AralPan Presentation

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ang Panahon ng Metal (200 B.C. - 1000 A.D.

)
Sa panahong ito, natuklasan ng mga unang Pilipino ang paggamit ng mga metal tulad ng tanso, bakal, at ginto sa paggawa ng mga alahas, sandata at mga kagamitang pang-industriya. Natutuhan na din nila ang paraan ng pagpapanday at paghahabi ng tela sa pamamagitan ng blackloom.

Panahon ng Metal
Ilan sa mga metal na natutuhang gamitin ng mga unang Pilipino sa panahon ng metal ay ang tanso, ginto at bakal. Sinasabing ang pagkatuklas at paggamit ng bakal ang nagbibigay-daan sa lalong pag-unlad ng pamumuhay ng mga unang Pilipino. Ang mga kagamitang bakal ay nakatulong sa kanila sa pagbubungkal ng lupa, pagputol ng mga punungkahoy upang gawing bahay at iba pang kasangkapan at paggawa ng mga sandata.Sa panahon ng metal ay natuklasan din nila ang iba't ibang di-metalikong mineral tulad ng luwad, graba, guano, quartz at iba at dulot nito ay nakagawa sila ng mga seramika, pataba sa lupa at mga kasangkapan sa pagluluto.

Mga halimbawa ng mga metal na kagamitan

KUTSILYO
SANDATA GULOK NA MGA ALAHAS

Mga katangian ng panahon ng Metal


Marunong silang gumamit ng palayok,banga,pana,bolo,kutsilyo at iba pang mga gamit na yari sa metal...Natuto na rin silang magluto at ang palay ang isa sa mga mahahalagang pagkain na kanilang nakasanayang kainin.Ang mga banga ay ginagamit nila sa pagtago ng kanilang pagkain at inumin,nilalagyan ng mga gamit sa bahay at kahit sa pangalawang paglilibing ay ginagamit rin nila ito.Kapag ang isang amo ay namatay,isasama rin ang kanyang mga kagamitan at kayamanan pati kanyang alipin dahil hanggang sa kabilang buhay ay matapat pa rin itong naglilingkod sa kanyang amo.Nagpapatunay ito na yumao na siya...

Ang unang natutuhang gamitin na metal ng mga sinaunang tao ay ang tanso o copper. Pinapainitan nila ang copper ore ng uling upang maging metal na tanso. Madalas nilang gawin itong alahas at kagamitang pandigma. Natutuhan nila ang pagproseso ng copper ore sa Kanlurang Asya.

Tanso o Copper

Wakas sa Panahong Metal

You might also like