37 Hagai

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Aklat ng Bibliya Bilang 37Hagai Manunulat: Si Hagai Saan Isinulat: Sa Jerusalem Natapos Isulat: 520 B.C.E.

Panahong Saklaw: 112 araw (520 B.C.E.) HAGAI ang pangalan niya; propeta at mensahero ni Jehova ang tungkulin niya, ngunit saan siya buhat? (Hag. 1:13) Sino siya? Si Hagai ang ikasampu sa di-umanoy pangalawahing mga propeta, at una sa tatlo na naglingkod pagbalik ng mga Judio sa kanilang tinubuang lupa noong 537 B.C.E., at ang dalaway sina Zacarias at Malakias. Ang kahulugan ng pangalan ni Hagai (Hebreo, Chaggai ) ay [Isinilang noong] Kapistahan. Ipinahihiwatig nito na isinilang siya sa isang araw ng kapistahan. Ayon sa tradisyong Judio, maaaring si Hagai ay isinilang sa Babilonya at nagbalik sa Jerusalem kasama ni Zorobabel at ng Mataas na Saserdoteng si Josue. Magkasabay sila ni propeta Zacarias, at ayon sa Ezra 5:1 at 6:14, pinasisigla nila ang mga anak ng pagkakatapon na ituloy ang pagtatayo ng templo. Siya ay propeta ni Jehova sa dalawang paraan, sa pagpapasigla sa mga Judio na tuparin ang tungkulin nila sa Diyos at sa paghula sa pagyugyog ng Diyos sa mga bansa, bukod pa sa ibang bagay.Hag. 2:6, 7. Bakit inatasan ni Jehova si Hagai? Dahil dito: Noong 537 B.C.E., iniutos ni Ciro sa mga Judio na bumalik sa kanilang lupain at itayo uli ang bahay ni Jehova. Ngunit 520 B.C.E. na, at hindi pa tapos ang templo. Hinayaan ng mga Judio ang pagsalansang ng kaaway at ang sariling pagwawalangbahala at materyalismo na humadlang sa layunin ng kanilang pagbabalik.Ezra 1:1-4; 3:10-13; 4:1-24; Hag. 1:4.
3 2

Ayon sa ulat, kalalatag pa lamang ng pundasyon ng templo (noong 536 B.C.E.) nang pahinain ng mga mamamayan ang kamay ng bayan ng Juda at bagabagin sila sa pagtatayo, na umupa pa man din ng mga tagapayo upang hadlangan sila. (Ezra 4:4, 5) Sa wakas, noong 522 B.C.E., nagtagumpay ang di-Judiong mga kaaway sa opisyal na pagbabawal sa gawain. Nagsimulang manghula si Hagai noong ikalawang taon ng paghahari ni Dario Hystaspis ng Persya, alalaong baga, noong 520 B.C.E., at napasigla nito ang mga Judio na ituloy ang pagtatayo sa templo. Ang mga karatig na gobernador ay lumiham kay Dario na nagtatanong tungkol dito; pinagtibay ni Dario ang utos ni Ciro at inalalayan ang mga Judio laban sa kanilang mga kaaway. Kailanmay hindi pinag-alinlanganan ng mga Judio ang dako ng Hagai sa Hebreong kanon, at inaalalayan din ito ng Ezra 5:1 nang tukuyin ang paghula niya sa pangalan ng Diyos ng Israel, at gayon din ng Ezra 6:14. Na ang hula niya ay bahagi ng lahat ng Kasulatan na kinasihan ng Diyos ay pinatutunayan ng pagsipi rito ni Pablo sa Hebreo 12:26: Nangako siya, at nagsabi: Minsan pay uugain ko hindi lamang ang lupa kundi maging ang langit. Hag. 2:6. Ang hula ni Hagai ay binubuo ng apat na mensahe na ibinigay sa loob ng 112 araw. Ang estilo niya ay payak at tuwiran, at lubhang kapansin-pansin ang pagdiriin niya sa pangalan ni Jehova. Sa 38 talata, 35 beses binabanggit ang pangalan ni Jehova, 14 na beses sa pariralang Jehova ng mga hukbo. Tiyak na ang mensahe ay mula kay Jehova: Si Hagai na mensahero ni Jehova ay nagsalita sa bayan ayon sa pagkasugo ni Jehova sa kaniya, na nagsabi: Akoy sumasa inyo, sabi ni Jehova.1:13. Napakahalagang panahon ito sa kasaysayan ng bayan ng Diyos, at lubhang kapaki-pakinabang ang gawain ni Hagai. Hindi siya nagkulang sa pagtupad ng atas ng isang propeta, at hindi niya binantuan ang mensahe niya sa mga Judio. Tahasan niyang sinabi na
7 6 5

-1-

hindi iyon panahon ng pagpapatumpiktumpik, kundi ng paggawa. Panahon iyon upang itayong-muli ang bahay ni Jehova at isauli ang dalisay na pagsamba kung nais nilang magtamasa ng kasaganaan mula sa kamay ni Jehova. Ang buong tema ng mensahe ni Hagai ay, upang makamit ang pagpapala ni Jehova, dapat paglingkuran ang tunay na Diyos at gawin ang iniuutos ni Jehova na gawin.

Umahon kayo sa bundok, at kumuha kayo ng kahoy. At itayo ninyo ang bahay, upang kalugdan ko iyon at ako ay luwalhatiin, ang sabi ni Jehova. Humanap ng marami, ngunit narito, kakaunti lamang; at dinala ninyo iyon sa loob ng bahay, at hinipan ko iyonsa anong dahilan? ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. Dahilan sa aking bahay na giba, samantalang kayo ay tumatakbo, bawat isa para sa kaniyang sariling bahay. 10 Kaya sa inyo ay pinigilan ng langit ang kaniyang hamog, at pinigilan ng lupa ang kaniyang ani. 11 At patuloy akong tumawag ng katuyuan sa lupa, at sa mga bundok, at sa butil, at sa bagong alak, at sa langis, at sa anumang isisibol ng lupa, at sa makalupang tao, at sa alagang hayop, at sa lahat ng pinagpapagalan ng mga kamay. At si Zerubabel na anak ni Sealtiel, at si Josue na anak ni Jehozadak na mataas na saserdote, at ang lahat ng mga nalalabi sa bayan ay nagsimulang makinig sa tinig ni Jehova na kanilang Diyos, at sa mga salita ni Hagai na propeta, ayon sa pagkakasugo sa kaniya ni Jehova na kanilang Diyos; at ang bayan ay nagsimulang matakot dahil kay Jehova. At si Hagai na mensahero ni Jehova ay nagsabi sa bayan ayon sa atas ng mensahero mula kay Jehova, na sinasabi: Ako ay sumasainyo, ang sabi ni Jehova. At pinukaw ni Jehova ang espiritu ni Zerubabel na anak ni Sealtiel, na gobernador ng Juda, at ang espiritu ni Josue na anak ni Jehozadak na mataas na saserdote, at ang espiritu ng lahat ng mga nalalabi sa bayan; at nagsimula silang pumasok at ginawa ang gawain sa bahay ni Jehova ng mga hukbo na kanilang Diyos. 15 Ito ay noong ikadalawamput apat na araw ng ikaanim na buwan nang ikalawang taon ni Dario na hari. 2 Nang ikapitong buwan, noong ikadalawamput isang araw ng buwan, ang salita ni Jehova ay dumating sa pamamagitan
14 13 12 9

Hagai 1 Nang ikalawang taon ni Dario na hari, nang ikaanim na buwan, noong unang araw ng buwan, ang salita ni Jehova ay dumating sa pamamagitan ni Hagai na propeta kay Zerubabel na anak ni Sealtiel, na gobernador ng Juda, at kay Josue na anak ni Jehozadak na mataas na saserdote, na nagsasabi: Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, Kung tungkol sa bayang ito, sinabi nila: Ang panahon ay hindi pa dumarating, ang panahon ng bahay ni Jehova, upang iyon ay itayo. At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi: 4 Ito ba ang panahon upang tumahan kayo sa inyong mga bahay na may mga entrepanyo, samantalang ang bahay na ito ay giba? 5 At ngayon ay ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, Ituon ninyo ang inyong puso sa inyong mga lakad. 6 Naghasik kayo ng maraming binhi, ngunit ang ipinapasok ay kakaunti. May kainan, ngunit hindi hanggang sa mabusog. May inuman, ngunit hindi hanggang sa malango. May pagsusuot ng mga damit, ngunit walang sinumang umiinit; at siya na nagpapaupa ay nagpapaupa kapalit ng isang supot na may mga butas. Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, Ituon ninyo ang inyong puso sa inyong mga lakad.
7 3 2

-2-

ni Hagai na propeta, na nagsasabi: 2 Pakisuyo, sabihin mo kay Zerubabel na anak ni Sealtiel, na gobernador ng Juda, at kay Josue na anak ni Jehozadak na mataas na saserdote, at sa mga nalalabi sa bayan, na sinasabi, 3 Sino sa inyo na nalalabi ang nakakita sa bahay na ito sa dati nitong kaluwalhatian? At ano ang tingin ninyo rito ngayon? Hindi ba ito, kung ihahambing doon, ay waring walang kabuluhan sa inyong paningin? Ngunit ngayon ay magpakalakas ka, O Zerubabel, ang sabi ni Jehova, at magpakalakas ka, O Josue na anak ni Jehozadak na mataas na saserdote. At magpakalakas kayo, kayong buong bayan ng lupain, ang sabi ni Jehova, at gumawa kayo. Sapagkat ako ay sumasainyo, ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. 5 Alalahanin ninyo ang bagay na ipinakipagtipan ko sa inyo nang lumabas kayo mula sa Ehipto, at nang ang aking espiritu ay nananatili sa gitna ninyo. Huwag kayong matakot. Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, Minsan pakaunting panahon na lamangat uugain ko ang langit at ang lupa at ang dagat at ang tuyong lupa. At uugain ko ang lahat ng mga bansa, at ang mga kanais-nais na bagay ng lahat ng mga bansa ay darating; at pupunuin ko ng kaluwalhatian ang bahay na ito, ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. Ang pilak ay akin, at ang ginto ay akin, ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. Magiging mas dakila ang kaluwalhatian ng huling bahay na ito kaysa roon sa una, ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. At sa dakong ito ay magbibigay ako ng kapayapaan, ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
9 8 7 6 4

Nang ikadalawamput apat na araw ng ikasiyam na buwan, nang ikalawang taon ni Dario, ang salita ni Jehova ay dumating kay Hagai na propeta, na nagsasabi: 11 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, Tanungin mo, pakisuyo, ang mga saserdote tungkol sa kautusan, na sinasabi: 12 Kung ang isang tao ay may dalang banal na karne sa laylayan ng kaniyang kasuutan, at maisagi nga niya ang kaniyang laylayan sa tinapay o nilaga o alak o langis o sa anumang uri ng pagkain, magiging banal ba iyon? At ang mga saserdote ay sumagot at nagsabi: Hindi! At sinabi ni Hagai: Kung ang sinumang marumi dahil sa isang namatay na kaluluwa ay masagi sa alinman sa mga bagay na ito, magiging marumi ba iyon? Ang mga saserdote naman ay sumagot at nagsabi: Iyon ay magiging marumi. Sa gayon ay sumagot si Hagai at nagsabi: Ganiyan ang bayang ito, at ganiyan ang bansang ito sa harap ko, ang sabi ni Jehova, at ganiyan ang lahat ng gawa ng kanilang mga kamay, at ang anumang ihandog nila roon. Iyon ay marumi. Ngunit ngayon, pakisuyo, ituon ninyo rito ang inyong puso mula sa araw na ito at patuloy, bago nailagay ang isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato sa templo ni Jehova, 16 mula nang mangyari ang mga bagay na iyonang isa ay pumaroon sa isang bunton na dalawampung takal, at may sampu lamang; ang isa ay pumaroon sa pisaang tangke upang sumalok ng limampung takal sa alilisan ng alak, at may dalawampu lamang; 17 pinasapitan ko kayo ng pagkatuyot at ng amag at ng graniso, ang lahat nga ng gawa ng inyong mga kamay, at walang sinuman sa inyo ang bumaling sa akin, ang sabi ni Jehova Ituon ninyo rito ang inyong puso, pakisuyo, mula sa araw na ito at patuloy, mula sa ikadalawamput apat na araw ng ikasiyam na buwan, mula sa araw na ilatag ang pundasyon ng templo ni Jehova; ituon ninyo
-318 15 14 13

10

rito ang inyong puso: 19 Sa ngayon ay naroroon na ba ang binhi sa tipunan ng butil? At sa ngayon, ang punong ubas at ang puno ng igos at ang puno ng granada at ang punong olibohindi pa iyon namumunga, hindi ba? Mula sa araw na ito ay maggagawad ako ng pagpapala. At ang salita ni Jehova ay dumating sa ikalawang pagkakataon kay Hagai noong ikadalawamput apat na araw ng buwan, na nagsasabi: 21 Sabihin mo kay Zerubabel na gobernador ng Juda, Uugain ko ang langit at ang lupa. 22 At ibabagsak ko ang trono ng mga kaharian at lilipulin ko ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; at ibabagsak ko ang karo at ang mga nakasakay roon, at ang mga kabayo at ang mga nakasakay sa mga iyon ay tiyak na mabubuwal, bawat isa sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid. Sa araw na iyon, ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, ay kukunin kita, O Zerubabel na anak ni Sealtiel, na aking lingkod, ang sabi ni Jehova; at gagawin kitang gaya ng singsing na pantatak, sapagkat ikaw ang aking pinili, ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
23 20

-4-

You might also like