Tamang Pagbubuhat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

June 10, 2013

HEALTH AND SAFETY TIP OF THE WEEK


Tips sa pagbubuhat.
Mga naidudulot na sakit ng laging pagbubuhat. 1. Sakit sa likod Ito talaga ang pinakamalaking problema ng lahat. Nahihirapan kasi ang masel natin sa likod. Baka magkaroon ka ng slipped disc o iyung lumihis ang buto sa likod. 2. Arthritis Sasakit din ang mga kasu-kasuan natin, mula sa balikat, baywang at talampakan. 3. Luslos (hernia) Sa sobrang bigat ng kinakarga, puwedeng magkaroon ng luslos. Ito iyung may lumalabas na laman sa may singit o puwerta ng babae kapag silay umuubo o may kinakargang mabigat.

Paano iiwas sa mga sakit na ito? Heto ang tips:

.Umiwas sa pagbaluktot o pag-bend ng likod. Siguraduhing laging derecho lang


ang likod kapag may kinakarga, gamit man o bata ang binuhat. Mag-bend ng tuhod (squat) kung may bubuhatin mula sa sahig. Huwag ibaluktot ang likod. Gamitin ang masel sa hita para i-angat ang kagamitan.

Gumamit ng trolley o kariton para mapagaan ang kinakarga.

Mas madali ang magtulak ng bagay kaysa maghila. (Push, dont pull.) Mas mahirap sa ating likod ang paghila.

Konti-konti lang ang buhatin. Kapag sobrang bigat na, hati-hatiin ang bubuhatin. Ikondisyon ang katawan. Mag-ehersisyo at mag-stretching. Magpatulong sa iyong kinakarga. Sa ganitong paraan, kalahati lang ang bigat sa iyo. Kumain ng sapat at masustansya. Kumain nang maraming protina tulad ng karne at isda para lumakas ang katawan. Huwag puro kanin lang. Uminom ng vitamins. Uminom din ng 10 basong tubig araw-araw

Prepared by: Nurse Yza

You might also like