Advertisemeb

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN I- Layunin: Nakapagbibigay ng ideya at kaisipan tungkol sa balitang narinig. Natutukoy ang pangunahing ideya at paksa sa balita.

Pagpapahalaga: Masusing pakikinig ng balita.

II- Paksang Aralin: Pagbibigay Ideya sa Balitang Narinig. Pagtukoy sa Pangunahing Paksa ng Balita. Sangguniang Aklat: RBEC 15, P. 49-51, Bagong Filipino sa Salita at Gawa, Hiyas sa Pagbasa p. 219-220. Kagamitan: Aklat, larawan, tsart, manila paper, cartolina strips, mapa. III- Pamamaraan: 1. Panimulang Gawain: A. Pagsasanay: Tula: Mag-aral, mag-isip upang tumalino Magbasa ng tumalas ang isip nyo Kapag tapos na ang lahat ng ito Saka tayo mag pasyal o kayay maglaro. B. Balik Aral: Anu-ano ang mga narinig ninyong balita kaninang umaga sa Radio o kaya sa telebisyon? 2. Bagong Aralin: 1. Pagganyak: Sino sa inyo ang nakikinig ng balita? Ano ang malalaman natin sa balita?

2. Paglalahad: Balitang Pang-umaga Ginunita Himagsikan sa Pinaglabanan Nilagdaan ni dating Pangulong Ramos ang Proklamasyon Bilang 1072 kaugnay sa paggunita sa ika-100 taong Himagsikan sa Pinaglabanan.. Ang batas na ito ang nagtatakda sa ika-30 ng Agosto bilang pista opisyal sa San Jua, Metro Manila. Gugunitain sa araw na ito ang pagsalakay ng mga kawal- Pilipino sa imbakan ng mga armas sa Pinaglabanan, San Juan Noong ika-30 ng Agosto.

1. Mga Gawain: Gawain 1: Basahin muli ang Balitang Pang-umaga. Sagutin ang mga patnubay na tanong sa balita. Sino, ano, saan, kalian, bakit at paano.

Gawain 2: Suriing mabuti ang balita at sagutin ang mga tanong. i. Ano ang paksa ng balita? ii. Ano ang pangunahing diwa? iii. Anu- ano ang sinasagot sa patnubay ng balita?

Gawain 3: Sagutin ang mga tanong tungkol sa balitang nabasa. 1. Ano ang ideya at isipan tungkol sa balitang narinig? 2. Ano ang pangunahing ideya at paksa sa balita?\

4. Pagtatalakay: Pag tayo ay nakarinig ng isang balita, ano ang dapat nating tandaan?

5. Paglalahat: Ano ang pangunahing paksa sa balita? Ano ang ideya at kaisipan sa balitang natatalakay? Anu-anong patnubay na tanong sa balita?

6. Paglalapat: Magkaroon ng dayalogo tungkol sa balitang narinig. Maaaring galling sa pahayagan at pagkatapos itatanong ang ideya at kaisipan ng nasabing balita.

IV- Pagtataya: Hiyas ng Pagbasa ph. 219. Binalasang Alaska Tune-up Makinig ng isang maikling balita at sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang paksa ng balita? 2. Ano ang buod ng balita? 3. Ibigay ang ideya at kaisipan sa balita.

V- Kasunduan: Basahin nag balita sa Hiyas ng Pagbasa ph. 220 at sagutin ang mga tanong sa ibaba ng balita. Isulat sa inyong assignment notebook.

You might also like