehipto. 17 Nilagyan ko ang aking higaan ng mira, aloe at kanela. 18 Halika, inumin natin ang kalubusan ng ating pag-ibig hanggang sa umaga; masiyahan tayo sa isat isa sa mga
14

kapahayagan ng pag-ibig. 19 Sapagkat ang asawang lalaki ay wala sa kaniyang bahay; naglakbay siya sa malayo. 20 Isang supot ng salapi ang dala niya sa kaniyang kamay. Sa araw ng kabilugan ng buwan ay uuwi siya sa kaniyang bahay. Iniligaw siya ng babae sa pamamagitan ng maraming panghihikayat nito. Sa pamamagitan ng dulas ng mga labi nito ay inaakit siya nito. 22 Kaagad niya itong sinundan, tulad ng toro na pumaparoon sa patayan, at para bang kinabitan ng pangaw na pandisiplina sa taong mangmang, 23 hanggang sa biyakin ng palaso ang kaniyang atay, gaya ng ibong nagmamadali sa pagpasok sa bitag, at hindi niya nalalamang nasasangkot dito ang kaniya mismong kaluluwa. At ngayon, O mga anak, makinig kayo sa akin at magbigay-pansin kayo sa mga pananalita ng aking bibig. 25 Ang iyong puso ay huwag nawang lumiko sa kaniyang mga daan. Huwag kang gumala-gala sa kaniyang mga landas. 26 Sapagkat marami na siyang naibuwal na patay, at ang lahat ng kaniyang napapatay ay marami. 27 Ang kaniyang bahay ay mga daang patungo sa Sheol; ang mga iyon ay pababa sa mga loobang silid ng kamatayan. 8 Hindi ba patuloy na tumatawag ang karunungan, at ang kaunawaan ay patuloy na naglalakas ng kaniyang tinig? 2 Sa taluktok ng matataas na dako, sa tabi ng daan, sa may salubungan ng mga landas ay nakatayo ito. 3 Sa tabi ng mga pintuang-daan, sa bukana ng bayan, sa entrada ng mga pasukan ay patuloy itong sumisigaw nang malakas: Sa inyo, O mga tao, ay tumatawag ako, at ang aking tinig ay sa mga anak ng mga tao. 5 O mga walang-karanasan, unawain ninyo ang katalinuhan; at kayong mga hangal, unawain ninyo ang puso. 6 Makinig kayo, sapagkat tungkol sa pangunahing mga bagay ang aking sinasalita, at ang buka ng aking mga labi ay tungkol sa katapatan. 7 Sapagkat ang aking ngalangala ay pabulong na bumibigkas ng katotohanan; at ang kabalakyutan ay karimarimarim sa aking mga labi. 8 Ang lahat ng
-84 24 21

pananalita ng aking bibig ay sa katuwiran. Sa mga iyon ay walang anumang pilipit o liko. 9 Ang lahat ng mga iyon ay tuwid sa may pang-unawa, at matuwid sa mga nakasusumpong ng kaalaman. 10 Tanggapin ninyo ang aking disiplina at huwag ang pilak, at ang kaalaman sa halip na piling ginto. 11 Sapagkat ang karunungan ay mas mabuti kaysa sa mga korales, at ang lahat ng iba pang kaluguran ay hindi maipapantay rito. Ako, ang karunungan, ako ay tumahang kasama ng katalinuhan at nasusumpungan ko ang kaalaman sa mga kakayahang mag-isip. 13 Ang pagkatakot kay Jehova ay nangangahulugan ng pagkapoot sa masama. Ang pagtataas sa sarili at pagmamapuri at ang masamang lakad at ang tiwaling bibig ay kinapopootan ko. 14 Ako ay may payo at praktikal na karunungan. Ako ang pagkaunawa; ako ay may kapangyarihan. 15 Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari, at ang matataas na opisyal ay nagtatalaga ng katuwiran. 16 Sa pamamagitan ko ay namamahala ang mga prinsipe bilang mga prinsipe, at ang lahat ng mga taong mahal ay humahatol sa katuwiran. 17 Yaong mga umiibig sa akin ay iniibig ko, at yaong mga humahanap sa akin ang siyang nakasusumpong sa akin. 18 Ang kayamanan at ang kaluwalhatian ay nasa akin, mga pamanang yaman at katuwiran. 19 Ang aking bunga ay mas mabuti kaysa sa ginto, kaysa sa dalisay na ginto, at ang aking ani kaysa sa piling pilak. 20 Lumalakad ako sa landas ng katuwiran, sa gitna ng mga daan ng kahatulan, 21 upang pangyarihing magmayari ng yaman yaong mga umiibig sa akin; at ang kanilang mga imbakan ay pinananatili kong pun. Ginawa ako ni Jehova bilang ang pasimula ng kaniyang lakad, ang kaunaunahan sa kaniyang mga nagawa noong sinaunang panahon. 23 Mula nang panahong walang takda ay itinalaga na ako, mula nang pasimula, mula nang mga panahong nauna pa sa lupa. 24 Noong wala pang matubig na mga kalaliman ay iniluwal ako na waring may
-922 12

kasabay na mga kirot ng pagdaramdam, noong wala pang mga bukal na lubhang tigib ng tubig. 25 Bago pa nalagay ang mga bundok, una pa sa mga burol, ako ay iniluwal na waring may kasabay na mga kirot ng pagdaramdam, 26 noong hindi pa niya nagagawa ang lupa at ang mga hantad na lugar at ang unang bahagi ng makapal na alabok sa mabungang lupain. 27 Nang ihanda niya ang langit ay naroroon ako; nang magtalaga siya ng bilog sa ibabaw ng matubig na kalaliman, 28 nang itatag niya ang kaulapan sa itaas, nang patibayin niya ang mga bukal ng matubig na kalaliman, 29 nang itakda niya sa dagat ang kaniyang batas na ang tubig ay hindi dapat lumampas sa kaniyang iniutos, nang italaga niya ang mga pundasyon ng lupa, 30 noon ay nasa piling niya ako bilang isang dalubhasang manggagawa, at ako ang siyang lubhang kinagigiliwan niya araw-araw, at ako ay nagagalak sa harap niya sa lahat ng panahon, 31 na nagagalak sa mabungang lupain ng kaniyang lupa, at ang mga kinagigiliwan ko ay nasa mga anak ng mga tao. At ngayon, O mga anak, makinig kayo sa akin; oo, maligaya ang mga nag-iingat ng aking mga daan. 33 Makinig kayo sa disiplina at magpakarunong, at huwag kayong magpakita ng anumang kapabayaan. 34 Maligaya ang taong nakikinig sa akin sa pamamagitan ng pananatiling gising sa aking mga pintuan arawaraw, sa pamamagitan ng pagbabantay sa mga poste ng aking mga pasukan. 35 Sapagkat yaong nakasusumpong sa akin ay tiyak na makasusumpong ng buhay, at nagtatamo ng kabutihang-loob mula kay Jehova. 36 Ngunit ang sumasala sa akin ay gumagawa ng karahasan sa kaniyang kaluluwa; ang lahat niyaong masidhing napopoot sa akin ang siyang umiibig sa kamatayan. 9 Ang tunay na karunungan ay nagtayo ng kaniyang bahay; tinabas nito ang kaniyang pitong haligi. 2 Isinaayos nito ang pagkatay niya ng karne; tinimpla nito ang kaniyang alak; higit pa riyan, inayos nito ang kaniyang mesa. 3 Isinugo nito ang kaniyang mga tagapaglingkod na babae, upang makatawag
32

ito sa taluktok ng matataas na dako ng bayan: 4 Ang sinumang walang-karanasan, dumaan siya rito. Sa sinumang kapos ang pusosinasabi niya rito: 5 Pumarito kayo, kumain kayo ng aking tinapay at makisama kayo sa pag-inom ng alak na aking tinimpla. 6 Iwanan ninyo ang mga walang-karanasan at patuloy kayong mabuhay, at lumakad kayo nang tuwid sa daan ng pagkaunawa. Siyang nagtutuwid sa manunuya ay nagdudulot ng kasiraang-puri sa kaniyang sarili, at siyang sumasaway sa balakyot isang kapintasan sa kaniya. 8 Huwag mong sawayin ang manunuya, upang hindi ka niya kapootan. Sawayin mo ang taong marunong at iibigin ka niya. 9 Magbigay ka sa taong marunong at magiging mas marunong pa siya. Bahaginan mo ng kaalaman ang matuwid at lalago siya sa pagkatuto. Ang pagkatakot kay Jehova ang siyang pasimula ng karunungan, at ang kaalaman sa Kabanal-banalan ay siyang pagkaunawa. 11 Sapagkat sa pamamagitan ko ay darami ang iyong mga araw, at mga taon ng buhay ang madaragdag sa iyo. 12 Kung ikaw ay nagpakarunong, nagpakarunong ka para sa iyong sarili; at kung ikaw ay nanuya, pagdurusahan mo iyon, ikaw lamang. Ang babaing hangal ay maingay. Siya mismo ang kamangmangan at wala siyang nalalamang anuman. 14 At umupo siya sa pasukan ng kaniyang bahay, sa isang upuan, sa matataas na dako ng bayan, 15 upang tawagin yaong mga nagdaraan, yaong mga nagpapatuloy sa kanilang mga landas: 16 Ang sinumang walang-karanasan, dumaan siya rito. At sa sinumang kapos ang pusosinasabi rin niya rito: 17 Ang nakaw na tubig ay matamis, at ang tinapay na kinakain sa lihimiyon ay kaiga-igaya. 18 Ngunit hindi niya nalalaman na yaong mga inutil sa kamatayan ay naroroon, na yaong mga tinatawag niya ay nasa mabababang dako ng Sheol. 10 Mga kawikaan ni Solomon.
13 10 7

Ang anak na marunong ay yaong nagpapasaya sa ama, at ang anak na hangal ay pighati ng kaniyang ina. 2 Ang kayamanan ng balakyot ay hindi mapakikinabangan, ngunit katuwiran ang magliligtas mula sa kamatayan. 3 Hindi pababayaan ni Jehova na magutom ang kaluluwa ng matuwid, ngunit ang paghahangad ng mga balakyot ay kaniyang itataboy. Ang gumagawang may kamay na makupad ay magiging dukha, ngunit ang kamay ng masikap ang magpapayaman sa isa. Ang anak na kumikilos nang may kaunawaan ay nagtitipon sa panahon ng tagaraw; ang anak na gumagawi nang kahiya-hiya ay natutulog nang mahimbing sa panahon ng pag-aani. Ang mga pagpapala ay para sa ulo ng matuwid, ngunit kung tungkol sa bibig ng mga balakyot, pinagtatakpan nito ang karahasan. 7 Ang alaala ng matuwid ay pagpapalain, ngunit ang pangalan ng mga balakyot ay mabubulok. Ang may pusong marunong ay tatanggap ng mga utos, ngunit ang mangmang sa kaniyang mga labi ay yuyurakan. Siyang lumalakad sa katapatan ay lalakad nang tiwasay, ngunit siyang gumagawang liko sa kaniyang mga lakad ay makikilala. Ang nagkikindat ng kaniyang mata ay magdudulot ng kirot, at ang mangmang sa kaniyang mga labi ay yuyurakan. 11 Ang bibig ng matuwid ay bukal ng buhay; ngunit kung tungkol sa bibig ng mga balakyot, pinagtatakpan nito ang karahasan. Poot ang siyang pumupukaw ng mga pagtatalo, ngunit tinatakpan ng pag-ibig ang lahat ng pagsalansang. Sa mga labi ng taong may unawa ay nasusumpungan ang karunungan, ngunit ang pamalo ay para sa likod niyaong kapos ang puso.
13 12 10 9 8 6 5 4

- 10 -

Ang marurunong ang siyang nag-iingat ng kaalaman, ngunit ang bibig ng mangmang ay malapit sa kapahamakan. Ang mahahalagang pag-aari ng taong mayaman ay kaniyang matibay na bayan. Ang kasawian ng mga dukha ay ang kanilang karalitaan. Ang gawa ng matuwid ay nagdudulot ng buhay; ang ani ng balakyot ay nagbubunga ng kasalanan. Siyang nanghahawakan sa disiplina ay landas patungo sa buhay, ngunit siyang nagpapabaya sa saway ay nagliligaw. Kung saan may nagtatakip ng poot, doon may mga labing bulaan, at ang nagdadala ng masamang ulat ay hangal. Dahil sa karamihan ng mga salita ay hindi magkukulang ng pagsalansang, ngunit ang sumusupil sa kaniyang mga labi ay kumikilos nang may kapantasan. Ang dila ng matuwid ay piling pilak; ang puso ng balakyot ay kakaunti ang halaga. Ang mga labi ng matuwid ay nagpapastol sa marami, ngunit dahil sa kakapusan ng puso ay namamatay ang mga mangmang. Ang pagpapala ni Jehovaiyon ang nagpapayaman, at hindi niya iyon dinaragdagan ng kirot. Para sa hangal ang pagsasagawa ng mahalay na paggawi ay parang katuwaan lamang, ngunit ang karunungan ay para sa taong may kaunawaan. Ang bagay na kinatatakutan ng balakyotiyon ang darating sa kaniya; ngunit ang ninanasa ng mga matuwid ay ipagkakaloob. 25 Gaya ng pagdaraan ng bagyong hangin, gayon nawawala ang balakyot; ngunit ang matuwid ay isang pundasyon hanggang sa panahong walang takda.
24 23 22 21 20 19 18 17 16 15

14

Kung paano ang suk sa mga ngipin at kung paano ang usok sa mga mata, gayon ang taong tamad sa mga nagsusugo sa kaniya. Ang mismong pagkatakot kay Jehova ay magdaragdag ng mga araw, ngunit ang mga taon ng mga balakyot ay paiikliin. Ang pag-asam ng mga matuwid ay isang kasayahan, ngunit ang pag-asa ng mga balakyot ay maglalaho. Ang daan ni Jehova ay moog para sa walang kapintasan, ngunit ang pagkapahamak ay para sa mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit. Kung tungkol sa matuwid, hanggang sa panahong walang takda ay hindi siya mapahahapay; ngunit kung tungkol sa mga balakyot, hindi sila patuloy na tatahan sa lupa. Ang bibig ng matuwidnagluluwal ito ng bunga ng karunungan, ngunit ang dila ng katiwalian ay puputulin. Ang mga labi ng matuwidnalalaman ng mga ito ang kabutihang-loob, ngunit ang bibig ng mga balakyot ay katiwalian. 11 Ang madayang pares ng timbangan ay karima-rimarim kay Jehova, ngunit ang hustong batong-panimbang ay kalugud-lugod sa kaniya. Dumating ba ang kapangahasan? Kung gayon ay darating ang kasiraang-puri; ngunit ang karunungan ay nasa mga mahinhin. Ang katapatan ng mga matuwid ang pumapatnubay sa kanila, ngunit ang pagpilipit ng mga nakikitungo nang may kataksilan ang mananamsam sa kanila. Ang mahahalagang pag-aari ay hindi mapakikinabangan sa araw ng poot, ngunit katuwiran ang magliligtas mula sa kamatayan. Ang katuwiran ng walang kapintasan ang magtutuwid ng kaniyang lakad, ngunit sa kaniyang sariling kabalakyutan ay mabubuwal ang balakyot. 6 Ang katuwiran ng mga matapat ang magliligtas sa kanila, ngunit dahil sa
5 4 3 2 32 31 30 29 28 27

26

- 11 -

kanilang paghahangad ay mahuhuli yaong mga nakikitungo nang may kataksilan. Kapag namatay ang taong balakyot, ang kaniyang pag-asa ay naglalaho; at maging ang pag-asam na salig sa kapangyarihan ay naglaho. Ang matuwid ang siyang inililigtas mula sa kabagabagan, at ang balakyot ay pumapasok na kahalili niya. Sa pamamagitan ng kaniyang bibig ay ipinapahamak ng apostata ang kaniyang kapuwa, ngunit sa pamamagitan ng kaalaman ay naliligtas ang mga matuwid. Dahil sa kabutihan ng mga matuwid ay lubhang nagagalak ang bayan, ngunit kapag namamatay ang mga balakyot ay may hiyaw ng kagalakan. Dahil sa pagpapala ng mga matuwid ay naitataas ang bayan, ngunit dahil sa bibig ng mga balakyot ay nagigiba ito. Siyang kapos ang puso ay humahamak sa kaniyang kapuwa, ngunit ang taong may malawak na kaunawaan ang siyang nananatiling tahimik. Ang gumagala bilang maninirang-puri ay nagbubunyag ng lihim na usapan, ngunit ang may tapat na espiritu ay nagtatakip ng isang bagay. Kung walang mahusay na patnubay, ang bayan ay bumabagsak; ngunit may kaligtasan sa karamihan ng mga tagapayo. Ang isa ay tiyak na mapapariwara dahil nanagot siya para sa taong di-kilala, ngunit ang napopoot sa pakikipagkamay ay nananatiling malaya sa alalahanin. Ang babaing kahali-halina ang siyang may tangan sa kaluwalhatian; ngunit ang mga maniniil, sa ganang kanila, ang may tangan sa kayamanan. Ang taong may maibiging-kabaitan ay gumagawa ng mabuti sa kaniyang sariling kaluluwa, ngunit ang taong malupit ay
17 16 15 14 13 12 11 10 9 8 7

nagdadala ng sumpa sa kaniyang sariling katawan. Ang balakyot ay nagtitipon ng huwad na kabayaran, ngunit yaon namang naghahasik ng katuwiran, tunay na pakinabang. Ang matatag na naninindigan sa katuwiran ay nakahanay sa buhay, ngunit ang humahabol sa kasamaan ay nakahanay sa sarili niyang kamatayan. Yaong mga liko ang puso ay karimarimarim kay Jehova, ngunit ang mga walang kapintasan sa kanilang lakad ay kalugud-lugod sa kaniya. Bagaman ang kamay ay humawak sa kamay, ang masamang tao ay hindi yayaong di-naparurusahan; ngunit ang supling ng mga matuwid ay tiyak na makatatakas. Gaya ng gintong singsing na pang-ilong na nasa nguso ng baboy, gayon ang babaing maganda ngunit humihiwalay sa katinuan. Ang pagnanasa ng mga matuwid ay tiyak na mabuti; ang pag-asa ng mga balakyot ay poot. May namumudmod at gayunmay dumarami pa; may nagpipigil din sa paggawa ng nararapat, ngunit nauuwi lamang ito sa kakapusan. Ang kaluluwang bukas-palad ay patatabain, at ang saganang dumidilig sa iba ay sagana ring didiligin. Ang nagkakait ng butilsusumpain siya ng taong-bayan, ngunit may pagpapala para sa ulo ng nagbibili niyaon. Siya na naghahanap ng kabutihan ay maghahangad ng kabutihang-loob; ngunit kung tungkol sa humahanap ng kasamaan, darating ito sa kaniya. Ang nagtitiwala sa kaniyang kayamanansiya ay mabubuwal; ngunit gaya ng mga dahon ay mamumukadkad ang mga matuwid.
28 27 26 25 24 23 22 21 20 19 18

- 12 -

Kung tungkol sa sinumang nagdadala ng sumpa sa kaniyang sariling sambahayan, magmamay-ari siya ng hangin; at ang taong mangmang ay magiging lingkod niyaong may pusong marunong. Ang bunga ng matuwid ay punungkahoy ng buhay, at siyang nagwawagi ng mga kaluluwa ay marunong. Narito! Ang matuwidsa lupa ay gagantihan siya. Gaano pa kaya ang balakyot at ang makasalanan! 12 Ang maibigin sa disiplina ay maibigin sa kaalaman, ngunit ang napopoot sa saway ay walang katuwiran. Ang isa na mabuti ay nagtatamo ng pagsang-ayon ni Jehova, ngunit ang taong may balakyot na mga kaisipan ay inaari niyang balakyot. Walang taong matibay na matatatag sa pamamagitan ng kabalakyutan; ngunit kung tungkol sa pinakaugat ng mga matuwid, hindi ito makikilos. Ang asawang babaing may kakayahan ay korona sa nagmamay-ari sa kaniya, ngunit ang babaing gumagawi nang kahiya-hiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto. Ang mga kaisipan ng mga matuwid ay kahatulan; ang pag-ugit ng mga balakyot ay panlilinlang. Ang mga salita ng mga balakyot ay pagaabang sa dugo, ngunit ang bibig ng mga matuwid ang magliligtas sa kanila. Ibinabagsak ang mga balakyot at sila ay wala na, ngunit ang bahay ng mga matuwid ay mananatiling nakatayo. Dahil sa kaniyang bibig na may karunungan ay pupurihin ang isang tao, ngunit ang may pilipit na puso ay hahamakin. Mas mabuti ang isang itinuturing na mababa ngunit may tagapaglingkod kaysa sa isang lumuluwalhati sa kaniyang sarili ngunit kapos sa tinapay.
9 8 7 6 5 4 3 2 31 30

29

Pinangangalagaan ng matuwid ang kaluluwa ng kaniyang alagang hayop, ngunit ang kaawaan ng mga balakyot ay malupit. Ang nagsasaka ng kaniyang lupa ay mabubusog din sa tinapay, ngunit ang nagtataguyod ng mga bagay na walang kabuluhan ay kapos ang puso. Ninanasa ng balakyot ang nasilo sa lambat ng masasamang tao; ngunit kung tungkol sa ugat ng mga matuwid, ito ay nagbubunga. Dahil sa pagsalansang ng mga labi ay nasisilo ang masamang tao, ngunit ang matuwid ay nakalalabas sa kabagabagan. Mula sa bunga ng bibig ng isang tao ay nasisiyahan siya sa kabutihan, at ang mismong gawain ng mga kamay ng isang tao ay babalik sa kaniya. Ang lakad ng mangmang ay tama sa kaniyang sariling paningin, ngunit ang nakikinig sa payo ay marunong. Mangmang ang taong naghahayag ng kaniyang pagkayamot sa araw ring iyon, ngunit ang matalino ay nagtatakip ng kasiraang-puri. Siyang nagbubunsod ng katapatan ay magsasabi ng matuwid, ngunit ang bulaang saksi, ng panlilinlang. May isa na nagsasalita nang di-pinagiisipan na gaya ng mga saksak ng tabak, ngunit ang dila ng marurunong ay kagalingan. Ang labi ng katotohanan ang matibay na matatatag magpakailanman, ngunit ang dila ng kabulaanan ay magiging kasintagal lamang ng isang sandali. Ang panlilinlang ay nasa puso niyaong mga kumakatha ng kapinsalaan, ngunit yaong mga nagpapayo ng kapayapaan ay may kasayahan. Walang anumang nakasasakit ang mangyayari sa matuwid, ngunit ang mga balakyot ang siyang malilipos ng kapahamakan.
21 20 19 18 17 16 15 14 13 12 11

10

- 13 -

Ang mga labing bulaan ay karimarimarim kay Jehova, ngunit yaong mga gumagawing may katapatan ay kalugudlugod sa kaniya. Ang taong matalino ay nagtatakip ng kaalaman, ngunit ang puso ng mga hangal ay naghahayag ng kamangmangan. Ang kamay ng mga masikap ang siyang mamamahala, ngunit ang kamay na makupad ay mauukol sa puwersahang pagtatrabaho. Ang pagkabalisa sa puso ng tao ang siyang magpapayukod nito, ngunit ang mabuting salita ang siyang nagpapasaya nito. Ang matuwid ay nagsisiyasat sa kaniyang sariling pastulan, ngunit ang lakad ng mga balakyot ang nagliligaw sa kanila. Ang pagkamakupad ay hindi makatutugis sa pangangasuhing mga hayop ng isa, ngunit ang masikap ay mahalagang yaman ng isang tao. Sa landas ng katuwiran ay may buhay, at sa paglalakbay sa daan nito ay walang kamatayan. 13 Ang anak ay marunong kapag may disiplina ng ama, ngunit ang manunuya ay yaong hindi nakarinig ng pagsaway. Mula sa bunga ng kaniyang bibig ay kakain ng mabuti ang isang tao, ngunit ang mismong kaluluwa ng mga nakikitungo nang may kataksilan ay karahasan. Ang nagbabantay ng kaniyang bibig ay nag-iingat ng kaniyang kaluluwa. Ang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labimagkakaroon siya ng kapahamakan. Ang tamad ay nagnanasa, ngunit ang kaniyang kaluluwa ay wala ni anuman. Gayunman, ang kaluluwa ng mga masikap ay patatabain. Ang bulaang salita ang siyang kinapopootan ng matuwid, ngunit ang mga
5 4 3 2 28 27 26 25 24 23

22

balakyot ay gumagawi nang kahiya-hiya at nagpapangyari ng kanilang sariling pagkadusta. Ang katuwiran ay nag-iingat sa kaniya na ang lakad ay hindi mapaminsala, ngunit kabalakyutan ang gugupo sa makasalanan. May nagkukunwaring mayaman gayunmay wala siyang anumang pag-aari; may nagkukunwaring dukha gayunmay marami siyang mahahalagang pag-aari. Ang pantubos sa kaluluwa ng isang tao ay ang kaniyang kayamanan, ngunit ang dukha ay hindi nakarinig ng pagsaway. Ang liwanag ng mga matuwid ay magsasaya; ngunit ang lampara ng mga balakyotito ay papatayin. Dahil sa kapangahasan ang isa ay lumilikha lamang ng pagtatalo, ngunit sa mga nagsasanggunian ay may karunungan. Ang mahahalagang pag-aaring nagmumula sa kawalang-kabuluhan ay kumakaunti, ngunit ang nagtitipon sa pamamagitan ng kamay ang siyang nagpaparami. Ang inaasam na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso, ngunit ang bagay na ninanasa ay punungkahoy ng buhay kapag ito ay dumating. Siyang humahamak sa salita, aagawin sa kaniya ang panagot ng may utang; ngunit ang natatakot sa utos ang siyang gagantihan. Ang kautusan ng marunong ay bukal ng buhay, upang ilayo ang isa mula sa mga silo ng kamatayan. Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay ng lingap, ngunit ang daan niyaong mga nakikitungo nang may kataksilan ay bakubako. Ang bawat matalino ay gagawi nang may kaalaman, ngunit ang hangal ay magkakalat ng kamangmangan.
16 15 14 13 12 11 10 9 8 7 6

- 14 -

Ang mensaherong balakyot ay mahuhulog sa kasamaan, ngunit ang tapat na sugo ay kagalingan. Ang nagpapabaya sa disiplina ay dumarating sa karalitaan at kasiraang-puri, ngunit ang nag-iingat ng saway ang siyang niluluwalhati. Ang pagnanasang natupad ay kalugudlugod sa kaluluwa; ngunit nakamumuhi sa mga hangal ang lumayo sa kasamaan. Siyang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong, ngunit siyang nakikipag-ugnayan sa mga hangal ay mapapariwara. Mga makasalanan ang tinutugis ng kapahamakan, ngunit mga matuwid ang ginagantihan ng mabuti. Ang isa na mabuti ay mag-iiwan ng mana sa mga anak ng mga anak, at ang yaman ng makasalanan ay nakaimbak para sa matuwid. Ang inararong lupa ng mga taong dukha ay namumunga ng napakaraming pagkain, ngunit may nalilipol dahil sa kakulangan ng kahatulan. Ang nag-uurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak, ngunit ang umiibig sa kaniya ay yaong humahanap sa kaniya taglay ang disiplina. Ang matuwid ay kumakain hanggang sa mabusog ang kaniyang kaluluwa, ngunit ang tiyan ng mga balakyot ay hindi malalagyan ng laman. 14 Ang babaing tunay na marunong ay nagpapatibay ng kaniyang bahay, ngunit ginigiba iyon ng mangmang ng sarili niyang mga kamay. Ang lumalakad sa kaniyang katuwiran ay natatakot kay Jehova, ngunit ang liko sa kaniyang mga lakad ay humahamak sa Kaniya.
2 25 24 23 22 21 20 19 18

17

Ang tungkod ng kapalaluan ay nasa bibig ng mangmang, ngunit ang mga labi ng marurunong ang magbabantay sa kanila. Kung saan walang mga baka ay malinis ang sabsaban, ngunit ang ani ay sagana dahil sa kalakasan ng toro. Ang saksing tapat ay yaong hindi magsisinungaling, ngunit ang bulaang saksi ay nagbubunsod ng mga kasinungalingan. Ang manunuya ay naghahangad na makasumpong ng karunungan, at wala naman; ngunit sa may-unawa ay madali ang kaalaman. Umalis ka sa harap ng taong hangal, sapagkat tiyak na wala kang mapapansing mga labi ng kaalaman. Ang karunungan ng matalino ay ang pagkaunawa sa kaniyang lakad, ngunit ang kamangmangan ng mga hangal ay panlilinlang. Mangmang yaong mga humahamak sa pagkakasala, ngunit sa gitna ng mga matuwid ay may pagkakasundo. Nababatid ng puso ang kapaitan ng kaluluwa ng isa, at sa pagsasaya nito ay walang ibang taong manghihimasok. Ang bahay ng mga taong balakyot ay wawasakin, ngunit ang tolda ng mga matuwid ay uunlad. May daan na matuwid sa harap ng isang tao, ngunit ang mga daan ng kamatayan ang huling wakas nito. Maging sa pagtawa man ay maaaring nasasaktan ang puso; at sa pamimighati nauuwi ang pagsasaya. Ang isa na may pusong walang pananampalataya ay masisiyahan sa mga bunga ng kaniyang sariling mga lakad, ngunit ang mabuting tao ay sa mga bunga ng kaniyang mga pakikitungo. Ang sinumang walang-karanasan ay nananampalataya sa bawat salita, ngunit
15 14 13 12 11 10 9 8 7 6 5 4

- 15 -

pinag-iisipan ng matalino ang kaniyang mga hakbang. Ang marunong ay natatakot at lumalayo sa kasamaan, ngunit ang hangal ay napopoot at may tiwala sa sarili. Siyang madaling magalit ay gagawa ng kamangmangan, ngunit ang taong may kakayahang mag-isip ay kinapopootan. Ang mga walang-karanasan ay tiyak na magmamay-ari ng kamangmangan, ngunit ang matatalino ay magpuputong ng kaalaman. Ang masasamang tao ay kailangang yumukod sa harap ng mabubuti, at ang mga taong balakyot sa mga pintuang-daan ng matuwid. Ang dukha ay tudlaan ng pagkapoot maging ng kaniyang kapuwa, ngunit marami ang mga kaibigan ng taong mayaman. Ang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala, ngunit maligaya siya na nagpapakita ng lingap sa mga napipighati. Hindi ba magkakaligaw-ligaw yaong mga kumakatha ng kapinsalaan? Ngunit naroon ang maibiging-kabaitan at katapatan sa mga kumakatha ng mabuti. Sa bawat uri ng pagpapagal ay may kapakinabangan, ngunit ang salita lamang ng mga labi ay humahantong sa kakapusan. Ang korona ng marurunong ay ang kanilang kayamanan; ang kamangmangan ng mga hangal ay kamangmangan. Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga kaluluwa, ngunit ang mapanlinlang ay nagbubunsod ng mga kasinungalingan. Sa pagkatakot kay Jehova ay may matibay na pagtitiwala, at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng kanlungan. Ang pagkatakot kay Jehova ay balon ng buhay, upang maglayo mula sa mga silo ng kamatayan.
27 26 25 24 23 22 21 20 19 18 17 16

Sa karamihan ng mga tao ay may kagayakan ang hari, ngunit ang kakulangan ng populasyon ang ikinababagsak ng mataas na opisyal. Siyang mabagal sa pagkagalit ay sagana sa kaunawaan, ngunit ang walang pagtitimpi ay nagtatanyag ng kamangmangan. Ang pusong mahinahon ay buhay ng katawan, ngunit ang paninibugho ay kabulukan ng mga buto. Siyang nandaraya sa maralita ay dumudusta sa kaniyang Maylikha, ngunit ang nagpapakita ng lingap sa dukha ay lumuluwalhati sa Kaniya. Dahil sa kaniyang kasamaan ay ilulugmok ang balakyot, ngunit ang matuwid ay makasusumpong ng kanlungan sa kaniyang katapatan. Sa puso ng isa na may-unawa ay nagpapahinga ang karunungan, at sa gitna ng mga hangal ay nahahayag ito. Katuwiran ang nagtatanyag sa isang bansa, ngunit ang kasalanan ay kahiya-hiya sa mga liping pambansa. Ang kaluguran ng hari ay nasa lingkod na kumikilos nang may kaunawaan, ngunit ang kaniyang poot ay ukol sa kaniya na gumagawi nang kahiya-hiya. 15 Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit, ngunit ang salitang nakasasakit ay pumupukaw ng galit. Ang dila ng marurunong ay gumagawa ng mabuti dahil sa kaalaman, ngunit ang bibig ng mga hangal ay binubukalan ng kamangmangan. Ang mga mata ni Jehova ay nasa lahat ng dako, nagbabantay sa masasama at sa mabubuti. Ang kahinahunan ng dila ay punungkahoy ng buhay, ngunit ang pagpilipit nito ay pagkalugmok ng espiritu.
4 3 2 35 34 33 32 31 30 29

28

- 16 -

Ang sinumang mangmang ay nagwawalang-galang sa disiplina ng kaniyang ama, ngunit ang sinumang nagpapakundangan sa saway ay matalino. Sa bahay ng matuwid ay sagana ang nakaimbak, ngunit sa ani ng balakyot ay may pagsumpa. Ang mga labi ng marurunong ay laging nagsasabog ng kaalaman, ngunit ang puso ng mga hangal ay hindi gayon. Ang hain ng mga balakyot ay karimarimarim kay Jehova, ngunit ang panalangin ng mga matuwid ay kalugud-lugod sa kaniya. Ang lakad ng balakyot ay karima-rimarim kay Jehova, ngunit ang nagtataguyod ng katuwiran ay iniibig niya. Ang disiplina ay masama sa isa na lumilihis ng landas; ang sinumang napopoot sa saway ay mamamatay. Ang Sheol at ang dako ng pagkapuksa ay nasa harap ni Jehova. Gaano pa kaya ang mga puso ng mga anak ng sangkatauhan! Ang manunuya ay hindi umiibig sa sumasaway sa kaniya. Sa marurunong ay hindi siya paroroon. Ang masayang puso ay may mabuting epekto sa mukha, ngunit dahil sa kirot sa puso ay may bagbag na espiritu. Ang pusong may unawa ay yaong naghahanap ng kaalaman, ngunit ang bibig ng mga taong hangal ay yaong nagmimithi ng kamangmangan. Ang lahat ng mga araw ng isang napipighati ay masama; ngunit ang may mabuting puso ay laging may piging. Mas mabuti ang kaunti na may pagkatakot kay Jehova kaysa sa saganang panustos na may kasamang kalituhan. Mas mabuti ang pagkaing gulay na doon ay may pag-ibig kaysa sa pinatabang toro na may kasamang poot.
17 16 15 14 13 12 11 10 9 8 7 6

Ang taong nagngangalit ay pumupukaw ng pagtatalo, ngunit ang mabagal sa pagkagalit ay nagpapatahimik ng pag-aaway. Ang daan ng tamad ay tulad ng bakod na matinik na palumpong, ngunit ang landas ng mga matuwid ay patag na daan. Ang anak na marunong ay yaong nagpapasaya sa ama, ngunit ang taong hangal ay humahamak sa kaniyang ina. Ang kamangmangan ay kasayahan niyaong kapos ang puso, ngunit ang taong may kaunawaan ay yumayaong deretso sa unahan. Nabibigo ang mga plano kung saan walang matalik na usapan, ngunit sa karamihan ng mga tagapayo ay may naisasagawa. Ang tao ay may kasayahan sa sagot ng kaniyang bibig, at ang salita sa tamang panahon, O anong buti! Ang landas ng buhay ay paitaas sa isa na kumikilos nang may kaunawaan, upang makaiwas sa Sheol sa ibaba. Ang bahay ng mga palalo ay gigibain ni Jehova, ngunit itatatag niya ang hangganan ng babaing balo. Ang mga pakana ng masama ay karimarimarim kay Jehova, ngunit ang kaiga-igayang mga pananalita ay malinis. Ang nagtitipon ng di-tapat na pakinabang ay nagdadala ng sumpa sa kaniyang sariling sambahayan, ngunit ang napopoot sa mga kaloob ang siyang mananatiling buhy. Ang puso ng matuwid ay nagbubulaybulay upang makasagot, ngunit ang bibig ng mga balakyot ay binubukalan ng masasamang bagay. Si Jehova ay malayo sa mga balakyot, ngunit ang panalangin ng mga matuwid ay dinirinig niya.
29 28 27 26 25 24 23 22 21 20 19

18

- 17 -

Ang ningning ng mga mata ay nagpapasaya ng puso; ang mabuting ulat ay nagpapataba ng mga buto. Ang taingang nakikinig sa saway ng buhay ay tumatahan sa gitna mismo ng mga taong marurunong. Ang sinumang umiiwas sa disiplina ay nagtatakwil ng sarili niyang kaluluwa, ngunit ang nakikinig sa saway ay nagtatamo ng puso. Ang pagkatakot kay Jehova ay disiplinang patungo sa karunungan, at bago ang kaluwalhatian ay may kapakumbabaan. 16 Sa makalupang tao nauukol ang pagsasaayos ng puso, ngunit mula kay Jehova ang sagot ng dila. Ang lahat ng mga lakad ng tao ay dalisay sa kaniyang sariling paningin, ngunit sinusukat ni Jehova ang mga espiritu. Igulong mo ang iyong mga gawain kay Jehova at ang iyong mga plano ay matibay na matatatag. Ang lahat ng bagay ay ginawa ni Jehova ukol sa kaniyang layunin, oo, maging ang balakyot na ukol sa masamang araw. Ang lahat ng may pusong mapagmapuri ay karima-rimarim kay Jehova. Ang kamay man ay humawak sa kamay, gayunmay hindi magiging ligtas ang isa sa kaparusahan. Sa pamamagitan ng maibiging-kabaitan at katapatan ay naipagbabayad-sala ang kamalian, at dahil sa pagkatakot kay Jehova ay lumalayo sa kasamaan ang isa. Kapag nalulugod si Jehova sa mga lakad ng isang tao ay pinangyayari niya na maging ang kaniyang mga kaaway ay makipagpayapaan sa kaniya. Mas mabuti ang kaunti na may katuwiran kaysa sa saganang bunga na walang katarungan.
8 7 6 5 4 3 2 33 32 31

30

Ang puso ng makalupang tao ay makapag-iisip ng kaniyang lakad, ngunit si Jehova ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang. Ang kinasihang pasiya ay dapat na mapasa mga labi ng hari; sa paghatol ay hindi dapat na maging di-tapat ang kaniyang bibig. Ang tapat na panukat at timbangan ay kay Jehova; ang lahat ng mga batong panimbang ng supot ay kaniyang gawa. Ang paggawa ng kabalakyutan ay karima-rimarim sa mga hari, sapagkat sa pamamagitan ng katuwiran ay matibay na natatatag ang trono. Ang mga labi ng katuwiran ay kalugudlugod sa isang dakilang hari; at ang nagsasalita ng mga bagay na matuwid ay iniibig niya. Ang pagngangalit ng hari ay gaya ng mga mensahero ng kamatayan, ngunit ang taong marunong ang siyang umiiwas doon. Sa liwanag ng mukha ng hari ay may buhay, at ang kaniyang kabutihang-loob ay tulad ng ulap ng ulan sa tagsibol. Ang pagtatamo ng karunungan ay anong pagkabuti kaysa sa ginto! At ang pagtatamo ng pagkaunawa ay mas mabuting piliin kaysa sa pilak. Ang lansangang-bayan ng mga matuwid ay ang paglayo sa kasamaan. Ang nagbabantay ng kaniyang lakad ay nag-iingat ng kaniyang kaluluwa. Ang pagmamapuri ay nauuna sa pagbagsak, at ang palalong espiritu bago ang pagkatisod. Mas mabuti ang magkaroon ng mapagpakumbabang espiritu kasama ng maaamo kaysa makihati sa samsam kasama ng mga palalo. Siya na nagpapakita ng kaunawaan sa isang bagay ay makasusumpong ng mabuti, at maligaya siya na nagtitiwala kay Jehova.
20 19 18 17 16 15 14 13 12 11 10

- 18 -

Ang may pusong marunong ay tatawaging may-unawa, at siyang matamis ang mga labi ay nagdaragdag ng panghikayat. Ang kaunawaan ay balon ng buhay sa mga may-ari nito; at ang pagdisiplina sa mga mangmang ay kamangmangan. Pinangyayari ng puso ng marunong na ang kaniyang bibig ay magpakita ng kaunawaan, at sa kaniyang mga labi ay nagdaragdag ito ng panghikayat. Ang kaiga-igayang mga pananalita ay bahay-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto. May daan na matuwid sa harap ng isang tao, ngunit ang mga daan ng kamatayan ang huling wakas nito. Ang kaluluwa ng masipag na manggagawa ay nagpagal para sa kaniya, sapagkat pinilit siya ng kaniyang bibig. Ang walang-kabuluhang tao ay naghahalukay ng kasamaan, at sa kaniyang mga labi ay may animoy nakapapasong apoy. Ang taong mapang-intriga ay laging naghahasik ng pagtatalo, at pinaghihiwalay ng maninirang-puri yaong malalapt sa isat isa. Ang taong marahas ay mandaraya sa kaniyang kapuwa, at tiyak na papaparoonin siya nito sa daang hindi mabuti. 30 Ikinikindat niya ang kaniyang mga mata upang magpakana ng mga intriga. Sa pagkagat sa kaniyang mga labi, dinadala nga niya sa kaganapan ang kapinsalaan. Ang ulong may uban ay korona ng kagandahan kapag ito ay nasusumpungan sa daan ng katuwiran. Siyang mabagal sa pagkagalit ay mas mabuti kaysa sa makapangyarihang lalaki, at siyang sumusupil sa kaniyang espiritu kaysa sa bumibihag ng lunsod.
32 31 29 28 27 26 25 24 23 22

21

Sa kandungan inihahagis ang palabunot, ngunit ang bawat pasiya sa pamamagitan nito ay mula kay Jehova. 17 Mas mabuti ang tuyong piraso ng tinapay na may katahimikan kaysa sa bahay na pun ng mga hain ng pag-aaway. Ang lingkod na nagpapakita ng kaunawaan ang mamamahala sa anak na gumagawi nang kahiya-hiya, at kasama ng magkakapatid ay magkakaroon siya ng bahagi sa mana. Ang dalisayang kaldero ay para sa pilak at ang hurno ay para sa ginto, ngunit si Jehova ang tagasuri ng mga puso. Ang manggagawa ng kasamaan ay nagbibigay-pansin sa mapanakit na labi. Ang bulaan ay nakikinig sa dila na nagdudulot ng mga kapighatian. Siyang umaalipusta sa dukha ay dumudusta sa kaniyang Maylikha. Siyang nagagalak sa kasakunaan ng iba ay hindi magiging ligtas sa kaparusahan. Ang korona ng matatanda ay ang mga apo, at ang kagandahan ng mga anak na lalaki ay ang kanilang mga ama. Sa sinumang hangal ay hindi nararapat ang labi ng katuwiran. Gaano pa kaya ang labi ng kabulaanan sa taong mahal! Ang kaloob ay batong nagtatamo ng lingap sa mga mata ng dakilang may-ari nito. Saanman siya bumaling ay nagtatagumpay siya. Ang nagtatakip ng pagsalansang ay naghahangad ng pag-ibig, at siyang salita nang salita tungkol sa isang bagay ay naghihiwalay niyaong malalapt sa isat isa. Ang pagsaway ay tumatagos nang mas malalim sa isa na may unawa kaysa sa pananakit sa hangal nang isang daang ulit. Paghihimagsik lamang ang laging hinahangad ng masama, at malupit ang mensahero na isinusugo laban sa kaniya.
11 10 9 8 7 6 5 4 3 2

33

- 19 -

Masalubong na ng tao ang oso na nawalan ng mga anak nito kaysa ang sinumang hangal sa kaniyang kamangmangan. Kung tungkol sa sinumang gumaganti ng kasamaan kapalit ng kabutihan, ang kasamaan ay hindi hihiwalay sa kaniyang bahay. Ang pasimula ng pagtatalo ay gaya ng isang nagpapakawala ng tubig; kaya bago sumiklab ang away, umalis ka na. Ang sinumang nag-aaring matuwid sa balakyot at ang sinumang nag-aaring balakyot sa matuwidkapuwa sila karimarimarim kay Jehova. Bakit nga ba nasa kamay ng hangal ang halagang pambili ng karunungan, gayong wala naman siyang puso? Ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at isang kapatid na ipinanganganak kapag may kabagabagan. Ang taong kapos ang puso ay nakikipagkamay, na lubusang nananagot sa harap ng kaniyang kapuwa. Ang sinumang umiibig sa pagsalansang ay umiibig sa pagtatalo. Ang sinumang nagpapataas ng kaniyang pasukang-daan ay naghahanap ng pagbagsak. Siyang may likong puso ay hindi makasusumpong ng mabuti, at siyang may pilipit na dila ay mahuhulog sa kapahamakan. Ang ama na nagkaanak ng batang hangalito ay kapighatian sa kaniya; at ang ama ng batang mangmang ay hindi nagsasaya. Ang masayang puso ay nakabubuti bilang pampagaling, ngunit ang bagbag na espiritu ay tumutuyo ng mga buto. Ang balakyot ay tumatanggap ng suhol mula sa dibdib upang baluktutin ang mga landas ng kahatulan.
23 22 21 20 19 18 17 16 15 14 13

12

Ang karunungan ay nasa harap ng mukha ng may-unawa, ngunit ang mga mata ng hangal ay nasa dulo ng lupa. Ang anak na hangal ay kaligaligan sa kaniyang ama at kapaitan sa nanganak sa kaniya. Karagdagan pa, ang pagpapataw ng multa sa matuwid ay hindi mabuti. Ang pananakit sa mga taong mahal ay labag sa kung ano ang matuwid. Ang sinumang nagpipigil ng kaniyang mga pananalita ay nagtataglay ng kaalaman, at ang taong may kaunawaan ay malamig ang espiritu. Kahit ang mangmang, kapag nanatiling tahimik, ay ituturing na marunong; ang sinumang nagtitikom ng kaniyang mga labi, bilang may unawa. 18 Ang nagbubukod ng kaniyang sarili ay naghahanap ng kaniyang makasariling hangarin; laban sa lahat ng praktikal na karunungan ay sasalansang siya. Ang sinumang hangal ay hindi nalulugod sa kaunawaan, malibang ihayag ng kaniyang puso ang sarili nito. Kapag pumasok ang balakyot, papasok din ang panghahamak; at kasama ng kasiraang-puri ang kadustaan. Ang mga salita ng bibig ng isang tao ay malalim na tubig. Ang balon ng karunungan ay bukal na bumabalong. Ang pagpapakita ng pagtatangi sa balakyot ay hindi mabuti, ni ang paglilihis ng matuwid sa kahatulan. Ang mga labi ng hangal ay pumapasok sa pakikipagtalo, at ang kaniyang bibig ay tumatawag ng mga hampas. Ang bibig ng hangal ang kaniyang ikapapahamak, at ang kaniyang mga labi ay silo para sa kaniyang kaluluwa.
7 6 5 4 3 2 28 27 26 25

24

- 20 -

Ang mga salita ng maninirang-puri ay tulad ng mga bagay na nilululon nang may kasibaan, na bumababa sa mga kaloobloobang bahagi ng tiyan. Gayundin, ang nagpapakitang makupad sa kaniyang gawasiya ay kapatid niyaong nagpapahamak. Ang pangalan ni Jehova ay matibay na tore. Doon tumatakbo ang matuwid at ipinagsasanggalang. Ang mahahalagang pag-aari ng mayaman ay kaniyang matibay na bayan, at ang mga iyon ay gaya ng pananggalang na pader sa kaniyang guniguni. Bago ang pagbagsak ay matayog ang puso ng tao, at bago ang kaluwalhatian ay may kapakumbabaan. Kapag ang isa ay sumasagot sa isang bagay bago niya marinig iyon, kamangmangan ito sa kaniya at kahihiyan. Ang espiritu ng isang tao ay makapagtitiis sa kaniyang karamdaman; ngunit ang bagbag na espiritu, sino ang makatitiis nito? Ang puso ng isa na may-unawa ay nagtatamo ng kaalaman, at ang tainga ng marurunong ay humahanap ng kaalaman. Ang kaloob ng isang tao ay nagbubukas ng maluwang na daan para sa kaniya, at dadalhin siya nito maging sa harap ng mga taong dakila. Ang nauna sa kaniyang usapin sa batas ay matuwid; ang kaniyang kapuwa ay dumarating at sinisiyasat siya. Ang palabunutan ay nagpapatigil ng mga pagtatalo, at pinaghihiwa-hiwalay nito kahit ang mga makapangyarihan. Ang kapatid na pinagkasalahan ay higit pa kaysa sa matibay na bayan; at may mga pagtatalo na tulad ng halang ng tirahang tore.
19 18 17 16 15 14 13 12 11 10 9

Mula sa bunga ng bibig ng isang tao ay mabubusog ang kaniyang tiyan; mabubusog siya sa ani ng kaniyang mga labi. Ang kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila, at siyang umiibig dito ay kakain ng bunga nito. Nakasumpong ba ang isa ng mabuting asawang babae? Siya ay nakasumpong ng mabuting bagay, at nagtatamo siya ng kabutihang-loob mula kay Jehova. Mga pamamanhik ang sinasalita ng dukha, ngunit ang mayaman ay sumasagot nang may katigasan. May mga magkakasamang nagsisiraan, ngunit may kaibigang mas malapt pa kaysa sa isang kapatid. 19 Ang dukha na lumalakad sa kaniyang katapatan ay mas mabuti pa kaysa sa isa na may likong mga labi, at sa isang hangal. Gayundin, ang kawalang-alam ng kaluluwa ay hindi mabuti, at siyang nagmamadali ang mga paa ay nagkakasala. Ang kamangmangan ng makalupang tao ang pumipilipit sa kaniyang lakad, kung kaya ang kaniyang puso ay nagngangalit laban kay Jehova mismo. Ang yaman ang siyang nagdaragdag ng maraming kasamahan, ngunit ang maralita ay nahihiwalay sa kaniyang kasamahan. Ang bulaang saksi ay hindi magiging ligtas sa kaparusahan, at siyang nagbubunsod ng mga kasinungalingan ay hindi makatatakas. Marami ang nagpapalambot ng mukha ng taong mahal, at ang lahat ay kasamahan ng taong nagbibigay ng mga kaloob. Ang lahat ng mga kapatid ng dukha ay napopoot sa kaniya. Lalo pa nga siyang lalayuan ng kaniyang matatalik na kaibigan! Hinahabol niya sila na may mga bagay na sasabihin; wala na sila.
7 6 5 4 3 2 24 23 22 21

20

- 21 -

Siyang nagtatamo ng puso ay umiibig sa kaniyang sariling kaluluwa. Siyang nag-iingat ng kaunawaan ay makasusumpong ng mabuti. Ang bulaang saksi ay hindi magiging ligtas sa kaparusahan, at siyang nagbubunsod ng mga kasinungalingan ay malilipol. Ang karangyaan ay hindi nararapat sa sinumang hangal. Gaano pa kaya kung isang lingkod ang mamahala sa mga prinsipe! Ang kaunawaan ng tao ay tunay na nagpapabagal ng kaniyang galit, at kagandahan sa ganang kaniya na palampasin ang pagsalansang. Ang pagngangalit ng hari ay isang ungol na tulad ng sa may-kilng na batang leon, ngunit ang kaniyang kabutihang-loob ay tulad ng hamog sa pananim. Ang anak na hangal ay nagdudulot ng mga kapighatian sa kaniyang ama, at ang mga pakikipagtalo ng asawang babae ay gaya ng tumutulong bubong na nagtataboy sa isa. Ang mana mula sa mga ama ay bahay at yaman, ngunit ang pantas na asawang babae ay nagmumula kay Jehova. Ang katamaran ay nagpapasapit ng mahimbing na tulog, at ang makupad na kaluluwa ay magugutom. Siyang tumutupad ng utos ay nag-iingat ng kaniyang kaluluwa; siyang humahamak sa kaniyang mga lakad ay papatayin. Siyang nagpapakita ng lingap sa maralita ay nagpapautang kay Jehova, at ang kaniyang pakikitungo ay babayaran Niya sa kaniya. Parusahan mo ang iyong anak habang may pag-asa pa; at sa pagpatay sa kaniya ay huwag mong itaas ang pagnanasa ng iyong kaluluwa.
18 17 16 15 14 13 12 11 10 9

Siyang may matinding pagngangalit ay mapapatawan ng multa; sapagkat kung ililigtas mo siya, patuloy mo ring gagawin iyon nang paulit-ulit. Makinig ka sa payo at tumanggap ka ng disiplina, upang maging marunong ka sa iyong kinabukasan. Marami ang mga plano sa puso ng tao, ngunit ang layon ni Jehova ang siyang tatayo. Ang kanais-nais na bagay sa makalupang tao ay ang kaniyang maibigingkabaitan; at ang dukha ay mas mabuti pa kaysa sa taong nagsisinungaling. Ang pagkatakot kay Jehova ay umaakay patungo sa buhay, at ang isa ay magpapalipas ng gabi na nasisiyahan; hindi siya dadalawin ng kasamaan. Itinatago ng tamad ang kaniyang kamay sa mangkok na pampiging; ni hindi niya ito maibalik sa sarili niyang bibig. Ang manunuya ay saktan mo, upang ang walang-karanasan ay tumalino; at dapat na sawayin ang may-unawa, upang makilala niya ang kaalaman. Siyang nagmamalupit sa ama at nagtataboy sa ina ay isang anak na gumagawi nang kahiya-hiya at kadusta-dusta. Huminto ka, anak ko, sa pakikinig sa disiplina at mangangahulugan ito ng paglihis mula sa mga pananalita ng kaalaman. Ang saksing walang-kabuluhan ay umaalipusta sa katarungan, at ang bibig ng mga taong balakyot ay lumalamon ng bagay na nakasasakit. Ang mga kahatulan ay matibay na itinatatag para sa mga manunuya, at ang mga hampas para sa likod ng mga hangal. 20 Ang alak ay manunuya, ang nakalalangong inumin ay magulo, at ang sinumang naliligaw dahil dito ay hindi marunong.
29 28 27 26 25 24 23 22 21 20

19

- 22 -

Ang kakilabutan ng hari ay isang ungol na tulad ng sa may-kilng na batang leon. Ang sinumang pumupukaw ng kaniyang poot laban sa kaniyang sarili ay nagkakasala laban sa sarili niyang kaluluwa. Kaluwalhatian sa isang tao ang umiwas sa pakikipagtalo, ngunit ang bawat mangmang ay susugod doon. Dahil sa taglamig ay hindi mag-aararo ang tamad; mamamalimos siya sa panahon ng paggapas, ngunit hindi magkakaroon ng anuman. Ang panukala sa puso ng tao ay gaya ng malalim na tubig, ngunit ang taong may kaunawaan ang siyang sasalok nito. Maraming tao ang maghahayag bawat isa ng kaniyang sariling maibiging-kabaitan, ngunit sino ang makasusumpong ng taong tapat? Ang matuwid ay lumalakad sa kaniyang katapatan. Maligaya ang kaniyang mga anak na kasunod niya. Ang hari ay nakaupo sa trono ng paghatol, na pinangangalat ang lahat ng kasamaan sa pamamagitan ng kaniyang mga mata. Sino ang makapagsasabi: Nilinis ko ang aking puso; ako ay naging dalisay mula sa aking kasalanan? Dalawang uri ng panimbang at dalawang uri ng takal na epaang mga ito ay kapuwa karima-rimarim kay Jehova. Sa pamamagitan nga ng kaniyang mga gawa ay ipinakikilala ng isang bata kung ang kaniyang gawain ay dalisay at matuwid. Ang taingang nakaririnig at ang matang nakakakitaang mga iyon ay kapuwa ginawa ni Jehova. Huwag mong ibigin ang pagtulog, upang hindi ka sumapit sa karalitaan. Idilat mo ang iyong mga mata; mabusog ka sa tinapay.
13 12 11 10 9 8 7 6 5 4 3

Masama, masama! ang sabi ng bumibili, at yumayaon siya. Pagkatapos ay ipinaghahambog niya ang kaniyang sarili. May ginto, at maraming korales; ngunit ang mga labi ng kaalaman ay mahahalagang sisidlan. Kunin mo ang kasuutan ng isa, kung nanagot siya para sa taong di-kilala; at may kaugnayan sa babaing banyaga, agawin mo sa kaniya ang isang panagot. Ang tinapay na natamo sa pamamagitan ng kabulaanan ay kalugud-lugod sa isang tao, ngunit pagkatapos ay mapupuno ng graba ang kaniyang bibig. Sa pamamagitan ng payo ay matibay na natatatag ang mga plano, at sa pamamagitan ng mahusay na patnubay ay isagawa mo ang iyong pakikidigma. Siyang lumilibot bilang maninirang-puri ay nagbubunyag ng lihim na usapan; at sa isa na naaakit sa pamamagitan ng kaniyang mga labi ay huwag kang makikisama. Kung tungkol sa sinumang sumusumpa sa kaniyang ama at sa kaniyang ina, ang kaniyang lampara ay papatayin sa pagsapit ng dilim. Ang mana ay nakukuha sa pamamagitan ng kasakiman sa pasimula, ngunit ang kinabukasan nito ay hindi pagpapalain. Huwag mong sabihin: Gaganti ako ng kasamaan! Umasa ka kay Jehova, at ililigtas ka niya. Ang dalawang uri ng panimbang ay karima-rimarim kay Jehova, at ang madayang pares ng timbangan ay hindi mabuti. Mula kay Jehova ang mga hakbang ng matipunong lalaki. Kung tungkol sa makalupang tao, paano niya mapag-uunawa ang kaniyang lakad? Isa ngang silo kapag ang makalupang tao ay humiyaw nang padalus-dalos, Banal! at
25 24 23 22 21 20 19 18 17 16 15

14

- 23 -

pagkatapos ng mga panata ay saka lamang niya maiisipang magsuri. Ang marunong na hari ay nagpapangalat ng mga taong balakyot, at nagpaparaan siya ng gulong sa ibabaw nila. Ang hininga ng makalupang tao ay ang lampara ni Jehova, na maingat na sumasaliksik sa lahat ng mga kaloob-loobang bahagi ng tiyan. Ang maibiging-kabaitan at ang katapataniniingatan nila ang hari; at sa pamamagitan ng maibiging-kabaitan ay pinamamalagi niya ang kaniyang trono. Ang kagandahan ng mga kabataang lalaki ay ang kanilang kalakasan, at ang karilagan ng matatandang lalaki ay ang kanilang ulong may uban. Masasakit na sugat ang kumakayod ng kasamaan; at ang mga latay, ng mga kaloobloobang bahagi ng tiyan. 21 Ang puso ng hari ay gaya ng mga batis ng tubig sa kamay ni Jehova. Ibinabaling niya iyon saanman niya kalugdan. Ang bawat lakad ng tao ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata, ngunit sinusukat ni Jehova ang mga puso. Ang magsagawa ng katuwiran at kahatulan ay higit na kanais-nais kay Jehova kaysa sa hain. Ang palalong mga mata at mapagmataas na puso, ang lampara ng mga balakyot, ay kasalanan. Ang mga plano ng masikap ay tiyak na magdudulot ng kapakinabangan, ngunit ang bawat isa na padalus-dalos ay tiyak na patungo sa kakapusan. Ang pagtatamo ng kayamanan sa pamamagitan ng bulaang dila ay singaw na tinatangay, kung para sa mga naghahanap ng kamatayan.
6 5 4 3 2 30 29 28 27 26

Ang pananamsam ng mga balakyot ang kakaladkad sa kanila, sapagkat tumanggi silang magsagawa ng katarungan. Ang tao, maging ang isang di-kilala, ay liko sa kaniyang lakad; ngunit ang dalisay ay matuwid sa kaniyang gawain. Mas mabuti pang manahanan sa isang sulok ng bubong kaysa kasama ng asawang babaing mahilig makipagtalo, bagaman nasa iisang bahay. Ang kaluluwa ng balakyot ay naghahangad ng masama; ang kaniyang kapuwa ay hindi pagpapakitaan ng lingap sa kaniyang paningin. Sa pagpapataw ng multa sa manunuya ay nagiging marunong ang walang-karanasan; at sa pagbibigay ng kaunawaan sa taong marunong ay nagtatamo siya ng kaalaman. Binibigyang-pansin ng Isa na Matuwid ang bahay ng balakyot, na iginugupo ang mga balakyot sa kanilang ikapapahamak. Kung tungkol sa sinumang nagtatakip ng kaniyang tainga sa daing ng maralita, siya rin ay tatawag at hindi sasagutin. Ang kaloob na ibinibigay sa lihim ay sumusupil ng galit; at ang suhol na nasa dibdib, ng matinding pagngangalit. Isang kasayahan para sa matuwid ang magsagawa ng katarungan, ngunit may bagay na kahila-hilakbot para sa mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit. Kung tungkol sa tao na lumilihis sa daan ng kaunawaan, siya ay magpapahinga sa mismong kongregasyon niyaong mga inutil sa kamatayan. Siyang umiibig sa kasayahan ay magiging taong nasa kakapusan; siyang umiibig sa alak at langis ay hindi magtatamo ng kayamanan. Ang balakyot ay pantubos para sa matuwid; at ang nakikitungo nang may kataksilan ay kapalit ng mga matapat.
18 17 16 15 14 13 12 11 10 9 8

- 24 -

Mas mabuti pang manahanan sa ilang na lupain kaysa kasama ng asawang babaing mahilig makipagtalo na may pagkayamot. Ang kanais-nais na kayamanan at langis ay nasa tirahan ng marunong, ngunit lalamunin ito ng taong hangal. Siyang nagtataguyod ng katuwiran at maibiging-kabaitan ay makasusumpong ng buhay, katuwiran at kaluwalhatian. Ang marunong ay sumasampa sa lunsod ng makapangyarihang mga lalaki, upang maibagsak niya ang lakas ng pagtitiwala nito. Siyang nag-iingat ng kaniyang bibig at ng kaniyang dila ay nag-iingat ng kaniyang kaluluwa mula sa mga kabagabagan. Pangahas at mapagmapuri-sa-sariling hambog ang pangalan niyaong kumikilos sa silakbo ng kapangahasan. Ang paghahangad ng tamad ang papatay sa kaniya, sapagkat ang kaniyang mga kamay ay ayaw magtrabaho. 26 Buong araw siyang naghahangad nang labis, ngunit ang matuwid ay nagbibigay at hindi nagkakait ng anuman. Ang hain ng mga balakyot ay karimarimarim. Gaano pa kaya kapag dinadala ito ng isa na may kasamang mahalay na paggawi. Ang sinungaling na saksi ay malilipol, ngunit ang taong nakikinig ay magsasalita magpakailan-kailanman. Ang taong balakyot ay nagpapatapang ng kaniyang mukha, ngunit ang matuwid ang siyang matibay na magtatatag ng kaniyang mga lakad. Walang karunungan, ni anumang kaunawaan, ni anumang payo kapag salansang kay Jehova. Ang kabayo ay inihahanda para sa araw ng pagbabaka, ngunit ang kaligtasan ay kay Jehova.
31 30 29 28 27 25 24 23 22 21 20

19

22 Ang pangalan ay mas mabuting piliin sa halip na saganang kayamanan; ang lingap ay mas mabuti kaysa sa pilak at ginto. Ang mayaman at ang dukha ay nagsalubong. Ang Maylikha sa kanilang lahat ay si Jehova. Matalino ang nakakakita ng kapahamakan at nagkukubli, ngunit ang mga walangkaranasan ay dumaraan at daranas ng kaparusahan. Ang bunga ng kapakumbabaan at ng pagkatakot kay Jehova ay kayamanan at kaluwalhatian at buhay. Mga tinik at mga bitag ang nasa daan ng liko; siyang nagbabantay ng kaniyang kaluluwa ay lumalayo sa mga iyon. Sanayin mo ang bata ayon sa daang nararapat sa kaniya; tumanda man siya ay hindi niya iyon lilihisan. Ang mayaman ang namamahala sa mga dukha, at ang nanghihiram ay lingkod ng taong nagpapahiram. Siyang naghahasik ng kalikuan ay aani ng bagay na nakasasakit, ngunit ang tungkod ng kaniyang poot ay sasapit sa kawakasan. Siyang may mabait na mata ay pagpapalain, sapagkat nagbigay siya ng kaniyang pagkain sa maralita. Palayasin mo ang manunuya, upang maalis ang pagtatalo at upang matigil ang usapin sa batas at ang kasiraang-puri. Ang umiibig sa kadalisayan ng puso dahil sa panghalina ng kaniyang mga labi ay magiging kasamahan niya ang hari. Ang mga mata ni Jehova ay nagsasanggalang sa kaalaman, ngunit iginugupo niya ang mga salita ng taksil. Sinasabi ng tamad: May leon sa labas! Sa gitna ng mga liwasan ay papaslangin ako!
13 12 11 10 9 8 7 6 5 4 3 2

- 25 -

Ang bibig ng mga babaing di-kilala ay malalim na hukay. Ang isang tinuligsa ni Jehova ay mahuhulog doon. Ang kamangmangan ay nakatali sa puso ng bata; ang pamalong pandisiplina ang maglalayo nito sa kaniya. Siyang nandaraya sa maralita upang makapaglaan ng maraming bagay sa kaniyang sarili, siya rin na nagbibigay sa mayaman, ay tiyak na nakatalaga sa kakapusan. Ikiling mo ang iyong pandinig at dinggin mo ang mga salita ng marurunong, upang maituon mo ang iyong puso sa aking kaalaman. 18 Sapagkat kaiga-igaya nga na ingatan mo ang mga iyon sa iyong tiyan, upang ang mga iyon ay magkakasamang maitatag nang matibay sa iyong mga labi. Upang ang iyong pagtitiwala ay malagak kay Jehova, nagbigay ako sa iyo ngayon ng kaalaman, sa iyo nga. Hindi ba ako sumulat sa iyo noon taglay ang mga pagpapayo at kaalaman, 21 upang ipakita sa iyo ang pagiging totoo ng mga totoong pananalita, upang magbalik ng mga pananalita na siyang katotohanansa isa na nagsusugo sa iyo? Huwag mong pagnakawan ang maralita sapagkat siya ay maralita, at huwag mong siilin sa pintuang-daan ang napipighati. 23 Sapagkat si Jehova mismo ang magtatanggol ng kanilang usapin, at talagang pagnanakawan niya ng kaluluwa yaong mga nagnanakaw sa kanila. Huwag kang makikisama sa sinumang madaling magalit; at sa taong magagalitin ay huwag kang sasama, 25 upang hindi mo matutuhan ang kaniyang mga landas at magdala nga ng silo sa iyong kaluluwa. Huwag kang makisama sa mga naghahampasan ng mga kamay, sa mga nananagot sa mga pautang. 27 Kung wala
26 24 22 20 19 17 16 15

14

kang ibabayad, bakit niya kukunin ang iyong higaan sa ilalim mo? Huwag mong iuurong ang isang sinaunang hangganan, na inilagay ng iyong mga ninuno. Nakakita ka na ba ng taong dalubhasa sa kaniyang gawain? Sa harap ng mga hari siya tatayo; hindi siya tatayo sa harap ng mga karaniwang tao. 23 Kung uupo ka upang kumaing kasama ng hari, maingat mong pag-isipan kung ano ang nasa harap mo, 2 at maglagay ka ng kutsilyo sa iyong lalamunan kung ikaw ay may pagnanasa ng kaluluwa. 3 Huwag kang maging mapaghangad sa kaniyang masasarap na pagkain, yamang iyon ay pagkain ng mga kasinungalingan. Huwag kang magpagal upang magtamo ng kayamanan. Tumigil ka sa iyong sariling pagkaunawa. 5 Isinulyap mo ba rito ang iyong mga mata, gayong ito ay walang anuman? Sapagkat walang pagsalang gumagawa ito ng mga pakpak para sa kaniyang sarili na tulad ng sa agila at lumilipad patungo sa langit. Huwag kang kumain ng pagkain ng sinumang may matang di-mapagbigay, ni maging mapaghangad ka man sa kaniyang masasarap na pagkain. 7 Sapagkat gaya ng isa na nagninilay-nilay sa kaniyang kaluluwa, gayon din siya. Kumain ka at uminom, ang sabi niya sa iyo, ngunit ang kaniyang puso ay hindi sumasaiyo. 8 Ang iyong subo ng pagkain na kinain mo ay isusuka mo, at sasayangin mo lamang ang iyong mga salitang kaiga-igaya. Huwag kang magsasalita sa pandinig ng hangal, sapagkat hahamakin niya ang mga salita mong pantas. Huwag mong iuurong ang sinaunang hangganan, at sa bukid ng mga batang lalaking walang ama ay huwag kang papasok. 11 Sapagkat ang kanilang Manunubos ay malakas; siya mismo ang magtatanggol ng kanilang usapin sa iyo.
10 9 6 4 29 28

- 26 -

Ilapit mo ang iyong puso sa disiplina at ang iyong tainga sa mga pananalita ng kaalaman. Huwag mong ipagkait sa bata ang disiplina. Kung hahampasin mo siya ng pamalo, hindi siya mamamatay. 14 Dapat mo siyang hampasin ng pamalo, upang mailigtas mo ang kaniyang kaluluwa mula sa Sheol. Anak ko, kung ang iyong puso ay nagpapakarunong, ang aking puso ay magsasaya, ang akin nga. 16 At magbubunyi ang aking mga bato kapag ang iyong mga labi ay nagsasalita ng katuwiran. Huwag mainggit ang iyong puso sa mga makasalanan, kundi matakot ka kay Jehova buong araw. 18 Sapagkat kung magkagayon ay magkakaroon ng kinabukasan, at ang iyong pag-asa ay hindi maglalaho. O anak ko, ikaw ay makinig at magpakarunong, at akayin mo ang iyong puso sa daan. Huwag kang sumama sa mga labis uminom ng alak, sa matatakaw kumain ng karne. 21 Sapagkat ang lasenggo at ang matakaw ay sasapit sa karalitaan, at ang antok ay magdaramit sa isa ng mga basahan lamang. Makinig ka sa iyong ama na nagpangyari ng iyong kapanganakan, at huwag mong hamakin ang iyong ina dahil lamang sa tumanda na siya. 23 Bilhin mo ang katotohanan at huwag mong ipagbili iyon karunungan at disiplina at pagkaunawa. 24 Ang ama ng matuwid ay walang pagsalang magagalak; ang ama na nagkaanak ng isa na marunong ay magsasaya rin sa kaniya. 25 Ang iyong ama at ang iyong ina ay magsasaya, at siyang nagsilang sa iyo ay magagalak. Anak ko, ibigay mo sa akin ang iyong puso, at ang mga mata mong iyan ay malugod nawa sa aking mga daan. 27 Sapagkat ang patutot ay isang malalim na hukay at ang babaing di-kilala ay makipot na
26 22 20 19 17 15 13

12

balon. 28 Tiyak na siya, tulad ng magnanakaw, ay nag-aabang; at sa gitna ng mga tao ay nagdaragdag siya ng mga taksil. Sino ang may kaabahan? Sino ang dimapalagay? Sino ang may mga pakikipagtalo? Sino ang may pagkabahala? Sino ang may mga sugat nang walang dahilan? Sino ang may kalabuan ang mga mata? 30 Yaong mga nagbababad sa alak, yaong mga pumapasok upang maghanap ng hinaluang alak. 31 Huwag kang tumingin sa alak kapag ito ay kulay pula, kapag ito ay kumikislap sa kopa, kapag ito ay humahagod nang suwabe. 32 Sa huli ay kumakagat itong tulad ng serpiyente, at naglalabas ito ng lason tulad ng ulupong. 33 Ang iyong mga mata ay makakakita ng mga bagay na kakatwa, at ang iyong puso ay magsasalita ng tiwaling mga bagay. 34 At tiyak na magiging tulad ka niyaong nakahiga sa kalagitnaan ng dagat, tulad nga niyaong nakahiga sa tuktok ng palo. 35 Pinalo nila ako, ngunit hindi ako nagkasakit; hinampas nila ako, ngunit hindi ko namalayan. Kailan ako magigising? Iyon ay hahanapin ko pang muli. 24 Huwag kang mainggit sa masasamang tao, at huwag mong hangaring makisama sa kanila. 2 Sapagkat pananamsam ang laging binubulay-bulay ng kanilang puso, at kaguluhan ang laging sinasalita ng kanilang mga labi. Sa karunungan ay mapatitibay ang sambahayan, at sa kaunawaan ay matatatag ito nang matibay. 4 At sa kaalaman ay mapupuno ang mga loobang silid ng lahat ng mamahalin at kaiga-igayang mga bagay na may halaga. Ang marunong sa paggamit ng lakas ay isang matipunong lalaki, at ang taong may kaalaman ay nagpapatibay ng kalakasan. 6 Sapagkat sa pamamagitan ng mahusay na patnubay ay isasagawa mo ang iyong pakikidigma, at sa karamihan ng mga tagapayo ay may kaligtasan.
5 3 29

- 27 -

Sa mangmang ay napakataas ng tunay na karunungan; sa pintuang-daan ay hindi niya ibubuka ang kaniyang bibig. Kung tungkol sa sinumang nagpapakanang gumawa ng masama, siya ay tatawaging dalubhasa sa balakyot na mga kaisipan. Ang mahalay na paggawi ng kamangmangan ay kasalanan, at ang manunuya ay kinamumuhian ng sangkatauhan. Nanghihina ba ang iyong loob sa araw ng kabagabagan? Ang iyong kalakasan ay magiging kaunti. Iligtas mo yaong mga dinadala sa kamatayan; at yaong mga sumusuray-suray patungo sa patayan, O pigilan mo nawa sila. 12 Kung sasabihin mo: Narito! Hindi namin alam iyon, hindi ba ito matatalos niyaong sumusukat ng mga puso, at malalaman niyaong nagbabantay sa iyong kaluluwa at gagantihan nga niya ang makalupang tao ayon sa kaniyang gawa? Anak ko, kumain ka ng pulot-pukyutan, sapagkat ito ay mabuti; at ang matamis na pulot ng bahay-pukyutan ay mapasaiyong ngalangala. 14 Sa gayunding paraan, alamin mo ang karunungan para sa iyong kaluluwa. Kapag nasumpungan mo na ito, sa gayon ay may kinabukasan, at ang iyong pag-asa ay hindi maglalaho. Huwag kang mag-aabang, gaya ng balakyot, sa tinatahanang dako ng matuwid; huwag mong samsaman ang kaniyang pahingahang-dako. 16 Sapagkat ang matuwid ay maaaring mabuwal nang kahit pitong ulit, at tiyak na babangon siya; ngunit ang mga balakyot ay matitisod dahil sa kapahamakan. Kapag ang iyong kaaway ay nabuwal, huwag kang magsaya; at kapag siya ay natisod, huwag nawang magalak ang iyong puso, 18 upang hindi makita ni Jehova at maging masama iyon sa kaniyang paningin
17 15 13 11 10 9 8

at pawiin nga niya ang kaniyang galit sa kaniya. Huwag kang mag-init dahil sa mga manggagawa ng kasamaan. Huwag kang mainggit sa mga taong balakyot. 20 Sapagkat walang kinabukasan para sa sinumang masama; ang lampara ng mga taong balakyot ay papatayin. Anak ko, matakot ka kay Jehova at sa hari. Sa kanila na pabor sa pagbabago ay huwag kang manghihimasok. 22 Sapagkat ang kanilang kasakunaan ay darating nang biglangbigla, anupat sino ang makababatid sa pagkalipol ng mga pabor sa pagbabago? Ang mga pananalita ring ito ay para sa marurunong: Ang pagpapakita ng pagtatangi sa paghatol ay hindi mabuti. Siyang nagsasabi sa balakyot: Ikaw ay matuwid, susumpain siya ng mga bayan, tutuligsain siya ng mga liping pambansa. 25 Ngunit magiging kaiga-igaya nga iyon para sa mga sumasaway sa kaniya, at darating sa kanila ang mabuting pagpapala. 26 Hahalik sa mga labi yaong tumutugon nang may katapatan. Ihanda mo ang iyong gawain sa labas, at ihanda mo iyon sa bukid para sa iyo. Pagkatapos ay patibayin mo rin ang iyong sambahayan. Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapuwa nang walang mga saligan. Kung magkakagayon ay magiging mangmang ka sa iyong mga labi. 29 Huwag mong sabihin: Kung ano ang ginawa niya sa akin, gayon ang gagawin ko sa kaniya. Igaganti ko sa bawat isa ang ayon sa kaniyang pagkilos. Dumaan ako sa tabi ng bukid ng taong tamad at sa tabi ng ubasan ng taong salat sa puso. 31 At, narito! ang lahat ng mga iyon ay tinubuan ng mga panirang-damo. Tinakpan ng mga kulitis ang pinakaibabaw nito, at ang batong pader nito ay nagiba.
30 28 27 24 23 21 19

- 28 -

Kaya ako ay tumingin, ako mismo; sinimulan kong isapuso iyon; nakita ko, tinanggap ko ang disiplina: 33 Kaunting tulog, kaunting idlip, kaunting paghahalukipkip ng mga kamay upang humiga, 34 at gaya ng tulisan ay darating nga ang iyong karalitaan at ang iyong pagdarahop na gaya ng taong nasasandatahan. 25 Ang mga ito rin ay mga kawikaan ni Solomon na itinala ng mga tauhan ni Hezekias na hari ng Juda: Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ang paglilihim ng isang bagay, at ang kaluwalhatian ng mga hari ay ang lubusang pagsisiyasat ng isang bagay. Ang langit ay sa kataasan at ang lupa ay sa kalaliman, at ang puso ng mga hari, iyan ay di-masaliksik. Alisin ang maruming linab mula sa pilak, at ang kabuuan nito ay lalabas na dalisay. Alisin ang balakyot sa harap ng hari, at ang kaniyang trono ay matibay na matatatag sa pamamagitan ng katuwiran. Huwag mong parangalan ang iyong sarili sa harap ng hari, at sa dako ng mga dakila ay huwag kang tumayo. 7 Sapagkat mas mabuti pang sabihin niya sa iyo: Umakyat ka rito, kaysa sa ibaba ka sa harap ng taong mahal na nakita ng iyong mga mata. Huwag kang magmadali na ipakipaglaban ang isang usapin sa batas, upang hindi maging suliranin kung ano ang gagawin mo sa pagtatapos niyaon kapag hiniya ka na ngayon ng iyong kapuwa. 9 Ipangatuwiran mo ang iyong sariling usapin sa iyong kapuwa, at huwag mong isiwalat ang lihim na usapan ng iba; 10 upang hindi ka ilagay sa kahihiyan niyaong nakikinig at ang masamang ulat mo ay hindi na mababawi. Gaya ng mga mansanas na ginto sa mga inukit na pilak ang salitang binigkas sa tamang panahon.
11 8 6 5 4 3 2

32

Ang hikaw na ginto, at ang palamuting yari sa pambihirang ginto, ay marunong na tagasaway sa taingang nakikinig. Tulad ng lamig ng niyebe sa araw ng pag-aani ang tapat na sugo para sa mga nagsugo sa kaniya, sapagkat pinananauli niya ang kaluluwa ng kaniyang mga panginoon. Gaya ng maninipis na ulap at ng hanging walang ulan ang taong naghahambog dahil sa isang kaloob na bulaan. Dahil sa pagkamatiisin ay nagaganyak ang kumandante, at ang mahinahong dila ay nakababali ng buto. Pulot-pukyutan ba ang nasumpungan mo? Kumain ka ng sapat sa iyo, upang hindi ka magpakalabis sa pagkain nito anupat isusuka mo iyon. Gawin mong madalang ang iyong paa sa bahay ng iyong kapuwa, upang hindi siya magsawa sa iyo at talagang kapootan ka. Gaya ng pamalong pandigma at tabak at pinatulis na palaso ang taong nagpapatotoo laban sa kaniyang kapuwa bilang bulaang saksi. Gaya ng ngiping bali at paang sumusuray ang pagtitiwala sa isa na taksil sa araw ng kabagabagan. Siyang naghuhubad ng kasuutan sa araw na maginaw ay gaya ng suk sa sosa at gaya ng mang-aawit na may mga awit sa pusong mapanglaw. Kung ang napopoot sa iyo ay nagugutom, bigyan mo siya ng tinapay na makakain; at kung siya ay nauuhaw, bigyan mo siya ng tubig na maiinom. 22 Sapagkat mga baga ang itinutumpok mo sa kaniyang ulo, at si Jehova mismo ang gaganti sa iyo. Ang hangin mula sa hilaga ay nagluluwal ng ulan na waring may mga kirot ng pagdaramdam; at ang dilang nagbubunyag ng lihim, ng isang mukha na tinuligsa.
23 21 20 19 18 17 16 15 14 13

12

- 29 -

Mas mabuti pang manahanan sa isang sulok ng bubong kaysa kasama ng asawang babaing mahilig makipagtalo, bagaman nasa iisang bahay. Gaya ng tubig na malamig sa pagod na kaluluwa, gayon ang mabuting ulat mula sa malayong lupain. Ang matuwid ay bukal na dinumhan at balon na sinira kapag susuray-suray sa harap ng balakyot. Ang pagkain ng labis na pulot-pukyutan ay hindi mabuti; at ang paghahanap ng mga tao ng sarili nilang kaluwalhatian, kaluwalhatian nga ba iyon? Gaya ng lunsod na nilusob, na walang pader, ang taong hindi nagpipigil ng kaniyang espiritu. 26 Tulad ng niyebe sa tag-araw at tulad ng ulan sa panahon ng pag-aani, ang kaluwalhatian ay hindi rin nararapat sa hangal. Gaya ng ibong may dahilan sa pagtakas at gaya ng langay-langayan sa paglipad, ang sumpa ay hindi rin dumarating nang walang tunay na dahilan. Ang panghagupit ay para sa kabayo, ang renda ay para sa asno, at ang pamalo ay para sa likod ng mga taong hangal. Huwag mong sagutin ang sinumang hangal ayon sa kaniyang kamangmangan, upang hindi ka rin maging katulad niya. Sagutin mo ang hangal ayon sa kaniyang kamangmangan, upang hindi siya maging marunong sa kaniyang sariling paningin. Gaya ng isa na pumuputol ng kaniyang mga paa, gaya ng isa na umiinom ng karahasan, gayon siya na naglalagak ng mga bagay sa kamay ng hangal. Sumalok ba ng tubig ang mga binti ng pilay? Kung gayon ay may kawikaan sa bibig ng mga taong hangal.
- 30 7 6 5 4 3 2 28 27 26 25

24

Tulad ng isa na nagtatago ng bato sa bunton ng mga bato, gayon ang isa na nagbibigay ng kaluwalhatian sa isang hangal. Kung paanong ang matinik na panirangdamo ay napasakamay ng lasenggo, gayon ang kawikaan sa bibig ng mga taong hangal. Gaya ng mamamana na umuulos ng lahat ng bagay ay gayon ang umuupa sa hangal o ang umuupa sa mga nagdaraan. Tulad ng asong bumabalik sa kaniyang suka, inuulit ng hangal ang kaniyang kamangmangan. Nakakita ka na ba ng taong marunong sa kaniyang sariling paningin? May higit pang pag-asa para sa hangal kaysa sa kaniya. Sinasabi ng tamad: May batang leon sa daan, isang leon sa gitna ng mga liwasan. Ang pinto ay pumipihit sa paikutan nito, at ang tamad sa kaniyang higaan. Itinatago ng tamad ang kaniyang kamay sa mangkok na pampiging; labis siyang nanghihimagod upang ibalik iyon sa kaniyang bibig. Ang tamad ay mas marunong sa kaniyang sariling paningin kaysa sa pito na tumutugon nang may katinuan. Gaya ng isa na sumusunggab sa mga tainga ng aso ang sinumang dumaraan na ikinagagalit ang pag-aaway na hindi kaniya. Tulad ng baliw na nagpapahilagpos ng nagliliyab na mga suligi, mga palaso at kamatayan, 19 gayon ang taong nandaraya sa kaniyang kapuwa at nagsasabi: Hindi ba nagbibiro lamang ako? Kung saan walang kahoy ay namamatay ang apoy, at kung saan walang maninirangpuri ay natitigil ang pagtatalo. Gaya ng uling para sa mga baga at ng kahoy para sa apoy, gayon ang taong mahilig makipagtalo na nagpapaningas ng pag-aaway.
21 20 18 17 16 15 14 13 12 11 10 9

Ang mga salita ng isang maninirangpuri ay tulad ng mga bagay na nilululon nang may kasibaan, na bumababa sa mga kaloobloobang bahagi ng tiyan. Gaya ng pampakintab na pilak na ikinakalupkop sa bibingang luwad ang maaalab na labi na may masamang puso. Ang napopoot ay nagbabalatkayo sa pamamagitan ng kaniyang mga labi, ngunit sa loob niya ay naglalagay siya ng panlilinlang. 25 Bagaman ginagawa niyang magiliw ang kaniyang tinig, huwag mo siyang paniwalaan, sapagkat may pitong karimarimarim na bagay sa kaniyang puso. 26 Ang pagkapoot ay tinatakpan ng panlilinlang. Ang kaniyang kasamaan ay malalantad sa kongregasyon. Siyang dumudukal ng hukay ay doon din mahuhulog, at siyang nagpapagulong ng batosa kaniya rin iyon babalik. Ang dilang bulaan ay napopoot sa isa na sinisiil nito, at ang bibig na labis na mapamuri ay nagpapangyari ng pagbagsak. 27 Huwag mong ipaghambog ang susunod na araw, sapagkat hindi mo nalalaman kung ano ang isisilang ng isang araw. Purihin ka nawa ng ibang tao, at hindi ng iyong sariling bibig; gawin nawa iyon ng banyaga, at hindi ng iyong sariling mga labi. Ang bigat ng bato at ang isang kargang buhanginngunit ang pagkayamot na dulot ng mangmang ay mas mabigat kaysa sa dalawang iyon. May kalupitan ang pagngangalit, gayundin ang bugso ng galit, ngunit sino ang makatatayo sa harap ng paninibugho? Mas mabuti ang hayag na saway kaysa sa kubling pag-ibig. Ang mga sugat na idinulot ng umiibig ay tapat, ngunit ang mga halik ng napopoot ay mga bagay na ipinamamanhik.
6 5 4 3 2 28 27 24 23

22

Ang kaluluwang busg ay yuyurak sa pulot ng bahay-pukyutan, ngunit sa kaluluwang gutm ay matamis ang bawat bagay na mapait. Tulad ng ibong tumatakas mula sa pugad nito, gayon ang taong tumatakas mula sa kaniyang dako. Langis at insenso ang nagpapasaya sa puso, gayundin ang tamis ng kasamahan ng isa dahil sa payo ng kaluluwa. Huwag mong iwan ang iyong sariling kasamahan o ang kasamahan ng iyong ama, at huwag kang pumasok sa bahay ng iyong sariling kapatid sa araw ng iyong kasakunaan. Mas mabuti ang kapitbahay na malapit kaysa sa kapatid na malayo. Magpakarunong ka, anak ko, at pasayahin mo ang aking puso, upang masagot ko siya na tumutuya sa akin. Ang matalino na nakakakita ng kapahamakan ay nagkukubli; ang mga walangkaranasan na dumaraan ay dumaranas ng kaparusahan. Kunin mo ang kasuutan ng isa, kung nanagot siya para sa taong di-kilala; at may kaugnayan sa babaing banyaga, agawin mo sa kaniya ang isang panagot. Siyang nagpapala sa kaniyang kapuwa sa malakas na tinig nang maaga sa kinaumagahan, ibibilang iyon na sumpa sa ganang kaniya. Ang tumutulong bubong na nagtataboy sa isa sa araw ng walang-tigil na ulan at ang asawang babaing mahilig makipagtalo ay magkatulad. 16 Ang sinumang kumukupkop sa kaniya ay kumukupkop ng hangin, at langis ang nasusumpungan ng kaniyang kanang kamay. Sa pamamagitan ng bakal, ang bakal ay napatatalas. Gayundin pinatatalas ng isang tao ang mukha ng iba.
17 15 14 13 12 11 10 9 8

- 31 -

Siyang nag-iingat ng puno ng igos ay kakain din ng bunga nito, at siyang nagbabantay sa kaniyang panginoon ay pararangalan. Kung paanong sa tubig ay tumutugma ang mukha sa mukha, gayundin ang puso ng tao sa isang tao. Ang Sheol at ang dako ng pagkapuksa ay walang kasiyahan; ni may kasiyahan man ang mga mata ng tao. Ang dalisayang kaldero ay para sa pilak, at ang hurno ay para sa ginto; at ang isang tao ay ayon sa kaniyang papuri. Dikdikin mo man nang pino ang mangmang sa pamamagitan ng pandikdik sa almires, kasama ng giniik na butil, ang kaniyang kamangmangan ay hindi hihiwalay sa kaniya. Dapat mo ngang alamin ang kaanyuan ng iyong kawan. Ituon mo ang iyong puso sa iyong mga kawan; 24 sapagkat ang kayamanan ay hindi hanggang sa panahong walang takda, ni ang diadema ay sa lahat ng mga salinlahi. Ang luntiang damo ay naglalaho, at ang bagong damo ay lumilitaw, at ang pananim sa mga bundok ay tinitipon. 26 Ang mga batang barakong tupa ay para sa iyong pananamit, at ang mga kambing na lalaki ang siyang halaga ng bukid. 27 At may sapat na gatas ng kambing bilang iyong pagkain, bilang pagkain ng iyong sambahayan, at ang panustos sa buhay para sa iyong mga batang babae. 28 Ang mga balakyot ay tumatakas gayong wala namang tumutugis, ngunit ang mga matuwid ay tulad ng batang leon na panatag. Dahil sa pagsalansang ng lupain ay marami ang hali-haliling mga prinsipe nito, ngunit dahil sa taong may pang-unawa na nagtataglay ng kaalaman kung ano ang tama ay magtatagal ang prinsipe.
2 25 23 22 21 20 19

18

Ang matipunong lalaki na dukha at nandaraya sa mga maralita ay gaya ng ulan na tumatangay anupat walang pagkain. Yaong mga nagpapabaya sa kautusan ay pumupuri sa balakyot, ngunit yaong mga tumutupad ng kautusan ay nagpapakabagabag laban sa kanila. Ang mga taong nakahilig sa kasamaan ay hindi nakauunawa ng kahatulan, ngunit yaong mga humahanap kay Jehova ay nakauunawa ng lahat ng bagay. Mas mabuti ang dukhang lumalakad sa kaniyang katapatan kaysa sa isa na liko sa kaniyang mga lakad, bagaman siya ay mayaman. Ang anak na may unawa ay tumutupad ng kautusan, ngunit ang nakikisama sa matatakaw ay humihiya sa kaniyang ama. Siyang nagpaparami ng kaniyang mga pag-aari sa pamamagitan ng interes at labis na patubo ay nag-iipon lamang ng mga iyon para sa isa na nagpapakita ng lingap sa mga maralita. Siyang naglalayo ng kaniyang tainga sa pakikinig sa kautusanmaging ang kaniyang panalangin ay karima-rimarim. Siyang nagliligaw sa mga matuwid patungo sa masamang daan ang siya ring mahuhulog sa kaniyang sariling hukay, ngunit ang mga walang pagkukulang ang magmamay-ari ng kabutihan. Ang taong mayaman ay marunong sa kaniyang sariling paningin, ngunit ang maralitang may pang-unawa ay sumisiyasat sa kaniya. Kapag ang mga matuwid ay nagbubunyi, may saganang kagandahan; ngunit kapag bumabangon ang mga balakyot, ang isang tao ay nagbabalatkayo. Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalansang ay hindi magtatagumpay, ngunit
13 12 11 10 9 8 7 6 5 4

- 32 -

siyang nagtatapat at nag-iiwan ng mga iyon ay pagpapakitaan ng awa. Maligaya ang taong laging nakadarama ng panghihilakbot, ngunit siyang nagpapatigas ng kaniyang puso ay mahuhulog sa kapahamakan. Gaya ng umuungol na leon at sumisibasib na oso ang balakyot na tagapamahala sa mga taong maralita. Ang lider na kapos sa tunay na kaunawaan ay sagana rin sa mapandayang mga gawain, ngunit siyang napopoot sa ditapat na pakinabang ay magpapalawig ng kaniyang mga araw. Ang taong napabibigatan ng pagkakasala sa dugo dahil sa isang kaluluwa ay tatakas din patungo sa hukay. Huwag nila siyang pigilin. Siyang lumalakad nang walang pagkukulang ay maliligtas, ngunit siyang liko sa kaniyang mga lakad ay biglang mabubuwal. Siyang sumasaka ng kaniyang sariling lupain ay magkakaroon ng sapat na tinapay, at siyang sumusunod sa mga bagay na walang kabuluhan ay magkakaroon ng sapat na karalitaan. Ang taong may tapat na mga gawa ay tatanggap ng maraming pagpapala, ngunit siyang nagmamadaling magtamo ng kayamanan ay hindi mananatiling walangsala. Ang pagpapakita ng pagtatangi ay hindi mabuti, ni ang pagsalansang ng matipunong lalaki dahil lamang sa isang pirasong tinapay. Ang taong may matang mainggitin ay nagpupunyaging magkamit ng mahahalagang pag-aari, ngunit hindi niya nalalaman na ang kakapusan ay darating sa kaniya. Siyang sumasaway sa isang tao ay makasusumpong sa dakong huli ng higit na
23 22 21 20 19 18 17 16 15 14

lingap kaysa sa kaniya na labis na mapamuri sa pamamagitan ng kaniyang dila. Siyang nagnanakaw sa kaniyang ama at sa kaniyang ina at nagsasabi: Hindi ito pagsalansang, ay kasamahan ng taong nagpapahamak. Siyang may mapagmataas na kaluluwa ay pumupukaw ng pagtatalo, ngunit siyang nananalig kay Jehova ay patatabain. Siyang nagtitiwala sa kaniyang sariling puso ay hangal, ngunit siyang lumalakad na may karunungan ang makatatakas. Siyang nagbibigay sa dukha ay hindi kakapusin, ngunit siyang nagkukubli ng kaniyang mga mata ay tatanggap ng maraming sumpa. Kapag bumabangon ang mga balakyot, ang isang tao ay nagkukubli; ngunit kapag nalilipol sila, ang matuwid ay dumarami. 29 Ang taong paulit-ulit na sinasaway ngunit nagpapatigas ng kaniyang leeg ay biglang mababali, at wala nang kagalingan. Kapag dumarami ang matuwid, ang bayan ay nagsasaya; ngunit kapag ang balakyot ang may hawak ng pamamahala, ang bayan ay nagbubuntunghininga. Ang taong umiibig sa karunungan ay nagpapasaya sa kaniyang ama, ngunit siyang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng mahahalagang pag-aari. Sa pamamagitan ng katarungan ay napananatili ng hari ang lupain, ngunit ginigiba iyon ng taong humihingi ng mga suhol. Ang matipunong lalaking labis na mapamuri sa kaniyang kasamahan ay naglalatag lamang ng lambat para sa kaniyang mga hakbang. Sa pagsalansang ng masamang tao ay may silo, ngunit siyang matuwid ay humihiyaw nang may kagalakan at natutuwa.
6 5 4 3 2 28 27 26 25 24

- 33 -

Inaalam ng matuwid ang pag-aangkin sa batas ng mga maralita. Hindi isinasaalangalang ng balakyot ang gayong kaalaman. Ang mga taong may kahambugang magsalita ay nagpapaliyab ng bayan, ngunit yaong marurunong ay pumapawi ng galit. Ang taong marunong, na pumasok sa usapin laban sa taong mangmangsiya ay nabagabag at tumawa rin, at walang kapahingahan. Ang mga taong uhw sa dugo ay napopoot sa sinumang walang kapintasan; at kung tungkol sa mga matuwid, hinahanap nila ang kaluluwa ng bawat isa. Inilalabas ng hangal ang kaniyang buong espiritu, ngunit siyang marunong ay nagpapanatili nitong mahinahon hanggang sa huli. Kapag ang tagapamahala ay nagbibigay-pansin sa bulaang pananalita, ang lahat ng nagsisilbi sa kaniya ay magiging balakyot. Ang dukha at ang taong naniniil ay nagsalubong; ngunit pinagliliwanag ni Jehova ang mga mata nilang dalawa. Kapag hinahatulan ng hari ang mga maralita nang may katapatan, ang kaniyang trono ay matibay na matatatag sa habang panahon. Ang pamalo at ang saway ang siyang nagbibigay ng karunungan; ngunit ang batang pinababayaan ay magdudulot ng kahihiyan sa kaniyang ina. Kapag dumarami ang balakyot, ang pagsalansang ay lumalaganap; ngunit mamasdan ng mga matuwid ang kanila mismong pagbagsak. Parusahan mo ang iyong anak at siya ay magdadala sa iyo ng kapahingahan at magbibigay ng malaking kaluguran sa iyong kaluluwa.
17 16 15 14 13 12 11 10 9 8

Kung saan walang pangitain ay hindi masupil ang bayan, ngunit maliligaya sila na tumutupad ng kautusan. Ang isang lingkod ay hindi magpapatuwid sa pamamagitan lamang ng mga salita, sapagkat nauunawaan niya ngunit hindi siya nagbibigay-pansin. Nakakita ka na ba ng taong padalusdalos sa kaniyang mga salita? May higit pang pag-asa para sa hangal kaysa sa kaniya. Kung pinalalayaw ng isa ang kaniyang lingkod mula pa sa pagkabata, siya ay magiging walang utang na loob sa dakong huli ng kaniyang buhay. Ang taong magagalitin ay pumupukaw ng pagtatalo, at ang sinumang madaling magngalit ay maraming pagsalansang. Ang makalupang tao ay pagpapakumbabain ng kaniya mismong kapalaluan, ngunit siyang may mapagpakumbabang espiritu ay tatangan sa kaluwalhatian. Siyang kasamahan ng magnanakaw ay napopoot sa kaniyang sariling kaluluwa. Makarinig man siya ng panatang may kinalaman sa isang sumpa, ngunit wala siyang anumang ipinaaalam. Ang panginginig sa harap ng mga tao ang siyang nag-uumang ng silo, ngunit siyang nagtitiwala kay Jehova ay ipagsasanggalang. Marami ang humahanap sa mukha ng tagapamahala, ngunit ang kahatulan ng isang tao ay mula kay Jehova. Ang taong walang-katarungan ay karimarimarim sa mga matuwid, at ang matapat sa kaniyang lakad ay karima-rimarim sa balakyot. 30 Ang mga salita ni Agur na anak ni Jakeh, ang mabigat na mensahe. Ang sinabi ng matipunong lalaki kay Itiel, kay Itiel at kay Ucal. Sapagkat ako ay higit na walang katuwiran kaysa kaninuman, at wala akong
- 34 2 27 26 25 24 23 22 21 20 19

18

kaunawaan ng tao; 3 at hindi ako natuto ng karunungan; at ang kaalaman ng Kabanalbanalan ay hindi ko alam. Sino ang umakyat sa langit upang siya ay makababa? Sino ang nagtipon ng hangin sa palad ng dalawang kamay? Sino ang nagbalot ng mga tubig sa isang balabal? Sino ang nagpaangat ng lahat ng mga dulo ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan at ano ang pangalan ng kaniyang anak, kung alam mo? Ang bawat pananalita ng Diyos ay dalisay. Siya ay isang kalasag sa mga nanganganlong sa kaniya. 6 Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, upang hindi ka niya sawayin, at upang hindi ka mapatunayang isang sinungaling. Dalawang bagay ang hinihiling ko sa iyo. Huwag mong ipagkait sa akin ang mga iyon bago ako mamatay. 8 Ang kabulaanan at ang salitang kasinungalingan ay ilayo mo sa akin. Huwag mo akong bigyan ng karalitaan ni ng kayamanan man. Ipaubos mo sa akin ang pagkaing itinakda para sa akin, 9 upang hindi ako mabusog at ikaila nga kita at sabihin ko: Sino si Jehova? at upang hindi ako sumapit sa karalitaan at magnakaw nga at lapastanganin ko ang pangalan ng aking Diyos. Huwag mong siraang-puri ang isang lingkod sa kaniyang panginoon, upang hindi ka niya sumpain, at upang hindi ka maituring na may-sala. May salinlahing sumusumpa sa kaniyang ama at hindi nito pinagpapala ang kaniyang ina. May salinlahing dalisay sa sarili nitong paningin ngunit hindi pa nahuhugasan mula sa sarili nitong dumi. May salinlahing ang mga mata ay naging O anong tayog! at ang kanilang nagniningning na mga mata ay nakataas. May salinlahing ang mga ngipin ay mga tabak at ang mga panga ay mga kutsilyong
14 13 12 11 10 7 5 4

pangkatay, upang lamunin ang mga napipighati mula sa lupa at ang mga dukha mula sa sangkatauhan. Ang mga linta ay may dalawang anak na babae na sumisigaw: Magbigay ka! Magbigay ka! May tatlong bagay na hindi nasisiyahan, apat na hindi nagsasabi: Sapat na! 16 Ang Sheol at ang napipigilang bahay-bata, ang lupaing hindi nasisiyahan sa tubig, at ang apoy na hindi nagsasabi: Sapat na! Ang matang nang-aalipusta sa ama at humahamak sa pagkamasunurin sa ina tutukain iyon ng mga uwak sa agusang libis at kakainin iyon ng mga anak ng agila. May tatlong bagay na lubhang kamangha-mangha sa akin, at apat na hindi ko alam: 19 ang lipad ng agila sa langit, ang usad ng serpiyente sa ibabaw ng bato, ang lutang ng barko sa kalagitnaan ng dagat at ang pamamaraan ng matipunong lalaki sa isang dalaga. Narito ang lakad ng babaing mapangalunya: kumain siya at nagpahid ng kaniyang bibig at sinabi niya: Wala akong ginawang mali. Sa ilalim ng tatlong bagay ay naliligalig ang lupa, at sa ilalim ng apat ay hindi ito makatagal: 22 sa ilalim ng alipin kapag namamahala siya bilang hari, at ang sinumang hangal kapag may sapat siyang pagkain; 23 sa ilalim ng babaing kinapopootan kapag siya ay inari bilang asawa, at ang alilang babae kapag inagawan niya ng dako ang kaniyang among babae. May apat na bagay na pinakamaliliit sa lupa, ngunit ang mga iyon ay may likas na karunungan: 25 ang mga langgam ay bayang hindi malakas, gayunmay sa tag-araw ay naghahanda sila ng kanilang pagkain; 26 ang mga kuneho sa batuhan ay bayang hindi makapangyarihan, gayunmay inilalagay nila sa malaking bato ang kanilang bahay; 27 ang mga balang ay walang hari, gayunmay lumalabas silang lahat na pangkat-pangkat; 28 ang tuko ay
24 21 20 18 17 15

- 35 -

tumatangan sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay at ito ay nasa maringal na palasyo ng hari. May tatlong mahusay sa kanilang paglakad, at apat na mahusay sa kanilang paghayo: 30 ang leon, na pinakamakapangyarihan sa mga hayop at hindi umaatras sa harap ng sinuman; 31 ang asong matulin o ang kambing na lalaki, at ang hari sa isang pangkat ng mga kawal ng kaniyang sariling bayan. Kung ikaw ay kumilos nang may kahangalan sa pagtataas ng iyong sarili, at kung itinuon mo roon ang iyong kaisipan, ilagay mo ang kamay sa bibig. 33 Sapagkat ang pagbabat ng gatas ang naglalabas ng mantikilya, at ang pagpisil sa ilong ang nagpapalabas ng dugo, at ang pagpiga ng galit ang naglalabas ng pag-aaway. 31 Ang mga salita ni Lemuel na hari, ang mabigat na mensahe na ibinigay sa kaniya ng kaniyang ina bilang pagtutuwid: Ano ang sinasabi ko, O anak ko, at ano, O anak ng aking tiyan, at ano, O anak ng aking mga panata? Huwag mong ibigay ang iyong kalakasan sa mga babae, ni ang iyong mga lakad man sa bagay na humahantong sa pagkapawi ng mga hari. Hindi ukol sa mga hari, O Lemuel, hindi ukol sa mga hari ang uminom ng alak ni ukol man sa matataas na opisyal ang magsabi: Nasaan ang nakalalangong inumin? 5 upang hindi uminom ang isa at malimutan ang iniutos at baluktutin ang usapin ng sinuman sa mga anak ng kapighatian. 6 Magbigay kayo ng nakalalangong inumin sa isa na malapit nang pumanaw at ng alak sa mga may mapait na kaluluwa. 7 Uminom siya at kalimutan niya ang kaniyang karalitaan, at huwag na niyang alalahanin pa ang kaniyang kabagabagan. Ibuka mo ang iyong bibig para sa pipi, sa usapin ng lahat niyaong pumapanaw.
8 4 3 2 32 29

Ibuka mo ang iyong bibig, humatol ka nang matuwid at ipagtanggol mo ang usapin ng napipighati at ng dukha. [ Alep] Isang asawang babae na may kakayahan, sino ang makasusumpong? Ang kaniyang halaga ay malayong higit kaysa sa mga korales. [ Bet] Sa kaniya ay naglalagak ng tiwala ang puso ng nagmamay-ari sa kaniya, at walang nagkukulang na pakinabang. [ Gimel] Ginagantihan niya ito ng mabuti, at hindi ng masama, sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay. [ Dalet] Humahanap siya ng lana at lino, at ginagawa niya ang anumang kalugdan ng kaniyang mga kamay. [ He] Siya ay tulad ng mga barko ng mangangalakal. Mula sa malayo ay dinadala niya ang kaniyang pagkain. [ Waw] Bumabangon din siya habang gabi pa, at nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sambahayan at ng itinakdang bahagi sa kaniyang mga kabataang babae. [ Zayin] Isinaalang-alang niya ang isang bukid at kinuha iyon; mula sa bunga ng kaniyang mga kamay ay nagtanim siya ng ubasan. [ Ket] Binibigkisan niya ng lakas ang kaniyang mga balakang, at pinalalakas niya ang kaniyang mga bisig. [ Tet]
17 16 15 14 13 12 11 10

- 36 -

Napagwawari niyang ang kaniyang pangangalakal ay mabuti; ang kaniyang lampara ay hindi namamatay sa gabi. [ Yod] Ang kaniyang mga kamay ay iniuunat niya sa panulid, at tinatanganan ng kaniyang mga kamay ang kidkiran. [ Kap] Ang kaniyang palad ay iniuunat niya sa napipighati, at ang kaniyang mga kamay ay iniuunat niya sa dukha. [ Lamed] Hindi siya natatakot para sa kaniyang sambahayan dahil sa niyebe, sapagkat ang kaniyang buong sambahayan ay nadaramtan ng mga dobleng kasuutan. [ Mem] Gumagawa siya ng mga kubrekama para sa kaniyang sarili. Ang kaniyang pananamit ay yari sa lino at lanang tinina sa mamula-mulang purpura. [ Nun] Ang nagmamay-ari sa kaniya ay kilala sa mga pintuang-daan, kapag umuupo siyang kasama ng matatandang lalaki sa lupain. [ Samek] Gumagawa pa man din siya ng mga pang-ilalim na kasuutan at ipinagbibili ang mga iyon, at nagbibigay siya ng mga sinturon sa mga negosyante. [ Ayin] Lakas at karilagan ang kaniyang pananamit, at pinagtatawanan niya ang isang araw sa hinaharap. [ Pe] Ang kaniyang bibig ay ibinubuka niya sa karunungan, at ang kautusan ng maibiging-kabaitan ay nasa kaniyang dila.
26 25 24 23 22 21 20 19

18

[ Tsade] Binabantayan niya ang mga lakad ng kaniyang sambahayan, at ang tinapay ng katamaran ay hindi niya kinakain. [ Kop] Ang kaniyang mga anak ay bumabangon at ipinahahayag siyang maligaya; bumabangon ang nagmamay-ari sa kaniya, at pinupuri siya nito. [ Res] Maraming anak na babae na nagpapakita ng kakayahan, ngunit ikawikaw ay nakahihigit sa kanilang lahat. [ Shin] Ang halina ay maaaring magbulaan, at ang kariktan ay maaaring walang-kabuluhan; ngunit ang babaing may takot kay Jehova ang siyang nagkakamit ng papuri para sa kaniyang sarili. [ Taw] Bigyan ninyo siya ng mga bunga ng kaniyang mga kamay, at purihin siya ng kaniyang mga gawa sa mga pintuang-daan.
31 30 29 28 27

- 37 -

You might also like