Dula Dulaan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang dulang ito ay pinamagatang Ang Matapat na Bata ay Pinagpapala

Mga Tauhan: Mang Teban (Yuri Booc) Aling Pepay(Lorraine Vito) Jun-jun(Third Vista) Ray-ray(Lindsay Esparrago) Tagapagsalaysay/Teacher(Reinaflor Talampas) Isang araw sa tahanan nila Mang Teban

ALING PEPAY: Mga anak, halina kayo at kumain na tayo.. MANG TEBAN: Aba, mga anak, bilis-bilisan ninyo at medyo gutom na kami ng nanay nyo! JUN-JUN AT RAY-RAY : RAY-RAY: JUN-JUN: RAY-RAY:

Nandiyan napo tatay!

(Tumatakbo silang magkapatid pero nagtatalo)

Sabihin mo na kasi Kuya.. Natatakot ako eh! Sige na kuya, mas maganda kung sabihin na natin kina nanay..

ALING PEPAY: Jun-jun, Ray-ray, ano ba yung pinagtatalunan nyo? RAY-RAY: JUN-JUN: Kasi po Nanay, sobra po ang sukli ni kuya sa canteen kanina..Hindi pa po niya naisoli. Nanay, kasi po , kasi pohindi ko po nabilang agad ang sukli..

MANG TEBAN: Jun-jun, pagpasok mo bukas, isauli mo na anak ha. JUN-JUN: Opo, Tatay..

ALING PEPAY: Alam mo ba anak kapag matapat kang bata, malulugod ang Diyos sa iyo..

Kinabukasan, sa classroom.. JUN-JUN: Teacher, sobra po ang sukli na naibigay sa akin sa canteen kahapon. Eto po ang P 20.00 na sobra.

TEACHER:

Ang husay! Ang bait na bata! Salamat!

Haharap ang Teacher sa kanyang mga estudyante. TEACHER: Mga bata, gayahin nyo si Jun-jun, isang matapat na bata!

Sa pag-uwi, sinalubong si Junjun at Ray-ray ng kanilang mga magulang at tinanong. ALING PEPAY: Jun-jun naisoli mo ba anak ang sobrang sukli? JUN-JUN: Opo, nanay!

MANG TEBAN: Ito ang tandaan nyo mga anakang matapat na bata ay pinagpapala.

Tandaan natin, sa lahat ng bagay, dapat tayo ay laging matapatHonesty is the best policy sabi nga sa wikang Ingles. Dito po nagtatapos ang aming mga dula Ang mga nagsiganap na tauhan: Yuri Booc bilang Mang Teban Lorraine Vito bilang Aling Pepay Lindsay Esparrago bilang Ray-ray Third Vista bilang Junjun At ang inyong likod Reinaflor Ysabelle Talampas bilang Tagapagsalaysay at Teacher

You might also like