Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Mahalagang matutunan sa estretahiya, ang mapuno ang panalangin ng pasasalamat.

Gaya ng sinasabi sa 1 Tesalonica 5: 18 Sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo, sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Cristo Jesus para sa inyo. Magpasalamat sa buhay, sa mga taong ginagamit ng Diyos para ipadama ang pagmamahal Niya sa iyo, sa mga pagpapala araw-araw, at maging sa lahat ng mga pangyayari. Sapagkat ayon sa Roma 8:28 At nalalaman natin na sa lahat ng mga bagay ang Diyos ay gumagawa sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, sa kanila na mga tinawag alinsunod sa kanyang layunin. Ano naman ang matututunan sa mga talatang ito? Juan 15:7 Kung kayo'y mananatili sa akin, at ang mga salita ko'y mananatili sa inyo, hingin ninyo ang anumang inyong nais, at ito'y gagawin para sa inyo.

Celebration of Discipline
The Path to Spiritual Growth

The Inward Disciplines: Prayer (Panalangin)


v17Manalangin kayong walang patid." (1 Tesalonica 5:17)

Markos 11:23 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang sinumang magsabi sa bundok na ito, 'Mabunot ka at mapatapon ka sa dagat,' at hindi nag-aalinlangan sa kanyang puso, kundi naniniwala na mangyayari ang kanyang sinabi, ay mangyayari nga iyon sa kanya. 1 Timoteo 2:8 v8Ibig ko ngang ang mga lalaki ay manalangin sa bawat dako, na itinataas ang kanilang mga banal na kamay na walang galit at pagaalinlangan. Makikita ang kahalagahan ng pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos sa ating mga panalangin upang itoy gawin para sa atin. May implikasyon din ang paggamit ng ating imahinasyon at maging ng ating emosyon ay mahalaga sa katuparan ng ating mga panalangin. At marami ka pang matututunan habang ginagawa ang disiplinang ito. Kailangan mo lang magsimula at maging mapagpatuloy habang buhay!

Ang Ikalawang espiritual na disiplina ay ang panalangin. Sa simpleng pagkakahulugan, ang panalangin ay isang uri ng pakikipag-ugnayan o komunikasyon sa Diyos. Tulad ng pagbubulay-bulay, ang pagkikipagugnayan ay araw-araw nating ginagawa. Ang pakikipag-kumonikasyon ang isa sa pinaka mahalaga at pinaka paboritong gawain ng tao. Sa kasaysayan , mula sa pag-ungol, panaghoy at pag-iyak, na siyang mga sinaunang kaparaanan ng pakikipag-ugnayan ng tao, natuklasan niyang magsalita at gayundin ang magsulat upang-maipahayag ang kanyang sarili at saloobin. Naimbento rin sari-saring paraan ng pakikipagugnayan; pag-gawa ng liham, telegrama, telepono, hangang magkaroon tayo ng pager at ng lumaon ay naging cellphone. Naimbento rin ang computer at internet. Lahat ng mga iyan ay para sa komunikasyon ng tao. Indikasyon ng labis na pagnanasa ng tao na magpahayag ng kanyang saloobin. Sino ba ang lagi mong kausap? Sino-sino ang laging nasa sent item at inbox ng iyong celfon, Sino ang lagi mong tinatawagan? Ang panalangin ay espiritual na aspeto ng ating pagnanais na maipahayag ang ating sarili at saloobin sa Diyos. Kung mayroong celpon para sa Diyos, lagi mo kaya siyang tatawagan o itetext man lang? 1 Kung tutuusin, di kailangan ng celpon o load. Makakausap natin Siya sa pamamagitan ng espiritual na disiplina ng Panalangin.

Ang Panginoon Jesus ay nag-iwan ng halimbawa ng Kanyang kasanayan patungkol sa panalangin. Markos 1:35 Nang madaling-araw, habang madilim pa, pagbangon ni Jesus ay lumabas siya at nagtungo sa isang ilang na lugar, at doon ay nanalangin. Mapapansin sa talatang ito ang oras at lugar na pinili ni Jesus sa kanyang disiplina ng pagdarasal. Maging ang mga naunang alagad, ang kanilang unang hiniling kay Jesus ay ang maturuan silang manalangin (Lukas 11:1). Gaya ng mga naunang Tagapagturo noon, ang panalangin ang mahalaga at pangunahin nilang itinuturo. Upang ang mga tagasunod ay magkaroon agad ng pakikipag-ugnayan sa Diyos.
Maging ang mga dakilang alagad sa kasaysayan ay kinakitaan din ng mainit na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Si Martin Luther ay nagsabing, napakarami kong gagawin kaya kinakailangan ko ang tatlong oras na panalangin. Maging ang misyonaryong si Adoniram Judson , ay laging humihinto sa lahat ng kanyag gawain upang taimtim na manalangin ng pitong beses araw-araw. Nagsisimula sa madaling araw; ika-9, alas dose, ika-3, ika-6, ika-9 ng gabi, at hating gabi siya y nagbibigay ng oras upang lihim na magdasal. Maaring hinango niya ito sa Awit 119:164 Pitong ulit sa isang araw ikaw ay pinupuri ko, sapagkat matuwid ang mga batas mo. Maaring nakakabigla sayo ang mga ganitong kasanayan. Sa halip na ikaw ay mahikayat ay maaaring panghinaan ka pa sa pagaakalang napakahirap ng ganitong gawain. Tulad ng nakalipas nating aralin, anumang dakilang bagay na uumpisan ay mistulang mahirap, ngunit kung susubukan, uumpisahang gawin, at uulitulitin, itoy magiging magaan din. Gaya ng kasabihan ang isang libong milyang lakbayin ay nagsisimula sa isang hakbang.

Magsimula sa simpleng kaparaanan na palagian itinuturo para sa mga baguhan. Ito ay ang ACTS pattern. Hango sa mga panalanging mula sa Bagong Tipan.
A Adoration & Address Pagtawag sa Ama at pagpuri sa kanyang dakilang pangalan, kaharian, at kaluwalhatian. C Confession Paghiling ng kapatawaran sa mga pagkakasalang nagawa. At pagpapahayag ng pagpapatawad din sa mga tao gumawa ng kasalanan sayo. T Thanksgiving Pagpapasalamat sa lahat ng mga bindesyon at pagpapalang ibinigay ng Diyos Ama.

S Supplication Paghingi ng mga bagay na Pangangailangan, Pagpapatnubay at Pagliligtas. Pagkilala na ang Diyos, bilang Ama, <<<< hindi Niya tayo pababayaan. Bilang Hari at Panginoon, ililigtas niya tayo mula sa mga panganib at sa masama.
Dapat ding tandaan, sa lahat ng mga disiplina, lalo na ang mga espiritual na mga disiplinang ito, ay matututunan mo kung iyong ginagawa. Hindi ito matututunan kung babasahin mo lamang. Kinakailangan gawin, at habang ginagawa mo, ikaw ay nasa learning process. Maaring sa una ikaw ay magkamali, walang masabi, at magkabuhol-buhol ang iyong nasa isip at mga nais sasabihin. Ngunit, magpatuloy ka lang, gaya noong matutunan mong magsalita, hindi agad-agad na nakapagsalita ka na ng tuwid. Gaano kaya kasaya ang magulang mo noong marinig kang unang magsalita? At sa mga pagsisikap mong matuto sa iba pang mga salita. Hindi ka tumigil noong nagkamali ka at mapahiya. Nagpatuloy kang magsalita, kahit magkabohol-bohol At paglipas ng ilang taon natutunan mo rin kung paanong magsalita. Tiyak 2 na natutuwa ang Amang Diyos na marinig kang matutong manalangin.

You might also like