Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Hudhud: Ang Kuwento ni Aliguyon (epiko ng mga ifugao) Ang lahat ng tao ay magkakapatid sa kabila ng pagkakaiba sa wika, sa ugali,

at sa pananampalataya. Sa mga hinagdang isang taniman sa si

bulubundukin Aliguyon,

naninirahan

mandirigmang

Ipugaw na mabilis at magaling sa paghawak ng sibat. Anak siya ni Antalan, isa ring mandirigma. Maagang natuto ng pakikipaglaban si Aliguyon sa tulong ng kanyang ama. Ang unang larangan ng digma ni Aliguyon ay ang matitigas na lupa sa tabi ng kanilang tahanan. Ang unang sandata niya ay ang trumpo at ang mga unang kalaban niya sa larong ito ay ang mga bata rin sa kanilang pook. Kapag pinawalan ni Aliguyon ang kanyang trumpo, matining na matining na iikot ito sa lupa o kapag inilaban niya ito sa ibang trumpo, tiyak na babagsak na biyak ang laruan ng kanyang kalaban. Tinuruan din siya ng kanyang ama ng ibat-ibang karunungan: umawit ng buhay ng matapang na mandirigma, manalangin sa Bathala ng mga mandirigmang ito at matutuhan ang mga makapangyarihang salita sa inusal ng mga pari noong unang panahon. Ikinintal ni Amtalan sa isip at damdamin ng anak ang katapangan at kagitingan ng loob. Talagang inihanda ng ama si Aliguyon upang maipaghiganti siya ng anak sa matagal na niyang kaaway, kay Pangaiwan ng kabilang nayon. Nang handang-handa na si Aliguyon, nagsama siya ng iba pang mandirigma ng kanilang nayon at hinanap nila ang kalaban ni Antalan. Subalit hindi si Pangaiwan ang natagpuan kundi si Dinoyagan, ang anak na lalaki nito. Mahusay din siyang mandirigma, tulad ni Aliguyon, inihanda rin siya ng kanyang ama sa pakikipaglaban upang maipaghiganti siya ng anak sa kalaban niyang si Antalan. Kaya anak sa anak ang nagtagpo. Kapwa sila matatapang, kapwa magagaling sa pakikipaglaban lalo na sa paghawak ng sibat. Itataas ni Aliguyon ang kanyang sibat. Nangingintab ito lalo na kung tinatamaan ng sikat ng araw. Paiikutin ang sibat sa itaas saka mabilis ang kamay ng binatang kalaban. Aabangan ng matipunong kanan ang sibat na balak itimo sa kanyang dibdib.

Tila kidlat na paroot-parito ang sibat. Maririnig na lamang ang haging nito at nagmistulang awit sa hangin. Nanonood ang mga dalagang taga-nayon at sinusundan ng mga mata ang humahanging sibat. Saksakin mo siya, Dinoyagan! Sasawayin sila ng binata, Kasinggaling ko siya sa labanang ito. Araw-araw ay nagpatuloy ang kanilang laban hanggang sa itoy inabot ng linggo, ng buwan. Kung saan-saan sila nakarating. Nagpalipat-lipat ng pook, palundag-lundag, patalun-talon sa mga taniman. Namumunga na ang mga palay na nagsisimula pa lamang sumibol nang simulan nila ang labanan. Inabot ng taon hanggang sa silay lubusang huminto ng pakuluan ng sibat. Walang nasugatan sa kanila. Walang natalo. Naglapit ang dalawang mandirigma. Nagyakap at nagkamayan, tanda ng pagkakaibigan at

pagkakapatiran. Dakila si Aliguyon. Dakila si Dinoyagan. Ipinangako nilang sa oras ding iyon na lilimutin na ang alitan ng kanilang ama. Nagdiwang ang lahat. Lalong nagkalapit ang damdamin ng dalawang mandirigma nang mapangasawa si Aliguyon si Bugan, ang kapatid ni Dinoyagan at nang maging kabiyak ng dibdib ni Dinoyagan ang kapatid ni Aliguyon. Nanirahan sila sa kani-kanilang nayon. Doon sila namuhay nang maligaya. Doon lumaki ang kanikanilang mga supling. Kung may pista o anumang pagdiriwang sa kanilang nayon, buong kasiyahanng pinanonood ng mga taga-nayon ang dalawa lalo na kung silay sumasayaw. Kung mahusay sila sa pakikidigma ay mahusay din sila sa pagsasayaw. Lumulundag sila at pumailanlang na parang maririkit na agila. Sa kani-kanilang nayon, tinuruan nina Aliguyon at Dinoyagan ang mga tao tungkol sa marangal na pamumuhay, karangalan, at katapangan ng mga mandirigma, at pagmamahal at pagmamalasakit sa Inang Bayan. Kahit na silay pumanaw, binuhay ng mga Ipugaw ang kanilang kadakilaan. Inaawit ang kanilang katapangan. Hindi mawawala sa puso at kasaysayan ng mga Ipugaw ang kagitingan ng dalawang mandirigma. Nagpasalin-salin sa mga lahi ng Ipugaw, ng mga Pilipino ang dakilang pamana ng mga dakilang mandirigma.

BIAG NI LAM-ANG (EPIKO NG MGA ILOCANO) Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may mag-asawang kilala sa pangalang Don Juan at Namongan. Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang nayon at pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit, nilusob naman ni Don Juan ang mga Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindi na nakabalik si Don Juan sa kanyang nayon. Ang naging balita, siya ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot. Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na ang pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging ninong. Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa siyang ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno at malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-ang na makaalis. Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang mahiwagang tandang, ang tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman mula sa punong saging. Sa tulong ng kanyang talisman ay madali niyang nalakbay ang mga kabundukan at kaparangan. Sa laki ng pagod ni Lamang, siya ay nakatulog. Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa kanyang ama na nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang ama. Nagpatuloy si Lam-ang sa paglalakbay at narating ang pook ng mga Igorot. Nakita niya ang ulo ni Don Juan na nasa sarukang, isang haliging kawayan. Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang huwag siyang matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas si Lam-ang at nayanig ang mga kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng marami kaya't dumating ang maraming Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng kanilang mga sibat. Hindi man lamang nasugatan si Lam-ang. Nang maubusan ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos. Hinugot niya ang mahaba niyang itak at para lamang siyang tumatabas ng puno ng saging, na pinagpapatay niya ang mga nakalaban.

Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng tribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang. Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian upang manligaw sa isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang kanyang mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang. Pinahipan ni Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong bundok. Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang mahiwagang aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang. Muling tumayo ang bahay. Napansin si Lam-ang. Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines. Hindi naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya na kapantay ng kayamanan nina Ines. Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang ni Ines. Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan. Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya, na siya ay makakain ng pating na berkahan. Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari ito. Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang bilin ni Lam-ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan ng saya ni Ines. Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso. Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang na parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog. Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.

TUWAANG (EPIKO NG MGA BAGOBO) Ang Tuwaang, epiko ng mga Bagobo, ay isang mahabang tula na nagsasalaysay ng mga kabayanihan ni Tuwaang. Si Tuwaang ay siyang puno ng Kuaman. Balita siya sa katapangan, lakas at kakisigan. Isang araw tumanggap si Tuwaang ng balita na may isang dilag na nagmula sa kalangitan ng Buhong na nakarating sa kaharian ni Batooy upang humingi ng tulong. Tinawagan ni Batooy si Tuwaang. Nagpaalam si Tuwaang sa kapatid niyang babae na kinagigiliwan iyong tawaging Bai, ibig niyang tulungan ang nasabing dalaga. Ayaw mang pumayag ni Bai sapagkat ang gagawin ni Tuwaang ay lubhang mapanganib, hindi rin napigil si Tuwaang sa gagawin niyang pagsaklolo. Sumakay si Tuwaang sa kidlat. Ang karaniwan niyang sasakyan ay hangin. Ngunit sa pagkakataong ito'y humingi siya ng pasintabi sa hangin na hindi ito ang gamiting sasakyan sapagkat siya'y nagmamadali. Dumaan muna si Tuwaang sa lupain ng Binata ng Pangavukad. Dinulutan si Tuwaang ng itso (ikmo at bunga). Ang pagdudulot ng itso sa panauhin ay kaugalian ng mga Muslim. Pumunta si Tuwaang at ang Binata ng Pangavukad sa lupain ni Batooy. Pagdating nila roon, dahil sa kagandahang lalaki ni Tuwaang ay halos hinimatay ang mga tao sa laki ng paghanga sa binata ng Kuaman. Pumanhik si Tuwaang at sa laki ng pagod dahil sa paglalakbay ay nakatulog siya sa pagkakaupo sa tabi ng dalagang may lambong ng kadiliman, ang dalaga ng Buhong. Nang magising si Tuwaang, dinulutan ang dalawa ng itso at sila'y ngumanga. Mula pa ng dumating sa lupain ni Batooy ay walang nais kausapin ang dalagang may lambong ng kadiliman. Hinintay niya si Tuwaang upang dito sabihin ang kanyang malaking suliranin. Nagkagusto ang binata ng Pangumanon sa dalaga. Malaki naman ang pag-ayaw ng dalaga, subalit nais kunin ng Binata ng Pangumanon ang dalaga sa dahas. Kaya napilitan siyang humingi ng saklolo kay Tuwaang at kay Batooy. Hindi pa gaanong natatagalan ang pag-uusap ni Tuwaang at ng dalaga ng Buhong ay dumating naman ang Binata ng Pangumanon. Walang taros na pinagtataga ng Binata ng Pangumanon ang tauhan ni Batooy. Para lamang tumatabas ng puno sa isang tubuhan at sa ilang saglit nakabulagta nang lahat ang mga kawal at tauhan ni Batooy. Nanaog si Tuwaang at nagharap ang dalawang malakas at makapangyarihang lalaki. Ginamit ni Tuwaang ang kanyang kampilan. Sa lakas ng pagtatagaan ay naputol ito. Itinapon ni Tuwaang ang puluhan nito at

kaagad na tumulong ang punong malivutu. Gayon din ang nangyari sa binata ng Pangumanon. Ginamit naman ni Tuwaang ang iba pang sandata niyang palihuma, gayon din ang balaraw hanggang nabali rin sa puluhan ang mga ito. At sabay na nagtapon ng baling puluhan ang dalawa at ito'y naging punong maunlapay. Nang magkaubusan na sila ng mga armas, sinunggaban ng Binata ng Pangumanon si Tuwaang at ibig durugin sa kanyang binti. Hindi nasaktan si Tuwaang. Sinunggaban naman ni Tuwaang ang Binata ng Pangumanon at tinangkang ihampas sa malaking bato. Nang sasayad na ang katawan, ang bato ay naging alabok. Tinawagan ng Binata ng Pangumanon ang kanyang patung. Ito'y isang dangkal na bakal na ipinulupot kay Tuwaang. Ang patung ay bumuga ng apoy. Inunat ni Tuwaang ang kamay at namatay ang apoy. Tinawagan naman ni Tuwaang ang kanyang patung at nagliyab ang binata ng Pangumanon at namatay. Ngumanga si Tuwaang at ibinuga ang tabug ng nganga sa mga tauhan ni Batooy at sila'y nabuhay na lahat. Iniuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman. Pagdating nila sa Kuaman ay may ligalig na nagaganap. Pagkatapos na magapi ni Tuwaang ang kalaban, minabuti niyang doon na sila sa bayan ng Katu-san manirahang lahat. Inilulan ni Tuwaang sa sinalimba, isang ginituang sasakyang lumilipad ang lahat niyang tauhan. Pinasan ni Tuwaang sa magkabila niyang balikat ang dalagang Buhong at ang kapatid na si Bai at pumunta rin sila sa Katu-san, ang lupaing walang kamatayan.

You might also like