Alamat NG Lugar

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Alamat ng lugar

ALAMAT NG CAINTA
LABELS: ALAMAT NG MGA BAYAN AT LUGAR
Formatted: Font: (Default) inherit, 9 pt, Font color: Custom Color(RGB(104,104,104)), Border: : (No border)

Ang Cainta ay isang bayan sa lalawigan ng Rizal. Noong unang panahon, may isang babae na kilalang-kilala ditto dahil sa magaganda niyang katangian. Mayaman, maganda, mabait at matulungin. Ang pangalan niyay Jacinta.

Ugali na niya ang tumulong sa kapwa. Nililimusan niya ang bawat pulubing lumalapit sa kaniya. Iniimbitahan pa nya ang mga ito upang kumain sa kanila. Mahilig din siyang makipaglaro sa mga mahihirap na bata. Ano mang laruan na magustuhan ng mga ito na hindi rin makasasama sa mga bata ay kanyang ipinagkakaloob sa mga ito. Hanggang sa kanyang pagdadalaga ay dala pa rin ni Jacinta ang magagandang katangiang ito.

Si Jacinta ay madasalin. At kung araw ng lingo siya ay nasa simbahan. Nagpapamigay din siya ng mga regalo sa mahihirap pagkatapos ng misa. Dahil sa kanyang kabaitan, biniyayaan siya ng Diyos ng magandang kapalaran sa pag-ibig. Naging kasintahan niya ang kanyang kababata na isa ring mabuting tao.

Mabait at maunawain din ang kanyang nobyo. Sa kasamaang palad ay nagkasakit ang lalaki at namatay.

Mula noon ay wala ng pag-ibig na nagpatibok sa puso ni Jacinta kaya siya ay naging isang matandang dalaga. Nang mamatay ang kanyang mga magulang, ginugol na lamang niya ang kanyang panahon sa pagtulong sa kapwa at sa mga nangangailangan.

Napamahal nang husto si Jacinta sa mga kanayon niya. Bilang pangalan ay tinawag siya ng mga ito sa pangalang Ka Inta na ang kahulugan ay kaligtasan ng mga nangangailangan.

Naging kaugalian na ng mga tao na dumalaw sa kanya tuwing Pasko.

Isang araw ng Pasko ay laking pagtataka ng mga tao na walang sumasagot sa kanilang pagkatok. Sumilip sila sa bintana at nagulat sila ng makita nilang nakahandusay sa sahig si Ka Inta at wala ng buhay. Nalungkot at nagluksa ang mga tao sa paglisan ng isang mabuting tao na si Ka Inta.

Ang kamatayan ni Ka Inta ay kumalat na parang apoy at ipinagdasal ng mga tao ang katahimikan ng kanyang kaluluwa. Bilang paggalang sa kadakilaan ni Jacinta, ang kanilang lugar ay tinawag nilang Kainta na ngayoy tinawag na Cainta

ALAMAT NG BINANGONAN
LABELS: ALAMAT NG MGA BAYAN AT LUGAR
Formatted: Font: (Default) inherit, 9 pt, Font color: Custom Color(RGB(104,104,104)), Border: : (No border)

Ang bayan ng Binangonan ay nasa silangang dako ng Laguna de Bay. Ang dagat na ito ay nasa pagitan ng lalawigan ng Rizal at Laguna.

Noong unang panahon, ang mga nakatira sa bayan ng Binangonan ay magkakamag-anak, sila ay madasalin, nagdadamayan sa lahat ng oras, sa kahirapan man o kalungkutan.

Lahat ng ito ay nawalang saysay dahil sa isang malakas na bagyo na dumating sa bayan nila.

Marami ang mga nasaktan, napinsala ang mga kabuhayan dahil sa bagyo. Marami rin ang ipinadpad doon ng malalaking alon. Isa na rito ang isang lalaki na inakala nilang patay na dahil hindi ito humihinga.

Sa ayos ng kanyang suot, hindi siya mangingisda, tulungan natin siya. Wika ng alkalde ng bayan.

Pinulsuhan ng isang albolaryo ang lalaki. Minasahe niya ito at diniinan sa dibdib para mailabas nito ang nainom na tubig hanggang sa huminga ito at ng magkamalay nagpumilit bumangon ang lalaki.

Ang balita ay mabilis kumalat sa nayon at sa mga karatig na pook na may patay na bumangon.

Magmula noon, ang baybay-dagat ay tinawag nilang binangunan ng patay.

Ayaw magsalita ng lalaki kaya inakala ng mga tao doon siya ay pipi. Mabait at masipag ito kaya siya ay pinagkatiwalaan ng alkalde. Maging ang dalagang anak ng alkalde ay napalapit din sa kanya.

Bina ang pangalan ng dalagang anak ng alkalde. Si Bina ang nakatuklas na nakapagsasalita ang binata. Siya si Agustin at pinagaaral siya ng isang pari sa Maynila. Napagbintangan siyang nagnakaw kaya siya ay lumayas at sa Pateros siya nanuluyan.

Namangka ako para pawiin ang aking sama ng loob. Noon lang ako namangkang mag-isa. Inabutan ako ng malakas na hangin at inanod ako sa malayo ng lumaki ang mga alon. Lumubog ang aking sinasakyang Bangka, kumapit ako pero nawalan ako ng malay. Malungkot na kwento ng binata.

Kawawa ka naman. Sambit ng dalaga. At dooy naging magkaibigan ang dalawa.

Isang gabi, nagpasya ang dalawa na magtanan. Sa kabilugan ng buwan, dahan-dahan silang nanaog at pumunta sa tabing dagat, ngunit nakasalubong nila ang alkalde na nagpapahangin sa may dalampasigan.

Nahulaan ng alkalde na magtatanan ang dalawa kaya sag alit ng alkalde ay naging marahas ito kay Agustin hanggang sa mapatay ito.

Nabigla rin ang alkalde sa bilis ng pangyayari kayat tumakas ito at iniwan ang anak na umiiyak habang kalong ang binata. Sa sama ng loob ay nagdilim ang isip ni Bina, siya ay nagpakamatay sa tabi ng kanyang minamahal na lalaki.

Kinabukasan, natagpuan ng mga tagaroon ang dalawang bangkay sa mismong lugar na binangunan noon ni Agustin. Doon rin nila inilibing ang dalawa. At magmula noon, ang pook na iyon ay tinawag nilang Binangonan.

ALAMAT NG OLONGAPO
LABELS: ALAMAT NG MGA BAYAN AT LUGAR
Formatted: Font: (Default) inherit, 9 pt, Font color: Custom Color(RGB(104,104,104)), Border: : (No border)

Noong araw ay may isang binatang mag-isang namumuhay sa malawak niyang bukirin. Marami ang tumutulong sa kanya gaya rin ng pagtulong niya sa kapwa. Kinagigiliwan siya at iginagalang ng mga kabataan. Katunayan ay tinatawag siyang Apo ng mga ito. Ang tunay niyang pangalan ay Dodong.

Hindi kalayuan sa lupain ni Dodong ay may nakatirang isang dalagang mayumi at maganda. Mahaba at mabango ang kanyang buhok. Marami ang nabibighani sa kagandahan ni Perla. Matagal na silang magkakilala ngunit walang puwang sa puso ng binata si Perla dahil na rin sa agwat ng kanilang edad.

Lumipat ng tirahan sina Perla at ang kanyang mga magulang. Hindi rin sila nagkikita ni Dodong.

Isang hapon, hindi sinasadyang nakasalubong sina Dodong at Perla. Noon lang napansin ng lalaki ang iwing ganda ng babae. Binati ni Dodong si Perla at inalok na ihatid ang dalaga. Pinaunlakan naman siya ni Perla.

"Tatang, narito po si Apo. Dadalaw po siya sa inyo ni Nanang," ang masayang bungad ni Perla pagsapit sa kanila.

"Aba, Dodong! Mabuti naman at napasyal ka rito sa amin," ang masayang bati ng ama ni Perla.

"Kumusta po kayo? Nahihiya po ako at hindi na ako nakatulong sa bayanihan dito sa inyo," magalang na tugon ni Dudong.

"Naku, eh, huwag mong alalahanin iyon. Alam kong solo kang namumuhay at iniuukol mo sa bukid ang iyong panahon. Pasabihan mo na lang kami kung kailangan mo naman ng tulong sa iyong bukid," ang amuki ng tatang ni Perla.

"Marami pong salamat. Hayaan po ninyo at tuwing Sabado ay dadalaw ako para makatulong din ako sa inyo," tugon ng binata.

Simula noon ay madalas nang nagkikita sina Dodong at Perla. Naging daan iyon upang magkalapit ang kanilang damdamin. Hindi naman ito pinigilan ng mga magulang ng dalaga dahil gusto nila si Dodong para sa anak.

Minsan, isang malaking bangka ang dumaong sa may baybay-dagat. Lulan nito ay mga lasing na Kastila. Nakita nila si Perla. Tinanong nila ang dalaga. Hindi naintindihan ni Perla ang salita ng lasing ng Kastila kaya ngumiti na lang siya. Akala ng Kastila ay pumayag si Perla sa gusto nito kaya niyapos at hinalikan ang dalaga. Sumigaw si Perla at humingi ng saklolo.

May mga tumawag kay Apo at ibinalita ang pambabastos kay Perla. Nagdilim ang paningin ni Dodong. Sinugod niya ang mga Kastila at walang patumanggang nilabanan ang mga ito. Sa kasamaang palad ay napatay si Dodong. Upang huwag pamarisan ay pinutulan nila ng ulo si Dodong. Isinabit nila ang ulo nito sa isang tulos ng kawayan.

"Ulo ng Apo! Ulo ng Apo!" ang sigawan ng mga bata.

Akala ng mga Kastila ay Ulo ng Apo ang pangalan ng pook na iyon. Sa kauulit ng salitang "Ulo ng Apo," naging Olongapo ito. Magmula noon ang pook na iyon ay tinawag nilang Olongapo, ang pinakapusod at pinakamakulay na bahagi ng Zambales.

ALAMAT NG GAPAN
LABELS: ALAMAT NG MGA BAYAN AT LUGAR
Formatted: Font: (Default) inherit, 9 pt, Font color: Custom Color(RGB(104,104,104)), Border: : (No border)

Noong unang panahon ay may isang batang napakatigas ng ulo. Hindi siya sumusunod sa utos at payo ng kanyang mga magulang. Sa halip ay ang mga ipinagbabawal ng ina ang kanyang ginagawa. Ang pangalang niya ay Gardo.

Isang araw, pinagsaing si Gardo ng ina. Pagkaluto ay agad siyang umalis at nakipaglaro. Nagpunta sa bakuran. Lumakad siya nang lumakad ngunit di makarating sa kanyang pupuntahan.

Gusto niyang umuwi na ngunit di niya matutuhan ang daan pauwi. Sa pagod, nakatulog siya sa lilim ng punong mangga.

Samantala, ang nanay niya ay di mapakali sa kahahanap kay Gardo. Tinulungan pa siyang kaniyang kapitbahay upang hanapin ang andk niyangsi Gardo.

Sabi ng isangkapit-bahay, "Paarang nakita ko ang anak ninyo sa kabilang ibayo. Paikot-ikot siya sa dalawang puno na para bang pinaglalaruan ng tiyanak."

"Kung hindi nyo sa makita, kumuha kayo ng bilao, ipukpok ninyo sa puno ng hagdan at tawagin nang malakas ang kaniyang pangalan," ang payo naman ng isang magsasaka. Sinunod ng ina ni Gardo ang payo ngunit wala ring nangyari.

Samantala, si Gardo naman ay nagising sa malakas na iyak ng isang bata, hubad ito at malaki ang tiyan. Nakahiga ito sa dahon ng saging. Kinalong niya ito, ipinaghele ngunit iyak pa rin ng iyak. Nagalit na si Gardo at akma ng hahambalusinnang biglang magbago ang anyo ng sanggol. Nagmukha itong matanda, mahaba ang balbas at buhok, at mukhang di naliligo. Ibinagsak ni Gardo ang matanda. Takbo siya ng takbo ngunit sa kawayanan lang pala siya tumatakbo.

Madilim na noon at siyay pagod na pagod na. Nadapa siay ngunit kahit hirap na ay pilit pa ring gumapang.

Ang ina naman nya ay umuwi na. Nagukat siya ng datnan niya si Gardo na gumagapang sa matinding pagod. Gapang siya ng gapang dahil pinaglalaruan siya ng tiyanak.

"Iyan ang napapala ng batang salbahe at matigas ang ulo," sabi ng marami. Magmula noon ay naging bukambibig na ng tao ang "Baka matulad ka kay Gardo, gapang nang gapang." Buhat noon ang pook na kinapapaligiran ng kawayan na kinakitaan kay Gardo na gumagapang ay tinawag na Gapan, ang isang bayan sa katimugang bahagi ng Nueva Ecija, na ngayon ay isa ng lungsod.

ALAMAT NG PANAY
LABELS: ALAMAT NG MGA BAYAN AT LUGAR
Formatted: Font: (Default) inherit, 9 pt, Font color: Custom Color(RGB(104,104,104)), Border: : (No border)

Noong unang panahon,isang binata ang nanirahan sa isang malaking pulo. Nabubuhay siya sa mga sariwang gulay at prutas. Taga ilog ang tawag sa kanya.

Minsan, isang matandang lalaki ang gustong makituloy sa bahay niya. Napangiti ang binata dahil magkakaroon na siya ng makakasama. May pagkakataong rin siyang makapaglingkodsa kapwa.

Pinagsilbihanniyang mabuti ang matanda na labis na humanga sa kanya.

"Salamat. Napakabait mo." anang matanda. "Siyanga pala, napansin kong maraming ibon at isda sa lugar na ito. Manghuli tayo para masarap ang ulam natin mamaya."

"Naku, huwag po. Sila po ang mga kaibigan ko rito," magalang na tanggol ng binata.

"Totoo palang napakabait mo," usal ng matanda.

Nalaman din ng matandana bigay ng mga tagabukid ang nga damit ng binata dahil tinutulungan niya sa pagtatanim at pag-aani ang mga ito. Lalong tumibayang paghanga na matanda sa kanya.

Marami namang natutunan ang binata sa mga pangaral ng matanda,tulad ng "Kung ano ang iyong itinanimay siya nomg aanihin," "Tulad sa halaman, ganyan din ang sa tao. Ang iyong kabaitan at kabutihanay gagantimpalaandin sa ibang araw. "Huwag tayong aasa na ang ating inilibing ay makikipaglibing din sa atin." "Huwag tayong dudura sa langit sapagkat laway din di sa iyo ay sasapit."

Mula noon ay naging malikhain ang binata. Dahil mabait at magiliwin sa mga nilalang ng Diyos, ang binata ay tinawag na Irog.

Napakinabangan ni Irog ang lahat ng tinuro ng natanda. Nagawa niyang panali ang mga baging. Nakagawa din siya ng isang bahay-kubo sa gitna ng ilog. Nagawa rin niyang higaan ang bunton ng mga water lily.

Isang gabi ay mahimbing ang tulog ni Irog. Hindi niya namalayang unti-unting umuusadang kubo na parang itinulak ng mga isda. Nakapaligid naman sa kanya ang nga ibon na nag-aawitan.

Mataas na ang araw nang magising siya kinabukasan. May mga gulay at mga prutas nang nakahain na dulot ng mga ibon. Malayo na ang kanyang narating. Napadpad siya sa isang napakagandang batis. Ang batis ay kaakit-akit na tila isang paraiso.

Isang umaga, may nakitang isang grupo ng mga dilag si Irog. May pakpak ang mga ito. Kasalukuyang naliligo sa batis ang mga dilag. Naakit siyang damputin ang isang pares ng mga pakpak na nakalapag sa batuhan.

Matapos maligo ang mga dilag ay malungkot na naiwan ang isa. Wala kasi itong maisuot na pakpak. Hindi ito makalilipad. Iyak nang iyak ang dilag dahil iniwan na ito ng mga kasamahan. Nagulat ito nang makita si Irog.

"Patawad po sa aking karahasan. Natuwa po ako sa mga pakpak ninyo kaya hiniram ko ng walang paalam," hinging paumanhin ng binata. "Ako nga pala si Irog. Ulila na ako at walang kasama sa buhay. Kung mamarapatin mong mahalin kita ay pagsisilbihan kita habang buhay."

Hindi na nag-isip ng matagal ang dilag. Pumayag agad ito sa kanyang pagsamo. Tinawag itong Giliw ni Irog.

"Sige, mamahalin kita sa isang kondisyon. Huwag kang mag-uuwi ng mga hayop na mabilis lumipad. Kapag ginawa mo iyon ay mawawala ako sa iyong buhay."

Tuwang-tuwa naman si Irog dahil mapagmahal din ang dilag sa mga hayop. Nagkasundo sila ni Giliw at tuluyan nang nagsama.

Biniyayaan sila ng dalawang anak makaraan ang ilang taon. Pinangalanan nila ang mga ito ng Tagumpay at Ligaya. Si Ligaya ay lumaking mabait at masunurin sa mga magulang. Si Tagumpay naman ay masipag at mabait din.

Minsan ay masaya silang nag-uusap nang magtanong si Ligaya. "Bakit kaya bihirang magsalita si Inay? Hindi naman siya pipi. Matalino naman siya at maraming alam."

Sumagot si Irog. "Huwag kang magtaka, anak. Lagi ninyong tatandaan na kapag ang dagat ay mababaw, ito ay maingay. Subalit kapag ang dagat ay malalim, ito ay tahimik.

Maraming iniaral si Irog sa mga anak. "Makinig kayo sa payo ng mga nakatatanda at lagi ninyo iyong tandaan. Ang maganda ay pulutin ninyo. Itapon naman ninyo ang masamang gawain lalo na kung makasasakit ng damdamin ng inyong kapwa."

Minsan ay nagpahinga si Tagumpay sa lilim ng isang puno. Nagulat siya ng may ibong dumapo sa balikat niya. Palibhasa ay magiliwin sa mga hayop kaya hinuli ni Tagumpay ang ibon at iniuwi sa kanilang bahay. Tuwang-tuwa naman si Ligaya dahil sa iba-ibang kulay ng ibon. Agad nila itong ipinakita sa ina.

"Nakaganda niya, hindi ba, inay?" ang natutuwang sabi ni Tagumpay.

Napaluha si Giliw. "Oo, iyan si Panay, ang aming panginoon." At mabilis na nagtungo sa silid ang babae. Dagli nitong isinuot ang mga pakpak at dagli ring lumipad palayo.

Malungkot na ibinalita ng magkapatid ang paglisan ng kanilang ina. Mula noon ay naging malungkutin na si Irog. Palagi siyang nagpupunta sa batis. Nagbabakasakali siyang bumalik si Giliw.

Ang batis na ito ang pinagmulan ng isang magandang kasaysayan ng pag-ibig. Dito nagmula ang pangalang Panay. Ngayon, ang Panay ay isang malaking pulo sa Kabisayaan

ALAMAT NG ILOG PASIG


LABELS: ALAMAT NG MGA BAYAN AT LUGAR
Formatted: Font: (Default) inherit, 9 pt, Font color: Custom Color(RGB(104,104,104)), Border: : (No border)

Payapa ang gabi noon,nagningningan ang mga talasa langit. Nagsisislbing ilaw ang liwanag sa buwan sa kapaligiran. Isang binata't dalaga ang nagpapalamig sa simoy ng hangin sa gabi. Nagawian na nilang mamangka tuwing kabilugan ng buwan.Napagkasyahan ng magkasintahan na mamangka sa ilog. Dayuhang Kastila ang nasabing binata at mayuming dalagang Pilipina ang isa. Magiliw na nanonood sa kumikinang na tala ang dalaga habang sumasagwan ang binata.

Masayang nagkukwentuhan ang dalawa sa gitna ng gabi na pumalaot sa ilog. Ngunit may napansin ang dalaga. Sa gitna ng dilim ay may magandang bulaklak ang nakita ang dalaga na nakalutang sa tubig. Agad niya itong inabot. Subalit sa pag-bot niyang iyon, ang bangkang kanilang sinasakyan ay nawala sa balance at nahulog ang binata. Sa di inaasahan, ang binata ay hindi marunong lumangoy. Sa bawat paglutang ng binata mula sa pagkalubog , tinatawag niya si Paz na tulungan siyang makaahon.

"Paz sigueme! Paz, sigueme!" Ang salitang ito ay Kastila na ang ibig sabihin ay sagipin mo ako. Sa kasawiang palad, hindi natulungan ng dalaga ang binata. Ang huling salitang nabanggit ng binata ay "Paz sig!" Hindi na muling lumutang ang binata at tuluyan na itong nalunod. Dahil sa pangyayaring ito ang ilog ay tinawag nang "Pasig" o Ilog Pasig

ALAMAT NG MINDANOA
LABELS: ALAMAT NG MGA BAYAN AT LUGAR
Formatted: Font: (Default) inherit, 9 pt, Font color: Custom Color(RGB(104,104,104)), Border: : (No border)

Mayroon isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay isang dugong bughaw, kundi dahil rin sa kanyang katangian. Di lamang siya mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang lalaki at may matipunong pangangatawan. Si Sultan ay may natatanging anak, bukod sa isang prinsesa , nakakaakit ang kanyang

kagandahan. Saan ka man maparoon, usap-usapan ang kagandahang niyang taglay.Prinsesa Minda ang ngalan niya. Dahil sa tanyag na kagandahan ni Minda, maraming tagahanga ito saan dako ng karatig pook. Marami ang nanliligaw: mga mayayaman, matalino, at may dugo ring maharlika. Dahil nga sa dami ng masugid na tagahanga nito, walang tulak siyangkabigin. Kaya minarapat ni Sultan Gutang na magkaroon ng isang pagsubok upang malaman kung sino ang higit na mapalad at karapat-dapat sa kanyang anak na si Prinsesa Minda.

Nangyari nga ang ibig ng Sultan. Marami ang sumubok sa layuning makuha ang kamay ni Minda. Halos lahat ng sumubok at nagwagi sa una at ikalawang pagsubok, ngunit nabigo sa ikatlo. Ngunit may isang prinsipe ang nagaasm-asam na sumubok sa mga patakaran ng nasabing sultan. Ngunit, bago siya sumali sa palahok, matinding pag-iisip ang kanyang ginugol. Dahil sa una ay sigurado siyang magtatagumpay, ang ikalawa ay sigurado siyang mabibigo. Kaya't muling nag-iisip . Napagpasyahan niyang humiram ng mga kaing-kaing na ang mga ginto mula sa kanyang mga kaibigang mayayaman at prinsipe upang makabuo ng labintatlong tiklis ng ginto. Dahil ang ikalawang pagsubok ay kung paano mahihigitan ang kayamanan ng Sultan.

Lalong nabuhayan ng loob ang prinsipe sa mga pagkakataon na kapag nagkakatinginan sila ng prinsesa ay para na ri siyang humahanga sa kanya. DAhil di kaila ang kagandahang lalaki ng prinsipe at kakisigan. Nabatid ng prinsipe na may pagtingin din ang prinsesa.

Sinimulan n a ang unang pagsubok kay Prinsipe Lanao sa pagsasalaysay niya sa kanyang mga ninuno mula sa umpisa hanggang sa sampung henerasyon. Higit ang tuwa niya ng makapasa sa unang pagsubok sa dahilang hindi totoo ang ika-sampung henerasyon dahil ito ay may halong imbento lamang.

Agad sumunod ang ikalawang pagsubok. Tinanong ng Sultan kung gaano karami ang kanyang dalang ginto. Agad siyang sumagot na labintatlong kaing. Walang duda ang tagumpay ni Prinsipe Lanao sa ikalawang pagsubok dahil may pito lamang tiklis nag into mayroon ang Sultan.

Ang hulong pagsubok ay agad din pinabatid sa Prinsipe kung ano ang dapat na sumunod niayang gagawin pang ganap nang mapasakamay ang mayuming si Prinsesa Minda. Pagtulay sa lubid ang ikatlong pagsubok. Pagtulay sa lubid na kapag ikaw ay nahulog sa isang malalim na bangin ay sigurado ang iyong kamatayan .

Pinagpabukas pa ang huling pagsubok upang makapagpahinga ang binata. Subali't lingid sa kaalaman ng binata na kaya pala ipinagpabukas pa ay upang mapaghandaan din ng Sultan ang gagawing patibong upang ang Prinsipe ay hindi magtagumpay. Kaagad na lumisan si Prinsipe Lanao upang makapagpahinga at mapag-aralan ang kanyang plano para sa darating na pagsubok kinabukasan.

Subali't si Prinsesa Minda ay may nabalitaan na may patibong na ilalagay ang mga tauhan ng Sultan upang mahulog ang Prinsipe.Agad na pinasiyast ni Prinsesa Minda kung ano ang ilalagay na patibong. Napag-alaman ng katulong na kakabitan ng tali an gang lubid na tatawiran ng Pinsipe na siyang magiging dahilan ng pag-uga ng lubid na magiging dahilan ng pagkahulog ng Prinsipe.

Dahil sa nabatid na patibong, kaagad na tinanggal ng mga katulong ang patibong upang walang maging balakid sa pagtawid ng butihing Prinsipe. Pagdating kinaumagahan ay naganap ang pagsubok na siya namng pinagtagumpayan ng Prinsipe. Walang nagawa ang Sultan kundi tuparin ang pangakong kasalan. Nang mamana ng Prinsipe, ang pamamahala ng lugar, marami ang nasiyahan sa pamamalakad ng mag-asawa sa pulo at mula noon pinangalanan ang isla ng Mindanao na hango sa pangalang Minda at Lanao
Search

ALAMAT NG HAGDAN-HAGDAN PALAYAN SA IFUGAO


LABELS: ALAMAT NG MGA BAYAN AT LUGAR
Formatted: Font: (Default) inherit, 9 pt, Font color: Custom Color(RGB(104,104,104)), Border: : (No border)

Ang guro sa Banaue ay kinakausap ng isang lider ng sitio. Ang sabi n glider, "Ipinagmamalaki ng Banaue ang kanyang alamat na bantog na nantog sa buong Bulubundukin. Ang Ifugao Rice Terraces ay ikawalong himala sa daigdig. Alam mo ba kung paano nagmula ito?" Si G. Malintong ang guro ay sumagot, "Ikinslulungkot ko hindi ko po alam. Gusto ko sanang pakinggan."

Nagsimula ang pagkukwento an glider habang ngumunguya-nguya ng buyo. "Noong pang kaunas-unahang panahon ang mga tao sa Bulubundukin ay may mga kaya sa buhay. Dahil sa kanilang kasaganahan ay nakalimot tuloy sila sa Diyos. Si Kabunian ay nagalit kaya pinarusahan ang mga mamamayan. Umulan ng walang patid kaya nagkaroon ng malaking baha. Tumaas ng tumaas ang tubig hanggang wala nang Makita sa paligid liban sa mga Bundok ng Pulog at Anuyao. Ang lahat ng may buhay ay nangalunod. Namatay lahat ng mga tao at ang natira lamang ay si Wigan at Bugan nam,a'y sa Bundok ng Anuyao. Nais magluto

ni Wigansubali't walang apoy. Kanyang natanaw na may liwanag na nagmumula sa bundok ng Anuyao. Kahit di pa gasinong lumalaki ang baha, kanyang nilangoy ang bundok. Siya'y tinanggap ni Bugan ng buong kasiyahan.

Nang sumunod na araw ay humupa na ng patuluyan ang baha kaya ang dalawa ay lumusong sa bundok ng Anuyao. Spagka't napag-alaman nila na walang natira sa kanilang tribo, nang magpatuloy ang buhay, sila'y nagsama bilang mag-asawa. Ang dalawang ito'y nag-isang dibdib, pati ang kanilang mga inaanak ay ang pangasawahan din kaya hindi nagtagal dumami ang tao.

Lumipas ang taon. Isang araw si Kabagan, isa sa mga apo ni Duntungan ay nagtanim ng palay sa banlikan. Ang dakilang Diyos ay nagpakita sa kaniya aat nagsalita, "Kilala kitang mabuting tao.Dapat gantimpalaan kita sa iyong trabaho. Kung sususndin moa ang aking mga tagubilin, kakasihan ka ng mga Diyoses." "Anong gusto mong gawin ko, Kabunian?"

Ang Dakilang Diyos ay sumagot, "Sabihin mo sa mga tao na gumawa ng caaoaraw at gabi ng tatlong araw na sinkad upang ako'y ipagbunyi. Kung ako'y msiyahan, uunlad ang inyong tribo."

Ipinag-bigay alam ni Kabagan sa ulo ng tribno ang kanyang narinig. Nagsimula ang paghahanda hangagng sa matupad ang nasabing seremonya kay Kabunian. Kinabukasan, si Kabaganay nagpunta sa kanyang taniman ng palay. Samantalang nagtatrabaho, napakita uli sa kanya ni Kabunian. Siya'y nagsalita, "Mabuti anak. Ako'y nasiyahan sa inyong parangal. Makinig ka ito ang aking gantimpala. Kita'y bibigyan ng aking supling ng palay na kung tawagi'y inbagar. Kinuha ko ito sa mahiwagang batis. Itanim sa iyong tumana. Ang tumana sa lahat ng oras ay dapat puno ng tubig. Magtayo ka ng dike sa paligid ngiyong taniman. Ang malapot na putik at ang batonngbuhay na yaon," tuloy turo sa duminding, ' ay kaloob ng Diyos. Hala, sundin mo ang aking tagubilin at umasa kang sa mga teres ay makikipagtagalan sa panahon."

"Salamat po, Diyos ko," ag sagot ni Kabagan nang buong pakumbaba. Nagsimulang magtayo ng dike si Kabagan. Kanyang itinayo ang teres ng palay na ayon sa tagubilin ng Kabunian. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Kabanagan. Ang lahat ay tumulad hanggang ang buong Ipugaw ay ay natalikupan ng mga teres na ngayo'y ating ipinagmalaki-hagdan-hagdang taniman ng palay na itinayo n gating mga ninuno, isang obra maestro ng inhenyeriy
Search

ALAMAT NG CHOCOLATE HILLS


LABELS: ALAMAT NG MGA BAYAN AT LUGAR

Formatted: Font: (Default) inherit, 9 pt, Font color: Custom Color(RGB(104,104,104)), Border: : (No border)

Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali't ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali't kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook.

Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya't nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang higante.

"Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!" Ito'y aking pag-aari at umalis ka na," galit na sinabi ni Higanteng mula saTimog . " Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin."

"Aba!, ako yata ang nauna rito at ito'y pag-aari ko na!" sagot ding galit ng higante mula sa hilaga. "Ikaw dapat ang umalis!"

"Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!" sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang lugar na parang lumilindol.

"Lalong hindi maaari!" mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.

Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali't gumanti rin ang isa at humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga. Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na tagaroon.

Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga naabing higante sa pagbabatuhan.

Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.

ALAMAT NG ANTIPOLO
LABELS: ALAMAT NG MGA BAYAN AT LUGAR
Formatted: Font: (Default) inherit, 9 pt, Font color: Custom Color(RGB(104,104,104)), Border: : (No border)

Noong panahon ng mga Kastila, karamihan sa mga magsasaka sa kapatagan ay umaakyat ng bundok dahil sa takot sa mga dayuhan. Sa kagubatan sila namamalagi upang makaiwas sa mga kaguluhang nagaganap sa bayan.

Akala ng mga Kastila ay natayo ng grupo ng mga maghihimagsik ang mga magsasaka. Lalo silang nagalit kaya pinag-isipan kung paano makagaganti.

Marami ang mga Pilipinong pinagbintangan nila gayong inosente ang mga ito sa kanilang ibinibintang. Hinuli nila at ipinilit ang mga ito dahil umano sa pagsapi sa himagsikan.

Nabalitaan ng mga magsasakang naninirahan sa bundok ang tungkol sa paglusob ng mga gwardiya-sibil sa kanilang lugar. Nangatakot sila.

Araw at gabi ay panay ang dasal ng mga kababaihan upang maligtas sila sa nakaambang panganib.

Isang araw ay nagpasya ang mga Kastila na umakyat na sa bundok. Laking gulat nila nang makita ang lahat, babae man o lalaki, bata man o matanda, na nakaluhod at nagdarasal.immaculate

Palibhasa ay taimtim sa pagdarasal ang mga tao kaya dininig ang kanilang panawagan. Biglang nagningning ang malaking puno ng Tipolo at lumitaw ang imahe ng Mahal na Birheng Concepcion sa itaas nito.

Dahil relihiyoso rin ang malulupit na mga Kastila, nahintakutan sila sa nasaksihan. Nagsisi sila sa mismong oras na iyon.

Marami ang nakakita sa pagmimilagro ng Mahal na Birhen. Nagpasalamat sila sa saklolong ibinigay nito. Ang masamang balak ng mga Kastila ay hindi na natuloy. Sa halip ay iginalang nila ang pook na iyon.

Masaya nilang ipinamalita sa kapwa-Kastila ang nasaksihang milagro.

"Saang lugar iyon? Pupunta rin kami!" usisa ng mga relihiyosong Kastila.

"Sa itaas ng bundok. Sa puno ng Tipolo," sagot nila. "Ipagtanong na lang ninyo at tiyak na ituturo nila sa inyo."

Paulit-ulit na nagtanong sa mga tao ang mga Kastila. "Saan ang Tipolo?"

Buhat noon ay tinawag ng Antipolo ang lugar. Nakagawian na rin ng mga dayuhan, mayaman man o mahirap, na bisitahin ang pook na iyon lalo at panahon ng Mayo

You might also like