Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

A. Mga Salawikain Tungkol sa Bata 1. Ang batang matigas ang ulo ay mahirap mapanuto 2.

Kung ibig ng karunungan habang bata ay mag-aral, kung tumanday mag-aral man mahirap nang makaalam 3. Pag ang batay barumbado Tumanday tarantado B. Mga Salawikain Tungkol sa Bayan 1. Ang batas ay hindi na kailangan, Sa mga taong hindi gumagawa ng kasalanan. 2. Ang kabataan ay siyang pag-asa ng ating bayan 3. Hindi kilala ang bayani sa salita, kundi sa kaniyang kilos at gawa. C. Mga Salawikain sa Binata 1. Ang halik na matunog Sa dibdib ay hindi taos. 2. Ang lalaking may pera, Din nagiging pangit sa mata ng minera. 3. Buntong-hiningang malalim, Malayo ang nararating D. Mga Salawikain Tunkol sa Dalaga 1. Ang ari ay sa sarili, Ang puri ay sa marami 2. Ang babaeng matimtiman, Mahinhin sa daan, Masipag sa bahay. 3. Ang babaeng pala-ingos, Kadalasay haliparot. E. Mga Salawikain Tungkol sa Mag-asawa 1. Ang mag-asawang walang bunga, Parang kahoy na walang sanga. 2. Mabisa ang pakiusap na malumanay Kaysa utos na pabulyaw. 3. Malakas ang bulong sa hiyaw F. Mga Salawikain Tungkol sa Pakikipag-kapwa Tao 1. Ang kabutihan ng ugali Ay lalong higit sa salapi 2. Ang humahanap ng tubong malaki Lagpas pa sa puhunan kung malugi. 3. Ang nagpapautang sa kaibigan ay kumikita ng kaaway. G. Mga Salawikain sa Pag-ibig 1. Ang kahoy na naging baga Pariktan may madali na. 2. Ang dalagang salawahan Ang sumpa ay biro lamang. 3. Ang dilag ay pag-kain ng mata at kalungkutan ng kaluluwa.

H. Mga Salawikain Tungkol sa Pamilya 1. Anak na palayawin, Magulang ang patatangisin 2. Ang aral na walang timyas walang lugod na malasap 3. And daliri man ng tao, ay di pare-pareho.

I. Mga Salawikain Tungkol sa Pamumuhay 1. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo 2. Akoy di aaray, Kundi nasasaktan. 3. Alamid mang anong ilap umaamo rin sa himas J. Mga Salawikain Tungkol sa Pananampalataya 1. Ang tunay na kabanalan Ay pagmamahal sa kaaway. 2. Banal na banayad sa ilalim ang kayod. 3. Kapag buhay ang siyang inutang Buhay rin ang siyang kabayaran.

You might also like