Bakit Ako Nasa Paaralan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bakit Ako Nasa Paaralan?

Palagi kong naitatanong sa aking sarili, bakit kailangan ko pang mag-aral eh pwede namang hindi? Kaysarap mabuhay ng isang istambay walang pakialam ang kahit sino anumang gawin ko sa buhay kaya sinubukan kong huminto ng dalawang taon upang maranasan ang mabuhay na walang iniisip kundi kumain at gumala. Ngunit nagsawa rin ako. Hindi pala Masaya ang walang pinagkakaabalahan kaya naisip kong pumasok muli dahil sa tuwing uuwi ako ng bahay nakikita ko ang aking tatay galing sa bukid na mukhang hirap at pagod naaawa ako sa kanya at doon ako nagsimulang mangarap sa buhay. Ayaw kong matulad sa kanya. Marangal na hanap buhay ang pagsasaka ngunit mapagod. Mas mabuti ng akoy mag -aral upang kahit papano eh makabawi naman ako sa kanya, sa mga hirap at pagod niya sa akin. Gusto kong sa pagdating ng panahon ng kanyang pagtanda ay ako naman ang gumabay sa kanya. Kaya ako nasa paaralan ngayon ay upang matoto at magkaroon ng DIPLOMA na magagamit ko sa aking paghahanap ng matatag at marangal na trabaho upang sa ganon ako naman ang magpapasya para maiahon ko sa kahirapan ang aking pamilya.

JUNATHAN R. OCO Author II-Molave

You might also like