Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ako po ay 32 taong gulang. Meron po ako nagging textmate.

Nagkamabutihan po kami sa aking katextmates at kahit di pa po kami nagkikita ay nagging mag-on po kami. Pagkatapos po ng dalawang buwan nang aming pagiging textmates na may relasyon, napagpasiyahan po naming na mag-eyeball o magkita. Napansin ko nang magkita kami na medyo bata pa po siya pero sabi niya po ay disi-otso na taon napo siya. Siya naman po ay aking pinaniwalaan. May nangyari po sa amin ng gabing yun kami ay nag eyeball. Nag-tsek in po kami sa hotel. Noong sumunod pong araw, sumama pa rin po siya sa akin at kami po ay natulog sa aking kapatid. Ngayon po, ang aking problema ay ganito. Nalaman po ng kanyang magulang ang nangyari sa amin at ako po ay inereklamo sa pulisya. Ang sabi po nila ay ni-rape o ginahasa ko daw po ang kanilang anak na ang totoong edad pala ay labing-isang taong gulang. Ang tanung ko po ay kung possible po bang akong kanilang ihabla ng rape o pangagahasa ngayon ang kanilang anak ay aking kasintahan at kung may nangyari man pos a amin yun ay di ko siya pinilit. Sagot: Ang batas na sumasaklaw sa rape ay Revised Penal Code 335 na naamendahan ng RA 8353 o ng Anti-Rape Law ng 1997. Ang rape o pangagahasa ay pakikipagtalik kung saan: a) gumamit ng lakas o pananakot, b) kung saan ang babae ay nawala sa kanyang katinuan o kaya ay walang malay, c) at kung saan ang babae ay may edad dose anyos pababa o walang sa kanyang normal na pag-iisip. Sa iyung salaysay ikaw ay nakipagtalik sa sa isang batang babae na hindi naabot ang edad ng pahintulot . Samakatuwid, kahit na parehong partido lumahok maluwag sa loob, ayon sa batas ikaw ay puwedeng sampahan ng kasong statutory rape dahil ikaw ay nakipagtalik sa iyong nobya na ang menor de edad.

You might also like