Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Kabanata 12 Isang Nakatataas na Bukal ng Karunungan Pagkasarisari ng iyong mga gawa, O Jehova! Sa karunungan ay ginawa mo ang lahat.

Ang lupa ay puno ng iyong mga likha. (Awit 104:24) Oo, mula sa karilagan ng malawak na sansinukob hanggang sa maselang na kagandahan ng isang bulaklak, ang sangnilalang ay nagpapatotoo sa walang-kapantay na karunungan ng Maylikha. Ang teknolohiya ng ika-20 siglong ito ay nawawalan ng kabuluhan kung ihahambing sa mga gawa ng Diyos. Kung ang Bibliya ay Salita ng Diyos, aasahan din natin na ito ay maghaharap ng ebidensiya ng karunungan na nakahihigit sa kakayahan ng tao. Ganoon nga ba? IDINIDIIN ng Bibliya ang halaga ng karunungan. Sinasabi nito: Karunungan ay pinakapangunahing bagay. Kumuha ka ng karunungan; at sa lahat mong kukunin, ay kunin mo ang unawa. (Kawikaan 4:7) Kinikilala rin nito na ang tao ay madalas magkulang ng kaalaman, kaya hinihimok tayo: Kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman, patuloy siyang humingi sa Diyos, pagkat nagbibigay siya nang sagana sa lahat.Santiago 1:5.
2 Papaano nagbibigay nang sagana ang Diyos? Ang isang paraan ay ang pagpapasigla niya sa atin na bumasa ng Bibliya at matuto rito. Ang aklat ng Bibliya na Kawikaan ay humihimok: Anak ko, kung tatanggapin mo ang aking mga salita at pagyayamanin ang aking mga utos, anupat magbibigay-pansin ka sa karunungan . . . kakamtin mo ang takot kay Jehova, at masusumpungan mo ang kaalaman ng Diyos. Sapagkat si Jehova mismo ang nagkakaloob ng karunungan. (Kawikaan 2:1, 2, 5, 6) Kapag ikinakapit ang payo sa Bibliya at nakikita ang bisa nito, natutuklasan natin na ito nga pala ay kumakatawan sa banal na karunungan.

Matatalinong Kasabihan
3 Upang higit na mapahalagahan ito, suriin natin ang ilang talata sa Bibliya. Isaalang-alang ang matalinong kasabihang ito: Ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming pitang hangal at nakasasam . . . Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan. (1 Timoteo 6:9, 10) Ihambing ito sa makabagong pangmalassa Kanluraning lipunan na lamangna humihimok sa tao na gawing pangunahing tunguhin ang paghahanap ng salapi. Nakalulungkot, marami ang nagkakamit ng hangad na kayamanan ngunit nakakadama pa rin sila ng kakulangan at ng kawalang-kasiyahan. Sinabi ng isang sikologo: Ang pagiging No. 1 at mayaman ay hindi magbibigay ng kasiyahan, kabusugan, ng tunay na paggalang o ng pagmamahal.1

Hindi ito nangangahulugan na ang isang praktikal na tao ay maaari nang tumalikod sa salapi. Ipinakikita ng Bibliya ang timbang na karunungan nang sabihin nito: Ang karunungan ay sanggalang na gaya rin ng salapi na sanggalang; ngunit ang kahigitan ng kaalaman ay na iniingatang-buhay ng karunungan ang nagmamay-ari nito. (Eclesiastes 7:12) Kaya, tumutulong ang Bibliya upang makita na ang salapi, bagaman mahalaga, ay hindi pinakamahalaga-sa-lahat. Paraan lamang ito ng pag-abot sa isang tunguhin, at limitado ang halaga nito kung wala tayong sapat na karunungan sa wastong paggamit nito. Totoo rin ang pangungusap na ito sa Bibliya: Ang lumalakad na kasama ng matatalino ay magiging matalino, ngunit ang nakikitungo sa mga mangmang ay mapapahamak. (Kawikaan 13:20) Napansin ba ninyo kung gaano kalakas ang impluwensiya sa atin ng ating mga kasamahan? Ang panggigipit ng mga kasinggulang ay umakay sa mga kabataan na maglasing, maging sugapa sa droga, at sa imoralidad. Kung makikibarkada tayo sa mga gumagamit ng malalaswang salita, sa katagalay nagiging malaswa na rin ang ating pananalita. Ang pakikisama sa mga mandaraya ay malamang na mag-udyok sa atin na mandaya. Oo, gaya rin ng sinasabi ng Bibliya, Ang masasamang kasama ay sumisira ng kapakipakinabang na ugali.1 Corinto 15:33.
6 Sa kabilang dako, ang mabubuting kasama ay nakakatulong. Sa paglakad na kasama ng matatalino, nagiging mas matalino tayo. Nakakahawa ang mabubuting ugali, at ganoon din ang masasam. Muli, ang Bibliya ay nagpapakita ng dakilang karunungan sa paghimok sa atin na mag-ingat sa pagpili ng kasama. 7 5

Marami sa mga panuntunang ito ang nasa Bibliya at tutulong bilang patnubay sa buhay. Bilang 1

gm kab. 12 p. 162-174 Isang Nakatataas na Bukal ng Karunungan

isang mapagkukunan ng payo, ito ay natatangi. Ang payo nito ay laging kapakipakinabang. Hindi lamang ito teoriya, at hindi kailanman ito makapipinsala sa atin. Wala pang kapantay ang malawak na saklaw ng payo ng Bibliya. Ang nagkakapit nito sa buhay, at nakakakita na itoy kapakipakinabang, ay tunay na nagpapahalaga sa Bibliya bilang pantanging bukal ng karunungan. Matatalinong Simulain Papaano, kung mapaharap tayo sa isang kalagayan na hindi tiyakang tinutukoy sa Bibliya? Madalas, makakasumpong tayo ng mga malawak na simulain na papatnubay sa atin. Halimbawa, sa isang yugto ng kanilang buhay marami ang kinailangang magpasiya hinggil sa bisyo ng paghitit ng tabako. Yamang ang tabako ay hindi kilala sa Gitnang Silangan noong panahon ni Jesus, hindi ito binabanggit sa Bibliya. Subalit, may mga simulain sa Bibliya na tutulong sa atin na gumawa ng matalinong pasiya sa bagay na ito.
9 Ang paghitit ng tabako, bagaman kasiyasiya raw, ay talagang pagpapasok ng matatapang na dumi sa ating baga. Dinudumhan ng maninigarilyo ang katawan niya, pati na ang kaniyang damit at ang hangin sa paligid. Bukod dito, ang paninigarilyo ay nakakasugapa. Ang mga gustong huminto ay nahihirapang gumawa nito. Sa pagsasaisip ng mga katotohanang ito, makalalapit tayo sa Bibliya upang matulungan tayo sa matalinong pagpapasiya hinggil sa tabako. 10 Una, isaalang-alang ang suliranin ng pagkagumon. Si Pablo, nang nagsasalita tungkol sa pagkain, ay nagsabi: Hindi ako papayag na mapailalim sa kapangyarihan ng anoman. (1 Corinto 6:12) Malayang makakakain si Pablo nang kahit ano, subalit alam niya na nang panahong yaon ang ilan ay lubhang maramdamin. Kaya sinabi niya na hindi siya nagugumon sa ilang pagkain anupat hindi niya maipagkait ito sa sarili upang huwag makatisod sa iba. Kung hindi maiwasan ang paghitit o pagngatng tabako, tiyak na ang isa ay nasa ilalim ng kapangyarihan nito. Kaya ang sinabi ni Pablo hinggil sa pagkain ay mabuting giya sa paggamit ng tabako. Huwag tayong papayag na maging alipin ng isang bisyo. 11 Pangalawa, nariyan ang suliranin ng polusyon. Sinasabi ng Bibliya: Magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu. (2 Corinto 7:1) Walang alinlangan na ang paninigarilyo ay pagpaparumi, o polusyon, ng laman. Ang kaselangan ng suliraning ito ay makikita sa bagay na, ayon sa World Health Organization, taun-taon mahigit na isang milyon ang maagang namamatay dahil dito. Kung susundin natin ang simulain ng Bibliya sa pananatiling malinis mula sa karumihan ng laman, tayo ay ipagsasanggalang laban sa malulubhang panganib sa kalusugan na dulot ng sigarilyo, at pati na ng droga at iba pang bagay na nakakarumi. 8

Kapakipakinabang na mga Salita Hindi dapat ipagtaka na ang pagsunod sa payo ng Bibliya ay kapakipakinabang sa pisikal na paraan. Ang payo ng Bibliya ay galing sa Diyos. Bilang Maylikha, lubos ang kaalaman niya sa ating kayarian at pangangailangan. (Awit 139:14-16) Ang payo niya ay laging kaugnay ng ating pisikal at emosyonal na kagalingan.
13 Ito ay makikita sa payo laban sa pagsisinungaling. Ang kasinungalingan ay nasa talaan ng pitong bagay na kinapopootan ni Jehova, at sa aklat ng Apocalipsis ay kasama ang mga sinungaling sa talaan ng mga hindi magmamana ng bagong sanlibutan ng Diyos. (Kawikaan 6:19; Apocalipsis 21:8) Sa kabila nito, laganap pa rin ang pagsisinungaling. Sabi ng isang babasahing pangkalakal: Ang E.U. ay dumadanas ng pinakamalubhang salot ng pandaraya, panloloko at mga kaugnay na pagmamalabis sa buong kasaysayan nito.2 14 Bagaman napakapalasak, ang pagsisinungaling ay nakasasam sa lipunan at sa indibiduwal. Tama ang sinabi ng kolumnistang si Clifford Longley: Ang pagsisinungaling ay nakapipinsala sa may katawan at sa biktima, sa pinaka-kaibuturan ng kanilang pagkatao, pagkat pinuputol nito ang mahalagang ugnayan ng isip at ng katunayan.3 Sinasabi ng The American Journal of Psychiatry: Lubhang nakapipinsala ang sikolohikal na epekto sa mga nagiging biktima nito. Ang mahahalagang pasiya sa buhay ay maaaring isalig sa maling impormasyon na inaakalang wasto. Ang mga kasinungalingan ay mayroon ding masasamang epekto sa mismong nagsisinungaling.4 Mas mabuti talaga ang magsabi ng totoo, gaya ng may katalinuhang ipinapayo sa Bibliya! 15 12

Sa mas positibong diwa, sinasabi ng Bibliya na dapat tayong magmalasakit, maging maibigin, at 2

gm kab. 12 p. 162-174 Isang Nakatataas na Bukal ng Karunungan

maging matulungin sa iba. Tanyag-na-tanyag ang mga salita ni Jesus: Lahat ng nais ninyong sa inyoy gawin ng mga tao, ay siya naman ninyong gawin sa kanila.Mateo 7:12. Mas gaganda ang mundo kung lahat ay susunod lamang sa tuntuning ito! Bukod dito, ayon sa isang sikolohikal na pag-aaral na ginawa sa Estados Unidos, mas bubuti ang pakiramdam ng isa. Iniulat ng 1,700 tao na sinuri na ang pagtulong sa iba ay nagpadama sa kanila ng kapayapaan at ginhawa mula sa mga sakit na kaugnay ng kaigtingan gaya nga ng sakit-ng-ulo at pagkawala ng boses. Ganito nagtatapos ang ulat: Maliwanag na ang pagmamalasakit sa iba ay mahalagang bahagi ng kalikasan ng tao na gaya din ng pagmamalasakit sa sarili.5 Ipinaaalaala nito ang utos ng Bibliya: Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. (Mateo 22:39; ihambing ang Juan 13: 34, 35.) Likas lamang na ibigin ang sarili. Subalit upang lumusog ang ating emosyon, sinasabi ng Bibliya na ang pag-ibig sa sarili ay dapat timbangan ng pag-ibig sa iba. Pag-aasawa at Moralidad Bagaman ang payo ng Bibliya ay may patotoo ng malalim na karunungan, hindi nito laging sinasabi ang gustong marinig ng tao. Madalas, pinararatangan ito ng pagiging lipas-sa-panahon. Bakit? Sapagkat bagaman ang payo ng Bibliya ay may pangmatagalang pakinabang sa atin, ang pagkakapit nito ay malimit na humihiling ng disiplina at pagtatakwil-sa-sarili; at ang mga katangiang ito ay hindi popular ngayon.
18 Kuning halimbawa ang pag-aasawa at moralidad. Napakahigpit ang mga pamantayan dito ng Bibliya. Idinidiin nito ang monogamiya, isang asawang-lalaki para sa isang asawang-babae. At bagaman ito ay bumabanggit ng pambihirang mga kaso na kung saan nagkaroon ng diborsiyo at paghihiwalay, sa pangkalahatan ay sinasabi nito na ang tali ng pag-aasawa ay panghabang-buhay. Hindi ba ninyo nabasa na ang lumalang sa kanila sa pasimula ay gumawa sa kanila na lalaki at babae at nagsabi, Dahil dito ay iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina at makikipisan sa kaniyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman? Anupat hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Kaya, ang pinagbuklod ng Diyos ay huwag papaghiwalayin ng sinomang tao.Mateo 19:4-6; 1 Corinto 7:12-15. 17 16

Bukod dito, sinasabi ng Bibliya na ang tanging dako ukol sa pagtatalik sa sekso ay sa loob ng buklod ng pag-aasawa. Bawal sumiping sa hindi asawa. Mababasa natin: Kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diyusdiyosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga sumisiping sa kapuwa lalaki . . . ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.1 Corinto 6: 9, 10.
20 Sa ngayon, ang mga pamantayang ito ay niwawalang-bahala saanman. Sinabi ng propesor ng sosyolohiya na si David Mace: Sa kasalukuyang siglo malaki na ang ipinagbago ng ating kultura, at gumuho na ang pundasyon ng maraming sinaunang kaugalian at institusyon. Hindi nakaligtas dito ang pag-aasawa.6 Karaniwan na ang kaluwagan sa moral. Ang pagtatalik ng mga magnobyong tin-edyer ay itinuturing nang normal. Ang pagsasama bago ikasalupang makatiyakay malimit gawin. At minsang makasal, hindi pambihira ang bawal na pakikipag-ugnayan sa sekso. 21 Nakapagdulot ba ng kaligayahan ang ganitong kaluwagan sa moral? Hindi, wala itong naidulot kundi guloat isang magastos na kaguluhan pa ngana nagbunga ng kalungkutan at wasak na mga tahanan. Nariyan din ang salot ng mga sakit sa babae na karaniwang matutunton sa kaluwagan ng moral. Ang paglaganap ng gonorea, syphilis, at chlamydia, bukod pa sa iba, ay hindi na masupil. Nitong nakaraang mga taon, ang pagpapatutot at homoseksuwalidad ay mabilis na nagpalaganap sa AIDS. Nariyan din ang epidemya ng mga dalagitang nagkakaanak gayong napakababata pa. Sinabi ng Ladies Home Journal: Ang pagdidiin sa sekso na napatanyag noong mga taong sisenta at setenta ay nagdulot ng malubhang kalumbayan, hindi ng walang-hanggang kaligayahan.7

19

Kaya, nakakarinig na tayo ng mga komento na gaya ng sinabi ng propesor ng sosyolohiya na si Carlfred B. Broderick: Marahil ay may hustong gulang na tayo upang ipasiya na makabubuti sa lahat ang pag-iwas sa pagtatalik ng mga di-pa-kasal bilang isang patakaran na mas katugma ng pangangailangan ng ating mga mamamayan at ng karapatan nila na maging malaya: malaya sa sakit, sa di-kanaisnais na pagbubuntis.8 Totoo, ang pamantayan ng Bibliya sa moralidad ay talagang makapagdudulot ng pinakamalaking kaligayahan. Mga Simulain na Talagang Nagkakabisa gm kab. 12 p. 162-174 Isang Nakatataas na Bukal ng Karunungan 3

22

23 Yamang ang pag-aasawa ay nilayong maging habang-buhay, dapat nating malaman kung papaano ito gagawing matagumpay. Ang iba ay nangangatuwiran na mas mabuti raw ang tumakas sa isang hindi maligayang pag-aasawa kaysa manatiling nagsasama at maging labis na aburido. Subalit may ibang mapagpipilian: sikaping lutasin ang sanhi ng kalungkutan. Isa pang larangan ito na kung saan makakatulong ang Bibliya. Nakita na natin na ito ay nagpapayo ng pagiging tapat sa kabiyak, at isang susi ito sa maligaya, matatag na pag-aasawa. Ang isa pa ay ang pagkilala na iisa lamang ang ulo sa pag-aasawa, at sinasabi ng Bibliya na ito ay ang lalaki. Ang babae ay pinapayuhan na tumangkilik sa asawa at huwag humamon sa kaniyang tungkulin. Ang lalaki, sa kabilang dako, ay pinapayuhan na gamitin ang kaniyang posisyon sa ikabubuti ng asawa at huwag maging sakim.1 Corinto 11:3; 1 Timoteo 2:11-14. 24 Sa lalaki, ay sinasabi ng Bibliya: Dapat ibigin ng mga lalaki ang kanikanilang asawa na gaya ng sariling katawan. Ang umiibig sa asawa ay umiibig sa sarili, sapagkat walang tao na napoot sa kaniyang sariling laman. (Efeso 5:28, 29) Ang maibiging asawang lalaki ay namamahala sa paraang makonsiderasyon. Alam niya na bagaman siya ang ulo, dapat isaalang-alang ang asawa at gawin itong kasangguni. Ang pag-aasawa ay pagsososyo, hindi isang diktadura. 25 Ang payo ng Bibliya sa mga babae ay naglalakip sa mga salitang ito: Ang babae ay dapat magkaroon ng taimtim na paggalang sa kaniyang asawa. (Efeso 5:33) Iginagalang niya ang kaniyang asawa dahil sa tungkulin nito, at ang paggalang ay maaaninaw sa pagtangkilik niya rito, kung papaaanong ang pag-ibig ng kaniyang asawa ay patutunayan ng pagmamalasakit nito sa kaniya. Ang payong ito ay hindi matanggap ng mga taong makabago ang isipan. Subalit ang mga mag-asawa na nagsasalig ng kanilang ugnayan sa pag-ibig at paggalanggaya ng payo sa Bibliyaay siyang tunay na maligaya. 26 Makikita sa isang karanasan mula sa Timog Karagatan na ang payo ng Bibliya sa larangang ito ay talagang mabisa. May mag-asawa roon na, pagkaraan ng sampung taon ng pagsasama, ay naging kumbinsido na ang kanilang pag-aasawa ay bigo. Kaya naghanda silang maghiwalay. Hindi nagtagal at nakausap ng babae ang isa sa mga Saksi ni Jehova. Siya at ang Saksi ay nag-aral ng payo ng Bibliya sa mga mag-asawa. Sinabi ng lalaki: Habang natututo ang aking asawa ng mga simulain sa Bibliya, sinikap niyang ikapit ito sa kaniyang buhay. Sa loob lamang ng ilang linggo, nakapansin na ako ng mga pagbabago. Palibhasay namangha, sumang-ayon din siya na makisali sa pag-aaral ng Bibliya upang matutuhan ang payo ng Bibliya sa mga asawang lalaki. Ang resulta? Sinabi ng lalaki: Ngayoy nasumpungan namin ang saligan ng tunay na maligayang buhay pamilya.

Ang pagtitiis ng karalitaan ay isa pang dako na kung saan napatunayang nakakatulong ang payo ng Bibliya. Halimbawa, ang paninigarilyo at paglalasing, na kapuwa salungat sa simulain ng Bibliya, ay paglustay sa limitadong salapi. (Kawikaan 23:19-21) Bukod dito, ang Bibliya ay nagpapayo ng kasipagan, sapagkat ang masipag na tao ay mas madaling makakita ng paraan upang mapakain ang pamilya na hindi gaya ng isang tamad o ng isang mahina ang loob. (Kawikaan 6:6-11; 10:26) Isa pa, ang pagsunod sa payo na huwag kang managhili sa mga gumagawa ng kalikuan ay hahadlang sa pagbaling sa krimen o sa sugal bilang paraan ng pagsugpo sa karalitaan. (Awit 37:1) Tila nga ito makapag-aalok ng kagyat na lunas sa suliranin sa salapi, subalit napakapait ang bunga nito sa hinaharap.
28 Talaga bang tutulong ang payong ito sa mga labis ang karalitaan, o ito bay teoriya na maganda lamang pakinggan? Ang sagot ay, Mabisa talaga ang payo, gaya ng makikita sa maraming karanasan sa buong daigdig. Halimbawa, isang Kristiyanong babae sa Asya ay nabalo, walang hanapbuhay, at may maliit na anak na alagain. Papaano nakatulong ang Bibliya sa kanilang mag-ina?

27

Masipag siya, gaya ng payo ng Bibliya, kaya nanahi siya ng damit upang maipagbili. Palibhasa tapat at mapagkakatiwalaan, gaya rin ng ipinapayo ng Bibliya, hindi nagtagal at nagkaroon siya ng pirmihang parukyano. (Colosas 3:23) Pagkatapos ay inayos niya ang isang maliit na silid sa bahay upang gawing maliit na karihan at gumising siya tuwing alas kuwatro ng umaga upang magluto ng panindang pagkain, at nakaragdag ito sa kaniyang kita. Sa kabila nito, aniya, dapat kaming mamuhay nang simple. Ngunit naalaala niya ang payo ng Bibliya: Kung may pagkain at pananamit, ay masisiyahan na tayo rito.1 Timoteo 6:8.
30

29

Dagdag pa niya: Bagaman namumuhay ako sa maralitang paraan, hindi ako naghihinanakit ni 4

gm kab. 12 p. 162-174 Isang Nakatataas na Bukal ng Karunungan

sumasam-ang-loob. Ang katotohanan ng Bibliya ay nagbibigay sa akin ng positibong pangmalas. Bukod dito, natuklasan niya na talagang natupad sa kalagayan niya ang isang mahalagang pangako ni Jesus. Sinabi niya: Hanapin muna ang kaharian at ang kaniyang katuwiran, at lahat ng ibang bagay na ito [materyal na pangangailangan] ay pawang idaradag sa inyo. (Mateo 6:33) Sapagkat paglilingkod sa Diyos ang inuna niya sa buhay, naranasan niya na kahit papaano, lagi siyang tumatanggap ng materyal na mga pangangailangan. Ang mga karanasan ng Kristiyanong babaeng ito, kung isasama sa di-mabilang na iba pang mahihirap na Kristiyano, ay karagdagang patotoo na ang payo ng Bibliya ay talagang mabisa.
31 Sa kabanatang ito, pahapyaw lamang nating nabanggit ang masaganang payo at paalaala na nilalaman ng Bibliya, at nakita natin ang ilang halimbawa ng pagiging mabisa ng payong ito. Ang mga karanasang nabanggit ay maaaring paramihin ng libulibong beses. Sa tuwina, ang tao ay nakikinabang kapag sinusunod ang Bibliya. Kapag niwawalang-bahala ito, siya ay nagdurusa. Walang ibang kalipunan ng mga payo, sinauna o makabago, ang paulit-ulit na nakapagdulot ng pakinabang at naging kapit sa mga tao sa lahat ng lahi. Ang ganito katalinong payo ay imposibleng maging karunungan lamang ng tao. Ang pagiging mayamang imbakan ng karunungang ito ay makapangyarihang ebidensiya na ang Bibliya nga ay Salita ng Diyos.

[Mga Tanong sa Aralin] 1. (Ilakip ang pambungad.) (a) Saan tayo makakakita ng katibayan ng walang kapantay na karunungan ng Diyos? (b) Anong payo ang ibinibigay ng Bibliya hinggil sa karunungan? 2. Papaano mapalalago ng isa ang karunungan niya? 3, 4. (a) Ano ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa kamangmangan ng pag-ibig sa salapi? (b) Anong mainam na pagkakatimbang ang ipinamamalas ng Bibliya kapag nagpapayo hinggil sa halaga ng salapi? 5, 6. (a) Bakit matalino ang payo ng Bibliya na umiwas sa masasamang kasama? (b) Papaano tayo makikinabang sa paglakad na kasama ng matatalino? 7. Ano ang nagtatangi sa Bibliya bilang isang bukal ng payo? 8. Papaano tayo matutulungan ng Bibliya kahit tayo ay napapaharap sa isang kalagayan na hindi tiyakang binabanggit nito? 9-11. Papaano tumutulong ang mga simulain ng Bibliya upang makagawa ng matalinong pasiya kaugnay ng paggamit ng tabako, at papaano tayo nakikinabang sa pagsunod sa mga simulaing ito? 12. Bakit laging nauugnay ang payo ng Bibliya sa ating pisikal at emosyonal na kagalingan? 13, 14. Bakit katalinuhan ang sumunod sa payo ng Bibliya laban sa pagsisinungaling? 15, 16. Sa papaanong mga paraan tayo nakikinabang sa pagsunod sa payo ng Bibliya na ibigin ang kapuwa? 17. Bakit kung minsan ay waring lipas na sa panahon ang payo ng Bibliya? 18, 19. Ano ang pamantayan ng Bibliya sa pag-aasawa at moralidad? 20. Sa papaanong paraan niwawalang-bahala saanman ang mga pamantayan ng Bibliya sa moralidad? 21. Ano ang naging resulta ng laganap na pagwawalang-bahala sa mga pamantayan ng Bibliya sa pag-aasawa at moralidad? 22. Kung tungkol sa moralidad, ano ang nagdudulot ng pinakamalaking kaligayahan? 23. (a) Kung hindi maligaya ang pag-aasawa, diborsiyo lamang ba ang posibleng solusyon? (b) Ano ang dalawang susi sa isang maligaya, matatag na pag-aasawa? 24, 25. Papaano pinasisigla ng Bibliya ang mga asawang lalaki at babae sa pagganap ng kanikanilang wastong papel sa pag-aasawa? gm kab. 12 p. 162-174 Isang Nakatataas na Bukal ng Karunungan 5

26. Talaga bang mabisa ang maka-Kasulatang mga pamantayan sa pag-aasawa? Ilarawan. 27. Ang pagkakapit ng aling mga simulain sa Bibliya ang tutulong sa mga Kristiyano na nagtitiis ng kahirapan sa buhay? 28-30. (a) Papaanong ang pagkakapit ng mga simulain sa Bibliya ay nakatulong sa isang babaeng Kristiyano upang madaig ang karalitaan? (b) Sa ano nagpapatotoo ang karanasan ng libulibong mga maralitang Kristiyano? 31. Ano ang nangyayari kapag sinusunod natin ang payo sa Bibliya, at sa anong katototohanan ito nagbibigay-patotoo? [Blurb sa pahina 168] Lahat ay nakikinabang sa isang matulunging saloobin [Larawan sa pahina 163] Tatalino tayo kung lalakad tayo na kasama ng mga matalino, ngunit ang pakikisama sa mga mangmang ay magpapahamak sa atin [Larawan sa pahina 165] Ang paghitit ng tabako ay dapat iwasan sapagkat laban ito sa mga simulain ng Bibliya [Larawan sa pahina 171] Ang sumusunod sa payo ng Bibliya sa pag-aasawa ay may matibay na saligan ukol sa kaligayahan [Larawan sa pahina 173] Ang pagkakapit ng payo sa Bibliya ay tumutulong upang madaig ang malulubhang problema sa karalitaan

gm kab. 12 p. 162-174 Isang Nakatataas na Bukal ng Karunungan

You might also like