Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Mukha ng Tao

ni Aniceto F. Silvestre Ang mukha ng tao ay dalawa lamang; Maganda o pangit, mabait o sukab at huwad o tunay; Sa tuwa at dusa o galit kaya ay nalarawan Ang mukhang salamin ng talagang buhay. Daming mukhang mahal ay may maskara. Ang tunay na mukha ay itinatogo't mukhang ganid pala: Buti pang di - hamak, ang mukhang magaspang at pangit sa iba Kung sa kanyang dibdib ay may pusong maganda. Sa ibang pag-uri, ang mukhang tanso man, Nagmumukhang ginto sa pagpapakinis ng mat'yagang kamay; Sa masusing tingin at pag nakatabi'y sadyang ginto lantay Ang tanso'y makintab, ang ginto'y makinang. Ang mukha'y pambungad sa harap ng madla Larawan ng tao na pinagaganda't nang di - mukhang gawa. Ang magandang buhay may magandang mukha. Di sawang tingin mukhang maalindog, Sa pag-aalaga, mukhang di man dilag ay kalugud - lugod; Ang mukha ng tao'y siyang naiiwan sa gunitang taos Palibhasa'y mukhang nawangis sa Diyos.

You might also like