Seldang Maginaw PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 50

Larawan mula sa http://www.imemc.

org/article/62228

PANIMULA
Isang taon na ang lumipas mula nang akusahang miyembro ng New Peoples Army at ikulong si Ericson Acosta. Isang taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin napatutunayan ang katotohanan ng mga kasong inihain laban sa kanya. Arts month pa man din ngayon, at kung wala lang ding maihahaing matibay na ebidensya ang pamahalaan laban sa makata-manunulat-mangaawit-kompositormanggagawang pangkulturang si Ericson, mas makabubuting palayain na lang nila. Hayaang marinig ng sinumang nais makinig ang malayang diwa ng kanyang mga salita. Hayaang madama ng sinumang nakadarama ang pag -ibig na nakapaloob sa sining na iniaalay niya sa bayan. Kilometer 64 Poetry Collective Pebrero 2012

Seldang Maginaw

/2

Mga Tula

http://mbogart.com/a-sample-graduation-invocation-for-a-secular-situation/

Alexander Martin Remollino


Iginuguhit nila sa ating mga noo ang tatak na "kaaway ng estado." Hindi tayo ang unang ginanito Noo'y tinawag ding "kaaway ng estado" sina Rizal at Bonifacio sina Sakay at Mabini sina Crisanto Evangelista at Pedro Abad Santos sina Amado Hernandez at Angel Baking sina Edgar Jopson at Bobby de la Paz sina Rolando Olalia at Nemesio Prudente sina Vicenta Ladlad at Kerima Tariman sina Juvy Magsino at Leyma Fortu. Noon at ngayo'y tinuturang "kaaway ng estado" lahat ng magbandila sa karapatang mabuhay bilang tao-karapatan nating mamamayan, nating mamamayang naglalagak ng pagkain sa kanilang mga sikmura. Tayo'y kaaway kung ituring nila, nilang mga bundat na palamunin ng bayan. Kailanma'y isang medalya ng karangalan ang tatak na "kaaway ng estado" kung sila ang nagbabansag sa atin ng ganito. Isuot natin ito nang buong pagmamalaki katulad ng kanilang pagyayabang sa kanilang pagkakasuot ng unipormeng hinabi sa dugo ng bayan. Kailanma'y mga palalo silang walang ipagpapalalo-mga kampon ng estado't kaaway ng bayan, na marapat ilibing-gaya ng kanilang paglilibing sa mga karapatan nating lahat.

Kaaway

Seldang Maginaw

/7

Integorasyon
Jack Alvarez that shall feed millions complete history and perhaps spare poetry. sa tula ni Ericson Acosta, And So Your Poetry Must inaresto, pinaratangang NPA nakapreso ang makatang taga-UP alyas August Lim ayon sa mga nag-akusa may dalang laptop at kuno may granada kaya tinawag na lider ng mga terorista nakakabuluhaw kung ganito't ganyan ang tabas ng Oplan Bayanihan militar na nakapalibot apatnapu't apat na oras na bangungot tortyur at interogasyon nakamamatay ang malagim na sitwasyon.

http://kay-dean.blogspot.com

8/

Kuwentong Bayan
J. Luna Ang AFP ay engkantong may kapangyarihang magbago ng anyo-sila'y nagmamatyag at nakikiwarinandudukot pumapatay kumakain ng tao. Ngunit tulad ng ibang halimaw-sila'y maraming kahinaan: Tapang Panindigan Bala't Katotohanan. Seldang Maginaw /9

Pasabilis
Daena de Guzman (Para kay Maricon Montajes) Ihatid mo sa kanila ang lahat ng hindi nila nakikita, hindi naririnig, hindi maaalala. Lahat ng nakita, narinig, naalala ng bawat isang wala na rito, hindi na makapagsasalita pa. Isalaysay mo ang mga bangungot na hindi natatapos ng paggising. Kung paanong pinarusahan, pinatay ang katawan para palayain ang mga multong hindi na tayo ngayon lulubayan. Ihatid mo sa kanila ang mga naputol na kataga, mga wika ng pag ibig na ipinagbabawal makita, mabasa at kung paanong walang kahit haplos na magkumot sa mga panahong nakangangatog ang pangungulila, takot, pagdurusa. Ihatid mo sa kanila ang bawal na mensahe ng puso kong malayang umiibig pero nakapiit hinahagupit, tinutusok, dinudurog, tinutunaw pero patuloy na titibok Magkanda-pira-piraso man o malusaw.

10/

AJ Enriquez iniwan na namin yung toolbox, yung lagari, bareta de kabra at palakol. hindi na rin kami bumili ng blowtorch, ng diamond file. dahil walang matibay na padlock sa masusing pangangatwiran; walang matigas na rehas sa matalim na paninindigan. 'di maaapula ng water torture ang galit ng masa, lalo't agit. para sa inyong kalayaan, pagkakaisa ang kasangkapan - maso't karit!

Tools

Seldang Maginaw

/11

Daena de Guzman panahon na, panahon na panahon na ng paglilitis na patuloy na naglalangis sa mga makikitid ang isip at tiklis bawiin mo, bayan ko ang mga bayani mo na ginawang detinido ng mga pasista sa gobyerno kaawa-awa na sila naghihirap sa harap ng madla ipinapahiya pa ng mga tuta at mga ganid ng republika babawiin ko kayo sa kamay ng mga mapang-aping iyan mapaos man ang aking tinig panawagan ko'y tiyak na mananatili palayain mo na aking inang bayan sa kamay ng mga pasistang iyan mga kasama ko sa paglaban tulad nina ERICSON ACOSTA, KAREN EMPEO, JONAS BURGOS at iba pa.

Laya!

nasa kamay mo ang kalayaan nila, mahal kong inang bayan ipagpatuloy mo ang iyong nakagawian habang ang panawagan ko'y nagkakalat sa lansangan na "PALAYAIN NA ANG LAHAT NG DETENIDONG PULITIKAL!" 12/

Pandango sa Rehas
Oliver S. Carlos Hindi sila nag-atubiling hawakan ang apoy. Maging apoy upang bigyang-liwanag ang karimlan Kinitlan sila ng buhay. Marami sa kanila ipinagtabuyan, ibinilanggo sa kuyom ng paglabag sa makataong karapatan. Malaking kahangalan! Hindi kailanman naikukulong ang liwanag. Patuloy at patuloy itong maghahanap ng lagusan Patunay kaming umiindak ngayon sa nagkakaisang galaw. Sa mapangahas na sayaw na sa kanilay natutuhan --inilalagay namin ang mga tinghoy sa aming ulo, sa likod ng mga palad -upang patuloy na magbigay-liwanag bigyang-pugay silang ibinulid sa rehas na bakal silang kagaya namiy alitaptap sa karimlan

Seldang Maginaw

/13

Piring at Posas
Honey Pie Maniego Nais nilang ika'y iligpit ngunit nang mabigo, ika'y ipiniit sa seldang madilim at mainit. Paano ang kapirasong tela ay nagkait sa 'yo ng paningin? Kalisyaan ng mga mersenaryong tungaw na gutayin ka, paulanan ng tungayaw yurakan ang lantay mong adhikain. Paano bumihag sa bisig mong pumipiglas itong kaputol na bakal? Nasa balangkas ng pasistang kaaway na aglahiin ka, halos kitlin ang buhay ipamukha sa 'yo ang tiranyang umiiral. Ang magrebelde ay marangal! Palayain ang bilanggong pulitikal! Ang piring at posas ay bagay lamang sa mga matang mapang-api't maninila at brasong tigmak ng inutang na dugo.

14/

Kandado at Kadena
Axle Cano nakahandusay sa isang selda hawak ni mayor ang baton lahat ng kirot at mumunting bulong sa isip mo'y bubog na bumabaon sa kitid ng papag mga langitngit nito'y isang tawa malupit, marahas walang awa tila isang bangungot na di magsasawa! patak ng tubig di titigil na mundo mo'y palamigin ihasik dito ang walang-hiyang lagim isang putang demonyo sa dilim kalantog ng malutong na hagupit! batingaw ng panibagong pasa gasgas at sugat; panibagong mantsa nitong dugong kakapit sa pader na tisa hataw sa batok, maya maya'y lilipas tanging lunas sa sigwa ng laman iyong mga nakaukit sa pusong balam kahit ang buhay ay hinilam tuloy pa rin ang pag-asa para sa presong pulapol ng pintura Seldang Maginaw /15

Jovitos Creed
Daniw Santiago Death is a black photosynthesis. There is no light in enlightenment Just dark remedies. Contrasts are lies and hypocrisy Gilded by the saturation of luxury. Red petals hiding thorns. Bleed back 'till you were unborn Unmade Erased, Forgotten.

16/

Militia Guirre Hindi ko alam kung bakit ka andyan? Ano bang ninakaw mo? Kaninong bahay ba ang inakyat mo? Ano bang ini-snatch mo? Nangholdap ka ba? Sino bang napatay mo? Nang-estapa ka ba? O illegal recruiter ka? O hindi kaya'y itsura mo'y naiiba? Ano bang mali sa'yo? Sabihin mo na ang kaso mo Sssshhhhh Ah, iyon ba? Ok lang yan Sayong selda'y hindi nag-iisa Biktima rin sila di ba? Dahil sa andana, Andana ng karangyaan, Andana ng kasakiman, Andana ng kawalang katarungan. Wag mag-alala Paglabas mong selda, Paglabas ng marami pang Biktima ng selda IBABARTOLINA NATIN SILA.

Selda

*Alay kay Ericson Acosta at sa lahat ng Bilanggong Pulitikal Seldang Maginaw /17

Ang Maya, Nasa Hawla


Beedam Dorisco Ito ang ibig sabihin ng kalayaan tulad ng paglipad sa papawirin ng mga mayang naghahanap ng kagisnan. Ito ang kahulugan ng paghahanap ng kalayaan tulad ng paglalakbay makapaglingkod lamang sa sambayanan makamit lamang ang kalayaan. Tulad ng mga maya, ng ibong binitag at ikunulong sa hawla. Tulad ni Ericson, ni Maricon at ng iba pang mga detenidong politikal na isinelda, ng ibong humuhuni ng kalungkutan sa hawla, ng mga kasamang tuloy ang diwang makabayan sa selda, ng mga ibong malaya habang ang isa ay nasa hawla, ng mga kasamang lumalaban at nananawagan para sa mga kasama, para sa kanilang kalayaan. Tulad ng maya, lalaya ka mula sa hawla.

18/

Bilanggong Pulitikal
Clyejon Ru Ca Llo Ikaw bilanggong politikal ay kamusta na? sa malaon mo nang pagkakapiit dyan sa mainit at masikip na selda? at sa araw-araw ay inaasam na makalabas at lumaya na... Nakikita ko na patuloy ang paghihirap na nadarama nagkakasakit na ang iba at pinanghihinaan na ng loob ang ilan pa, patuloy ang depresyon na nararanasan ng marami pa! Bilanggong politikal ay paano nga ba? Kelan ba?...Kelan nga?...Kelan makakamit ang paglaya ng mga bilanggong political na nakapiit, at nadurusa sa kasalanang kelan man ay hindi ginawa? Malaon na tayong pinagsasamantalahan , inaapi at tinatapakan ng mga makapangyarihan, ngunit sa kabila nito tayo ay patuloy na lumalaban para sa ating mga karapatan! Ituring man tayo'y kaaway ng estado noon at sa kasalukuyan! Para sa inyo, sa akin at sa lahat, mensahe ay magpakatatag, wag hayaang mamayani ang takot at magpalamon sa panghihina laging isipin na lang na bukas makalawa pulang umaga ay masisilayan na! Kayo at ang sambayanan ay magpapalaya!

Seldang Maginaw

/19

Monumento
Kislap Alitaptap (Para kay Ericson Acosta) Matagal nang walang nagtatabas Ng damo sa palibot ng Monumento. Naungusan ng dagdag pasaheng piso Ang pagpapalit ng pinturang nakasuot Sa bandila, At tabak, At ng Katipunero. Ganito ang Monumento Ngayon. Ericson. Karaniwang panoorin Na lang ito, Sa mga estudyante, Mga tsuper, At mga pasahero. Oo, karaniwan... Gaya ng karaniwang Paglalamay dito ng mga kandila, Pagpapakilala ng mga karatula, At pagsisikap ng mga mandudula. Tutugisin ng panahon ang Monumento. Ang ulan ay magpapakabato Upang talupan ito Ng diwang sinasaludo. Bibigwasan ito ng pagkalimot, Pupulaan ng mga nababagot, At hahayaang maakyat ng lumot. 20/

Ngunit walang makakapagtago Ng katiyakang Ang bandila, Ang tabak, At ang Katipunero, Ay ikaw. Nabubuhay, Nagpapakatatag At magpapakatatag.

http://pinoyweekly.org

Seldang Maginaw

/21

Grobyas Magdiwang Sa kadakilaan ng adhikain ng makapangyarihan mong pluma, Iminumulat ang masa sa bawat likha nitong obra. Sa Iyong mga tula, tinatablan sila. Kanilang ninanamnam ang bawat mong salita. "Pagkat para saan ang makata? Para saan ang tula? Kundi rin lang malaya, At hindi nagpapalaya" Pluma at paninindigan ang tangi mong tangan. Ito ang iyong sandatang pantapat sa armas ng kalaban. Ang mga hinabi mong kataga ay higit na mapaminsala higit pa sa bala ng kalaban o anumang sandata. 'Pagkat mamatay ma't mawala ang isang makata libu-libong tulog na diwa na ang ginising ng kanyang tula. Ang makata'y dinakip, binusalan ang bibig. Diwa niyang makabayan pilit sinasagkaan. Ngayon makata'y detenido, nasa madilim na yugto. Isang malamlam na lampara ang tangi niyang kasama. Ngunit sa taglay nitong apoy lagablab ng diwa'y dadaloy. Tula niya'y magpapatuloy. 'Di pansin ang panaghoy. Maalab niyang panitikan pilit man nilang sugbaan patuloy na magniningas, muli't muling babalikwas. Ngayon makata'y detenido tinanggalan ng laya Pero kailanma'y 'di sumuko. Ni minsan 'di nanghina.

Alab

22/

Textulang Leviste
Joel Costa Malabanan Naglalabas-masok ang mga kriminal sa piita'y yakap ang tratong espesyal habang ang mayroong kasong pulitikal kung husgaha'y higit sa isang pusakal ang daang matuwid ay daang masukal kung panaginip lang ang hustisya -sosyal buhat nang si Noynoy, magwagi't mahalal bansa'y nagsimula nang magpatiwakal ay limang taon pang magpapakahangal sambayanang sawa na sa pagpapagal!

Seldang Maginaw

/23

Sa Labas Na Mundo
MJ Rafal marahil kinaiinggitan mo sila ang ipis, gagamba, langgam, langaw na malayang lumipad-gumapang o maging ang mga ibong sumisilip sa maliit na uwang ng maliit na bintanang miminsang ding nagkakait sa iyo ng liwanag sa tuwing ang araw at buwan ay di makasilip sa kapirasong espasyong nagpapagunita na ang iyong kalayaan ay ikinulong kasama ng iyong karapatan marahil nga'y kinainggitan mo sila mga insektong malayang labas-masok sa makitid at mainit mong puwang kinainggitan mo ngunit di pinandirihan pagkat batid mong mas masahol pa sa kanila--absurdong mukha ng karum'han: antena, maitim, lagpas limang mga paa, mabalahibo, mabalasik tumitig na mga mata -ang mga unipormadong robot ng pandarahas at panggigipit marahil nga'y kinaiinggitan mo sila na nasisikatan ng araw, nakalalanghap ng hamog, sinusuyo ng ulan, tinititigan ng buwan, hinahaplos ng hangin marahil kinaiinggitan mo sila sa kanilang laya naisaisip mo marahil na mapalad sila, mas mapalad sa mga unipormadong robot 24/

ng pandarahas at panggigipit mas mapalad sa mga naka-amerikana't barong sa karnabal ng kongreso, malakanyang at senado mas mapalad pagkat pinakikinabangan ng kalikasan anumang kaanyuan mayroon ang pinandidirihan nilang kabuuan naniniwala kang mas mariringal ang mga insekto, sa mga unipormadong robot ng pandarahas at panggigipit mas marangal sa mga naka-amerikana't barong sa karnabal ng kongreso, malakanyang at senado at mapalad ka rin, alam mo pagkat higit pa sa pisikal ang pakikiniig mo sa labas na mundo pagkat tulad nila, laksa-laksang taon kang mananatili sa labas na mundo tula mo't sining ang insektong gumagapang patakas, malaya sa labas na mundo.

Seldang Maginaw

/25

Pia Montalban

Obra

(Kay Ericosn Acosta) Himig ng lahing inaglahi--Himig ng masang api: Himig ng magsing-kasi, sa isa't isang iisa'y napili: maglingkod sa bayan, paglakbayin ang mga binti sa kanayunan pabaha sa kalunsuran ang sidhi ang mga tema ng iyong mga obra. Sining na iniaalay para sa lahat at di sa iisa. Sining na responsable, napapanaho't mapagpalaya. Sining na naglilingkod nang tapat sa bansa. Sining na iniaalay sa mas malawak na bilang ng masa. Iniluwal at iniluluwal mong mga awit nag-anak at nag-aanak ng mga kung-makakapitat-makatangan-sa-karitat-masa ay buhay ang tinatayang kapalit ang saysay ng iyong mga obra. Sining na nagsusulong ng pambansang demokrasya. Sining na nagmumulat, nagpapakilos, nagoorganisa. Sining na pumupukaw sa sensibilidad, at gumigiya. Sining na naglalantad ng tunay na itsura ng demokrasya. Dinukot ka nila bilang pagtatangka maitigil ang tunggaliang sila ang nagsimula. Ngunit ang pagtatangka'y pumalya nadukot nga ang pisikal mong presensya... hindi naman iyong mga obra--26/

Rain Song
Stum Casia Sana umulan ng common sense, at ipagbawal ang sumilong at ang pagdadala ng payong. I-require sa mga nagdududa, walang opinyon at tatanga-tanga na kahit ilang minuto, magpa-ambon. Sana umulan ng common sense. Sana umulan ng common sense. Utang na loob, samahan natin sila. Maligo tayong lahat. FYI: Sabi ng mga sundalong nakahuli kay Ericson Acosta, NPA daw siya. Mataas na opisyal ng NPA. Dahil may dala siyang laptop.

Seldang Maginaw

/27

Lumaya Ka
Lenkurt Lopez (Kay Ericson Acosta) Kumusta? Nakita ko ang kalabaw sa Cubao. Isasama ko ito sa aking pagdalaw. Tatabasin ko ang ulo at sa sungay ang tanganito ang magsisilbing tanglaw patungo sa madilim mong piitan. Alam kong mahirap marating ang iyong selda -aklatan. Sa unang pinto pa lang, meron nang kapkapan. Ngunit hindi kami malilinlang ng mga militar at parakdahil ang susi ng kalayaan mo'y sa isipan namin nakapasak. Patuloy ang rebolusyontatalas ang talim ng ika-anim na sundang dahil sa bulok na konstitusyon. tutuligsain, tutugisin ang mga sakim sa tuwid na daang pahamak. Ang ikapitong sundang sa leeg nila'y itatarak. Ikubli mo ang pag-asamangarap, lalaban, lakasan ang loob. Isang palakat, walang kasunod na hikbipara sa iyong kalayaang minimithi.

28/

http://jjie.org/attorney-general-holder-asked-ban-juveniles-from-adult-prisons/11975/empty_prison_cell_af1a

Seldang Walang Laman


Gem Karlos Aramil Bakit ka ba nariyan? At pinapahirapan ka nila nang walang kalaban-laban? Sabi nila ikaw ay tulisan, o baka naman ika'y napagbintangan lamang? Bakit ba turing nila sayoy isang kriminal, na lubhang makasalanan? Bakit ba kinulong ka nila sa seldang walang laman? O baka naman kapos lang ang kanilang kaalaman? Dahil ang tanging ginawa mo lang naman, ipinagtanggol ang bayang sinilangan.

-para sa lahat ng detenidong politikal.

Seldang Maginaw

/29

Tintang Granada: Balinguyngoy ng Nanggigitatang Gwardya Sibil


Noel Vinoya Gomez Hanggang sa huling hantungan, hindi ko papayagang mawalay ang minsang nangyari sa akin, ang kagimbal-gimbal na araw bago sumapit ang araw ng mga puso. Napakagaling nga naman ng mga gwardya sibil kung ako'y arestuhin nang wala man lang maipakitang kahit anumang nasusulat na katibayan at dali-daling dinampot sabay isinilid sa loob ng sasakyan. Pinagbintangang kasapi ng rebelde. Aba! Tamang hinala pala at hindi masusing imbestigasyon ang ipinaiiral sa mga ganitong panahon, panahon ng biglaang pagkawala. At ano naman ang problema kung ako'y kasapi nila, nilang tanging hangarin ay pagbabago, pagbabago ng sistemang matagal nang niyurakan at nilapastangan ng mga mapanlinlang na buwaya't palamunin ng mamamayan? Hala! Sila talaga ang patunay na buhay ang mga salot at taksil ng lipunan. Mas mabangis pa sa madyikero kung magpalitaw ng granadang pinagduduldulan sa sariling bulsa galing.

30/

Mahiya naman sa mga iskwater kung magpalipat-lipat ng sandamakmak na kutang pinamumugaran ng mga nanggigitatang gwardya sibil. Dinaig pa ang asong nagkakalkal ng pagkaing mula sa mga basurang nakahandusay kung magtanong. Mas brutal pa sa mga Hapon, hindi dahil sa pantotortyur nang walang-pahingang apatnapu't apat na oras kundi sa mismong kababayan pa ginawa ang kahayupan. Anong petsa na? Ilang pagdinig na'ng aking nadaluhan at ilang buwan nang nagmamantikilya sa likod ng rehas. Pakinggan n'yo ang sigaw ko't sigaw ng aking mga kasama: Sawang-sawa na ako! Sawang-sawa na ako sa kalaboso! Sawang-sawa na ako sa pasismo! Sawang-sawa na ako! 'Yan ang granada ko at sasabog na ang aking granada! Granadang babalinguyngoy sa inyong lahat!

http://myojess.blogspot.com

Seldang Maginaw

/31

Tanaga: 4X7
Tilde Acua (para sa Calamba 7) pito [i] Maingay daw ang pito at masakit sa tainga. Ngunit nang makumpiska, dumami ang sumipol. pito [ii] Ka-sandaat limampung kaarawan ni pepe nang hulihin ang pitong tulad niyang 'supertibo'. pito [iii] Ba't kailangang huminto 'pag lespu ang pumito? Sa laki kasi ng t'yan, hasel pa ang habulan. pito [iv] Nagpipighating sining, pitong panting per linya, handong para sa mga bilanggo sa Calamba.

32/

Kasal sa Digmaan
Te ho sa wakas nagpasilip na rin ang daragang mayon habang ako'y nakapiit sa isang hawlang ginto hagupit ng kadena ang s'yang binubuo huhugot ng lakas sa tatag ng puno lakas na kalakas sa sakal kong puso kalasag ko'y kawa ng kumukulong dugo, matibay na pulso ang aking palaso nagbabagong baga ang sundang ko't moog sa sipat ng mata matuwid ang punglo ang umibig sa 'yo'y isa bang kasalanan gaya ng paratang ng huwad na lipunan masa ang katipan, kasal sa digmaan hinding-hindi nila ako mapipigilan tula ko'y pipiglas, aaklas, babaklas, at sa bilangguan ako ay tatakas malalim ang naiwas bakas sasabak tayong muli, kabakas simula na nga ng wakas lilisanin ang kahapon wasak at lagas at muling sisilang ang bukas na wagas sa wakas bukas

Seldang Maginaw

/33

Franco Remoroso Marahil ikaw ay nagtataka At naguguluhan sa iyong nakikita. Realidad ba o katotohanan Itong nangyayari sa lipunan? Api't dukha walang pagamutan! Center sa mga kanayunan Ospital na ang doktor Naggamot sa ibang bayan, Caregiver na ang pinasukan. Eto ang masang api't dukha Pilit humihingi't nagmamakaawa. Center, ospital at nurse na mapagkalinga, Ibigay bago mapugot ang hininga, O mapugto ang hininga, bago ibigay Ng gobyernong hugas-kamay. Dahil sa prinsipyo't napag-aralan Aral sa eskwelahan ay nalimitahan, Lalong malawak itong lipunan, Alalayan ng serbisyo at paglingkuran. Wala nang tatamis pa't sasarap ialay ang buhay sa masang mahihirap Na api-apihan at salat. Makulong man nang matagal at magdusa Oras ng kalayaan ay laging pag-asa. Ako'y nangangarap at laging umaasa Kayo ang magpapalaya at magpapasiya. Oras ng kalayaan, kayo ang magdidikta!

Hiling

34/

Paglalayag
Payat Rivera Sa paglalayag ng bawat pusong Sinasadyang ikulong at igapos Ang mga salitang ikinahon at di kinayang igupo ng karahasan Sa paglalayag ng bawat pusong Sinasadyang ikulong at igapos 'di ka tumigil... 'di ka natakot... Sa paniniwalang ang bilangguan ay hindi katapusan...hindi kawalan upang patuloy na paglingkuran ang masang anakpawis Naigapos man ng tanikala at rehas habang tinotortyur ang iyong diwa habang nilalason ang iyong isipan Nakita ko sa iyong mga mata Ang kasiyahang paminsan-minsan ko lang makita natuwa ka, dahil marami ang yumayakap at pinagpatuloy na paglingkuran ang masang anakpawis nakadama ka man ng lungkot ngunit panatag na umagos ang luha nakadama ka man ng lungkot ngunit panatag naman ang iyong puso dahil sa talas at tatag nito ay 'di tumigil ang iyong puso sa paglalayag dahil ang katulad nila... dahil ang katulad mo ay iginuhit sa malalim na puso ng kasaysayan. Seldang Maginaw /35

Hunyo 12, Sa Kulungan


Kerima Lorena Tariman I ang paroo't parito ay wala pang limang metro. maswerte na ri't medyo malaki ang bintana. mula rito, napagmamasdan ko kung gaano kabilis tumubo ang sitaw kapag merong abono. ang buong maghapon ay isang kahang sigarilyo. sa pagitan ng mga buga, may mga salitang binubuno. kailangan kong magbasa kailangan kong magsulat kailangan kong makinig sa mga salita, salita, salitang hindi maubos hindi masaid. II kailangan kong alisin ang aking utak mula sa aking ulo. kailangan kong hanapin ang mga salita at tirisin sila, parang kuto. kailan titigil ang mga salita sa pagsipsip ng aking dugo? 36/

huwag na sana. kahit kailan. hahayaan ko pa nga na ito'y tumulo, tumulo: masaganang dugo masaganang dugo mula sa aking bungo mula sa aking bungo III narito ba ako para matikman ang sitaw? masarap siguro ito lalo't kung inadobo. bukas, nilagang itlog ulit ang almusal kaya nga kailangan, kailangan kong magbasa kailangan kong magsulat kailangan kong makinig sa mga salita, salita salitang humihinga sa loob (at sa labas!) ng kinakalawang na rehas

IV ang paroo't parito ay walang hanggahan para sa mga salita, salita, salitang lumilikha salita, salita, salita, salita, salita, SALITA! samantala tinataktak ko ang maghapon sa isang lata. dinurugtungan ng munting baga ang aking hininga.

Seldang Maginaw

/37

Paglaya Maricon
Piping Walang Kamay Iniisip ko kailan tayo unang nagkita saan at paano nagkakilala? ang alam ko hindi naman ganoon kaluma tulad ng nagdaang isang dekada yaong pagitan noong unang magtagpo ang letratistang tila tinotono ang hawak-hawak na camera na may pinipihit sa bilugang lenteng pangkuha nitong mga lungkot at pighati mga luha at pagdurusa mga ngiti at pagtawa sa hanay ng masa isang babaing nasa katanghalian ng kanyang pagkatao at animo ikinakasa ang gamit na camera matapos ang bawat obrang kuha sa bawat galaw ng pagsasamantala at paglaban may ngiti sa mga mata hindi iyon halos nawawala at lumuluha ang mga labi na tila nagmamakaawa ikaw nga ang tila kumukupas na talinghaga subalit nananatiling sariwa tulad ng mga kuha mong larawan at obrang tila ikinulong sa kwadra ang bawat metapora 38/

sa hanay ng nagmamadaling paligid na tila ayaw man lang mahiga saglit upang magpahinga o umidlip kung ang bawat pagkakakilala nag-iiwan ng tatak sa gunita ko'y nag-iwan ka ng pilat gamit ang masiyahin mong imahe makulit na pagkilos na di mo aakalain Maricon, hayaan mong palayain ka namin sa aming mga awit at tugma sa bawat bibigkasing mga kataga hindi kami magsasawalang-bahala uusigin nitong aming bawat letra bawat naming panulat bawat namin larawang kuha yaong mga may sala yaong sa atin ay patuloy na nagsasamantala hanggang ikaw at maraming iba pang detenidong pulitikal makalaya na sa karsel na sa inyo'y pinaglagyan maglalagablab ang mga larawan paglaya ang isinisigaw tulad ng mga kuha mo kahit sa loob ng karsel lumalaban!

Seldang Maginaw

/39

Bilangguan
Sandino Esguerra Siksik sa hirap at pasakit Hitik ang kalungkutan at ligalig Itong piitan, sadyang pinasikip. Mahaba ang mga araw Pagtingala sa kawalan, Mahaba ang gabi sa karimlan Ng pangamba at panganib Lipos ng pakakainip kung ito'y maniil. Ang gutom na taglay ng kasalatan Kawalan ng katugunan ng estadong gahaman, Matibay na larawan ng ng matinding kahirapan Taglay nitong bulok na lipunan. Polisiya't patakaran ang nagpapatibay, Sa kagipitan yaring lehitimong karapatan Dangal at pagkatao, winawasak Mapanlait na paratang, tinatatak sa bilangguan. Matibay na pader, rehas na bakal, Alambreng tinik at armadong sahuran Tagapagtiyak ng sinisikil na kalayaan. Para kanino ba ang bilangguan? Ayon sa estado ng mga ganid at berdugo Bilangguan para sa may kriminal na kasalanan. Ngunit ang katotohanan Marami sa kanila, bakit wala dito? Kundi ang bulot, yaring masa Dinusta't niyurakan, karapatan at kalayaan!

40/

Ngunit kailanman detenidong pulitikal Hindi susuko, manghihina at pagugupo. Patagalin man yaring katawan Sa seldang makipot at siksikan. Yaring diwa mananatiling sariwa Sa pagtangan ng mayamang karanasan Ng makabuluhang paglaban. Dito man sa loob ng kwadradong larangan Susulong at maninidigan Para sa katuparan, Ng inaasam na ganap na kalayaan!

http://www.imemc.org/article/60089

Seldang Maginaw

/41

Para sa Lahat ng Bilanggong Politikal


Bryan Costa Nakapiit, Ngunit patuloy na nagpupumilit, Ang malayang diwa na naggigiit, Sa paghahangad na ang ganap na paglaya ay makamit. Nakakulong, Ngunit patuloy ang pagbulong, Ng hangin na pinasisiklab ang pagdaluyong, Hanggang sa ang katarungan ay matunton. Inilayo, Ngunit patuloy ang pagtindig at pagtayo, Ng hindi mabaling prinsipyo, Upang ang minimithing hustisya'y matamo. Inihiwalay, Ngunit patuloy na nagiging gabay, Ang kahandaang ang lahat ay ialay, Upang matiyak ang tinatanaw na tagumpay. Ipiniit, Sa layong makapanggigipit. Ikinulong, Upang hindi na muling makasulong. Inilayo, Upang sa pakikibaka ay huminto. Inihiwalay, Upang ang pagkilos ay suntok sa buwan. 42/

Dahil ipiit, ikulong, at ihiwalay man ang katawan, Patuloy sa pagsulong ang paglaban hanggang ang tagumpay ay makamtan... Gaano man kalawak ang kanilang mga piitan, Gaano man kalala ang ipukol nilang karahasan, hangga't ang baya'y lugmok sa kahirapan at yinuyurakan ang karapatan, Hinding-hindi mapipigil ang paglaban...

http://www.katarungan-dc.org

Seldang Maginaw

/43

Gusto kong Punasan ang Mukha mo


Jeric Jimenez Gusto ko sanang punasan Ang mga butil ng tubig Sa iyong mga mata. Kung hindi lamang dahil Sa mga kadenang ito At sa kulungang pinaiikutan Ng paulit-ulit nating mga hininga Ginawa ko na. Matagal ko nang pinunasan Ang mga butil na iyan Pati sa iyong mukha. Kung hindi lamang dahil Sa pamamaga ng iyong mga hita Kung hindi lamang dahil sa iniinda mong mga sugat, gasgas at mga pasa ginawa ko na ginawa ko na ang pagpunas sa mga iyan ginawa ko na ang panandaliang pagpawi sa pighati ng iyong mga mata.

44/

Kung hindi lamang makulit ang gwardiya Sa paghampas sa likod ko nang paulit-ulit. Kung hindi lamang maligalig Ang tubong kumukoryente Kung hindi lamang tumataas ang kilay At sa tuwina'y Pagkatao ko'y ginagaygay Ginawa ko na. Nagawa nang punasan Ng aking mga daliri Ang mga butil na iyan Sa iyong mukha Na tumutulo Hindi mabilis. Hindi tumitigil Totoong malumanay Totoong dahan-dahan Totoong nagdudulot ng pighati. Gusto ko sanang punasan Ang mga butil ng tubig Sa iyong mukha.

Seldang Maginaw

/45

Kilala kita
Sam Montuya (Alay kay Ericson Acosta: manunulat, makata, kuwentista, mang-aawit- - manggagawang pang-kultura) Sa dambana ng pinalaya ka unang nakilala. Itinuro mo sa akin kung paano wastong humabi ng mga titik kung paanong sandatang malupit ang tula't awit. Kung paanong dahil tayo'y malaya, gayon din dapat ang mga katha. Kasabay nito'y sabay nating hinahabi ang kasaysayan ng kasaysayan. Sa parehong panahon, sa magkaibang pagkakataon. Kung paanong sa bawat hilas ng talahib at palay, ay sintalim ng punla ng malama. Doon nagkakilanlan, ang matagal nang magkaibigan. Habang binabaybay ang pook kung saan malapit sa tabang at alat. Habang sabay nating tinatawanan ang nakatatawang sandali; at kadalasan

46/

Doon kita nakilala, habang sabay tayong inaaloy ng awit ng ating duyan. At walang patid na nagkakamustahan ang bawat tugmaan. Doon sa dambana ng pinalaya. kasama ang iba pang kasama.

Seldang Maginaw

/47

Sa mga madalingaraw na hinihintay


Emmanuel Halabaso Malamig sa madaling-araw rehas na humaharang, sumisiil sa kalayaang kaulayaw ang katahimikan tulad ng katotohanang pinahehele sa kasinungalingan. Malamig din ang sahig, kahalikan ang aking likurang kasingnipis ng pag-asang makalaya dito sa kinalalagyanmundong pinagugulong sa apatang sulok; pagpapanggap, pagsisinungaling, mahika at lohika (sa ganitong paraan ikinulong katawan at kaluluwa). Maginaw ang mga madaling araw na dumaan.

48/

Isang taong pinagtiisan, hinayaan mapakita lamang ang katotohanan malarehas ang kalagayan ng mundong wala man sa piitan tulad ko ang kinahantungan. Iyan, mas maginaw na katotohanang lahat tayo ay bilanggo sa politika ng lipunang iwawarden ng mga buwaya, buwakanang lelat nila. Malamig na bangkay sa maginaw na madaling arawlarawan ng pagsasapat at alam ko malapit na ang hinihintay.

http://www.guardian.co.uk

Seldang Maginaw

/49

You might also like