Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Page 1 of 6

Pangalan: Precious Raspado ANG PAGBANGON NG SPAIN AT PORTUGAL HEOGRAPIYA Ang Spain at Portugal ay bumubuo sa Iberian Peninsula na nasa kanlurang Europa at nasa pagitan ng Karagatang Atlantiko at Dagat Mediterranean. Ang bundok ng Pyrenees ang naghihiwalay sa Spain at Portugal. KASAYSAYAN Habang ang France at England ay nag-iipon at nagpapalakas na ng kapangyarihan, ang spain at Portugal ay unti-unti naming naghahanap ng kanyang pagkakakilanlan (identity). Noon ang Spain at Portugal ay iisang bansa na tinawag ng mg Romano na Hispania. Ang mga Visigoth ang nanirahan sa Iberian Peninsula nang bumagsak ang Imperyo Romano sa kanluran. Kinontrol nila ang lugar hanggang 711 A.D. Matapos nilang pagharian ang Iberian Peninsula, Moors (mga Muslim sa Spain) naman ang naghari sa sa lugar. Dumaan sila sa Gibraltar Strait (nghihiwalay sa Aprika at Europa sa kanluran. Pinamunuan nila ang Portugal ng halos 300 taon. Simula ng Kasaysayan ng Portugal Haring Alfonso ng Leon (isa sa Katolikong kaharian) 1095 Ibinigay niya ang rehiyon ng Portucalense kay Henry, ang kanyang kabalyero na Burgundian, dahil sa kanyang serbisyo. Section: III- Sardonyx

Henry ng Burgundy Kamag-anak niya ang Duke ng Burgundy Pinakasalan niya si Prinsesa Theresa, anak sa labas ni Haring Alfonso Sinakop niya ang Coimbra at lumaban sa mga Moors na sumakop sa Portugal 1128 Namatay siya at pinalitan ng anak na si Alfonso Henriques

Alfonso Henriques (1128-1185) Ipinagpatuloy niya ang pagpapaunlad sa Portucalense Natalo niya ang mga Moors 1140 Nakuha niya ang titulong Hari ng Portugal Siya ang nagtatag ng kaharin ng Portugal at ng Dinastiyang Burgundy 1147 Nakuha niya ang Lisbon sa mga Moors sa tulong ng mga Ingles na sumama sa Krusada. Ang pangyayaring ito ang nagpasimula ng pagkakaibigan ng Portugal at England. 1250 Tuluyang napaalis ang mga Moors sa Portugal

Dinis I o Dinis the Farmer (1279-1325) Naging kahalili ni Haring Alfonso Henriques Siya ay mahusay sa pagtula at pagsasaka Pinaunlad niya ang wikang Portuges Itinatag niya ang Unibersidad ng Coimbra at paaralang pandgat o paglalayag

Page 2 of 6
1383 Matapos mamatay ni Haring Fernando, ang huling hari ng Dinastiyang Burgundy, nagkaroon ng pagbagsak ang kaharian. Dahil sa paghina ng kaharian ng Portugal, nagplano ang Kaharian ng Castille, isa sa mga kaharian sa Spain na sakupin ang Portugal subalit bago sila dumating ay iprinoklama ng hukom ng Portugal si Joao I bilang hari ng Portugal. Sa tulong ng mga kaibigang Ingles ay naipagtanggol ang kalayaan ng Portugal laban sa Spain. Joao I ng Dinastiyang Avis (1385-1433) Nagtatag ng Dinastiyang Avis Pinakasalan niya si Philippa, isang prinsesang Ingles, anak ni John Gaunt, Duke ng Lancaster. Nagkaroon sila ng 5 anak: Duarte (kahaliling prinsipe); Pedro; Henrique (kilala bilang Henry the Navigator); Joao; at Fernando. Binalasa niya ang mga maharlikang Portugal gaya ng sa Ingles Itinaas niya ang mga talentadong mahihirap sa antas ng maharlika. Nakuha niya ang suporta ng mga bagong maharlika, mangangalakal at craft guild. Binawasan ang kapangyarihan ng Parliament sa pamamagitan ng paggawa niya ng mga batas sa tulong ng mga mapagka Sumali siya sa Kasunduan sa Windsor (1386) sa England kung saan nangako ang mga Ingles na bibigyan ng tulong military ang Portugal kung may magaganap na digmaan kapalit ng pakikipagkalakalan. 1415 Nasakop niya ang Centa, North Africa laban sa mga Moors. Ipinagpatuloy ng anak niyang si Henry the Navigator ang mga gawaing nasimulan niya.

SAGUTAN MO! Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. ___________________ 1. Mga bumubuo sa Iberian Peninsula ___________________ 2. Tawag sa mga Muslim sa Iberian Peninsula ___________________ 3. Sumakop sa Iberian Peninsul pagkabagsak ng Imperyo Romano ___________________ 4. Tinatayang haba ng pamumuno ng mga Moors sa Portugal ___________________ 5. Bundok na naghihiwalay sa Spain at Portugal ___________________ 6. Ibang tawag kay Haring Dinis I ___________________ 7. Siya ang nagtatag ng kaharian ng Portugal ___________________ 8. Alin ang dinastiyang itinatag ni Joao I ___________________ 9. Kasunduan sa pagitan ng England at Portugal noong panahon ni Joao I ___________________10.Siya ang nagtatag ng Unibersidad ng Coimbra Simula ng Kasaysayan ng Spain Ika-6 na siglo Nasakop ng Greece ang Spain at tinawag ito na Iberia. Ipinakilala ng mga Griyego ang kulturang Hellenic at nagtayo ng mga templo.Nilabanan nila ang mga Phoenician na dumating sa Spain subalit natalo sila. Ika-9 na siglo Nakarating sa Spain ang mga manlalayag na Phoenicians (Mga taga-Lebanon) dahil sa pakikipagkalakalan; at nagtatag sila ng sentro ng kalakalan sa Agadir (ngayon ay Cadiz). Tinuruan nila ang mga katutubo na sumulat at magmina. Nasakop ng Roma ang Spain matapos ang Ikalawang Digmaang Punic. Binago nila ang lugar at tinawag itong Hispania. Ipinakilala nila ang wika (Latin), paniniwala, batas, relihiyon (paganismo), edukasyon at sining ng Roma. Halos 6 na siglong napasailalim ang Spain sa Roma.

Page 3 of 6
Ika-5 Siglo Bumagsaka ang Imperyo Romano sa kanluran (476 A.D.) at nanirahan ang mga Vandal sa Andalucia, Spain. 414 Nanirahan ang sumunod na tribong Visigoths sa lugar at itinatag ang kaharian ng Spain. Kanilang pinaunlad ang Spain. Leovigid Isang mahusay na haring Visigoth ang nagbukas sa Spain ng pakikipagkalakalan at ugnayan sa Imperyong Byzantine. Siya rin ang unang hari na gumamit ng gintong barya. Naging Katolikong bansa ang Spain sa panahon niya. Bullfighting ang pinakapopular na laro sa panahon ng mga Visigoth at kasalukuyang pambansang laro sa Spain.

Gebel Tarik Isang mahusay na sundalong Moorish ang lumaban (711 A.D.) kay Haring Rodrigo ng Visigoths at silay natalo, dito nagsimulang bumagsak ang kapangyarihan ng Visigoths sa Spain. 718 Naghari ang mga Moors sa Iberian Peninsula; sinubukan din nilang labanan ang France subalit napigilan sila ni Charles Martel sa Labanan sa Tours (732 A.D.) 718-1492 Nagtatag ang mga Moors ng estado ng Muslim sa Spain. Abd-Al Rahman I (756) Isang Arabong prinsipe na bumuo sa Spain bilang isang emirate. Abd-Al Rahman III (929) Itinatag niya ang caliphate ng Cordova na naging kabisera ng Spain. Humina ang kahariang ito dahil naging mahihina ang mga naging sumunod na pinuno. Hisam III Ang huling caliph ng Cordova na napaalis sa palasyo noong 1031. Naha ti ang Spain sa ibat ibang estado dahil sa walang mahusay na lider. 1229 Napaalis ang mga Moors sa Spain maliban sa Granada; bumagsak ang Spain sa mga Katolikong Kastila. 1469 Nagpakasal si Isabela ng Castile at Fernando ng Aragon; magkatuwang na pinamunuan ang magkahiwalay na kaharian; kinikilala silang Catholic Sovereign dahil naging kakampi at tagapagtanggol sila ng Simbahang Katoliko, lalo sa Spain; at ipinalaganap nila ang Katolisismo kahit sa malalayong lugar na kanilang nasakop. Reconquista Ito ang kilusan na lumaban sa mga Moors upang ganap na mapaalis sa Spain; pinagsama Isabela at Fernando ang kanilang puwersa at noong 1492 nabawi at napalaya nila ang Granada sa kamay ng mga Moors. Catholic Sovereign Matapos ang ilang taon ay pinagsama nila ang Castille at Aragon at dito nabuo ang bagong Spain. Kasama rito ang kaharian ng Navarre (na nakuha nila noong 1512) at ang lahat ng lupain sa hilaga ng Pyrenees. Bumuo sila ng isang matatag na estado at upang mabawasan ang kapangyarihan ng mga maharlika, inalis nila sa posisyon sa pamahalaan at ipinasara ang mga kastilyong itinayo ng walang pahintulot. At ipinagbawal nila ang personal na hidwaan upang mapanatili ang kapayaan sa Spain.

Page 4 of 6
1478 Upang mapanatili ang Katolisismo, ang mga natirang Moors at Hudyo na naninirahan sa Spain ay ipinatatapon sa ibang lugar kung hindi nila tatanggapin ang Katolisismo. 1493 Nakuha nila sa France ang Rousillon at Cerdagne 1503 Nakuha nila ang Naples sa Italy 1521 Nakarating ang ekspedisyon ni Magellan sa Pilipinas (na inakalang Moluccas, na isla ng Indonesia) na nagsimula sa Spain noong 1519.

Ipinakasal nila ang kanilang mga anak sa mga makapangyarihang dinastiya sa Europa: Isabel pinakasal kay Manuel I ng Portugal; Juan pinakasal kay Margaret ng Austria, anak ni Emperador Maximillian ng Germany; Juana pinakasal kay Philip the Fair ng France; at Catherine pinakasal kay Henry VIII ng England PAG-ISIPAN MO! Makatuwiran bang gamitin ang relihiyon sa pamumuno sa isang bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot. ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ GININTUANG PANAHON NG SPAIN Charles I Naging hari noong 1516 Siyay anak nina Philip the Fair ng France at Reyna Juana (na nabaliw) 16 taon lamang siya nang maging hari at walang alam sa wika at paniniwala ng Spain dahil nagaral at nanirahan sa Ghent, Belgium. 1520 Naging emperador ng Germany na bahagi ng Holy Roman Empire; Charles V ang ginamit niyang pangalan bilang Emperador. Sa edad na 20, siya ang pinakamakapangyarihang hari sa Europa. Ginamit niya ang yaman at mga sundalo niya sa pakikipaglaban o pakikidigma: sa France (15211556); sa Lutheran ng Germany (1546-1555); at sa mga pirata ng Hilagang Aprika (1535-1541). 1556 Iniwan niya ang trono at nanirahan sa Monasteryo ng San Jeronimo; at dito siya namatay noong 1558.

Philip II Anak ni Charles I, na pumalit na hari ng Spain noong 1556. Minana niya ang Spain, Netherlands, Italy (Milan, Naples at Sicily), mga kolonya sa Timog Amerika at Pilipinas. Ginawang sentralisado ang pamamahala sa Spain at Madrid ang naging kabisera ng bansa. Pinairal ang ganap o absolutong monarkiya upang mapalaas ang kapangyarihan ng Spain at ng Simbahang Katoliko.

Page 5 of 6
Iginiit niya ang kapangyarihan ng Simbahan sa loob at labas na ugnayan. Hinangad niya na maging Katoliko ang lahat ng mga nakatira sa Spain kung kaya lahat ng mga Protestante ay pinapili niya kung magpapabinyag o aalis sa Spain. Maraming nilitis sa harap ng Inquisition ang tumanggi ay ikinulong at ang karamihan ay inusig at pinatay. Morisco mga Muslim sa Granada; silay inusig at noong 1569 ay ipinagbawal ang paggamit ng Arabic. Nagrebelde sila subalit hindi nagtagumpay. Noong 1609 ay naitaboy ni Philip II ang tinatayang 300,000 Morisco sa Spain. 1580 Nabakante ang trono ng hari ng Portugal kaya inagaw niya ang trono dahil dito ay naidagdag sa Imperyo ng Spain ang mga kolonya ng Portugal sa Asya, Aprika at Timog Amerika at ginawang lalawigan ng Spain ang Portugal. Muling lumaya ang Portugal matapos ang 60 taon.

Pamumuno ng Spain sa Netherlands (Holland) Ang pamumuno ni Philip II ay kabaligtaran sa kanyang ama na si Charles V. Natamo ni Charles V ang suporta ng mga Dutch (taga-Netherlands) subalit si Philip II ay dayuhan sa Netherlands. Hindi madaling pamunuan ang Netherlands sapagkat: 1) itoy binubuo ng 17 na lalawigan; 2) walang sentralisadong pamahalaan ang Netherlands at nahahati ito sa ibat ibang wika: wikang Flemish ang mga taga-hilaga at gitna; at French naman sa mga taga-timog; at 3) pagkakaiba ng relihiyon: Calvinismo ang 7 lalawigan sa hilaga at Katolisismo naman ang mga lalawigan sa timog. Nagkaroon din ng suliranin sa pagbubuwis at pagbabawal ng Spain sa kalakalan at industriya ng mga Dutch. Nang tangkain ng Spain na pamunuan ang Netherlands bilang isang kolonya at alisin alisin ang Protestantismo sa pamamagitan ng Inquisition, nagkaisa ang hilagang Netherlands na labanan ang Spain.

William the Silent ng Netherlands May-ari ng pinakamalawak na lupain sa Netherlands Pinamunuan niya ang pag-aalsa laban sa Spain Siya ang Prinsipe ng Orange, maliit na estado sa timog France. Sa kanyang pamumuno ang 7 lalawigan sa hilagang Netherlands ay bumuo ng liga na tinawag na Unyon ng Utrecht noong 1579. 1581 Ang lider ng Unyon ay nagdeklara ng hindi pagkilala sa katapatan sa Spain.

Winkasan ang digmaan ng Kasunduan sa Westphalia kasabay ng pagtatapos ng Thirty Years War. Kinilala ang kalayaan ng Hilagang Netherlands bilang bansang Netherlands. At ang Timog Netherlands ay nanatiling sakop ng Spain na tinawag na Spanish Netherlands o Austrian Netherlands, na ngayon ay Belgium. SAGUTAN MO! Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. Titik lamang ng sago tang isulat. A. Gebel Tarik B. Leovigild C. Charles I D. Philip II _____ 1. Ginawa niyang kabisera ng Spain ang Madrid _____ 2. Pinahina niya ang paghahari ng mga Visigoths sa Spain _____ 3. Charles V ang ibang pangalan niya _____ 4. Siyay Emperador ng Holy Roman Empire _____ 5. Siya ang nagbukas sa Spain ng pakikipagkalakalan at ugnayan sa Byzantine

Page 6 of 6
_____ 6. Sa pangalan niya nagmula ang pangalan ng Pilipinas _____ 7. Ginawang niyang kabisera ng Spain ang Madrid _____ 8. Siya ang unang hhari ng Spain na gumamit ng gintong barya _____ 9. Siyay mahusay na sundalong Moorish na lumaban kay haring Rodrigo ng Visigoths _____10. Hari ng Spain na nanirahan sa Ghent, Belgium PAG-ISIPAN MO! 1. Bakit mahalagang ipaglaban ang kalayaan ng bansa kahit na matagal nang sakop ang bansa ng mananakop? ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ 2. Ano ang nagustuhan mong bahagi/yugto sa tinalakay na kasaysayan ng Spain at Portugal? Ipaliwanag ang iyong sagot. ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ 3. Mahalaga ba na a. May alam/marunong sa bansa ang isang pinuno? Ipaliwanag ang iyong sagot. ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ b. Alam ng pinuno ang damdamin ng mga nasasakupan? Ipaliwanag ang iyong sagot. ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________

You might also like