Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Konstitusyonal na batayan ng Wikang Pambansa

Wikang Pambansa

Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang bansa. Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa.

Opisyal na Wika

Ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado sa kanyang mga mamamayan at ibang bansa sa daigdig. Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang malaman kung ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at at nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng pagsaalang-alang ng ibat' ibang salik.

Manuel L. Quezon Ama ng Wikang Filipino Unang Presidente ng Komonwelt ng Pilipinas Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ng bansa, at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon ng higit na kamalayan kung walang sinasalitang wikang panlahat halaw mula sa kanyang talumpati sa Malakanyang.

Pagpili

Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3 "Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa mga na umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nag tatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal". Suriang Wikang Pambansa (SWP) itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas Pambansa Blg. 184 (binuo ng Saligang Batas Pambansang Asamblea) Pinili ang tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika.

Mga kasapi ng SWP na kumakatawan sa walong pangunahing rehiyon sa bansa:


Jaime C. De Veyra
Cecilio Lopez Casimiro Perfecto Santiago Fonacier Felimon Sotto Felix Salas Rodriguez Hadji Buttu Zoilo Hilario Jose Zulueta

Waray
Tagalog Bikolano Ilokano Cebuano Hiligaynon Muslim Kampampangan Pangasinense

Tagapangulo
Kalihim Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad

Bakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa?


Ang

Tagalog ay malawak na ginagamit sa mga paguusap ng mga Pilipino at marami din sa bansa ang nakakaintindi ng wikang ito. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
Ang

tradisyong pampanitikan nito ang pinaka mayaman at ang pinaka maunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.

Ito ang wika ng Maynila ang kabiserang pampulitika at pang ekonomiya sa buong bansa.
At pinakahuli ay ang Tagalog din ang wikang ginamit noong rebolusyon at ng mga katipunero kung saan ang dalawang salik na ito ay mahalagang elemento sa kasaysayan ng Pilipinas.

Mga pariralang ginamit sa pagtukoy sa Wikang Pambansa bago ito tinawag na Filipino

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 Ipinagtibay ni Manuel L. Quezon ang pasya ng SWP na wikang tagalog ang batayan ng magiging Wikang Pambansa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 Nagpalimbag ng Diksiyunaryong TagalogIngles gayundin ng Balarila ng Wikang Pambansa sa pangunguna ni Lope K. Santos

Paano naging wikang opisyal ang Wikang Pambansa?

Batas Komonwelt blg. 570 Ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na wika simula Hulyo 4, 1946 Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3) Hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika. Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7) Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles

Ilan pang mahahalagang batas tungkol sa Wika

Proklamasyon Blg. 19 (Agosto1988) Idineklara ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto kada taon.

Proklamasyon Blg. 1041 (Enero 1957) idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika Memorandum Sirkular Blg. 59 (Disyembre 1996) Nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi na ng kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa CHED. Nag atas ito ng pagsasasama sa mga kurikulum ng siyam (9) na yunit ng Filipino sa mga kolehiyo at pamantasan.

Mga Sanggunian:
http://www.philippine-travel-guide.com/wikang-filipinobilang-opisyal-na-pambansang-wika.html http://www.scribd.com/doc/20660844/PAMBANSANGWIKA http://www.scribd.com/doc/35822084/Kasaysayan-NgWikang-Filipino http://gabayngwika.blogspot.com/2009/08/kasaysayan-ngwikang-pambansa.html http://wika.pbworks.com/w/page/8021658/FAQ http://www.slideshare.net/adi888jesse/batas-ng-wikangpambansa Komunikasyon ng Akademikong Filipino (Mag-Atas, et.al)

You might also like