Nutrition Month Roleplay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

RECESS (tumutunog ang school bell, nagpapahayag ng simula ng recess, nagsilabasan ang mga bata at bumili o kumain ng mga

chichirya at juice)

SILID-ARALAN (muling tumunog ang school bell, hudyat ng pagbalik sa klase) (matatamlay at inaantok ang mga bata na pumasok sa kanilang silid-aralan) Titser: Magandang umaga mga bata! Mga Estudyante: Magandang umaga rin po maam. (napakahina at tila walang ganang pagkakasabi) Titser: Bat ang tatamlay niyo? Abay ang aga-aga pa at katatapos lamang ng recess. Eh di ba kumain na kayo? Mga Estudyante: Opo. Titser: Natitiyak kong hindi masustansya ang kinain niyo kanina. Tama ba ako? Mga Estudyante: Ahhm (sabay kamot sa ulo) Titser: Tamang-tama! Tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa nutrisyon; para sa Science. Sa inyong palagay mga bata, anu-ano ang mga halimbawa ng mga masusustansyang pagkain? (turo sa isang istudyante) Ikaw Tomas? Tomas: Prutas at gulay po maam. Titser: Bat niyo naman nasabi iyon? Tomas: Eeeh, nakalimutan ko po. (kinamot ang ulo) Parang yun ho ang sabi ng nanay ko eh. Mga Estudyante: WHAHAHAHAHAHAHA! (tumawa ng malakas) Titser: Shhh.. Tama na iyan mga bata. (tumahimik sila) Totoo ang sinasabi ng nanay ni Tomas, pero mali doon ay ang paglimot niya sa ganyang bagay. Napakabata niyo para makalimot. Tessie: Eh kung gulay po ang pinag-uusapan, ano po kaya yung pinakaimportanteng gulay sa lahat? (nagsimulang mag-isip ang mga bata)

IMAHENASYON Saging: Magandang umaga mga gulay! Kay ganda ng panahon, hindi ba? Ako ay nagagalak pagkat kayo ay nakarating sa ating napakahalagang pagpupulong. Dahil ngayon tayo maghahalal ng gulay na aako sa responsibilidad ng pagiging hari; gusto kong tawagin ang mga interesadong gulay na isa-isang pumunta sa entablado upang sabihin ang kanilang mga magagandang katangian. Pagkatapos tayong lahat ay magsasagawa ng botohan kung sino ang nararapat na tanghaling hari ng buong kagulayan. Karots: (agad na tumayo) Ako ang karapatdapat na maging hari pagkat iyon ang sabi ng mga kaibigang kong kuneho. Mga gulay: HAHAHA! (nagtatawanan ang mga gulay)

Saging: Magsitahimik tayong lahat! Pakinggan natin ang pahayag ni Karots. Karots: Gusto rin ako ng mga bata! Akoy may napakaganda at nakaka akit na kulay. At ang pinaka-importante ay mayaman ako sa Bitamina A na nakakapag-linaw ng ating mga mata. Saging: Salamat Karots. Susunod. Patatas: (tumayo, pumunta sa harap at padabog na nilagay ang mga kamay sa mesa) Ako ay Patatas! Kilala niyo na ako! Punong-puno ako ng Carbohydrates. Nakakapag-bigay enerhiya yan sa katawan. Bukod pa doon, nakukuha ako buong taon. Broccoli: (dahang-dahang tumayo at payukong humarap sa kapwa gulay) A-ako po ay Brocolli. K-kahit po kamukha ko ang Cauliflower, a-ako poy may napakaganda at preskong kulay. S-siguradong magugulat kayo dahil mas maraming Bitamina C ako kaysa sa citrus, at mas mayamang Calcium kung ikokompara sa gatas. (nagpalakpakan ang lahat ng gulay) Saging: Hmmm... Napakahirap. Bawat-isa ay mahalaga. Lahat silay nagbibigay lakas at l usog sa katawan. Talagang napakahirap mamili ng isang gulay na tatanghalin nating hari. (nag-iisip ang lahat)

SILID-ARALAN Mga Estudyante: (namangha) Titser: Mga bata kanina pa ako nagsasalita rito, parang napakalalim ng iniisip niyo. Mga Estudyante: Aah wala po. Maria: Naisip lang po namin na wala naman pong pinakamagaling, pinakamaganda, o hari ng buong kagulayan. Mga Estudyante: HAHAHA! Titser: Bakit niyo naman nasabi iyon? Juana: Kasi po dapat hindi po tayo kumain ng iisang gulay lamang. Pedro: Bawat-isa ay may kanya-kanyang sutstansya at nutrisyon na dapat nating ibalanse. Lito: At naisip po namin Mga Estudyante: Na simula ngayon ay kakain na kami ng masusustansyang pagkain lalo na ang ibat-ibang klase ng gulay. Kasi po.. (Makulay Ang Buhay ay simulang tumugtog)

You might also like