Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang kalusugan ay kayamanan. - Health is Wealth Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.

- Life is like a wheel, sometimes your up sometimes your down. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan. - A person who does not remember where he came from will never reach his destination. Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay. - Poverty is not a hindrance to success. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mahigit pa sa mabaho at malansang isda. - He who does not love his own mother tongue is worse than a rotten fish. Ang palay ay parisan, habang nagkakalaman ay alalong nagpupugay. - Imitate the rice stalk, the more grains it bears, the lower it bows. Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw. - A quitter never wins, a winner never quits. Walang tiyaga, walang nilaga - No pain, no gain Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak. - United we stand, divided we fall. Masakit ang katotohanan. -The truth hurts. Ang sakit ng kalingkigan, dama ng buong katawan. - The pain of the little finger is felt by the whole body. Huli man daw at magaling, naihahabol din. - Better late than never. Kapag and dagat ay tahimik, asahan mo at malalim. - Still waters runs deep. Ang tulog na hipon , tinatangay ng agos. - A sleeping shrimp is carried away by the current. Ang pag-aasawa ay hindi biro, 'di tulad ng kanin, Iluluwa lung mapaso - Marriage is not a joke. It is not like food that you can spit out when it is too hot to chew. Walang palayok na walang kasukat na tungtong. - Every pot has a matching lid. Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan. - - -You will know a true friend in time of need. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala. - - - He who takes a lot of risks loses more than he can gain. Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi. - - - Emulate what is good, ignore what is bad. Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik. - - - Nobody who spits upward does not spit on his face. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. - - - Of what use is the grass when the horse is already dead. Maraming salita, kulang sa gawa. A man that talks too much accomplishes little. Madaling sabihin, mahirap gawain. Easier said than done. Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga. --Spend lavishly and you end up with nothing. Habang may buhay, may pag-asa. - - - While there is life, there is hope. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. Naaabot na ng kamay, iginawa pa ng tulay. (Sagot: Kubyertos) Wang itak, walang kampit, Gumagawa ng bahay na ipit. (higad) Nagsaing si Hudas, kinuha ang hugas, itinapon ang bigas. (Gata ng Niyog) Kung pabayaan ay nabubuhay, kung himasin ay namamatay. (Makahiya) Puno'y layu-layo, Dulo'y tagpu-tagpo. (bundok) Sa init ay sumasaya, sa lamig ay nalalanta. (Akasya) Dalawang batong malalim, hindi maabot ng tingin. (Tenga)

Karagdagang kasagutan: Mga sagot sa ating bugtong: 1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: kandila 2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako. Sagot: langka 3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ampalaya 4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: ilaw 5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: anino 6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. Sagot: banig 7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: siper 8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Sagot: gamu-gamo 9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Sagot: gumamela 10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. Sagot: kubyertos 11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. Sagot: kulambo 12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. Sagot: kuliglig 13. Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan. Sagot: kulog 14. May bintana nguni't walang bubungan, may pinto nguni't walang hagdanan. Sagot: kumpisalan 15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Sagot: palaka 16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. Sagot: kasoy 17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sarisari. Sagot: paruparo 18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. Sagot: mga mata 19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin

makita. Sagot: tenga 20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. Sagot: baril 21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. Sagot: bayong o basket 22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. Sagot: batya 23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. Sagot: kamiseta 24. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad. Sagot: saraggola 25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. Sagot: ballpen o Pluma 26. Nagbibigay na, sinasakal pa. Sagot: bote 27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga. Sagot: sandok 28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. Sagot: kampana o batingaw 29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona. Sagot: bayabas 30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa. Sagot: balimbing 31. Maliit na bahay, puno ng mga patay. Sagot: posporo

Walang Panginoon: Isang Pagtingin Julio Inocencio (H4B) Isa sa mga takdang gawain sa Filipino ang sumusunod na sanaysay. Kabilang si Julio sa mga magaaral na nasa klase ni G. Richard Ramos.

Ang kuwento ni Deogracias A. Rosario, Walang Panginoon, ay umiikot sa isang maralitang pami lya at sa kanilang pakikipagtunggali sa mga mayayamang nagsasamantala sa kanila. Mababatid ang pagtatagisan ng dalawang puwersa, ang naghaharing uri na kinakatawan ni Don Teong at ng mababang uri na makikita sa tauhang si Marcos. Dahil sa pangunahing temang ito, maaaring suriin ang kuwentong ito ayon sa Marxismong kritisismo. Kung susuriing mabuti ang pangunahing suliranin tungkol sa pag-agaw, pagbuwis at paglisan mula sa saka, makikita ang isyu ng class struggle kung saan ang matataas na uri ay may kakayahang samsamin kung anuman ang mayroon ng mga mahihirap. Hindi rin binigyang halaga ang karapatan o katwiran ng pamilya ni Marcos ng sistemang judicial dahil sa pagiging mahirap nila. Bunga nito ang pang-aapi at pagsasamantala ni Don Teong sa pamilyang Hindi na aahon pa mula sa kahirapan, habang patuloy na yumayaman si Don Teong. Ito rin ay pumapatungkol sa malaking agwat ng mahihirap at mayayaman sa isang lipunan na siyang tinutuligsa ng Marxismo. Mahalaga ring tingnan ang pag-iibigan Nina Marcos at Anita na tila isang kasuklam-suklam na kasalanan para kay Don Teong na naitulak pa ang sariling bugbugin ang anak pagkatapos mabatid ang pag-iibigan ng dalawa. Dito pumapasok ang pagbubukod ng mga mayayaman sa mga mabababang uri o alienation mula sa lipunan. Panghuli, ang paghihiganting ginawa ni Marcos ay isang pagtugon sa teorya ng Marxismo sa kamatayan ng kapitalistang uri dulot ng pag-aalsa ng mga manggagawa. Sa huling talata ng kuwento ipinahayag ang pagbuwag ng isang kapangyarihang mapang-api at ang paglaya ng isang mahirap sa mga kamay ng mataas na uri. Isang kasangkapan ang pamagat sa pagpapatingkad ng pangkalahatang tema ng kuwento-ang pagpatay sa isang sistemang walang katarungan at isang kalakarang tagilid at pabor lamang sa mayayaman. Ang pagbanggit ng 'walang panginoon ' sa hulihan ng kuwento ay isang pag-asam ng isang lipunang walang mataas at walang mababa, isang lipunang komunismo. Ang panginoon ay kumakatawan sa mga Tao o bagay na pinagmumulan ng kapangyarihan na nagbubunga sa isang mapang-aping sistema na sanhi naman ng pagdurusa ng mga mahihirap. Sa pagpatay kay Don Teong sa hulihan ng kuwento ay isang paraan ng pagpapahayag ng mensahe na ang patuloy na pang-aabuso ng isang Tao sa mga mabababa sa kanya ang siyang maghahatid sa kanya sa ilalim ng lupa. Mangyayari lamang ito kapag may mga nakatataas at may naaapi kung kaya't ang pamagat ng kuwento ay ang pagnanais na walang panginoon.

You might also like